• Like
Talambuhay01
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

Published

 

Published in Education , Technology
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
No Downloads

Views

Total Views
2,028
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
6
Comments
0
Likes
1

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Si Jenalyn concepcon Lagrama ay ipinanganak noong ika-29 ng Nobyembre taong 1992, sa baranggay I. Mendiola sa bayan ng Siniloan lalawigan ng Laguna. Siya ay anak nina Ginoong Augusto Clarito O. Lagrama ant ni Ginang Marilyn Lagrama. Siya ay ang pangatlong anak mula sa limang magkakapatid. Ang kanyang panganay na kapatid ay si Joana Marie na nagtapos ng kolehiyo sa kursong HRM sa Laguna State Polytechnic University(LSPU).Ang kanyang pangalawang kapatid na si Joseph Marvin ay kasalukuyang nag-aaral ng unang antas ng kolehiyo sa LSPU na may kursong AIT. Ang sumunod naman sa kanya na si Geneva Rose ay kasalukuyang nag-aaral sa ikatlong antas ng sekundarya sa Siniloan Technical Vocational and Science High School(STVSHS). At ang kanyang bunsong kapatid ay si Jhondee na sa kasalukuyan naman ay nag-aaral ng unang antas ng sekundarya sa STVSHS, EDUCATIONAL BACKGROUND: Si Jenalyn ay nag-aral ng primarya sa Paaralang Elementarya ng Siniloan. Noong siya ay nasa unang hakbang ng primary ay nagkamit siya ng karangalan sa unang puwesto ng mag-aaral na mahusay sa klase. Matapos na siya ay maparangalan, siya ay tumuntong na sa mataas na antas ng seksyon sa kanilang paaralan. Nakahiligan niyang sumali sa mga paligsahan ng paaralan,tulad ng paligsahan sa sayaw. Noong siya ay nasa ikaapat na baitang ng primary. Lagi narin ang grupo nila na kasali sa mga contest ng paaralan upang magsayaw para makapagbigay- aliw sa mga manonood. Hanggang sa siya ay makapagtapos ng primary noong ika-1 ng abril taong 2005. Pagkatapos nito, siya ay tumuntong ng Sekondarya sa Siniloan National High School. Nagkaroon agad siya ng karangalan sa seksyon na kanyang kinabibilangan sa unang antas ng sekundarya. Nakuha naman niya ang unang puwesto sa mahuhusay na mag-aaral sa klase noong siya ay nasa ikalawang antas. Naging daan din ito para makatuntong siya sa mataas na seksyon ng kanilang pinapasukang paaralan. Naging isa rin siya sa mga nanalo sa quiz bee ng subject na Filipino noong siya ay nasa ikatlong antas. At noong siya ay nasa ikaapat na antas na ng sekondarya, sumali siya sa School Campus Journalism na kung saan nakuha niya ang unang puwesto sa kategorya ng pagsulat ng Lathalain. Hanggang siya ay makapagtapos ng sekondarya noong ika-30 ng Marso taong 2009. Nagkaroon siya ng pasadong grado noong siya ay nasa sekondarya pa lamang kaya nakapag-avail ng Scholarship Program ng Congressman ng ika-apat na Distrito ng Lalawigan ng Laguna na si Cong. Edgar San Luis. Pumasa siya rito kaya sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral ng kolehiyosa Laguna State Polytechnic University na may kursong Bachelor of Secondary Education sa edad na labing-anim.
  • 2. EXPERIENCES: Bata pa lamang si Jhen ay nagkaroon na siya ng hindi malilimutang mga karanasan. Nagkaroon siya ng peklat sa kaniyang mukha dahil siya ay naaksidente sa lugar na kaniyang pinaglalaruan kasama ang kaniyang mga kaibigan. Naranasan niyang magkaroon ng puppy love sa kababata niya na si Jeffrey Prado na apo ng kaniyang kalapit-bahay. Nagkaroon din siya ng kaaway dahilan sa nagkaroon in crush ang kaibigan niya na si Joyce Ramos. Madaming bata ang nagkakagusto sa kaniya. Tulad ng kababata niya na si Ronnel Dalay. Naging mahirap para sa kanya ang mga pangyayari na nagkaroon siya ng kaaway sa kaniyang mga kaklase noong nasa unang antas siya ng sekonaryadahilan ito siguro ng pagkainggit ng kanyang ilang mga kaklase sa kaniya. Sa tuwing nakikita siya ng kanyang mga kaklase ay nagpaparinig ito at pagkaraan ay humantong ito sa matinding away. Nagkaroon sila ng gulo ukol dito. Dumating din ang pagkakataong siya ay nagdalaga na at handa narin umibig sa isang binata. Naging mahirap din ito para sa kanya sapagkat hindi pa siya pinapayagan ng kaniyang mga magulang na magkaroon ng karelasyon. Sa tuwing nakatambay siya sa bahay ng matalik niyang kaibigan niyang si Marites Subalbro, Lagi namang sumisilay ang kaniyang manliligaw na si Nomeriano Dorado. Nagkaroon din si Jhen ng pagmamahal ditto at sinagot niya ito noong ika-30 ng Enero 2007. Isang gabi, umalis ang kaniyang mga magulang sa bahay. Nakipagkita siya sa kaniyang karelasyon kasama ang matalik niyang kaibigan at ang kasintahan din nito. Sa hindi inaasahang pangyayari, dumaan ang magulang niya sa kanilang tinatambayan at ali naman siyang pinauwi nito. Naging masama itong experience para sa kanya dahil ito ang unang pagkakataong nabugbog siya ng kaniyang magulang. Hiyang-hiya si Jhen sa pangyayaring ito. Ilang araw din siyang hindi lumalabas ng bahay pagkagaling sa paaralan. At pagkaraan pa ng ilang buwan, may nakilala na naman siya,ito ay si Kenneth na taga –Pangil. Nakilala niya ito sa plaza ng Siniloan. At sa hini inaasahang pangyayari parin, nakita sila ng kuya niya na si Joseph kaya hini rin nagtagal ang relasyon nila na nagsimula noong ika-24 ng Marso 2007. Kaya pagkaraan ng ilan pang buwan, nagkaroon siya ng puppy love kay Hanzel na anak kanilang kalapit-bahay pero hindi naman sila nagkaroon ng relasyon.