ISANG PAGSUSURI  NI MARICEL A.CASTILLANO BEED-3
TALAAN NG MGA NILALAMANI-     Panimula       a. Layunin       b. PaksaII-    Talambuhay ng May-akdaIII-   TemaIV-    Tauha...
I-    Panimula         LayuninAng aking mga layunin sa nobelang ito ay:         a. Matukoy kung anong Teoryang pampanitika...
PaksaMarami ang aking mga layunin sa kwentongito kaya dapat ko poitong pag-iisipan para matupad ko ito.Magsasagawa ako ng ...
II-    Talambuhay ng May-akdaSi Efren A. Abueg ay ipinanganak noong ika-3 nga Marso 1937 sa Tanza, Cavite.Marami na siyang...
III-   TemaMagbigayanDapat tayong mga mamayan ay magbigayan kung sobra sobra naman angbiyaya na binigay sa atin ng Diyos, ...
IV- TauhanAdong-isang batang mamalimos na ulila,sa tabi ng simbahan ng Quiapo.Aling Ebeng-matandang babae na kasamahan ni ...
V-     BuodMabangis na Lungsod ni Efren A. AbuegSadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina ataba...
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parangmga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.K...
ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa.Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng ...
mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryangnapagpalimusan."Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ...
VI-    TunggalianA- Tao sa Tao   Halos ang mga tao na pinaglilimusan ni adong ay nandidiri at   kinasusuklaman.B- Tao sa K...
VII- Teoryang PampanitikanTeoryang RealismoSinusuri hindi lamang ang kultura kundipati ang pulitika, ekonomiya atpilosopiy...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Mars

322
-1

Published on

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
322
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
1
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Mars

  1. 1. ISANG PAGSUSURI NI MARICEL A.CASTILLANO BEED-3
  2. 2. TALAAN NG MGA NILALAMANI- Panimula a. Layunin b. PaksaII- Talambuhay ng May-akdaIII- TemaIV- TauhanV- BuodVI- TunggalianVII- Teoryang Pampanitikan
  3. 3. I- Panimula LayuninAng aking mga layunin sa nobelang ito ay: a. Matukoy kung anong Teoryang pampanitikan ang kwentong Mabangis na Lungsod , b. makilala ang mga pangunahing tauhan sa akda, c. malaman ang pagtutungali ng mga tauhan, d. malaman kung sino ang may-ari/awtor ng kwentong ito, e. malaman kung ano ang talambuhay ng may akda, at f. makagawa ng buod sa ang kwentong Mabangis na Lungsod .
  4. 4. PaksaMarami ang aking mga layunin sa kwentongito kaya dapat ko poitong pag-iisipan para matupad ko ito.Magsasagawa ako ng mga masinsinang pananaliksik paramalalaman ko kung anu-ano ang nilalaman ng akda ni Efren A.AbuegSusuriin ko po ng mabuti para malaman ang aking pagkakagawa,gagamitin ko bilang sangkap ang mga modernong teknolohiyaupang mapadaling tuparin ang aking mga layunin sa paksa kayapara sa akin malaking tulong po ito sa panahongito.Kinakailangan ko lang ang mataas na pasinsiya upangmaganda ang aking pagsusuri at siguradong matupad ang akingmga layunin.Isa ring sangkap ang libro na nakakatulong upang sa pagtupadsa aking mga layunin sa paksa. Alam ko marami rin tayongmakukuha ng sapat na impormasyon.
  5. 5. II- Talambuhay ng May-akdaSi Efren A. Abueg ay ipinanganak noong ika-3 nga Marso 1937 sa Tanza, Cavite.Marami na siyang natanggap na awards at recognitions. Isa na rito ang GawadPambansang Alagad ni Balagtas at apat na Liwayway Literary Prizes para sa mganobelang naisulat niya. Ang nobelang “Merah Tua” ay kasalukuyang inilathala saLiwayway. Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat angBugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor atbumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agossa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino(1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).Humakot ng parangal siAbueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963,1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalangGawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad PambansangAlagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL);Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).Sumulat at nag-edit ng maramingmga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwapribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sakolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk nasinulat ng ibang awtor.Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sapagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University(1965–1972), PhilippineCollege of Commerce(1971–1972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–1977),Ateneo de Manila University (1977–1978), at De La Salle University (1979–2006).Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986–1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine FolkloreSociety.
  6. 6. III- TemaMagbigayanDapat tayong mga mamayan ay magbigayan kung sobra sobra naman angbiyaya na binigay sa atin ng Diyos, hindi natin ipagkait ang kunting halaga ngmga barya.MagsikapKinakailangan din nating magsikap upang may kakainin tayo sa araw araw athindi tayo umaasang manghingi sa ating kapwa dahil sa kakahingi natin aymarami ng maiinip sa atin kaya magsipag at mamuhay ng tama.
  7. 7. IV- TauhanAdong-isang batang mamalimos na ulila,sa tabi ng simbahan ng Quiapo.Aling Ebeng-matandang babae na kasamahan ni Adong.Bruno-ang mapangabuso na lalaki na nangongolekta ng pera sa mganamamalimos;sina adong.
  8. 8. V- BuodMabangis na Lungsod ni Efren A. AbuegSadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina ataba, siya pang kinakaya-kaya.Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalakit maliliitna lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waringmanipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang samga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sadilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ngmabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na siAdong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. KayAdong, ang gabiy naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon,kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan niAdong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- atang Quiapo.Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na angnagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa,alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabiy mailawat mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isangbagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan aybuhay ni Adong.Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mganagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ngpunongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay angsimbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay naiyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso paupang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
  9. 9. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parangmga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghalisa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mgabisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw natunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyangsikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sakanyang katawan."Mama... Ale, palimos na po."Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbayng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang aynapapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas."Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ayhirap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay yan ng mga magulangpara maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat angbahagi ng pangungusap na iyon ay untang sa kanya ni Aling Ebeng, angmatandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalatakay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyanghindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walangbawas."May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga matanitoy nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.At ang mga kamayni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya samasakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal dingkumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sakanyang bituka."Maawa na po kayo, Mama.. Ale..gutom na gutom na ako!"Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalakingbitak ng lupa. Ang mga taoy naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy naibinuburol ng karukhaan.Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maiklingsandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waringnagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan
  10. 10. ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa.Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad atpagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan."Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mangpinatutungkulan. Manapay para sa lahat na maaring makarinig.Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bitukaang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sakanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waringdinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habangnagdaraan sa kanyang harap ang mga tao malamig, walang awa, walangpakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyangkalooban. Iwan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya mataposmapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadaraiyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pat waring umuuntag sa kanya nagumawa ng isang marahas na bagay.Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag,sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit samarurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis angmalinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan.Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niyay hindina napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan,makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mgakamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ngnagmamadaling pag-iwas."Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Angmalapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulongpinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinamaniya ang mga barya roon.Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugongbiglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindinakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay
  11. 11. mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryangnapagpalimusan."Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilisniyang sinabi sa matanda."Ano?naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sapaglalakad, sa simulay marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ngbakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ngmga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mgataong salu-salubong sa paglalakad. At akala niyay nawala na siya sa loob ngsinuot niyang mumunting iskinita.Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas naiyon sapamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong aytumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kayBruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha,sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mulat pay nakilala niya atkinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. Atiyon ay matagal din niyang ipinakalansing."Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibigniyang tumakbo.Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit angmga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig,niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihangmaghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan."Bitiwan mo ako!Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman nalamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya.Nahilo. At pagkaraanng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaangbiglang kumandong sa kanya.
  12. 12. VI- TunggalianA- Tao sa Tao Halos ang mga tao na pinaglilimusan ni adong ay nandidiri at kinasusuklaman.B- Tao sa Kanyang Sarili Sa nararamdamang gutom ni adong ay naisip niya sa kanyang sarili na magnakaw nalang upang may makakain. Takot ang nadama ni adong noong gumawa siya ng paraan na mandukot sa bulsa ni Bruno.C- Tao sa Lipunan Si ay Bruno sinisimbolo niya ang mgamasasamang tao sa lipunan na gumagamitng ibang tao para umunlad. Sinalaysay sakwentong ito na malaking problema ito sa ating lipunan dahil sa paglaki ng pupolasyon ay marami ng naghihirap.
  13. 13. VII- Teoryang PampanitikanTeoryang RealismoSinusuri hindi lamang ang kultura kundipati ang pulitika, ekonomiya atpilosopiya, isang kumpleto at ganap na paraan sapag-iimbestiga sakaranasan ng tao. Nakasandal ito sa konsepto ng realismo at hindimaititiwalag ang akda sa kontekstonito sa lipunan at panahon.Sa ating realidad nakikita naman natin sa ating kalagayan ngayon maramitalaga ang naghihirap kaya marami ang nanglilimos sigurado na maypananagutan ang mga magulang sa kanyang mga anak na bigyan ng mgapangangailangan kagaya ng pagkain, edukasyon at moralalidad upang sapaglaki ng ating mga kabataan ay hindi sagbot/damo sa ating katilingban.

×