• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
Ang mga pagbabago ng mga morfofonemiko(blacboard theme)
 

Ang mga pagbabago ng mga morfofonemiko(blacboard theme)

on

  • 6,433 views

 

Statistics

Views

Total Views
6,433
Views on SlideShare
6,431
Embed Views
2

Actions

Likes
2
Downloads
212
Comments
0

1 Embed 2

http://www.leadlms.com.sg 2

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Ang mga pagbabago ng mga morfofonemiko(blacboard theme) Ang mga pagbabago ng mga morfofonemiko(blacboard theme) Presentation Transcript

    • MgaPagbabagongMorfofonemiko
    • Nagkakaroon ng mg pagbabagu-bago ng anyo ang morfema gawa ng impluwensya ng kaligiran. Tinitukoy ng kaligiran ang mga katabingfonema na dahilan sa pagbabago ng anyo ng morfema ay tinatawag na pagbabagong morfofonemiko. May iba’t-ibang uri ang pagbabagong morfofonemiko.
    • 1) Asimilasyon-kung naasimila ng isang morfema ang tunog ng isa pang morfema,tinatawag itong asimilasyon.May dalawang uri ng asimilasyon- ang asimilasyong parsyal o di-ganap, at ang asimilasyong ganap. Halimbawa ng isang asimilasyong parsyal o di- ganap. Kung ang panlaping pang- ay inuunlapi sa salitang ugat na laro nagiging panlaro ito.Mapapansing naaasimila ng fonemang /l/ ang tunog ng /Ƞ/ kaya ang /Ƞ/ ay naging /n/ na.Di-ganap o parsyal lamang ang pagbabago sa fonemang panlapi.
    • Kung ang panlaping pang- ay ikakabit naman sa salitang ugat na sukat magigingpanukat ito. Ang fonemang /Ƞ/ ay mas mahina sa fonemang /s/ kaya naaasimila nito ang /ŋ/na tunog at nagiging pan-.Ngunit dahil sa may tinig ang tunog na /n/ at walang tinig ang /s/, nagiging mas malakas ang /n/ at “hinihigop” nito ang /s/ kaya naging panukat ito.
    • 2.)Pagpapalit ng fonema Isa itong uri ng pagbabagong morfofonemikokung saan a. Ang d ay nagiging r napapagitnaan ngdalawang patinig. Hal. Ma- + dunong = marunong Lakad + -an = lakaran Dagat +ka- -an = karagatan
    • Ngunit dapat tandaan na hindi salahat ng salita ay nagaganap ito. Naririto ang ilang halimbawa—madaga(maraming daga); kadugo (kamag-anak); nakadamit (may suo na damit).
    • b. Ang o ay nagiging u kapag nilalagyan ng hulapi at kung inuulit ang salitang ugat.Hinuhulapian Inuulit ang salitang ugat tao - tauhan tago - tagu-taguandamo - damuhan grupo- grupu-grupo Dulo - duluhan kulo - kulung-kulo Bato - batuhin bato - batu-bato
    • c. Ang an ay nagiging han kung ang salita ay nilalagyan ng hulapi angsalitang ugat na nagtatapos sa patinig at binibigkas nang malumanay o mabilis. sara- sarahan pasa- pasahan takbo- takbuhan
    • 3.)Pagkaltas ng fonema Ito ang pagbabagong morfofonemiko nakapag nilalagyan ng hulapi ang salitang-ugat ay may nawawalang fonema sa loob g salitang-ugat. dama + -in = damahin damhin sara + -an = sarahan sarhan takip + -an = takipan takpan
    • 4.)Paglilipat-diinIto ang pagbabagong morfofonemiko na nalilipat ang diin ng salita kapag nilalapian lúto + -an = lutúan sáma + -an = samáhan samahán
    • 5.)Metasis Ito ang pagbabagong morfofonemiko na nagkakaroon ng pagpapalitan ng fonema saloob ng salita kapag nilalapian.May mga salita ring bukod sa nagkakapalitan ang fonema ay may nagaganap pa ring pagkakaltas ng fonema. tanim + -an = taniman tamnan atip - -an = atipan aptan luto + -in = linuto niluto
    • Hindi alam ng mga tagapagsalita ngisang wika ang lahat ng mga salita sakanilang wika. Ngunit alam nila angmorfema ng kanilang wika. Pinagsasamanila ang mga morfim upang makabuo ngmga salita. Maraming mga bagong salitaang naidagdag na at maaring idagdag pa saleksikon o vokabularyo ng wikang Filipinodahil sa prosesong ito. Ilan sa paraan sapagbubuo ng mga salita ang mgasumusunod.
    • Pagtatambal. Marami na ting mga salita ang nabuo sa pamamagitanngpagtatambal ng mga morfema na naging bahagi na ng wikang Filipino dahil tinanggap ito ng masa. Halimbawa ritoang mga salitang dulawit na pinagtambal na dula at awit; balarila mula sa bala ngdila; bahaghari mula sa bahag at hari, at marami pang iba.
    • Akronim. Hango ito mula sa mga inisyal o mga unang pantig ng mga salita. Katulad ng NSO mula sa National Statistics Office; MSU- IIT para sa Mindanao State University-IliganInstitute of Technology; PAL para sa Philippine Airlines; DOLE para sa Department of Laborand Employment; GABRIELA para sa General Assembly Binding Women for Integrity, Equality, Leadership, and Action;GAD para sa Gender and Development, atbp.
    • Pagbabawas o clipping. Ang prosesong ito ay ang pagpapaikli ng mga salita na kadalasang ginagamit sa pasalitang paraan. Ilang halimbawa ay ang fon para satelefon; sel para sa selfon; dok para sa doctor; direk para sa director; mads/pads para sa kumare kumpare; tser para sa titser; kabs para sa kababayan; at iba pa.
    • Pagdaragdag. Kung may mga salitang binabawasan, mayroon din naming dinaragdagan. Ang halimbawa rito ay ang salitang boss na ginagawang bossing; sampalin na ginagawang sampalilukin.
    • Paghahalo o blending. Ang paraang ito ay ang pagbabawas at pagtatambal ng mga salita. Isangmagandang halimbawa ditto ang salitangbanyuhay mula sa mga salitang bagonganyo ng buhay; cha-cha mula sa charter change; crispylicious mula sa crispy at delicious; gravylicious mula sa gravy at delicious.
    • Mga salita mula sa mga pangalan. Sa pagiging malikhain sa pagbubuo ng mga salita, may mga pangalan ng produkto o brand na nagiging pandiwa. Ang brand na Xerox na kinabitan ng panlapi ay nagiging nagseroks, magseseroks, nagpaseroks. Ang brand ng produkto ay nagiging pangngalan pambalana tulad ng Tycoon, na kapag bumibili ng floorwax, ang tinatanong ay – Mayroon bakayong takun? Tulad din ito sa brand ng tutpeyst na Colgate. Dahil pangunahing brand ito kaya ipinapalagay ng iba na ito na mismo ang tutpeyst. Madalas tuloy na marinig ng mga tindera ang – Mayroon ba kayong kolgeyt na
    • Leksyon 2: Sintaks Sintaks ang sistema ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang makabuo ng mga parirala at mga pangungusap. Sa pagbubuo ng mga parirala at mga pangungusap mahalagang malaman ang kategoryang leksikal na kilala bahagi ng pananalita. Kabilang sa mga kategoryang ito ang mga salitang pangnilalaman na binubuo ngpangngalan, panghalip, pang-uri at pang-abay at mga salitang pangkayarian na binubuo ngpangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy at pangawing.