Your SlideShare is downloading. ×
Pmt Krudo
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Pmt Krudo

3,078
views

Published on

Published in: Business

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
3,078
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
30
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. Ang Krisis ng Industriya ng Langis sa Pilipinas at Mga Solusyon James Matthew Miraflor Presentasyon para sa Pagkakaisa ng Mga Manggagawa sa Transportasyon (PMT) Marso 31, 2009
  • 2. Industriya ng Langis sa Pilipinas Ang Downstream Oil Industry Ang Dominasyon ng Petron at Shell Ang Caltex bilang Distributor Dominasyon ng Tatlong Oil Retailer Pagtaas ng Presyo ng Langis sa World Market at mga Epekto nito
  • 3. Industriya ng Langis sa Pilipinas  Ang Downstream Oil Industry sa Pilipinas ay may apat na bahagi: ----- 1. Importasyon ng krudo (crude oil) 2. Pagpoproseso at pagiimbak ng intermediate at refined na krudo sa mga refineries 3. Distribusyon ng krudo sa ibat-ibang bulk plants o depot Tankers/barges para sa Petron at mga news players  Batangas-Manila pipeline para sa Caltex at Shell 
  • 4. Industriya ng Langis sa Pilipinas 4. Pagdadala ng refined na krudo mga retain outlets at industrial consumers sa pamamagitan ng mga tank trucks. Sa kaso ng liquefied petroleum gas (LPG), ginagamit ang  specialized bulk tankers/lorries sa transportasyon papuntang refilling plant kung saan inilalagay ang LPG sa mga cylinders at dinedeliver sa mga dealer/retail outlets para sa household at commercial use.
  • 5. Industriya ng Langis sa Pilipinas Halaw sa DoE: December 2006 issued COC (Certificate of Compliance)
  • 6. Dominasyon ng Petron at Shell  Ang downstream oil industry ng Pilipinas ay deregulated na simula 1998 at dinodomina ng dalawang (2) malalaking oil refining at marketing ng kumpanya, ang Petron at Pilipinas Shell.  Ang Petron ay dating pag-aari ng pamahalaan, nasa kontrol ng Philippine National Oil Company (PNOC), isang state- owned enterprise, na ngayo’y ganap ng pribatisado.  Ang Pilipinas Shell naman ay subsidiary ng Royal Dutch Shell.
  • 7. Caltex, isa na lamang distributor  Ang pangatlong oil refiner at marketer, ang Caltex Philippines Inc., ay kinonvert na ang kanilang 86,500 bbl/d refinery at ginawa na itong import terminal noong 2003.  Ang Caltex ay isa na lamang marketing and distributing company sa pangalang “Chevron”, pero Caltex pa rin ang bitbit nitong brand name.
  • 8. Dominasyon ng Tatlong Oil Retailer  Ang Petron ay may isang 180,000 bbl/d refinery at humigit-kumulang 1,200 gasoline stations sa buong Pilipinas;  Ang Pilipinas Shell ay may isang 110,000 bbl/d refinery at humigit-kumulang 800 istasyon;  Ang Caltex/Chevron ay may 2 import terminal, at humigit-kumulang 850 retail gas stations.
  • 9. Pagtaas ng Presyo ng Langis sa Merkado  Patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa world market.  Malaki ang epekto nito sa Pilipinas, dahil bagamat di naman ganun kabilis ang paglaki ng ating iniimport, napakabilis ng perang ginagastos natin para maka-import.  Buti na lang, pababa na ang paggamit natin ng langis sa power generation.
  • 10. 50 Iran-Iraq War 69 Begins 24 40 23 25 21 Gulf War Ends 68 27 65 67 20 2930 Nominal Dollars per Barrel 60 18 22 32 59 19 30 34 43 26 61 52 28 31 44 64 17 53 51 48 33 41 54 14 37 47 36 50 66 16 58 20 35 63 62 89 55 15 11 5 45 4649 13 58 10 42 Iranian Revolution; 12 38 10 4 39 40 Shah Deposed 7 56 6 2 57 3 Asian economic crisis; 1 1973 Arab Oil Embargo oil oversupply; 0 1970 1972 1974 1976 1978 1980 1982 1984 1986 1988 1990 1992 1994 1996 1998 2000 2002 2004 Source: EIA Official Price of Saudi Light Refiner Acquisition Cost of Imported Crude Oil (IRAC)
  • 11. Presyo per bariles ng Langis na Ini-import ng Pilipinas (dolyar) 80.00 70.00 73.96 67.46 60.00 50.00 52.53 40.00 37.54 30.00 29.25 20.00 25.36 24.54 10.00 0.00 2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007
  • 12. Oil Import 8.00 120.00 7.00 100.00 6.00 80.00 in million barrels in billion dollars 5.00 4.00 60.00 Value 3.00 40.00 Volume 2.00 20.00 1.00 0.00 0.00 2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007 Mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market kaysa sa laki ng ini-import natin.
  • 13. Power Generation by Source (Gwh) in percent 60 Oil-Based 50 40 30 20 10 0 1996 1997 1998 1999 2000 2001 2002 2003 2004 2005 Bagamat lumiliit, malaking bahagi pa rin ng gine-generate nating kuryente ay galing sa langis (10.86% noong 2005).
  • 14. Ang Pandaigdigang Krisis at ang Pagbagsak ng Presyo ng Langis Ang US stock market at Industriyal na Aktibidad sa Estados Unidos Ang Krisis Pampinansya at mga Epekto
  • 15. Ang US stock market at Industriyal na Aktibidad sa Estados Unidos
  • 16. Ang Krisis Pampinansya at mga Epekto  Sa pagbagsak ng mga investment houses, stock market, at nasyunalisasyon ng mga bangko sa Amerika, umalagwa ng husto ang krisis pampinansya sa Estados Unidos at sa buong mundo.  Nawalan ang US ng 533,000 trabaho noong Nobyembre 2008, ang pinakamalaking buwanang tanggalan mula pa noong 1974. Biglaang tumaas ang unemployment rate mula 6.5% tungong 6.7%.  Sa pagbagsak ng consumption rate sa Amerika, bumagsak ang kita sa exports ng mga naglalakihang bansa tulad ng Alemanya at Tsina.
  • 17. Balik sa lebel ng 2004
  • 18. Ang Deregulasyon ng Industriya ng Langis RA 8180 at Deregulasyon ng Industriya ng Langis RA 8479, kapalit ng RA 8180 Ano nga ba ang deregulasyon?
  • 19. RA 8180 at Deregulasyon ng Industriya  Ang deregulasyon ng downstream oil industry ay nagsimula noong Abril 1996 sa pagpasa ng Republic Act (RA) No. 8180.  Ngunit noong Nobyembre ng 1997, dineklara ng Korte Suprema na unkonstitusyonal ang batas na ito dahil sa mga probisyon sumasagka ito sa prinsipyo ng malayang kumpetisyon: Minimum inventory requirement (40 na araw na supply)  Mataas na taripa sa imported na refined petroleum products  (7% ad valorem tax) kumpara sa imported crude oil (4%) Ilang probisyon sa pagpepresyo. 
  • 20. RA 8479, kapalit ng RA 8180  Humabol ang administrasyong ramos, at noong Pebrero 1998, inaprubhan nito ang RA 8479, ang ikalawa at pinaleng batas sa deregulasyon.  Inayos ang mga probisyong unkonstitusyonal at hinabaan ang transition period sa limang buwan.  Binigyang kapangyarihan ng DoE na itakeover ang alin sa mga industriya ng langis.
  • 21. Ano nga ba ang deregulasyon?  Sinisiguro ng RA 8479 na:  Hindi na makikialam ang gobyerno sa presyo, pag- import, pag-export ng langis o ano mang produktong petrolyo.  Hindi na rin makikialam ang gobyerno sa pagtatayo ng mga retail outlet (gasoline station), storage depot, ocean- receiving facilities, at refineries ng langis.  Bibigyan lamang ng notice ang DoE at dapat sumunod sa zoning law ng mga LGU na tatayuan nito.
  • 22. Ano nga ba ang deregulasyon?  Maari na ring mag-import ng langis ng hindi humihingi ng permiso sa pamahalaan.  May desisyon ang mga bumibili ng langis kung kanino bibiling supplier, sa dayuhan man o lokal na kumpanya.  Halimbawa na lang, kung dati ang tanging supplier ng National Power Corporation (NPC) lang ay ang Petron, pagkatapos ng 1998, kahit sino ay pwede na. Mas bumili na ang NPC sa Unioil sa mas murang halaga.
  • 23. Ano nga ba ang deregulasyon?  Ginagawang “depoliticized” ng deregulasyon ang pagtatakda ng presyo ng langis – ibig sabihin, tanging batas na lamang ng merkado ang nagtatakda ng presyo.  Babasagin rin daw ng deregulasyon ang monopoloyo at kartel sa langis dahil hahayaan ng makapasok ang mga bagong player.
  • 24. Ang Pribatisasyon sa Industriya ng Langis Petron: Ang Umpisa RA 8479, kapalit ng RA 8180 Unti-unting Pribatisasyon ng Petron Ang San Miguel at Petron Ang PNOC-EDC at ang mga Lopez
  • 25. Pagtanggal sa Ngipin ng Taong-bayan  Sa isang deregulated na merkado lalong kailangan ang isang oil supplier na kontrolado ng gobyerno, para disiplinahin ang mga pribadong kumpanya na maaaring bumuo ng mga kartel.  Ngunit kasabay ng Deregulasyon, mas tatanggalan pa ng ngipin ang pamahalaan sa pamamagitan ng pribatisasyon ng Petron.
  • 26. Petron: Ang Umpisa  Ang Petron Corporation ay nagsimula noong 1973 bilang marketing arm ng Philippine National Oil Company (PNOC) na pagmamayari ng pamahalaan.  Nakikipagkumpetensya ito sa mga dayuhang kumpanya ng langis gaya ng Pilipinas Shell and Caltex at iba pang kumpanyang umalis din sa bansa kinalaunan, ang Esso, Filoil (umalis noong 1973), Getty (1980), at Mobil (1983).
  • 27. Unti-unting Pribatisasyon ng Petron  Noong 1993, ibinenta ng Petron ang 40% nito sa Arabian American Oil Company (ARAMCO) na itinatag ng Standard Oil of California (SOCAL) at Texas Corporation (TEXACO) noong 1930s.  20% naman nito ay ibinenta sa pribadong sector sa pamamagitan ng Initial Public Offering (IPO).  Noong Marso 2008, ibinenta ng ARAMCO sa lahat ng shares (40%) nito sa SEA Refinery Holdings noong Marso 2008, isang kumpanyang pag-aari ng Ashmore Group. Kasabay nito, nagpakita ng interes ang pamilyang  Gokongwei na bilin ang lahat ng shares ng pamahalaan noong Mayo ng 2008.
  • 28. Unti-unting Pribatisasyon ng Petron  Nakabili pa ng 11% ang SEA Refinery, ito ay pagkatapos magkaroon ng tender offer sa iba pang mga stockholder, kaya naging 51% na ang kontrolado ng Ashmore.  Noong Disyembre 2008, binili na ng Ashmore ang lahat ng shares ng PNOC.  91% ng Petron ay sa Ashmore na, samantalang may 9% pa ang ibang stakeholder na naka-IPO.
  • 29. Ang San Miguel at ang Petron  Biglaan, ibinenta ng Ashmore ang 51% nitong hawak-hawak na shares sa San Miguel Corporation ni Danding Cojuangco, kaya may natira ulit na 40% sa Ashmore.  Ito ay matapos maitatag ang San Miguel Energy, isang dibersipikasyon ng mga investments ng kumpanya.  Matatandaang nakikipag-girian din ang San Miguel sa kontrol para sa Meralco, na siyang dating kontrolado ng mga Lopez ngunit ngayon ay hawak na ni Pangilinan.
  • 30. Ang PNOC-EDC at mga Lopez  Kung ang Petron ay nasa kamay na ni Cojuangco, ang PNOC-EDC ay nasa mga Lopez na. Naungusan ang San Miguel sa pagbili ng 60% share ng gobyerno sa PNOC-EDC.  Ito ay matapos nilang makabili ng mga geothermal plants at hydro-electric plants. Matatandaang malaki ang kinikita ng Lopez sa pagpwersa sa Meralco na  bumili sa mga planta nito dahil sa walang cross-ownership provision ang EPIRA.  Ngayon, nahirapan silang panghawakan ang Meralco dahil sa mga investments nila sa power generation, bilang mga capital-intensive industries, ay nagbunga ng malalaking mga pagkakautang.
  • 31. Bakit Mali ang Deregulasyon at Pribatisasyon? Hindi Magkakaroon ng Kumpetisyon Hindi epektibo ang deregulasyon Walang proteksyon ang mamamayan sa pagtaas ng presyo ng langis.
  • 32. Hindi magkakaroon ng kumpetisyon  Ang industriya ng langis ay isang likas na monopolyo dahil sa napakalaking kapital na kailangan para rito.  Kakaunti lamang ang makakapasok, at ang mga makakapasok ay kailangang bumawi ng malaki.  Kaya kahit na magkaroon pa iilang dagdag na player, ang resulta lamang ay oligopolyo, at sa huli, kartel.
  • 33. Hindi epektibo ang deregulasyon.  Hindi nagkaroon ng kumpetisyon, hindi pumasok ang mga malalaking player na maaring bumasag sa Petron-Shell-Caltex kartel. Hindi bumaba ang presyo ng langis.  Hindi mali ang pagpasok ng mga mamumuhunan sa industriya ng langis, kung mayroong regulasyon ang pamahalaan sa presyo at dami ng kinakalakal na langis.
  • 34. Walang proteksyon ang mamamayan sa pagtaas ng presyo ng langis.  Kahit pa hindi tumutubo ang mga mananatiling mga industry player, wala ring insentibo ang mga itong protektahan ang mga konsumer sa panahong napakabilis ng pagtaas ng presyo ng langis dahil malulugi ang mga ito.  Tanging pamahalaan lamang ang maaaring magkaroon ng interes na panatilihing mababa ang presyo ng langis dahil tanging pamahalaan lamang ang maaaring managot sa mamamayan.
  • 35. Pangmadaliang Panukala Regulasyon ng Domestic Downstream Oil Industry Pagbasura sa E-VAT sa langis Pagbawi sa Petron at Pagtalaga sa Petron bilang Pace- setter Pagbasura sa Oil Deregulation Law Pagbabalik sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ayon sa orihinal nitong konsepto Pagtalaga ng isang “Consumer Price Buffer Fund”
  • 36. Pagtanggal ng E-VAT sa Langis  Ang lahat ng pagbubuwis sa langis, dahil ito ay isang mahalagang production input, ay magkakaroon ng epekto sa presyo ng ibang mga bilihin (cost-push type inflation).  Alam natin na ang isang “flat-rate indirect consumption tax” sa langis ang dahilan sa “windfall” na kita ng gubyerno sa tax noong nakaraang taon. Nakakatawang sitwasyon na malaking pakinabang para sa  Malacañang ang pahirap para sa sambayanan.  Dahil sa E-VAT, nagkakaroon ng excuse ang pamahalaan na huwag ng habulin ang mga tax evader at huwag ng palakasin pa ang pagbubuwis sa repatriation ng tubo ng mga dayuhang korporasyon sa langis. Mas madali daw kasi sa consumer tax. 
  • 37. Solusyon: Bagong Tax Structure sa Langis  Ang solusyon: mas episyenteng pagbubuwis sa mga kumpanya ng langis.  Leakage at tax evasion, hindi tax structure o tax regime ang pundamental na dahilan ng di-mabisang paniningil ng buwis  Ang isang pinatatag na sistema ng pagbubuwis sa korporasyon sa downstream oil industry ay di nangangahulugang paghadlang sa tubo sa retail oil industry, dahil may umiiral at lumalagong merkado ng langis sa bansa.
  • 38. Pagbawi sa Petron at Pagtalaga sa Petron bilang Pace-setter  Dapat ay wakasan na ang pribatisasyon ng Petron sa pagbawi ng PNOC shares mula sa kamay ng Ashmore at ng San Miguel  Sa pagbabalik ng kontrol sa pamahalaan sa Petron, dapat gamitin ang Petron bilang “pace- setter” na syang magbibigay ng pinakamagandang kalidad ng gasolina sa pinakamurang presyo para magtalaga ng standard sa merkado at disiplinahin ang industriya.  Kailangan ng isang kumpanya sa industriya na ang motibasyon ay hindi tubo kundi ang pagmamaximize ng social welfare. Ngunit kailangan pa ring financially viable para magtagal. 
  • 39. Pagbasura sa Oil Deregulation Law  Ang Republic Act No. 8479, na siyang ng dahilan ng deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon sa downstream oil industry, ay nagbunga lamang ng matataas na presyo ng langis, mas mataas pa nga kaysa sa presyo sa world market. Isa pa, ipinilit lang naman sa atin ito ng International monetary Fund (IMF) bilang conditionality para sa 1994 Extended Arrangement ni Ramos.  Pagkakaroon ng Oil Regulatory Commission (ORC) – na syang magbabantay sa totoong presyo ng landed oil ng mga kumpanya. Dapat mayroon itong quasi- judicial powers para magkaroon ng ligal na basehan ang mga desisyon nito and prosecutory powers para magkaroon ng ngipin.
  • 40. Pagbabalik sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ayon sa orihinal nitong konsepto  Ang orihinal na OPSF, itinalaga ng Presidential Decree (PD) 1956 ay para sa i-minimize ang pagbabago ng presyo at hindi para saluhin ang presyo para sa consumer. Pwersahin ang mga kumpanyang mas maliit ang landed cost ng  krudo na subsidize ang mga kumpanyang mahal ang nabibili. Kaya naman ang itinawag dito ay Oil Industry Equalization Fund (OIEF).  Equalization fund laban sa epekto ng “Predatory Pricing” – ito ay para mahadlangan ang plano at tanggalin ang excuse ng mga kumpanyang pataasin ang presyo para maggayahan ang iba.  Pondo para akitin ang mga maliliit na mamumuhunang lokal para magtaya sa domestikong industriya ng langis at imaksimisa ang bentahe ng liberasisasyon
  • 41. Pagtalaga ng isang “Consumer Price Buffer Fund”  Isang anyo ng sosyalisadong subsidyo sa, dapat magtatag ang pamahalaan ng isang Consumer Prices Buffer Fund, na pinopondohan hindi ng VATkundi sa inaasahang tubo ng mga kumpanya ng langis at pinatakarang mga buwis.  Ang assumption dito ay, merong isang Petrong pagaari ng pamahalaan na nagmamaksimisa ng social welfare at hindi ng tubo.  Kung hindi pa rin kayanin ng taong-bayan ang presyo nito, hindi pipiliting artipisyal na ibaba ang presyo ng langis para naman hindi malugi ang Petron, bagkus ay popondohan ng pamahalaan ang bahagi ng presyo.
  • 42. Medium-term na Panukala Supply-side Management Pagbasura sa E-VAT sa langis Pagbawi sa Petron at Pagtalaga sa Petron bilang Pace- setter Pagbasura sa Oil Deregulation Law Pagbabalik sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ayon sa orihinal nitong konsepto Pagtalaga ng isang “Consumer Price Buffer Fund”
  • 43. Sa Paggalugad ng Langis (Oil Exploration)  Optimum Linking, para sa Strategic Vertical Integration, ng Domestic Upstream and Downstream Oil Industry  Alam natin na sa ngayon, hindi sasapat ang indigenous na mga pinagkukunan ng krudo para tapatan ang ating demand kaya kailangan pa rin ng importasyon, pero dapat ay state-regulated ang upstream industry at nakataya lamang ito para sa lokal na pangangailangan.  Ang Service Contract System at production-sharing mechanisms sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 87 ay kailangang repasuhin para siguraduhing ang makikinabang ay ang pamahalaan, ang mga komunidad at mga lokal na mamumuhunan bago ang mga dayuhang kapitalista.
  • 44. Sa Industria ng Oil Importation  Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng PNOC, ay dapat direktang kumukuha ng krudo, at isipin ang posibilidad ng bilateral arrangements sa mga oil exporting na mga bansa (at pag-iwas sa mga Oil TNC) at pag-diversify palayo sa Saudi Arabia (ARAMCO) and Iran (NIOC, INOC) at pakikipagusap halimbawas sa PDVSA ng Venezula. Baka pwede ang Oil to Commodity Swap.   Bakit hindi sentralisadong pagbili? Magaling ang merkado sa pagkalap ng supply para sa mga pangangailangan ng distribusyon at produksyon nito. Sa panahong paubos na ang langis (peak oil), bagamat nariyan ang pamahalaan para siguraduhin ang supply, hindi dapat hinahadlangan ang pribadong sector sa pagkalap ng krudo.
  • 45. Sa Industriya ng Oil Refinery at Oil Marketing  Pag-diversify ng industriya at pag-encourage ng investments sa industriya ng langis sa pamamagitan ng bilateral na negosasyon – kailangan pa rin ito para sa technology transfer, pero kailangang aktibong pinoprotektahan ang konsyumer  Pagusporta sa mga local na mamumuhnan sa oil marketing industry (retail), para wakasan ang dominasyon ng mga dayuhang manlalaro sa industriyang ito at i-limita na lamang sila sa refinery industry.
  • 46. Pangmatagalang Panukala Demand-side Management Tigilan ang Pribatisasyon, Wakasan ang Importasyon ng Langis para sa Kuryente I-rationalize ang pagkonsumo ng Langis ng Industriya ng Transportasyon
  • 47. Tigilan ang Pribatisasyon, Wakasan ang Importasyon ng Langis para sa Kuryente  Wakasan na ang pag-asa sa langis at importasyon nito para mag-generate ng kuryente (20%) sa pagpapalakas ng pag-develop at pagpondo sa indigenous sources of energy at renewable energy.  Muling buuin ang State Energy Complex na sinimulan ng panahon ni Marcos.  I-reverse/tigilan na ang pribatisasyon ng PNOC at mga departamento nito kagaya ng Petron, PNOC- EDC, at PNOC-EC
  • 48. I-rationalize ang pagkonsumo ng Langis ng Industriya ng Transportasyon  Streamlining and regulasyon ng of the Road-based Transportation Industry  Pag-regulate ng dami ng mga bagong motor vehicles (produksyon at pagbenta) para i-decongest ang ating mga kalsada.  Gradual na pagphaseout sa ilang bahabi ng Public Utility Vehicle (PUV) ngunit sinisigurong may mga bagong trabaho para sa maaapektuhang manggagawa.  Pagpapabunga ng isang industriyang gumagamit ng alternatibong enerhiya para sa transportasyon (pagkakaroon ng home-grown car manufacturing kagaya ng Proton ng Malaysia) at kuryente (PNOC- Alocohol Corporation na binase sa alchogas ng Brazil)  Pagtalaga ng isang Modernisado at Episyenteng Centralized Intra- urban and Rural-to-Urban Mass Transit Systems
  • 49. MABUHAY ANG MANGGAWA SA TRANSPORTASY ON!