Your SlideShare is downloading. ×
0
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Kasaysayan ng linggwistika (1)

62,747

Published on

5 Comments
32 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total Views
62,747
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
833
Comments
5
Likes
32
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. Kasaysayan ngLinggwistika
  • 2. A. Kasaysayan ng Linggwistika
  • 3. • Masasabing nagsimula ang maagham napag-aaral sa wika mula nang magtanung-tanong ang tao ng ganito: Bakit hindi magkakatulad ang mga wikang sinasalita ng tao? Papaano nalikha ang unang salita? Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na tinutukoy nito? Bakit ganito o gayon ang tawag sa ganito o ganiyong bagay? … atbp.
  • 4. • Mga Teologo(Theologians)  Sa kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga gayong katanungan.  Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika.  Sinasabing ang pagkakaroon ng iba‘t- ibang wika sa daigdig ay parusa ng Diyos sa pagmamalabis ng tao (gaya ng natalakay sa kabanata I).
  • 5. • Subalit ang mga palaaral nang unangpanahon, tulad nina Plato at Socrates, ay hindinasiyahan sa mga ganong paliwanag ngsimbahan.• Nagsimula silang maglimi tungkol sa wika.• Sa kanilang mga sinulat ay mababakas angkanilang halos walang katapusang pagtatalu-talo tungkol sa pinagmulan at kakanyahan ngwika.
  • 6. • Mga mambabalarilang Hindu Kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika.
  • 7.  Nang panahong iyon, naniniwala ang mgatao na wika ng Diyos ang ginamit samatatandang banal na himno ng Ebreo. Mahabang panahong hindi nila ginalaw angistilo ng lenggwahe ng nasabing mga himnokahit nakaiwanan na ng panahon sapaniniwalang paglapastangan sa gawa ngDiyos ang anumang isasagawang pagbabagodito.
  • 8. • Subalit nagpunyagi ang mga palaaral naHindu. Sinuri nila ang matandang wikangginamit sa nasabing mga himno—sapalatunugan, palabuuan, palaugnayan, salayuning makatulong sa pagpaliwanag ngdiwa ng halos di maunawaang mga himno.
  • 9. • Ang mga pagsusuring isinagawa ng mgamambabalarilang Hindu ay naging simula ng mgapag-aaral sa ibang wika sa Europa.• Mapapatunayan ito sa mga terminolohiyangteknikal na ginamit ng mga unangmambabalarilang Hindu na hangggang sakasalukuyan ay ginagamit pa ng mga makabagongmambabalarila at linggwista.
  • 10. • Sa mga wikang Griyego at Latin,unang nagkaanyo ang wika sa tunay nakahulugan nito, sapagkat ang mgawikang ito ang dalawang magkasunodna wikang unang nalinang atlumaganap nang puspusan sa Europang panahong iyon.
  • 11. • Mapapansing kung saan unang nalinang angsibilisasyon ay doon din unang nagkaanyo angkauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika. Aristotle at ang pangkat ng mga Stoics Ilan lang sa mga linggwistang laging nababanggit nang mga panahong yaon. Itinuturing na syang nagsipanguna sa larangan ng agham –wika.
  • 12.  Panahon ng Kalagitnaang Siglo (Middle Ages) Hindi gaanong umunlad ang agham-wika sapagkat ang napagtuunang-pansin ng mga palaaral noon ay kung papaanong mapapanatili ang Latin bilang wika ng simbahan.
  • 13. Panahon ng Pagbabagong Isip (Renaissance) Dahil sa mabilis na pag-unlad ng sibilisasyon atpaglaganap ng karunungan sa iba‘t-ibang panig ngdaigdig mula sa Gresya at Roma, ay naging masusiat puspusan ang pagsusuring panlinggwistika sa mgawikang Griyego at Latin dahil sa napakarami at iba‘tibang karunungang sa dalawang wikang ito lamangmatatagpuan.
  • 14.  Ang pag-aaral sa mga wikang Griyego at Latin aynakaimpluwensya sa iba‘t-ibang wika sa Europa. Wikang Ebreo orihinal na wikang kinasusulatan ng MatandangTipan. pinaniniwalaang siyang wikang ‗sinasalita sa paraiso‘ kaya‘t inakalang lahat ng wika‘y dito nag-ugat, pati na ang Griyego at Latin na syang unang mga wikang kinasalinan ng nasabing Bibliya.
  • 15. Pagsapit ng ika-19 siglo… Nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang aghamwika. Nagkaroon ng mga pananaliksik sa pinagmulan ng mga wika na humantong sa pagpapapangkat- pangkat ng mga ito ayon sa pinagmulang angkan. Ang pagsusuri sa mga wika ay hindi lamang palarawan (descriptive) kundi sumasagot pa rin sa ‗bakit‘ ng mga bagay-bagay tungkol sa wika. Lumitaw ang iba‘t-ibang disiplina sa linggwistika.
  • 16. • Sa panahong ito‘y nakilala ang tungkung-kalan sa linggwistika na labis nanakaimpluwensya sa larangan ng linggwistikasa Europa: oBopp (Sanskrito) oGrimm (Aleman) at oRask (Islandic)
  • 17. • Ang mga linggwistang ito‘y sinundan ng marami pang iba tulad nina: • Rappf •Madvig • Bredsdorff •Muller • Schleicher •Whitney • Curtios •at marami pang iba.• Tinangka nilang ihambing ang mga wikang tulad ng Sanskrito, Griyego, Latin, Italyano, Espanyol, Pranses, atbp. sa wikang Ebreo na itinuturing ngang pinakasimula ng lahat ng wika sa daigdig ng mga panahong iyon.
  • 18. • Ang mga pananaliksik sa larangan nglinggwistika sa teknikal na kahulugan nito,ay alam nating karakarakang nauunawaan ngmga hindi linggwista. (1860-75) nagsikap na maging payak ang pagtalakay sa mga prinsipyo at simulain at agham na ito upang mapakinabangan ng mga paaralan.
  • 19. • Sa paglakad ng panahon, iba‘t-ibang modelo o paraanng paglalarawan sa wika ang lumaganap sa daigdig.• Lumitaw ang itinuturing na makabagong pamamaraanngunit masasabing nananatiling hindi nagagalaw angmakalumang pamamaraan.  Hal. Hanggang sa ngayon ay wala pang kinikilalang pamamaraan na maaaring higit na mabuti sa pamamaraan ni Panini sa paglalarawan ng gramatika ng Sanskrito.  Gayundin sa gramatika ng Ebreo na nalinang noong Kaligatnaang Siglo at sa gramatika ng Klasikang Arabiko at Intsik.
  • 20. (Historical Linguistics)Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika na naglalayong magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay mula sa iba‘t-ibang angkan. Ang ganitong simulain ay pinatunayan sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salitang magkakaugat (cognates) sa mga wika.Sa payak na pakahulugan, ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami ng mga salitang magkakaugat, bukod sa malaking pagkahawig sa palatunugan, palabuuan, at palaugnayan ay pinapangkat sa isang angkan.
  • 21.  Naging matagumpay ba ang linggwistikang historikal bilang isang disiplina sa linggwistika?
  • 22. Oo…
  • 23. Naging matagumpay ang linggwistikang historikal kaya‘t noong 1970,masasabingnapangkat halosang lahat ng wikasa daigdig.
  • 24. • Blumentritt Isa sa nagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo-Polinesyo na pinagmulan ng iba‘t-ibang wika sa Pilipinas. Sinasabing sya ang nakaimpluwensya kay Rizal upang magtangka ring magsagawa ng ilang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas, tulad ng Tagalog.
  • 25. • Sumunod kay Blumentritt ang iba panglinggwistang tulad nina: Otto Dempwolf, Otto Scheerer, Frank Blake, C. Douglas Chretien, Carlos Conant, Harold Conklin, Isidore Dyen, Richard Howard McKaughan, at Cecilio Lopez ng Pilipinas. (cf. Gonzales, et. al., 1973)
  • 26. ( )Sinundan nito ang Linggwistikang Historikal.Nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at morpema sa isang salita o pangungusap.Iba‘t-ibang mahahalagang pag-aaral ang isinagawa sa mga diyalekto sa Asya, Australya at sa Amerika sa ilaim ng disiplinang ito.
  • 27. • Ngunit sa pagsusuri sa balangkas ng mgapangungusap sa iba‘t ibang wika aynangangailangan ang mga dalubwika ng mgasimbolong pamponetika at pamponemika upangkumatawan sa iba‘t ibang tunog.• Taong 1870 lumitaw ang IPA (InternationalPhonetic Alphabet) na gumamagamit ng hindikukulanging 400 simbolo.
  • 28.  Ang gayong dami ng simbolo ay naging suliraninhindi lamang sa mga dalubwika kundi gayundin sabumabasa ng bunga ng kanilang pananaliksik. Nagsimulang umisip ang mga dalubwika kungpapaano nila magagawang payak ang kanilangisinasagawang paglalarawan sa mga wikangkanilang sinusuri.
  • 29. • Ponema
  • 30.  Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema (phonemes)na naging palasak na palasak hanggang sakasalukuyan. Sa pamamagitan ng ponema ay naging payak angpaglalarawan sa palatunugan ng isang wika sapagkatkakaunting simbolo na lamang ang ginagamit.
  • 31.  Sa I.P.A. ay binibigyan ng katumbas na simbolopati mga alopono ng isang ponema kaya‘t lubhangnapakarami ang ginagamit na mga simbolo. Ang ponema ay itinuturing na panulukang-bato nglinggwistikang-istruktural. Gumagamit din ang mga instrukturalista ngkatawagang morpema (morpheme) sa pagsusuri sapalabuuan ng mga salita ng isang wika.
  • 32.  Ang linggwistikang istruktural ay naging popularnoong 1925 hanggang 1955. Namukod-tangi sa panahong ito ang pangalangLeonard Bloomfield ng Amerika. Subalit sa paglakad ng panahon ay napansin ng mgadalubwika na hindi sapat na ilarawan lamang ang mgabalangkas ng mga pangungusap. Inisip din nilang kailangan ding alamin kung ‗bakit‘ atkung ‗paano‘ nagsasalita ang tao.
  • 33. • Ang mga pantas (philosophers), mga sikologo(psychologists), antropologo (anthropologists), atmaging mga inhinyero (engineers) aynangangailangan ng isang wikang inilalarawan sapamamagitan ng isang maagham na pamamaraanupang kanilang higit na maipahayag ang kanilangkarunungan sa isang mabisa, tiyak at teknikal naparaan.
  • 34. Pinabuti at pinayaman ni Zellig Harris na hindi nagtagal at nakilala sa tawag na ‗transformational‘ o ‗generative grammar‘.
  • 35. • Linggwistikang Sikolohikal (Psycho-linguistics) Sinasabing bunga o resulta ng gramatika heneratibo upang lalong matugunan ang pangangailangan sa larangan ng sikolohiya.
  • 36. Si Harris ang kinikilalang ―transitionalfigure‖ mula sa istruktural tungo salinggwistikang heneratibo.
  • 37. • Anthropological Linguistics Pinangungunahan nina Boas, Sapir, Whorf,Malinowski, Kroeber, at Trager.
  • 38. • Tagmemic Model ni Kenneth Pike Nagbibigay-diin sa pagkakaugnayan ng anyo (form) at ng gamit(function). Ang isang anyo at gamit sa disiplinang tagmemiko ay itinuturing naisang yunit na may sariling lugar o ‗slot‘ sa isang wika. Ang isang yunit ay may iba‘t-ibang antas:  Antas ng Ponema (phoneme level)  Antas ng Morpema (morpheme level)  Antas ng Salita (word level)  Antas ng Parirala (phrase level)  Antas ng Sugnay (clause level)  Antas ng Pangungusap (sentence level) at  Antas ng Talakay (discourse level).
  • 39. Phrase-Structure Transformational Generative Model• Masasabing nag-ugat sa ‗logical syntax‘.• Dito‘y namukod-tangi ang pangalan niChomsky.• May pagkakahawig sa linggwistikangsikolohika- ang pagtarok sa ‗sinasabi‘ at ‗disinasabi‘ ng nasasalita sa kanyang sariling wika.
  • 40. • Modelong Generative-Semantics Sinundan nito ang transformational-generative. Kung ang una ay nagbibigay-diin sa form o anyo,ang huli naman ay sa meaning o kahulugan. Dito‘y nakilala ang pangalang Lakoff, Fillmore,McCawley, Chafe, atb.
  • 41. Sa Pilipinas, masasabing ang pinakapalasak namodelo ay istruktural pa rin.Bukambibig na din ang modelongtransformational-generative ni Chomsky at ngkanyang mga kasamang tulad nina Jacobs atRosenbaum ngunit waring ang modelong ito‘y hindimakapasok sa larangan ng pagtuturo ng wika sa mgapaaralan.
  • 42. Ang modelong generative-semantics aynagsisimula nang pumalit sa modelongtransformational-generative, gayundin angmodelong Case for Case ni Fillmore.Panahon lamang ang makapagsasabi kung alingmodelo ang sa dakong huli ang totohanang papalitsa modelong istruktural.
  • 43.  Sa kasalukuyan, marami pang lumilitaw na modelo salinggwistika. Mathematical Linguistics o Linggwistikang Matematikal  Ang pinakahuli at ang ipinapalagay na siyang magiging pinakamalaganap at gamitin sa mga darating na araw .  Tinatawag din itong ‗computational linguistics‘.  Hindi man ito gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak na ito‘y magiging palasak sa malapit na hinaharap dahil sa pagdatal ng ‗computer‘ sa lahat halos ng larangan ng pag-unlad.
  • 44. • Ayon kay Constantino (1972; tingnan din ang Asuncion-Lande 1970: Ang pag-aaral sa mga wika ay mapapangkat sa tatlong panahon:  Panahon ng mga Kastila  Panahon ng mga Amerikano  Panahon ng Kalayaan o Kasalukuyang Panahon
  • 45. oPanahon ng mga Kastila
  • 46.  Nagsimula noong ika-16 na daantaon at natapos noong ika-19 na daantaon. Ayon kay Scheerer, ang pag-aaral sa mga wika ay isinagawa ng mga misyonerong Kastila na karamihan ay mga paring Heswita at Dominikano sa layuning mapabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa dakong ito ng daigdig. Napatunayan ng mga misyonerong Kastila na higit na madali na sila ang mag-aral sa mga katutubong wika kaysa ang mga ‗Indios‘ ang turuan ng wikang Kastila. Ganito ang naging karanasan ng mga misyonerong Kastila sa Timog at Hilagang Amerika. (c.f. Phelan 1955). Kaya‘t nang dumating sa Cebu noong Pebrero 13, 1965ang 6 na paring Augustinian na kasama ni Adelantado MiguelLopez de Legaspi, ay gayon nga ang kanilang isinagawa sapagpapalaganap ng relihiyong Katoliko Romano.
  • 47.  Ang sabi ni Phelan: ―The friars had learned the necessity of preaching the Gospel to the natives in their own tongues. Only thus could the message of Christianity could reach the Indian‘s hearts. The natives were to be asked to repudiate their pagan cults but not their mother tongues. In 1582, the Ecclesiastical Junta extended this axiom of Spanish missionary procedure to the Philippines.
  • 48. • Ang mga pag-aaral sa wika na isinagawa ng mga prayle,kung sabagay, ay mga pag-aaral na hindi sopistikado.• Natural lamang na magkagayon sapagkat ang linggwistikaay hindi pa gaanong nalilinang ng mga panahong iyon, bukod samga prayleng nagsagawa ng mga pag-aaral ay hindi nagkaroonng pormal na pagsasanay sa larangan ng aghamwika.• Gayunpaman, ang isinagawang pag-aaral ng mga prayle ay maituturing na napakahalaga bilang mga panimulang pag- aaral sa ating mga katutubong wika.
  • 49. • Sa larangan ng wikang Tagalog na nagingsaligan ng wikang pambansa, masasabingbahagi ng kasaysayan ang sumusunod na mgaisinagawang pag-aaral ng mga prayle at ilangnakapag-aral na Pilipino:
  • 50. Nauukol sa Gramatika
  • 51. 1. „Arte y Vocabulaŕio de la Lengua Tagala‟  ni Pari Juan de Quiñones.  Nilimbag noong 1951.  Maraming naniniwala na ito ang kauna- unahang pananaliksik na isinagawa ng mga prayle ukol sa wikang Tagalog. (cf. Phelan 1955)2. „Arte y Reglas de la Lengua Tagala‟  ni Pari Francisco Balancas de San Jose, O. P.  Nilimbag ni Tomas Pinpin (Ama ng Limbagang Pilipino) noong 1610.
  • 52. 3. „Arte de la Lengua Tagala‟  ni Pari Gaspar de San Agustin.  Nalathala nong 1703 at muling nilimbag noong 1787.4. „Nueva Gramatica Tagalog‟  ni Pari Juan Coria (1872).5. „Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala (1878)  ni Pari Toribio Minguella6. Pari San Juan Plasencia  Sumulat ng isang gramatika sa Tagalog, isang diksyunaryo sa Tagalog, at isang katesismo sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta noong 1852.
  • 53. Nauukol sa Talasalitaan
  • 54. • 1. „Vale-Mecum o Manual de la ConcervacionFamiliar Espanyol-Tagalog, Siglo de un CuriosoVocabulario de Modismos Manileños‟ ni T.M. Abella (walang petsa)• 2. „Vocabulario de la Lengua Tagala‟ ni Pari San BuenaVentura (1613). Sinasabing ito ang kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog.• 3. „Vocabulario de la Lengua Tagala‟ nina Pari Juan de Noceda at Pari Pedro de San Lucar (1754). Pinakamakapal ito sa mga nasulat noong panahon ng Kastila.
  • 55. • 4. „Nuevo Diccionario Manual Español-Tagala‟  ni Rosalio Serrano, (walang petsa)• 5. „Diccionario de Terminos Communes Tagalo-Castellano‟ ni Pari Juan Coria (1869)• 6. „Diccionario Hispano-Tagalog‟ ni Pedro Serrano Laktaw (1889)
  • 56. Iba pang Pag-aaral:
  • 57. 1. „Memorial de la Vida Christiana en Lengua Tagala‟  ni Pari Balancas de San Jose (1605)2. „Compendio del Arte de la Lengua Tagala‟  ni Gaspar de San Agustin (1703)3. „Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog‟  ni Sebastian de Totanes (1745)4. „Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua Tagala‟  ni Dr. Jose Rizal (1889)
  • 58. • Ang itinuturing na pinakadahilan kungbakit napabilis ang pag-aaral sa mgawikang katutubo noong panahon ng Kastilaay ang pagkakahati-hati ng kapuluan saapat na Orden noong 1594, bilangpagsunod sa kautusan ni Haring Felipe II.
  • 59. • Ang pagkakahati-hati ay gaya ng ss:  Ang Kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at Jesuitas.  Ibinigay diin sa mga Augustinian ang Ilocos at Pampanga.  Ang mga Intsik at ang mga lalawigan ng Pangasinan at Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican.  Ang mga Franciscan naman ang pinangasiwa sa Kabikulan.  Ang Katagalugan ay hinati rin sa apat na Orden.
  • 60. • Sapagkat nagkaroon ng kanya-kanyang tiyak napangangalagaan ang bawat Orden, nagkaroon ngsigla ang pag-aaral sa mga katutubong wika nahumantong sa paglilimbag ng mga gramatika atdiksyunaryo.• Ngunit kapansin-pansin na sinadya man o hindiay napakaraming naisagawang pag-aaral saTagalog.
  • 61. • Ayon kay Phelan: hindi kukulangin sa 24 na aklat ang nalimbag tungkol sa wikang Tagalog, Samantalang 5 lamang sa mga wikang Bisaya. Ang dahilan marahil ay sapagkat Tagalog ang wikang ginagamit sa Maynila na siyang pinakasentro ng pamahalaan.
  • 62. • Panahon ng mga Amerikano
  • 63.  Ang pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ang naging sanhi ng panibagong pagtingin sa pag-aaral sa mga wikang laganap sa kapuluan. Ang mga linggwistang paring Kastila‘y napalitan ng mga linggwistang sundalong Amerikano.
  • 64. Ano ba ang pinagkaiba nglayunin ng mga Kastila sa pag-aaral ng ating wika, sa layuninng mga Amerikano?
  • 65.  Kung ang pangunahinglayunin ng mga MisyonerongKastila ay mapabilis angpagpapalaganap ngKristiyanismo sa kapuluan,ang mga Amerikano namanay maihasik sa sambayanangPilipino ang ideolohyangdemokratiko.
  • 66. • Ang naging suliranin ng mga prayleng Kastila at ngmga sundalong Amerikano ay iisa:  Ang kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang maisakatuparan ang kani-kanilang layunin.• At tulad din ng mga Kastila, inisip ng mgaAmerikanong higit na madali kung sila ang mag-aral ngmga pangunahing wika sa kapuluan kaysa kanilanghintayin na matuto ng Ingles ang nakararaming Pilipino.
  • 67. • Isa pa, inisip din ng mga Amerikano na higit namagiging madali ang pagtuturo ng Ingles sa mgaPilipino kung mauunawaan ng mga guro angpagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles sa iba‘t-ibang wika sa kapuluan.• Noon nagsimula ang pagsusuri sa mgapangunahing wika sa kapuluan, lalo na sa Tagalog.
  • 68. • Ilan sa mga isinagawang pag-aaral noon ang mgass: ―Handbook and Grammar in Tagalog” ni MacKinlay (1905) isang “Grammar of Ilocano” ni Henry Swift (1909) at isang ―Primer and Vocabulary of Maguindanao‖ ni R. S. Porter (1903).
  • 69. • May ilan ding pagsasaling-wika na isinagawa noontulad ng: pagsasalin ni C. C. Smith (1906) sa Ingles ng isang aklat sa gramatika ng wikang Magindanao na sinulat sa Kastila ni J. Juanmarti, at ang pagsasalin ni O. T. Mason sa Ingles ng isang pananaliksik na sinulat ni F. Blumentritt sa wikang Aleman noong 1899 tungkol sa mga tribo sa kapuluan at ang kani-kanilang wikang sinasalita. (c.f. Constantino 1972)
  • 70. • Ngunit hindi lubhang lumawig ang pagsusuring-wika naisinagawa ng mga dalubwikang sundalong Amerikanodahil sa pagkakapalit ng pamahalaang sibil sapamahalaang militar noong 1901.• Pumalit sa mga sundalong Amerikano ang mgadalubwikang may higit na kakayahan at kasanayan sapagsusuring-wika dahil karamihan sa mga ito‘y propesorsa mga unibersidad sa Estados Unidos at saUnibersidad ng Pilipinas na itinatag noong 1908.
  • 71. • Ayon kay Constantino, sa mga pangunahinglinggwista noong Panahon ng mga Amerikano, aynangunguna ang mga ss:  Cecilio Lopez (isang Pilipino),  Otto Scheerer at H. Costenoble (mga Aleman),  Morice Vanoberbergh (misyonerong Belhikano),  Carlos Everett Conant, Frank R. Blake, at (mga Amerikano) Leonard Bloomfield• Karamihan sa mga pagsusuring wika ay maituturingna historikal at deskriptiba (historical at descriptive)
  • 72. • Sina Conant, Costenoble, at Scheerer angkinilala sa disiplinang historikal.• Ngunit ang higit na kilala ay si Conant.• Kung sabagay, hindi lamang sa larangan nglinggwistang historikal nakilala si Conant. Isa rinsya sa mga unang nagsasagawa ng pag-aaral sapagpapangkat-pangkat ng mga wika sa kapuluan.
  • 73. • Ang totoo, ang itinuturing na una nyang artikulo salinggwistika ay tungkol sa mga tunog na f atv sa mgawika sa Pilipinas.• Sinabi nyang karamihan sa mga wika sa Pilipinas aywalang f atv, mga tunog na karaniwan sa wikangMalay.• Ganunpaman ay nakatagpo sya ng kataliwasan nito.
  • 74. • Sinabi nyang ang mga wika sa dulong timog at hilaga ngkapuluan, tulad ng:  Ibanag (at mga diyalekto nitong Itawis),  mga wika ng Igorot sa Bontoc at Benguet.  sa gawing Timog,  at ng Tiruray,  Bilaan at  Tagakaolo sa gawing hilaga … ay nagtataglay ng mga tunog na f at v. Ito, anya, ay naiiba sa sinabi ni Brandstetter na ang wikang Malay lamang ang nagtataglay ng f sa mga wikang kanluranin ng Malayo-Polinesyo. (cf. Conant 1908);
  • 75. • Conant • Maraming isinagawang pag-aaral si Conant tungkol sa mga wika sa Pilipinas, • ngunit ang pinakakilala sa kanyang mga pananaliksik ay ang kanyang ―The RGH Law in Philippine Languages‖ (1910) at • ―The Pepet Law in Philippine Languages‖ (1912) na tumatalakay sa nagaganap sa pagbabago sa mga tunog ng iba‘t-ibang wika sa kapuluan. • Hal. Ang tunog na r sa pagkakawatak-watak ng mga wikang mula sa Proto-Austronesian ay nananatili sa ibang wika, samantalang sa iba ay nagiging g, h, y.
  • 76. • Ano nga ba ang RGH Law niConant?
  • 77.  Ang angkan ng wikang Malayo-Polinesyo (kilala rin sa tawag na Austronesian) Pangalawang pinakamalaking angkan sa buong daigdig. (pinakamalaki ang Indo-European) Lumaganap ito sa mga kapuluan sa Pasipiko at sa gawing kanluran ng Madagascar. Sa mga wikang buhat sa angkang ito ay kabilang ang mga ss. na lumaganap sa gawing kanlurang Pasipiko:  Malay- na lumaganap sa Sumatra, Malaya, Borneo at iba pang karatig na pook;  Indonesyo-wikang opisyal ng Indonesya - sinasabing nakabatay sa wikang Malay  Javanese -ng Java
  • 78.  Balinese- ng Bali  Dayak-ng Borneo  Makassar- ng Celebes• Ang mga wika sa Pilipinas, (maliban sa Chavacano, lumaganap sa Cavite, Zamboanga, at Ermita, buhat sa wikang Espanyol ng Angkang Romance) ay sinasabing nagmula sa wikang Indonesyo.• Sa mga wikang ito ng Pilipinas na tinanatayang hindi kukulangin sa 80 (hindi kabilang ang mga diyalekto), ay higit na kilala ang Tagalog, Bisaya, at Iloco.
  • 79. • Ang mga wikang ito ang karaniwang ginagamitng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng mgawika sa Pilipinas noong mga unang panahon ngating pagkabansa.
  • 80.  Mga Wikang lumaganap sa gawing SilangangPasipiko na buhat sa Angkang Malayo-Polinesyo karaniwang hinahati sa Micronesian, Polynesian,at Melanesian.Sa mga pangkat na ito ay maibibigay na mgahalimbawa ang Hawaiian, Tahitian, Samoan, Maoriat Fijian.
  • 81.  Sa kasalukuyan, ang mga wikang kaangkan ng Malayo-Polinesyo ay binubuo na ng napakaraming iba‘t-ibang wika. Ang mga wikang ito, bagama‘t buhat sa iisang angkan, aynagkaroon na ng pagbabago sa pagdaraan ng maraming taon. Nagkaroon na ng pagkakaiba ang mga ito sa palatunugan,sa palabuuan, sa palaugnayan. Halimbawa: Sa ibang salita, ang isang orihinal na tunog nabuhat sa inang-wika na Malayo-Polinesyo ay nagkakaiba-ibana sa mga wikang kaangkan nito.
  • 82. • H. N. van der Tuuk - isang iskolar na Ulandes na syangunang nakapansin at napag-aralan ang mga pagbabago sa mgawikang ito. – sinundan sya ng iba pang mga palaaralat dalubwikang tulad nina:  Brandes  Kern  Adriani  Brandstetter  Conant  Dempwolff at  Dyen
  • 83. • Halimabawa:Tingnan ang isang tunog na sa inang wikang Malayo-Polinesyoay may tunog na *R. (mula rito ay tatawagin nating tunog naproto ang lahat ng tunog na may tandang asteriko. Ang ibig sabihin ng tunog na proto ay ang tunog na ipinalalagay ng dalubwikang nagsusuri, na syang orihinal na tunog sa pinakainang Malayo-Polinesyo.)
  • 84. • Ang Proto-Malayo-Polinesyong *R (PMP *) aymananatiling r sa ibang wika at maaaring saibang wika naman ay naging g, h, o kaya‘y y.• Ang ganitong penomenon ay waring isangbatas na nagaganap sa mga wikang Malayo-Polinesyo.(Dito hinango ang naging kilalang ―RGH Law‖ ni Conant.)
  • 85. Halimbawa: vein (‘nerve, o sinew’) urat ugat uhat oya(Malay) (Tagalog) (Dakya) (Lampong)
  • 86. Nangyayari rin na kung minsan ay nawawala ang *R, tulad sa uat ng Javanese.
  • 87. • Naniniwala ang mga dalubwika na ang mga salitangurat, ugat, uhat, at oya, pati na rin ang uat ay buhatlahat sa iisang salitang Malayo-Polinesyo.• Sa ibang salita, ang mga ito ay magkakaugat(cognates).• Nagkaroon lamang ng pagbabago ang mga ito sapagdaraan ng panahon dahil sa pagkakawatak-watakng mga taong gumagamit nito.
  • 88. • Ayon kay Conant, (nanatili sya sa Pilipinas mulanoong 1903 hanggang 1936 bilang tagapagsalingwikang pamahalaan), ang mga wika sa Pilipinas ay maytunog na g sa RGH na katinig, na ang ibig sabihin aynagiging g sa karamihan ng mga wika sa Pilipinas angPMP* R, bagama‘t ang ilan ay nagiging r, l, o kaya‘y y.• Kaya‘t ang ginawa ni Conant ay pinangkat nya angmga wika sa Pilipinas ayon sa kinauwian ng RGH nakatinig.
  • 89. • Sa pagsusuri ni Conant, ay lumabas na ang Tagalog,Bicol at mga wikang Bisaya, tulad ng Cebuano,Hiligaynon, Waray, Kinaray-a, at ang Romblomanon,ay mga wikang g.• Ang Ilocano ay wikang r, gayundin ang Tirurai.• Ang Pangasinan ay wikang l, gayundin ang Kankanai,Ibaloi, Bontoc, at Calamian.• Ang Pampango ay wikang y, gayundin ang Ivatan atSambal.
  • 90. • Ang mga ss. ay ang ibinigay nahalimbawang patibay ni Conant naipinakikita ang kinauwian ng RGH nakatinig sa mga pusisyong inisyal,medyal, at pinal:
  • 91. • Mga Wikang G Inisyal Medyal Pinal Tagalog gamót ugát íkog Bisaya gamút ugát íkog Bicol gamót ugát íkog Ibanag gamút ugát (niúg‘coconut) Magindanao gamút ugát íkug Sulu gamút ugát íkog Bagobo ramót ugát íkog
  • 92. • Mga Wikang RIloco ramút urát bibír ‗lip)Tiruray Irohok ‗rib‘ urat igor• Mga Wikang LPangasinan lamót ulát íkolKankanai lamót uwátInibaloi damót ulát íkolBontoc lamót (darála ‗girl‘) (bibíl ‗lip)
  • 93. • Mga Wikang Y Inisyal Medyal Pinal Pampango yamút uyát íki? Ivatan yamót úyat (itiói ‗egg) Sambal (yábi ‗night‘) búyas (‗rice‘) (tolói ‗sleep‘)
  • 94. • Sa mga halimbawa sa Ibanag na gamut at ugat,ang t sa posisyong pinal ay hindi binibigkas, tuladdin naman ng iba pang walang boses na istap na k atp na pawang napapalitan ng tunog na impit o glotalstap.• Ngunit lumilitaw ang mga ito kapag ang mgasalitang nagtatapos sa alinman sa ganitong mgatunog ay hinuhulapian. • Hal. yubú? /‘ask‘, ngunit nagiging yubutan
  • 95. • Sa pagtunton sa pinagmulan ng tunog na g sa mga wikasa Pilipinas ay sinuri naman ni Conant ang mga tunog na r-l-d-g na nagmula sa tunog na j sa Proto-Austronesian.• Pagkatapos ay muli na naman niyang pinangkat angnasabing 17 wika ayon sa tunog na kinauwian ng isa‘t-isa.• Ang Waray at Bicol ay mga wikang r , gayundin angTirurai, Ibatan, Cuyonon; ang Tagalog, Kapampangan,Cebuano at Hiligaynon ay l, kasama na ang Tausog atMagindanao; ang Ilocano at Pangasinan ay g , gayundin angIbanag.
  • 96. • Batay sa kanyang mga natuklasan, nagbigay ngkonklusyon si Conant na ang tunog na g na taglayngayon ng mga wika sa Pilipinas ay mahahati satatlong klase ayon sa pinagmulan– orihinal na g,(2) g sa RGH, at (3) g sa RLD. (cf. Conant 1911)• Samantala , may kahabaan ang pagtatalakay niConant sa ―Peppet Law‖.
  • 97. • Kinuha nya ang kanyang mga dataps sa 34 nawika sa Pilipinas at higit sa 10 wikangAustronesian.• Ang ebolusyon ng patinig na pepet (Proto-Austronesian - ə) ay tinunton ni Conant sa 7 uring kaligiran, tulad ng mga ss: (1) AP-class (mga salitang may ə sa unang pantig ng dadalawahing pantig na salita at ang ikalawang pantinig ay pepet, e.g. atəp)
  • 98. (2) PA-class (mga salitang may pepet sa unangpantig at a sa ikalawang pantig; e.g. bəgas)(3) IP-class (mga salitang may I sa unang pantig atpepet sa ikalawang pantig, e.g. ngipən)(4) PI-class, e.g. bəli,(5) UP-class, e.g. pusəd).(6) PU-class, e.g. pənu), at PP-class, e.g. ləbəng(cf. Conant 1912)
  • 99. • Pagkatapos ay pinangkat nya ang mga wika ayonsa kinauwian ng patinig na pepet.• Lumabas sa kanyang pagsusuri na ang Tagalog,halimbawa: wikang i; ang Ilocano at Pangasinan ayə; ang Kapampangan ay a; at ang mga wikangBisaya at Bicol ay u.
  • 100. • Pansinin ang mga ss. na halimbawa: Tag. –atip; Iilk. & Png. -atəp, Kap. – atap; Bicol (at karamihan ng wikang Bisaya- atup.
  • 101. • Blake • Sa mga palarawan (desciptive) namang pag-aaral ay nangingibaw ang dalawang linggwistang Amerikano (Blake at Bloomfield, sa kabila ng katotohanang hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magtungo rito sa Pilipinas kahit minsan) at isang linggwistang Pilipino (Cecilio Lopez).
  • 102. • Sa pag-aakala ng mga Amerikanong ang Pilipinas aymananatiling isang kolonya ng Amerika, noong 1900,ay sinimulan sa Unibersidad ng John Hopkins angpagsusuri at pag-aaral sa iba‘t-ibang wika sa Pilipinas.• Si Blake, nagtapos sa nasabing unibersidad aynaatasang magsagawa ng pagsusuri sa mga wika saPilipinas sa pamamagitan ng mga impormante upangituro sa mga Amerikanong may balak magtungo saPilipinas.
  • 103. • Noong aralang-taong 1901-1902 ay sinimulan nya angpagtuturo ng Tagalog sa isang klase na may 8 mag-aaral.• Nang sumunod na taon ay Cebuano naman ang kanyangitinuro.• Bagama‘t hindi gaanong pinahahalagahan ng pamahalaanng Estados Unidos ang proyektong isinasagawa saUnibersidad ng John Hopkins ay nagpatuloy pa rin siBlake sa pagsusuri sa mga wika sa Pilipinas na tumagal nghalos 50 taon.
  • 104. • Ayon pa rin kay Constantino, sa pagitan ng 1902at 1950, ay nakasulat si Blake ng hindi kukulanginsa 27 artikulo tungkol sa iba‘t-ibang wika saPilipinas.• Ang ilang halimbawa ay ang mga ss: (1) Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya (2) Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya at ng Tagalog (3) Ang mga salitang hiram ng Tagalog sa Sanskrito
  • 105. (4) Ang pag-aaral na isinasagawa ng Unibersidad ngJohn Hopkins tungkol sa iba‘t-ibang wika saPilipinas.(5) Ang tungkulin ng pamahalaan ng Estados Unidossa paglinang ng aghamwika sa Pilipinas sa wika(6) Pagsusuring-basa sa pagsusuring isinagawa niBloomfield tungkol sa Tagalog(7) Pagtitipon ng mga pagsusuring isinagawa sa mgawika sa Pilipnas
  • 106. (8) Isang aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog(9) Isang monograp tungkol sa sistema ng mga diin saTagalog.• Pinangkat din ni Blake sa tatlo ang mga wika sa Pilipinas:  Pangkat Timog, na kinasasamahan ng Ilocano at Pangasinan  Pangkat Sentral, na kinasasamahan ng Tagalog, Bicol at mga wikang Bisaya. Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito.  Sa Pangkat Hilaga ay kasama ang Magindanaw at Maranaw
  • 107. • Ngunit ang itinuturing na pinakamahalagang ambag niBlake sa linggwistika sa Pilipinas ay ang kanyang aklattungkol sa gramatika ng Tagalog (1925).• Sa paraan ng paglalahad ni Blake sa gramatika ngTagalog ay malinaw na makikita ang impluwensya ngmga pinakamahusay na mambababalarilang Kastila,tulad ni Totanes (1865).
  • 108. • Ang mga kategorya ng kanyang gramatika at mgakatawagang ginamit ay tulad ng ginamit ng mgamambabalarilang Kastila na naimpluwensyahannaman ng mga tradisyunal na mambabalarilangEuropeo.• Sa pagsusuri ni Blake sa Tagalog at iba pang wikasa Pilipinas ay labis nyang napag-uukulan ng pansinang tatlong magkakaugnay na mga yunit sa mgagramatika:
  • 109.  Verb Voice Case• Sinabi nya na bilang alituntuning pangkalahatan,masasabing ang lahat ng salita sa Tagalog, maginganumang uri, ay maaaring gawing pandiwa.• Sinabi nyang ‗The verbalizing power of Tagalog andgenerally speaking of other Philippine langages, andindeed of Malayo-Polynesian languages in general has soto speak run wild.‘
  • 110. • Ngunit hindi sang-ayon dito si Constantino, sa dahilang angkonklusyon ni Blake ay hindi salig sa masusing pananaliksik.• Sinabi ni Constantino na hindi lahat ng salita sa Tagalog o saalinmang salita sa Pilipinas ay maaaring kabitan ng makadiwangpanlapi.• Gayunpaman, naniniwala si Constantino na ang kakayahan saberbalisasyon ng Tagalog at ng iba pang wika sa Pilipinas aymalinaw na isang natatanging kakayanhan ng mga wika saPilipinas; na ang kakanyahang ito ang isa sa ikinaiiba ng mgawika sa Pilipinas sa ibang kaangkang wika ng Austronesya.
  • 111. Bloomfield.• Ang pagsusuring isinagawa ni Bloomfield sagramatika ng Tagalog ang higit na kilala hanggangsa kasalukuyan.• Ang totoo, may mga palaaral, tulad nina Lopez atConstantino, ang naniniwala na hanggang sa ngayonay hindi pa nahihigitan ang pagsusuring isinagawani Bloomfield sa Tagalog.
  • 112. • Ang pagkakalahathala ng aklat ni Bloomfield namay pamagat na ―Language‖ noong 1933 nakinapapalooban ng mga mahahalagang pag-aaral sagramatikang Tagalog at ang kaalinsabay napaglaganap ng linggwistikang Bloomfieldianpagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig angnaging dahilan upang ang pamamaraan ni Bloomfielday gamiting modelo ng mga ss. na palaaral sa wika.
  • 113. • Ang pagsusuri sa gramatikang Tagalog ni Bloomfielday lumikha ng rebolusyon sa pagsusuri ng mga wika saPilipinas sa dalawang kadahilanan:(1) Ang sapilitang paggamit ng mga impormante sa pagtitipon ng mga datos, at ang(2) Paggamit ng mga bagong katawagang panggramatika na kapalit ng mga katawagang tradisyunal upang bigyang-diin ang pagkakaiba sa ibang wika (hindi ang pagkakatulad) ng wikang sinusuri.
  • 114. • Ang gramatika ni Bloomfield ay naiiba kay Blakehindi sa lawak kundi sa paraan ng pagkakaayos ngmga yunit panggramatika, gayundin ang mgakaisipang ginamit.• Kaiba sa pagsusuri ni Blake, ang pagsusuri niBloomfield sa gramatikang Tagalog ay masasabinghigit na maagham.
  • 115. • Hinati ni Bloomfield sa tatlong bahagi ang kanyangpagsusuri sa Tagalog: Bahagi I- kinapapalooban ng mga salitang Tagalog na nasusulat sa transkripsyong pamponemika. Kasunod ang katumbas sa Ingles Bahagi II- Kinapapalooban ng kanyang pagsusuri sa Tagalog na hinati nya sa phonetics, syntax at morphology. Bahagi III- katatagpuan ng talaan ng mga pormasyon at ng glossary.
  • 116. • Halimbawa: • Sa seksyon ng ponemika ay inilarawan ni Bloomfield ang mga makahulugang tunog ng Tagalog, ang pagpapantig at ang sistem ng diin. Sinabi nya na ang mga tunog na i at e, gayundin ang o at u ay hindi maituturing na ponema, maliban sa mga salitang hiram. Inilarawan nya ang dalawang uri ng diin, malakas at mahina, sa mga salitang Tagalog, na hindi matatagpuan sa magkatulad na kaligiran, maliban sa ilang salita na maaaring bigkasin sa dalawang paraan. Inilarawan din nya ang pagtaas ng tono at ang paghaba ng patinig na nagpapalangkap sa bawat diin.
  • 117. • Ang pagtalakay ni Bloomfield sa sintaksis ng Tagalogay di-gaanong masusi, isang patotoo sa kanyangpagkakaroon ng ‗PHONETIC BIAS‘, gaya ng ibinibintangsa kanya ng kanyang mga kritiko.• Pinangkat nya ang kanyang talakay sa apat:(1) Sentence and Word,(2) Subject and Predicate,(3) Attribute at(4) Serial Relation
  • 118. • Sa morpolohiya naman ng Tagalog ay binigyan-diinni Bloomfield ang pagagamit ng mga panlapingACTIVE at PASSIVE , ang relasyon sa isa‘t-isa ngmga ito at sa iba pang panlapi na nagbubunga ng (1) Mga salitang waring GERUND na tinawag nyang ‗ABSTRACTS OF ACTION,‘ o (2) Mga NOMINALS na tinawag nyang ‗SPECIAL STATIC WORDS‘
  • 119. • Maliban sa kanyang natalakay sa kahalagahan ngdiin at paglilipat ng diin sa pagbubuo ng salita, angtalakay ni Bloomfield sa morpolhiya ng Tagalog aymaituturing na hindi gaanong nakadagdag sa mgapagsusuring isinagawa ni Blake at ng mgamambabalarilang Kastila.
  • 120. Lopez Kinilalang kauna-unahang linggwistang Pilipino. Noong 1970 ay kinilala sya at pinarangalan ng Pambansang Samahan sa Linggwistikang Pilipino bilang ―AMA NG LINGGWISTIKANG PILIPINO.‖ At noong 1975 lumabas ang isang Festschrift na may pamagat na Parangal kay Lopez na handog ng Linguistic Society of the Philippines bilang pagkilala sa kanya sa larangan ng linggwistika. Nagsimula bilang isang mag-aaral ni Scheerer sa Unibersidad ng Pilipinas.
  • 121.  Mula roon ay ipinadala sya sa Unibersidad ngHamburg. Sa nasabing unibersidad nya natapos nya angkanyang titulo sa pagkadoktorado sa linggwistikanoong 1928. Ang kanyang disertasyon ay tungkol sapahambing na pagsusuri ng Tagalog at Ilocano sapamamatnubay ni Dempwolff.
  • 122.  Ang mga unang pananaliksik ni Lopez ay masasabingnaimpluwensyahan ng mga sinulat ni Blake. Ang ilan sa mga ito ay tumatalakay sa mgakakanyahan ng mga wika sa Pilipinas, tulad ng paglalapisa Tagalog, at ang mga salitang-hiram ng Tagalog saKastila. Marami rin syang sinulat at ipinalathalang mgaartikulo tungkol sa pahambing na pagsusuri na mgawika sa Pilipinas sa paraang singkroniko at dayakroniko(cf. Gonzales, et al, 1973 at Constantino 1972).
  • 123.  Ang itinuturing na pinakamahalagang ambag ni Lopezsa larangan ng linggwistikang Pilipino ay ang kanyangipinalimbag na manwal na nauukol sa gramatika ngwikang pambansa (1941). Nang sulatin ang nasabing manwal ay kapoproklamapa lamang sa Tagalog bilang batayan ng wikangpambansa ng Pilipinas. Ang manwal ni Lopez ay isang maagham na pagtalakaysa gramatika ng Tagalog na angkop gamitin ng mga gurosa pagtuturo ng wikang pambansa.
  • 124.  Madarama sa manwal ni Lopez ang nagingimpluwensya ng isinagawang pagsusuri ni Bloomfieldsa Tagalog at ng PHILOSOPHY OF GRAMAR niJespersen. Hinati ni Lopez ang kanyang manwal sa apat nabahagi: isa sa ponetika dalawa sa morpolohiya at isa sa sintaksis
  • 125.  Ang talakay ni Lopez sa sintaksis ng Tagalog ay makabagoat higit na masusi sa ginawang talakay ni Bloomfield. Sa mga sinulat ni Lopez na nalathala bago matapos angIkalawang Digmaang Pandaigdig ay mababanggit ang mga ss.:(1) Pagsusuring sikolohikal sa morpolohiya ng Tagalog,(2) Pahambing na pagsusuri sa mga leksikograpiya ng Tagalog at ng Malay (1939),(3) Isang artikulong nasusulat sa wikang Aleman tungkol sa pagkakaugnayan ng Tagalog at ng Malay (1930), at(4) Isang artikulong tumatalakay sa kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas(1931).
  • 126.  At habang nagtuturo ng linggwistika sa UP, paminsan-minsan ay nagpapalathala si Lopez ng mga artikulo. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa kanyang mga sinulat:  ‗Origins of the Philippine Languages‘, 1967; ‗Contributions to Comparative Philippine Syntax‘, 1965; ‗Some New Morphemes in Philippine Languages‘, 1970; ‗The Spanish Overlay in Tagalog‘, 1965; ‗Paghahambing sa mga Wika sa Pilipinas‘, 1972; at ang isa sa pinakahuli ay ang kanyang ‗A Comparative Philippine Word-list‘ na inilathala ng The Archieve ng UP na pinamatnugutan nina Constantino, Cruz at Paz,,
  • 127. 3. Panahon ng Kalayaan
  • 128. • Nagsimula ang panahong ito pagkatapos ng IkalawangDigmaang Pandaigdig at makamit ng Pilipinas angkalayaan noong 1946.• Sa panahong ito ay masasabing dumami na nangdumami ang pagsusuri sa mga wika sa Pilipinas (cf. Constantino1972)• Ayon kay Constantino, ang pag-unlad ng aghamwika saPilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigay naimpluwensyahan ng tatlong mahahalagangpangyayari:
  • 129. (1) Ang una ay ang pagtatag sa Pilipinas ng ‗SummerInstitute of Linguistics‘ noong 1953.• Mula noon ay marami nang mga linggwistang misyonerona kasapi sa nasabing organisasyon ang nagtungo rito saPilipinas at nagsagawa ng mga pagsusuri sa mga iba‘t-ibang wika at wikain sa kapuluan.• Ginamit ng mga linggwistang ito ang kanilang natutuhansa mahigit na maunlad na paaralan ng linggwistika saEstados Unidos.
  • 130. (2) Ang ikalawa ay ang paggamit ng makalinggwistikangpamamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino nalumikha ng malaganap na pagnanais upang suriin angmga wika sa kapuluan.• Ang ganitong interes ay humantong sa pagtatagnoong 1957 ng ‗Philippine Center for Language Study‘sa ilalim ng pangangasiwa ng Departamento ngEdukasyon ng Pilipinas at ng Unibersidad ng Californiasa LA.
  • 131. • Ang ikatlo ay ang gradwal na pagdami ng mgalinggwistang Pilipino, lalo na pagkaraan ng 1960.• Masasabi hanggang noong matapos ang 1950 ay iisaang Pilipinong maituturing na linggwista sa tunay nakahulugan nito.• Ngunit pagkaraan ng ilang taon dahil sa patuloy nanagiging impluwensya ng Amerika sa Pilipinas aynaragdagan na nang naragdagan ang mga linggwista sakapuluan.
  • 132. • Ang mga linggwistang Pilipinong ito ay mahahatisa dalawang pangkat:(1) Mga nagsipagtapos sa mga unibersidad ng EstadosUnidos at ng Canada. Mababanggit dito ang ilangkilalang mga linggwista sa kasalukuyan, tulad ninaConstantino at Casambre ng UP, Sibayan at Otanes ngPNC, Gonzales ng De la Salle, Llamzon at Pascasio ngAteneo, Natividad ng DEC, atbp.;
  • 133. (2) Mga nagsipagtapos sa Pilipinas. Sa Ateneo-PNC Consortium for a Ph.D. in linguistics,halimbawa ay mayroon ng walong nakatapos- Ma.Lourdes Bautista, Elvira Vergara, Gloria Chan-Yap, Rosa Soberano, Sis. Ma. Isabelita Riego deDios, Casilda Luzares, Teresita Rafael at EmmaS. Castillo.
  • 134. • Mapapansin na ang Pilipinas ay nagiging laboratoryo olarangan ng mga linggwistang dayuhan na karamihan aymga Amerikano.• Sa katotohanan, di-iilang wika sa Pilipinas angginagamit upang subukin ang mga modelong pangwika,prinsipyo o pamaraan.• Sa kasalukuyan ang pag—aaral sa mga wika saPilipinas ay masasabing isinasagawa ng iba‘t-ibangpangkat ng mga linggwista.
  • 135. Ang pinakamalaki at pinakamalaganap sa mga ito ay ang sangay sa Pilipinas ng ‗Summer Institute of Linguistics‘.• Masasabing higit na pinag-uukulan ng pansin ngpangkat na ito ang mga wikang di gaanong malaganap.• Isinasalin sa mga wikang ito ng nasabing pangkatang Bibliya at iba pang babasahing panrelihiyon.
  • 136. • Halimbawa: ‗Overt Relation Markers in Maranao‘ - isa sa mga pag-aaral na isinagawa ni McKaughan (cf. McKaugha 1972)• Nagbigay ng konklusyon si McKaughan na isa sa mgakatangian ng Maranao (at ng iba pang wika sa angkang Malayo-Polinesyo) ay ito: o Ang binabanghay na pandiwa ay nagsasaad hindi lamang ng panahon, uri ng kilos, at iniisip na sikolohikal ng nagsasalita kundi pati na rin ng relasyong gramatikal ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap; na ang relasyong gramatikal ng aktor, layon, di tuwirang layon at gamit ay nakikilala sa Maranaw sa pamamagitan ng katagang o, sa at ko.
  • 137. • Ang, primary relation ay isinasaad ng katagang so.• Sa bahaging ito‘y masasabing malaki ang nagingkontribusyon niya sa pagkakatuklas ng ngayo‘ypalasak na palasak nang pokus sa Pilipino.
  • 138. Ang isa pang pangkat ng mga linggwista sa Pilipinasay matatagpuan sa Departamento ng Wikang Oryentalat Lingwistika sa Unibersidad ng Pilipinas.• Sa katotohanan, ang pangkat na ito ang maituturingna pinakamatanda sa lahat ng pangkat.• Itinatag ang nasabing departamento noong 1923upang magsagawa ng pahambing na pagsusuri sa iba‘t-ibang wika sa kapuluan.
  • 139. • Mababanggit dito ang isinasagawang proyekto ngnasabing pangkat sa huling limang taon- angpagtitipon ng mga datos na leksikal at gramatikalmula sa lahat ng wika at wikain sa kapuluan upanggamitin sa pahambing na pagsusuri sa ponolohiya,morpolohiya at sintaksis ng nasabing mga wika.• Maaari ring magamit ang matitipong mga datossa pagsulat ng mga diksyunaryo sa bawat wika.
  • 140. • Ayon kay Constantino ay hindi kukulangin sa2,000 pangungusap na naglalarawan ng hulwarangmorpo-sintaktikal at mahigit na 4,000 salitang-ugat ang natitipon na mula sa 300 mga wika atwikaing sinusuri.• Ang mga manuskrito at tapes ay iniingatan ng‗Archieves of Philippine Languages and Dialects.‘
  • 141. Ang iba pang pangkat ng mga linggwista aymatatagpuan sa ‗Language Study Center‘ ngDalubhasang Normal ng Pilipinas, sa Ateneo deManila, sa De la Salle, sa Unibersidad ng San Carlos,at sa ‗Interchurch Language School‘.• Ang ‗New Tribes Mission‘ sa Pilipinas ay may isa omga dalawang linggwista.
  • 142. • Sa ‗Language Study Center‘ ng PNC ay nagsasagawa ngmga pagsusuring-wika sa linggwistikang pamamaraanupang iangkop sa pagtuturo ng wika.• Taun-taon ay nagpapadala ang UCLA ng mga linggwistaupang makatulong sa mga proyekto ng LSC.• Sa mga naipadala na ng UCLA ay mababanggit angpangalan nina Dr.Tommy Ray Anderson (S. L. N.),Dr.Richard Tucker, Dr. Henry Feenstra, at Dr. RobertGardner.
  • 143. • Nag-aanyaya rin ang LSC ng mga kilalang linggwistangtulad nina Isidore Dyen, Eugene Nida, Howard McKaughan,Clifford Prator, Donald J. Bowen, atb. upang magbigay ngpanayam sa mga mag-aaral at guro sa linggwistika.• Bukod dito ay nagpapadala pa rin ang LSC ng mgaiskolar sa Estados Unidos at sa Canada upangmagpakadalubhasa sa aghamwika.• Ang aklatan ng LSC ay masasabing isa sa pinakamayamansa mga aklat panlinggwistika sa buong kapuluan.
  • 144. • Ang mga panaliksik-wika sa iba‘t-ibang wika saPilipinas ay mapapansing isinasagawa hindi lamangng mga linggwista sa Pilipinas kundi gayon din ngmga linggwista at mag-aaral sa mga unibersidad saAmerika, tulad ng Unibersidad ng Yale,Unibersidad ng Michigan, Unibersidad ngCalifornia sa Los Angeles, at Unibersidad ngHawaii.
  • 145. • Masasabi rin na ang mga isinasagawang pag-aaral sa wika ay mauuri sa tatlo:(1) pag-aaral na nauukol sa pagkaklasipika ng mga wika sa Pilipinas, at(2) mga pagsusuring historikal, at(3) mga pagsusuring palarawan.
  • 146. • Iilan-ilan lamang ang nagsagawa ng pananaliksikna historikal.• Dyen –mula sa Unibersidad ng Yale naitinuturing na pinakakilala sa mga mananaliksik.–nakapagpalathala siya ng isang monograp atmaraming artikulo tungkol sa rekonstruksyon ngilang ponema at salita sa Proto-Austronesian natinawag niyang Malayo-Polinesian.
  • 147. - Isa sa kanyang mga artikulo ay tinalakay nya ang kanyang teorya na ang D ng Proto- Austronesian ay naging d sa Tagalog sa mga pusisyong inisyal at kapag pinangungunahan ng katinig, at hindi nagiging l na tulad ng sabi ni Dempwolff.
  • 148. • Fr. Llamzon (1966)- sumulat ng isang artikulo natumatalakay sa kanyang isinagawang mulingpagsusuri sa ə ng Proto-Austronesian (PA).- Nagbigay sya ng konklusyon na ang ə ng PA ay regular na nagiging i at di-regular na nagiging a o kaya‘y u sa Tagalog.- Mapapansing gayon din ang konklusyon ni Costenoble noong 1940.
  • 149. • Masasabing higit na napakiling ang mga linggwista sapagsusuring palarawan pagkaraan ng IkalawangDigmaang Pandaigdig.• Masasabi ring karamihan sa mga pag-aaral naisinagawa noon ay nakalundo sa ponolohiya ng isang wika.• Ngunit nang mga dakong 1960 ay dumami na nangdumami ang mga pagsusuring tumutugon sa gramatika osintaksis ng isang wika.
  • 150. • Mga Modelo sa Paglalarawang-Wika Tatlong modelo ang nangibabaw sa paglalarawan ng mgawika sa Pilipinas pagkatapos ng digmaan.(1) Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan sa Tagalog at Ilocano.(2) Tagmemic Model na nilinang ni Kenneth L. Pike na syang karaniwang ginagamit ng mga linggwista ng SIL(3) Transformational-Generative Model ni Chomsky na syang higit na pinaniniwalaan ng mga linggwista ng UCLA at sa UP (cf. Constantino 1972).
  • 151. Ano ang pagkakaiba-iba ng tatlong modelosa isa‘t-isa?
  • 152. • Masasabing hindi gaanong nagkakaiba-iba angtatlong modelong nabanggit, lalo na ang dalawanguna,tungkol sa kung papaano sinusuri ang mgadatos.• Nagkakaiba-iba lamang sila sa paraan ng pag-aayos o paglalahad at sa pagbibigay-ngalan saresulta ng pagsusuri.
  • 153. • Tagalog -masasabing higit na napagtutuunan ng mga linggwista, gaya rin ng nangyari noong panahon ng Kastila.• Kaunti lamang kung mayroon mang mahahalagang naisasagawang pag-aaral sa ibang pangunahing wika.• Marahil dahil Tagalog ang batayan ng wikang pambansa.
  • 154. • Si Constantino ay may sinulat noong 1965tungkol sa mga padron ng pangungusap sa 26 nawika sa Pilipinas, kasama na ang walong pangunahin.• Inilahad sa nasabing artikulo ang ‗immediateconstituent (IC) analysis‘ na sinundan ng‗transformational-generative analysis‘ ng mgapangungusap sa wika.
  • 155. • Pinangkat ni Constantino ang mga pangungusapna predikatibo (predicative sentences) ayon samga balangkas ng kanilang mga IC sa tatlong uri:1. Definite2. Indefinite3. Situational• Bawat isa sa mga IC ng pangungusap na tiyak ay pinangungunahan ng ‗particle‘ o ‗marker‘.
  • 156. • Kinilala ni Constantino ang mga unang IC ng mgapangungusap na tiyak at di-tiyak at ang pangalawangIC ng mga pangungusap na sitwasyonal bilang simunong mga pangungusap, at ang pangalawang mga IC ngmga tiyak at di-tiyak na mga pangungusap at angunang IC ng pangungusap na sitwasyonal bilang mgapanaguri.
  • 157. Simuno IC1 IC2<tiyak at di-tiyak <pangungusap napangungusap> na sitwasyonal>
  • 158. Panaguri IC2 IC1{Tiyak at di-tiyak na pp.} {pangungusap na sitwasyonal}
  • 159. • Masasabing ang pagsusuri ni Constantino sa mgasimuno at panaguri ng mga wika sa Pilipinas ay maymalaking pagkakaiba sa tradisyunal na pagsusuringsinunod nina Blake, Bloomfield, Lopez at iba panglinggwista.• Sa Tradisyunal na pagsusuri, ang unang IC ngalinmang pangungusap na ‗predicative‘ sa normal naayos ang syang panaguri at ang pangalawang IC angsimuno maging anuman ang uri ng pangungusap.
  • 160. • Hindi kukulangin sa tatlo ang naisagawa nangpagsusuri sa ponolohiya ng Tagalog simula nang mataposang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.(1) Ang sinulat ni Remedios Cayari noong 1596. Hindi kinilala ni Cayari na magkaibang ponema ang /e/ at /i/, gayundin ang /o/ at /u/ sa Tagalog kahit na may mga salitang hiram o katutubo sa Tagalog na magagamit upang ikontrast ang mga ito. Ang Matandang Tagalog ay walang mga tunog na /e/at /o/. Ang mga ito‘y hiram lang natin sa Kastila.
  • 161. (2) at (3). Ang dalawa pang pag-aaral saponolohiya ay ang kina Robert Stockwell (1957)at Teodoro Liam-zon (1966).• Sa dalawang pag-aaral nito ay kinilala ng mga awtor ang pagkakaiba ng mga ponemang /e/ at /i/, gayundin ng /o/ at /u/ sa Tagalog, gayundin ang mga klaster at mga padron ng intonasyon ng Tagalog.
  • 162. (4). Ang pinakahuling pagsusuring isinagawa tungkol sapalatunugan ng Pilipino ay ang kay Andrew Gonzalez(Acoustic Correlates of Accent, Rhythm and Intonationin Tagalog) na nalathala sa PHONETICA. Sinuri ni Gonzales ang diin, ritmo, at intonasyon ng Tagalog sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong instrumentong pangwika sa Unibersidad ng California, Berkeley, California, tulad ng ‗Linc-8 Computer, Trans-Pitchmeter, Kay Sanograph, at Pitch Extractor.‘
  • 163. • Lumitaw sa pag-aaral ni Gonzales na angtono, lakas, at haba ay hindi nagiging resultalamang ng diin o ‗stress‘ at hindi ng haba o‗length‘ na tulad ng lumabas sa pagsusuri ninaSchachter at Otanes (cf. ‗Tagalog ReferenceGrammar‘ 1973).
  • 164. • ‗Restatement of Tagalog Grammar‘ niElmer Wolfenden ng SIL (1961) Isa sa mga isinagawang pag-aaral sa gramatika. Ayon kay Wolfenden, dalawa ang kanyang layunin sa pagsasagawa ng nasabing pag-aaral: (1) ‗To realign Bloomfield‘s gramatical categories, esp. the verbal ones; and (2) To modify Bloomfield‘s nomenclature.‘
  • 165. • Sina Paul Schachter at Fe Otanes, sa ilalim ngpangangasiwa ng ‗Philippine Center for LanguageStudy‘ ay may sinulat na Tagalog ReferenceGrammar. Ang nasabing aklat, sa kasalukuyan, aykabana-kabanatang isinasalin sa Tagalog ng mganagsisisulat ng tesis sa Pilipino sa PNC.
  • 166. • Sa UP ay mababanggit ang apat na tesis na tumatalakay saiba‘t-ibang aspeto ng gramatika ng Tagalog.(1) Kay Silverio ( 1962) na sumusuri sa mga pandiwa at pangungusap na ‗passive‘ sa Tagalog;(2) Kay Gonzales (9162) na tumatalakay sa mga pandiwa at pangungusap na ‗active‘;(3) Kay Cayari (1963) na nagkaklasipika ng mga pandiwang pamanahon (time adverbs) ng Tagalog ayon sa distribusyon;(4) Kay Paz (1967) na nagsusuri sa morpolohiya at sintaksis ng mga pangalan at pang-uri sa Tagalog.
  • 167. • Pineda – Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa ( cf. Pineda 1972), - Sumulat ng ―An Introduction to Tagalog Transformational Syntax‖. - Ginamit nya sa sintaksis ng Tagalog ang modelong 1957 ni Chomsky. -
  • 168. • Sa unang bahagi ng kanyang aklat ay nagbigaysya ng mga tuntunin sa pagbubuo ng mgapangungusap sa Tagalog.• Sa ikalawang bahagi naman, naglahad sya ngmga transportasyon at nagbigay sya ng mgahalimbawa kung papaanong magagamit ang mga itosa pngungusap sa Tagalog.
  • 169. • Hindi kukulangin sa lima ang naisagawa nangpahambing na pagsusuri sa Tagalog at Ingles.• Ang dalawa rito (cf. Stockwell 1957; Castelo 1964) ay naglalahadng isang pagsusuri sa Tagalog na masasabing kahawig dinng kay Bloomfield.• Ang ikatlo ay isang disertasyong nagsusuri sabalangkas ng Tagalog na ginamitan ng Tagmemic Model.(Guanco 1963)• Ang huling dalawa ay ang disertasyon nina EmyPascasio (1960) at Fe Otanes (1966).
  • 170. • Cebuano. Si Anderson, sa kanyang disertasyon sa pagdodoktorado noong 1965, ay nagsagawa rin ng paghahambing sa pagsusuri sa Cebuano at Ingles na ginamitan naman ng ‗transformational model‘ ni Chomsky. Si John Wolff, (1966 at 1967), ay magkasunod na nagpalathala ng dalawang bolyum ng mga aralin sa Cebuano. Ang gramatika ng Cebuano ay inilarawan nya ayon sa modelo ni Bloomfield.
  • 171. • Ilocano. Ang unang deskripsyong isinagawa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandagdig sa mga gramatika ng Ilocano ay inilahad sa ‗Intensive Course‘ nina H. McKaughan at J. Forster (1952). Ang nasabing gramatika ay inihanda upang magsilbing patnubay o modelo sa paghahanda ng katulad na mga gramatika sa ibang wika sa Pilipinas sa darating na mga taon. Ibinatay ito sa ‗Outline of Ilocano Syntax‘ ni Bloomfield.
  • 172. Isa namang ‗transformational-generative grammar‘ ng Ilocano ang sinulat ni Constantino (1959) para sa kanyang disertasyon sa Ph. D.Ang modelong ginamit dito ay ang gramatikang inilahad ni Chomsky sa kanyang ‗Syntactic Structures‘.B. Sibayan- nagsagawa ng isang pahambing na pagsusuri sa mga ponemang segmental ng Ilocano at ng Ingles noong 1961 sa kanyang disertasyon sa Ph. D.,
  • 173. • Kapampangan.  Isang tesis sa M. A. ni Castrillo noong 1955 ang nasulat sa UP na tumalakay sa balangkas ng mga pangungusap sa Kapampangan na ginamit ang modelo ni Bloomfield;  isang disertasyon sa Ph. D. ni Clardy noong 1958 na sumusuri sa mga ponema ng Kapampangan, ang kanilang mga alopono at distribusyon;  isang artikulo ni Tabasondra noong 1962 na sumusuri sa mga ponema ng Kapampangan at pagkatapos ay inihambing sa mga ponema ng Ingles.  Si Perez ng PNC ay sumulat ng tesis sa M.A. na may pamagat na ‗Pampango ang Pilipino Cognates:Sound and Spelling Relationship‘ (1964).
  • 174. • Hiligaynon. Ang balangkas ng Hiligaynon ay sinuri at inihambing sa balangkas ng Ingles nina Juntado (1961) at Ruiz (1963) sa kani-kanilang disertasyon sa Ph. D.
  • 175. • Pangasinan.  Ang Pangasinan ay sinuri ni Schachter noong 1959 sa kanyang disertasyon sa Ph. D. at pagkatapos ay inihambing niya sa Ingles.  Ang paglalahad sa disertasyong ito ay batay sa modelong transpormasyonal ni Chomsky sa kanyang ‗Static Structures‘ .  Hinati ni Schachter ang kanyang pag-aaral sa dalawang antas: (1) Ponolohiya (2) Gramatika  Binansagan ni Schachter ang kanyang gawa ng ―From Pangasinan to English‖ sapagkat nilalayon ng pag- aaral na matulungan ang mga mag-aaral na Pangasinan sa pag-aaral ng Ingles.
  • 176. • Waray. Sina J. at I. Wolff noong 1967 ay sumulat ng isang aklat, ―Beginning Waray-waray‖. Batay din sa modelo ni Bloomfield ang kanilang pagkakasuri sa nasabing wika.
  • 177. • At nitong mga huling araw, gaya na ng nasabi saumpisa, ay masasabing may kasiglahan ang kilusan salinggwistika sa Pilipinas.• Tatlong pambansang samahang pangwika angnakatutulong nang malaki sa pagpapaunlad ngdisiplinang ito – Linguistic Society of the Philippines Pambansang Samahan sa Linggwistikang Pilipino  Philippine Association for Language Teaching
  • 178. • Ang tatlong samahang ito‘y patuloy sa pagdaraos ng mga seminar pangwika at pagpapalathala ng kani- kanilang journal na nagiging daluyan ng mga pag- aaral at pananaliksik na isinasagawa sa larangan ng wika.• Ang pagkakaroon ng Consortium for a Ph. D. in Linguistics ng Ateneo de Manila at Philippine Normal College ay isa pa rin sa mga salik na nakapagpapasigla sa kilusang panglinggwistika.
  • 179. • Mga Nakapagtapos sa Consortium for a Ph. D. inLinggwistika at ang kanilang mga paksa: Bautista, Ma. Lourdes S. ―The Filipino Bilingual‘sCompetence: A Model Based on an Analysis of Tagalog-English Code Switching.‖  Inilarawan ni Bautista ang paglilipat-lipat ng mga nagsasalita sa Ingles at Tagalog. Nagbigay sya ng mga tuntuning tinatawag na ―phrase structure and transformational rules‖ batay sa modelong 1965 ni Chomsky. Lumabas sa kanyang pag-aaral na ang ―Code- Switching‖ ay nagaganap sa iba‘t ibang antas ng wika- salita, parirala, sugnay at pangungusap.
  • 180. Chan-Yap, Gloria. ―Hokien Chinese Loanwords in Tagalog.‖ 1975. Sinuri nya ang mga salita saTagalog at inalam nya ang mga salitang mula sa Hokkien Chinese. Inilarawan nya ang naganap na pagbabago sa tunog at sa kahulugan ng mga salita sa Tagalog na hiram sa Hokkien Chinese.Soberano, Rosa P. ―The Dialect of Marinduque Tagalog.‖ 1976. Isa sa kanyang mga layunin ay upang alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Tagalog-Marinduque sa Tagalog-Maynila.
  • 181.  Vergara, Elvira C. ―Subcategorization and Selectional Restrictions of English Words‖. 1975. Sinuri ni Vergara ang mga pandiwang iisahing salita na nakasama sa General Service List ni West (1965). Ginamit nya ang Case Grammar Matrix ni Cook sa subkategorisasyon ng mga pandiwa. Lumabas sa pagsusuri na ang mga pandiwang iisahang salita ay mapapangkat ayon sa basic, experimental, benefactive, at locative; at mapapangkat pa sa 16 na uri ng subkategorisasyon ayon sa kaligiran ng kaukulan o ‗case‘.
  • 182.  Luzares, Casilda. ―The Morphology of SelectedCebuano Verbs: A Case Analysis .‖ 1975 . Ginamit ni Luzares ang modelong 1968 at 1970 ni Fillmore ngunit pinasukan nya ng pagbabago ang mga ito. Lumabas sa pag-aaral nya na ang morpolohiya hindi hiwalay sa sintaksis at semantika.
  • 183.  Rafael, Teresita C. ―Negativization in theBisayan Languages: A Case Study of theEvolution of a Subsystem‖. 1976.  Pinagtuunan nya ng interes ang 6 na uri ng pananggi na tinawag nyang NEG [Event]s‘, NEG [State]s‘, NEG NEG [Know]s‘,NEG [Desiderative]s‘, NEG [Exixtantial], at prohibitives.
  • 184.  Castillo, Emma S. ―A Test of CommunicationCompetence in Pilipino for Prospective Elementary SchoolTeachers‖. 1978.  Naghanda ng isang instrumento si Castillo na susubok sa kakayahan ng pakikipagtalastasan sa Pilipino ng isang magiging guro sa elementarya, batay sa hinuha na ang isang mahusay sa wika ay may kakayahang magsabi ng at umunawa sa mga pananalitang angkop sa kontekstong sosyokultural. Riego de Dios, Ma. Isabelita. ―Chavacano Dictionary.‖1977. (Wala pa sa aklatan ang kanyang tesis)
  • 185. ArigatouGozaimasu!!! 

×