SCRIPT OF GROUP 4Characters:   - Nena – Ra Hyun   - Neneng – Moira   - Chayong - Ily   - Miguel – Joash   - Isko – Sean   ...
*Pagmamasdan ang kanyang anak na nakahiga sa kama, mahimbing ang tulog.*Narrator: Si Chayong nama’y lagi nang naliligo sa ...
pagsunod sa mga ligayang sangla ng panahon, ay parang asong napawi buhat pa samapanglaw na pagkakabilanggo na siyang nagpa...
*Dahan-dahan na na binuksan ni Narciso ang pinto.**Makikita niya si Chayong, umiiyak. Nilapitan niya si Chayong at hinihim...
Narrator: Ito ay si Chayong at yaon ang pinaglilibingan kay Miguel.Kabanata 32 – Ano ang mayroon sa akin?SCENE 1Tagpuan: B...
*Nasa may harap ng hagdan ang dalawang dilag.**Nagtatawanan/nag-uusap ang dalawa.**Naglalakad palapit kayla Nena si Pepe k...
SCENE 4Tagpuan: Bahay nila Ale*Pumanik si Nena at kumatok sa bahay. Sumunod si Neneng.**Binuksan ni Ale ang pintuan at nag...
*Walang imik si Ale at sabay sinabi kay Nena:*Ale: Eh siya, Nena, paroon na kayo at ako’y susunod na rin. Pati itong taga-...
*Magyayakapan ang dalawa at ngingiti sa isa’t isa.**Masaya sila nakisali sa mga tugtugan at kantahan at laging nakangiti.*...
*Kumatok si Narciso sa pinto, binuksan ni Chayong ang pinto.**Umupo sila sa may sala at nagkwentuhan.*Narrator: Hanggang t...
Narciso: Hindi.*Haharap kay Narciso.*Chayong: Kung hindi ay huwag kang umalis at pairugan mo ako minsan.Narciso: Masarap s...
Narciso: Tunay, Neneng, maniwala ka.Neneng: Ay bakit ka nagabihang lubha?Narciso: May mga kailangan akong hindi maiwan aga...
Neneng: Doon ka pala naluwatan kay Chayong, ay bakit hindi mo masabi sa akin kunganu-ano pa ang dinadahilan mo kaya ka nag...
*Pinahid ni Neneng ang luha at saka lumabas ng kwarto.**Tumingin si Narciso at Neneng sa kapatid ni Neneng.*Kapatid: Tayo’...
*Nilabas niya ng kwarto ang bata, pinapatahan.**Lalabas sa kwarto ang ama niya.*Ama ni Chayong: Ano ba yan? Chayong naman ...
*Kakatok si Narciso sa pintuan.**Sisilip si Neneng sa pinto, isasara niya ito agad.**Sasandal si at mapapaluha si Neneng.*...
*Hahawakan din ni Neneng ang kamay ni Narciso.*Narciso: Nagkulang ako ng pagtatapat sa iyo. Sa akin?Neneng: Yao’y nakaraan...
*Magkakatinginan ang dalawa sa mata.**Mapapangiti ang dalawa at magyayakapan.*Narrator: Makalipas ang masigabong tuwa ng d...
Tao 2: Huwag ka, at ang wari ko nga naman kay Nena ay may nailihim na ugali.Tao 1: How! Maanong magtahan ka niyan. Lumalam...
Narrator: Ito ang nangyayari sa kanilang pag-uusap ng buhay ng may buhay at diang mga gawang pakikinabangan ang siyang har...
*Nakita ni Isko sila Deon a naglalakad sa gilid.**Pinuntahan niya si Deo at may ibinulong sakanya.*Deogracias: Nena, pahir...
Neneng: Nabasa ko na, eh.Narciso: Itago mo.*Isinasauli ni Narciso kay Neneng ang sulat.*Neneng: Ikaw ang magtago kung ibig...
Tagpuan: Bahay nila Neneng*Kumatok sa pinto si Narciso.**Pinatuloy ni Neneng si Narciso.**Umupo sila sa may sala.*Narciso:...
Narciso: Sino pa, ay ako lamang ang alila mo.*Mapapangiti si Neneng at lalapit kay Narciso.*Neneng: Pabyaan mo’t iilan nan...
*Dumungaw sila Chayong at ang kanyang ama sa bintana at nakita nila ang kanilangkamag-anak.**Sinalubong ng ama ang mga kam...
*Lalong nag-init ang ulo ng ama niya.*Ama: Lumayas ka rito!Chayong: Tay!Ama: Ika’y lalayas o papatayin kita?*Umiiyak si Ch...
Neneng: Paano nga ba naman, Kuyang, ay sa pinalalayas siya at papatayin daw kunghindi aalis.Pepe: How, ganoon lamang iyon....
Chayong: Sayang na lalaki ito at di ko naging palad.*Pumasok si Neneng.*Neneng: Halina Chayong, Narciso. Hahapon na tayo.N...
*Iiling si Deogracias pagka bulong ni Nena.*Isko: Magandang gabi po sa kanila.Nena: Magandang gabi po.Deogracias: Magtuloy...
Isko: Baka naman hindi ikakasal. May katipan, kung sakali man; ngunit ikasal siNeneng! Iyan ang masungit na balita. Diyata...
kakaunti pagka’t iisa-isang anak na nag-mana, ay unti-unting natuto sa walanglikat na kasusugal. Ang mga lupng pag-aari ay...
Chayong: Dapat mo akong ipagtanim.Nena: Nagtataka ako sa iyong mga bigkas. Ano’t ipagtanim kita? Namamali kaChayong, pagka...
Deogracias: Wala pong sukat ikabago. Ang masasabi ko’y kung sasama nga si AlingChayong ay dapat tumaba sa mabuting singaw ...
Tagpuan: Labas ng bahay nila NenengNarrator: Araw ng Linggo. Pagkaumaga na’y naggayakan ang mag-asawang Nena at angbagong ...
Neneng: Opo, ito ang aking naging asawa.*Itinuro si Narciso.*Anday: Kahimanawari, ay manatili kayo sa matamis na pagsusunu...
*Nilapitan niya si Isko na nakaupo lang sa sala.*Deogracias: Ano ba ang sadya mo at napaligaw ka na naman dito sa amin?Isk...
Isko: Iyong may nunal sa pisngi na mapungay ang mata at balingkinitan angkatawan. Hindi mo ba nakita roon?Katulong: Ah, na...
*Nagulat si Neneng.*Neneng: Magandng hapon po.Isko: Maitutulot po ba ninyo ang pagtanggap sa akin?Neneng: Kami po’y suno l...
Narrator: Sa kahabaan ng oras na itinagal ni Isko ay nagkapanahon din sasandaling pakikipag-usap kay Neneng, ngunit bahagy...
*Napahinto at natanga si Isko.*Isko: Di na ko magsusugal mula ngayon. Nakilala ko na ang malaking kasamaan ngbisyo. Magpap...
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Filipino script (nena at neneng)

21,814

Published on

Ito na po yung kumpletong script. Na-check na ni Ma'am Naag 'to. Print niyo nalang para may kopya kayo. Salamat.

2 Comments
5 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total Views
21,814
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
214
Comments
2
Likes
5
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Transcript of "Filipino script (nena at neneng)"

  1. 1. SCRIPT OF GROUP 4Characters: - Nena – Ra Hyun - Neneng – Moira - Chayong - Ily - Miguel – Joash - Isko – Sean - Deogracias – Karl - Narciso – Gab - Tita ni Narciso/Narrator - JanineKabanata 31 – Ang malupit na kamatayanSCENE 1Tagpuan: Bilanggo*Ipapakita ang mga selda at saka titigil sa sedla ni Miguel.*Narrator: Sa gitna ng mga kapighatiang nagpapasakit sa buhay ni Miguel sapagkakabilanggo at ang mga hirap na pinagdaranasan ng malamlam niyang palad, nakung pinagtatamanan ma’y di rin matuklasan ang matamis na pakiiayon, at ito’ysiyang lalong nagpapabigat ng gayong pagkapiit, ay waring unti-unting ikinauubosng kanyang buhay na parang nakikitang bibigyang-wakas ng gayong mga sakit.*Nakahiga si Miguel sa kama niya. May nakalagay na pagkain sa dulo ng kama.**Nanghihina si Miguel: susubukang tumayo ni Miguel mula sa kama pero mapapahigasiya.**Hindi makakain: itatapon/ibabato niya yung pagkain.*Narrator: Walang nagawa ang dunong ng manggagamot sa mabigat na lagay ng binatana unti-unting ilinalalapit sa hukay ng gayong malubhang pagkakasakit. Ano kayaang loob niya, ngayong mamamatay ay di pa nakikita man lamang ang kanyang anak?At si Chayong, ano naman ang iniisip nang mabalitaang mabigat ang lagay niMiguel? Ay, kalumbay-lumbay na mga gunita ang nakatitigib sa kanilang mga puso!Mamamatay si Miguel sa hirap ng loob at paghihinakit sa sariling palad.*Susubukang umupo sa gilid ng kama si Miguel.**Susubukan niyang tumayo. Nanginginig.**Lalakad ng 2 hakbang ta’s mapapaluhod.**Hahawak siya sa ulo niya gamit ang dalawang kamay ta’s titingala sabay sigawng:*Miguel: Anak ko… NASAN NA ANG ANAK KO?!Tagpuan: Kwarto ni Chayong*Nakadungaw sa bintana si Chayong, umiiyak.**Mapapatigil sandal si Chayong, pupunasan niya ang kanyang mga luha.*
  2. 2. *Pagmamasdan ang kanyang anak na nakahiga sa kama, mahimbing ang tulog.*Narrator: Si Chayong nama’y lagi nang naliligo sa tunay rin niyang mga luha, atsa tuwing pagmamasdan ang walang-malay niyang sanggol kung pinasususo, ay kunganu-anong malungkot na taguri ang iniaalo na siyang lalong nagpapalala ng kanyangmga kalumbayan. Madalas balakin ang silang mag-ina’y dumalaw sa San Juan de Diosna kinalalagyan ni Miguel, ngunit hindi malingat ang ama’t ina na lagingtumataliba sa kanya.*Kukunin ni Chayong ang anak at pupunta sa may pinto ng kwarto.**Sisilip sila sa may pinto: makikita niya ang kanyang mga magulang sa nakaupo sasala.*Ama: Kung ang iyong nasa isipan ay bisitahin si Miguel, huwag ka nang umasa naika’y aming papayagan, Chayong.*Lalaki ang mga mata ni Chayong at isasara ang pinto kaagad.**Uupo siya sa may gilid ng kama, hinehele ang kanyang anak. Malungkot atnapapaluha.*Chayong: Ba’t ganun na lamang ang trato sa akin ng aking mga magulang?!SCENE 2Tagpuan: Kuwarto ni Miguel sa hospital (gabi)*Ipapakita ang ―San Juan de Dios.‖**Ipapakita ang loob ng ospital. Tas titigil sa pinto ng kwarto ni Miguel.**Ipapakita ang loob ng kwarto ni Miguel: pinupunasan ng nurs ang braso at kamayni Miguel.*Magbubuntong hininga si Miguel, medyo nanginginig. Maputla ang kulay ni Miguel.Titingin sa may nurs at ngingiti. Ngingiti din yung nurs kay Miguel.**Papasok ang pari sa kwarto. At lalapit kay Miguel.*Pari: Kapatid ko, pakiayunan mo ang kalooban ng Langit at tanggapin nang buonglugod ang kamatayang kinabibingitan ng iyong buhay. Pagsisihan mong masakit angiyong mga salang ginawa at din a malalao’y haharap ka sa Kataas-taasan atdakilang hukuman ng Panginoong Diyos. Ariin mong aliw ang pag-asang sa Kanyangpagkamaawain at patawarin ang lahat mong mga kaaway na tumampalasan sa iyo atnang siya mong ipagkamit patawad sa harap ng dakilang Hukom na sa iyo’y hahatol!Sasandali na ang iyong buhay; pakalimut-limutin mo ang dilang bagay ng mundo nasapilitang lilisanin ngayon.*Naghihingalo si Miguel, nanginginig.*Nurse:Jesus Maria y Josep!*Hihinga ng malalim si Miguel ng tatlong beses at unting-unting mapapapikit.*Narrator: At ang kamatayang hangganan ng lahat ay di napagpapahamakan ng kanyangipinagmamalaking buhay nang malakas pa. Ang labis na pagpapalayaw at likong
  3. 3. pagsunod sa mga ligayang sangla ng panahon, ay parang asong napawi buhat pa samapanglaw na pagkakabilanggo na siyang nagpadali sa kanyang buhay. Anino manlamang ng mga kaligayahang tinatamasa ay di nakalibang at nakapagpalubag samababangis na sakit. Ngayo’y malamig nang bangkay ang katawan niyang lagingnagpapasasa sa mga ligaya ng mundo at walang nagwagi kundi ang mapait nakamatayan.SCENE 3Tagpuan: Kalsada*Naglalakad si Narciso sa may gilid ng daan.**May lalapit sakanya na isang lalaki at may ibinulong.**Nagulat si Narciso at sabay takbo.**Pumunta siya sa bahay nila Chayong. Hinihingal.*Tagpuan: Bahay nila Chayong (sa labas)Narciso: Chayong!Chayong: Oh bakit Narciso? Ano ang iyong sadya at naparito ka?Narciso: Ako’y may masamang balita, Chayong.Chayong: Ano iyon?Narciso: Ang iyong kasing na si Miguel, patay na!Chayong: Ano?!Tagpuan: Bahay ni Chayong (sa loob)*Tumakbo sa kwarto si Chayong at agad na kinuha ang ana, napapaluha si Chayong.**Binuksan ni Chayong ang pinto ng bahay, lumuluha siya.**Agad-agad na lumabas si Chayong at sinundan si Narciso. Dali-dali silangnaglalakad sa may gilid ng daanan.*Tagpuan: Ospital (kwarto ni Miguel)*Bubuksan ni Chayong ang pinto ng kwarto, dahan-dahan.**Lumuluha si Chayong at parang takot na sinabi ang:*Chayong: MIGUEL?*Makikita niya si Miguel sa kama, nakatakip na ng putting tela ang buongkatawan.**Tumakbo papalapit kay Miguel si Chayong. Ibababa niya ang kanyang anak sa maydulo ng kama at yayakapin niya si Miguel.*Chayong: MIGUEL!!! MIGUEL!!
  4. 4. *Dahan-dahan na na binuksan ni Narciso ang pinto.**Makikita niya si Chayong, umiiyak. Nilapitan niya si Chayong at hinihimas anglikod, pinapatahan.*Narciso: Chayong! Ika’y kumalma! Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo. Maupo kamuna at kakausapin ko ang doktor.*Umiiyak parin si Chayong.**Lumabas ng kwarto si Narciso para kausapin ang doktor.**Nasa labas lang ang doktor nakaupo.**Sinara ni Narciso ang pinto at saka tumayo ang doktor.*Narciso: Doktor, maaari ba namin makuha na ang bangkay?Doktor: Hindi maaari.Narciso: Bakit naman?!Doktor: Dahil may mga pinunong dapat magpasiya sa gayong namamatay na di panatatapos ang panahon sa pagkakabilanggo.Narciso: Doktor, ako’y pagbigyan ninyo na! Iyan nalamang ang aking hangad.Doktor: Ako’y pagpasensyahan niyo na. Ngunit hindi talaga maaari.*Dahan-dahan na papasok si Narciso sa kwarto, nakayuko.**Tumayo si Chayong ai titignan si Narciso, pinahid ang luha niya.**Tumingin si Narciso kay Chayong, umiling.**Uupo si Chayong sa upuan at mapapaluha ulit.**Mapapasintok si Narciso sa pader at yuyuko, lumuluha.*Narrator: Ang kumukutob sa loob ay di na muling makikita, at di na namanmababalitaan man lamang kung kailan at kung paano ang gagawing paglilibing. Kungmadilidili, ay halos ipagkabuhol ng kanyang hininga; datapwa’t sa anuma’ysapilitang ipakikiayon ang kanilang mga loob, at sukat ang pagtitiis na siya nalamang kinakailangan upang makagamot sa kanilang mga hirap.*Unti-unting titigil sa pag-iyak si Chayong, pupunasan niya ang kanyang mga luha.Magbubuntung hininga si Chayong at malungkot na pagmamasdan ang anak nanatutulog.**Kukunin ni Chayong ang kanyang anak at lalapit kay Miguel. Ilalagay ni Chayongang ulo ng kanyang anak sa dibdib ni Miguel, mapapaluha muli si Chayong. *SCENE 4Tagpuan: Sementaryo*Kalong-kalong ni Chayong ang kanyang anak.*
  5. 5. Narrator: Ito ay si Chayong at yaon ang pinaglilibingan kay Miguel.Kabanata 32 – Ano ang mayroon sa akin?SCENE 1Tagpuan: Bahay nila Nena (sa may lamesa/loob/sala)*May mga nagpapatugtog ng mga musika.*Narrator: Sa isa sa mga bahay na malapit sa simabahan ng baying B, ng lalawigangBulacan, ay di magkamayaw isang umaga ang mga tugtugan, awitan, at sari-saringpagsasaya na anaki’y nagpapatibay ng isang maligayang nangyari na kanilangipinagdiriwang sa raw na yaon.*Masaya lahat ng tayo.**May mga nagsasayawan, kantahan.**May mga taong papasok sa bahay, may dala-dalang pagkain.**Magbabatian ang bawat isa.**Pumasok si Neneng.*Nena: Neneng!*Lalapitan ni Neneng si Nena sa may sala ay umupo.*Neneng: Si Deogracias?Nena: Darating na; sinundo lamang ang kanyang ale.Neneng: Bakit, wala ba riyan ang Tiya Anday mo?Nena: Nariyan, halina nga muna at saka ka na magtatanong.Neneng: Oo, eh sinong ale ang sinundo ni Deogracias, at wala rito?Nena: Ang kapatid ng kanyang ama, na diumano’y ayaw raw pumurito at walang gustosa akin.Neneng: At bakit ayaw?*Bubugtong hininga si Nena.*Nena: Aywan ko ba sakanya.Neneng: Eh paano, ayaw pala sa iyo ang ale ni Deogracias.Nena: Ano ang mayroon sa akin? Kung ganito bang kasal na kami eh, may magagawa pasiya?SCENE 2Tagpuan: Bahay nila Nena (sa may hagdan)
  6. 6. *Nasa may harap ng hagdan ang dalawang dilag.**Nagtatawanan/nag-uusap ang dalawa.**Naglalakad palapit kayla Nena si Pepe kasama ang kanyang mga anak.**Gumilid ang dalawang dilag. Pumanik sila Pepe. Sumunod na pumanik sila Nena.**Papalapit si Deo sakanila, nakita siya ni Nena.**Tumigil sandali ang dalawa sa pagpanik.*Nena: Hindi mo ba nasundo?Deogracias: Ayaw sumama kung hindi paroroon at ikaw raw ang hinihintay na sumundosakanya.*Bumaba sila at pinuntahan si Deo.*Neneng: Siya nga naman, Nena, pagkat ikaw na ngayon ang dapat gumawa ng tungkulinni Deogracias.Nena: Kung sasama ka’y paroroon ako. Sasama ka ba?Neneng: Oo, ngunit baka…Nena: Baka ano?Neneng: Baka hindi maging mabuti sa ale ni Deogracias ang ako’y makasama mo.Nena: Bakit ba naman! Halina kung ibig mong sumama.*Hinila ni Nena si Neneng at pumanik sa loob ng bahay.**Sumunod lang si Deo sakanila.**Hinahanap nila si Pepe. Nakaupo lang si Pepe sa may sala.**Pumunta si Nena kay Pepe.*Nena: Maaari ninyo po bang payagan si Neneng na sumama sa akin?Pepe: Mhmm…*Tumingin ang dalawang dilag sa isa’t isa at tuwang tuwa.*SCENE 3Tagpuan: Bahay nila Nena*Nag-ayos ng sarili ang dalawang dilag at saka lumabas ng bahay.**May dalang payong si Neneng. Dito sumilong ang dalawa.**Ngumiti sila sa isa’t isa at saka naglakad alis.*
  7. 7. SCENE 4Tagpuan: Bahay nila Ale*Pumanik si Nena at kumatok sa bahay. Sumunod si Neneng.**Binuksan ni Ale ang pintuan at nagulat sa kanyang nakita.**Gumilid si Ale at pumasok si Nena.**Umupo si Ale sa sala.**Tumingin si Nena kay Neneng at pumasok si Neneng sa bahay. Tumayo lang siya maygilid ng pintuan.**Lumuhod at yumuko si Nena sa harap ni Ale.**Tumingin si Ale kay Neneng tapos kay Nena at napilitang bindisyunan si Nena.**Umupo si Nena.**Hinawakan ni Nena ang kamay ni Ale.*Nena: Kayo na po ngayon ang aking magulang, at dahil doo’y umaasang di ninyohahapisin.*Nagulat at tinignan ni Ale ang kanyang kamay at hinatak ito palayo sabay talikodkay Nena.*Ale: Bakit, ano ba ang ibig mo sa akin ngayon?Nena: Pairugan ninyo kami ni Deogracias na saluhan.Ale: Huwag na, at di naman ako kailangan sa inyong piging. Salamat sa inyonganyaya.Nena: Halina po at pagbigyan ninyong lugod ang aking pakiusap at pagkaratingdito.*Haharap si Ale kay Nena.*Ale: Para nang nangyari, wala naman ako roo’y kasal na rin kayo. Paroon ka na atbaka naiinip ang iyong kasama.Neneng: Hindi po, at di salamat kung maitulong ko man lamang kay Nena sapakikiusap sa inyo ang aking paghihintay.*Titignan ni Ale si Neneng.*Ale: Sa akin ba kayo naghihintay o sa kanya?Neneng: Sa kanya po at sa inyo, kung ibig kaming paayunan.Ale: Sa ano po?Neneng: Sa pakiusap sa inyo ni Nena, na sila’y inyong saluhan.
  8. 8. *Walang imik si Ale at sabay sinabi kay Nena:*Ale: Eh siya, Nena, paroon na kayo at ako’y susunod na rin. Pati itong taga-Maynila eh inabala mo pa sa pagparito.Neneng: Wala po kayong dapat alalahanin. Si Nena’y para kong tunay na kapatid nadinaramayan sa lahat ng hirap, kaya po ang palagay ko’y kung hihiyain ninyo siya,ay kasama rin akong makikipagdamdam.Ale: Alang-alang sa inyo’y paroroon ako, at di kayo mahihiya.Neneng: Marami pong salamat, ngunit tila naman kaawa-awa ang aking kaibigan.Ale: Bakit naman?Neneng: Dahil sa kung hindi ako ay hindi kayo sasama.Ale: Mangyari po’y mapagmalaki ang batang iyan sa akin.Neneng: Baka po nahihiya lamang noong araw sa inyo.Ale: Talaga pong malaking tao iyan.*Tumayo si Ale at umalis, papuntang kwarto.*Neneng: Ngayon po nama’y para na ninyo siyang anak eh, di inyo nang ipatawad angkanyang naging sala.*Napatigil si Ale sandali, di kumibo at tumuloy pumunta ng kwarto.**Umupo si Ale sa gilid ng kama at napaluha.*Narrator: Di na kumibo ang matanda, nangingilid ang luhang pumasok sa silid atwaring na hahabag sa manugang na kaputok ma’y di sumagot sa kanyang pagsasalita.*Lumas mula sa kwarto si Ale, nakabihis. At kinawit ang kamay kay Nena.*Ale: Halina nga lamang, kung hindi itong kaibigan mong taga-Maynila, ay hindi akomananaog ngayon.Neneng: Salamat po.SCENE 5Tagpuan: Bahay nila Ale*Sabay sabay silang tatlo na naglakad pabalik sa bahay nila Nena.**Pumasok ng bahay silang tatlo.**May mga nagkakantahan, kainan, nagtutugtugan.**Umupo sa may sala ang tatlo.**May nagtugtog ng kundiman.**Pagkatapos ng kundiman, napaluha sila Nena at Neneng.*
  9. 9. *Magyayakapan ang dalawa at ngingiti sa isa’t isa.**Masaya sila nakisali sa mga tugtugan at kantahan at laging nakangiti.*Narrator: Ngayon ay si Nena at di malalao’y si Neneng naman ang kaipala’ytatangisan ng kanyang kaibigan sa pagpakakasal nila ni Narciso na halosnakabingit na sa araw. Nang mairaos ang mga kagandahang-loob na ipinamalas ng maypiging na tanang nagsidalong mga kaibigan, ay unti-unting nagsialis ang mgapanauhin. Nang dakong hapon, ay marami pa rin ang sa kanila’y nagbigay-gamabala,sa hangad na ipagdiwang ang kasal na ito ng tanang hindi nangakarating doon ngumaga, at ang hapunan naman at sayawan ang siyang pinakamithing mairaos sa gabi;anupa’t sinimot ng mga dayuhang ito pati ng panahong dapat na sanang ipagpahingang nangapapagal na maybahay. Sa di kawasa’y natapos nang hatinggabi na atnaghiwa-hiwalay ang lahat.*May mga taong aalis/magpapaalam.**May mga taong dadarating at babati.**Aalis/magpapaalam yung mga natirang tao. Lalabas sila Nena at Neneng, titinginsa langit at saka titingin sa isa’t isa, ngingiti at magyayakapan.*Kabanata 33 – Magkapatid tayoSCENE 1Tagpuan: Bahay nila Chayong (sa kwarto)*Titingin si Chayong sa labas/nakadungaw si Chayong sa bintana. Malungkot.**Mapapaluha si Chayong.**Mapapatigil sandali si Chayong at titingin sa kanyang anak.**Mapapangiti si Chayong*Narrator: Kay Chayong ay babahagya na ang dangal na itinuturing, kabilang ngisang pangarap ang buhay, at sa kanyang nakalulunos na palad ay halos wala nangpag-asa sa anumang ikalulugod. Anupa’t parang nagpapatangay na lamang sa balangidulot ng panahon, at sa alaala’y walang namamalagi kundi ng paghihintay ng isanghangganang magbibigay-wakas sa kanyang sakit: kamatayan; Datapawat ang disumasawang pagbaka sa ating mga puso ng mga parayang iginigiit ng mundo upangtayo’y mapipilang sumunod, ay kung ano’t muling napukaw sa kanyang gunita angmatatamis na araw na sa kanilang pagkikilala ni Narciso’y madalas niyang maginglangit. Yaong maligayang pagmamahalan nila, na kung naparawal ma’y mulingisinasauli ng panahon dahil sa maagang kamatayan ni Miguel, at ang bagay na ito’ymuling nagbigay-buhay sa kanyang nalantang puso at siya waring umaakit sa sarilina kanyang panghinayangan. Dahil doo’y unti-unting nayayari sa loob na siNarciso’y kanyang giliwin at di na liningon ang anumang agam-agam na isinasawayng kanilang kalagayang malalaking-malaki na ngayon ang kaibhan sa dati. SiNarciso, dahil sa malinis na loob ng pakikisama kay Chayong ay wala nang anumanghinagap na nagagawi sa mga panahong nakalipas, at kung nagmamahal man sa kanya’ypagmamahal na lamang ng isang tunay na kaptid.*Dumalaw isang araw si Narciso.*
  10. 10. *Kumatok si Narciso sa pinto, binuksan ni Chayong ang pinto.**Umupo sila sa may sala at nagkwentuhan.*Narrator: Hanggang tumagal ang kanilang pag-uusap, ay unti-unting natutunayan angkanyang panghihinuha sa mga bagong loob na nahihiwatigan, kayat...*Tumayo si Narciso.*Narciso: Ako’y aalis na*Tumayo si Chayong.*Chayong: Huwag kang umalisNarciso: Saka na ako paririto uli; may tutuparin akong malaking kailangan ngayon.*Pumunta sa may pinto si Narciso, papalabas.*Chayong: Sandali pa, Sochong, at may sasabihin ako; halika muna.*Tumigil sandali si Narciso. Nakatalikod.*Narciso: Ipayapa ang loob mo, at may kagamutan ang lahat ng bagay.Chayong: Wala na, Sochong, pagkat nagpapakalayu-layo ka na sa akin.*Haharap si Narciso kay Chayong.*Narciso: Hindi, at kaya ako naparito’y nang libangin kita.Chayong: Libangin! Ay! Naparito ka’t nang ako’y lalong pasakitan.Narciso: Di mo nakikilala ang katapatan kong loob sa’yo.Chayong: Tapat na loob mo iyang tila ka nayayamot sa akin.Narciso: Hindi, Chayong, at parang tunay na magkapatid tayo.*Tatalikod kay Narciso.*Chayong: Kung gayo’y huwag kang umalis at pagbigyang-loob mo ang aking pagpigil.Narciso: Magbabalik ako.Chayong: Kailan?Narciso: Bukas o sa makalawa.Chayong: Ibig kong makasalo kang humapon ngayon.Narciso: Sa iba nang araw at di ko maipagpapaliban ang kailangan ko ngayong gabi.Chayong: Hinihintay ka ba ni Neneng, at ganyan na ang iyong pagtanggi?*Tatalikod kay Chayong.*
  11. 11. Narciso: Hindi.*Haharap kay Narciso.*Chayong: Kung hindi ay huwag kang umalis at pairugan mo ako minsan.Narciso: Masarap sa akin ang anyaya mo, ngunit ipatawad ang aking pag-alis.Chayong: Kung minamasarap mo ang aking anyaya ay huwag mo akong hapisin.Narciso: Hindi kita hinahapis; nag-iingat akong magkulang sa ibang tao.Chayong: Sa akin ma’y magkukulang ka rin pag-alis mo.*Haharap kay Chayong at sabay aalis/lalabas ng bahay.*Narciso: Chayong, magkapatid tayo! At kung gayon din ang pagpapalagay mo sa akin,ay inaasahan kong ikaw ang makapagpaparaya at hindi ang iba. Ako’y aalis na.SCENE 2Tagpuan: Bahay nila Neneng (sala)*Nakadungaw si Neneng sa bintana at nakita si Narciso, naglalakad.**Nagmamadaling pumasok sa bahay si Narciso at umupo sa may sala.**Lumapit si Neneng kay Narciso.*Neneng: Malayo manding totoo ang iyong pinanggalingan.Narciso: Hindi. Bakit mo inisip ang gayon?Neneng: Mangyari eh, hating-gabi na.Narciso: Wala pang a las ocho.*Kinuha yung orasan at pinakita sa binibining kaharap.**Inilayo ni Neneng ang orasan.*Narciso: Anu-ano ba ang mga kasayahang idinaos sa kasal ni Nena?*Tatayo si Neneng at lalayo, patungo ng kwarto.*Neneng: Saka ko na sasabihin sa iyo. Sabihin mo muna sa akin kung saan kananggaling ngayon.Narciso: Sa bahay.Neneng: Sa bahay nga, at kanginong bahay?Narciso: Sa amin.*Tumigil si Neneng at humarap kay Narciso.*Neneng: Bulaan! Magpahinga ka nga.
  12. 12. Narciso: Tunay, Neneng, maniwala ka.Neneng: Ay bakit ka nagabihang lubha?Narciso: May mga kailangan akong hindi maiwan agad, at ang isa pa’y…*May kumatok sa pinto. Dumungaw si Neneng sa bintana.*Neneng: Si Chayong!*Sinalubong ni Neneng si Chayong.*Chayong: Gandang gabi, Neneng. May tao ka ba?Neneng: Oo, narini ang kumpare mo.Chayong: Oho!Neneng: Tuloy ka, Chayong. Ang anak mo?Chayong: Nasa bahay.Neneng: At bakit di mo isinama?Chayong: Hindi kailangan, pagkat uuwi rin ako agad.Neneng: Ano ba ang sadya mo at naglalamay ka’y dilim? Tuloy ka nga at maupo ka.Chayong: Huwag na, dinala ko lamang itong aking mga baro at ikaw ang inaasahankong mananahi...Neneng: Tuloy ka, tuloy ka, at nang Makita natin sa ilaw.Chayong: Kaya pala hindi ko mapigil-pigil kangina si Kumpare eh, paririto sa iyo,at ayaw pang sabihin ang totoo sa akin.*Nagulat si Chayong sa kanyang nakita.*SCENE 3Tagpuan: Bahay nila Neneng (sala)*Hindi kumibo si Narciso at napatingin kay Chayong.**Tumingin din si Chayong kay Narciso. May lungkot.**Napansin ni Neneng ang mga tingin nilang dalawa.**Lumapit si Neneng sa pagitan nila Chayong at Narciso.*Chayong: Ako’y mauuna na.*Nguniti ang sila Neneng at Narciso at hinatid si Chayong palabas ng pinto.**Sinara ni Neneng ang pinto at sabay tumingin kay Narciso, may galit.*
  13. 13. Neneng: Doon ka pala naluwatan kay Chayong, ay bakit hindi mo masabi sa akin kunganu-ano pa ang dinadahilan mo kaya ka nagabihan.Narciso: Hindi ako nagluwat doon pagkat talagang gabi na nang ako’y magdaan sakanila.Neneng: Gabi na pala eh, nagdaan ka pa. At bakit mo naman ilinilihim pa sa kanyaang iyong pagparito?Narciso: Ano pa ang kailangang sabihin ko ay talaga nang nalalaman?Neneng: At sa akin, bakit madalas mong ipagkaila ang iyong pagparoon?Narciso: Hindi ko ibig na may isipin ka na kanya at may ipagdamdam sa akin.Neneng: Hindi ako dapat mag-isip sa kanya. Tanging dinaramdam ko lamang ang iyongpaglilihim na di miminsan kong nasubukan sa iyo.Narciso: Ang paglilihim ko’y may matwid.Neneng: Alin?Narciso: Ang pagkakaalam kong mapaghinala ka ay nang huwag nang may panggalingan.Neneng: Hindi, Sochong, yamang akin nang ipinangako sa iyo na di kita pag-iisipan, ay wala kang anumang maririnig sa akin. Titiisin ko ang lahat nang dahilsa iyo.*Lumuluha si Neneng, papasok ng kanilang kwarto.**Sinundan ni Narciso si Neneng*Dahan-dahan binuksan ni Narciso ang pinto.*Narciso: Bakit ka umiiyak?*Nakaupo si Neneng sa gilid ng kama, nakatalikod kay Narciso.**Pinahid agad ni Neneng ang kanyang mga luha.*Neneng: Hindi, masakit lamang ang aking ulo kaya ako pumasok.Narciso: Mayroon kang hinanakit sa akin.Neneng: Wala, Sochong, paroon ka na at lalabas ako.*Lumabas si Narciso at sinara ang pinto.*Narrator: Si Neneng ay nag-iisip nang walang katunayan pagkat tapat na tapat angpag-ibig ni Narciso; ngunit may katuwirang maghinagap dahil sa mga anyo niChayong. Di naman niya maipapahayag ang napapansing loob nito at ayaw magkadkadng puri ng iba. Walang kahulugan kay Neneng kundi isang pabkukubli ng hinalangpag-susukab sa kanya, kayat ang binata’y malungkot na nakaupo.*Naluha si Neneng. Pumunta siya sa may pinto ng kwarto at sumilip sa may sala.**Lumabas ang kapatid ni Neneng.*
  14. 14. *Pinahid ni Neneng ang luha at saka lumabas ng kwarto.**Tumingin si Narciso at Neneng sa kapatid ni Neneng.*Kapatid: Tayo’y kumain na.Neneng: Oo. Ako’y maghahanda na.Narciso: Maraming salamat sa pag-alok ngunit ako’y aalis na. Pasensya na saabala.Neneng: Magbalik ka bukas.*Ngumiti lang si Narciso at umalis na ng bahay.*Kabanata 34 – Si Narciso’y minahal koSCENE 1Tagpuan: Bahay nila Chayong at labas ng bahay nila Neneng*Nasa tapat ng bahay nila Neneng si Chayong.**Tinignan niya ang bahay nila Neneng, kinakabahan/nanginginig.**Susubukan niyang pumanik ng hagdan, ngunit tumakbo siya agad palayo.**Tumitingin siya may likod habang tumatakbo palayo.**Tumigil siya at naglakad papaunta sa bahay niya.*Chayong: Ano ang aking gagawin? Si Narciso’y minahal ko, at ang pagmamahal niyasa akin nang naunang araw ay walang katulad. Iniibig niya ako at ang pag-ibigniya’y naging tunay na kaaliwan ng aking kaluluwa, ngunit ang pag-ibig ding iyanang aking tinampalasang ipinagkanulo sa marayang pagsinta kay Miguel. Sayang napag-ibig! Ay! Paano ang aking pagkapanganyaya? Maibig pa kaya akong muli niNarciso? Hindi na. Ako’y marapat sa kanyang paglait! Datapwat siya’y minahal ko,minamahal, at kailanma’y dapat kong mahalin, ngunit ako sa kanya’y hindi na. Angpaglilo ko’y siyang laging mabubuhay sa kanyang loob. Sayang na panahon angnawala sa akin! Sayang na pag-ibig ang di ko pinahalagahan! Sayang na pagkalulongsa bulaang pagsinta! Sayang! Oh palad! Anong pagkasama ng pinaghangganan mo saaking buhay! Ay! Di na ako dapat lumagi sa buhay na ito. Kailangan ako’y mamatay!Nguni’t paano si Narciso, si Narcisong aking anak? Mga langit, ituro mo ako samayamang landas ng katwiran.SCENE 2Tagpuan: Bahay nila Chayong (kwarto)*Umiiyak yung anak ni Chayong.**Nagulat si Chayong at tumakbo papasok si Chayong ng bahay papunta sa kwartonila.**Kinuha niya ang bata at pinatahan, hinele.*
  15. 15. *Nilabas niya ng kwarto ang bata, pinapatahan.**Lalabas sa kwarto ang ama niya.*Ama ni Chayong: Ano ba yan? Chayong naman oh. Gabing-gabi na, patahimikin mo yanganak mo.*Tinignan niya ng masama si Chayong.*Tumingin si Chayong sa kanyang ama at yumuko na lamang, pinapatahan ang anakniya.**Umiiyak parin yung bata.**Umupo silang mag-ina sa may sala at hinehele ni Chayong ang kanyang anak.*Chayong: Hindi na. Hindi ko na iiwan ang aking anak, magbabago akong loob,titiisin ko ang lalong mga kasawian sa buhay, at ang anak ko’y pakakapilitingmapalaki sa pamamagitan ng aking mga luha. Liban sa iyo’y wala na akongpahihigting sino pa man.Narrator: Mga gayong taguri at kung anu-ano pang mga pag-alo ang nakalibang sapuso ni Chayong at noon di’y itinangis nang buong pagsisi ang kanyang mga malinginisip. Ito na ang nakatulugan nang gabing yaon. Tuwing magigising si Chayong samadalas na pag-ingit ng bata na tila sadyang itinaon sa gabing malungkot ngkanyang pagsisi, ay nagiging kahulugan sa loob na yao’y mga tapat na pagpukaw ngLangit sa ipagbabago ng kanyang buhay, kayat parang isang talinghaga na sapagitan ng ilang oras ay naging tunay na uliran ang kangina’y marumi at ngayo’yparang busilak na kanyang mga pagwawari-wari. Nabukasan si Chayong sa kapayapaanng loob. Di na ang mga hagap sa mga unang oras ng gabi at ang naghahari sa puso’yang pagkatunay na ina. Liban sa kanyang anak, ay walang ibang makapananaig nadamdamin.*Hinehele ni Chayong ang kanyang anak, nakatulog yung anak niya.**Bumalik sa kwarto si Chayong at hiniga yung anak niya.**Pagkatapos ng ilang sandali, nagising yung bata.**Kukunin ni Chayong ang kanyang anak at hinele niya.**Mapapangiti si Chayong habang hinehele ang anak.**Mapapaluha si Chayong.*SCENE 3Tagpuan: Bahay nila Neneng*Di mapakali si Neneng, uupo sa sala, sisilip sa bintana.**Palakad-lakad si Neneng sa buong bahay.*Narrator: Ang maghapo’y nakalipas, at ang hinihintay na gabi ni Narciso sapagdalaw kay Neneng ay dumating na matahimik. Ang binibining umaasa noon sakanyang pagdalaw ay halos nainip nsa di niya pagdating.
  16. 16. *Kakatok si Narciso sa pintuan.**Sisilip si Neneng sa pinto, isasara niya ito agad.**Sasandal si at mapapaluha si Neneng.*Narrator: Sukat na ang mga lihim na pagluha ni Neneng na pinadadaloy ng kanyangmga hinagap sa panibughong lihim kay Chayong na di naman matatalampak na sabihinkay Narciso. At yamang sinaksi ng kanyang pag-ibig na kailanma’y din amaghihinalang muli, ay pinakapipilit na sarilinin ang gayong pagdaramdam, huwaglamang ipaghinanakit na di niya nasunod ang kabawal-bawalang ugali ng isangminamahl sa loob. Umiiyak ang puso ni Neneng, ngunit ang nalalarawan sa mukha’yang matamis na pakikiharap sa kasi at di ibig bagabagin ang alam na niyangikinapopoot na kaugalian.*Kakatok muli si Narciso.**Pinahid ni Neneng ang kanyang mga luha at binuksan ang pinto.**Pinapasok ni Neneng si Narciso.**Umupo sila sa sala at nag-usap.*Narrator: Kahit batid nang isinasakit ng loo bang may matuwid na paghihinaladahil sa kanyang paglilihim, ay parang sinusubok kung saan hahangga ang gayongpagtitiis. Ang inungkat na pag-usapan ay ang paglalamay ng pagparoon ni Chayong.Narciso: Tila malaking kailangan ang mga barong dinala kaya gayon na angpagsusumagi sa pagparito.*Ikinuwento ni Neneng ang nangyari sa kasal nina Nena.*Narciso: Ang wika mo naman sa akin kagabi ay di mo sasabihin iyan kung di koipagtatapat sa iyo kung saan ako nanggaling?Neneng: Siya nga?Narciso: Bakit mo sinabi ay nagsinungaling ako sa iyo.Neneng: Walang anuman iyon.Narciso: Bakit?Neneng: Mangyari eh, pati kasinungalingan mo’y totoo rin sa akin.Narciso: Huwag namang ganyan, Neneng, at baka ako mahiya sa iyo.Neneng: Walang dahilan pagkat ang pag-asa ko’y minamahal mo ako kaya di mogagawin ang masama sa akin, at nagsinungaling ka man ay may matuwid kaipala nadapat makabuti sa ating dalawa.Narciso: Patawarin mo ako, Neneng.*Hahawakan ni Narciso ang kamay ni Neneng.*Neneng: Di na kailangan pagkat labis na minamahal kita sa loob.
  17. 17. *Hahawakan din ni Neneng ang kamay ni Narciso.*Narciso: Nagkulang ako ng pagtatapat sa iyo. Sa akin?Neneng: Yao’y nakaraan na. Atin nang limutin at ang hinaharap ay lalong malaki.Hindi pa ba nag-iiba ang loob mo?Narciso: Tungkol sa ano?Neneng: Sa ating paglagay sa estado.Narciso: Neneng! Mag-iba ang aking loob? At bakit ka tumanong ng ganiyan?Neneng: Di mo maialis sa akin.Narciso: At may napansin ka bang kalamigan ng loob ko?Neneng: Wala nga, ngunit…*Tatayo mula sa upuan si Neneng, tatalikod kay Narciso.*Narciso: Anong agam-agam iyan?Neneng: Agam-agam ay wala. Ang pag-asa ko’y gaya rin ng dati. Ibig ko lamangdinggin ang makaliligayang bukambibig mo.Narciso: Hanggang kamatayan, Neneng, at liban na sa kamatayan ang makababago ngwagas kong pag-ibig.Neneng: Ipatawad mo, Sochong, ang isang tanong ko.*Haharap kay Narciso.*Narciso: Ano iyon?Neneng: Paano si Chayong?Narciso: At bakit?Neneng: May napansin akong bagong loob niya sa iyo.Narciso: Ako ma’y nakakapansin din, ngunit di ko minamagaling na ipahayag sa iyopagka’t inaari kong paninirang puri sa kanya. Bukod doo’y di kita ibigpapagdalamhatiin kaya inilihim ko tuloy sa iyo kagabi na doon ako nagbuhat.*Tatayo si Narciso at lalapit kay Neneng.*Neneng: Tapat ang iyong paglihim, ngunit ano ang loob mo sa kanya?Narciso: Wala kundi ang turing na magkapatid kami hanggang sa harap ng langit.Neneng: Totoo?Narciso: Ako ang iyong kausap, Neneng, at ako ang nagmamahal sa iyo.*Hahawakan ni Narciso ang kamay ni Neneng.*
  18. 18. *Magkakatinginan ang dalawa sa mata.**Mapapangiti ang dalawa at magyayakapan.*Narrator: Makalipas ang masigabong tuwa ng dalawa ay pinagtibay ang tipang pag-isahin sa lalong madali ang nagsisipag-alab nilang mga dibdib sa ningas ng banalna pag-iibigan, na isasangguni sa matamis na pakikiayon ng kapatid ni Neneng.Kabanata 35 – Haka ng ilan kay Deogracias at kay NenaSCENE 1Tagpuan: TindahanNarrator: Isang kaugaliang di mapuwing-puwing ng marami, na dahil sa kanilangpagwawalang-bahala at di panghihinayang sa panahon, ay pinababayaang lumipas itonang pagayon lamang. At ang madalas pa ay sa walang kabuluhang pag-uumpok-umpokpinaraan ang maghapon. Pakikialam sa buhay ng may buhay ang lagi nang hinaharapat siyang kinlulugdang pagtalunan. Isa sa mga umpukan ng ganggayong walangmangagawa ay doon pinagtalunan ang buhay ni Deogracias at ni Nena. Maynagsasabing hindi malalaot magkakasigalot ang kanilang pagsasama. May humuhulangmaglililo ang lalaki; may nagsasabing ang babae dahil sa mga anu-ano pang haka,bagay na sinang-ayunan ng isang nagpapanggap na nakapagbasa ng librong tinatawagna secretos de la naturaleza, ay lalong nagtibay ang dalawang hula na siyagipinilit sa ibang kaharap na kamukha rin nilang nagsasayang ng araw.*Nakaupo sa harap ng tindahan.*Tao 1: Paano baga ang iyong pagkaalam sa tinatawag na secretos de la naturaleza?Tao 2: Nako, iyan ang librong nagpapahayag ng sari-saring lihim na sangkatauhan.ANg masasabi ko sa inyo, kung iyan ang laging pagbabasahin, ay totoong maramingmababatid at tingnan lamang ang babae ay mahuhulaan ang gagawin.Tao 1: Ganoon ba? Kaya pala hindi ka nagka-asawa’y nagbabasa ka ng librong iyan,ano?Tao 2: Ah, hindi nga ako magkakaasawa pagkat sa ganang akin ay pawing maykapintasan ang lahat ng babae.Tao 1: Tila ka palanaman iyong isang taga roon sa amin na wala nang babaing hindinapintasan kaya ang naging dulo’y tumanda na sa binubulong-bulong at hindi manlamang natutong lumigaw.Tao 2: Alin, ako? Ako ang hindi marunong lumigaw? Baka hindi mo naaalaman angpinagdaanan ko!Tao 1: Alam ko na. Hindi naman ikaw ang sinasabi ko kundi iyong tagaroon sa amin,ay ikaw ang naghahabol ngayon.Tao 2: Mangyari eh, ipaparis mo pa ako sa kababayan mo at sasabihin mong kayahindi ako nagkaasawa’y...Tao 3: Magtahan na nga kayo niyan, at baka magkagalit pa kayo. Ang masasabi ko,ang nagpapaniwala sa mga librong nakapanghuhula ay nagkukulang na tuloy ngpananampalataya sa Panginoong Diyos. At sino sa atin ang makapagtatadhana ngkararatnan ng tao?
  19. 19. Tao 2: Huwag ka, at ang wari ko nga naman kay Nena ay may nailihim na ugali.Tao 1: How! Maanong magtahan ka niyan. Lumalampas naman ang inyong mga dunong.Tao 2: Ayan! Magmasid ka, iyang katamisang magpakitang-loob ni Nena aymagkakaroon ng dulo, makikita mo. Sinungaling ako pag nagkabula.Tao 1: Aba, ito palang taong ito. Marahil eh, panibughuin ka kaya ganiyan angiyong palagay. Kung gayon pala’y pag marunong makipagkapwa-tao’y sasabihin monang magsusukab sa pagsasama.Tao 2: Hindi ganoon. Wala ka palang malay na kumikilala ng pusong tao. Angsinasabi ko’y bagay-bagay ang dapat asalin.Tao 1: At sino ka ba namang makaaalam niyan? Kahit na nga itong nagbabasa ngsecretos de la naturaleza, bubulaanin ko niyang sinasabi-sabi nang lagpos.Manghuhula: Alin? Makaliliko ba siya sa akin? Magmasid tayong lahat at makikitanatin sa panahon kung ano ang mangyayari.Tao 3: Malayo kayo niyan. Ang sabihin ninyo ay palad-palad ang nagkakagayon. Kungminsa’y may mga lalaking talagang ang natatagpua’y isang babaing hindi marunongmagtapat at iya’y siyang tungo ng kanyang kapalaran. Datapwat ang gayo’ynangyayaring mailagan din kung marunong mag-asawa. Kung minsan nama’y may mgababaing kahit may masamang sinag na dapat daanan ay mangyayaring maiba kung maypagkamarasalin, pagkat ang bindisyon ng Langit sa kanilang pagsasama ay nagigingsagisag sa mga panganib na daratnin. Siya na iyang sinasabing mga taling (nunal)na madalas banggitin ng mga mapaghula-hula; siya na iyang mga hulog ng buhok;siya na iyang mga kung anu-anong kasabihan. Ang patuntunan na lamang natin ayhindi tayo ang makapagtataka ng magiging palad ng sinuman. Iya’y nasa DakilangKamay ng Diyos at wala sa atin. Sino tayong makapagbubuku-buko atmakapagpapaunang humula ng darating pa lamang?Tao 2: Kabulaanang lahat iyan. Kung sa libro ko, ay hindi malilihim ang lahat.Tao 1: Wala ka nang naipagmalaki kundi ang libro mo. Iyan ba’y di ginawa ng tao?At ikaw naman, gaano ka nang makatatarok ng mga sinasabi sa librong iyon?Tao 2: Eh siya, ikaw ang marunong. Ikaw na ang magsalita at ako ang maniniwala.Tao 1: Palalong tao ito.Tao 2: May palalo bang paris mo? Ibig mong magpariparian ay wala ka namangnamumuwangan.*Magagalit si Tao 1.**Tatayo si Tao 1 ng matapang.**Tatayo rin si Tao 2 at lalapit kay Tao 1*Sisingit sa gitna so Tao 3, pinipigilan ang dalawa.**Nagpupumilit ang dalawa.**Pinaghiwalay sila ni Tao 3.*
  20. 20. Narrator: Ito ang nangyayari sa kanilang pag-uusap ng buhay ng may buhay at diang mga gawang pakikinabangan ang siyang harapin, samantalang sa gayong mga ugaliay sinasayang ang panahong dapat pagsumakitang gamitin sa mga bagay na mahalaga.*Nagsialisan sa tindahan yung mga tao.**May naglalakad na dalawang tao. Isa ay may hawak na manok at yung isa naman aymay hawak na baraha.**Hinihimas himas ng isa yung alaga niyang manok.*Narrator: Anupa’t di sasalang sila’y kapwa mairugin sa sabong at sugal na monte,ayon sa kanilang mga anyo. At kung idaragdag ang pagsasalitaan, ay isangpagmamanga-mangahan na lamang na di maniwalangtunay silang mga sugarol.Isko: Mainam ba ang kaliskis niya?Manok: Sa kaliskis ay walang sukat ikalugod, ngunit matalas na totoo ang mata sapag-ilag. Ang isa pa’y maraming sinyal ang manok na ito. O tingnan mo at angdila’y walang iniwan sa dila ng tao.*Ipinakita yung dila sa kausap niya.*Isko: Aba! Siya nga. Ako’y ngayon lamang nakakita ng manok na ganyan.Manok: Nako, ang tahid ba ang masdan mo! Tila sadyang ipinagawa.*Mapapasigaw yung ―Baraha‖ nang makita ang tahd ng manok tas iniabot ito sakasama.*Isko: Walang iniwan sa sundang ah. Kaiian mo ba ito ilalaban?Manok: Pag wala rin akong maraming kuwalta ay hindi na muna siya masasabong.Isko: Kung hindi sana ako natalo kagabi sa monte eh, katatagan nang ilaban salinggo ah.Manok: Aba, aba, may kuwalta ka man ba’y maisasabong mo nang hindi ako pumustanang malaki ay sinabi ko na’t hinahandaan ko ng maraming salapi ang manok naiyan. At bakit ka naman natalo kagabi?Isko: Ilan nang araw akong sinasama.*Kinamot ni ―Baraha ang kanyang ulo.*Manok: Ang wika mo nama’y matatangay mo ang panama ng mananaya kung ang may isisna baraha ang iyong ipinaglalagay.Isko: Magagamit ko ba iyon sa matatalas na mananaya? At kung mahuli ako, di angdulo’y...SCENE 2Tagpuan: Kalsada*Naglalakad sa gilid ng daanan sila Deo.*
  21. 21. *Nakita ni Isko sila Deon a naglalakad sa gilid.**Pinuntahan niya si Deo at may ibinulong sakanya.*Deogracias: Nena, pahiramin mo raw muna ng mapupuhunan si Isko at baka makabawi.Nena: May kuwalta nga tayo sa bahay eh, baka magsipaningil mamaya ang mgamanggigiik ay kulangin tayo. Gaano ba ang hinihiram?Isko: Kung may sampung piso, eh di lalong mabuti.Nena: Hindi ba maaaring mamaya nang hapong makapanggaling kami sa bukid?Isko: Baka kayo magabihan eh, kailangan ko sana ngayong tanghali, kung ako’ybibigyan din lamang ninyo.*Titignan ng mag-asawa ang isa’t isa.**Mapapakamot sa ulo si Deo.**Magbubugtong hininga si Nena.**Naglakad pabalik sila Deo.*Nena: Oh siya siya. Ika’y pagbibigyan namin.Kabanata 36 – Isang sulat kay NenengSCENE 1Tagpuan: Bahay nila Neneng*Nag-uusap sila Neneng at Narciso.**May naghulog ng sulat sa bahay nila Neneng.**Tinignan ni Neneng ang sobre.*Neneng: Sino kaya ito?*Binuksan ni Neneng ang sulat at binasa.**Tinignang mabuti ni Neneng ang sulat.**Natapos na basahin ni Neneng ang sulat.*Neneng: Inaku Sochong, tingnan mo at pinakarikitdikit pang ang pagkakasulat.*Inabot yung sulat kay Narciso.*Narciso: Ano bang sulat ito?Neneng: Basahin mo at waring nanininta sa akin.Narciso: Sa iyo pala nanininta, ay bakit sa akin mo ipaba—
  22. 22. Neneng: Nabasa ko na, eh.Narciso: Itago mo.*Isinasauli ni Narciso kay Neneng ang sulat.*Neneng: Ikaw ang magtago kung ibig mo; sa ganang aki’y di ko kailangan.Narciso: Kung ayaw mo mang itago, ay sagutin mo man lamang.Neneng: At ano ang isasagot ko?Narciso: Ikaw ang bahala kung ano ang loob mo sa kanya. Kailan mo ba nakilala angtaong iyan?Neneng: Noong ikasal si Nena. Iyan ang kumanta ng kundiman doon.Narciso: Nagpahayag bas a iyo?Neneng: Hindi, ngunit lagi na ang mata sa akin, at noon pa’y napansin kong mayisinasaloob.Narciso: Ay ano naman ang loob mo sa kanya?Neneng: Wala.Narciso: Sagutin mo at nang hindi mainip sa paghihintay.Neneng: Ikaw na ang sumagot.Narciso: At ano ang ibig mong isagot ko?Neneng: Sabihin mong ako’y may katipan; huwag na siyang magpagod.SCENE 2Tagpuan: Bahay ng kapatid ni Neneng*Pumunta sila sa bahay ng kapatid ni Neneng.**Kunatok sa pinto si Neneng.*Neneng: Aking kapatid!*Binuksan ng kapatid ang pinto.*Kapatid: Neneng. Bakit kayo’y naparito? Ano ang inyong kailangan?Narciso: Ay gusto lamang naming sabihin sa iyo na nais naming mairaos an gamingpagpapakasal sa maikling panahon.Kapatid: Ganun ba, eh siya pumasok muna kayo at pag-usapan natin iyan.*Pumasok sila sa loob ng bahay.*SCENE 3
  23. 23. Tagpuan: Bahay nila Neneng*Kumatok sa pinto si Narciso.**Pinatuloy ni Neneng si Narciso.**Umupo sila sa may sala.*Narciso: Basahin mo, kung minamagaling na ang aking itinitik diyan.*Binigay ni Narciso ang sulat kay Neneng.*Neneng: Maipadadala ko na ba ito?Narciso: Hindi, kailangang salinan mo muna ang sulat mo.Neneng: Ganoon ba?Narciso: Mangyari.*Binasa ni Neneng ang sulat.*Neneng: Bakit ba ilinagay mo pang mabibilang sa isang kakilala?Narciso: Ay, ano ang kasiraan noon? Tayo nama’y talagang marunong makipagkapwa-tao.Neneng: Mahirap na iyon. Kung hindi na nga ba siya nagpahayag ng pag-ibig saakin.Narciso: Iya’y nasa iyo. Kailanma’t mahal mo ako, ay di ka tutubuan ng anumangloob sa iba.Neneng: Tunay na nga, ngunit mabuti rin ang mag-ingat sa magiging sanhi.Narciso: Ang mag-ingat ay di masama kung may dapat kang pang-ingatan. Ngayon aywala pa.Neneng: At hintin ko pa bang magkaroon?Narciso: Doon makikita ang malinis mong puso.Neneng: Ah, hindi ko nga ilalagay itong nasa huli.Narciso: Ikaw ang bahala, kung ano ang ibig mo. Sa ganang akin ay lubos na lubosang pagkakatiwala ko sa tapat mong loob at anong mayroon sa akin na ibigin kaniya kung nakikilala mo ang iyong katungkulan?*Hindi kumibo si Neneng.**Kumuha ni Neneng ng tintahan at sinalin yung sulat sa sarili niyang titik.**Inilagay ni Neneng sa sobre ang sulat at dikinitan.*Neneng: Ikaw na ba, Sochong, ang maghuhulog sa correo?
  24. 24. Narciso: Sino pa, ay ako lamang ang alila mo.*Mapapangiti si Neneng at lalapit kay Narciso.*Neneng: Pabyaan mo’t iilan nang araw ang pag-uutos ko sa iyo. Pagkakasal ba natineh, di ako naman ang aalilalin mo. Maalaala ko pala’y ano ba ang lagay niChayong?Narciso: Aywan at maluwat na akong hindi nadaraan sa kanilang bahay. Hindi bakayo nagkikita?Neneng: Mula nang kunin ang kanyang mga baro ay hindi na naparito uli.Narciso: Kaawa-awa naman.Neneng: Bakit?Narciso: Kung nakikita mo ang ginagawa ng ama’t ina ni Chayong ay mahahabag ka.Neneng: Bakit, hangga ngayon ba nama’y di pa napapawi ang kanilang kagalitan?Narciso: Di anhin na lamang ng ama’t ina’y mamatay, eh.Neneng: Hoy, pula na ba naman sa bayan ang nagkakaganoon? Napakabangis namansilang magulang.Chayong: Neneng!*Mapapatingin si Neneng sa labas ng bahay.**Binuksan niya ang pintuan.**Umiiyak si Chayong, dala-dala niya ang kanyang anak.**Pinapasok ni Neneng si Chayong at umupo sila sa sala.*Narrator: Parang itinaon sa ganitong salitaan ang pagtawag ni Chayong na dala angkanyang anak at lumuluhang ipinahayag kay Neneng ang pagpapalagay sa kanya ngkanyang ama, kaya’t ito na lamang ang napag-usapan.Kabanata 37 – Di ka pa mamatay...SCENE 1Tagpuan: Bahay nila Neneng at bahay nila ChayongNarrator: Ang masayang gabi ng pigingan sa kapitbahay ni Neneng, pagkat idinaosang pagbibinyag sa isang sanggol na lalaking di pa nalalaong iniluwal sa liwanag,ay siya namang masungit ng gabi kay Chayong. Ang inaama ng bata, na talagangbukod sa may magandang ugaling ikinapuri ng mga magulang at siyang pinapaghawaksa anak ay may kaunti pang kayabangang taglay at walang lingon-likod sa paggugol,kaya lubhang masigla ang doo’y ginawang piging. Nagkaroon ng sayawan, tugtugan atiba’ iba pang sukat makalibang sa lalong nagdadalamhating puso. Datapwa’tsamantalang nagsisipagdaos ang lahat ng mga kasayahang ito, ay nagtitigis namansi Chayong ng masasaklap niyang luha dahil sa din a maatim na pagpapasakit ng amasanhi sa kinahinatnan ng kanyang naka-uumid na palad.
  25. 25. *Dumungaw sila Chayong at ang kanyang ama sa bintana at nakita nila ang kanilangkamag-anak.**Sinalubong ng ama ang mga kamag-anak. Binuksan niya ang pintuan at pinatuloysila.**Pumasok at umupo sa may sala ang kanilang mga kamag-anak.**Nakatayo lang si Chayong sa may gilid, hinehele ang kanyang anak.**Mapapansin ng kamag-anak si Chayong.**Titignan niya ang ama ni Chayong.*Kamag-anak: Aba at nag-asawa nap ala ang batang ito. Sino po ang inyong naggingmanugang? Wala yata ngayon dito. Sino po ba?*Hindi makasagot ang ama ni Chayong.**Ngumiti nalamang ang ama at sabay tingin kay Chayong.**Yumuko nalang si Chayong, hiyang-hiya.*Narrator: Hindi humantong ang kawalang bait nila sa nakamumuhing pagsisiyasat samatanda, at si Chayong naman ang pinakaurirang tanungin sa harap ng halos matunawna ama sa kahihiyan, hanggang sa nahalata ang tunay na lihim, ayon sa paligaw-ligaw na sagot na lalong nag-uulat ng isang katotohanan. At ano ang nagging tubong mga walang bait na ito sa kanilang kauusisa? Wala kundi ang lalong maumid saharap nila ang nagsisipagtiis na kausap sa di hinihintay na pagkadutdot ngkanilang mga lihim na di naman maaasahang pagpipitaganan ng matatabil nilang dilakundi bagkus pang babandilain sa mga walang dangal na kamukha nila ang pamamarailng ganito’t gayong kinaratnan ng kanilang kapuwa-tao.*Nagpaalam ang mga kamag-anak, hinatid ng ama hanggang pintuan.**Malungkot si Chayong, lumuluha, nanginginig. Palayo sa kanyang ama.**Lumapit sakanya ang kanyang ama at (kunwari) sinampal, sinapak.**Umiiyak ang kanyang ina at sumisigaw ng: TAMA NA!**Lumuluha si Chayong, akap-akap ang kanyang anak.*Tatay ni Chayong: Di ka pa mamatay! Ay nakasisirang puri ka sa akin.*Umiiyak si Chayong, lumalayo sa kanyang ama.**Sinundan siya ng kanyang ama, at hinatak.**Umiiyak parin si Chayong at ang bata nama’y tahimik.**Sinikad ng ama si Chayong.**Nabitawan ni Chayong ang kanyang anak.**Umiyak yung bata.*
  26. 26. *Lalong nag-init ang ulo ng ama niya.*Ama: Lumayas ka rito!Chayong: Tay!Ama: Ika’y lalayas o papatayin kita?*Umiiyak si Chayong, pumunta sa kwarto at inimpake ang mga gamit nilang mag-ina.**Umiiyak sa may sala ang kanyang ina, dalawang kamay nasa kanyang mukha.**Dumiretso sa pintuan si Chayong. Tinignan niya ang kanyang ina.**Tumingin din ang ina ni Chayong sakanya.**Saka umalis si Chayong.*Chayong: Diyos ko! Mahabag ka sa aming mag-ina!SCENE 2Tagpuan: Labas at loob ng bahay nila Neneng*Nakita ni Chayong ang bahay nila Neneng.**Mabilis na kumatok si Chayong sa pinto.**Binuksan ni Neneng ang pinto at nagulat sa kanyang nakita.**Umiiyak si Chayong, dala-dala ang kanyang anak at mga gamit nila.**Pinapasok ni Neneng si Chayong at umupo sila sa sala.**Umiiyak si Chayong.**Hinihimas ni Neneng si Chayong.**Makikita ni Pepe silang dalawa at nakiupo kasama nila.*Narrator: Nang makaraan ang ilang sandaling pag-uusap ni Neneng at ni Chayong sapagbabalita nito ng kalumbay-lumbay na nanagyari sa kanya, ay magkasama silangnakipag-usap kay Pepeng kapatid ni Neneng.Chayong: Sa magandang loob ninyo naroon ang aking kaaliwan.Pepe: At malaking bagay mandin, ano ba ang nangyari sa iyo at ikaw’y umiiyak?Neneng: Pinaggugulpi raw siya ng kanyang tatay, ang ibig ay tumira nang mga ilangaraw dito sa atin.Pepe: Sa lahat ng oras Chayong. Ipahihiwatig ko lamang sa iyo na walang dapatmagtiis sa magulang kundi ang anak na paris mo, at ano mang sama ng loob at ngating pagkatao. Sa ganang akin ay matamis kitang maampon ditto sa bahay. Salamatkung minamalaki mo an gaming magagawang pakikisama. Baka nabibigla ka lamang aymag-isip kang magaling.
  27. 27. Neneng: Paano nga ba naman, Kuyang, ay sa pinalalayas siya at papatayin daw kunghindi aalis.Pepe: How, ganoon lamang iyon. Iyon ba nama’y walang isip?Neneng: Mahirap na nga naman,Kuyang. Di kung tinatanggap mo siyang matira rito aymagparaan na muna ng mga ilang araw.Pepe: Aba, sinabi ko na sa kanyang bukas an gating pintuan. Ang pagpapahiwatigko’y baka sakaling nabubulagan lamang siya ng isip. Ang magulang ay magulangkailanman, kahit anong sama. At sino ang dapat magtiis kundi siya?Neneng: Eh siya, Chayong, ilapag mo na ang bata dini at natutulog na rin lamangnang hindi ka naman mangawit. Humapon ka nab a?Chayong: Hindi pa nga eh. Salamat Neneng, salamat Pepe.*Pumasok si Neneng at Chayong sa kwarto.**Inihiga ni Chayong ang kanyang anak sa kama at lumabas na.**Pagkasara ni Chayong ng pintuan ay nakita niya sa lamesa si Narciso.**Napayuko si Chayong at napaluha.**Nilapitan siya ni Neneng.**Agad-agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha.*Neneng: Maupo ka, Chayong, at hahapon na tayo. Sandali na lamang. Nagugutom ka naba?*Ngumiti si Chayong.*Chayong: Hindi.SCENE 3Tagpuan: Loob ng bahay nila Neneng (lamesa)*Nakaupo sila Pepe, Narciso at Chayong.**Nagtatawanan sila Pepe at Narciso.**Malayo ang tingin ni Chayong sa kalangitan. Malungkot.**Labas pasok si Neneng, naglalagay ng mga iba’t ibang pagkain sa lamesa.**Nilapitan ni Narciso si Chayong.*Narciso: Alam kong, kaya mo ang pagsubok na ito Chayong. Tatagan mo lang angiyong loob.*Ngumiti si Narciso at si Chayong.**Bumalik sa puwesto niya si Narciso.*
  28. 28. Chayong: Sayang na lalaki ito at di ko naging palad.*Pumasok si Neneng.*Neneng: Halina Chayong, Narciso. Hahapon na tayo.Narciso: Huwag na, ako’y papaalis na rin naman. Pepe, ako’y mauuna na po.Neneng: Aalis ka na ba? Tila ka naman itinaboy ng aming pagkain. Dito ka na ngahumapon.Narciso: Salamat po, Pepe. Ako’y mauuna na po.*Tumayo si Narciso at naglakad palabas ng bahay.**Tinignan ni Neneng si Narciso hanggang makaalis ng bahay.**Napapaluha si Chayong habang kumakain.*Neneng: Ika’y kumain lang ng kumain at magpakalakas ka.*Titignan ni Chayong si Neneng at mapapangiti.**Ngumiti din si Chayong at si Pepe.*Kabanata 38 – Hanggang hinahabol ay lalong lumalayoSCENE 1Tagpuan: Bahay nila Nena*Nakahiga sila Nena at Deogracias, pinag-uusapan ang may mga utang na di nilanasisingil.*Nena: Naku, Deogracias, paano kaya natin masisingil si Isko? Matagal-tagal narintayo hindi nakakapaningil sakanya ah.Deogracias: Masisingil din natin siya, malapit na.*Dali-dali na kumatok at pumasok si Isko sa bahay.*Isko: Ano ba naman kayo’t maaga pa’y tila ibig nang matulog.Deogracias: Hindi. Kami’y nanghihimagal. Kararating pa lamang namin eh. Manhikka.Isko: Tila ginabi kayo sa panggagaling sa bukid.Deogracias: Siya nga. Ibig sana naming matapos, ngunit iniwan din pagkat gabinang totoo. Ano ba ang sadya mo? Manhik ka nga.*Bumulong si Nena kay Deogracias.*Nena: Marahil eh, tatanong na naman ng kuwalta. Iyon lamang nasa kanya’y hindi pabinabayaran eh, uutang na naman. Sabihin mong wala.
  29. 29. *Iiling si Deogracias pagka bulong ni Nena.*Isko: Magandang gabi po sa kanila.Nena: Magandang gabi po.Deogracias: Magtuloy ka.Isko: Kaya ako naparito’y baka sakaling maluwag kayo ngayon, ay bigyan muna ninyoako uli ng mapupuhunan.Deogracias: Aywan ko ba kung may kuwalta pa si Nena.Nena: Aba, wala akong kuwalta. Nakita mo’t isa ma’y walang nagbabayad sa atin eh,ano ang kukuwaltahan ko ngayon?Isko: Huwag ninyo akong pagkabigatan ng loob, Aling Nena, at ibibigay ko muna sainyo ang ―escritera‖ n gaming isang bukirin, baka lamang ako’y makabawi.Deogracias: Sugod ka namang magsugal.Isko: Nananalo na sana ako, kahapon nang marami ay nabawi pa at sa kahahabol ko’ypati puhuna’y natalo tuloy na lahat, at...Deogracias: Katuwa iyan eh, hanggang hinahabol ay lalong lumalayo. Ang maraminaman sa inyong mga manunugal, ay pati bahay ng sugala’y ibig madala eh.Isko: Talagang sinasama lamang ako ngayon. Iyong kinuha ko sa inyo noong araw eh,biro mo ang tinalo? Nakabayad ako sa maraming utang; nakabili ako ng sari-saringdamit; at ilan ng linggong dinudukut-dukot ko; kagabi lamang ako nasagad ngpagkatalo ah at kung ako’y pinatama pang minsan, ay nag-apuhap na sana ng taingaang montero.Nena: Di kami lamang pala ang hindi ninyo naalaalang bayaran.Isko: Maluwag din naman kayo kay sa iba eh. At saka ibig din lamang ninyo nglupa, ay di bilhin na ninyo nang tuluyan ang isang bakuran namin at nangmakaluwas ako tuloy sa Maynila.Deogracias: Aano ka sa Maynila?Isko: Nako, aywan ba’t kung bakit napusuan kong totoo ang kaibigan ni Aling Nena.Iyan ang babaing damdam ko ba’y siya ko nang siyang nakikita.Nena: Aba, huwag na kayong magpagod doon, at saying lamang.Isko: Bakit po?Nena: Wala na, ikakasal na lamang iyon eh, ano pa ang iparoroon mo.Isko: Ikakasal! Kaya pala ganito ang sagot sa sulat ko ah.*Ipinabasa ang sulat kay Deogracias.*
  30. 30. Isko: Baka naman hindi ikakasal. May katipan, kung sakali man; ngunit ikasal siNeneng! Iyan ang masungit na balita. Diyata’t ikakasal? Kangino? Sinong mapaladna lalaki ang magtatamo sa kanya? Ikakasal nga ba?Deogracias: Oo.Isko: Kailan?Deogracias: Nakabingit na sa araw.Isko: Oho, binibiro yata ninyo ako eh.Deogracias: Tunay, maniwala ka sa akin.*Nagbugtonghininga si Isko.*Isko: Kahit siya magkaasawa’y liligawan ko pa rin.Nena: Manong, huwag kayong maingay, Mang Isko. Liligawan ninyo’t ano? Isip yataninyo’y babaing lansangan si Neneng, ano?Isko: Aba hindi po. Katuwa naman itong asawa mo.*Isinauli ang sulat.*Isko: Aling Nena, wala po ba talaga kayo?Nena: Wala.Isko: Sigurado po ba kayo? Alam ko pong mayroon kayo kahit kaunti.Nena: Wala nga.Isko: Ganun po ba, siya ho. Ako’y mauuna nap o. Salamat nalang.Nena: Sige.*Panay kamot ni Isko sa ulo niya. Nanghihinayang na malungkot.**Nagsisisihan sina Deo at Nena dahil sa hindi pagpapautang ni Nena kay Isko.*SCENE 2Tagpuan: Bahay nila Isko*Ipapakilala si Isko.*Narrator: Sino nga ba talaga si Isko? Paano ang kanyang pamumuhay? Francisco angtunay niyang pangalan at ang apelyido ay Marcelo. Musmos pa’y totoong mahilig sabisyong magsugal at bagaman anak ng maypilak ay bihirang hapong matatagpuangmalinis ang pananamit pagkat halos sa buong maghapo’y gagala-gala at walangnayong lalong lihim na di nasasaliksik sa paghanap ng makakalaro ng tangga, caray cruz, calderon, patong lapit, palmo at iba’t iba pang pinagkakatalunan ngkuwalta. Sa lupa siya lumaki, sa mga umpukan ng nagsasayang ng panahon at sa mgasugalan. Hanggang lumalaki ay nadaragdagan ang bisyo at natuto ng sari-saringsugal sa baraha at sa manok. Walang hanapbuhay na nakilala, salat sa aral, atsukat na ang nakabasa ng sulat, bagama’t kakapa-kapa. Kaya nang maulila sa ama’yina’y hubad na hubad ang isip at ang salaping naiwan ng mga magulag na di naman
  31. 31. kakaunti pagka’t iisa-isang anak na nag-mana, ay unti-unting natuto sa walanglikat na kasusugal. Ang mga lupng pag-aari ay halos naubos nang isangla atnapagbili nang tuluyan ang iba, anupa’t sa walang hinayang na pagtatapon aynatugnas ng pagayon lamang. Ang iilan nang bakurang natitira pa noon ay siyanaman yatang iinut-inuting tunawin. Isa nito ang iniaalok sa mag-asawangDeogracias upang puhunanin sa sugal at mabaon sa pagluwas sa Maynila. Iyan angbahagi ng kasaysayan ng buhay ni Isko.Kabanata 39 – Ang kasal ni Neneng at ni NarcisoSCENE 1Tagpuan: Bahay nila NenengNarrator: Di nag-isang buwan ang pagkatanggap ng sulat si Isko, ai idinaos angpagkakasal ni Neneng at ni Narciso. Bagama’t walang malaking piging na ipinag-aanyaya ay di nalisang sulatan ang mag-asawang Nena at Deogracias, kayat malayoma’y nagsipaglakbay na dumalo sa huling panaog ng kanilang kaibigan. Isangugaling di mapuwing-puwing ng marami dito sa atin ang kahit magsipangutang aymakapaghanda lamang. Iyan ang mapait na pakinabang ng pagmamagandang-loob,paggugol at pagpapagal ng matutuwaing magpiging na kung di man ugali ng lahat anggayong pamumula ay siyang karaniwang iganti ng marami. Palibhasa’y talastas niPepe na kung ipaghanda ang kasal na ito ay uutangin din sa iba ang salapinggugugulin at karamay na ring mahihirapan sa pagbabayad ang kanyang kapatid, ayminagalng na ang walang anuman kundi sukat ang isang agahang ipagsalu-salo nilanang umagang yaon.*Ikinasal na si Neneng at Narciso.**Masaya at nakangiti sila Neneng at Narciso, habang magkayakap sila.**Yumuko nalang si Chayong at napaluha.**Lumayo muna siya sa kanyang kinatatayuan.**Nilapitan ni Nena si Chayong.*Nena: Bakit?*Lumayo at pinuntahan ni Chayong ang kanyang anak sa kwarto.*Nena: Bakit ka lumalayo sa akin, Chayong?*Di makasagot si Chayong, at lumuluhang isinulyap kay Nena ang mga mata.*Nena: Huwag kang umiyak. Hanggang lumalaki ang pagtitiis ng tao ay lalo namangmalaki ang kaaliwang hihintin. Ipayapa mo ang yong loob.Chayong: Ay Nena!Nena: Bakit ka nagkakaganyan? Anong damdamin ang nagpapahirap sa loob mo?Magsalita ka at ibilang ang aking pag-aliw. Magsalita ka.Chayong: Di ako karapat-dapat sa harap mo.Nena: Bakit? Paghusayin ang iyong loob at tayo’y magsalitaan.
  32. 32. Chayong: Dapat mo akong ipagtanim.Nena: Nagtataka ako sa iyong mga bigkas. Ano’t ipagtanim kita? Namamali kaChayong, pagka’t di mo lamang nahahalata ang malaking habag ko sa iyo...Chayong: Salamat, Nena; ngunit ako’y iyong patawarin.Nena: Sa ano? May masama ka bang ginawa?Chayong: Ako’y sinusubok mo, Nena. Huwag at nakikilala kong dapat kang mapoot saakin. Ay Nena! Ito ang bunga ng may matuwid mong pagtatanim.*Hinawakan ni Chayong ang kanyang anak.*Chayong: Ito ang dapat mong ikapoot, ngunit sa anuma’y anak siya ng aking puso,kapilas ng kaluluwa ko at mamahalin magpakailanman.Nena: Ah, dahilan kay Miguel ang sinasabi mong pagkukulang?Chayong: Tunay, Nena dapat kang magtanim sa akin.Nena: Magtanim ako!Chayong: Oo, at may matuwid ka. Patawarin mo ako.Nena: Tayo’y magkaibigan ngayon.*Nagyakapan silang dalawa.**Dahan-dahang binuksan ni Narciso ang pintuan.**Agad na pinahid ni Chayong ang kanyang mga luha at ngumiti.**Lumabas si Narciso at sumunod na si Chayong.**Nagpaalam na ang ibang mga bisita.**Natira nalang sila Nena, Chayong, Pepe at Deo. Nakaupo sila sa loob ng bahay.**Nagtatawanan yung iba, yung iba naguusap.*Neneng: Siya nga pala Chayong. Gusto kita sana alokin kung maaari ka bang sumamasa amin at palipasin muna ang damdamin ng iyong ama.Chayong: Salamat ng marami.Pepe: Maiba ako, Chayong. Ito si Deogracias.*Ngumiti si Chayong.*Chayong: Maraming salamat po ulit sa inyo.Neneng: Siya nga naman, Chayong, kung ibig mong sumama sa kanila nang mga ilangaraw, ay para ka ring narito sa amin. Si Nena at ako’y talastas mo na kung sapagsasamahan. Ang kanya’y akin at ang akin ay kanya. Aywan ko lamang at may asawana siya ngayon.
  33. 33. Deogracias: Wala pong sukat ikabago. Ang masasabi ko’y kung sasama nga si AlingChayong ay dapat tumaba sa mabuting singaw sa amin.Nena: Sumama ka na nga naman, at nang matikman mo ang masarap na buhay sa bukid.Makita mo’t tataba pati niyang anak mo.Chayong: Sa iba nang araw, kung sakali man, ngayon ay huwag na muna at malalayoakong totoo kay Inang.Nena: Napaparito ba?Chayong: Oo, si Tatay lamang ang...*Lumuha si Chayong.*Neneng: Kung ang inang mo lamang ang iyong inaalaala, ay sasabihin kong sumama sainyo.Chayong: Huwag na, Neneng, di mapapag-isa naman si Tatay kung magsasabay kamingumalis. Huwag na at sa ibang araw na tayo paroon. Kailan ba sila uuwi?Nena: Mamaya.Neneng: Anong mamaya? Huwag mo nga akong pagalitin.Nena: Aba, ano pa ang ibig mo ay nakadaos na rin lamang kayo?Neneng: Bakit pa kayo naparito kung aalis din lamang mamaya? Maanong magpahingaka. Sa Linggo kayo umuwi.Nena: Bakit mo kami paaabutin pa ng Linggo? Sasama ba kayo sa amin?Neneng: Oo.Nena: Baka hindi?Neneng: Sasama kami; hintay ka at sasabihin ko kay Sochong.*Lumabas si Neneng.*Neneng: Ano ba ang ginagawa mo sa labas at di ka humarap sa tao? Ibig mo bangsumama tayo kina Nena sa Linggo?Narciso: Bakit?Neneng: Mangyari eh, uuwi raw sila mamaya. Sinabi kong sa Linggo na at sasamatayo. Ibig mo ba, ha? Sumama tayo hani, ha?Narciso: Oo, sumama tayo.*Sabay na papasok sa loob si Narciso at Neneng.*Kabanata 40 – Ang ligalig sa pag-irogSCENE 1
  34. 34. Tagpuan: Labas ng bahay nila NenengNarrator: Araw ng Linggo. Pagkaumaga na’y naggayakan ang mag-asawang Nena at angbagong kasal na Neneng at silang apat ay magkakasamang nagsipagsimba. Nangmaidaos ang ganitong katungkula’y pawing nangagagalak sa pinag-usapang pag-alisnang araw na yaon.*Nagbihis agad si Chayong sa sobrang galak.**Binihisan din niya ang kanyang anak.**Inaayos nila ang kani-kanilang mga gamit.**Tulong-tulong sila naglagay ng mga gamit sa kalesa.**Magkakasama sina Chayong, Nena at Neneng/Narciso at Deogracias.**Masaya at nagkakatuwaan ang lahat, nakangiti silang lahat na nagkukuwentuhan.*Narrator: Walang malaking bagay na nangyari sa kanilang paglalakbay liban sanangagagalak nilang mga loob na mapadali kung mangyayari ang pagdating saparoroonan, kayat parapara silang nangainip.SCENE 2Tagpuan: Bahay nila Neneng sa probinsya*Tinulungan ng dalawang lalaki ang kanilang asawa sa pagbaba sa kalesa.**Naglakad silang lahat patungo sa bahay nila Nena.**Nakabantay mula sa puno/nakasilip si Isko. Tinitignan sila Neneng.*Isko: Kasal na si Neneng, datapwat hahanap din ako ng daang kami’y magkausap.*Sinubukan ni Isko na sumilip sa bahay nila Nena.**Kumatok sila Nena sa bahay.**Binuksan ng tiya niya ang pinto at gulat-gulat sa kanyang nakita.**Nakangiti ang lahat nang pumasok sa bahay at umupo sila.**Huling pumasok si Chayong.**Matagal na tumingin ang tiya kay Chayong.**Nakangiti lang si Chayong, hinehele ang kanyang anak.*Anday: Bakit ba kayo naluwatan sa Maynila? Ipinaninimdim ko na kayong baka kungano ang mangyari ah.Neneng: Wala po naman. Pinigil ko po sila at ipinangakong sasama nga kami kayanaging ilang araw.Anday: Ay ano, kamusta ang iyong bagong buhay? Nakasal na ba kayo?
  35. 35. Neneng: Opo, ito ang aking naging asawa.*Itinuro si Narciso.*Anday: Kahimanawari, ay manatili kayo sa matamis na pagsusunuran. Ang masasabiko, iyang iyong naging palas ay isang babaing mabait at marunong makipagkapwa-tao. Ulila na sa ama’t ina, at kung may kapatid ma’y di mo naman kabibigatangkasamahin. Mahihirap nga lamang ngunit may mga dangal at masasarap makiugali.Neneng: Ah, kung sa ugali po’y wala na akong sukat idaing sa bayaw ko.Nangingibig pa lamang ako sa kanyang kapatid ay pinakakapuri ko na ang masarap naasal sa kapuwa.Anday: Nena! Siya na muna iyang kasasalita mo. Maghanda ka ng kakanin; marahil aynangagugutom na sila at tanghali na.Neneng: Hindi po, nagsikain kaming mabuti sa Maynila; huwag kayong mag-alaala.Nena: Phse!*Kumatok si Isko sa bahay.**Pinatuloy siya at umupo sa may sala.**Nakatingin ng masama si Narciso kay Isko at nakatingin naman si Isko kayNeneng.**Lihim na kinausap ni Nena si Neneng.*Neneng: Ang maraming sa masalitang ganyan ay hangin ang sinasabi. Huwag kang mag-alaala at kung iyon ang talagang gagawin ay din a ipamamalay pa sa iba.Nena: Mabuti na, ang mag-ingat pagkat ipinahihiwatig ko sa iyong iya’y maymaruming ugali.Neneng: Anong ingat ang kailangan ay di naman niya ako makakausap, at ano mayroonsa akin ang ugali niyang masama?Nena: Di mo masasabi iyan.Neneng: Ang alin?Nena: Na di ka makakausap, pagka’t maraming paraang magagawa ang isang lalaki, atkaya ko sinasabi sa iyo ay nang magayakan mo kung sakali.Neneng: May katwiran ka. Mabuti nga ang nakahanda sa lahat ng bagay.SCENE 3Tagpuan: Labas ng bahay nila Neneng*Naghiwalay sina Neneng at Nena.**Pumasok ng Kwarto si Neneng at kusina naman si Nena.**Lumabas sandali si Deo at bumalik din sa bahay.*
  36. 36. *Nilapitan niya si Isko na nakaupo lang sa sala.*Deogracias: Ano ba ang sadya mo at napaligaw ka na naman dito sa amin?Isko: Walang malaking bagay. Dumadalaw lamang ako sa inyo at nakikipagkilalatuloy sa mga bagong dating.Deogracias: Akala ko’y may malaking sanhi, pagka’t nararatihan ako sa dati mongmga pagparito.*Magbubugtong hininga si Deo at tumayo at lumabas ng bahay.**Huminga ng malalim si Isko at inayos ang kanyang damit.**Paglabas ni Isko sa bahay ay nakita niya sina Narciso at Neneng.**Nilapitan niya ang mga ito.*SCENE 4Tagpuan: Bahay nila Neneng (labas)*Nag-uusap ang tatlo.*Narrator: Sa atas ng masugid niyang nasa na kahit paano’y magkaroon ng daan angipagkakalapit nila ni Neneng ay inialay ang kanyang bahay kay Narciso sapamamagitan na mapanghalinang mga pangungusap at noon di’y napaalam sa kanila.*Nakangiti lamang si Isko.**Nakatingin lang sa isa’t isa sina Narciso at Neneng, na parang di nila alam anggagawin.*Kabanata 41 – Yuyurakan ko ang matwidSCENE 1*May dala-dalang buko ang alila ni Isko.**Ibinigay niya ito Kayla Neneng at Narciso.**Nakatingin lang sa isa’t isa ang mag-asawa at tinanggap ang buko.**Nagpasalamat ang mag-asawa at bumalik na ang alila ni Isko.**Lumapit ang alila kay Isko.*Isko: Ano ang wika?Katulong: Wala po naman kundi salamat daw nang maraming-marami sa inyo.Isko: Nakita ba noong babaing malaki ang buhok nang ibigay mo?Katulong: Sino po bang babae? Ang tanaw ko po’y malalaking lahat ang buhok ngtatlong nababago roon, ah.
  37. 37. Isko: Iyong may nunal sa pisngi na mapungay ang mata at balingkinitan angkatawan. Hindi mo ba nakita roon?Katulong: Ah, naroon nga po, at siya pang katuwang na umabot sa akin.Isko: Salamat kung gayon.Katulong: Sino po ba iyon? Kayganda ng pagmumukha ng babaing iyon.Isko: Ah, oo; iyan ang bagong kasal na kaibigan ni Aling Nena ay siyangbumabalisa sa akin, may ilan nang buwan.Katulong: Sayang! At nag-asawa na pala. Kung dalaga lamang eh, sasabihin kongbagay na bagay sa inyo, ah.Isko: Huwag kang maingay riyan at baka makarating sa asawa’y mahalata tuloy.Katulong: At nangingibig po ba kayo sa kanya?*Bumugtonghininga na lamang si Isko.*Katulong: Marami po naman ang walang asawa’y bakit ba kayo makikialam doon. Kunghindi po kayo magagalit sa akin, ay sasabihin kong pabayaan na ninyo siya. Basag-ulo lamang iyan, tangi sa magkakaroon pa kayo ng sagutin sa Panginoong Diyos atsa kapwa-tao.*Tumahik si Isko.*Isko: Paroon ka na. Huwag kang magmamakaingay ng nahalata mo sa akin at ito’yisang lihim na dapat kong pakaingatan.Katulong: Huwag po kayong mag-alaala.*Umalis ang katulong, naiwan mag-isa si Isko.*Isko: Hindi mangyayari. Yuyurakan ko ang matwid, pupuhunanin ko ang aking kayasukdang ikamatay, nguni’t si Neneng ay akin.Narrator: Dumating ang hapon sa kung anu-ano ang mga hinagap ng binatang si Isko.Nagpakabuting nagbihis ng lalong hirang na pananamit at masayang-masayang nanaogst tinungo ang bahay na kinalalagyan ng tunay na pangarap ng kanyang kaluluwa.*Nagbihis si Isko.*SCENE 2Tagpuan: Bahay nila Neneng*Nakadungaw mula sa bintana si Neneng.**Pumunta sa tinutuluyang bahay ni Neneng si Isko.**Inayos ni Isko ang damit niya ay sabay ngumiti.*Isko: Magandang hapon po.
  38. 38. *Nagulat si Neneng.*Neneng: Magandng hapon po.Isko: Maitutulot po ba ninyo ang pagtanggap sa akin?Neneng: Kami po’y suno lamang dini; aywan ko pa sa may bahay.Isko: Wala po ba sila riyan?Neneng: Nagsisitulog pa po.Isko: Samantala’y panonoorin ko na lamang kayo rini.Neneng: Aba, ako po ba’y ano’t panonoorin ninyo.Isko: hindi po ang kaabaan ko makapagpapahayag ng inyong kalaki-lakihang halaga.Sukat ng panoorin kayo upang lumuwalhati ang aking palad.Neneng: Salamat po.*Sinubukan ni Neneng na gisingin si Nena, ngunit mahimbing ang kanyang tulog.Siya ay takot din nab aka magising ang kanyang asawa at Makita si Isko.*Neneng: Masama pong tingnan ang lagay ninyo riyan. Hindi po ba maaring mamaya nakayo magbalik kung sila’y magising?Isko: Huwag po kayong makiusap. Iutos ninyo at akin ang pagsunod; ngunit itulotna makapagsalitang sandali.*Ginising ni Neneng si Narciso.*Neneng: Nariyan kayo.Isko: Oo po, at ang isip ko’y nagigising na sila.Neneng: Tulog pa po. Manhik kayo at aking gigisingin.Isko: Huwag na po at ako’y aalis na.Neneng: Manhik kayo. Natutulog man po ba sila’y gising na rin naman kami eh;tuloy kayo.Narrator: Palibhasa’y ito ang mithi ng nasa lupa, ay din a pinaghirapanganyayahan at kahit nagsisitulog pa ang ibang tao ay walang pitagang nagtuloy nadi nag-agam-agam sa ikapipintas. Ganito na nga ang gaya niyang walang muntingpinag-aralan sa pakikiugali.*Nagising ang lahat sa bahay.**Inaayos nila ang kanilang tulugan at naglinis.**Pumasok si Isko sa loob.**May iba na masama ang tingin kay Isko.**May iba na hihikab lang.*
  39. 39. Narrator: Sa kahabaan ng oras na itinagal ni Isko ay nagkapanahon din sasandaling pakikipag-usap kay Neneng, ngunit bahagya ma’y walang ikinahalata siNarciso.*Nagtatawanan/nagkwkwentuhan sina Isko at Neneng.**Nakatingin lang si Narciso kay Isko.**Nakangiti lang si Isko.**Kalaunan, nagpaalam na si Isko.**Hinatid ni Neneng si Isko hanggang sa pinto at pagka-sara ng pinto ay pinuntahanniya si Narcsio.*Neneng: Narciso, siya ang lalaking sumulat sa akin noong hindi pa tayo nakakasal.*Tahimik lang si Narciso.**Tumayo sila mula sa upuan at pumunta sa kanilang kwarto.*Narrator: Sa may isang linggong pagkatira kina Nena ng mag-asawang Neneng, aybihirang araw na di naroon si Isko umaga’t hapon. Ang madlang panilo sapagsasama’y halos nagamit niyang lahat upang magkaroon ng daan ang mahalay natungo ng kanyang maruming puso sa ibig tampalasaning katahimikan ng mag-asawa.Naging kapalagayang-loob ni Isko ni Narciso sa pamamagitan ng marayang hibo atmga balatkayong paggalang sa matwid na pawing hiniram lamang sa marungis na ugaling kanya ring sarili.SCENE 3Tagpuan: Labas ng bahay nila Nena*Nagiimpake na sila Neneng at Narciso/nag-aayos ng mga gamit nila.**Inaayos nila Narcsio ang mga gamit at mga pabaon sakanila.**Nagabot si Isko ng pabaon din at kinuha ni Narciso at nakangiti.**Nagtipon-tipon ang lahat at nagpaalam sa bawat isa.**Nagyakapan sila Nena at Neneng, napaluha at nag-paalam.**Nagkamayan sina Narciso at Deogracias.**Sa isang tabi ay nakayuko si Isko, malungkot nakatingin kay Neneng.*Narrator: Anupa’t ang pagkalayong ito ni Neneng ay katulad ng lumubog na araw sakanya, ng langit na dating maliwanag ay biglang nag-ulap; ng masayang hapong agadsinaklot ng masungit na gabi: sa madaling pagtuturing, ng isang ligayangpagdaka’y naging pighati! Malikmata ng pag-irog!Isko: Paano ako, mabubuhay baga ako na wala sa mata ni Neneng? Oh! Hindi akomakatatagal sa ganitong buhay. Paroroonan ko siya at di mangyayaring di koipagkasakit ang pagkakalalong ito. Datapwat saan ako kukuha ng gugugulin tuwi-tuwina ng pagluwas sa Maynila kung ako’y hindi palarin sa mga pakikipaglaro? Anoang mabuti kong gawin?
  40. 40. *Napahinto at natanga si Isko.*Isko: Di na ko magsusugal mula ngayon. Nakilala ko na ang malaking kasamaan ngbisyo. Magpapakabait ako at ang ilan pang bakurang pinag-aaniha’y akingipagbibiling lahat. Mangangalakal ako sa Maynila at ito ang ipagkikita namingmadalas ni Neneng.Narrator: Sa ganitong mga akala’y nayari ang gagawin ng binatang si Isko, at angpagkahilig niya sa sugal ay pinakapilit na limutin sa loob dahil sa marubdob napag-ibig. Sayang at sa isang may asawa! Ang isang masama’y iniwan at sa masamarin patutungo!

×