• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content

Loading…

Flash Player 9 (or above) is needed to view presentations.
We have detected that you do not have it on your computer. To install it, go here.

Like this presentation? Why not share!

Presentation

on

  • 5,557 views

 

Statistics

Views

Total Views
5,557
Views on SlideShare
5,545
Embed Views
12

Actions

Likes
2
Downloads
296
Comments
1

1 Embed 12

http://www.leadlms.com.sg 12

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel

11 of 1 previous next

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
  • Thanks for this helpful presentation. (',)
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Presentation Presentation Presentation Transcript

    • Marlon Afable Zafe
      • ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
      • Simuno o Paksa
      • Ang Simuno o Paksa ( Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.
        • Halimbawa:
          • Naglalaro si Crisanto ng ahedres. ( gumanap ng kilos )
          • Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda ( pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa )
          • Si Melody ay kumakanta sa liwasan ngayon.
      • Panaguri
      • Ang Panaguri ( Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
        • Ito ay maaaring:
        • panaguring pangngalan
        • panaguring panghalip
        • panaguring pang-uri
        • panaguring pandiwa
        • panaguring pang-abay
        • panaguring pawatas
      • Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas. ( pangngalan )
      • Sila ang aawit sa misa. ( panghalip )
      • Malulusog ang anak niyang kambal. ( pang-uri )
      • Naglalaba ang kanyang ina. ( pandiwa )
      • Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat. ( pang-abay )
      • Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya. ( pawatas )
      • Payak
        • Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.
        • Halimbawa:
          • Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.
      • Payak na Simuno at Payak na Panaguri
        • Halimbawa:
          • Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.
      • Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
        • Halimbawa:
          • Si Ding at Dang ay matalino sa matematika.
      • Payak na Simuno at Tambalang Panaguri
        • Halimbawa:
          • Si Toto ay matulungin at madasalin.
      • Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri
        • Halimbawa:
          • Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.
      • Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo
        • Halimbawa:
          • Umuulan!
          • Sunog!
      • Tambalan
      • Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;).
        • Halimbawa:
          • Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin ; samantalang ang karamihan ay gumagawa.
      • Hugnayan
      • Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
        • Halimbawa:
          • Ang manggagawang ginantimpalaan  dahil sa kanyang kasipagan sa pagtatrabaho sa kompanya  ay nanay ni Randy.
      • Langkapan
      • Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa.
        • Halimbawa:
          • Tayong mga magkakagrupo ay kailangang magtulungan  para  mabilis nating matapos ang ating gawain. Dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas ,   kailangan nating magtulungan  upang tumatag ang ekonomiya.
      • Karaniwang Ayos
      • Ang panaguri ay nauuna sa simuno.
        • Halimbawa:
          • Mabilis magsampay ng damit si Nena.
      • Di-karaniwang Ayos
      • Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng simuno sa pangungusap.
        • Halimbawa:
          • Si Nena ay mabilis na nagsampay ng damit.
      • Batayang Pangungusap: Nag-aral si Engelbert sa math.
      • Lagyan ng mga paningit
      • Kabilang sa mga paningit ay ang mga salitang: daw,    kaya,    ba,    sana,   at iba pa.
        • Halimbawa:
          • Nag-aral  kaya  sa math si Engelbert?
      • Gumamit ng pang-uri bilang panuring
        • Halimbawa:
          • Nag-aral  ng mabuti  sa math  ang batang  si Engelbert.
      • Gumamit ng pang-abay bilang panuring
        • Halimbawa:
          • Nag-aral ng mabuti sa math si Engelbert  para sa darating na kompetisyon .
      • Paturol
      • Ito ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok ( . ).
        • Halimbawa:
          • Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.Ang mga kabataan ngayon ay mahilig magbulakbol.Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas.
      • Pautos
      • Ito ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.)
        • Halimbawa:
          • Dalhan mo ako ng pasalubong.
      • Anyo ng Pautos
      • Pautos na Pananggi
      • Pinangungunahan ng salitang " huwag ".
        • Halimbawa:
          • Huwag kang lalabas ng bahay.
      • Pautos na Panag-ayon
      • Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.
        • Halimbawa:
          • Ipaluto mo si Marissa ng tinola
      • Patanong
      • Ito ay nagsasaad ng isang katanungan.
      • Anyo ng Patanong
      • Patanong na masasagot ng OO o Hindi
        • Halimbawa:
          • Kumain ka na ba?
      • Pangungusap na Patanggi ang Tanong
        • Halimbawa:
          • Hindi ka ba papasok?Hindi ka ba kakain dito?
      • Gumagamit ng Panghalip na Pananong
      • Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang:    ano,    alin,    sino,    saan    at iba pa.
        • Halimbawa:
          • Ano ang iyong kinain kanina?Alin ang pipiliin mo?
      • Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
        • Halimbawa:
          • Siya ba ay pupunta rin?Tayo ba ay aalis na?
      • Tanong na may Karugtong o Pabuntot
      • Halimbawa:
        • Kumain ka na, hindi ba?Dumaan ka na dito, hindi ba?
      • Pakiusap
      • Ito ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap.
        • Halimbawa:
          • Maaari po kayong umupo.Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas.Maaari po ba akong lumabas bukas?
      • Panamdam
      • Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin.
        • Halimbawa:
          • Hala!Aba!Ha!Hoy!Gising!Naku!Magnanakaw!
      • Pandamdam
      • Nagpapahayag ng matinding damdamin.
        • Halimbawa:
          • Ay mali!
      • Modal
      • Nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap.
        • Halimbawa:
          • Pakiabot nga.
      • Eksistensyal
      • Ito ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala.
        • Halimbawa:
          • May tao sa loob.Mayroon ganyan doon.
      • Temporal
      • Ito ay nagsasaad ng sagot tungkol sa panahon.
        • Halimbawa:
          • Sa Linggo.Mamaya.
      • Penomenal
      • Ito ay nagpapahayag ng pangyayari.
        • Halimbawa:
          • Lumindol sa Africa.Bumabagyo sa Bikol.
      • Pormulasyong Panlipunan
      • Ito ay nagpapahayag ng paggalang.
        • Halimbawa:
          • Makikiraan po.Tao po.Salamat po.