More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
Mga Teorya ni
1. TEORYANG PINAMULAN NG MUNDO
Teoryang Nebular
- Si Emmanuel Kant, isang pilosoper na Aleman ang nagpanukala noong hinggil sa
pinagmulan ng daigdig. Ayon kay Kant, ang daigdig, pati na ang ibang nebula, ay
nagtataglay ng gas. Sa simula, ito ay malamig, ngunit sa katagalan, ang mga partikulo sa
loob ng nebula ay nag-uumpugan dahil sa puwersa ng grabidad na siya naming nagtulak
sa mga ito upang umikot. Habang umiigting ang masa, ito’y uminit ng uminit, hanggang
sa ito’y naging bolang araw na naghahasik ng mga bolang gas na natanggal, dahil sa
lakas ng “centrifugal” hanggang ang mga ito ay lumamig at naging planeta. Ito ay
tinawag na “Nebular Hypothesis”.
- Ang teorya ni Kant ay sinang-ayunan ni Pierre Simon Marquis de Laplace, isang
sayantist na Pranses noong 1796.
Teoryang Planetisimal
- Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at
Forest Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay
mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang
isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay
naging pamilya ng planeta ang bawat isa.
Teoryang Big Bang
- Ang pinaka popular na teorya ngayon ay ang Teoryang Big Bang. Ayon sa teoryang ito,
ang sandaigdigan ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog (kaya ito ay tinawag na
Big Bang). Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyong taon na ang
nakalilipas at lumikha ng malaking bola ng apoy. Nang magtagal, ang higanteng bola ng
apoy na ito ay nagkadurug-durog, naging mga bituin, planeta, araw, buwan, at iba pa.
- May dalawang aspekto ang Teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula ng maganap ang
malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isa’t isa
kaya’t patuloy ring lumalawak ang nasasakupang espasyo ng sandaigdigan. Ayon naman
sa ikalawa, ang patuloy na paggalaw ng mga bituin, gas, at iba pang sangkap ng
sandaigdigan ay maaaring tumigil sa paglayo sa isa’t isa at sa halip ay puwedeng
bumalik, magsalubong, at magbanggaan. Kapag nangyari ito, anila, ang simula at wakas
ng sandaigdigan ay parehong magsisimula sa isang malakas na pagsabog.
Teoryang Kondensasyon
- Ang Teoryang Kondensasyon ni Robert Jostrow, ang isang araw o bituin ay nagsimula
sa pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na
tumatanda, sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga
bagong namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit-
ulit at walang katapusan.
Teoryang Dynamic Encounter
- Si George Buffon ay isang naturalista na nagsasabing ang daigdig ay nagsimula sa mga
natunaw na sangkap na lumayo sa araw, pagkatapos ng pakikipagsagupaan sa isang
Kometa. At ito’y kanyang tinawag na “Dynamic Encounter”.