2. ANG KONSEPTO NG PAGKONSUMO
Ang Pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit at
pakinabang ng mamimili sa mga produkto at
serbisyo.
Ang Satisfaction ay ang kapakinabangan ng
Mamimili mula sa isang Produkto ay tinatawag
na kasiyahan
3. Direct consumption - Ang pagkonsumo ng
mamimili na direkta o tahasang pagkonsumo.
Ito ay dahil ang mamimili ay agarang
nakakukuha ng kasiyahan sa paggamit at
pakinabang sa isang produkti at serbisyo.
Consumption Goods- mga produkto na
kinokonsumo ng mamimili.
4. Indirect consumption – hindi direkta o hindi
tahasang pagkonsumo. Ang nakokonsumong
produktio ng bahay-kalakal ay hindi tahasang
nakapagdudulot ng kasiyahan sa mamimili.
Intermediate Goods – produktong kinokonsumo
ng bahay-kalakal.
5. Kahandaan ng Mamimili
Tumutukoy ang salitang Kahandaan sa mga
produkto iniisip ng mamimili na
pangangailangan o kagustuhan niyang bilhin.
Preference
ang tawag sa naturang kombinasyon ng mga
produkto.
6. Total utility – kabuuang kasiyahan na
nakukuha ng tao sa pagkonsumo ng
produkto at serbisyo.
Marginal utility- ang Karagdagang
kasiyahan na natatamo sa bawat pagtaas
ng paggamit ng produkto.
Satiated- tawag sa mamimiling natamo
ang lubos o pinakamataas na kasiyahan.
7. Ayon sa Law of Diminishing Marginal
Utility, habang Dumarami ang
produktong nakokonsumo, ang
karagdagang kasiyahan na nakukuha
sa patuloy na pagkonsumo ng
produkto at serbisyo ay bumababa.
8. 2 Puntong naitaguyod ng Law of
Diminishing Marginal Utility:
Mahalagang Maitakda ng Mamimili ang
dami ng bibilhing Produkto.
Mataas ang pagpapahalaga n naibibigay
ng mamimili sa pagkonsumong ng
kakaunting produkto.
9. Buyer’s Price o Consumer Price
-ang Presyo na Naguugnay sa
demand ay ang halaga ng produkto
na katanggap-tanggap sa mamimili.
10. 2 bagay na kinakatawan ng Buyer’s Price:
Halaga ito ng kasiyahang matatamo sng
mamimili sa nasabing antas ng pagkonsumo.
Ipinakikita rin nito ang kakayahan ng
mamimiling bilhin ang produkto sa takdang
halaga.
11. Pamimili (Choice-Making)- Proseso ng
masusing Pagsusuri.
Mga Hakbangin ng Pamimili :
1. Pagtakda ng Layunin ng pagkonsumo;
2. Pagtukoy sa ib’t-ibang pamamaraan ng
pagkamit ng layunin ng pagkonsumo;
12. 3. Paghambing at pagtangi sa mga natukoy
na pamamaraan.
4. Pagtaya sa halaga ng mga naitanging
pamamaraan; at
5. Pagpili sa pinakamahusay na
pamamaraan.
13. PAMANTAYAN SA PAMIMILI :
• isaayos at itala ang Bibilhin ayon sa Priority.
•Suriin ang kondisyon ng gamit bago bilhin.
•Huwag bumili ng gamit na hindi kailangan at
binili lang dahil mayron ang kapitbahay.
•Iwasan ang pagbili ng Second Hand.
14. •Lagyan ng hangganan amg pamimili sa
presyong nais bilhin sa produkto ogamit.
•Magtanong-tanong ng halaga sa iba’t-ibang
tindahan bago bilhin ang isang produkto.
•Isipin ang kapakinabangan ng isang bagay o
gamit.
•Piliin ang wastong panahon ng pagbili.
•Piliin kung saaan mahusay Mamili.
15. Pagaanunsyo at Epekto nito sa pagkonsumo :
Asosasyon – Paggamit ng mga sikat o
kaayaayang personalidad sa pag-aanunsiyo
upang mahawa ng kasikatan ang isang
produkto.
Bandwagon Effect- Makiisa o
sumangayon ang isang mamimili s desisyon
ng pangkat ng mamimili.
16. Demonstration Effect- paglalahad ng
paraan ng paggamit at pakinabang sa
produkto.
Mga pagpapatotoo- karniwang laman ng
ilang pagaanunsiyo ng mga bahay kalakal
ang mga pagpapatotoo.
17. Paguulit-ulit – sa mga pangalan at
katangian ng isang produkto ay tumatatak sa
isip ng mamimili.
Pressure- pag-aanunsiyo na layuning
madaliin ang pagpapasya ng mamimili.
Pag-apela sa Emosyon- gumagamit na awa,
kasiyahan at paghanga sa paghihikayat.
18. Islogan- Maikling pahayag na hamon o
tema ng isang produkto.
Snob Effect- maging kakaiba o hindi
kabilang sa mga pangkat ng mga tao.
19. Karapatan ng mga Mamimili ayon sa
Consumer ACT (R.A 7394)
Karapatan sa mga pangunahing
pangangailangan.
Karapatan sa kaligtasan
Karapatan sa impormasyon
Karapatang makapamili
21. Tungkulin ng Mamimili :
1. Tungkulin ng mamimili ang pagiging
responsable sa kanyang pamimili at
pagdedesisyon.
2. Tungkuling ng mamimili na suriin at siyasatin
ang bibilhing mga produkto.
22. 3. Tungkulin ng mamimili na makilahok sa
konstruktibong pagpuna sa kalidad ng mga
produkto at magpalawak ng kaalaman sa
kanilang karapatan bilang mamimili.
4. Tungkulin ng mamimili na maipagtanggol
ang sarili kung may idinudulog na hinaing.
5. Tungkulin ng mamimili na isulong ang
interes ng bansa sa pagkonsumo ng
produkto.
23. Illiquid- kapag ang ari-arian at puhunan,
maaring ipagpaliban ng mamimili ang
kanyang pagkonsumo kapag nagkulang ang
kanyang panggastos.
Liquid- kapag ang ari-arian at puhunan ay
madaling makalikom ng pera o salapi.
24. Kita- Pera o salapi na nalikom ng mamimili.
Microfinance- tawag sa programa ng
pagbibigay ng serbisyong pananalapi tulad
ng pagpapautang sa maliit at mahihirap na
sektor ng lipunan.
Purchasing Power- kakayahan ng salapi o
per na makabili ng produkto at serbisyo.
25. Timothy Guinnane
-isang Economic historian mula sa Yale.
- Ayon sa kanya ang maliliit na pagpapautang sa
mahihirap ay nakatutulong upang magbigay-daan
sa pagsisimula ng negosyo, pagpapalaki ng
negosyo at pagbibigay ng trabaho sa kapitbahay .