Aralin 3 mga sinaunang kabihasnan

195,174 views

Published on

Kabihasnang Mesopotamia, Ehipto, Mesoamerica, Indus, Tsino, Olmec

Published in: Education
50 Comments
165 Likes
Statistics
Notes
  • Thank you po
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • SIR, nakagawa ka po ang PPT. para sa ikatlong markahan?
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • you know your website must delete because its very wrong you know that all of you are shit shit shit fuck
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • its not pretty much i need my teacher shock about my answer cause its very wrong you know that are you all of you are crazy fuck
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • sir, salamat ng marami. galing mo! super.
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
No Downloads
Views
Total views
195,174
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1,372
Actions
Shares
0
Downloads
7,494
Comments
50
Likes
165
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Aralin 3 mga sinaunang kabihasnan

  1. 1. MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG Aralin 3
  2. 2. ALAMIN
  3. 3. GAWAIN 1. PICTURE FRAME
  4. 4. GAWAIN 1: PICTURE FRAME Masdan ang tatlong picture frame at pansining walang laman ang bawat isa. Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na guguhit ng mga salitang ipapaloob sa bawat frame. Isulat sa papel ang natatanging salitang inilalarawan ng mga guhit.
  5. 5. PAMPROSESONG TANONG
  6. 6. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?
  7. 7. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame? 2. Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong frame, ano ang iyong pagkakaunawa sa salitang “kabihasnan”?
  8. 8. GAWAIN 2. WQF DIAGRAM
  9. 9. GAWAIN 2: WQF DIAGRAM Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na gagawan ng WQF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito: 1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang maiuugnay sa paksa. 2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot tungkol sa paksa. 3. Ipagpaliban ang pagsagot sa Bilog “F” (facts). Pabalikan ito pagkatapos ng Pagnilayan/ Unawain.
  10. 10. PAUNLARIN
  11. 11. PAKSA: Kabihasnan – Katuturan at mga Batayan
  12. 12. PAKSA: KABIHASNAN – KATUTURAN AT MGA BATAYAN a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral.
  13. 13. PAKSA: KABIHASNAN – KATUTURAN AT MGA BATAYAN a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral. b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may kaugnayan sa kabihasnan.
  14. 14. PAKSA: KABIHASNAN – KATUTURAN AT MGA BATAYAN a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral. b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may kaugnayan sa kabihasnan. c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling pagpapakahulugan ng salitang kabihasnan?
  15. 15. PAKSA: KABIHASNAN – KATUTURAN AT MGA BATAYAN a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral. b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may kaugnayan sa kabihasnan. c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling pagpapakahulugan ng salitang kabihasnan? d. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga pampropsesong tanong.
  16. 16. PAMPROSESONG TANONG
  17. 17. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
  18. 18. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan? 2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
  19. 19. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan? 2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan? 3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
  20. 20. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan? 2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan? 3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao? 4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
  21. 21. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan? 2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan? 3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao? 4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan? 5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng mataas na antas ng agham at teknolohiya?
  22. 22. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan? 2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan? 3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao? 4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan? 5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng mataas na antas ng agham at teknolohiya? 6. Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America?
  23. 23. PAKSA: Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan
  24. 24. IMPLUWENSIYA NG HEOGRAPIYA SA PAG-UNLAD NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan ang mapa ng bituin ( ) na umakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
  25. 25. Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
  26. 26. ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA SA KANLURANG ASYA • Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o“pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”. • Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. • Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. • Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.
  27. 27. HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA • Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia, ang lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito.
  28. 28. HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA • Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia, ang lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. • Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
  29. 29. HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA • Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia, ang lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. • Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey. • Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea.
  30. 30. HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA • Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim
  31. 31. HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA • Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim • Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar.
  32. 32. HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA • Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim • Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar.
  33. 33. HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA • Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag- ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan.
  34. 34. HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA • Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.
  35. 35. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
  36. 36. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.
  37. 37. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. • HEOGRAPIKAL: Madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. • KULTURAL: Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito.
  38. 38. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. • HEOGRAPIKAL: Madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. • KULTURAL: Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito.
  39. 39. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga, nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang- kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.
  40. 40. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India.
  41. 41. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 B.C.E.
  42. 42. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang- kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. • Ang mga lungsod na itio ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 1,000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
  43. 43. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2,900 km.(1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
  44. 44. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
  45. 45. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang- irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
  46. 46. HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS • Sa kasalukuyan,isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba
  47. 47. Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
  48. 48. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA • Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas.
  49. 49. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA • Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino
  50. 50. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA • Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.
  51. 51. HEOGRAPIYA NG HUANG HO • ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain.
  52. 52. HEOGRAPIYA NG HUANG HO • Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito.
  53. 53. HEOGRAPIYA NG HUANG HO • Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
  54. 54. HEOGRAPIYA NG HUANG HO • Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
  55. 55. Ang Sinaunang Kabihasnang sa Africa
  56. 56. ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA AFRICA • Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang- silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.
  57. 57. ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA AFRICA • Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.
  58. 58. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
  59. 59. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa.
  60. 60. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag- apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.
  61. 61. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag- iiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim.
  62. 62. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.
  63. 63. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.
  64. 64. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.
  65. 65. Ang Kabihasnang sa Mesoamerica
  66. 66. ANG KABIHASNAN SA MESOAMERICA • Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. • Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.
  67. 67. HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.
  68. 68. HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
  69. 69. HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito. Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.
  70. 70. GAWAIN 3. TRIPLE MATCHING TYPE
  71. 71. GAWAIN 3: TRIPLE MATCHING TYPE Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan. A B C • Egypt • Tsino • Indus • Mesoamerica • Mesopotamia • Sa pagitan ng mga ilog • Nasa gitna ng kontinente • Biyaya ng Nile • Nasa tangway ng Timog Asya • May matabang lupain sa Huang Ho • Lupain ng Yucatan Peninsula • Timog ng Mediterranean • Nasa kanluran ng Yellow Sea • Dumadaloy ang Indus River • Nasa Kanlurang Asya
  72. 72. PAMPROSESONG TANONG
  73. 73. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa?
  74. 74. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa? 2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan?
  75. 75. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa? 2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan? 3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipaliwanag ang sagot.
  76. 76. GAWAIN 4. GEOGRAPHY CHECKLIST
  77. 77. GAWAIN 4: GEOGRAPHY CHECKLIST Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklist sa ibaba. 1. Makilahok sa iyong pangkat. 2. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin: (1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang Egyptian, (3) Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5) Kabihasnang Mesoamerica. 3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong pangkat. Pagkatapos ay gumawa ng checklist (magagawa sa Manila paper) sa tulong ng sumusunod na panuto:
  78. 78. GAWAIN 4: GEOGRAPHY CHECKLIST
  79. 79. GAWAIN 4: GEOGRAPHY CHECKLIST 4. Kapag kumpleto na ang checklist ng iyong pangkat, makipag - usap sa ibang pangkat. 5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibangpangkat. 6. Muling gamitin ang checklist at sundin ang sumusunod na panuto: 7. Ipaskil ang ginawang checklist. Iulat sa klase ang output ng paghahambing ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal. Suriin ang nabuong checklist ng lahat ng pangkat.
  80. 80. PAMPROSESONG TANONG
  81. 81. PAMPROSESONG TANONG 1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
  82. 82. PAMPROSESONG TANONG 1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa? 2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang kabihasnan?
  83. 83. PAMPROSESONG TANONG 1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa? 2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang kabihasnan? 3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao?
  84. 84. PAMPROSESONG TANONG 1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa? 2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang kabihasnan? 3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao? 4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot.
  85. 85. PAKSA: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
  86. 86. Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang Mesopotamia ng mga lungsod - estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.
  87. 87. Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
  88. 88. SUMER (3500-2340 B.C.E.)
  89. 89. SUMER (3500-2340 B.C.E.) • Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak - ilog.
  90. 90. SUMER (3500-2340 B.C.E.) • Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang hari.
  91. 91. SUMER (3500-2340 B.C.E.) • Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod.
  92. 92. SUMER (3500-2340 B.C.E.) • Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag- uugaling tao.
  93. 93. SUMER (3500-2340 B.C.E.) • Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.
  94. 94. SUMER (3500-2340 B.C.E.) • Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
  95. 95. SUMER (3500-2340 B.C.E.) • Madalas ang tunggalian ng mga lungsod- estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.
  96. 96. AKKAD (2340-2100 B.C.E.)
  97. 97. AKKAD (2340-2100 B.C.E.) • Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod - estado at itinatag ang kauna -unahang imperyo sa daigdig. • Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod - estado ng Akkad o Agade.
  98. 98. AKKAD (2340-2100 B.C.E.) • Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram - Sin (2254-2218 B.C.E). • Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad. • Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.
  99. 99. AKKAD (2340-2100 B.C.E.) • Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad. • Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.
  100. 100. BABYLONIAN (1792-1595 B.C.E.)
  101. 101. BABYLONIAN (1792-1595 B.C.E.) • Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon, ang Mesopotamia. • Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyong Babylonia. • Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur. • Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak- watak ang kaharian ng Babylon.
  102. 102. BABYLONIAN (1792-1595 B.C.E.) • Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang pinuno. • Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey).
  103. 103. ASSYRIAN (1813-605 B.C.E.)
  104. 104. ASSYRIAN (1813-605 B.C.E.) • Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian. • Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo.
  105. 105. ASSYRIAN (1813-605 B.C.E.) • Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon.
  106. 106. ASSYRIAN (1813-605 B.C.E.) • Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
  107. 107. CHALDEAN (612-539 B.C.E.)
  108. 108. CHALDEAN (612-539 B.C.E.) • Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) – ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
  109. 109. CHALDEAN (612-539 B.C.E.) • Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E. • Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
  110. 110. CHALDEAN (612-539 B.C.E.) • Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia.
  111. 111. Sa silangan ng Mesopotamia, partikular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo.
  112. 112. PERSIAN (539-330 B.C.E.)
  113. 113. PERSIAN (539-330 B.C.E.) • Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa Persia (kasalukuyang Iran) ang sentro ng imperyong ito.
  114. 114. PERSIAN (539-330 B.C.E.) • Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) – nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor (kasalukuyang Turkey).
  115. 115. PERSIAN (539-330 B.C.E.) • Darius The Great (521-486 B.C.E.) – Umabot ang sakop hanggang India.
  116. 116. PERSIAN (539-330 B.C.E.) • Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
  117. 117. PERSIAN (539-330 B.C.E.) • Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa.
  118. 118. PERSIAN (539-330 B.C.E.) • Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.
  119. 119. GAWAIN 5. COMPLETE IT!
  120. 120. GAWAIN 5: COMPLETE IT! A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang letra sa patlang. 1. ___ ___ M ___ ___ - Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia 2. ___ K ___ ___ ___ - Unang imperyong itinatag sa daigdig 3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ - Kabisera ng Imperyong Babylonia 4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ - Imperyong itinatag ni Nabopolassar 5. ___ ___ T ___ ___ ___ - Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia 6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ - Imperyong itinatag pagkatapos ng Babylonia
  121. 121. GAWAIN 5: COMPLETE IT! B. Isulat ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang makumpleto ang pangungusap. 1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil __________________________________________________________. 2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I sa kasaysayan nang __________________________________________________________. 3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang _________________________ __________________________________________________________. 4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang __________________________________________________________. 5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa Imperyong Persian ang _________________________________________________________.
  122. 122. PAMPROSESONG TANONG
  123. 123. PAMPROSESONG TANONG 1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?
  124. 124. PAMPROSESONG TANONG 1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia? 2. Sino-sino ang mga pinunong namahala sa imperyo? 3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?
  125. 125. PAMPROSESONG TANONG 1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia? 2. Sino-sino ang mga pinunong namahala sa imperyo? 3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala? 4. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong at pagbagsak ng mga kabihasnan”
  126. 126. PAMPROSESONG TANONG 1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia? 2. Sino-sino ang mga pinunong namahala sa imperyo? 3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala? 4. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong at pagbagsak ng mga kabihasnan”
  127. 127. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
  128. 128. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo- Daro na ipinakikita sa kasunod na diyagram.
  129. 129. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. • Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan. • Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha sila ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto, tulad ng bulak, mga butil, at tela.
  130. 130. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. • Nag - aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. • Maaaring sila rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula rito. • Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat ng butil at ginto. • Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang mga gawain.
  131. 131. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng mga tao. • Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing - uri tulad ng mga mangangalakal. • May mga bahay ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan ito ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao.
  132. 132. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak, mga butil, turquoise, at ivory. • Natagpuan din sa Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na representasyon ng isang bagay sa anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang kilalanin ang mga paninda. Patunay lamang ang kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnannoon pa mang 2300 B.C.E. • Kapuna – punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.
  133. 133. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 B.C.E. subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak. • May iba’t ibang paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan.
  134. 134. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 B.C.E. • Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wasak sa kabihasnang Indus.
  135. 135. ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA • Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass. • Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang Indus.
  136. 136. ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)
  137. 137. ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.) • Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog -silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo - European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo- European.
  138. 138. ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.) • Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit. Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. • Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang - kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay. • Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic.
  139. 139. ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.) • Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. • Ngunit unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran. • Hindi na pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka. • Nakabuo rin sila ng sistema ng pagsulat. • Pagsapit ng 1100 B.C.E., tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India.
  140. 140. ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.) • Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: – maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan.
  141. 141. ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.) • Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw rin ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay. Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo ng mga pari.
  142. 142. ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.) • Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika- 16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nanganga-hulugang ”lahi” o ”angkan.
  143. 143. GAWAIN 6. TATAK – KABIHASNAN SA TIMOG ASYA
  144. 144. GAWAIN 6: TATAK – KABIHASNAN SA TIMOG ASYA A. Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawan sa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog Asya. Pagkatapos, ay isulat sa loob ng bilog ang datos at kahalagahan nito sa kanilang pamumuhay.
  145. 145. GAWAIN 6: TATAK – KABIHASNAN SA TIMOG ASYA B. Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at Panahong Vedic. Sa pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito sa kasalukuyan.
  146. 146. PAMPROSESONG TANONG
  147. 147. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan ang mga ito.
  148. 148. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan ang mga ito. 2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?
  149. 149. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan ang mga ito. 2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic? 3. Ano ang iyong opinion tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa India batay sa sistemang Caste? Ipaliwanag ang sagot.
  150. 150. PAGBUO NG MGA KAHARIAN AT IMPERYO (500 B.C.E.- 500 C.E.)
  151. 151. PAGBUO NG MGA KAHARIAN AT IMPERYO (500 B.C.E.- 500 C.E.) • Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyon ng Punjab, nagsimulang tunguhin ng mga Aryan ang bahaging pasilangan. • Mga 600 B.C.E. noon at 16 pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang India mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito ang Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara.
  152. 152. PAGBUO NG MGA KAHARIAN AT IMPERYO (500 B.C.E.- 500 C.E.) • Pagsapit ng 500 B.C.E.,ang malaking bahagi ng hilagang India ay pinanirahan at sinaka ng mga Aryan. • Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa ilalim ng monarkiyang namamana. • Ang mga umuunlad na estadong ito ay nangailangang mangolekta ng buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo, at magtayo ng mga bagong lungsod at lansangan.
  153. 153. PAGBUO NG MGA KAHARIAN AT IMPERYO (500 B.C.E.- 500 C.E.) • Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain, mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at elepante na mahalaga sa panahon ng digmaan at pagsasaka.
  154. 154. PAGBUO NG MGA KAHARIAN AT IMPERYO (500 B.C.E.- 500 C.E.) • Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha si Bimbisara (545-494 B.C.E.) Nagpagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan, at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-lugar. Lalo pang pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. • Nang lumaon, nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng Ganges at buong hilagang India hanggang Punjab. Ito ang naging pinakamalawak na kaharian sa panahong ito. Ang kabisera nito ay nasa Pataliputra na ngayon ay makabagong Patna sa Bihar.
  155. 155. PAGBUO NG MGA KAHARIAN AT IMPERYO (500 B.C.E.- 500 C.E.) • Halos kasabay ng panahong lumalakas ang Magadha, isang hukbong pinamunuan ni Cyrus the Great mula Persia ang sumalakay sa hilagang-kanlurang India. • Noong 518 B.C.E. nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang mga Lambak ng Indus at Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng Persia sa loob ng halos dalawang siglo. Ang mga lungsod ng Persia ay naging sentro ng kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa iba’t ibang kaharian ay maaaring makapag- aral.
  156. 156. PAGBUO NG MGA KAHARIAN AT IMPERYO (500 B.C.E.- 500 C.E.) • Tinapos ni Alexander The Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng Persia. Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas patungong India noong 327 B.C.E. Matapos ang madugong pakikipagtunggalian ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang puwersa ng mga Persian at Indian, nagawa rin nilang matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo ng kanilang nilakbay at labis na kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander ay nagbantang mag-alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang India. Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit o ng sakuna. Bukod dito, kulang na ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan. Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 B.C.E., ang bahagi ng hilagang-kanlurang India ay naiwang walang mahusay na pinuno. • Pagkatapos nito, iba’t ibang mga imperyo ang naitatag sa India.
  157. 157. IMPERYONG MAURYA Pagkatatag Noong 322 B.C.E., nasakop ni Chandragupta Maurya ang dating kaharian ng Magadha at tinungo ang mga naiwang lupain ni Alexander. Sakop ng imperyo ang hilagang India at bahagi ng kasalukuyang Afghanistan. Pagbagsak Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang mga estadong malayo sa kabisera. Sa pagbagsak ng Imperyong Maurya noong ikalawang siglo B.C.E. nagtagisan ng kapangyarihan ang mga stado ng India. Sa sumunod na limang siglo, ang hilaga at gitnang India ay nahati sa maliliit na kaharian at estado. Mahahalagang Pangyayari Ang kabisera ay nanatili sa Pataliputra. Tagapayo ni Chandragupta Maurya si Kautilya, ang may akda ng Arthasastra. Naglalaman ito ng mga kaisipan hinggil sa pangangasiwa at estratehiyang politikal. Ang imperyo ay pinamunuan ni Ashoka o Asoka (269-232 B.C.E.) ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig. Matapos ang kaniyang madugong pakikibaka sa mga kalinga ng Orissa noong 261 B.C.E. na tinatayang 100,000 katao ang nasawi, tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha.
  158. 158. IMPERYONG GUPTAPagkatatag Ang pangalan nito ay hango mula sa pangalan ng naunang imperyo. Itinatag ito ni Chandragupta I (circa 319-335 C.E.) Pagbagsak Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop, ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya. Mahahalagang Pangyayari Chandragupta II (Circa 376-415 C.E.).Nakontrol uli ang hilagang India.Muli, ang kabisera ng imperyo ay nasa Pataliputra. Itinuturing itong panahong klasikal ng India. Naging epektibo ang pangangasiwa samantalang ang panitikan, sining, at agham ay yumabong. Maunlad ang mga larangan ng astronomiya, matematika, at siruhiya (surgery) sa panahong ito. Si Kalidasa, ang kinikilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng India, ay nabuhay sa panahong ito bagama’t hindi alam ang eksaktong petsa. Ang dulang Sakuntala na tinatayang isinulat niya noong ikaapat o ikalimang siglo C.E. ay hango mula sa kaisipang Hindu.
  159. 159. IMPERYONG MOGULPagkatatag Itinatag ang Mogul nang masakop ni Babur ang hilagang India at Delhi noong 1526. Pagbagsak Labis na humina ang Mogul dahil na rin sa pagdating ng makapangyarihang English sa India. Mahahalagang Pangyayari Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim ni Akbar na namuno sa kabuuan ng hilagang India mula 1556 hanggang 1605. Nagpatupad siya ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa. Ilan pang magagaling na pinuno ang humalili kay Akbar tulad nina Shah Jahan na nagpatayo ng Taj Mahal at Aurangzeb nagbawal ng sugal, alak, prostitusyon,at sati (suttee) o pagsunog ng buhay sa mga biyuda.
  160. 160. GAWAIN 7. EMPIRE DIAGRAM
  161. 161. GAWAIN 7: EMPIRE DIAGRAM Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa Timog Asya. Sa mga unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Sa mga ikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawan ang bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mga itinatag na imperyo sa Timog Asya.
  162. 162. PAMPROSESONG TANONG
  163. 163. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang imperyo?
  164. 164. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang imperyo? 2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya?
  165. 165. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang imperyo? 2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya? 3. Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyangkabihasnan?
  166. 166. Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
  167. 167. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3,000 taon.
  168. 168. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAXia (? - 1570 B.C.E.) Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho. Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya.
  169. 169. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAShang (1570? B.C.E. – 1045 B.C.E.) Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito. Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone. Malimit ang isinagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na pinuno Pinatalsik ang Shang noong 1045 B.C.E.
  170. 170. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAZhou o Chou (1045 B.C.E.- 221 B.C.E.) Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” na, ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit . Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangiatan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan. Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang: Confucianism - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan. Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan. Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan.
  171. 171. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAQ’in o Ch’in (221 B.C.E. - 206 B.C.E.) Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng dinastiyang Zhou. Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba 2400 kilometro o 1500 milya. Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221- 210 B.C.E.). Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui Bang.
  172. 172. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAHan (202 B.C.E. - 220 C.E.) Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism. Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.
  173. 173. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYASui (589 C.E. – 618 C.E.) Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag- isahin ang watak-watak na teritoryo ng China. Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze.
  174. 174. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAT’ang (618 C.E. – 907 C.E) Li Yuan – Dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag niya ang dinastiyang T’ang. Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya. Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao. Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa panahong T’ang. Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu’t saring pag - aalsang naganap sa China.
  175. 175. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYASong (960 C.E. – 1127 C.E.) Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinastiyang ito. Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural. Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag. Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napilitan ang Song na iwanan ang kabisera nito noong ika-12 siglo.
  176. 176. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAYuan (1279 - 1368) Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang barbaro. Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa China na hindi nila pinagkatiwalaan. Pagkatapos ng mga labanan dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong sakop mula Timog-silangang Asya hanggang silangang Europe. Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang dinastiyang Ming.
  177. 177. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAMing (1368 - 1644) Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador. Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He. Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type. Lumaki rin ang populasyon ng China na umabot sa 100 milyon. Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan. Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea.
  178. 178. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAQing o Ch’ing (1644 - 1911) Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban sa England (1839-1842) at laban sa England at France (1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo. Tinutulan ng pamahalaang China ang pagbebenta ng opyo ng mga Europeo sa China, dahil nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan ng lipunan. Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang Dinastiyang Ming na mga semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na barbarong dayuhan. Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa.
  179. 179. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYAQing o Ch’ing (1644 - 1911) Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino- French (1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (1894-1895). Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang labanan ang panghihimasok ng mga Kanluranin. Nais din ng Rebelyong Taiping na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino. Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang mga mapanghimasok na Kanluranin. Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng China.
  180. 180. GAWAIN 8. MARAMIHANG PAGPILI SA CHART
  181. 181. GAWAIN 8: MARAMIHANG PAGPILI SA CHART Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang sagot sa loob ng mga bilog.
  182. 182. GAWAIN 8: MARAMIHANG PAGPILI SA CHART
  183. 183. Kabihasnang Egyptian
  184. 184. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. • Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. • Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan. • Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. • Kabilang sa kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt.
  185. 185. KABIHASNANG EGYPTIAN
  186. 186. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa Nile. • Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. • Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek. Ang sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari
  187. 187. KABIHASNANG EGYPTIAN • Pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang ilang pamayanan ay naging sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. • Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang estado ng Egypt. • Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay unti – unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panrehiyong pagkakakilanlan.
  188. 188. KABIHASNANG EGYPTIAN • Tungkol saan ang larawan? ________________________________ • Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng mga sinaunang Egyptian? _________________________________ ________________________________
  189. 189. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo. Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. • Unti-unti ring lumaki ang populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang sakahan. • Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt at Lower Egypt. Noong 3100 B.C.E., isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan ni Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain sa mahabang panahon. • Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. • Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes.
  190. 190. KABIHASNANG EGYPTIAN • Tungkol saan ang larawan? ________________________________ • Ano ang nais ipahiwatig nito? _________________________________ _________________________________
  191. 191. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. • Ang mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw. • Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruktura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo naman mula sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo noong 2600 B.C.E. Ito ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.
  192. 192. KABIHASNANG EGYPTIAN • Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga piramide. Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na. • Ang mga piramide ang tanging estrukturang Egyptian na nananatili sa kasalukuyang panahon. Kabilang ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na itinala ng mga Greek na pinakamagandang arkitektura sa mundo.
  193. 193. KABIHASNANG EGYPTIAN • Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide, itinuon na lamang ng mga pharaoh ang panahon sa iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito ang paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis ang kalakalan at transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian sa Nile Delta upang maging bagong taniman.
  194. 194. KABIHASNANG EGYPTIAN • Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90 B.C.E.). Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno na nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono. Namatay siya sa edad na 100. • Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay. Ang kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na tag- gutom at mahinang pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa loob halos ng dalawang siglo.
  195. 195. KABIHASNANG EGYPTIAN • Unang Intermedyang Panahon Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.
  196. 196. KABIHASNANG EGYPTIAN • Anong estraktura ang nasa larawan? ________________________________ • Paano inilarawan ng estruktura ang taglay na kabihasnan ng mga sinaunang Egyptian?? __________________________________________ _________________________________
  197. 197. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera sa Itjtawy (ipinapalagay na ngayon ay el-Lisht) sa Lower Egypt.
  198. 198. KABIHASNANG EGYPTIAN • Sa panahon ni Senusret I o Sesostris I (1970-1926 B.C.E.), nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.
  199. 199. KABIHASNANG EGYPTIAN • Noong 1878 B.C.E., ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878-1842 B.C.E.) ang kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria.
  200. 200. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang pinakamahusay na pinuno ng panahong ito ay si Amenemhet II (1929-1895 B.C.E.) na namayani sa loob ng 45 taon.
  201. 201. KABIHASNANG EGYPTIAN • Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. • Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. • Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan.
  202. 202. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. • Ang katagang Hyksos ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang lupain.” Sinamantala nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa katimugan. • Nagsimula ang pamamayani ng mga Hyksos noong 1670 B.C.E. at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob ng isang siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot ay natutuhan din ng mga Egyptian. • Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula ang panibagong panahon sa kasaysayan ng Egypt.
  203. 203. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ikalawang Intermedyang Panahon • Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13 Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile Delta. • Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris. Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng Ika-17 Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.
  204. 204. KABIHASNANG EGYPTIAN • Anong pangkat ng tao ang nasa larawan? ________________________________ • Ano ang bahaging kanilang ginampanan sa kasaysayan ng sinaunang Egypt? _________________________________ _________________________________
  205. 205. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika- 18 Dinastiya. • Tinatawag din ito bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570-1546 B.C.E.) ang mga Hyksos mula sa Egypt noong 1570 B.C.E. • Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa delta hanggang Nubia sa katimugan. • Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na mga pharaoh. • Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa katimugan hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittite at Mitanni.
  206. 206. KABIHASNANG EGYPTIAN • Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518-1504 B.C.E.), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan. • Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang mga lupain. • Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III (1504-1450 B.C.E.), anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.
  207. 207. KABIHASNANG EGYPTIAN • Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350-1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. • Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan. • Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325 B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa lamang nang maupo sa trono.
  208. 208. KABIHASNANG EGYPTIAN • Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350-1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. • Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan.
  209. 209. KABIHASNANG EGYPTIAN • Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325 B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa lamang nang maupo sa trono.
  210. 210. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293-1291 B.C.E.).
  211. 211. KABIHASNANG EGYPTIAN • Siya ay sinundan nina Seti I (1291-1279 B.C.E.) at Rameses II (1279-1213 B.C.E.).
  212. 212. KABIHASNANG EGYPTIAN • Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. • Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis III, ang hari ng Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. • Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw.
  213. 213. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ikatlong Intermedyang Panahon Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes (1070-1044 B.C.E.) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913 B.C.E.) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang kapangyarihan hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya ang Ika- 24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.
  214. 214. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ano ang nais ipahiwatig ng mapa? ________________________________ • Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilang Empire Age? _________________________________ _________________________________
  215. 215. KABIHASNANG EGYPTIAN • Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664-610 B.C.E.). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. • Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 B.C.E. Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. • Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang sibil na humantong sa paghalili ni Amasis II (570-526 B.C.E.). • Hindi naglaon, napasakamay ng mga Persian ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya.
  216. 216. KABIHASNANG EGYPTIAN • Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya. Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian hanggang sa ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang Ika-31 Dinastiya.
  217. 217. KABIHASNANG EGYPTIAN • Noong 332 B.C.E., sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kaniyang imperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India. Sa kaniyang pagkamatay noong 323 B.C.E., naging satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
  218. 218. KABIHASNANG EGYPTIAN • Noong 305 B.C.E., itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang Ptolemaic ay naghari sa loob halos ng tatlong siglo. • Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 B.C.E.
  219. 219. KABIHASNANG EGYPTIAN • Sino ang nasa larawan? ________________________________ • Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian? _________________________________ _________________________________
  220. 220. GAWAIN 9. WALK TO ANCIENT EGYPT
  221. 221. GAWAIN 9: WALK TO ANCIENT EGYPT Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem upang makumpleto ang dayagram.
  222. 222. PAMPROSESONG TANONG
  223. 223. PAMPROSESONG TANONG 1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa? 2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia? 3. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian? 4. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging papel sa paghubog ng kabihasnan sa Egypt? 5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egyptian?
  224. 224. Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica
  225. 225. ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA (2000-1500 B.C.E.) • Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa Mesoamerica. • Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noon pa mang 3500 B.C.E. • Sa pagsapit ng 1500 B.C.E., maraming taga- Mesoamerica ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.
  226. 226. ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA (2000-1500 B.C.E.) • Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa Mesoamerica sa pagitan ng 2000 B.C.E. at 900 B.C.E. • Sa maraming rehiyon, ang maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno. • Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pangekonomiya, pampulitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec.
  227. 227. ANG MGA OLMEC • Ang kauna-unahang umusbong sa Central America (at maaaring maging kabuuang America) ay ang Olmec • Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna - unahang taong gumamit ng dagta ng punong rubber o goma • Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig hanggang Guatemala • Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang Shang sa China
  228. 228. ANG MGA OLMEC • Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. • Ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. • Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi- tanging akda ng sining. • Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta.
  229. 229. ANG MGA OLMEC • Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon. • Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa iba pang labi ng kanilang panahon. • Ang mga likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.
  230. 230. KULTURANG OLMEC • Ang rituwal ukol sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay may panrituwal na larong tinatawag na pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang yari sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang, tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay sa isang mataas na pader. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang ilang mga manlalaro ay ginagawang sakripisyo matapos ang nasabing laro. Nang lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong Mesoamerica.
  231. 231. KULTURANG OLMEC • Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa mga bato. Ang pinakamalaking ulo ay may taas na siyam na talampakan at may bigat na 44 libra. • Maaari diumanong ang mga lilok na ito ay hango sa anyo ng kanilang mga pinuno. • Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugis - piramide sa ibabaw ng mga umbok ng lupa. Ang mga estrukturang ito ay nagsilbing mga lugar- sambahan ng kanilang mga diyos.
  232. 232. KULTURANG OLMEC • Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na pinakakinatatakutanng maninila (predator) sa central America at South America. • Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at kakayahang manirahan saan mang lugar. • Ito rin ay agresibo at matapang. • Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar.
  233. 233. ANG MGA OLMEC • Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong mineral tulad ng jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng Costa Rica
  234. 234. ANG MGA OLMEC • Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec ay humina at bumagsak. • Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba pang mga pangkat na sumakop sa kanila. • Gayunpaman, ang mga sinaunang taong sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.
  235. 235. ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Sa pagsapit ng 200 B.C.E., ang ilan sa mga lugar sa lambak ng Mexico ay naging mas maunlad dahil sa ugnayang kalakalan at pagyabong ng ekonomiya • Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa panahong ito ay ang Teotihuacan na nangangahulugang “tirahan ng diyos” • Pagsapit ng 150 C.E., ito ay naging isang lungsod na may halos 12.95 kilometro kuwadrado na mahigit sa 20,000 katao • Sa pagitan ng 150 C.E. at 750 C.E., ang populasyon nito ay minsang umabot sa 120,000
  236. 236. ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan, kadakilaan, at kapangyarihan sa lungsod. • Maliban dito, ang mga pinuno nito ay nagawang makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. • Naging sentrong pagawaan ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo sa mahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian.
  237. 237. ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Ang obsidian ay isang maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. • Ginamit ito ng mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga kutsilyo. • Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang malaking bahagdan ng populasyon. • Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan.
  238. 238. ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang Feathered Serpent God. • Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa kaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. • Kinatawan din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.
  239. 239. ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.) • Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at sinunog ang Teotihuacan. • Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650 C.E. • Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig- lugar, tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan.
  240. 240. GAWAIN 10. TRACING THE BEGINNING CHART
  241. 241. GAWAIN 10: TRACING THE BEGINNING CHART a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum. b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart.
  242. 242. PAMPROSESONG TANONG
  243. 243. PAMPROSESONG TANONG 1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?
  244. 244. PAMPROSESONG TANONG 1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito? 2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan?
  245. 245. PAMPROSESONG TANONG 1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito? 2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan? 3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag.
  246. 246. PAMPROSESONG TANONG 1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito? 2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan? 3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag. 4. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?
  247. 247. GAWAIN 11. PAGBUO NG K-WEB DIAGRAM
  248. 248. GAWAIN 11: PAGBUO NG K – WEB DIAGRAM Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng “Kabihasnan – Web Diagram.” 1. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang. 2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram.
  249. 249. GAWAIN 11: PAGBUO NG K – WEB DIAGRAM
  250. 250. GAWAIN 12. KABIHASNANG PATHWAY DIAGRAM
  251. 251. GAWAIN 12: KABIHASNANG PATHWAY DIAGRAM a. Makilahok sa iyong pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan. 1. Bibigyang-pansin ng Pangkat 1 ang Kabihasnang Mesopotamia, Pangkat 2 ang Kabihasnang Indus, Pangkat 3 ang Kabihasnang Tsino, at Pangkat 4 ang Kabihasnang Egyptian. 2. Batay sa iyong pag-unawa sa pinag-aralang kasaysayan, aktibong makilahok sa iyong pangkat sa pagkumpleto ng Pathway Diagram sa pamamagitan ng paglalagay ng mahahalagang pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat hakbang. 3. Pagkatapos mabuo ang pathway diagram, punan ang mga bilog ng iba pang impormasyon tungkol sa nakatalagang kabihasnan kabilang ang ekonomiya, kultura, at lipunan nito.
  252. 252. GAWAIN 12: KABIHASNANG PATHWAY DIAGRAM 4. Gawin sa manila paper ang kasunod na diyagram.
  253. 253. GAWAIN 12: KABIHASNANG PATHWAY DIAGRAM 5. Pumili ng dalawang kapangkat na mag-uulat sa klase ng nabuong pathway diagram. 6. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka, gamit ang sumusunod na rubric.
  254. 254. GAWAIN 12: KABIHASNANG PATHWAY DIAGRAM b. Batay sa daloy ng talakayan, bumuo ng mga tanong tungkol sa kasaysayan at iba pang aspekto ng mga iniulat na kabihasnan. Lumahok sa talakayan. c. Bigyang-pansin ang mga tanyag na pinunong namahala sa iba’t ibang sinaunang kabihasnan sa daigdig.
  255. 255. GAWAIN 13. GALLERY OF ANCIENT RULERS
  256. 256. GAWAIN 13: GALLERY OF ANCIENT RULERS a. Unawain ang mga panuntunan sa paglahok sa gawaing ito. Pumili ang pangkat ng isang pinunong binanggit sa nakaraang aralin. b. Planuhin ang paggawa ng isang human statue ng napiling pinuno. Isaalangalang ang kasunod na mga panuntunan: 1. Pumili ng isang kapangkat na magsisilbing “estatwa” na kakatawan sa piniling pinuno. 2. Ihanda ang posisyon ng “estatwa” ayon sa katangian at nagawa ng piniling pinuno. 3. Dikitan ng papel (o manila paper) na may simbolo o mga salitang maglalarawan sa pinuno ang katawan ng “estatwa.” 4. Itanghal sa klase ang mga “estatwa”. Magtalaga ng 1-2 kapangkat na magpapaliwanag tungkol sa estatwa.
  257. 257. PAMPROSESONG TANONG
  258. 258. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno? 2. Bakit siya naging tanyag sa kasaysayan? 3. Maipagmamalaki ba ng inyong pangkat ang piniling pinuno? Ipaliwanag. 4. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin ng isang pinuno? Ipaliwanag.
  259. 259. GAWAIN 13: GALLERY OF ANCIENT RULERS
  260. 260. Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
  261. 261. MGA PAMANA NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag- iwan ng kanikanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay may nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa mga sinaunang kabihasnan na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?
  262. 262. MGA PAMANA NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
  263. 263. MGA PAMANA NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
  264. 264. MGA PAMANA NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
  265. 265. MGA PAMANA NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
  266. 266. MGA PAMANA NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
  267. 267. MGA PAMANA NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
  268. 268. GAWAIN 14. K – A – K ORGANIZER
  269. 269. GAWAIN 14: K – A – K ORGANIZER a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan - Ambag- Kabuluhan (K-A-K) Organizer. b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao. c. Ibahagi sa klase ang mga nabuong kaisipan batay sa ginawang organizer.
  270. 270. PAMPROSESONG TANONG
  271. 271. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig? 2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan? 3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?
  272. 272. UNAWAIN
  273. 273. GAWAIN 15. THANK YOU LETTER
  274. 274. GAWAIN 15: THANK YOU LETTER a. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat. b. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa gawaing ito: 1. Pumili ng isang anyong lupa, tubig o kahit anong bagay na may kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong gawan ng liham pasasalamat. 2. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao.
  275. 275. GAWAIN 16. MAIMPLUWENSIYANG KABIHASNAN
  276. 276. GAWAIN 16: MAIMPLUWENSYANG KABIHASNAN a. Kumpletuhin ang kasunod na dayagram. Itala ang pamana ng mga sinaunang kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa sa kasalukuyang panahon.
  277. 277. PAMPROSESONG TANONG
  278. 278. PAMPROSESONG TANONG 1. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang pamanang tinukoy sa dayagram? 2. Ano ang kapakinabangang dulot ng naturang pamana sa mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa. 3. Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao? 4. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana, ano ang iyong reaksiyon? 5. Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang tao sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo ito itinuring na isang pamana?
  279. 279. ISABUHAY
  280. 280. GAWAIN 17. POKUS NGAYON
  281. 281. GAWAIN 17: POKUS NGAYON Preserbasyon ng mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig Isiping tagapangulo ka ng National Committee on the Preservation of Cultural Heritage ng iyong bansa na isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Nakatanggap ka ng liham mula sa United Nations na humihingi ng panukalang proyektong may layuning ipreserba ang mga dakilang pamanang mula sa iyong bansa. Ang iyong komite ay nagtakda ng pulong una bubuo ng isang panukalang proyekto para sa nabanggit na layunin. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa pagbuo ng panukalang proyekto:
  282. 282. GAWAIN 17: POKUS NGAYON 1. Sa tulong ng guro, hahatiin ang klase sa mga pangkat ayon sa sumusunod: Pangkat 1 – Iraq para sa Kabihasnang Mesopotamia Pangkat 2 – Iran para sa Sinaunang Persia Pangkat 3 – Egypt para sa Kabihasnang Egyptian Pangkat 4 – India at Pakistan para sa Kabihasnang Indus Pangkat 5 – China para sa Kabihasnang Tsino Pangkat 6 – Mexico para sa Kabihasnan sa Mesoamerica
  283. 283. GAWAIN 17: POKUS NGAYON 2. Kung ikaw ang “tagapangulo ng iyong komite” na nabanggit sa itaas, tiyaking makibahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat sa pagtalakay sa itinakdang kabihasnan na bibigyang-tuon sa gagawing panukalang proyekto. a. Bigyan ang bawat pares na miyembro ng pamana na nararapat na ipreserba: Pares 1 – isang estruktura o landmark, Pares 2 – isang tradisyon/kaugalian, at Pares 3 – isang sinaunang bagay b. Sa papel, gawin ang format ng panukalang proyekto. Gawing gabay ang kasunod na template.
  284. 284. GAWAIN 17: POKUS NGAYON c. Talakayin ng iyong pangkat ang bubuuing panukala. d. Kumpletuhin ang template para sa gagawing panukala. e. Iulat sa klase ang ginawang panukala.
  285. 285. GAWAIN 17: POKUS NGAYON
  286. 286. TRANSISYON SA SUSUSNOD NA YUNIT
  287. 287. TRANSISYON SA SUSUNOD NA YUNIT Tinalakay sa yunit na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito tulad ng mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na may malaking impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao. Nakasalalay ang pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay na pakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran. Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang maging matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang higit na mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng mga mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan. Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng politika, relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos na may kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng panahon. Sa susunod na yunit, pag-aaralan mo ang mga dakilang kabihasnang klasikal ng Greece at Rome. Idagdag pa rito ang pakikipagsapalaran ng mga Europeo noong Gitnang Panahon, ang mga kabihasnan sa iba pang panig ng daigdig hanggang sa pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon.
  288. 288. REFERENCES •AP G8 – LM pp. 44 - 100 www.google.com/images Wikipedia.org Microsoft Student with Encarta
  289. 289. DOWNLOAD LINK http://www.slideshare.net/jaredram55 E-mail: jaredram55@yahoo.com
  290. 290. All is well, all is well, all is well May the odds be ever in your favor Good vibes =)
  291. 291. PREPARED BY: JARED RAM A. JUEZAN TEACHER I, AP 9 JULY 14-22, 2014 THANK YOU VERY MUCH!

×