Ang kabihasnang mesopotamia
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Like this? Share it with your network

Share
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
No Downloads

Views

Total Views
2,672
On Slideshare
2,669
From Embeds
3
Number of Embeds
1

Actions

Shares
Downloads
69
Comments
0
Likes
3

Embeds 3

https://www.facebook.com 3

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Ang Kabihasnang Mesopotamia
  • 2. • Ang pag-usbong ng kabihasnan ay ang-ugat sa mga pag-unlad na naganap sa Panahong Neolitiko. • Nabago ang pamumuhay ng mga tao. • Mula sa pagiging nomad ay nagtatag ng permanenteng mga pamayanan. • Nagsimula ring maging bihasa ang mga tao sa iba’t ibang larangan, sa mga institusyonng pang-estado o pamamamahala, sa sistema ng pagtatago ng mga talaan at dokumento at sa makabagong mga teknolohiya.
  • 3. • Ang pagiging isang lungsod ay hindi nagtatapos sa pagkakaroon ng malawak na teritoryo at malaking populasyon at pagiging sentro ng kalakalan para sa mga magsasaka at mangangalakal. • Ang mga kabihasnan ay karaniwang may sistema ng pamahalaan o estado na namamahala rito. • Kaalinsabay nito ang pagkakaroon g relihiyon at paghahating panlipunan (socila stratification).
  • 4. • Mesopotamia – nagmula sa wikang Griyego na mesos,ibig sabihin ay “gitna” at potamos, ibig sabihin ay “ilog”. • Ang Mesopotamia ay nabuo sa pagitan ng dalawang ilog, ang ilog Tigris at ilog Euprhates. • Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa Iraq. • Ang mga lupain ay mataba at mayaman sapagkat dumanas ng taunang pagbaha. • Bahagi ng isang rehiyon na tinatawag na Fertile Cresent
  • 5. PAMANA AT AMBAG NG SINAUNANG KABIHASANAN SA MESOPOTAMIA
  • 6. Sumerian (5300-2334 BC) • Unang kabihasnang nabuo sa Mesopotamia. • Unang nagtatag ng mga lungsod-estado na pinamumunuan ng mga lugal o hari. • Ilan sa malalaking lungsod na umusbong sa Sumer ay ang Uruk, Ur, Kish, Lagash, Umma at Nippur.
  • 7. Mga naging ambag ng Sumerian • Sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform, kung saan ang mga salita ay kinatawan ng mga simbolo o hugis, kadalasan ay tatsulok. Ang karaniwang gamit na panulat ay stylus o eskriba na gawa sa reed, isang uri ng halaman, at ang sulatan naman ay tabla na gawa sa putik.
  • 8. • Mas mainam na sistema ng irigasyon at pagsasaka; gumamit ng sinaunang uri ng araro ang Sumerian. • Paggamit ng potter’s wheel sa pagawa ng tapayan. • Paggamit ng gulong bilang instrumento ng transportasyon ng mga tao at kagamitan. • Code of Ur-Nammu – unang saligang batas • Sexagesimal system – sa larangan ng matimatika.
  • 9. • Pagtatag ng mga paaralan upang ipakalat ang paraan ng pagsulat at makapagtago ng mga talaan na pinamahalaan ng simbahan o templo. • Pagtatayo ng mga templo bilang lugar- sambahan o ziggurat na nakalaan lamang sa mga pari. Ang Sumerian ay naniniwala sa maraming Diyos (politeismo) na tumutulong sa iba’t ibang aspekto ng kanilang buhay • Unang sistema ng pagsukat ng timbang at distansya • Lunar kalendaryo na may 12 buwan.
  • 10. Akkadian (2334-2193 BC) • Nagsimula bilang maliit na lungsod- estado na malapit sa mga Sumerian. • Dahil sa kanilang galing sa pakikidigma, nagapi nila ang mga Sumerian. • Itinuturing na unang kabihasnang nakapagtatag ng isang imperyo at ito ay naisakatuparan sa pamumuno ni Sargon I.
  • 11. Mga napagtagumpayang gawin • Nagpasimula ng isang uri ng pamamaraan ng paghahatid ng sulat at mensahe • Paggamit ng selyo na gawa sa putik para sa mga sulat • Pagpapangalan ng mga taon batay sa pangalan ng haring namumuno.
  • 12. Babylonian (1792-1595 BC) • Nabuo ang kabihasnan ng mga Babylonian mula sa mga labi na naiwan ng Imperyong Akkadian. • Itinatag ni Sumuabum ang maliit na bayan ng Babylon hanggang sa ito ay lumaki at naging isang imperyo sa pamumuno ni Hammurabi.
  • 13. Mga naging ambag ng Babylonian • Code of Hammurabi – isang batas na may malupit na kaparusahan para sa mga krimen na nagawa ng mga Babylonian. Isa rin itong gabay para magkaroon ng isang organisadong lipunan. • pag-aaral sa larangan ng astronomiya at matematika. • Epiko ni Gilgamesh – ang pinakamatandang akdang pampanitikan na natuklasan sa kasaysayan ng daigdig. • Paggamit ng mga sundial at water-clock.
  • 14. Hittite (1180-800 BC) • Naging tanyag sa pagmina ng mineral at paggamit ng bakal bilang materyales sa paggawa ng mga armas at mga gamit sa pangangaso. • Naimbag din nila sa kabihasnan ng daigdig ang pagkakaroon ng talaan ng mga titulo ng lupa ng mga mamamayan nito.
  • 15. Assyrian (2500-608) • Kilalang imperyo na gumapi sa mga Hittite at Babylonian. • Ang kanilang pinuno na si Ashurbanipal ay naging tanyag dahil sa kaniyang pagtatatag ng kauna-unahang sistematikong aklatan sa lungsod ng Ninevah.
  • 16. Chaldean-Neo-Babylonian (626-539 BC) • Humalili sa mga Assyrian matapos nilang magrebelde sa pamumuno ni Nabopolassar. • Naipatayo ang tanyag na Hanging Gardens of Babylon, isa sa mga itinuturing na Seven Wonders of the Ancient World sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar.
  • 17. Phoenician (1550-300 BC) • Kilala bilang magagaling sa manlalayag mula sa rehiyong Levant (Lebanon) • Kabihasnan na lumikha ng alpabeto na ponetika (phonetic), kung saan ang mga tunog ng mga salita o titik ay may kaagapay na simbolo. • Gumamit ng ibang sistema ng pagsulat o pictograph.
  • 18. Lydian (2000-546 BC) • Ay nagmula sa rehiyon ng Anatolia (Turkey) na bahagi rin ng Fertile Crescent. • Tanyag sa paggamit ng mga barya bilang uri ng salapi – kabayaran sa pakikipagkalakalan.
  • 19. Persian (550-330 BC) • Kasalukuyang matatagpuan sa Iran. • Ang Imperyong Persian o Imperyong Achaemenid ay nagmula sa pangalan ni Achaemenes,isa sa mga naunang pinuno ng lungsod-estado. • Cyrus the Great – naging isang malaking imperyo na gumapi sa mga Imperyong Assyrian at Chaldean at ilan pang bahagi ng Fertile Crescent.
  • 20. • Darius I – humalili kay Cyrus the Great. Lumawak pa lalo ang impeyo hanggang sa ilang bahagi ng Europa at India. Mga naiambag ng Kabihasnang Persian • Satrapy – pamamalakad pinamumunuan ng isang satrap • Zoroatrianism – relihiyong nagmula sa mga Persian. Ito ay batay sa mga pangaral at turo ni Zoroaster o Zarathustra. Relihiyong naniniwala sa isang Diyos o monotheism • Ahura Mazda – kinikilalang Diyos ng relihiyong ito.