Teleserye plot
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Like this? Share it with your network

Share

Teleserye plot

on

  • 1,223 views

 

Statistics

Views

Total Views
1,223
Views on SlideShare
1,223
Embed Views
0

Actions

Likes
0
Downloads
8
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft Word

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Teleserye plot Document Transcript

  • 1. TELESERYE SCREENPLAY PLOTTITLE: “IKAW PALA”HEADWRITER: Annaliza C. MendozaPRIMARY CASTS: Julienne dela Paz- 27 year old magazine writer who features unique love stories on her column.-she is charming, quite sophisticated yet not that liberated.-already had 2 serious relationship with opposite sex yet not that successful because she was alwaysbeing ditched by her unfaithful past boyfriends-still believes that she will still find her special someone despite of the 2 unsuccessful relationship-she has a best friend named Darren, who in contrast doesn’t believe in true love Darren Villaroman-27 year old web engineer who doesn’t believe in love-he’s tall, handsome, attractive… has a very light personality-he only had a girlfriend once but not because of love, but merely because of his “ego”-he only wants to experience the feeling of having a girlfriend, but no love at all-but deep inside him, he only likes a single woman, and that is her best friend Julienne
  • 2. WORKING TITLE: “IKAW PALA” Posible nga ba na umusbong ang wagas na pagkakaibigan sa pagitan ng isang lalaki at isangbabae? Isang pagkakaibigan na walang bahid ng pagnanasa sa isa’t-isa kahit sila ay magkaiba ngkasarian? Ito ay isang adaptasyon ng isang Taiwanese drama serye na kasalukuyang umeere ngayon saTaiwan.Isang kwento ng pagkakaibigan ng isang babae at isang lalaki na mauuwi sa isang romantikongpagmamahalan. Si Julienne dela Paz ay isang manunulat sa isang magasin na naglalathala ng iba’t-ibang kwentong pag-ibig. Siya ay 27 taong gulang na, single,nag iisang anak ng kanyang mga magulang.Sa kanyangpananamit at panlabas na anyo, siya ay masasabing isang sopistikadang babae ngunit ang kanyangkalooban ay masasabing konserbatibo pa din. Malaki ang kanyang paniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Naniniwala siya na may nakalaang isang tao para sa kanya upang siya ay mahalin habang buhay. Ngunit, tila ang kanyang kapalaran ay sadyang palabiro. Dalawang beses na siyang nagmahal namasasabi niyang wagas at walang pag-aalinlangan. Ngunit sa huli, siya lamang ay tila napaglaruan ngmalupit na tadhana. Ang una niyang kasintahan ay naging “unfaithful” sa kanya. Sa kabila ngpagmamahal na ibinigay niya rito ay nagawa pa siyang pagtaksilan nito. Tila gumuho noon ang mundo ni Julienne. Buong akala niya ay matapat sa kanya ang kanyangkasintahan at wagas ang pagmamahal na iniaalay nito sa kanya.Nangako siya sa kanyang sarili na hindina muli pang magmamahal. Ngunit, dahil malaki ang kanyang paniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibigmuli niyang nagawa na magmahal. Nagkaroon siya ng pangalawang kasintahan. Naging masaya ang bawat araw na sila aymagkasama. Nanumbalik din ang dati niyang pagtitiwala sa mga lalaki na kayang magmahal ng mga itong tapat, paniniwala na minsan ng nasira ng una niyang kasintahan. Ngunit iba talaga ang biro ng tadhana, naulit ang pagkabigo ni Julienne sa pag-ibig. Isang babaeang minsang lumapit sa kanya at nagsabi na ito ay buntis at ang ama ng kanyang ipinagbubuntis ay angkasintahan ni Julienne.Halos muling maguho ang kanyang mundo, mas masakit kumpara sa naunangkabiguan na kanyang naranasan. Sa lahat ng kabiguan na kanyang nararanasan, tanging isang tao lamang ang kanyang takbuhan.Ito ay ang kanyang matalik na kaibigan, si Darren. Si Darren Villaroman ay isang web engineer. 27 taonggulang, single din. Mayroon siyang isang kapatid na babae na mas bata sa kanya, ang kanyang ama aynamayapa na at ang kanyang ina naman ay isang propesora sa isang kilalalang unibersidad. Guapo si Darren, ma-appeal sa mga babae. Masayahin siya at mapagmahal sa kanyang pamilya.Ngunit, taliwas sa paniniwala ni Julienne, hindi siya naniniwala sa pag-ibig,sa isang “erotic love”. Para sakanya, ang pagmamahal ay isa lamang paraan upang makapanakit ng isang tao.Minsan na siyangnagkaroon ng kasintahan. Ngunit, ito ay hindi dahil sa pagmamahal. Bagkus, ginamit niya lamang ang
  • 3. babae na ito upang maranasan niya ang pakiramdam ng isang may kasintahan. Gayundin naman, dahillamang ito sa buyo ng kanyang mga kaklase noong siya ay nasa college pa lamang. At dahil hindi naman siya masamang lalaki, siya na ang kusang nakipaghiwalay sa kanyangnaging kasintahan.Inakusahan pa nga siya na isa siyang bakla dahil wala siyang kakayahan na magmahalng isang babae. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, mayroon siyang itinatagong lihim. Lihim niyang minamahalang kanyang matalik na kaibigan na si Julienne.Hindi din ito alam ni Julienne. Para sa kanya, purongpagkakaibigan lamang ang namamagitan sa kanila ni Darren.Ngunit hindi niya alam, na mula pa lamanghigh school ay lihim na siyang minamahal ni Darren. Pilit lamang na pinipigilan ni Darren ang kanyangsarili na tuluyang mahulog ang loob kay Julienne sapagkat natatakot siya na masira ang kanilangpagkakaibigan. Ganun niya kamahal si Julienne, handa siyang pigilin ang kanyang damdamin para kayJulienne huwag lamang itong mawawala sa kanyang piling. Isang gabi na umiiyak si Julienne dahil sa panlolokong ginawa ng kanyang kasintahan sa kanya, siDarren ang kanyang naging sandalan. Naging saksi si Darren kung paanong halos gumuho ang mundo niJulienne dahil sa nagawang kataksilan ng kanyang kasintahan. Dahil sa sobrang awa niya sa kanyangmatalik na kaibigan at babaeng lihim na minamahal, isang paraan ang kanyang naisip upang mabawasanang kalungkutan na nadarama ni Julienne. Ito ay isang kasunduan na kung sasapit ang ika-30 taonggulang ni Julienne at wala pa itong asawa, hindi na rin mag-aasawa si Darren. Ipinangako niya kayJulienne na mananatili na lamang silang single at matalik pa rin na magkaibigan, bagay naman na sinang-ayunan ni Julienne. Dahil na rin sa kabiguang nadama ni Julienne, nagpasya siyang lumayo muna ng dalawang taonupang makapagpahinga at makapag-move-on sa kasawian na kanyang naranasan. Bagay naman nasinang-ayunan ng kanyang mga magulang. Sumang-ayon din si Darren sa balak na ito ni Julienne para narin sa kapakanan at kahilingan ni Julienne sa kanya. Ngunit ang totoo ay tutol siya na lumayo ito. Isipinlamang niya ang panahon na mawawala sa piling niya ang kanyang “best friend”, tila nalulungkot naagad siya. Ngunit wala siyang magagawa, ayaw niyang hadlangan ang kagustuhan ni Julienne. Ang kanyana lamang nagawa ay ang sumang-ayon at mag-intay sa pagbabalik nito. Mabilis na lumilipas ang mga araw, ngunit para kay Darren tila nakakainip ang bawat sandali nawala ang kanyang “bestfriend”. Kahit halos araw-araw silang magkatext o magkachat sa Facebook, dilikaya ay magkapalitan ng kwento sa e-mail, tila hindi pa rin ito sapat upang mapunan ang kanyangkasabikan na makapiling muli si Julienne. Sa panahong ito na nalayo si Julienne sa kanya, doon niyanapagtanto na hindi niya kayang mawala si Julienne sa kanyang piling. Dapat na niyang aminin kayJulienne ang kanyang nararamdaman, dapat na siyang magtapat. Ngunit, nagdadalawang isip pa rin siya.Paano kung maging sila nga, ngunit mauwi ang lahat sa paghihiwalay? Ayaw niyang masaktan siJulienne. At lalong takot siya na masaktan, takot siya na mawala ang kangyang “bestfriend”. Dumating ang araw na pinakahihintay ni Darren. Babalik na si Jullien. Babalik na ang kanyangbest friend. Bagay na lubos na nakapagpasaya sa kanya ngunit nagdulot din ng pag-aalalla. Nagtatalo sakanyang isipan kung magtatapat na ba siya kay Julienne o hindi. Sari-saring emosyon ang kanyang
  • 4. nadarama- Masaya, excited,kinakabahan,natatakot… ngunit ang mahalaga sa ngayon para sa kanya aybabalik na si Julienne. Makikita na niyang muli ang kanyang “minamahal na best friend”. Sa kanilang paboritong tambayan, sa terrace ng bahay nila Julienne masaya at sabik na sabiksilang nagkwentuhan ng mga nangyari sa loob ng nakalipas na dalawang taon.Miss na miss nila ang isa’t-isa, hindi sila naubusan ng napag-uusapan.Hanggang sa napunta ang kanilang usapan sa kasunduan nilabago umalis si Julienne noon. Nagulat si Darren dahil naaalala pa ito ni Julienne, buong akala niya aynalimot na ito ni Julienne. Biniro pa siya ni Julienne na baka siya ang nakalimot sa kasunduang iyon.Napangiti lamang siya. Nasasabik na siyang hilahin ang mga araw upang maging 30 yrs. Old na sila niJulienne at mga single pa din, nang sa gayon ay malaya na niyang mamahalin si Julienne bilang isangbabae kahit na ang dahilan lamang nito ay pagtupad ni Julienne sa kanilang kasunduan at ang pagtinginlamang ni Julienne sa kanya ay kaibigang matalik lamang. Isang araw, habang nagba-bonding ang dalawang magkaibigan sa bahay nila Julienne, dumatingang dating kasintahan ni Julienne na ‘di umano ay nakabuntis ng ibang babae. Nagpunta ang lalaking itoupang ipaliwanag kay Julienne na isa lamang palang maling pagkakamali ang nangyari, pinagbintanganlamang pala ito ng babae upang may managot sa kanyang pagbubuntis. Sa kalaunan ay lumantad angtunay na ama ng pinagbubuntis nito. Ngunit, nang bumalik ang lalaki upang magpaliwanag kay Julienneay naka-alis na siya kaya’t hindi na niya nalaman ang buong katotohanan. Nabigla si Julienne sa kanyang natuklasan. Hindi niya malaman ang kanyang mararamdaman.Naguguluhan siya sa mga pangyayari. Si Darren naman ay tila napipi din sa mga narinig at nasaksihan,tila binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang katawan dahil sa mga sari-saring emosyon na kanyangnararamdaman. Lalo na ang takot na nadarama niya na maaaring mawala na ng tuluyan sa kanya siJulienne. Naging muling magkasintahan sila Julienne at ang kanyang kasintahan. Naging magkasintahansila ulit dahil pinagpilitan ng lalaki na walang dahilan upang sila ay magkalayo at ang lahat ay pawangmga maling akusasyon lamang sa kanya. Pumayag si Julienne na magkabalikan sila ngunit taglay niya sakanyang isipan ang tila pag-aalinlangan. Tila hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya sa lalaking ito.Lalo tuloy siyang naguluhan kung ano ang nangyayari sa kanya. Tila mayroon siyang ibang hinahanap,may iba siyang gusto na makasama at hindi ito ang kanyang kasintahan. Nagtaka din si Julienne sa kanyang sarili dahil bakit hindi niya makuhang magtapat kay Darrentungkol sa kanyang nararamdaman. Samantalang dati ay si Darren ang kanyang takbuhan lalo na sa mgaganitong klase ng problema. Tinanong niya ang kanyang sarili kung ano ang nangyayari sa kanya, bakittila natatakot siya na malaman ni Darren ang nararamdaman niyang pag-aalinlangan sa kanyangkasintahan, nahihiya ba siya? Ngunit bakit? Bakit siya nahihiya kay Darren gayung si Darren ang kanyangbest friend? Mula ng nagkabalikan sila Julienne at ang kanyang kasintahan, minabuti ni Darren na lumayomuna kay Julienne. Lalo na kasi siyang nasasaktan kapag nakikita niya na masayang magkasama silaJulienne at ang kasintahan nito, nagseselos siya. Mas lalo tuloy niyang naiintindihan ang kanyang sarilina mahal talaga niya si Julienne ng mas higit pa sa pagmamahal sa isang kaibigan.
  • 5. Napapansin na din ni Julienne ang tila pag-iwas sa kanya ng kanyang “bestfriend”. Nagtatakasiya sa biglang pag-iwas nito, naiinis din siya, sa totoo lang nagagalit siya dahil parang lumalayo na angloob ni Darren sa kanya. Nakakaramdam tuloy siya ng takot, baka tuluyan na siyang iwanan ng kanyangkaibigan. Nalulungkot tuloy siya, namimiss na niya si Darren. Isang araw, biglang nagkasalubong si Julienne at ang dating girlfriend ni Darren. Nginitian atbinati niya ito ngunit siya ay hindi nito pinansin. Nagtaka siya kung bakit ganito ang reaksiyon na pinakitanito sa kanya kaya tinanong niya ang babae. Nagulat siya sa kanyang nalaman, kaya pala ito nagtataraysa kanya ay dahil sinisisi nito si Julienne na siyang dahilan ng paghihiwalay niya at ni Darren. Nagtaka siJulienne, naisip niya na marahil ay nagseselos ang babaeng ito sa kanya ngunit ipinaliwanag niya sababae na sila ni Darren ay magkaibigang matalik lamang. Ngunit mas lalo siyang nabigla dahil sinabi ngbabae sa kanya na higit sa kaibigan ang pagtingin ni Darren sa kanya. Kaya naghiway ang dalawa aydahil hindi kayang mahalin ni Darren ang babaeng ito dahil si Julienne ang talagang laman ng kanyangpuso. Hindi alam ni Julienne kung ano ang kanyang mararamdaman matapos niyang malaman angkatotohanang iyon. Ngunit tila mas nananaig ang galit o inis na kanyang nararamdaman kay Darren dahilmatagal na palang may itinatagong pagtingin para sa kanya si Darren. Ngunit sa ‘di niya malamngdahilan ay tila may kaunting tuwa sa kanyang dibdib, gusto siya ni Darren bilang isang babae, mahal siyani Darren! Ilang araw at gabi na niyang iniisip ang katotohanang kanyang nalaman tungkol sa damdamin sakanya ni Darren. Sa halos araw-araw niyang pag-iisip tungkol dito ay tila nagkakaroon rin siya ng masmalalim na pagkilala sa kanyang damdamin para kay Darren. Hanggang sa dumating ang isang araw nakanyang natuklasan sa sarili na mahal din niya si Darren at ayaw niyang mawala ito sa kanya. Handa na sana si Julienne na ipagtapat sa kasintahan ang kanyang tunay na damdamin para ritoat para kay Darren ngunit nawalan siya ng pagkakataon. Nag-“propose” ang kanyang kasintahan nang ‘diniya inaasahan. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Sigurado na siya na si Darren ang mahal niyangunit hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang kasintahan ang totoo, lalo pa ngayon sasitwasyong iyon. Ngunit sa mismong eksenang iyon ay dumating bigla si Darren. Pinigilan ni Darren ang“proposal” ng kasintahan ni Julienne dahil nalaman na niya na alam na ni Julienne ang totoongdamdamin niya para rito. Ang kanyang “ex-girlfriend” ang nagsabi nito sa kanya. Ipinaunawa rin nito sakanya na panahon na upang maging matapang siya at panindigan ang kanyang tunay na damdamin parasa kanyang kaibigan bago pa man mahuli ang lahat. Kaya nga dali-dali siyang pumunta kay Julienne paraumamin, hindi na niya naisip kung ang pag-ibig ba niya ay may katugon na damdamin mula kay Julienne,ngunit ang alam niya ay handa na siyang humarap sa kanyang tunay na damdamin at handa rin siyangipaglaban ito kung kinakailangan.Sa kabutihang palad ay mahal din siya ni Julienne. Hindi na nilakailangang mag-intay ng kanilang ika-30 taong kaarawan upang maging magkasintahan, dahil alam nilana mula sa araw na iyon ang kanilang pagkakaibigan ay umakyat na sa ibang lebel ng pagmamahalan. --#%#--