Short story , , ,tagalog

1,448 views

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
1,448
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
5
Actions
Shares
0
Downloads
2
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Short story , , ,tagalog

  1. 1. JOY‟s POV: Nag-beep na naman ang phone ko. Sigurado akong si Best na naman yon. Kanina pa kasi siya text ng text. ''Best, how are you? I've been texting you all day.'' Text niya for the 'nth time. Gusto niya kasing ikwento sa akin na may panibago na naman siyang achievement. Ganon siya lagi, at ganon din ako sa kanya. Ginagawa naming Diary ang isa't-isa. The living, laughing, and crying diary. College days ng mag-krus ang landas namin. Kasagsagan ng ulan noon ng mag-drill kami sa ROTC. Ramdam kong nanginginig na ang mga tuhod ko. Any moment alam kong babagsak na ako. Then she came. ''Santiago! Ok ka lang?'' tanong niya habang nakatitig siya sa akin. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang hilo kaya umiling na lang ako. Buti na nga lang CNCO/Platoon Leader kami kaya malaya kaming lumakad- lakad habang may drill. ''Medic! Medic! '' sigaw niya sa mga medics na nakatambay sa shed. ''Kumapit ka sa akin Santiago.'' inalalayan niya ako habang hinihintay namin ang medics. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Dinala nila ako sa Grandstand para makapagpahinga at di mabasa ng ulan. Hindi naman ako nagcollapse kaya dinig ko ang pagkataranta ni Romero. Dali- dali niyang hinubad yung coat at combat shoes ko. Saka niya ako pinainom ng tubig. ''Nilalagnat ka, dapat hindi ka na nag-drill, tsk!'' sermon niya habang pinapainom ako ng tubig. We're not close that time. Tanging apelyido lang ang siyang pagkakakilanlan namin. Isa siya sa mga ginagalang na Platoon Leader sa batch namin. Hindi siya yung tipong magbibigay ng punishment sa mga kadete na hawak niya. Bibihira din siyang magalit. Lahat sila sinasabing mabait siya kaya pati mga COCC namin ka-close niya. ''Teka lang ha.'' paalam niya saka siya patakbong umalis. Hilong-hilo ako kaya pumikit muna ako. Malaking tulong na tinanggal ni Romero ang coat at combat shoes ko kaya lumuwag ang paghinga ko. ''Santiago magpalit ka muna ng damit. Basang-basa yang suot mo.'' utos niya sabay abot ng plain white shirt. ''Salamat.'' tugon ko. Pagka-abot niya ng damit agad siyang tumakbo sa field para balikan ang pagtuturo sa mga kadeteng hina-handle niya. Agad din akong nagpalit ng damit tutal malayo ako sa field at ako lang mag-isa dito sa grandstand kaya di na ako umalis sa kinaroroonan ko. Ilang minuto lang ang nakaraan ng bumalik si Romero. Basang- basa na siya dahil sa ulan. ''Romero, towel oh..'' alok ko at di naman ako napahiya dahil kinuha din niya. ''Salamat. Nga pala, ok ka na ba? Hindi ka na nahihilo?'' tanong niya na nag- aalala. ''Hmm, yea.. Thanks nga pala sa shirt. Lalabhan ko na lang.'' sagot ko. ''Wala yun.'' sabi niya habang nagtatanggal ng coat. ''Joy nga pala.'' pakilala ko sa kanya sabay lahad ng kamay. At muli, di na naman ako napahiya dahil naki-pagshakehands din siya sa akin. ''Mari. Yan tawag nila sa akin. Nice to meet you.'' she smiled. Yan ang simula ng pagkakaibigan namin. Lagi na kaming magkatabi sa upuan. Halos sabay na din kaming kumain at umuwi. Tuwing breaktime during our ROTC class nagkukwentuhan kami. Lahat na ata ng pwedeng mapagkwentuhan eh nagawa namin. Since hindi kami magka- course dahil Advertising siya at Marketing ako, sa text at call naman kami nagchichikahan. Akala ko nung una napaka- seryosong tao ni Mari, pero hindi pala. Marunong siyang magbitiw ng joke at magaling siyang magbigay ngadvice. Napaka- strong niyang tao. Ngayon, tapos na kami sa kolehiyo. May kanya-kanya na kaming gustong marating sa buhay. 5 years mula ng magtapos kami ay bibihira na lang kaming magkita. Bihira na rin magtawagan at magtext. Kaya eto siya tinatadtad na naman ako ng texts at miscalls. ''I'll text you later. Busy lang, may hinahabol kasing deadline.'' i replied to her text. Para wala siyang masabi. Wala pang isang minuto at nagreply na siya. ''Sorry kung nakakaistorbo na ako. Namimiss lang naman kita best..'' And again.. ''wag ka ng magreply..sige na..keep safe bestfriend..luvyah!'' dugtong niya. Since wag na daw ako magreply, kaya itinuloy ko na ang ginagawa ko. Mari's POV: Lagi na lang siyang ganyan. Laging rason ang pagiging busy. Busy din naman ako pero di ko ginagawang dahilan yon. I always find time para sa ibang gawain ko, hindi ako subsob sa trabaho. Lagi akong may oras para sa kanya, sana ganon din siya sa akin. Nakakalungkot lang isipin na mula ng magkaroon siya ng trabaho eh bibihira na niya akong pansinin mapa-text man, call and even personal bond. ''Uy Ate, nasabi mo na?'' tanong ni Joan habang nagkakape kami dito sa isang coffee shop sa Ayala. ''Hindi pa eh. Busy pa siya.'' sagot ko na medyo disappointed. ''Lagi na lang yang busy.. Busy sa work. Busy sa boyfriend, busy gumala with her new found friends etc. Nek nek niya kamo. Busy her face!!!'' galit na pagkakasabi ni Joan. Alam ni Joan ang buong kwento sa amin ni Joy. Alam niyang kahit siya ang madalas kong kasama, kay Joy lang ako nagshe-share ng problema o kahit ano. Thankful ako kasi kahit ganon ako, hindi niya ako iniiwan o kinakalimutan.
  2. 2. Kung tutuusin tama si Joan. Laging busy ang dahilan ni Joy. Kung hindi sa work, sa boyfriend naman o di kaya busy gumala with her new friends and college friends. Minsan nagseselos na ako. Pag niyayaya ko siyang gumala, tinatanggihan niya ako kesyo may ginagawa daw o may OT. Tapos makikita ko na lang yung update niya sa Facebook na kasama niya mga friends niyang mag-malling. And so on. Bestfriend pa ba niya ako? O takbuhan niya lang kapag may hinihingi siyang pabor? JOY's POV: Im with my officemates. Kahit nakakapagod itong buong araw na 'to ayos lang dahil at the end of the day may time pa kami gumala at kumain sa labas. Masaya silang kasama. Kahit papaano nakakalimutan ko problema ko pag kasama ko sila. Daily routine ko na yan. Kapag wala si boyfriend, officemates ko naman ang nakakasama ko. Then suddenly, my phone rang. It was Mari... My bestfriend. Tumatawag siya. Pero hindi ko sinagot. Wala din naman kaming ibang pag-uusapan kundi mga nangyari sa maghapon niya o sa akin at kung anu-ano lang. Sa totoo lang nagsasawa na ako sa ganong conversations namin. MARI‟s POV Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay best. Ayoko namang idaan sa text or call, mas maganda kung personal. Pero yun nga, wala siyang time sa akin. Sa totoo lang nakakatampo. Mas pinili na niya yung mga bago niyang kakilala. Parang..parang out of place na ako sa buhay niya. Siguro nga nakukulitan na siya sa akin. Aminado ako makulit ako. Masisisi niya ba ako? I need her. I need her as my bestfriend. “best, miss you.. L” text ko sa kanya “miss you too, hows your day? Grabe nakakapagod tong araw na „to..” agad namang sagot niya. “ganon ba? Sige rest ka na.. namiss lang kasi kita.” I replied. Medyo nalungkot ako. Halata naman kasing ayaw niya akong makausap o makatext. Hinintay ko muna ang reply niya bago sana ako matulog pero mag-iisang oras na wala pa rin. Gusto ko talagang sabihin na sa kanya. Pero umiiwas siya. Namimiss ko na siya. Mami-miss ko siya. JOY‟s POV Ilang araw na ring hindi nagpaparamdam si best. Sorry naman, busy akong tao. Alam ko maiintindihan niya. Balang araw babawi din ako. Namimiss ko na rin siya sa totoo lang. gusto ko ring gampanan yung pagiging bestfriend ko. “best meet naman tayo. J” I texted her. Gusto ko talaga siyang Makita ngayon. Matagal tagal din kaming hindi nakapagchikahan kaya siguradong madami kaming baong kwento sa isa’t-isa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mangiti sa tuwing maaalala ko kung paano niya ako ipagtanggol sa mga naging ex kong nanarantado sa akin. Sabi pa nga nila daig pa namin ang magsyota. Pero alam naman namin ni best na hindi kami tibo kaya iniignore na lang namin yong mga pinagsasabi nila. Excited akong Makita siya. Excited akong muling maramdaman yung pagiging magbestfriend namin. Excited ako,…pero may halong kaba. Dala lang siguro ng tagal na di namin pagkikita. I’ll treat her sa favourite naming coffeeshop. Babawi ako ng bongga this time. “Hi Joy, its me Joan. Pinapatanong ni ate Mari kung tuloy daw ba kayo?” past 7pm nan g mabasa ko ang text na ito. Number ito ni best pero si Joan ang nagreply. Nakakapagtakang magkasama pa sila ng ganitong oras. “Sorry nawala sa isip ko. sorry talaga. Kasama mo ba siya? Bakit ikaw ang may hawak ng cp niya?” tanong ko dala na rin ng ng curiosity. “SO HINDI KAYO TULOY? GANON NA LANG YON? PINAASA MO YUNG TAO.. WALA KA TALAGANG KWENTANG KAUSAP!” reply ni Joan. Halatang galit dahil san ka-capslock yung text niya. Ewan ko ba, naeepalan talaga ako sa classmate na ito ni best. Masyadong pakialamera. Kainis!!! “Bakit nagagalit ka? ikaw ba si best?? Asan ba siya?” Inis na reply ko sa kanya habang tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng gamit ko bago umuwi. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring text galing kay best o kay Joan. I decided not to text my bestfriend since kasama naman niya si Joan malamang nasabi na ni Joan na hindi kami tuloy. Maybe some other time. Yung walang pasok para makasama ko siya ng matagal. Alam kong makakagawa siya ng paraan para di masagasaan yung work niya as a freelance article writer at pagiging Advertising Jingle composer. Proud talaga ako sa kanya kapag nakakagawa siya ng magandang concept. Ganon din kasi siya sa akin. Pinagmamalaki niya ako sa lahat. Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong sobrang laki ng tiwala sa kakayahan mo. Ganon siya sa akin. Days. Weeks. Months. 3 months to be exact. Ganyan na katagal mula ng huling magtext si best. Sa tagal na yon pakiramdam ko napakasama kong tao at ngayon ko lang napansin. Nakaka-guilty dahil may promise pa naman ako na babawi ako ng bonggang-bongga. Pero nakalimutan ko. guilty talaga ako kaya pupuntahan ko siya. Habang nag-aayos ako ng gamit ko dito sa office napansin ko na lang na nawawala yung ballpen ko. Binigay pa naman yun ni best sa akin. Agad ko naman itong hinanap. At hindi naman ako nabigo dahil nakita ko yun sa ilalim ng folder malapit sa computer. Dali-dali akong umalis para i-surprise siya. Halos dalawang oras ang byahe dahil sa trapik. Ang haggard ko na tuloy. Nang marating ko ang apartment na tinutuluyan ni best, laking gulat kong wala siya doon. ''Pambihira, nag-iba na ba lifestyle nun? Hindi naman siya lumalabas ng ganitong oras ah..hmm'' sa isip ko.. Sinubukan kong tawagan yung # niya. Pero ring lang ring. Hindi niya sinasagot. ''best, pls answer the phone plss...'' sa isip ko... ''Hello.'' sagot ng nasa kabilang
  3. 3. linya. ''Best?'' takang tanong ko ng mabosesan kong hindi si best ang sumagot ng phone. ''Si Joan to.'' matipid na sagot nito ''Bakit ikaw ang sumagot? Nasaan si best? Nandito ako ngayon sa harap ng apartment pero wala siya. Nasan siya? Nasaan ba kayo?'' sunod sunod na tanong ko. This time binalot ako ng kaba. Hindi basta-basta ipapahiram ni best ang phone niya kapag hindi importante. ''Hello? Joan?'' ''Pumunta ka dito ngayon...'' Ibinigay niya ang exact place kung nasaan siya na lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. Wala akong inaksayang oras, pumara agad ako ng taxi. Ang trapik, jusmiyo! Kung anu- ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Bakit sa lugar na yun kami magkikita ni Joan? Si best? Asan na siya? Ano ng nangyayari sa kanya? Bakit matagal siyang di nagparamdam sa akin? ''Manong, wala na po bang ibibilis? Nagmamadali po kasi ako.'' tanong ko sa mamang driver ng taxi. ''Kahit ho bilisan natin mam, hindi pa rin uubra, kita niyo naman ho..traffic.'' sagot naman ni manong. Hindi na ako umimik. Sa halip, kinuha ko ang phone ko para i- text ulit si Joan sa # ni best. Pero hindi na siya nagrereply. Isa at kalahating oras ang itinakbo ng byahe bago ako makarating sa fastfood na sinabi ni Joan. Agad ko rin siyang nakita kaya hindi na ako nahirapan sa paghahanap. ''Joan, nasaan na ba si best? May dapat ba akong malaman?'' pag-aalala ko. Gusto kong malaman ang totoo. Pero hindi agad nakaimik si Jo. Nakita ko na lang na teary eyed na siya kaya lalo akong nalito. ''Ano ba? Asan na ang b- bestfriend k-ko? Nasaan na s- siya?'' halos pagaralgal na tanong ko. Muli naghihintay na naman ako ng sagot mula sa kanya. Laking gulat ko na lang na hinila niya ako palabas ng fastfood na yon saka kami tumawid papasok sa ospital. ''Jo.. '' bulong ko.. Pero di niya ako narinig. Ayoko itong nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at mas lalo akong kinabahan ng tumigil kami sa ICU. ''Ayan siya.'' sabi niya sabay harap sa salamin na bintana. Nag-init ang buong pakiramdam ko ng makita kung sino ang nakahiga sa kamang yun. Si best.. ''Matagal na niyang iniinda ang sakit ng ulo niya. Akala niya simpleng migraine lang. Late na ng malaman namin na.....''napatigil si Joan dahil di na niya mapigilan ang sarili sa pag-iyak. ''....late na ng malaman namin na Brain cancer pala..'' pagtutuloy niya. Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong yakapin ang bestfriend ko. Pero hindi ko maihakbang ang paa ko. Parang bumagal ang ikot ng mundo sa akin. ''b-bakit ..h-hindi niyo..s-sinabi sa akin? B-bakit ngayon lang?'' tanong ko. Sa pagkakataong ito, bumuhos lahat ng emosyon ko. Iyak ako ng iyak habang nakatitig sa bestfriend ko. ''Nung mga panahong naghihirap siya, tinext ka niya pero di mo nirereplyan.. Tinatawagan ka rin niya pero di mo sinasagot. Nung mga panahong yon gustong-gusto niyang sabihin sayo pero ano???? Joy mas pinili mong makasama yung mga taong bago mo pa lang nakilala.. Nasasaktan siya everytime iniignore mo mga messages niya sayo. Minsan sasagot ka nga pero puro busy naman ang sinasabi mo.. Alam mo kung anong masakit???? Wala kang time sa kanya, lagi mo pang sinasabing busy ka pero pagcheck namin ng facebook mo, puro picture niyo ng officemates mo na gumala.. Namasyal.. Nasasaktan siya pero di niya sinasabi sayo.. Nasasaktan siya kasi BESTFRIENDS kayo pero binabalewala mo siya pag kasama mo na yang mga kasamahan mo sa trabaho..'' Lalo lang akong humagulgol sa pag-iyak ng marinig ko ang mga salitang yun mula kay Joan. Iyak lang ako ng iyak.. Ang laki ng pagkukulang ko sa bestfriend ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na babawi ako pero sa sitwasyon niya ngayon, paano pa ako babawi?? ''Bb-best..'' nanginginig ang boses ko ng sambitin ko ang salitang yun. ''Stop it!!!!! Bestfriend ka ba talaga???? Ako ang tumayong bestfriend sa kanya Joy! Ako ang karamay niya tuwing naghihirap siya sa sakit niya. Ako.. Ako ang kasama niya.. Pero alam mo kung anong masakit??? '' humihikbi si Joan habang sinasabi yon.. Kitang kita ko ang bigat na nararamdaman niya .. ''... kahit ako yung nasa t-tabi n-niya..ramdam kong ikaw yung gusto niyang karamay niya. Ako yung nagpuno ng pagkukulang mo Joy!'' ''i-im sorry...'' mahinahon na paumanhin ko.. Pumunta ako sa Nurse station para magpaalam na papasok ako sa ICU. Gusto kong hawakan si best. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong magsorry. Pero bigo ako. Hindi ako pinayagan. Masyado daw maselan si best. Yun pa lang para na akong lutang. Gustong- gusto ko siyang yakapin. Gusto kong ako ang nasa tabi niya at hindi si Joan. Gusto kong pag- gising niya ako ang una niyang makita. Ilang oras na rin ang nakalipas mula ng dumating ako dito. Dumating na rin galing province ang Mom & Dad ni best. Alam din pala nila ang tungkol sa sakit niya. Alam nilang lahat. Ako lang ang walang kaalam-alam. ''Bakit hindi mo sinabi agad best? Bakit?'' muli unti-unti na namang pumatak ang mga luha ko habang nakasilip sa kanya sa may salamin na bintana. Nakita ko rin kung paano umiyak ang parents niya. Kitang kita ko ang sakit na nararamdaman nila. Gusto ko silang i-comfort pero nandoon na si Joan para i- comfort sila. Sa mga oras na ito, pakiramdam ko napakawalang kwenta kong kaibigan. Ako ang bestfriend pero mas close si Joan sa family niya. Ang daya! Ang daya daya! Pero wala na akong magagawa, kasalanan ko
  4. 4. din naman yon. Dati lagi niyang sinasabi sa akin na sana makapunta din ako sa kanila para makilala ang pamilya niya. Pero anong ginawa ko? Ang dami kong alibi. Tumanggi ako. Kaya wala akong karapatang magselos sa closeness ni Joan at Parents niya. Natigil ako sa pag-iisip ng lumapit sa akin ang Mom niya. ''Ikaw si Joy?'' tanong ng Mommy niya sa akin. ''O-opo.. Tita..'' nahihiyang sagot ko. ''Ikaw yung lagi niyang kinukwento sa amin na bestfriend niya.'' nakangiting sabi ng Mom niya na halatang nagpapakatatag. Nagpipigil ng luha para magmukhang strong sa harap ko. ''Im s-sorry Tita. Hindi ako naging m-mabuting bestfriend sa kanya.'' confess ko ''Lagi niyang sinasabi na ...ikaw ang pinaka the best na bestfriend.'' di ko na naman mapigilan ang sarili ko ng marinig ko ang mga salitang yun mula sa Mommy niya. ''Hindi po... Hindi...'' tutol ko Natigil ang usapan namin ng Mom niya ng biglang pumasok sa ICU ang mga nurse at ang Doc siguro yun ni best. Nagmamadali ding pumasok sa loob ang parents ni best at si Joan. Ako? Eto nakatanaw lang mula sa labas. Nanginginig ang tuhod na hindi maihakbang. Pinipilit nilang i-revive si best. Umiiling-iling na rin ang doktor niya. Humahagulgol na rin sa iyak ang parents niya at si Joan. Hanggang sa tumigil na ang doktor sa pagpump sa dibdib niya. ''Kailangan niyo na hong ihanda ang mga sarili niyo. Kumakalat na ang cancer cells sa buong katawan ng pasyente. Im sorry.'' sabi ng Doc. Dinig na dinig ko mula sa loob yung sinabing yon ng Doc. Pinilit kong maglakad para makarating sa loob. Pakiramdam ko ang dilim ng paligid. Na parang kaming dalawa lang ni best ang nandito ngayon. Kitang kita ko ang panghihina niya. Kitang kita ko na pilit niyang iminumulat ang mga mata niya. Hinang-hina siya habang hawak ng Mom niya ang kamay niya. Nakita kong ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Kumabog na naman ang dibdib ko ng magtama ang tingin namin. Nangingilid ang luha sa mga mata niya pero kitang kita ko pa rin na nakangiti siya. ''bbb-be-eest...'' mahinang tawag niya sa akin... Tumayo ang Mommy niya saka ako inalalayan para makalapit kay best. ''y-yo-uu cc-ame.'' hirap na hirap siya sa pagsasalita. Habol habol niya ang hininga niya. At ako? walang tigil mata kong magpakawala ng luha. iyak lang ako ng iyak. ''Nandito na ako best...n- nandito na ako.. Wag k-ka ng m-magsalita.. Magpagaling ka..plsssss...'' ''Pppls.. D-dont ccrry..'' nakangiting sabi niya.. ''Ssshhhhhh... magpalakas ka.. Gagala tayo pag malakas ka na.. Ililibre kita ng favorite coffee natin.. Besssst...'' i hold her hand and place it to my cheek. ''T-thank yyou f-ffor cc- coming. N-namiss kkitta.........'' ''i miss you mooree,.. Magpagaling ka na plss.. '' ''bbest?'' ''Shhhh... Be strong.. Kaya mo yan.. Sasamahan na kita lagi... '' ''i.....i wwill....mm- miss....yyou...'' Kasabay nun ay ang pagpkit ng mata niya. Isang patak muna ng luha ang pinakawalan niya bago siya mawalan ng hininga. ''best! No!! Pls wake up! Best..'' i cried out loud. Tinapik tapik ko ang pisngi niya para magising siya. Pero wala na...... Wala na siya.... ''im sorrrry....best im sorrry....pls wake up! Plsss... Babawi pa ako.... Best....'' pero di na siya gumigising. Hindi ko na nararamdaman ang init ng hinga niya at tibok ng puso niya. Wala na siya. Wala na ang bestfriend ko. Wala na..... Hindi na ako makakabawi sa lahat ng pagkukulang ko. hindi ko na maitatama pa ang maling nagawa ko. wala na siya. Wala na ang taong itinuturing kong kapatid ko. wala na… End.

×