Your SlideShare is downloading. ×

Kasaysayan ng mundo

15,060
views

Published on

Published in: Education, Technology, Sports

0 Comments
5 Likes
Statistics
Notes
• Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
15,060
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
208
Comments
0
Likes
5
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

• 1. Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik - Tanaw
Isang masinsin at makabuluhang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng mundo - ang kasaysayan ng sangkatauhan tungo sa magandang kinabukasan.
Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw" Life can be understood backwards, but it must be lived forward." Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan, marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig. Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang kasama ang ebolusyon ng tao, ang pag-unlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang " daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga.Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang maintindihan ng mga tao dito sa mundo, maaaring ang tanging daan upang maunawaan ito ay sa pagbabalik sa nakaraan, sa kasaysayan ng mundo, at maaaring ito ang magbigay liwanag sa madilim na kasalukuyan tungo sa maliwanag na kinabukasan. Ang mga bagay-bagay na nangyari noon ang tanging magbibigay-ilaw sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, at marahil sa nakaraan natin maapuhap ang daan tungo sa kaunlarang kasundo ng bawat nilalang dito sa daigdig.Ngunit, kahit na nasa kasaysayan ang kasagutan, hindi tama na mabuhay na lamang tayo sa nakaraan. Anong saysay ng pagkakadalubhasa sa mga pangyayari 'noon' kung hindi naman magagamit upang maayos ang 'ngayon?' Tunay ngang mahalaga ang nakaraan, ngunit hindi dapat doon na lamang matigil ang kasaysayan, dapat ang bawat araw na dumaraan ay maging kasaysayan, ang mundo ay magpatuloy sa pag-ikot at ang tao kasama na ang lahat ng nilalang ay magpatuloy sa pag-unlad.Tunay nga ang kasabihang ang buhay ay mauunawaan sa pamamagitan ng kasaysayan, ng nakaraan, ngunit dapat ay isabuhay sa direksyon ng hinaharap.
Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanawKami, mga mag-aaral sa Pamantasan ng Regina Carmeli, ay lumikha ng Blog na ito bilang proyekto sa Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo.Layunin ng blog na ito na:1. Makabuo ng pinagsama-samang aralin mula ng Unang Markahan hanggang sa Ikatlong Markahan ng panuruang taon sa Kasaysayan ng Mundo2. Maihatid ang mga araling may kaugnayan sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Mundo at iba pang bagay na may kinalaman dito.3. Mabuksan ang isipan ng mga kabataan ukol sa Kasaysayan ng Mundo tungo sa isang magandang kinabukasanMahalagang matimo sa puso't isip ng bawat kabataan ang mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng tao at ng mundong kanilang ginagalawan, upang sila'y maging mga tunay at ganap na mamamayan ng mundong ito na lilikha ng bagong kasaysayan.Mas lalo naming masusukat kung gaano kaepektibo ang blog na ito kung magbibigay kayo ng mga komento/suhestiyon. Maraming salamat!
HYPERLINK " http://kasaysayanngmundo.blogspot.com/2009/01/pinagmulan-ng-daigdig.html" Pinagmulan ng Daigdig
Thursday, January 1, 2009
PINAGMULAN NG DAIGDIGAYON SA BIBLIYA
Origin Belief
Mga paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng kalawakan, ng ating daigdig, ng buhay at maging ng sangkatauhan ayon sa relihyon.
Maliban sa relihiyon, maari rin mangaling ang mga paliwanag sa pinagmulan sa mga pagsusuri ng siyentipiko at mga pagmumunimuning metapisikal
Creationism
isang sistema ng paniniwala na ang lahat ng mga bagay at materyak sa kalawakan ay nilikha ng isang diyos o ng isa o higit pang makapangyarihan at matalinong nilalang mula sa kalawakan
pamamaraang kahima-himala (supernatural), makadiyos (theistic), o maalamat (mythological)
Genesis (Jew), o sa Qur'an (Muslim)
Ayon sa Bibliya
nilikha ng Diyos na si Yahweh ang mundo sa loob ng 6 na magkakasunod na araw 1000 taon na ang nakalilipas
Unang Araw:LiwanagIkalawang Araw:Langit at LupaIkatlong Araw:Bagay sa Kalawakan, butuin, buwan, atbpIkaapat na Araw:Mga Halaman at PunoIkalimang Araw:Mga HayopIkaanim na Araw:Tao
AYON SA MGA ALAMAT/ MITO
Creation Myth
paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay alinsunod sa kultura ng isang grupo ng tao
Ang katagang ito ay hindi angkop at nakapagpapababa ng tingin sa mga kuwentong pinaniniwalaan ng karamihan dahil sa katagang mito o myth (hindi kapani-paniwala at hindi makatotohanan).
MGA PAG-AARAL UKOL SA PAGLIKHA AT KAGANAPAN SA DAIGDIG
1650
James Ussher
ang arsobispong Angelican ng Armagh sa Ireland na nagpahayag na ang paglikha ay naganap noong 4004 B.C.E. Ito ay batay sa kanyang pagtutuos ng numerolohiya sa lumang tipan (Old Testament) ng bibliya.
John Lightfoot
ang master ng St. Catherine’s Cllege sa Cambridge, England. Ayon sa kanya ang araw ng paglikha ay naganap noong ikasiyam ng umaga ng Oktubre 23.
Ussher - Lightfoot - ang daigdig ay nasa 6,000 taon pa lang
1800
Diluvial Theory - ang mga fossils ay walang iba kundi ang mga labi ng hayop na namatay sa The Great Flood
Catastrophe Theory - serye ng mga kalamidad na lumipol sa populasyon ng mga hayop at halaman sa daigdig, kaya't nagkaroon ng 27 paglikha; ayon kay George Cuvier
AYON SA AGHAM
MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG DAIGDIGAng Nebular Theory
Immanuel Kant (1755) at Pierre-Simon Laplace (1796)
a. isang napakalaking ulap ng mga gas sa kalawakanb. patuloy na umiikot dahil sa gravityc. nagsama-sama ang mga gas at dust para maging planeta
Nebula (ulap) - Solar System kasama ang Earth
Gas + Dust
nagpapaikot-ikot ang nebula
bumagal at lumamig
Planetisimal Theory
Planetisimal - asteroid sa pagitan ng Mars at Jupiter
Thomas Chamberlain at Forest Maulton, binago ni Harold Jeffreys
nagbanggaan ang dalawang malaking bituin
ang mga tipak ay tumilansik at nagpaikot-ikot sa kalawakan (mga gas)
tumigas , nabuo at naging planeta (condensation)
Big Bang Theory
Georges Lemaitre at Carl Wilhelm Wirtz
pinagmulan ng kalawakan (universe)
isang napakasiksik at napakainit na kalagayan (14 B years ago)
lahat ng galaxy - nakapatong sa isang punto
sumabog ang punto - kumalat at lumayo
Expanding Universe - Edwin Hubble
Posted by ModestyUnangPangkat at 8:32 PM 18 comments

Older Posts
Unang PangkatIII - ModestyJohn Lenard VenturaZairramayca AdrianoSharmae GonzalesJoan Marie CorpuzAmiel PinedaMa. Celerina BaltazarAngeli Mae VictoriaMa. Lerica Ina MoralesJonathan CruzJastine de ReglaCharito QuetuaReimarck ArmasSa pamamatnubay ni:Bb. Madonna C. RoqueGuro - Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo