2. Mga Epekto ng
Imperyalismo at
Kolonyalismo sa Asya
(Aralin 22)
3. “Isang Lahi”
By: Regine Velasquez
Kung ang tinig mo`y
Di naririnig
Ano nga bang halaga
Ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing
Ay laging pabulong
Aanhin ko pa,
Dito sa mundo
Ang mga matang nakikita`y
Di totoo
May ngiting luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit 'di natin isabog ang pagmamahal
4. KORO:
Sundan mo nang tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi,
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang syang nais ko
Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyan sa palad mo
Di ba't ang gabi ay may mayrong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat
Iilawan ang ating landas
Nang magkaisa bawat nating pangarap
(Ulitin ang Koro dalawang beses)
6. Timog Asya
Ang Timog at Timog Silangang Asya ang unang
nakaranas ng kolonyalismo sa ilalim ng mga
Portuguese at Español. Tumungo ang mga Kanluranin
sa mga rehiyong ito dahil sagana ito sa mga
rekado.Gayundin, ninais ng mga Kanluranin na
mangalakal ng iba pang produkto na hindi
karaniwang matatagpuan sa Europa…….
8. Ang Timog Asya ang unang
lugar na narating ng mga
Portuguese. Noong 1510, ang Goa
ay napasakamay ng mga Portuguese
bunga ng pananalakay na isinagawa
ni Alfonso de Albuquerque.
9. malapit sa
Lisbon. Siya ang
ikalawang anak
na lalake ni
Goncalo de
Albuquerque at
Doña Leonor de
Menezes.
Nakapag-aral
siya sa paksa na
Matematika at
Latin kung saan
nakaibigan niya
Alfonso de
Albuquerque si Prince John o
ang magiging
hari ng
Portugal.
10. Pinatatag nang husto ang Goa
bilang isang moog-tanggulan na siyang
naging kabisera ng Estado da India o
Imperyong Portuguese sa Asya.Naging
isang malaking lungsod ang Goa kuns
saan masasalamin ang malawak na
impluwensyang Portuguese. Upang
maging ganap na monopolyo ng mga
Portuguese ang kalakalan sa pampalasa
sa pagitan ng tangway ng Malay at Isla
ng Sumatra.
11. mg a P o r t u g u e s e n a
ma p a h u h o d a n g Mo l l u c a s
(k i l a l a r i n s a k a t a w a g a n g
Ma l u k u ) u p a n g ma p a s a k a ma y
n i l a a n g k i n i k i l a l a n g
p a n g u n a h i n g p i n a g mu l a n
n g p a mp a l a s a . S i n a ma n t a l a
n g mg a P o r t u g u e s e a n g
a l i t a n s a p a g i t a n n g h a r i
n g t e r n a t e a t t i d o r e n g
mo l u c c a s u p a n g
ma k i p a g s u n d o s a mg a
p i n u n o n i t o a t g a n a p n a n g
ma a g a w mu l a s a k a n i l a a n g
p a n g a n g a l a k a l n g
p a mp a l a s a n g n a g mu mu l a s a
Mo l u c c a s . Ma g i n g s a C h i n a
a y n a g p a d a l a n g
12. Sa Goa at maging sa mga pulo ng Timog-Silangang
Asya, ikinalat ng Portuguese ang Katolisismo. Nagbunga
ito ng mapait na alitan ay humantong sa maramihang
pagpatay ng lokal na populasyon. Isa rin sa mga patakaran
ng mga Portoguese ay ang paghihikayat ng pag-asawa ng
kalalakihang Portuguese at kababaihang Indian. Layunin ng
ganitong patakaran na magkaroon ng mga anak at apo na
may pagkakakilanlan na Portuguese at may matibay na
katapatan sa Portugal. Upang maging ganap ang
monopolyo ng kalakalan, mahigpit na binantayan ng mga
Portuguese ang Indian Ocean. Lahat ng mga sasakyang
pandagat na may lulang produktong pang na may lulang
produktong pangangalakal ay kinakailangang may
kaukulang permiso. Ang negatibong epekto ng kaganapang
ito ay ang pagkataboy o displacement ng mga dati nang
mangangalakal na Asyano gaya ng mga Arabo, Tsino, at
Malay…..
14. Si Miguel Lopez de
Legazpi ay
ipinanganak noong
1510 sa
Zumárraga, Spain
at namatay noong
Agusto 20, 1572 sa
Maynila, Pilipinas.
Si Legazpi ay ang
pinakaunang
gobyerno sa
Miguel Lopez De
Legazpi
Pilipinas noong
1565 hanggang sa
kanyang
kamatayan.
15. Sa pagsasakop ni Miguel Lopez de Legazpi sa
Pilipinas, ginawa niyang sentro ang Maynila na
maituturing na rin sa panahong iyon bilang isang
mahalagang entrepot o lugar ng kalakalan. Noong
1571, idineklara ni Legazpi ang Maynila bilang isang
lungsod na siyang luklukan ng kapangyarihang
kolonyal na Espanyol. Ang mga pamayanan ay may
dalawang uri lamang.
♦Una , yaong mga nakahilera malapit sa mga
anyong tubig at
♦Ikalawa, yaong nakapulutong sa mga interyor
na lupain o kagubatan.
16. Ayon sa obserbasyon ng mga
Espanyol, hindi pa “sibilisado” ang mga
sinaunang Pilipino sapagkat sila ay namumuhay
sin policia o sa madaling salita, hindi sila nakatira
sa mga lungsod. Maari lamang makamit ng mga
tao ang kanilang kolektibong potensyal sa
pamamagitan ng paninirahan sa loob ng mga
lungsod.
17. Samakatuwid, ito ang naging “dakilang layunin”
ng mga Espanyol – maghatid ng “sibilisasyon” sa
pamamagitan ng pagtatatag ng mga lungsod at
ipakilala ang Kanluraning Kristiyanismo.
Naisakatuparan ang mithiin ng mga Espanyol na
ayusin ang mga populasyon sa mga lungsod o sentro
sa pamamagitan ng pagpapatupad ng reduccion o
ang pagtitipon ng mga tao sa isang lugar na pinili ng
prayle upang doon sila gawaran ng edukasyong
ispiritwal. Napakaloob sa gawaing ito ang kaisipang
dapat panatilihin ang mga tao sa ilalim ng kampana (
bajo de las campana)…
19. Ang reduccion ay naging batayan sa pagtatag
ng pueblo. Ito ay katumbas ng “bayan” sa wikang
Espanyol. Nakabatay ang pagkakasalansan o layout
ng mga kalye sa kaayusang grid (gridirun
arrangement) o cua dricula at nakaayos ang mga
gusali sa loob ng plaza complex.
Pero ano ba ang plaza complex??...
Ito ay ang lugar kung saan nagtitipon tipon
ang mga tao para sa pagdiriwang o selebrasyon
20. Anu- ano ang mahalagang
bahagi ng plaza complex??
☺ Una ay ang Plaza Mayor na may
nakalaang bukas na espasyo.
☺ Ikalawa ay ang Simbahan at
kumbento.
☺ Ikatlo ay ang Casa tribunal o
sentro ng kapangyarihang lokal.
☺Ikaapat ay ang mga kabahayan ng lokal na
elite o ang uring principalia.
21. Paano binago ng mga Espanyol ang
pamumuhay ng sinaunang mamamayan
ng Pilipinas sa pamamagitan ng
paglikha ng mga pueblo?
♥ Una, nalayo ang mga tao sa kanilang mga
pinagkukunan ng pagkain at iba pang pangangailangan
gaya ng mga ilog, dagat, at kagubatan.
♥ Ikalawa, lumipat na ang sentro ng pang-araw-
araw na pamumuhay at libangan mula sa bahay ng
datu patungo sa loob ng pueblo, partikular sa
simbahan.
22. Dito rin sa loob ng pueblo naganap ang
proseso ng akulturasyon. Ang akulturasyon ay
tumutukoy sa proseso kung saan ang isang
lipunan ay nakatanggap ng
elemento, katangian, o impluwensya ng kultura
ng isa pang lipunan. Ibig sabihin nito, unti-
unting ipinakilala ang mga gawing Kanluranin na
dapat pag- aralan mupang matawag na
“sibilisado” ayon sa pamantayang Espanyol .
Bahagi rin ng patakaran ang paggawad ng isang
“matuwid” at “tamang” uri ng relihiyon ayon sa
pananaw ng mga Espanyol--- ang maging ganap
na kristiyano– Katoliko.
23. Sa larangang
pangkabuhayan, nagwakas ang masiglang
ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at ng
mga karatig bansa nito sa Asya. Sinimulan ng
mga Espanyol na ipatupad ang kalakalang
galyon na higit na kilala bilang Kalakalang
Maynila-Acapulco. Nagdulot dinang
kalakalang galyon ng ilang masamang epekto
gaya ng pagpapabaya sa pagtatanim ng mga
pagkaing ikinabubuhay (subsistence farming)
at paglala ng kalagayan ng mga Pilipino
bunga ng patakaran ng sapilitang paggawa.
Maraming Pilipino ang napipilitang lisanin ang
kanilang mga pamilya at tahanan upang
sapilitang maglingkod sa kolonyal na
pamahalaan.
24. Sa larangang pulitikal, napalitan ang taal na
institusyong pulitikal gaya ng mga barangay at
sultanato sa pagpasok ng mga Espanyol. Nagpairal
ng sentralisadong uri ng pamahalaang kolonyal na
pinamumunuan ng gobernador-heneral. Ang mga
lalawigan o provincia, depende sa estado ng
pagkasakop ng mga Espanyol, ay pinamunuan ng
alcalde mayor (alcaldia), corregidor (comandancia
politico-militar). Ang pinakamataas na posisyon sa
pamahalaang lokal na hinawakan ng mga Pilipino ay
ang pagiging gobernadorcillo o puno ng isang bayan
at cabeza de barangay o puno ng isang pamayanan.
25. Mg a
Ep e k t o
n g
Pa n a n a k o
p n g mg a
Du t c h s a
Mo l u c c a s
26. Simula nang lumaya ang Netherlands sa mga
mananakop nitong Espanyol, sinikap nilang maging
isang makapangyarihang mangangalakal na hahalili
sa mga Portuguese sa pananaig sa kalakalang
Asya-Europa. Malaki ang bentahe ng mga Dutch
dahil sa higit na superyor ang kanilang mga
barko, armas, kagamitan, at organisasyon.
Mahalagang susi ng pagtatagumpay ng mga Dutch
ang pagtutuon ng pansin sa negosyo lamang at hindi
na kasama pa ang mga gawaing
misyonaryo.Ginamit nila ang mga lokal na pinuno
upang siyang mag-utos ng malawakang pagtatanim
ng mga rekado o pampalasa at binibigyang-
karapatan pa ang mga ito na mangulekta ng buwis.
27. Mahigpit na binantayan ng mga Dutch ang
pagtatanim ng mga pampalasa na pangkalakal. Ang
produksyon ay palaging tama lamang para sa
pangangailangan ng pamilihan. Hindi na
pinahintulutan na sumobra ang suplay sapagkat
magbibigay-daan ito sa pagbagsak ng presyo.
Sinunog nila ang mga munting pataniman ng clove na
pag-aari ng mga pribadong mamamayan upang hindi
bumagsak anng presyo nito sa pamilihan. Ang mga
pampalasa ay tanging sa Dutch East India Company
(DEIC) lamang maaaring ibenta. Labis na
naapektuhan ang pagtatanim mg pangunahing
pagkain sapagkat higit na inatupag ang pagtatanim
ng mga produktong pangkalakal.
28. Noong 1609, 36 na kababaihang
Dutch ang ipinapadalasa Asya sa
pagnanais na magtatag ng mga
permanenteng pamayanang Dutch.
Ngunit nang lumaon, hindi nagtagumpay
ang ganitong patakaran kung kaya noong
1652, ipinatigil din ang imigrasyon ng
kababaihang Dutch.Pinayagan na lamang
ng DEIC ang mga lalaki na makapag-
asawa ng kababaihang Asyano.
30. Ang Rebolusyong Industriyal na
naganap sa England noong kalagitnaan
ng ika-18 siglo ay nagbibigay-daan sa
pag-igting ng kapitalismo.Ang dating
industriya ng mga yaring-kamay
(handicraft) ay napalitan ng
mekanisadong produksyon. Ang
England, France, United States, at
Russia ay nag-unahan upang
magparami ng kani-kanilang mga
kolonya hindi lamang sa Asya kundi
gayundin sa iba pang kontinente.
32. Naging isang malakas na bansa ang England
sa ilalaim ni reyna Elizabeth I na namuno simula
1588 hanggang 1603….
33. Nagawa ng England na hamunin ang
kapangyarihang pandagat ng Spain at noong
1588 ay natalo nito ang Spanish Armada.
Itinatag ang English East India
Company(EEIC) noong 1600 at ginawaran ito
ng karapatang makipagkalakalan sa malayong
mga teritoryo. Mula 1757 hanggang
1858, ang india ay pinamahalaan EEIC. Tatlo
sa pinakamahalagang daungan at sentro ng
kalakalan ng mga English sa India ay ang
Madras, Calcutta at Bombay.
34. Ang paglaganap ng ng isang sistema ng
edukasyon na nakabatay sa pamantayang
English ay nagbigay-daan sa proseso ng
akulturasyon ng mga Indian. Ang mga
unibersidad na itinatag ng mga English sa
India ay naging daan para sa pagkakaroon ng
mga gradweyt na may matatag na
impluwensyang English at mananatiling tapat
sa England. Ang English ay ang wika na
ginamit sa mga pamantasan at gayundin sa
mga hukuman.
35. Gayunpaman, bahagi rin ng “pagsisibilisa” ng
mga English sa mga Indian ay ang pakikialam at
panghihimasok sa mga taal na kaugaliang Indian.
Halimbawa, labis na nasindak ang mga English sa
sati o sutee kung kaya ipinagbawal ito simula 1829.
Noong 1856, isang batas ang nagpahintulot na muling
makapag-asawa ang isang balo. Ang linya ng
transportasyon at komunikasyon ang naging
prayoridad. Ang pagpapagawa ng riles ng tren simula
1871 na nag-ugnay sa pinakamalalayong lalawigan
ay nagbigay-daan din sa komersyalisasyon ng
agrikultura. Bunga ng sistematikong transportasyon
na ito, naging madali ang pagluluwas ng mga
produktong gaya ng jute, indigo, trigo, kape tsaa, at
bulak mula sa mga bayan sa loob ng subkontinente
patungo sa mga pangunahing daungan.
36.
37. Ipinakilala ang
telegraph simula 1851
at makalipas ang
tatlong taon ay may
mainam na ring
serbisyong pangkoreo.
Nagkaroon ng ugnayan
sa pamamagitan ng
telegraph ang indai at
ang Europa simula 1865.
39. Ang mga Amerikano ay nakibahagi rin sa
kalakalan ng produktong Tsino, partikular na ang tsaa at
seda. Noong 1784, isang barkong Amerikano ang
dumaong sa canton sa kauna-unahang pagkakataon
upang direktang makipagkalakalan dito. Binili nila ang mga
opyo mula sa Iran at Turkey pagkatapos ay ilegal na
ipinapasok sa China. Nang maganap ang Digmaang
Opyo, nakakita ng pagkakataon ang United States na
pwersahin ng China na magbukasng mga karagdagang
daungan para sa mangangalakal na Amerikano. Kung
hindi lalagda sa kasunduan ang China ay sasalakay ang
buong hukbong Amerikano na nakatalaga sa Pacific
Ocean. Noong 1843, napilitan ang China na
makipagkasundo sa pamamagitan ng Kasunduan ng
Wanghsia (Treaty of Wanghsia). Dalawa sa
pinakamahalagang probisyon ng kasunduangito ay ang
pagpapahintulot ng China na dumaong ang mga barkong
pandigma ng mga Amerikano sa alinmang daungan at ang
pagbibigay ng karapatang magtatag ng mga simbahan sa
ilang lalawigan ng China.
40. Ang mga French ay labis na naging
makapangyarihan sa timog ng China. Ang Russia naman
ay nagawang salakayin ang Mongolia at Manchuria na
noon ay bahagi ng teritoryong Tsino. Sa pamamagitan ng
Kasunduan ng Peking na nilagdaan noong 1860, malaking
parte ng Manchuria ang napasailalim sa pamahalaang
Russia. Noong 1849, sapitan namang kinontrol ng mga
Portuguese ang Macao.
Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opyo ay
nagresulta sa paghahati-hati ng China sa sphere of
influence. Parang isang melon na biniyak ang China.
Napilitang lumagda ang China sa mga di-pantay na
kasunduan (unequal treaties). Nawalan ng karapatan
ang China na magtalaga ng nais niyang buwis. Kailangang
pumayag muna ang mga Kanluranin . Marami ring Tsino
ang yumakap sa bagong relihiyon. Dahil sa
extraterritoriality…
42. Noong 1824, nagkasundo ang mga English at
Dutch na paghatian ang mga teritoryo sa kapuluang
Timog-Silangang Asya. Napasailalim sa mga English ang
Malacca at Singapore. Samantala, ang mga pulo ng
Sumatra at Java sa Indonesia ay napasakamay ng mga
Dutch. Noong 1858, inukopa ng mga French ang Saigon
sa Vietnam upang gamitin itong daungang pangkalakalan.
Ninais ng mga French na magamit ang naturang daungan
para sa pakikipag-kumpetensya sa mga English na noon
ay hawak ang mga daungan sa Hongkong at Singapore.
Ang buong Timog-Silangang Asya ay nahati sa mga
Kanluranin malban sa Siam o Thailand na nanatiling
malaya bagamat kinakailangan din niyang palagiang
makibagay sa England at France na nasa hangganan niya.
Dahil sa imperyalismo at kolonyalismong
Kanluranin, nabago ang anyo ng rehiyon. Nagkaroon na
ng mga permanenteng hangganan ang bawat bansa
upang maliwanag sa mga Kanluranin kung hanggang saan
ang sakop ng bawat isa sa kanila.
43. Umusbong din ang mga kolonyal na lungsod tulad
ng Maynila, Batavia, Rangoon sa Burma, at Saigon sa
Vietnam. Natali ang mga lokal na ekonomiya ng Timog-
Silangang Asya pandaigdigang kalakalan. Bunga
nito, nagkaroon din ng mga makabagong komunikasyon at
transpportasyon upang mapabilis ang pakikipagkalakalan.
Nabago rin ang komposisyong etniko ng mga taga-
Timog Silangang Asya. Dahil sa hindi maiiwasan ang
pagpapakasal ng magkakaibang lahi, nagkaroon ng mga
mestizo o hatinglahi.
46. Ang Kanlurang Asya ang pinakahuling rehiyon
na bumagsak sa kamay ng mga Europeo.
Magugunita na dahil napakalakas ng kapangyarihan
ng mga Ottoman Turk sa buong rehiyon, naging
malakas ang Islam na siyang nagbigkis sa lahat ng
teritoryong nasakop nila. Humina ang kanilang
kapangyarihan nang magsimulang nang magpalawak
ng teritoryo ang mga Russian at unti-unting maagaw
ang ilang mahahalagang teritoryo. Sunod-sunod din
ang pagkatalo ng mga pwersang Muslim mula sa
kamay ng mga English at French. Matapos ang
unang Digmaang Pandaigdig noong 1918, tuluyan
nang bumagsak ang Imperyong Ottoman.
47. Bunga nito, sumailalim ang Kanlurang
asya sa mga Kanluranin. Kakaiba ang
pamamaraan ng pagsakop sa Kanlurang
Asya. Ipinairal sa rehiyon ang mandate system
na isang konsepto ng Imperial trusteeship.
Nangangahulugan ito na ang isang bansa na
naghahanda upang maging isang bansa na
naghahanda upang maging isang malaya at
nagsasariling bansa ay ipapasailalim muna sa
patnubay ng isang bansang Europeo.
49. Hindi nagtapos sa una at ikalawang yugto ang
imperyalismo ng mga Kanluranin sa Asya. Bagamat
lumaya na ang mga bansang Asyano na dating
sinakop ng mga bansang Kanluranin, naisakatuparan
pa rin ng mga Kanluranin ns mpnghimasukan ang
marami sa mga bansa sa Asya. Ito ay sa
pamamagitan ng neokolonyalismo o makabagong
anyo ng kolonyalismo.
Sa kolonyalismo, tahasang sinakop ng mga
Kanluranin ang mga asyano sa pamamagitan ng
paggamit ng pwersang militar. Sa
Neokolonyalimo, pulitikal, ekonomiko, at kultural na
paraan ang ginagamit ng mga Kanluranin.
Halimbawa, mga kompanyang Kanluranin ang
nananaig sa malaking bahagi ng ekonomiya ng Asya.
Laganap din ang kulturang Kanluranin tulad ng
musika at mga pelikulang Hollywood na itinatangkilik
ng mga Asyano.
50. Sa pagkakaloob ng tulong pinansyal at militar
ng mga Kanluranin sa maraming mga bansa sa
Asya, naiimpluwensyahan nila ang mga patakaran at
pamamalakad ng mga bansang ito. May mga
pagkakataon din na direktang nakikialam ang mga
Kanluranin sa kaganapan sa Asya. Nilusob ng mga
Amerikano at mga kaalyadong bansa nito ang Iraq
upang mapatanggal si Saddam Hussein at
maprotektahan ang interes nila, partukular sa langis.
Nilusob din nila ang Taliban na namumuno rito. Sa
parehong okasyon, ginamit ng mga Kanluranin ang
katwiran na dapat labanan ang terorismo at gawing
ligtas ang daigdig. Sa halimbawang ito makikita na
bagamat ang Asya ay binubuo ng mga malayang
bansa, nananatiling maaki ang papel ng mga
Kanluranin, partikular ng United States sa mga
kaganapan sa rehiyon.