Your SlideShare is downloading. ×
  • Like
  • Save
3 rd qtr.test
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×

Now you can save presentations on your phone or tablet

Available for both IPhone and Android

Text the download link to your phone

Standard text messaging rates apply
Published

 

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
  • Hi! can you send me 3d qrt. test in english gr. 8 thank you.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
No Downloads

Views

Total Views
1,614
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
0
Comments
1
Likes
8

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Navotas National High School Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 8 Pangalan_____________________________________ Antas at Pangkat_______ Petsa:_______Iskor:_______ Pangkalahatang Panuto: Itiman ang bilog ng angkop na sagot. I. Basahin at unawain ang bawat talata. Sagutin ang mga kasunod na katanungan. BILANG 1-5 Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento o midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang katotohanan. Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan. 1. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng bawat indibidwal? A. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan. B. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin. C. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao. D. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman. 2. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi mapasusubalian’ ayon sa pagkakagamit sa akda? A. walang masyadong iniisip B. hindi mapasisinungalingan C. walang katotohanan D. hindi angkop sa sitwasyon 3. ‘Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko.’ Ano ang mahihinuha sa pahayag? A. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko. B. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral. C. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin. D. Wala namang dapat masyadong ipag-alala. 4. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang ___________. A. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan B. maipalabas lamang sa madla ang mga ito C. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan D. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema 5. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling talata? A. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan. B. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan. C. Maging isang lider upang maging sikat. D. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa BILANG 6-10 Komentarista 1 : Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner! Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas na ‘yan! Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na ‘yan eh. Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang buwis mula sa mga kompanya ng sigarilyo at alak dahil dito. Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil marami sa kanila ang maaaring mawalan ng trabaho. Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga reelectionist na senador na bumoto laban sa bill na ‘yan! Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksyon! Komentaista 2: Tumpak! 6. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag? A. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado. B. Tama ka dyan! Nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY! C. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa Sin Tax Bill. D. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompanya ng sigarilyo. 7. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo? A. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at alak B. Pagpasa sa Sin Tax Bill C. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill D. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill 8. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal? a. Pati na rin c. Ayon kay b. Dahil dito d. Kaya naman 9. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ____________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano ang angkop na salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag? a. upang c. nang sa gayon b. dahil sa d. Kung 10. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon? a. Na ang Sin Tax Bill sa Senado. b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill. c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin Tax Bill. d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang batas 11. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam? a. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon. b. Maging malinaw sa pagtatanong. c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin. d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam. 12. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media? a. komiks at magasin b. pelikula at telebisyon c. radyo at telebisyon d. aklat at pahayagan 13. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan? a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa pamahalaan. b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito. d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika at showbiz 14. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan? a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa pamahalaan. b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito. d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika at showbiz
  • 2. 15. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________. a. bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan b. bahala na ang kabataan kung kikilos sila c. manood palagi ng mga dokumentaryo d. tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran (1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2) Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan-minsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami kaming natututuhan sa kanya at sa lahat ng ito siya’y aming pinasasalamatan. (4) Sana’y marami pang tulad niya upang maraming mag-aaral ang mahasikan niya ng karunungan. 16. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap bilang __________. a. 1 b.2 c. 3 d.4 17. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________. a. paghanga c. pag-asam b. pananabik d. kasiyahan 18. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay __________. a. manghikayat c. magbigay-parangal b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman II. Tukuyin ang mga sumusunod: 19. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. a. Komiks c. pahayagan b. Magasin d. Kontemporaryong dagli 20. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 2,000 libong salita. a. Sanaysay c. Pahayagan b. Kontemporaryong Dagli d. Komiks 21. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunudsunod na mga nobela. a. Maikling Kuwento c. Tabloid b. Komiks d. Magasin 22. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pangaraw- araw na usapan. a. Pahayagan c. komiks b. Magasin d. Kontemporaryong Dagli 23. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit. a. Pormal c. Balbal b. Di Pormal d. Panlalawigan 24. Magasing tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan. a. FHM c. Yes! b. Cosmopolitan d. Good Housekeeping 25. Magasing pangkababaihan. a. Metro c. Good Housekeeping b. Cosmopolitan d. Candy 26. Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan. a. Metro c. Komiks b. Pahayagan d. Cosmopolitan 27. Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay. a. Men’s Health c. Good Housekeeping b. Cosmopolitan d. Metro 28. Ito ay may mga koleksiyon ng iba’t ibang akdang pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat klase. a. Literary folio c. Mockumentaryo b. Video presentation d. Biopoem 29. Ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu. a. Komentaryong Panradyo c. Magasin b. Tabloid d. Komentaryong dagli 30. Isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga Independent o Indie Films.Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang “pinilakang-tabing”k abilang na rito ang “Manoro”. a. Chito Roño c. Brillante Mendoza b. Joyce Bernal d. Peque Gallaga 31. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. a. Maikling Kuwento b. Dokumentaryong Pangradyo c. Dokumentaryong Pampelikula d. Indie Films 32. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. a. Sinematograpiya b. Sequence Iskrip c. Pag-eedit d. Disenyong Pampelikula 33. Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. a. Sequence Iskrip b. Pag-eedit c. Sinematograpiya d. Disenyong Pampelikula 34. Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. a. Long Shot c. Close-Up Shot b. Medium Shot d. Birds Eye View 35. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. a. Long Shot c. Low Angle Shot b. Close-Up Shot d. Birds Eye View III. Talasalitaan 36. Ang pagkakasakit sa baga ay kakawing din ng lumulubhang polusyon. a. Nakabilad c. nasasabi b. Karugtong d. nakatabi 37. Maraming mga dumadalaw sa patay ang tumitimbuwang dahil sa init ng panahon. a. Natutulog c. natutumba b. Nahihiga d. nauuhaw 38. Magandang tingnan ang mga nakasalansang paninda. a. Nakatabi c. nakataas b. Nakaayos d. nakasupot 39. Nauntol ang kanyang ginagawa dahil sa malakas na lindol. a. Nahinto c. natuloy b. Bumagal d. natigil 40. “ Ang mga buto ko ay bago matunaw Mauwi sa wala at kusang maparam alabok ng iyong latag ay bayaang siya ang bahalang doo’y makipisan.” a. Mamamatay c. mawala b. Maghirap d. mabuhay IV. Piliin ang tamang sagot. A. PORMAL B. DI- PORMAL C. BALBAL 41. Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan.
  • 3. 42. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. 43. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. 44. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal. 45. Binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit. 46. Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. 47. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. 48. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” 49. Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin, dawraw, kaunti-konti, atbp. 50. Ito ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan. V. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot mula sa itaas . A. PAGTANGGAP E. PAGBIBIGAY-BABALA B. PAG-AALINLANGAN F. PANGHIHINAYANG C. PAGTANGGI G. HINDI PAGPAYAG D. PAGSANG-AYON 51. Chichay mag-ingat ka sa iyong pag-alis, mapanganib sa daan!” 52. “ O sige Wacky, mag-aaral tayo pagkatapos ng meryenda natin.” 53. “Hindi na ako babalik sa kanila Jayme papa Bear, dahil naniniwala akong hindi naman ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.” 54. “Hindi dapat maiwan si Wacky, dapat kasama natin siya sa pagbabakasyon.” 55. “Ang bulaklak na ito ay para sa iyo lamang Chichay, tanggapin mo, huwag kang mahiya, sa iyo ito.” 56. “Nakalulungkot isipin Dominic, ngunit hindi ko kailanman matatanggap ang pag-ibig mo. 57. “Chichay, Kung naipagtapat ko lamang sa iyo ang lahat, hindi sana nangyari ito.” 58. “Jayme, ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.” 59. “Wacky, Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.” 60. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo mama Bear.” Inihanda ni: Bb. Cheryl Panganiban-Estrecho Guro sa Filipino 8