Filipino 2

1,519 views
1,464 views

Published on

Published in: Education, Health & Medicine
0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
1,519
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
5
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Filipino 2

  1. 1. Shirlene Ann Mediona BSiT 3.2(0M 2.1A) Filipino 2 Report: PHOTOGRAPHY PULANG ROSAS-Rene Reeve Rivera Bago ako pumikit ay humiling ako sa diyos na sana sa pag-gising ko bukas ay maayos na ang lahat. Alas otso na ng umaga nang ako ay magising. Bumangon ako ng walang alinlangan at naghilamos. Paglabas ko ng banyo may naapakan ako. " Pulang rosas? Ano ito?" Sinundan ko ang mga piraso ng rosas na nasa daanan, hanggang sa makarating ako sa kusina. Napaiyak ako sa nakita ko, isang malaking karton na may nakasulat na pangalan. "Oo nga pala kaarawan ko pala ngayon, muntikan ko na makalimutan" Mabuti pa si Fred naalala ang aking kaarawan, ano na kaya nangyari sa mga taong kakilala ko? Wala na ba talaga sila? Nawala na parang bula? Lumipas ang maghapon ko sa bahay na wala man lang tawag o text mula sa mga kaibigan o pamilya ko. Nabasag na lamang ang katahimikan ng bahay nang bandang alas tres ng hapon nang tumunog ang aking cellphone. *Tootoot Tootoot* "Natanggap mo ba ang regalo ko sayo?", text sa akin ni Fred "Oo naman, maraming salamat nga pala? Alam na alam mong kung ano ang gusto ko", sagot ko sa kanya
  2. 2. "Shempre naman ganyan talaga kapag mahal mo ang tao, aalamin mo ang mga gusto niya" "Asus! Nambola ka pa!" Hindi na nasundan ang mensahe ni Fred. Nakakatuwa talaga siya palaging nandyan sa tabi ko, takbuhan sa tuwing ako'y nangangailangan. Kinuha ko ang photo album ko at medyo nagbalik tanaw. Letrato ng mga kaibigan at pamilya ang bumungad sa akin. Naiyak ako kasi halos lahat ng mga kaibigan ko nasa ibang bansa na, ako heto nandito padin sa Pilipinas nakikipag sapalaran sa buhay. Kailan pa kaya ako makakasunod sa pamilya ko? *Ringgg Ringgg Nagmadali akong sagutin ang cellphone ko. "Rina!!!", hingal na hingal na boses ni Cherry Si Cherry na kapatid ni Fred, kasama ko sa mga lakad ko. Taong napagsasabihan ko ng mga lihim ko. "Oh? Bakit Che? Ano nangyari?", sagot ko "Umalis kana diyan!" "Bakit? Ano meron?" "Patay na si Fred!"
  3. 3. "Ano? Ano!" "Pumunta dito si MArk, dirediretso siya sa kwarto ni Fred at binaril niya kuya ko!!!", hagulgol ng hagulgol si Cherry bigla ko nalamang nabitawan ang aking cellphone at nangatog. Pinagpawisan ako sa takot. Di ko alam kung ano ang gagawin ko "Fred patawad!", sigaw ko sa aking sarili habang kinakaldag ko ang aking braso. Paano ba nalaman ni Mark ito? Paano? Lalo akong natakot nang may kumatok sa pintuan. 3 beses at binigkas ang pangalan ko. "Rina! Si Mark ito pakibukas ang pinto!" "Ayan na siya! Ano gagawin ko!" Pumanik ako sa taas at ikinandado ang kwarto ko. Pinilit kong hindi lumikha ng kahit anu mang tunog.
  4. 4. *Blagggg Ang pintuan sa harapan ng bahay ay wariy nasira. Ang masaklap pa dito naiwan ko ang cellphone ko sa sala. "Rina... Nakalimutan mo ang Cellphone mo sa sala... Buksan mo na ang pintuan may regalo ako sayo. Happy Birthday" Alam niyo ba ang pakiramdam na malapit ka ng mabaliw? Ganoon ang pakiramdam ko habang kinakausap ako ni Mark. *Blagggg Nabuksan niya ang pintuan nadatnan niya ako sa kwarto. Kitang kita ko siya na maamo ang mukha. Sa kaliwang kamay niya ay mga pulang rosas. "Rina para sayo... Happy Birthday", sabay ngiti sa akin Nagulat ako nang makita ko ang Baril sa kanang kamay niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Isang putok ang umalingawngaw sa bahay. Matapos ang unang putok kitang kita ko na itinutok ni Mark ang baril sa kanyang ulo. Pangalawang putok at ako'y nawalan na ng malay.
  5. 5. Pag gising ko ay nasa kama na ako. Si Cherry nasa tabi ko at hinahaplos ang buhok ko. "Kamusta kana Rina? Masaya ba? Mawalan ng minamahal?", tanong niya sa akin Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at nagulantang ako ng makita ko na may hawak siyang baril. "Bakit mo ba kasi inagaw sa akin si Mark? Pati kapatid kong si Fred pinatos mo!" Huling putok ang umalingaw ngaw sa bahay
  6. 6. Pag gising ko ay nasa kama na ako. Si Cherry nasa tabi ko at hinahaplos ang buhok ko. "Kamusta kana Rina? Masaya ba? Mawalan ng minamahal?", tanong niya sa akin Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at nagulantang ako ng makita ko na may hawak siyang baril. "Bakit mo ba kasi inagaw sa akin si Mark? Pati kapatid kong si Fred pinatos mo!" Huling putok ang umalingaw ngaw sa bahay

×