Kalayaan

23,454 views
22,852 views

Published on

Published in: Education, Technology, Sports
1 Comment
6 Likes
Statistics
Notes
  • Ano Po Ang Answer ?
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
No Downloads
Views
Total views
23,454
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
27
Actions
Shares
0
Downloads
423
Comments
1
Likes
6
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Kalayaan

  1. 1. Dahil ako’y iyongpinalaya handaakong magbigay ngpabuya. Bilang _____________________gantimpala ano ang ____________________ .gusto mo? ______________________Pera, bahay o kotse?
  2. 2. ALIN SA MGA LARAWAN ANG… Nagpapakita Nagpapakita ng ng kalayaan kawalan ng kalayaan
  3. 3. KALAYAAN Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.
  4. 4. URI NG KALAYAAN 1.Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos- loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:  kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o hindi magnais  kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin
  5. 5.  2.Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan.
  6. 6. KALAYAAN Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.
  7. 7. .
  8. 8.  Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang kabutihang panlahat (common good). Halimbawa, ginagamit mo ang kalayaan upang malampasan ang mga balakid sa pag-unlad ng ating pagkatao. Ang maging malaya sa kamangmangan, kahirapan, katamaran, kasamaan ay ilan sa mga ito. Itinatalaga din ang kalayaan para sa ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga proyektong pampamayanan o maging sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain.
  9. 9. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya. Ang bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama. Hindi lamang sapat na harapin ang kahihinatnan ng pasya o kilos kundi ang gamitin ang kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali.
  10. 10.  Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad sa mga batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga batas na ito ang siyang batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

×