ASYA DUYAN NG MGA UNANG SIBILISASYON

26,550 views
26,349 views

Published on

Published in: Education
1 Comment
3 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
26,550
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
218
Comments
1
Likes
3
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

ASYA DUYAN NG MGA UNANG SIBILISASYON

1. 1. ASYA: DUYAN NG MGA UNANG SIBILISASYON
(ST.CLEMENT, ST.AUGUSTINE, ST. IGNATIUS, ST. GABRIEL)
MESOPOTAMIA
Nagtatag ang mga tribong Ubaidian ng mga unang pamayanan sa pagitan ng mga ilog Tigris at Euphrates bandang 5000 BK. Dumating ang mga Sumeriano na, sa kalaunan, ay nagging mga pangunahing maninirahan sa rehiyon. Noong 2330 BK ay sinakop ng tribong Akkadian sa ilalim ng pamumuno ni Sargon ang Sumeria. Nangingibabaw ang Babylon sa buong rehiyon ng Mesopotamia.
MGA TAMPOK NA PERSONAHE:

SARGON (naghari bandang 2600 BK) – Hari ng mga Akkad na nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa kasaysayan; at
2. 2. HAMMURABI (naghari 1792-1750 BK) – Pinakatanyag na hari ng Babylon na nagpairal ng isang koda ng batas na kilala bilang “Batas ni Hammurabi”

MAHAHALAGANG PUNTO:

Malaki ang papel ng relihiyon sa lipunang Sumeriano na kumukilala sa maraming diyos na kumakatawan sa iba’t ibang aspeto ng kalikasan.
3. 3. Bawat syudad ay pinamumunuan ng isang hari at isang pangkat ng mga pari. Ang mga ito, kasama ang mga pinakamagigiting na mandirigma, ang bumubuo sa pinakamataas na uri sa lipunang Sumeriano. Sa ilalim nito ang mga mangangalakal, ang mga nagmamay-ari sa lupa, at mga artisan na bumubuo sa pangalawang uri; ang pangatlong uri naman ay binubuo ng mga alipin.
4. 4. Sa Mesopotamia lumitaw bandang 3000 BK ang kauna-unahang sistema ng pagsusulat na kung tawagi’y CUNEIFORM. Ang ilan pa sa tampok na imbensyong Sumeriano ay ang GULONG, KALENDARYONG NAKABATAY SA BUWAN, ANG SISTEMA NG PAGGAMIT SA BILANG NA LABINDALAWA BILANG BATAYAN SA PAGSUSUKAT NG ORAS,DEGREES, AT IBA PA.

SIBILISASYONG INDUS
Nagtatag ang mga tribong Dravidian ng mga pamayanan sa pampang ng ILOG INDUS bandang 2500 BK at ang naging panakamaunlad sa mga ito ay ang mga syudad na HARAPPA at MOHENJO-DARO. Noong 1500 BK ay sinalakay ng mga tribong Indo-Aryan ang mga pamayanang Dravidian at naglaho ang sibilisasyong Indus.
MGA MAHAHALAGANG PUNTO

Nagpapakita ang mga syudad ng Harappa at Mohenjo-daro ng abanteng konsepto ng mga Dravidian sa pagpaplano ng pamayanan: tuwid ang mga kalsada at bawat bahay ay may sariling palikuran, balon, at maayos na lagusan ng tubig. Natatangi ang mga Dravidian sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa tanso; lumikha rin sila ng sariling sistema ng pagsusulat na may halos limang daang simbolo;
5. 5. Wala gaanong pagbabagong naganap sa mga syudad na Harappa at Mohenjo-daro matapos ang biglaan nitong pag-unlad. Maaaninag pa nga ang pagbaba ng antas ng kabuhayan mula sa mga huling gusaling naitayo na hindi na kasinghusay ang pagkakagawa sa mga nauna. Nagpatuloy ang deteryorasyong ito hanggang sa tuluyang pagbagsak ng sibilisasyong Indus bandang 1500 BK; at
6. 6. Nagtayo ang mga Indo-aryan ng mga pamayanan sa dating teritoryo ng mga Dravidian; ang mga natitirang Dravidian ay isinama nila sa kanilang lipunan, bagamat sa mababang caste. Sa kalaunan, ang Sibilisasyong Indo-Aryan na ang pangunahing ambag ay ang mga relihiyong Hinduismo at Buddhismo, ay kumalat sa buong India at Ceylon.

SIBILISASYONG HUANG-HO
Nagsimula ang sibilisasyong Huang-Ho sa hilagang Tsina sa pampang ng Ilog Huang-Ho bandang 2800 BK. Naitayo ang mga unang kabihasnan sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga tao sa lipunan para ayusin ang sistema ng agrikultura.
Kasunod nito ay ang paghahari ng iba’t ibang dinastiya:

Bandang 2200-1750 BK – Dinastiyang Hsia;
7. 7. 1760-1125 BK – Dinastiyang Shang;
8. 8. 1125 – bandang 250 BK – Dinastiyang Chou na sinundan ng panahon ng kaguluhan sa pagitan ng mga rehiyon; at
9. 9. 221-206 BK – Panahon ng Ch’in na itinatag ni Ch’in Shih Huang –Ti na bumansag sa sarili niya bilang “Unang Emperador ng Tsina”.

MGA TAMPOK NA PERSONAHE:

EMPERADOR YU – isa sa mga maalamat na hari ng Dinastiyang Hsia;
10. 10. T’ANG – pinuno ng mga tribo mula sa hilaga ng ilog Yangtze na nagtatag sa Dinastiyang Shang (1766-1122 BK.)
11. 11. KUNG FU-TZE o CONFUCIUS (550-480 BK) – iskolar/pantas na nagkaroon ng malaking impluwensya sa lipunang Tsino; at
12. 12. SHIH HUANG –TI (259-210 BK) – emperador sa Panahon ng Ch’in

MGA MAHAHALAGANG PUNTO:

Mga imbensyong Tsino:
13. 13. Gulong
14. 14. Ang pagpapanday ng mga kasangkapang gawa sa tanso’t bronse;
15. 15. Nagpanday ng araro at unang nagpahila rito ng kabayo;
16. 16. Isang sistema ng pagsusulat batay sa larawan na may mahigit 3,000 simbolo;
17. 17. Paggawa ng papel at imbensyon ng paglilimbag sa pamamagitan; at
18. 18. Paggawa ng telang seda…
19. 19. Sa panahon ng Shang nagsimula ang paghahari ng sistemang pyudal sa Tsina. Bandang 1125 BK, gumuho ang Dinastiyang Shang sa harap ng superior na lakas ng mga Chou, na nagtayo ng panibagong dinastiya na tumagal hanggang 250 BK. Dahil sa lawak ng nasasakupan ng Tsina, hinati ang lupain sa ilang mga rehiyon na may kanya-kanyang administrador na nagsimula naming mag-away-away. Sa kabila ng kaguluhan, lumitaw sa panahong ito ang mga iskolar/ pantas na nagkaroon ng malaking impluwensya sa Lipunang Tsino; pangunahin sa mga ito si Kung Fu-Tze o Confucius.
20. 20. Ang pagkakawatak-watak ng Tsina ay nagwakas lamang noong 220 BK sa paghahari ni Shih Huang-Ti, na humirang sa kanyang sarili bilang unang emperador ng Tsina. Ang “GREAT WALL OF CHINA” ay isinagawa sa ilalim ng kanyang utos upang harangin ang mga mananalakay at upang konsolidahin ang teritoryo ng Tsina. Binili ni Shih Huang-Ti ang mga lupain at ipamahagi ito sa mga pesante. Iniutos din niya ang istandardisasyon ng wika at sistema ng sulat, at maging ang batas sa buong Tsina. Pinasunog niya halos lahat ng mga kasulatan, mga kasaysayan at batas, upang isa na lamang ang sundin ang mga mamamayan.

MGA PAGSASANAY:
Panuto: Matapos ninyo basahin at pag-aralan ng inyong pangkat ang nilalaman ng papel na ito. Maghanda ng isang buong papel at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bago ang pagsagot, sundin ang proseso sa ibaba.

Umisip ng pangalan sa grupo na inyong nabuo dapat ang pangalan na inyong maisip ay may kaugnayan sa paksa na inyong napag-usapan;
21. 21. Isulat ang mga pangalan ng mga miyembro ng pangkat at petsa kung isinagawa ang aktibiti;
22. 22. Paunawa: Ayusin ang pagkakasulat ng mga titik ng bawat salita at huwag kaligtaan ang margin;
23. 23. Kopyahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba na may kasamang pagkakaintindihan ng buong pangkat;
24. 24. Ano ang kahalagahan ng ilog sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, Lambak ng Indus, at sa Tsina?
25. 25. Ilarawan ang relihiyong Sumeriano. Ano ang ginagampanang papel ng relihiyong Sumeriano sa lipunan at pag-unlad nito?
26. 26. Anu-ano ang mga pangunahing imbensyon at iba pang ambag ng mga Sumeriano?
27. 27. Ano ang pangunahing katangian ng sibilisasyong Indus?
28. 28. Anu-ano ang mga imbensyon at iba pang ambag ng Tsina sa buong daigdig? Ibigay ang kahalagahan ng bawat isa.
29. 29. Paano kaya nagkakaiba ang buhay ng sinaunang sibilisasyon sa mundo sa kasalukuyang pamumuhay ngayon ng mga tao?
30. 30. Sa pakikiisa, pakikibahagi, at pakikipagtulungan ng bawat miyembro ng pangkat, ano kaya sa palagay ninyo ang inyong mga napag-alaman, natutunan, at paano kaya natin ito magagamit sa tunay na buhay?
31. 31. Sa pagsagot sa mga tanong sa itaas, anu-ano ang inyong balakid na inyong naranasan?
32. 32. Sa ganitong uri ng pangkatang-gawain ay mahalaga na makilahok ang bawat miyembro ng bawat pangkat tungo sa ikapagtatagumpay ng buong pangkat ;