Jessie Cont Ng Tlmbhy N
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Like this? Share it with your network

Share
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
No Downloads

Views

Total Views
2,358
On Slideshare
2,358
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
3
Comments
0
Likes
1

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Talambuhay ni Bb. Jessie-Beth Tadlas Magsino S i Jessie-Beth ay ipinanganak noong ika- labindalawa ng Oktubre taong isanglibo siyam- na raan at siyam napu’t isa, sa bayan ng Pakil lalawigan ng Laguna, ngunit siya ay nakatira sa baranggay ng Nanguma bayan ng Mabitac. Ang kanyang butihing ama na siFrancisco Macatangay Magsino ay sa bayan ng mabitac lumaki, at ang kanyang butihing ina na si Ruth Liedo Tadlas naman ay taga Visaya-Sierra Bullones Bohol, at doon rin sila nagpakasal at ang pagsasamang iyon ay nagbunga ng anim na anak,apat na babae at dalawang lalaki, at pang-apat si Jessie-Beth sa magkakapatid, at ang pamilyang ito ay masaya at sama-samang naninirahan sa bayan ng mabitac. S i Jessie-Beth ay nakapag aral sa elementarya ng nanguma,siya nagkamit ng ay Ikalawang karangalan noong siya ay
  • 2. kinder pa lamang, at nang nasa unang baitang na siya ay nagkamit naman siya ng unang karangalan dahil sa kagalingan sa pag-aaral,at nang siya ay nasa ikalawang baitang na,nagkamit ulit siya ng ikalawang karangalan, at pagdating sa ikatlong baitang marami na ang kanyang kaagaw sa posisyon kaya’t siya ay hindi na nakasama hanggang sa ika- apat na baitang,pinag buti na nya ang kanyang pag- aaral kaya’t pagdating sa ika-limang baitang na, nagkamit siya ng espesyal na mensyon at nang siya ay nasa ikaanim na baitang na nagkamit rin siya ng medalya dahil sa pagsali niya sa buwan ng nutrisyon sa larangan ng poster making. S i Jessie ay ipinanganak na mahirap lamang ngunit natutustusan naman ng maayos ang kanilang pangangailangan sa araw-araw na pamumuhay,kaya’t siya ay nakapag aral sa pampublikong paaralan lamang ng mataas na paaralan ng bayan ng mabitac. Naging mahirap para sa kanya ang mag-aral sa ganitong antas ngunit pinagsumikapan naman niya na pataasin ang kanyang mga marka,nagagamit rin nya ang kanyang talento sa ibat-ibang programang patimpalak sa eskwelahang ito
  • 3. tulad ng pag-guhit.At nang siya ay nasa ikaapat na antas na sa mataas na paaralan,hindi lamang pag- guhit ang kanyang sinalihan, pati narin sa paggawa ng long pants.Dahil narin sa kanyang ina na ang hanap buhay ay pananahi ng mga damit ,nakatulong ito sa kanya kaya’t sya ay inilaban ng eskwelahan sa district at division level. N agkaroon sila ng maliit na karinderya sa tulong ng kanyang tiyahin na si Emeliana na panganay na kapatid ng kanyang ama kaya’t sa pamamagitan din nito ay natutustusan ang kanilang pangangailangan. Marami at iba’t-ibang trabaho narin ang napasukan ng kanyang ama ngunit wala namang trabahong tumatagal dahil sa kainitan ng ulo nito .At nang magkaroon sila ng maliit na hanap-buhay,ang kanyang ama ang nagging tagapag- luto sa kanilang karinderya,at tumagal naman ito .Nakakatuwa dahil sa paraang ito ay nakakalimutan ng kanyang ama ang bisyo, dahil ito ay lasenggero at sabungero ,kaya’t laking pasasalamat ng kanyang pamilya na nagkaroon ng ganitong hanap-buhay upangmagkaroon ito ng libangan.
  • 4. N akapagtapos ang kanyang panganay na kapatid na si Lea sa kolehiyo sa tulong na rin ng kanyang tiyahin kaya’t hindi naging mahirap sa kanilang magulang na pag-aralin ang ang tatlong magkakapatid sa mataas na paaralan at isa pang kapatid na nag-aaral sa kolehiyo,ngunit ang kanyang kapatid na lalaki na sumunod sa panganay ay ginusto na lamang na magtrabaho nang makatapos sa mataas na paaralan. N gunit ang isa nitong kapatid na si Jason na sumunod sa panganay ay ginusto na lamang magtrabaho, kaya’t ito ay kinuha ng kanyang tiyahin sa Antipolo at pagtrabahuhin bilang mekaniko, nang ito ay makapagtapos sa mataas na paaralan ng bayan Mabitac, kaya’t nakakatulong rin ito sa pamilya. Ang pamilya ni Jessie ay Masaya at may pagkakaisa kahit sa gitna ng problema at nang dumating ang pagkakataon, noong Oktubre ika-dalawamput dalawa, taong dalawang libo, ditto ay binawian ng buhay ang kanyang ama sa sakit na High Blood, habang ito ay nanonood ng telebisyon at nagpapahinga matapos na makapagluto para sa
  • 5. kanilang karinderya. Hindi akalain ni Jessie na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanilang buhay. Siya ay nasa ikaapat na antas ng Mataas na Paaralan noon nang ito ay mangyari. Naging napakasakit sa kanya ang isipin siya ay mawawalan ng ama, kaya’t hindi niya ito matanggap. Ang buong pamilya ay nasaksihan ang pagpanaw ng kanyang ama, maliban sa kanyang kuya Jason na kasalukuyang nagtatrabaho sa Antipolo. Kaya nang mangyari ito ay hindi agad dito ipinaalam ang nangyari. At wala itong kamalay-malay nang dumating na pumanaw nap ala ang kanilang ama, kaya’t lalong nagging napakasakit para kay Jessie ang mag-isip, walang oras na hindi siya umiiyak, pati na rin ang kanyang mahal na ina at mga kapatid sa pangyayaring ito. Dahil ditto ay nawalan na siya ng gana sap ah-aaral, itinigil na rin ang kanilang hanap-buhay na karinderya dahil ang tagapagluto ditto ay ang kanyang ama. Ngunit hindi naman niya pwedeng itigil ang pag-aaral sapagkat tanging pangarap ng kanyang mga magulang ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Kaya’t ipinagpatiloy niya ang pagpasok sa paaralan, ngunit siya ay nagging malungkutin at palaging gusto ay mapag-isa. Ngunit nandiyan naman upang makiramay ang kanyang mga
  • 6. kabarkada na sina Danica, Kim, Karen, at Arlene, pati na rin ang kanyang mga kaibigan na sina Jonna, Aleli, Ronalyn, Jingle, Lea, Leahry, Geraldine at pati na rin ang kanyang matalik na kaibigan na si Aian at si Beh. Na palagi niyang kasa-kasama sa eskwelahan. Kaya’t kahit papaano’y naiibsan ang kanyang kalungkutan. Si Jessie at ang kanyang pamilya ay Katoliko, ngunit nang may dumating na miyembro ng Born Again na nanggaling pa sa Luisiana ay nahikayat siya at ang dalawa pa nitong kapatid na si Jether at Gerald, pati na rin ang kanyang ate Jeramie na dumalo at makiisa sa relihiyong ito. Nasa ika-apat na baitang siya ng elementary nang magsimula sa ganitong relihiyon kaya’t hanggang ngayon ay dala- dala niya hanggang paglaki ang lahat ng pangaral na nanggagaling sa kanilang mahal na Pastora Tessie, kaya’t dahil dito’y unti-unti niyang natatanggap ang pagkamatay ng kanyang ama at tumino sa kanyang isipan na lahat ng pangyayari sa buhay ng isang tao ay may dahilan at may patutunguhan. Ngunit kahit na natanggap na niya ay di pa rin maiiwasan ang malungkot sa tuwing maaalala nito ang kanyang ama, at masasayang ala-ala na lang ang maiiwan nito sa buong pamilya. At halos araw-araw ay name-miss niya ang kanyang ama.
  • 7. N akapagtapos siya sa Mataas na Paaralan ng Mabitac na wala ang kanyang ama. Kaya’t nagging malungkot sa kanya ang araw-araw na iyon, kahit na siya ay nagkamit ng karangalan bilang isa sa mga achiever at karangalang sertipiko at medalya sa paglahok sa “Step Contest” sa asignaturang T.L.E. (‘making Long Pants’). T umigil si Jessie sa pag-aaral nang siya ay makapagtapos sa Mataas na Paaralan dahil nais ng kanyang ina na pagtapusin muna ang kanyang ate Jeramie sa dalawang taong kurso sa “COMSEC”, dahil hindi na kinaya nang kanyang ina ang sabay silang pag-aralin sa kolehiyo , at dahil na rin wala itong katuwang sa pagpapa-aral sa kanila pagka’t wala na ang kanilang ama. Mabuti na lamang at nandiyan ang kanyang ate Lea para makatulong sa pagpapa-aral sa kanyang mga kapatid. Naghanap siya ng trabaho sa kanyang pagliban sa pag-aaral, ngunit wala siyang nahanap, kaya’t kinuha siyang kanyang tiyahin bilang tinder at bantay sa kanilang tahanan kapag ito ay umaalis, sapagkat ito ay nagtuturo sa Ballan. At ang mga anak naman nito ay sa Maynila
  • 8. na naninirahan, dahil doon nagsisipag-aral at nagtatrabaho , bilang Abogada. Ang pamilya nang kanyang tiyahin ay may kaya sa buhay, kaya’t ito ay makatutulong rin sa kanila sa oras ng pangangailangan, kaya’t sa pagtira niya doon ay siya ay sineswelduhan ng kanyang tiya at ang perang iyon ay ibinibigay naman niya ng buo sa kanyang mahal na ina. Bilang tulong sa mga gastusin. At nang sumapit na ang sumunod na taon, nakapagtapos na rin ang kanyang ate Jeramie sa kolehiyo at ito ay nakapaghanap na ng trabaho. At nakapagpatayo na rin ng bahay ang kanyang ate Lea para sa kanila, ngunit hindi pa ito natatapos, sapagkat nakapag- asawa na ang kanyang ate Lea, kaya minabuti ni Jessie ang maghanap ng scholarship upang hindi gaanong makabigat sa gastusin. At nakahanap nga siya ng iskolar sa tulong ng kanyang Tito Tony na pinsan ng kanyang yumaong ama. Kaya’t laking pasasalamat niya at ng kanyang pamilya sa pagkapasok niya sa iskolar ni “Kuya Egay”. At ang kanyang ate Lea naman ang nagbibigay ng allowance sa kanya buwan-buwan, kahit ito ay may sarili nang pamilya. At ngayon ay nakakapag-aral na siya sa kolehiyo sa kursong BSE, at doon ay nakilala niya bilang kaibigan at kabarkada sina Monique, May,
  • 9. Kristine, Karelle, Maricel, Judith, Juliet, Harlene, Elena, Rodalin, Emily at lahat ng kanyang mga kaklase.