• Like
Grade 8 Filipino Lesson MCART Day2
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

Grade 8 Filipino Lesson MCART Day2

  • 15,387 views
Published

 

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
No Downloads

Views

Total Views
15,387
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
247
Comments
0
Likes
3

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. PAKSANG-ARALIN SA FILIPINO GRADE 8 IKALAWANG MARKAHAN UNANG LINGGO IKALAWANG ARAW
  • 2. MGA GABAY NA TANONG 1. Ipaliwanag kung ano ang balagtasan? 2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May Balagtasan pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang tulang patnigan? 4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa?
  • 3. Pick-up Lines Lapis ka ba? Bakit? Kasi nais kung isulat lagi ang pangalan mo sa isip ko Aklat ka ba? Papel ka ba? Table of contents ka ba? Bagyo ka ba? Teleserye ka ba?
  • 4. Iba Ako Eh! Ibigay ang katangian ng Balagtasan bilang uri ng Panitikan. Balagtasan
  • 5. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan Isang pagtatalong patula ang Balagtasan Nagsimula ito noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Duplo ang pinaghanguang anyo nito. Isang larong idinaraos sa lamayan. Tagalog ang wikang gamit dito subalit maraming terminong teknikal sa wikang kastila. Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na ang tradisyong tulang sagutan sa ibat –ibang rehiyon sa Pilipinas. May tinatawag na “ balitao” ang Cebuano at Aklanon isang biglaang debate ng babae at lalaki. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binate ang “siday” sa pamalye ng mga Ilonggo at pamalye ng mga Cebuano. Sa mga Subamen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan.
  • 6. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pag tikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang –alang. Inuman at pag-uusap naman ang nagaganap sa ikalawang bahagi, sa panghuling bahagi nagaganap naman ang paligsahan sa pag-inom at pagtula.Layunin nitong maging maayos at mapabuti ang magandang samahan at pakikitungo ng isa’t isa. Ang unang Balagtasan ay naganap noong Abril 6,1924, tatlong manunula ang lumahok dito gamit ang piyesang kanilang isinulat.
  • 7. Lubhang kinawilihan ng mga manonood at tagapangasiwa nito ang ginanap na Balagtasan na kinatatampukan nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes kaya’t napagkasunduang muli itong itanghal subalit hiniling sa mga mambibigkas na pagbutihin pang lalo ang kanilang mga depensang gagawin. Isinagawa ang kanilang muling pagtatanghal noong Oktubre 18,1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon de Jesus ang itinanghal na “Hari ng Balagtasan”.
  • 8. Naging bantog ang dalawang mambibigkas/ manunulang ito ,sa katunayan madalas silang maimbitahan sa ibat-ibang bayan at lalawigan. Nakilala ang Balagtasan bilang libangan hanggang pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa katunayan nagkaroon ng sarisariling bersiyon ng balagtasan ang ibat –ibang rehiyon sa Pilipinas. May Cresotan ang mga Pampango na ipinangalan sa manunulat ,mandudulang si Juan Cresostomo Sotto. Bukaneg naman sa mga Ilocano na ipinangalan sa Ilokanong manunulang si Bukaneg.
  • 9. Naging mabilis ang paglaganap ng balagtasan sa ibat-ibang dako ng bansa. Naisulat ang balagtasan sa mga pahayagan at magasin ,dahil karamihan sa mga bumibigkas nito ay manunulat din .Taong 1937 nang pumalaot sa himpapawid ang balagtasan gayon na lamang ang kasiyahan ng mga mamamayan. Hindi na kailangang dumayo pa sila sa ibat-ibang bayan upang manood sapagkat napapakinggan na nila ito.
  • 10. Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabantay sa paaralan kung hindi ka mag-aaral hindi ka magkakaroon ng pagkakataong mapabilang sa mga samahang pampanitikan.
  • 11. Sa paglalim ng Amerikanisasyon sa Pilipinas, balagtasan ang naging kasangkapan ng mga makata upang ipahayag ang kanilang mga ideya at saloobin tungkol sa lipunan, pulitika at iba pang mga isyu o paksa.Iniba nito ang nakasanay nang paksang tulad ng kagandahang –asal, pag-ibig at moralidad. Hnikayat din nila ang kanilang mga tagapakinig na kumilos at makiisa sa mga kilusan gamit ang paghabi ng mga berso sa kanilang balagtasan.
  • 12. Sa ngayon higit na marami pang paksa ang nagagamit sa pagsulat ng balagtasan. Hindi lamang tungkol sa lipunan kundi maging sa pulitika, kapaligiran ,edukasyon, karaniwang bagay,pambansa at pangekonomiya. Saan nagmula ang salitang balagtasan?
  • 13. Buwan ng Marso 1924 malapit na ang kaarawan ni Francisco Balagtas Batazar. Sa hangaring maging marangya ang pagdiriwang ng kaarawan ng ating bayani. Si Gng. Rosa Sevilla Alvero na noo’y Pangulo ng Samahan ng Kapulungang Balagtas ay nagsagawa ng pagpupulong upang mapag-usapan ang paghahandang isasagawa. Iminungkahi ni G. Lope K Santos ang tinaguriang “Ama ng Balarila” na siyang pangalawang pangulo ng samahan.
  • 14. Nag-isip sila kung paano tatawagin ang makabagong Duplo. Iminungkahi ni G. Jose N Sevilla na tawagin itong Balagtasan na sunod sa pangalan ni Balagtas.Hinunlapian ng “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan.
  • 15. Paano lumaganap ang balagtasan sa ating bansa? Nagsimula ang balagtasan sa ________ Lumaganap ito sa _________________ Lalo ito sumikat nang ______________ Iba’t ibang paksa ang _______________ Sa kasalukuyan ____________________
  • 16. BALAGTASAN DUPLO KARAGATAN BATUTIAN Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba at Pagkakatulad (Comparison and Contrast) Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Balagtasan sa iba pang-uri ng tulang patnigan.