AP G8/G9 lm q2

10,035 views
9,588 views

Published on

Published in: Education
0 Comments
7 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
10,035
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
378
Comments
0
Likes
7
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

AP G8/G9 lm q2

  1. 1. 110 Modyul 2: ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL NA PANAHON Panimula “Change is inevitable”. Karaniwan nang naririnig ang ganitong kasabihan. Lahat ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka nang pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang ngayon. Kung iisipin, tao lang ba ang nagbabago o lahat ng bagay sa daigdig? Paano ba narating ng mundo ang kalagayan nito sa kasalukuyan? Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng malaking pagbabago. Nais mo ba itong malaman? Sa Yunit na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa Kasaysayan ng Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon. Inaaasahang sa pagtatapos ng iyong paglalakbay panahong ito ay masasagot mo ang katanungang: Paano nakaimpluwesiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at Transiyunal na Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig? Mga Aralin At Sakop Ng Modyul Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: Aralin 1 Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome (mula sa sinaunang Rome hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Roman) Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan Aralin 2 Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai)
  2. 2. 111 Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng pulo sa Pacific Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan Aralin 3 Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong Medieval Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire” Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Panahong Medieval Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval: Manorialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan 1.Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa “polis” bilang isang lungsod- estado? A. Ang “polis” ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang demokrasya. B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod. C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang “polis” at nahahati ito sa iba’t ibang yunit ng pamahalaan D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang “polis”. 2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome? A. Censor at Praetor B. Etruscan at Roman C. Patrician at Plebeian D. Maharlika at Alipin Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagsusulit na magtatakda kung ano na ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan nang wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot. PANIMULANG PAGSUSULIT
  3. 3. 112 3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia? A. maraming isla B. maliit na mga isla C. maitim na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla 4. Ang “Holy Roman Empire” ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 C.E.? A. Charlemagne B. Charles Martel C. Clovis D. Pepin the Short 5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada? A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko Para sa bilang 6, suriin ang kasunod na mapa http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece
  4. 4. 113 6. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag- unlad ng kabihasnan sa islang ito? I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asya ang isla ng Crete III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe IV. Naimpluwensiyahan ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Africa at Asya ang Kabihasnang Minoan A. I at II B. II at III C. II at IV D. I, II, at III Para sa bilang 7, suriin ang kasunod na larawan: 7. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang maaaring mabuo batay sa larawan? A. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang paniniwala sa iba’t ibang diyos B. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya C.Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga Roman D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa astronomiya noong Panahong Hellenistic
  5. 5. 114 Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na pahayag: 8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag? A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang Demokrasya D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan Para sa bilang 9, suriin ang timeline tungkol sa mga Kabihasnan sa America 9. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong Pre- historic? A. Kabihasnang Olmec B. Kabihasnang Maya C. Kabihasnang Aztec D. Kabihasnang Inca “ Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority but of the whole people. When it is a question of settling private disputes, everyone is equal before the law;…” - PERICLES Funeral Oration Mga Kabihasnan sa America 1200- 500 B.C.E. Olmec Teotihuacan 200-700 C.E. 250-900 C.E. Maya 900-1100 C.E. Toltec Aztec 1200-1521 1300-1525 Inca
  6. 6. 115 Para sa bilang 10, basahin at unawain ang comic strip 10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa comic strip tungkol sa Piyudalismo? A. Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang mga nasasakupan B. Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan ay pagmamay-ari ng lupa C. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong Panahong Medieval D. Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo Ako ang HARI, pagmamay-ari ko ang lahat ng lupain. Subalit ibinigay ko ang iba sa mga BARON. Ako ang BARON, dapat akong maging TAPAT sa HARI dahil ibinigay niya sa akin ang ilan sa kaniyang lupain.Dapat na handa akong ipaglaban siya at magsanay ng mga KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan sa aking lupain sa aking mga KNIGHT. Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa akin ang ilan sa kaniyang lupain upang mapagtamnan at paunlarin. Tungkulin kong magbayad ng buwis at magkaloob sa kaniya ng regalo. Hindi ako maaaring umalis sa lupain na kaniyang nasasakupan nang walang pahintulot ang KNIGHT.
  7. 7. 116 Para sa bilang 11, suriin ang kasunod na larawan 11. Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang Manor? A. Pakikipagkalakalan B. Pagsasaka C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan Para sa bilang 12, suriin ang kasunod na graph: 10 5 20 15 30 25 35 45 40 0 20 0 40 0 60 0 80 0 1000 1200 Bilangngpopulasyonsamilyon Taon – Common Era (C.E.)
  8. 8. 117 12.Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa graph, sa anong mga taon ito naganap? A. 1000 at 1500 C.E. B. 800 at 1000 C.E. C. 800, 1000, at 1500 C.E. D. 600, 800, at 1000 C.E. 13. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito? A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan. B. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito. C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete. D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete. 14. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado? A. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang mabundok na lugar. C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado. D. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang umusbong dito 15. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean? A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar. B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece. C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece D. Wasto ang lahat ng nabanggit
  9. 9. 118 16. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito? A. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara 17. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific? A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda. B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o “mana”. C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay Animismo. D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan. 18. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: Pari, Kabalyero, at Serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf? A. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya. B. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya. C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval. D. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan 19. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo”. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag? A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao
  10. 10. 119 20. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy? A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko. B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican. C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan. D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval
  11. 11. 120 ARALIN 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin ng lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olymics sa Beijing, China. Saan at kailan nga ba nagsimula ang paligsahang ito? Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia- isang lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng Klasikal na Kabihasnan sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome. Sa bahaging ito ng modyul ay pag-aaralan ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-unlad, at pagbagsak ng mga Kabihasnang Greece at Rome. Masasagot din ang katanungang:paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?
  12. 12. 121 ALAMIN Gawain 1. Ano ang Gusto Ko? Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Pamprosesong Tanong 1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado noong Panahong Klasikal? Ipaliwanag. 2. May pagkakatulad ba ang makikita sa larawan, sa karaniwang tagpo sa mga lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India, Mesopotamia, at Egypt sa mga lambak-ilog. Ganito rin kaya ang mga kabihasnang nabuo sa Europe partikular sa Greece at Rome? Alamin sa araling ito ang kasagutan. Pilosopo Politiko Artist Kababaihan Mandirigma Makikita sa larawan ang isang tipikal na tagpo sa isang lungsod-estado sa Europe noong Panahong Klasikal. Bawat isa ay may tungkuling ginagampanan. Kung ikaw ay nabuhay nang panahong iyon, alin sa sumusunod na tungkulin ang nais mong gampanan? Bakit? Mangangalakal
  13. 13. 122 Gawain 2. I-R-F CHART Panuto:Basahing mabuti ang tanong. Pagkatapos ay isulat sa bahaging “initial” ng diagram ang maiisip na sagot. BINABATI KITA! Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi PAUNLARIN Tiyak na nais mo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa mga kabihasnan noong Panahong Klasikal ng Europe. Sa pagsasagawa ng iba’t ibang gawain sa modyul na ito, madaragdagan ang iyong dating kaalaman at masasagot ang iyong mga tanong tungkol sa paksa. Paano nakaimpluwensya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan? INITIAL REVISED FINAL
  14. 14. 123 PAUNLARIN Gawain 3. Mapa-Suri. Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan ng lokasyon ng Greece sa pag-unlad ng kabihasnan nito. Sa bahaging ito, inaasahang matututuhan mo ang mga kabihasnang nabuo sa Panahong Klasikal ng Europe, kabilang ang mahahalagang pangyayari sa bawat kabihasnan at ang mahahalagang kontribusyon ng mga ito sa paghubog ng pandaigdigang kamalayan. Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong pagkatuto. Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Greece? 2. Saang direksyon ng Greece makikita ang Isla ng Crete? 3. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon ng Greece sa pag-usbong ng Kabihasnang Greek? Mapa 1.1 Mapa ng Europe
  15. 15. 124 Gawain 4. Magbasa at Matuto Panuto: Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean. Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Kabihasnang Greece. Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo. Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat. Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura. Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan. Ito rin ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan. Halaw sa “Project Ease Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego pp. 8-10 431 B.C. E Nagsimula ang Peloponnesian War 460 B.C.E Nagsimula ang Golden Age ng Athens 404 B.C.E Tinalo ng Sparta ang Athens 334-323 B.C. E Pananakop ni Alexander the Great 700 B.C.E 600 B.C.E 500 B.C.E 200 B.C.E300 B.C.E400 B.C.E 700 B.C.E Umusbong ang mga Lungsod- estado ng Greece 499 B.C.E Nagsimula ang Persian War Pigura 1.1 Timeline ng mga pangyayari sa Kabihasnang Greece.
  16. 16. 125 Ang mga Minoans Ayon sa mga arkeologo, ang kauna- unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan niHaring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat. Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad. Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 B.C.E., narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing. Gabay na Tanong Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan? ____________________________ ____________________________ Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan? ____________________________ ____________________________ Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan? ____________________________ ____________________________ Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan? ____________________________ ____________________________ Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 B.C.E. Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.
  17. 17. 126 http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png Ang mga Mycenaean Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek. Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salinng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek.Sa bandang huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay. Noong 1100 B.C.E., isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilangpamayanan at tinawag itong Ionia.Nakilala sila bilang mga Ionian. Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark ageo madilim na panahon natumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din. Ano-anong impormasyon ang mahahalaw mula a teksto? 1. _________________________ _________________________ 2. _________________________ __________________________ 3. __________________________ __________________________ 4. __________________________ __________________________ 5. __________________________ __________________________ Halaw sa “Project Ease Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego pp 10-11 Mapa 1.2 Lokasyon ng Kabihasnang Mycenaea
  18. 18. 127 Gawain 5. Daloy ng mga Pangyayari Panuto: Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong Minoan at Mycenean. Pamprosesong Tanong 1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng kabihasnang Minoan at Mycenean? 2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnang Minoan at Mycenean? 3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa pag-usbong ng kabihasnang Greek? Minoan Mycenean
  19. 19. 128 Sa bahaging ito, alamin mo ang mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng Klasikal na kabihasnang Greece. Gawain 6. Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at unawain ang mga tekstong ilalahad sa bahaging ito. Sagutin din ang mga katanungan sa bawat kahon. Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas.Ito ay tumagal mula 800 B.C.E. hanggang 400 B.C.E. at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig. Ang mga Polis Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod- estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek. Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa malayang bilihan at kalakalan. Batay sa teksto, isulat ang kahulugan ng mga sumusunod na salita: polis-______________ ___________________ ___________________ acropolis-___________ ___________________ ___________________ agora- _____________ ___________________ ___________________
  20. 20. 129 Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot. Maraming pagkakataon na nag- alsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga helot. Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pp. 114-116. Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ngkalakalan, ay nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o metropolis. Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan. Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan ng isang lungsod- estado? 2. Ano-ano ang responsibilidad ng isang mamamayan sa lungsod-estado? 3. Bakit mahalaga ang pakikipagkalakalan para sa mga Greek?
  21. 21. 130 Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo. Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa lipunan, ang mga kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera. Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labu-labo kung makipagdigma ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban,sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan,hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing katangian ng Sparta bilang isang lungsod-estado ng Greece? 2. Paano sinasanay ang mga Spartan upang maging malakas? 3. Paano nakabuti at nakasama ang paraan ng disiplina ng mga Spartan? Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 117
  22. 22. 131 Ang Athens at ang Pag-unlad Nito Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens.Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala. Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan. Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan. Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay- pantaysa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika. Batay sa teksto, ano ang kahulugan ng sumusunod? tyrant-________________ _____________________ _____________________ Archon- _____________ _____________________ _____________________ https://encrypted- tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:A Nd9GcReawl5Xp8agCB- TODpqzMKAPIuktNE9yhizLwBds64 yykmPzc7kg Larawan 1.1 Ang Parthenon ng Greece
  23. 23. 132 http://en.wikipedia.org/wiki/Fil e:Solon2.jpg http://en.wikipedia.org/wiki/ Cleisthenes Larawan 1.2 Si Solon, isang mambabatas na Greek Larawan 1.3 Si Pisistratus, isang mahusay na pinunong Greek Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng batas. Noong mga 546 B.C.E., isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsod ng Athens, at nagpatayo ng magagandang templo. Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa sining at kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga nangunguna sa drama. Ang pagsulong niya sa sining ang nagbigay-daan upang tanghalin ang Athens na sentro ng kulturang Greek.
  24. 24. 133 . Noong 510 B.C.E., naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa kauna- unahang pagkakataon, nakaboto sa asembleya ang mga mamamayan, may-ari man ng lupa o wala. Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan. Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan. Halaw sa Project EASE Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego pahina 15-21. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing katangian ng Athens bilang iang lungsod- estado ng Greece? 2. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig? 3. Nakabuti ba sa Greek ang pagpapatupad ng demoksrasya? Patunayan. Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 116-117
  25. 25. 134 Gawain 7. Paghahambing Panuto:Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng sinaunang Greece. Pamprosesong Tanong 1. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan at Athenian? 2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag- unlad ng Kabihasnang Greek? 3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliiing tumira, sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot. Gawain 8. Magbasa at Matuto Sparta Athens Bagamat ang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estadong malaya sa isa’t isa, iisa lamang ang wika at kultura ng mga Greek. Mataas ang tingin nila sa isa’t isa, samantalang hindi edukado at mababa ang tingin nil sa mga hindi Greek. Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob at pananakop ng mga kalapit na kabihasnan. Matutunghayan mo sa bahaging ito ang mga digmaang kinasangkutan ng Greece.
  26. 26. 135 Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pp 117-118 Ang Banta ng Persia Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E., sinalakay ni cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni Darius I, ang nagmana ng trono ni cyrus the Great, ang hangaring ito. Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus noong 494 B.C.E. Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni darius na parusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pagsakop a Greece. Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota o fleet na pandigma. Ang Digmaang Graeco- Persia (499-479 B.C.E.) Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 B.C.E. sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon , isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens. Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia. Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapabagsak sa Athens. Noong B.C.E., isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae, isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga- Sparta sa ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes na madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga taga- Sparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas. Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at Megara. Larawan 1.4. Paglalarawan ng Digmaang Graeco-Persia Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng Greek laban sa malaking puwersa ng Persia? Ipaliwanag. ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________. http://althistory.wikia.com/wiki/Greek _Glory?file=GRECO-PERSIAN- WARS.gif
  27. 27. 136 Mapa 1.3 Lokasyon ng Digmaang Peloponnesian Digmaang Peloponnesian Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang imperyo ang Athens. Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League. Noong 431 B.C.E., nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na naging simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma sa lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sa pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawing-palad na may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na si Pericles, noong 429 B.C.E. Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang mga desisyon. Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan ng mga Athenian na lumalabag sa paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya patungong Sparta upang iwasan ang pag-uusig sa kanya. Doon siya ay naglingkod laban sa kanya mismong mga kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades sa Athens at siya ay pinatawad at binigyang-muli ng pagkakataong pamunuan ang sandatahang lakas ng Athens. Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila sa Sparta, lubhang malakas ang mga Sparta at noong 404 B.C.E., sumuko ang mga Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng mga Spartan si Alcibiades. Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain. Halaw sa Project EASE Modyul 4: Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Greece pp. 31-32 Ano ang epekto sa Greece ng hidwaan at digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estado nito? Ipaliwanag ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ _____________________________. Karagdagang Babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al. pp 119 http://en.wikipedia.org/wiki/Peloponnesian _War
  28. 28. 137 Gawain 9. A-K-B Chart Panuto: Punan ang diagram ng kinakailangang impormasyon batay sa binasang teksto. Pamproseng Tanong 1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Spartan at Athenian sa daigdig? 2. Alin sa sumusunod na kontribusyon ang may kaugnayan sa kasalukuyan? Patunayan. Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece Aktor (Sino ang magkalaban?) Kaganapan (Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari?) Bunga (Ano ang resulta ng digmaan?)
  29. 29. 138 Gawain 10. Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol Ginintuang Panahon ng Athens. Ginintuang Panahon ng Athens Noong 461 B.C.E., si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon ay nahahalal si Pericles hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan noong 429 B.C.E. Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinairal na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing pinakamarangyang estado ang Athens. Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung kaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya di nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain ng pamahalaan. Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni Pericles. Para sa mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong mamamayan. Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides, na isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.” Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbasa, matematika, musika,at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin ang sining, politika at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang pag-aaral. Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito. Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin sila maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang. Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang kagamitang pambahay. Bagamat marangya at magarbo ang ang mga gusaling pampubliko, ang mga tahanan naman ay simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o karaniwang tao. Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece.Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay na artista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang sa ating makabagong panahon. Ang may-akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato at Politics ni Aristotle. Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek. Kahangahanga ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay naperpekto nila nang husto.
  30. 30. 139 Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens. Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga templo ng Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias. Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa mga obra maestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven Wonders of the Ancient World. Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay nakatulong upang maging obra maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang Ama ng Kasaysayan. Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga isinulat niya ay ang Anabis, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek mula sa Babylonia hanggang Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng mga kuwento ng guro niyang si Socrates. Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Greece. Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang Ama ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika. Marami ring Greek ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging ambag sa larangan ng agham at pilosopiya. Ang kauna- unahang pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng Militus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si Pythagoras naman ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima at pito ay maswerteng mga numero. Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro na tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pagbabago sa mga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang mga tao na gumawa ng magagandang batas, makapagsalita, at makipagdebate sa mga Asembleya. Maraming Athenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng mga Sophist. Isa na rito ay si Socrates. Ayon sa kaniya mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa kaniya dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga katanungang ito. Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di nagustuhan ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na ang mga tungkol sa mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens. Dahilan dito siya ay nakulong at nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa siya naparusahan, siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili. Ang lahat ng mga ideya ni Socrates ay hindi niya naisulat. Si Plato, ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang pinakatanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangi- tanging polis at ang uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito. Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at pisika na pawang nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang Poetic, isang pagsusuri sa mga iba’t ibang dula- dulaan, ang Rhetoric na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang Politics kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ngpamahalaan. Halaw sa Project EASE Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego.
  31. 31. 140 Gawain 11. Talahanayan, Punan Mo. Panuto: Mula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang panahon ng Athens, buuin ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa iba’t ibang larangan. Larangan Ambag Kahalagahan Pamprosesong Tanong 1. Ano ang epekto ng kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon? 2. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan.
  32. 32. 141 Gawain 12. Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng sumusunod na teksto tungkol sa paglakas ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Greece. . Imperyong Macedonian Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia , na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado.Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod-estado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia. Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang loob at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan. Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na karamdaman. Gabay na Tanong 1. Ano ang dahilan ng paghina ng mga lungsod-estado ng Greece? 2. Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng Macedonia? 3. Ano ang maituturing na kontribusyon ng Imperyong Macedonia sa mundo? Halaw mula sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 119-120 http://upload.wikimedia.org/wikipedia/comm ons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaic- detail1.jpg Larawan 1.5 Paglalarawan kay Alexander the Great
  33. 33. 142 GAWAIN 13: GREECE…SA ISANG TINGIN Panuto: Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word map ay sagutin ang tanong sa kahon. Sinaunang Kabihasnang Greece Heograpiya Politika Ekonomiya Pilosopiya Sining at Arkitektura Agham at Teknolohiya Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
  34. 34. 143 Suriin ang timeline ng kasaysayan ng Imperyong Roman. Magagamit itong gabay sa mga susunod na pagtalakay. Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang Europe, isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung ang Greece ay kilala sa taguring “the glory that was Greece” makikilala ang Rome sa taguring “the grandeur that was Rome”. Ano kaya ang kahulugan nito? Halina’t iyong tuklasin. 27 B.C.E Nagsimula ang Pax Romana sa pamumuno ni Augustus 450 B.C.E Naging pundasyon ng batas ng mga Romans ang Twelve Tables 264 B.C.E. Sumiklab ang Punic War 202 B.C.E. Natalo ng mga Romans si Hannibal 45 B.C.E Naging diktador ng Rome si Julius Caezar 180 C.E. Nagtapos ang Pax Romana 306 C.E. Naging emperador ng imperyo si Constantine 750 B.C.E 500 B.C.E 250 B.C.E 500 A.D.250 C.E1 C.E. 509 B.C.E. Itinatag ang Roman Republic 284 C.E. Hinati ni Diocletian ang imperyong Rome 476 C.E. Nagtapos ang imperyong Romano sa Kanluran Pigura 1.2 Timeline ng mga pangyayari sa Imperyong Rome.
  35. 35. 144 Gawain 14. Magbasa at Matuto. Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnan ng Rome. . Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo ng maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan ang Latium. Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang bakas ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng Latium at sinasabing dito umusbong ang dakilang lungsod ng Rome. Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan ang pagkakaroon ng malaking populasyon. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng Rome bilang isang matatag na lungsod? __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome
  36. 36. 145 Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo- Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain. Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono. Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 B.C.E. Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika, at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan . Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak. Paano nagsimula ang Rome? __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 126-127 http://upload.wikime dia.org/wikipedia/co mmons/6/6a/She- wolf_suckles_Romul us_and_Remus.jpg Ang Simula ng Rome 1 3 2 4
  37. 37. 146 Ang Republikang Romano Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 B.C.E. Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul. Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 92. Batay sa binasang teksto, ilarawan ang mga sumusunod na bahagi ng Republikang Romano. konsul- _________________ _______________________ _______________________ diktador- ________________ _______________________ _______________________ Patrician- _______________ _______________________ _______________________ Plebeian- ______________ _______________________ _______________________ Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 127
  38. 38. 147 Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician. Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 B.C.E. upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nangg dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan. May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 B.C.E, dahil sa mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapg- asawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging ksapi ng Senado. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 92. Para sa karagdagang kaalaamn, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 127-128 Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga plebeian? _________________________ _________________________ _________________________ _______________________ Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang panahon na maihahalintulad sa tinahak ng mga plebeian upang matamo ang kanilang karapatan. Ipaliwanag _________________________ _________________________ _________________________ _______________________ Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng kahalagahan ang kapakanan ng mga karaniwang tao? Patunayan _________________________ _________________________ _________________________ _______________________
  39. 39. 148 Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunud- sunod na digmaan mula pa noong 490 B.C.E. Nasakop ang mga Latino, mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine at Samnite. Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng Greece sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy noong 280 B.C.E. Nagwagi Ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Romano. Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na tagumpay ay tinaguriang Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong 275 B.C.E sa Beneventum, Italy. Rome ang naging reyna ng peninsula ng Italy. Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng panalo ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar. Kadalasan, naging kaanib ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na teritoryo. Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy. Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito- ang mga Carthagenian. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 93 Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome. ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 128.
  40. 40. 149 Digmaang Punic Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy. Nagisismula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng Mediterranean. Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong komersyal na nasasakop ng hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, Sardinia at Sicily. Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong Digmaang Punic- salitang Latin na nagmula sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean. Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat. Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat. http://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/7/79/First_Punic _War_264_BC.png Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 94 2 3 1Mapa 1.5 Lokasyon ng Digmaang Punic
  41. 41. 150 Digmaang Punic Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan Unang Digmaang Punic (264- 241 B.C.E)  Bagamat walang malakas na plota, dinaig ng Rome ang Carthage noong 241 B.C.E.  Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay ang mga sundalo nito na maging magagaling na tagapagsagwan.  Bilang tanda ng pagkakapanalo ng Rome, sinakop nito ang Sicily, Sardinia at Corsica  Nanalo ang Rome laban sa Carthage. Ikalawanag Digmaang Punic (218- 202 B.C.E)  Nagsimula ito noong 218 B.C.E. nang salakayin ni Hannibal, ang heneral ng Carthage, ang lungsod ng Saguntum sa Spain na kaalyado ng Rome.  Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang timog Frane kasama ng mahigit na 40, 000 sundalo.  Tinawid din nila ang bundok ng Alps upang makarating sa Italy.  Tinalo ni Hannibal ang isang malaking hukbo ng Rome saCannae noong 216 B.C.E. subalit hindi naghangad si Hannibal na salakayin ang Rome nang hindi pa dumarating ang inaasahang puwersa na manggagaling sa Carthage.  Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio Africanus, sinalakay ng mga Roman ang hilagang Africa upang  Natalo si Hannibal sa labanan sa Zama noong 202 B.C.E.  Sa isang kasunduang pangkapayapaan noong 201 B.C.E, pumayag ang Carthage na siraon ang plota nito, isuko ang Spain, at magbayad ng buwis taon-taon sa Rome
  42. 42. 151 pilitin si Hannibal na iwan ang Italy at tumungo sa Carthage upang sagipin ang kaniyang mga kababayan. Ikatlong Digmaang Punic (149- 146 B.C.E)  Matapos ang 50 taon, naganap ang Ikatlong Digmaang Punic.  Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius Cato, isang pinuno at manunulat na Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Sa kanyang pagbisita sa Carthage, nakita niya ang kasaganahan at luho ng pamumuhay rito. Batid niyang malakas ang Carthage at nananatili itong banta sa seguridad ng Rome. Pagbalik sa Rome, itinanim niya sa isipan ng Senate at publiko na dapat wasakin ang Carthage.  Nang salakayin ng Carthage ang isang kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome ang Carthage. Sinunog nito ang lungsod at ipinagbili ang mga mamamayan bilang alipin.  Muling natalo ang Carthage sa digmaan.  Kinuha ng Rome ang lahat ng pag- aari ng Carthage sa Hilagang Africa Bakit mahalaga par pagkontrol sa Mediterra Ano ang dahilan ng p naganap na Digmaang Paano nakabuti sa R laban sa Carthage? Tagumpay sa Pagkatap pumunta sa sila Macedonia ay n ang Corinth at pangangasiwa n Mula 13 lupain. Sa pags ay nasakop ng n ang Mediterrane Halaw sa Kasaysa nina Mateo et. a Kabihasnang Roman Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek ang tumungo sa Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga gawang sining at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang kabihasnang Greece sa Rome at maraming Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral. Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome. Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Roman. Pangunahin na rito ang kaalaman sa
  43. 43. 152 http://ancientworld2009.wikispaces.com/file/view /coliseum.jpg/92540006/coliseum.jpg Inhenyeriya Ipinakita ng mga Roman ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong lugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at timog Italy. Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod. Arkitektura Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. marunong na rin silang gumamit ng stucco, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga temple, aqueduct, at iba pang mga gusali. Ang gusali na ipinakilala ng mga Roman ay ang basilica, isang bulwagan ng nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Pananamit Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman. Ang tunic ay kasuotang pambahay na hanggang tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay. Ang mga babaeng Roman ay dalawa rin ang kasuotan. Ang stola ay Kabihasnang Roman Batas Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Ang kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat, patrician o plebeian man. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas. Panitikan Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo B.C.E. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. Ang halimbawa ay si Livius Andronicus na nagsalin ng Odyssey sa Latin. Si Marcus Palutus at Terence ay ang mga unang manunulat ng comedy. Ang iba pang manunulat ay sina Lucretius at Catullus. Si Cicero naman ay isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera kailanman. Larawan 1.6 Ang labi ng Colloseum sa Rome.
  44. 44. 153 Gawain 15. Lagumin Mo. Panuto: Batay sa tekstong binasa, punan ng angkop na impormasyon ang talahanayan. Pangyayaring Nagdulot ng Paglakas ng Rome Patunay/ Paliwanag
  45. 45. 154 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng Kabihasnang Rome? 2. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkakapanalo sa Digmaang Punic? 3. Sa kabuuan, ilarawan ang pag-unlad at paglakas ng kabihasnang Rome. Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihang Roman Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, ang lupong ito ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng nais ng Senate. Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang katungkulan upang magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki dulot ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo. Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na ginawa ng hukbo ni Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digmaan. Tumungo ang mga magsasaka ng Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala namang malaking industriya ang Rome na magbibigay ng kanilang trabaho. Ang yaman na pumasok sa Rome Batay sa tekstong binasa, ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng Rome bunsod ng paglawak ng kapangyarihan nito? ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ________________________ Paano nakaapekto ang mga nabanggit na suliranin sa Republikang Roman? ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Maihahalintulad ba ang mga pangyayaring isinasaad sa teksto sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan? Sa paanong paraan?
  46. 46. 155 Gawain 16. Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa mga pangyayaring nagdulot ng pagbagsak ng Republika ng Rome tungo sa pagtatag ng Imperyong Roman. Pinuno/Taon Pangyayari Epekto Tiberius 133 B.C.E Nagpanukala ng batas sa pagsasaka kung saan ang mga lupang nakamit sa pamamagitan ng digmaan ay ipamamahagi upang magkaroon ng bukirin ang mahihirap. Nais niyang limitahan ang dami ng lupa na maaring ariin ng mayayaman upang pigilin ang Upang hadlangan si Tiberius at takutin ang iba pang nagnanais ng pagbabago, ipinapatay siya ng isang grupo ng mayayaman. Ang Banta ng Digmaang Sibil Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius Gracchus, kapwa tribune, ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap bilang panganib sa katatagan ng Republic. May mga nagtangkang magpatupad ng pagbabago katulad ng mga sumusunod:
  47. 47. 156 Tunghayan mo sa mga sumusunod na teksto ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa Rome. mga ito sa pagkamkam ng higit pang maraming lupa. Gaius Gracchus 123 B.C.E Sinundan ni Gaius Gracchus ang hakbang tungo sa pagbabago na sinimulan ng kanyang nakakatandang kapatid, subalit, ang mga mayayaman ay hindi rin sang- ayon sa kanyang mga panukala. Sinalakay si Gaius at ang kanyang 3,000 na tagasunod ng isang pangkat ng mga senador kasama ang inupahang hukbo at alipin. Ipinapatay ng Senate ang mga tagasunod ni Gaius Gracchus. Siya naman ay nagpatiwakal. Si Julius Caesar Bilang Diktador Sa unang siglo ng B.C.E., matindi ang agawan sa kapangyarihan ng mga heneral at pinunong militar sa Rome. Karaniwang nauuwi sa digmaang sibil. Noong 60 B.C.E., binuo ni Julius Causa, Pompey, at Marcus Licinius Crassus ang First Triumvirate, isang union ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng pamahalaan. Hinawakan nila ang kapangyarihang politikal at militar. Si Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga alipin. Samantala, si Pompey ay kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain. Si Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang napalawak ang mga hangganan ng Rome hanggang France at Belgium. Bagama’t nagkasundo silang pamunuan ang Rome, may namagitang inggit at kompetisyon sa bawat isa. Batay sa bahaging ito ng teksto, ano ang kahulugan ng Triumvirate? _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ Gabay na Tanong: Ano ang dahilan ng mga kaguluhang naganap sa Rome? Ano ang ipinapahiwatig ng mga nabanggit na kaguluhan sa relasyon ng mga patrician at plebeian? Ipaliwanag Sa ating bansa sa kasalukuyan, mayroon bang katulad na sitwasyon? Ipaliwanag. Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na Gracchus ang mainit na tunggalian ng mga patrician sa Senate at ng mga plebeian at alipin. Sumiklab ang mga serye ng rebelyon na nauwi sa digmaang sibil noong 105 B.C.E. Bumalik ang kaayusan sa Rome nang maging diktador si Sulla noong 82 B.C.E. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 133.
  48. 48. 157 Noong 53 B.C.E., napatay sa isang labanan si Crassus. Tanging si Caesar at Pompey na lamang ang naiwang maghahati ng kapangyarihan. Sa pananaw ng mga nasa Senate, higit na may pag-asa silang makitungo kay Pompey kumpara kay Caesar. Hindi lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni Caesar. Isang matagumpay na heneral si Caesar. Popular din siya dahil sa mga reporma niya sa mga lalawigan tulad ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga beterano ng hukbo. Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang hindi kasama ang kaniyang hukbo. Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot nila sa kapangyarihan ni Caesar, tumakas papuntang Greece ang karamihan sa mga kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo nito ang puwersa ni Pompey. Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan. Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito. Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa mga lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay pinagbuti. Bakit naging tanyag si Julius Caesar? Bakit siya tinawag na diktador sa kanyang pagbalik saRome? Anu-ano ang mga pagbabagong ipinatupad niya sa Rome? Nangamba ang Senate na maaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang Republika. Binuo ang isang sabwatan upang patayin si Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan ni Caesar. Noong March 15, 44 B.C.E., isinakatuparan ang pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo ng senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius. Ano ang ipinapahiwatig ng kamatayan ni Julius Caesar?
  49. 49. 158 Augustus: Unang Roman Emperor Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 B.C.E, kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius. Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark Antony. Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo, samantalang pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus ang namahala sa Gaul at Spain. Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt. Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian upang labanan si Antony. Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dalawang puwersa sa Actium noong 31 B.C.E. Matapos matalo sa Actium, iniwan ni Antony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pag-aakala na nagpakamatay si Cleopatra. Samantala, dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Antony at sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na rin si Cleopatra. Si Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa kanya ang pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36 B.C.E., hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang mga sundalo. Ipinatapon ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy. Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako siyang bubuhayin muli ang Republic bagama’t hawak niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator. Noong 27 B.C.E., iginawad ng Senate kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang Augsutus ay karaniwang ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. Samakatuwid, ang titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi Sinu-sino ang bumuo sa Second Triumvirate? Bakit mahalaga ang pagkapanalo ni Octavian sa labanan sa Actium? Bakit tinawag na Augustus si Octavian? Mula noon, si Octavian ay nakilala sa pangalan na ito. Sa wakas, pagkatapos ng halos isang siglong puno ng digmaang sibil, ang Rome ay napagbuklod sa ilalim ng isang pinuno. Inihatid ng pamamahala ni Augustus ang panahon n g Imperyong Roman.
  50. 50. 159 o Limang Siglo ng Imperyo Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na imperyo. Ang hangganan nito ay ang Euphrates River sa silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara desert sa timog. Sa pagsapit ng Ikalawang siglo C.E., ang populasyon ng imperyo ay umabot sa 100 milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian. Gaano kalawak ang sakop ng Imperyong Roman? Sa pangkalahatan, tahimik at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo ng imperyo. Ang panahong ito ay mula sa 27 B.C.E. hanggang 180 C.E. Kadalasang tinatawag ang panahong ito bilang Pax Romana o Kapayapaang Roman. Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo. Ang mga daan at karagatan ay ligtas sa mga tulisan at mga pirate. Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Ang kahoy na gamit sa paggawa ng bahay at iba pang produktong agrikultural ay nagmumula sa Gaul at Gitnang Europe; ginto, pilak, at tingga sa Spain; tin sa Britain; tanso sa Cyprus; at bakal at ginto sa Balkan. Sa labas ng imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa Rome sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Mula sa India at China, dumarating sa Rome ang seda, mga pampalasa o rekado, pabango, mamahaling bato, at iba pang luho. Ano ang Pax Romana? Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga makatang sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang Aineid, ang ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga mitong Greek at Roman sa akda niyang Metamorphoses. Sinulat ni Pliny the Elder ang Natural History, isang tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol sa kalikasan. Sinulat ni Tacitus ang Histories at Annals na tungkol sa imperyo sa ilalim ng pamamahala ng mga Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni Livy simula 27-26 B.C.E ang From the Founding of the City, ang kasaysayan ng Rome. Ano ang kahalagahan ng pag-unlad ng panitikan sa kasaysayan ng Rome?
  51. 51. 160 Mula sa Dinastiyang Julio-Claudian Pinuno Nagawa Tiberius (14-37 C.E.) Magaling na administrador si Tiberius bagama’t isang diktador. Caligula (37-41 C.E.) Nilustay niya ang pera ng imperyo sa maluluhong kasayahan at palabas tulad ng labanan ng mga gladiator. May sakit sa isip si Caligula at iniisip niyang siya ay isang gladiator. Claudius (41-54 C.E.) Nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo ng mga batikang administrador. Nero( 54-68 C.E.) Ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan, kabilang ang kanyang sariling ina at asawa. Inakusahan siya ng panununog sa Rome at natutuwa pa siya diumano habang ginagawa ito. Mula sa Dinastiyang Flavian Pinuno Nagawa Vespasian (69-79 C.E.) Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos na patakarang pananalapi at pagtatayo ng imprastrukturang tulad ng Mga Emperador Pagkatapos ni Augustus Namatay si Augustus noong 14 C.E. Ang Titulong imperator o emperador ay iginawad ng Senate kay Tiberius napinili ni Augustus na humalili sa kanya. Mula sa pag-upo ni Tiberius bilang emperador hanggang sa katapusan ng imperyo noong 476 C.E., ang Rome ay nagkaroon ng iba’tibang uri ng emperador.
  52. 52. 161 pampublikong paliguan at amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator. Ang Limang Mahuhusay na Emperador Pinuno Nagawa Nerva (96-98 C.E.) Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva at ang kinitang interes ay inilaan niya para tustusan ang mga ulila. Trajan (98-117 C.E.) Sa panahon ng pamumuno ni Trajan, narating ng imperyo ang pinakamalawak nitong hangganan. Hadrian( 117-138 C.E.) Patakaran ni Hadrian na palakasin ang mga hangganan at lalawigan ng imperyo. Antoninus Pius (138-161 C.E.) Ipinagbawal ni Antoninus Pius ang pagpapahirap sa mga Kristiyano. Marcus Aurelius (161-180 C.E.) Siya ay isang iskolar at manunulat. Itinaguyod niya ang pilosopiyang stoic. Binibigyang-diin ng pilosopiyang ito ang paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal na kalooban (divine will). Hango ang teksto sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 134-137. Ano ang kahalagahan ng isang mabuting pinuno sa pagpapanatili ng isang imperyo?
  53. 53. 162 Gawain 17. Rome… Sa Isang Tingin Panuto: Ibuod ang mga pangyayari kaugnay ng paglakas at paghina ng hirap sa pamamagitan ng pagpupuno ng impormasyon sa chart. Sanhi Bunga Naging malakas na imperyo ang Rome sa Mediterranean. Humina at unti-unting bumagsak ang imperyong Roman. Bakit maituturing na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnan ng mga Roman ? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________________________
  54. 54. 163 Gawain 18. Pagsulat ng Sanaysay. Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang Greece at Rome. Suriin din ang impluwensiya ng dalawang kabihasnang ito sa daigdig. Gawain 19: I-R-F CHART Panuto: Isulat sa bahaging “revised” ang sagot sa tanong na nasa loob ng kahon. BINABATI KITA! Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 1. Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan? Upang mapalalim pang lalo ang iyong kaalaman tungkol sa Panahong Klasikal sa Europe, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na bahagi ng modyul na ito. INITIAL REVISED FINAL
  55. 55. 164 PAGNILAYAN AT UNAWAIN Gawain 20. E-Postcard Panuto: Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin ang format. I-upload sa napiling social networking site ang nagawang E-postcard. Gawain 21. I-R-F Chart Panuto: Muling sagutin ang tanong sa kahon. Isulat sa bahaging “final” ang iyong sagot. Sa bahaging ito, inaasahang higit mong mapalalalim ang iyong kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng kritikal na pagsusuri sa mga impluwensiya ng Kabihasnang Klasikal sa Europe tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Larawan Impormasyon Kahalagahan sa kasalukuyan.
  56. 56. 165 BINABATI KITA! Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain sa araling ito. p Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan? Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga pangyayari na nagbigay-daan pagsibol, pag- unlad at pagbagsak ng mga klasikal na Kabihasnan sa Europe. Ang mga aral na iyong natutunan mula sa araling ito ay magagamit mo upang maunawaan ang mga susunod na aralin at sa kabuuan ay pag-unawa sa mga pangyayari sa Kasaysayan ng Daigdig at ang kahalagahan ng mga ito sa kasalukuyan. Magagamit mo ang mga aral ng kasaysayan ng mga Klasikal na Kabihasnang European sa susunod na aralin. Magsisilbi rin itong gabay upang maunawaan mo at masuri ang kahalagahan ng kasaysayan ng daigdig sa kasalukuyan. INITIAL REVISED FINAL
  57. 57. 166
  58. 58. 167 ARALIN2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America, Ang Africa? At ang mga Pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol sa mga lugar na ito? Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nit at sa pamumuhay ng kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang naitatag sa mga kontinenteng ito. Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan.
  59. 59. 168 ALAMIN Gawain 1. ImbestigaSaysayan Panuto: Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag na arkitektura na ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang isang imbestigador, suriin ang sumusunod na arkitektura sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong. Natutuhan mo sa nakaraang aralin tungkol sa pagkakatatag at mga kontribusyon ng Kabihasnang Greek at Roman sa mundo. Tatalakayin naman sa susunod na aralin ang pagkakatatag ng mga kabihasnan at imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Bilang panimula, sagutin ang mga gawain sa bahaging Alamin. Ilarawan ang disenyo http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg Bakit ipinagawa? 1 2 Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga gumawa? 3 Ilarawan ang disenyo 1 Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga gumawa? 3 Bakit ipinagawa? 2
  60. 60. 169 Gawain 2.Ang Aking Paglalakbay.Simulan mo ang iyong paglalakbay sa araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa loob ng kahon. Isulat mo sa bahaging “Simula” ang iyong sagot. Samantala, ang bahagi ng “Kalagitnaan” at “Katapusan” ay sasagutan mo sa iba pang bahagi ng araling ito. BINABATI KITA! Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin. Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan? Simula Kalagitnaan Katapusan Sa pamamagitan ng pagtutupad sa iba’t ibang gawain sa modyul na ito, higit na madaragdagan ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa.
  61. 61. 170 PAUNLARIN Gawain 3.Sulyap sa Nakaraan.Suriin ang timeline tungkol sa pagkakatatag ng iba’t ibang kabihasnan sa daigdig mula 3000 B.C.E. hanggang 500 C.E. Pagkatapos na masuri, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Sa bahaging ito, inaasahang maiisa-isa mo ang mga kontribusyon at impluwensiya ng kabihasnang Klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa Pacific sa daigdig. Inaasahan ring masusuri mo ang kahalagahan ng mga kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon. Sikaping suriin ang nilalaman ng bahaging ito ng aralin at sagutin ang mga gawain upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman sa paksa. Simulan na! Kung ito ang nagaganap sa mga nabanggit na bansa at kontinente, paano naman kaya namuhay ang mga tao sa kontinente ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific? Ang mga pangyayari na makikita sa timeline ay natalakay na sa mga nakaraaang aralin. Makikita dito ang pag-unlad ng kabihasnan sa iba’t ibang lugar sa daigdig mula 3000 B.C.E. hanggang 500 C.E. Gabay na tanong: 1. Kailan umusbong ang mga kabihasnan sa Mesopotamia, Africa, China at India? 2. Anong mga lungsod ang naitatag sa Kanlurang Asya noong 3000 B.C.E.? 3. Batay sa timeline, alin ang mas naunang umunlad, ang kabihasnan sa Mediterranean o sa America? Ipaliwanag. 4. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa pag-usbong ng mga kabihasnan sa daigdig?
  62. 62. 171 Mesopotamia at Persia Egypt Africa Mediterranean Lands of Europe Northern Europe Western Asia India China America 3000 B.C.E. - Pag-unlad ng agrikultura - Pag-usbong ng Sumer - Naimbento ang Cuneiform at paggamit ng gulong - Pag-unlad ng agrikultura Paggawa ng palayok - Naimbento ang Hieroglyphics OLD KINGDOM Mga guhit sa bato sa gitnang Sahara na nagpapakita ng tao Pagtayo ng mga batong monument sa Malta SINAUNANG PANAHON NG MINOAN sa Crete Pagtayo ng mga batong monu- mento sa hilaga at timog Europe Mga unang magsasaka. Mga unang siyudad ng Jericho at Catal Huyuk Pag-usbong ng kabihasnang Indus Mga unang magsasaka Pagtatanim ng Maize 2500 B.C.E. Pamumuno ni Sargon g Akkad Pagtatayo ng mga pyramid Pagdating ng mga Assyrian upang makipagkalakalan Pagtatag sa siyudad ng Mohenjo-Daro at Harappa 2000 B.C.E. - Pag-usbong ng Babylon - Pamumuno ni Haring Hammurabi - Pag-usbong ng Assyria - MIDDLE KINGDOM - Pananakop ng Nubia - Pananakop ng Hyksos GITNANG PANAHON NG MINOAN HULING PANAHON NG MINOAN Paglakas ng Mycenean Pagtatag ng Stone- henge Paggawa ng kagami- tang bronze Pagdating ng mga Hittites sa Anatolia Pagbasak ng kabihasnan sa Indus Pagdating ng mga dayuhang Aryan 1500 B.C.E. Ang pamumuno ng Mitanni sa hilagang Mesopotamia - NEW KINGDOM - Pamumuno ng mga warrior- pharaoh - Queen Hatshepsut Pagbagsak ng Crete Pagwasak sa Knossos Paglakas ng Imperyong HITTITE - Pag-unlad ng Sistemang Caste - Pag-unlad ng relihiyong Hinduismo SHANG DYNASTY Naimbento ang sistema ng pagsulat Pigura 2.1. Timeline ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig (3000 B.C.E. – 500 C.E.)
  63. 63. 172 -Tutankhamun 1000 B.C.E. Pag-usbong at pagbagsak ng Imperyong Assyria Unti-unting pagbagsak ng kabihasnan Pananakop ng Assyrian at Kushite Pagsimula ng Kaharian ng Kush Pagtatag ng Carthage - Pagbagsak ng Mycenean -Pagdating ng mga Dorian sa Greece - DARK AGES sa Greece - Ang mga Etruscan sa Hilagang Italy - Ang pagtatag ng - Rome 753 B.C.E. - Pag-unlad ng mga lungsod- estado sa Greece Pandara- yuhan ng mga Celts sa iba’t ibang bahagi ng Europe Pagdating ng mga Israelite sa Canaan Pamumuno nina Haring David at Haring Solomon sa Israel Pananakop ni Alexander the Great sa Eastern Mediterranean - Pagsulat ng Vedas (religious writings) - Isinilang si Gautama (Buddha) DINASITI- YANG CHOU Isinilang si Confucius Ang pag- usbong ng mga Olmec sa Mexico 500 B.C.E. Ang PERSIAN EMPIRE sa kaniyang kalakasan Pananakop ni Alexander the Great kung saan naisama ang sa kaniyang teritoryo ang Persian Empire - Pananakop ng Imperyong Persia, pananakop ni Alexander the Great - Pamumuno ng mga Ptolemies - Pamumuno ni Cleopatra - Pananakop ng Imperyong Roman Digmaang Punic sa Pagitan ng Carthage at Rome Natalo at nasakop ng Carthage ang teritoryo ng Imperyong Rome sa Hilagang Africa - Digmaang Persian sa pagitan ng Greeks a Persians - Pagiging makapangyarihan ng lungsod-estado ng Athens - Digmaang Peloponnesian - Pamumuno ni Alexander the Great Pag-usbong ng Rome Panana- kop ng mga Roman sa malaking bahagi ng Hilagang Europe Pananakop ng mga Roman Paglunsad ng tangkang pananakop ni Alexander sa India - Panahon ng warring states - Pag-iisa ng China sa ilalim ni Shih Huang Ti - Itinayo ang Great Wall - CHI’IN DYNASTY - HAN DYNASTY Naimbento ang papel Pag-usbong ng mga Maya
  64. 64. 173 Gawain 4.Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Maya. Mga Kabihasnan sa Mesoamerica Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.) Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E. Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul. Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad rin ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.
  65. 65. 174 Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid. . Mapa. 2.1 Lokasyon ng Kabihasnang Maya 1. Ano-anong lungsod ang makikita sa timog na bahagi ng Yucatan Peninsula? 2. Paano nakipagkalakalan ang mga Maya sa iba pang bahagi ng Mesoamerica? Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan. Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach uinic o “tunay na lalaki” ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.
  66. 66. 175 Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito. Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450. Kasingtulad ng pyramid ang estrukturang ito. Subalit, mapapansin, na ang itaas na bahagi nito ay patag. Sa loob nito ay may altar kung saan isinasagawa ang pag-aalay. Ipinagawa ang templo upang pagdausan ng mga seremonyang panrelihiyon. Ito ay parangal para kay Kukulcan, ang tinaguriang “God of the Feathered Serpent” Gawa ang pyramid mula sa malalaking bato. Mayroon itong apat na panig na may mahabang hagdan. Ang pyramid na ito ay patunay ng mataas na kaalaman ng mga Mayan sa arkitektura, inhenyeriya, at matematika. Larawan 2.1 ang Pyramid of Kukulcan

×