SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
Download to read offline
1. SEN. ALAN PETER S. CAYETANO
Si Alan Peter Cayetano ay ipinanganak
noong Oktubre 28, 1970 sa Mandaluyong. Isa siyang
senador mula sa Pilipinas. Siya ay isang
congressional-representative mula sa distrito ng
Taguig-Pateros ng 9 na taon. Ang kanyang
pinagtuunan ng pansin ay ang edukasyon. Noong May
14, 2007 ay tumakbo siya bilang isang senador sa
ilalim ng Genuine Opposition and nanalo.
2. SEN. ANTONIO “SONNY” F. TRILLANES
Si Antonio Trillanes IV (ipinanganak Agosto
6, 1971) ay isang politiko sa Pilipinas. Nakilala siya
sa kanyang ginampanan sa hindi na matagumpay
na pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 nang
hinawakan niya kasama ang 321 mga sundalo ang
paupahang gusali sa Oakwood sa Lungsod ng
Makati. Naglagay sila ng mga bomba doon at
binalaan ng pababagsakin ang gusali. Nasampahan
sila ng kaso sa hukumang pangsundalo ng Pilipinas.
Noong halalan ng Mayo 2007 sa Pilipinas, nahalal siya bilang
isang Senador sa ilalim ng partidong Genuine Opposition, at naupo sa
puwesto noong Hunyo 30, 2007 habang nakadetine. Noong Nobyembre 29,
2007, lumabas siya sa kanyang sariling paglilitis at pumunta sa Manila
Peninsula sa Lungsod ng Makati at hinimok ang publiko na patalsikin
si PangulongGloria Macapagal-Arroyo. Dahil dito, kakasuhan ulit siya.[1]
3. SEN. AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III
Aquilino "Koko" Pimentel III (ipinanganak Enero
20, 1964) ay isang Pilipinong senador, isang
abogado, at isang pampublikong lingkod. Siya ang
anak ng dating senador Aquilino Pimentel, Jr (1987-
1992, 1998-2010) at Lourdes Llana-Pimentel. Siya
ay ipinahayag bilang senador noong Agosto 11,
2011, ng pagsunod sa mga pagpapahayag ng Senate
Electoral Tribunal na siya ang tunay na nagwagi sa
2007 elections.Aquilino "Koko" Pimentel III
(ipinanganak Enero 20, 1964) ay isang Pilipinong
senador, isang abugado, at isang pampublikong lingkod. Siya ang anak ng
dating senador Aquilino Pimentel, Jr (1987-1992, 1998-2010) at Lourdes
Llana-Pimentel. Siya ay ipinahayag bilang senador noong Agosto 11, 2011,
ng pagsunod sa mga pagpapahayag ng Senate Electoral Tribunal na siya
ang tunay na nagwagi sa halalan 2007.
4. PAOLO BENIGNO “BAM” AQUINO
Si Paolo Benigno "Bam" Aguirre Aquino IV (ipinanganak
Mayo 7, 1977) o mas kilala bilang Bam Aquino ay isang
politiko at negosyante mula sa Pilipinas at kasalukuyang
Senador sa Mataas na Kapulungan. Siya ay pinsan
ni Noynoy Aquino.
5. SEN. CYNTHIA A. VILLAR
Cynthia Aguilar Villar (ipinanganak Hulyo 29, 1950)
ay isang Pilipinongpolitiko na siyang miyembro
ng House of Representatives para sa Lone District ng
Las Piñas City 2001-2010 at kasalukuyang isang
senador.
Siya ay ang kapatid na babae ng Las Piñas City Mayor
Vergel Aguilar, [1] at Muntinlupa Barangay chairman
Elizabeth "Ate Bess" A. Masangkay at ang asawa ng Senator Manny Villar
6. SEN. FERDINAND “BONGBONG” R. MARCOS JR.
Ipinanganak si Marcos sa Maynila. Anak siya ng
ikasiyam na pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand
Marcos at ng asawa nitong si Imelda Romualdez
Marcos, ang pinakaunang Gobernador ng Metro
Manila at Ministro ng Human Settlements.
Nagtapos si Bongbong ng elementarya sa De la Salle
College at ng sekondarya sa Worth School sa Inglatera.
Noong 1978, nagtapos siya ng kursong political
science, philosophy at economics sa Oxford University.
Pagkatapos niyang mag-aral sa Oxford, nag-aral na
naman siya sa Wharton School of Business sa Estados Unidos upang
makakuha ng Masters in Business Administration (MBA). Noong 1980,
habang nasa proseso siya ng pagkukumpleto ng thesis sa MBA, naihalal
siyang Bise Gobernador ng Ilocos Norte kahit na wala siya noon sa
lalawigan.
Kasal si Marcos kay Louise Araneta at mayroon silang tatlong anak na
lalaki.
7. SEN. FRANCIS JOSEPH “CHIZ” ESCUEDERO
Si Francis Joseph "Chiz" Guevara Escudero ay senador ng
Pilipinas mula pa man noong 2007. Isa siya sa pinakabatang
mambabatas na nagsilbi sa kongreso. Muli siyang tatakbo sa
senado sa Pangkalahatang Halalan ng Pilipinas, 2013 bilang
kandidatong indipindyente bagama't suportado siya ng
Partido Liberal (Liberal Party o LP) at United Nationalist
Alliance (UNA).
Nagtapos ng elementarya at sekundarya si Chiz sa University
of the Philippines Integrated School noong 1981 at 1985. Nakamit niya ang
Batsilyer sa Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod
Quezon noong 1988 at nagtapos siya ng abogasya sa UP College of Law
noong 1993. Nag-aral siya sa Georgetown University Law Center sa
Washington D.C. noong 1996 para sa kanyang master sa International at
Comparative Law.
Sa UP ay naging Pangkalahatang Kalihim din siya ng Association of Law
Students sa Pilipinas mula 1992-1993. Sumapi rin siya sa Alpha Phi Beta
Fraternity at miyembro rin siya ng Alpha Phi Beta Debating Team na naging
kampeonato noong 1991.
Isa rin siya sa pinakamahusay na mag-aaral sa magkakasunod na taon at
kasapi rin siya ng Order of the Purple Feather or the U.P. Law Honor Society
mula 1989–1993.
8. SEN. FRANKLIN DRILON
Ipinanganak si Drilon sa Baluarte, Molo, Lungsod
Iloilo kina Cesar Drilon, Sr. at Primitiva Drilon.
Nakapagtapos siya ng elementarya sa Mababang Paaralan
ng Baluarte noong 1957. Tinapos niya ang kanyang
sekondarya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Iloilo noong
1961. Nagtapos si Drilon ng kursong Bachelor of Arts in
Political Science noong 1965 sa Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman. Naging associate editor siya ng Philippine
Collegian ng UP at naging konsehal ng UP Student
Council. Nag-aral siya ng abogasya sa UP College of Law at natapos noong
1969. Naging kaklase niya ang kanyang dating asawa na si Violeta-Calvo
Drilon pati na sina senador Miriam Defensor-Santiago, Executive Secretary
Ronaldo Zamora, at ang negosyanteng si Loida Nicolas-Lewis. Naging
miyembro siya ng editorial board ng Philippine Law Journal, at ng Order of
the Purple Father, isang honor society ng abogasya sa UP. Nang kumuha
siya ng bar exams (pagsusulit sa abogasya), ikatlo siya sa may
pinakamataas na marka. Sa parehong taon, nagsilbi siyang associate
lawyer ng Sycip, Salazar, Luna, Manalo at Feliciano Law Offices
(kasalukayang Sycip Salazaar Hernandez & Gatmaitan). Sumapi siya sa
Angara, Abello, Conception, Regala & Cruz Law Offices (ACCRA) nong 1974
kung saan siya ay naging senior associate lawyer. Mula sa pagiging kasosyo
noong 1975, siya ay naging managing partner noong 1986. Naging bar
examiner din siya ng Labor at Social Legislation mula 1979 hanggang 1984.
Naging bise presidente at gobernador ng Employers Confederation of the
Philippines (ECOP), at bise presidente, board member at treasurer ng
Personnel Management Association ng Pilipinas (PMAP).
9. SEN. GRACE POE-LLAMANZARES
Si Mary Grace Sonora Poe
Llamanzares (ipinanganak 3 Setyembre 1968), kilala
bilang si Grace Poe-Llamanzares o sa mas
simpleng Grace Poe, ay isang politiko mula
sa Pilipinas na nagsilbi bilang Tagapangulo ngLupon
sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at
Telebisyon (MTRCB) mula 2010 hanggang 2012. Siya
ay tumatakbo para sa pagkapangulo ng Pilipinas sa
darating na halalan sa taong 2016.Isinilang
sa Iloilo subalit inabandona ng kanyang tunay na
nanay. Siya ang inangking anak ng Pambansang
Alagad ng Sining na si Fernando Poe, Jr., ang Hari ng Pelikulang Pilipino, at
ang kaniyang asawa na si Susan Roces, na nagpalaki sa kanya sa Maynila
bilang kanilang nag-iisang anak na babae. Nag-aral sa Pilipinas at sa
Estados Unidos, kung saan siya nakapagtapaos sa Boston College. Lumaki
siya sa Estados Unidos bago siya bumalik sa Pilipinas noong 2004, nang
pumanaw ang kanyang ama ilang buwan pagkatapos ng halalan ng 2004.
Noong 2010, itinalaga siya ni Pangulong Benigno Aquino III bilang
tagapangulo ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at
Telebisyon(MTRCB).[1]
10. SEN.GREGORIO B. HONASAN II
Si Gregorio Honasan mas kilala bilang Gringo
Honasan (Marso 14, 1948) ay isang politiko sa Pilipinas.
Siya ay gumanap ng papel na nagpatalsik kayFerdinand
Marcos noong Pebrero 1986. Kanyang pinamunuan ang
magkakasunod na mga pagtatangkang coup d'état laban
sa pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay
pinatawad ni Pangulong Fidel V. Ramosnoong 1992. Siya
ay nahalal na senador mula 1995-2004 at mula 2007-
kasalukuyan
11. SEN. JINGGOY EJERCITO ESTRADA
Si Jose Pimintel Ejercito, na mas kilala sa
pangalang Jinggoy Estrada, ay isang artista
at senador sa Pilipinas. Siya ang panganay na anak ni
Pangulong Joseph Estrada kay Loi Ejercito.
Jose Pimentel Ejercito (ipinanganak noong Pebrero 17,
1963), na mas kilala bilang Jinggoy Estrada, ay isang
dating artista, at kasalukuyang senador sa Pilipinas.
Anak siya nina dating Pangulong Joseph Estrada at
dating senador Luisa Estrada.
Ipinanganak siya bilang Jose P. Ejercito sa Maynila.
Nagtapos siya nang kanyang elementarya at sekondarya sa Pamantasang
Ateneo de Manila, at nagkamit ng degree sa ekonomiya mula sa Unibersidad
ng Pilipinas. Siya ang Punong-bayan ng San
Juan mula 1992 hanggang 2001. Nahalal siya sa senado noong 2004 at
magtatapos ang termino sa 2010. Napangasawa niya si Presentacion "Precy"
Vitug-Ejercito noong 1989.
Hulyo 23, 2007, nang mahalal si Jinggoy Pro-Tempore ng Pangulo ng
Senado ng Pilipinas. Agosto 15, 2007, napagdesisyunan ng Kataas-taasang
Hukuman sa pamamagitan ng botong 13-0 na payagang magpiyanasa si
Jinggoy sa kanyang kasong Plunder.
Noong Setyembre 11, 2007, inihain niya ang Senate bill 1556, na naglalayon
na gawing mandatory para sa lahat ng lalaki at babae sa kolehiyo na
dumaan sa ROTC.
12. SEN. JOSEPH VICTOR “JV” G. EJERCITO
Ipinanganak si JV noong Disyembre 26, 1969
sa Lungsod Maynila, sa kasagsagan ng pagkapanalo ng
kanyang ama na si Joseph “Erap” Ejercito Estrada
matapos maghain ng electoral protest laban kay Braulio
Sto. Domingo bilang alkalde ng San Juan. Si JV ang
nag-iisang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa
aktres na si Guia Gomez.
Si JV ay kasal kay Maria Hyacinth Barbara “Cindy”
Lotuaco, isang flight stewardess at dating Mutya ng Pilipinas na may hawak
ng titulong Asya Pasipiko. Sila ay may anak na lalaki, si Julio Jose. Ang
mas nakatatanda niyang anak na si Jose Emilio ay anak niya sa kasintahan
na si Patty Betita na dating beauty queen at sikat na modelo.
Si JV ay kinomisyon bilang Reserbang Opisyal ng Philippine Marine Corps,
may ranggong Major. Siya rin ay pinagtibay bilang miyembro ngPhilippine
Military Academy Class '88 Maringal.
13. SEN. JUAN PONCE ENRILE
Si Juan Ponce Enrile, ay isang Pilipinong politiko.
Ipinanganak si Ponce Enrile bilang Juanito
Furugganan[1] Gonzaga, Cagayan noong 14 Pebrero 1924.
Bilang protehido ni Pangulong Ferdinand Marcos,
naglingkod siya bilang Kalihim ng Katarungan at
bilang Ministro ng Tanggulang Pambansasa ilalim ng
rehimeng Marcos. Sa huli isa rin siya sa mga naging
pinuno (kasama na si Heneral Fidel V. Ramos) ng Kilusang
Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 1986 na nagpa-alis
kay Marcos sa kapangyarihan. Nagpatuloy si Enrile bilang isang
prominenteng politiko pagkatapos noon; at naging Pangulo ng Senado ng
Pilipinas simula noong Nobyembre 2008.
14. SEN. LOREN B. LEGARDA
Si Loren Legarda ay isang Pilipinong mamamahayag sa
telebisyon,ekolohista, at politiko na may lahing Bisaya, kilala
siya bilang ang katangi-tanging babaeng nanguna
sa dalawang halalan para sa senado (1998 at 2007). Noong
halalan nong 2004, tamakbo siya sa posisyong Pangalawang
Pangulo bilang isang Independyente kasama ni Fernando Poe,
Jr. bilang katambal. Sa kasalukuyan, siya ay tumatakbo muli
para sa posisyongPangalawang Pangulo kasama ni Manny
Villar. Si Legarda ay kilalang nagsusulong ng Kaalaman sa Pagbabago ng
Panahon at mayroon siyang maraming parangal sa mga
adhikaingpagpapabuti ng lipunan at pagsulong sa karapatang pantao;
kabilang ang mga ito sa mga nagawa niya bilang isang mamamahayag.
Bilang isang mamamahayag, nakakuha siya ng maraming parangal. Noong
2008, napili siyang "United Nations International Strategy for Disaster
Reduction AsiaPacific Regional Champion for Disaster Risk Reduction and
Climate Change Adaptation". Kasama siya sa delegasyon ng Pilipinas noong
2009 Copenhagen Summit.
Ang Maranao Sultanate League ay pinarangalan siya ng titulong "Bai Alabi",
o "Prinsesa". mayroon siyang lahing Karay-a at nakakapagsasalita siya ng
mga wikang Ingles, Filipino, Ilonggo, Tagalog, at ang katutubo
niyangKinaray-a, ng may katutubong husay. Maliban pa rito, isa rin siya
Tinyente Koronel sa Air Force Reserve Corps.
15. MANUEL “LITO” M. LAPID
Si Manuel Mercado Lapid na mas kilala sa pangalan na
Lito Lapid ay isang artista, politiko, at Senador ng
Republika ng Pilipinas.
Siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Oktubre taong 1955 sa
Porac, Pampanga, at ika-lima sa siyam na mga anak nina
Jose Lapid at Eleuteria Mercado. Natapos niya ang kanyang edukasyon sa
elementarya sa Porac Central School noong 1968. Natapos niya naman ang
kanyang edukasyon sa mataas na paaralan sa St. Catherine Academy of
Porac, Pampanga noong 1972. Hindi na siya pumasok upang mag-kolehiyo.
16. SEN. MARIA LOURDES SOMBILLO “NANCY” BINAY- ANGELES
Si Nancy Binay (may buong pangalan na Maria Lourdes
Nancy Angeles Binay) ay nagmula sa angkan ng mga
pulitiko. Si Nancy ang panganay na anak nina Bise
Presidente Jejomar Binay at dating alkalde Elenita Binay.
Kapatid niya ang alkalde ng Makati na si Jejomar Erwin
“Junjun” Binay Jr. at Kongresistang si Mar-Len Abigail
Binay-Campos ng Ikalawang Distrito ng Lungsod Makati.
Nagtapos ng B.S. Tourism sa Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman
Dating personal assistant si Nancy sa kanyang nanay na si Dr. Elenita
Binay noong pinuno pa ito ng Lungsod ng Makati. Matapos ay naging
Deputy Secretary-General siya ng United National Alliance, ang partidong
binuo ng kanyang ama at dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.
Nang maging Pangalawang Pangulo noong 2010 si Jejomar Binay, nagsilbi
si Nancy sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo at tinutukan ang mga
problema sa pabahay at naging tagapamagitan sa kanyang ama sa iba pang
ahensya at tumatayong tagahalili sa tuwing hindi nakadadalo ang
Pangalawang Pangulo sa mga okasyon.
Kasalukuyan siyang Executive Director at Kasapi ng Board of Trustees ng
Bigay Pagmamahal Fooundation, Kasapi ng Board of Trustees ng Brighthalls
Children’s Foundation, STF Serbisyong Tunay Foundation, Inc., at JCB
Foundation.
17. SEN. MIRIAM DEFENSOR- SANTIAGO
Si Miriam Defensor Santiago (ipinanganak 15
Hunyo 1945), ay isang politiko at kasalukuyang
Senador ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dating
hukom, at guro ng saligatang batas at batas
internasyunal. Naglingkod siya bilang komisyonado
ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng
Pilipinas noong 1988 at naging kalihim
ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula
1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad
Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay
komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon.[1]
Tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas si Defensor Santiago noong 1992;
nanguna siya sa pambansang bilangan ng mga boto noong unang mga araw
ng bilangan, subalit natalo lamang ng ilang daang libong mga boto.
Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan, lalo na ang
madalas na pagkawala ng kuryente noong unang limang araw. Nagsampa
siya ng protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang tumakbo siyang
muli bilang senador at nagwagi.[2]
Laging natatampok si Santiago sa pandaigdigang balitaan dahil sa kanyang
tahas sa pananalita. Noong 1997, pinangalanan siya ng Australian
Magazinebilang isa sa "The 100 Most Powerful Women in the World."
18. SEN. PIA S. CAYETANO
Si Pilar Juliana "Pia" Cayetano, mas kilala
bilang Compañera Pia o Pia(ipinanganak bilang Pilar
Juliana Schramm Cayetano noong Marso 22, 1966), ay
isang Pilipinong abogado, politiko, at
kasalukuyang Senador saRepublika ng Pilipinas.
19. SEN. RALPH G. RECTO
Si Ralph "KoRecto" Gonzalez Recto (ipinanganak
noong 11 Enero 1964) ay Pilipinong pulitiko. Dalawang
termino siyang nanilbihan bilang senador (2001
hanggang 2007). Tatlong termino naman siyang
nagsilbing kinatawan siya ng ikaapat na distrito ng
Batangas (1992 hanggang 2001).
Nakapag-aral si Recto sa iba't ibang prestihiyosong
unibersidad sa bansa. Nagtapos siya ng elementarya sa
Pamantasang Ateneo de Manila noong 1978 at ng
sekondarya sa De La Salle College noong 1982. Natapos
niya ang kursong Bachelor of Science in Business Administration
Pamantasang De La Salle-Maynila at nag-aral muli ng Masters in Public
Administration sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Nagtapos din siya sa
University of Asia and the Pacific sa kursong Strategic Business Economics.
Kumuha siya ng kurso sa panunungkulan at naging iskolar sa John F.
Kennedy School of Government at sa Harvard University sa Boston,
Massachusetts sa Estados Unidos.
Siya ang pinakabatang naihalal na miyembro ng Batasan noong siya ay
naging kongresista sa kanilang distrito sa Batangas.
20. SEN. RAMON “BONG” REVILLA JR.
Si Jose Marie Mortel
Bautista[1] (ipinanganak Setyembre 25, 1966), mas
kilala bilang Ramon "Bong" Revilla, Jr., o Bong
Revilla, ay isangPilipinong artista, politiko,
at Senador ng Pilipinas. Nakatapos si Revilla ng
elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd
sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong
1982 sa Fairfax High School, Los
Angeles, California, USA.. Ama niya ang aktor rin na si Ramon Revilla,
Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa naman niya si Lani Mercado(Jesusa
Victoria H. Bautista). Mayroon silang mga supling na artista rin: sina Bryan
Revilla at Jolo Revilla.
2 Nakatapos si Revilla ng elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd
sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong 1982 sa Fairfax High
School, Los Angeles, California, USA.. Ama niya ang aktor rin na si Ramon
Revilla, Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa naman niya si Lani
Mercado(Jesusa Victoria H. Bautista). Mayroon silang mga supling na
artista rin: sinaBryan Revilla at Jolo Revilla.
21. SEN. SERGIO R. OSMENA III
Si Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 –
Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio
Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng
Pilipinas (Agosto 1,1944 – Mayo 28, 1946). Siya ang ama
ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina
Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating
Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas
Osmena.
Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay
nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng
sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya
sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya
si Manuel L. Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si
Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio
Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at
patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto.
Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at
ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Korte Suprema na
kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang
natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.
Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang
gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang
taon, naging gobernador siya ng lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag
ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng
ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang
posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya
mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore"
noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-
Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya
ang kasarinlan ngPilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo
ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel
L. Quezon saEstados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis
noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. sina dating
pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling
ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas
ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga
gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa
Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga
Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J.
Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang
Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni
pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula
ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinasnoong 1944 hanggang 1945 sa
pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya
na silang kalabanin ng mga Hapones.Padron:Fact Nagsilbi siya bilang
pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946.
Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos.
Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan
sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19, 1961..
22. SEN. JUAN EDGARDO “SONNY” M. ANGARA
Ipinanganak noong Hulyo 15, 1972, 41 taong gulang, si
Sonny Angara ay anak nina Senador Edgardo Angara at
Gloria Angara, isang datng guro at tumatayong Punong
Tagapangasiwa ng Cultural Center of the
Philippines (CCP). Si Sonny at ang kanyang maybahay
na si Elvira Echauz at biniyayaan ng tatlong anak.
Nagtapos si Sonny ng edukasyon sa mababa at mataas
na paaralan sa Xavier School sa Munisipalidad ng San
Juan, Kalakhang Maynila. Nagtapos naman siya ng
kanyang undergraduate studies sa London School of Economics and
Political Science sa Inglatera. Kumuha siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas, kung saan kasapi siya ng Editorial Board of the Philippine Law
Journal, the Debate Society, at the Order of the Purple Feather.
Taong 2000 nang matapos niya ang abogasya at sa parehong taon ay
naipasa niya ang pagsusulit sa Bar. Itinuloy ni Sonny ang kanyang post-
graduate legal studies at natapos niya ang Master of Laws (LL.M.) sa
Harvard Law School sa Cambridge, Massachusetts, USA taong 2003.
23. SEN.TEOFISTO L. GUINGONA III
Ipinanganak si Guingona sa Maynila. Nagtapos siya ng
elementarya, sekondarya at kolehiyo sa Pamantasang Ateneo
de Manila. Kumuha siya ng kursong economics at nagtapos
noong 1981. Kumuha siya ng kursong abogasya at nagtapos
noong 1985. Kasal siya sa kapwa niyang abogado na si Maria
Victoria G. Guingona at mayroon silang isang anak na lalaki, si Bobby.
Noong 1978, nang siya'y nag-aaral pa, natikman na niya ang buhay pulitika
nang sumali siya sa mga rali at demonstrasyon. Nagmartsa siya kasama ng
iba pang mag-aaral at kasapi ng student government ng Ateneo pati na ang
mga kasapi ng Lakas ng Bayan (LABAN) sa España Boulevard. Ang grupong
LABAN noon ay pinangunahan ni Benigno Aquino Jr. Sa edad na
labingsiyam, inaresto siya kasama ang kanyang mga kapwa lider sa
unibersidad, mga magulang, sina Aquilino Pimentel, Jr., Joker
Arroyo, Francisco Soc Rodrigo at si Lorenzo Tañada Sr.
24. SEN. VICENTE “TITO” C. SOTTO III
Si Vicente Sotto III o mas kilala sa pangalang Tito Sotto
ay ipinanganak sa Maynila noong Agosto 24, 1948. Isa
siyang artista sa telebisyon at dating senador sa
Republika ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang
tumatakbong senador para sa halalan sa taong 2010 sa
ilalim ng partido Nacionalista. Siya ang pangatlong
senador na nagmumula sa angkan ng mga Sotto.
Si Tito Sotto ay anak nina Marcelino Ojeda at ng asawa
nitong si Herminia Castelo Sotto na isang manggagamot
at dating aktibista na sumusulong sa karapatan ng mga kababaihan. Ang
kanyang ina ang pinakaunang Medical Commissioner ng Workmen's
Compensation Commission at President Emeritus ng samahang
Kababaihang Rizalista ng Pilipinas.
Nagtapos ng elementarya, sekondarya, at kolehiyo sa Colegio de San Juan
de Letran noong taong 1969. Noong taong 2000, nakumpleto niya ang
Executive Program for Leaders in Development sa John F. Kennedy School
of Government sa Harvard University.
Ikinasal siya kay Helen Gamboa na mula sa Pampanga, isang
napakagandang dilag na isang mang-aawit at aktres na may napakaraming
parangal. Sila ay mayroong apat na anak na sina Romina, Diorella, Gian, at
Ciara
PROYEKTO SA
HEKASI
(24 na Senador ng Pilipinas)
Ipinasa ni: Mhark Justine Solmayor
Ipapasa kay: Gng. Mary Joy Dafun

More Related Content

What's hot

Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasevesoriano
 
Q4 lesson 30 joseph estrada
Q4 lesson 30 joseph estradaQ4 lesson 30 joseph estrada
Q4 lesson 30 joseph estradaRivera Arnel
 
Mga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng PilipinasMga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng Pilipinasmarinelademesa
 
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansamga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansakotatom
 
Balitang isports
Balitang isportsBalitang isports
Balitang isportsJake Pocz
 
Aralin naturalisasyon at pagkawala ng pagkamamamayang pilipino
Aralin  naturalisasyon at pagkawala ng pagkamamamayang pilipinoAralin  naturalisasyon at pagkawala ng pagkamamamayang pilipino
Aralin naturalisasyon at pagkawala ng pagkamamamayang pilipinoKC Gonzales
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Panahon ng Ikatlong Republika ng PilipinasPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Panahon ng Ikatlong Republika ng PilipinasPrincess Sarah
 
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng PilipinasAng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng PilipinasRitchenMadura
 
Emilio aguinaldo
Emilio aguinaldoEmilio aguinaldo
Emilio aguinaldoTon Denila
 
Patakaran at pamana ng mga amerikano
Patakaran at pamana ng mga amerikanoPatakaran at pamana ng mga amerikano
Patakaran at pamana ng mga amerikanoJared Ram Juezan
 
Programa at Patakaran ni Estrada at corazon Aquino
Programa at Patakaran  ni Estrada at corazon AquinoPrograma at Patakaran  ni Estrada at corazon Aquino
Programa at Patakaran ni Estrada at corazon AquinoWilma Flores
 
Mga nagawa ni Emilio Aguinaldo
Mga nagawa ni Emilio AguinaldoMga nagawa ni Emilio Aguinaldo
Mga nagawa ni Emilio AguinaldoRuth Cabuhan
 

What's hot (20)

Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinas
 
Q4 lesson 30 joseph estrada
Q4 lesson 30 joseph estradaQ4 lesson 30 joseph estrada
Q4 lesson 30 joseph estrada
 
Philippine presidents
Philippine presidentsPhilippine presidents
Philippine presidents
 
Ang Snap Election 1986
Ang Snap Election 1986Ang Snap Election 1986
Ang Snap Election 1986
 
Power arroyo
Power arroyoPower arroyo
Power arroyo
 
Bahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayaganBahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayagan
 
Mga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng PilipinasMga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng Pilipinas
 
Ikatlong republika
Ikatlong republikaIkatlong republika
Ikatlong republika
 
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansamga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
 
Balitang isports
Balitang isportsBalitang isports
Balitang isports
 
Corazon aquino (2)
Corazon aquino (2)Corazon aquino (2)
Corazon aquino (2)
 
Joseph Estrada
Joseph EstradaJoseph Estrada
Joseph Estrada
 
Aralin naturalisasyon at pagkawala ng pagkamamamayang pilipino
Aralin  naturalisasyon at pagkawala ng pagkamamamayang pilipinoAralin  naturalisasyon at pagkawala ng pagkamamamayang pilipino
Aralin naturalisasyon at pagkawala ng pagkamamamayang pilipino
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Panahon ng Ikatlong Republika ng PilipinasPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
 
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng PilipinasAng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
 
Emilio aguinaldo
Emilio aguinaldoEmilio aguinaldo
Emilio aguinaldo
 
Patakaran at pamana ng mga amerikano
Patakaran at pamana ng mga amerikanoPatakaran at pamana ng mga amerikano
Patakaran at pamana ng mga amerikano
 
Programa at Patakaran ni Estrada at corazon Aquino
Programa at Patakaran  ni Estrada at corazon AquinoPrograma at Patakaran  ni Estrada at corazon Aquino
Programa at Patakaran ni Estrada at corazon Aquino
 
Mga nagawa ni Emilio Aguinaldo
Mga nagawa ni Emilio AguinaldoMga nagawa ni Emilio Aguinaldo
Mga nagawa ni Emilio Aguinaldo
 
Martial law
Martial lawMartial law
Martial law
 

Viewers also liked

Uri ng pamahalaan (logo) slr
Uri ng pamahalaan (logo) slrUri ng pamahalaan (logo) slr
Uri ng pamahalaan (logo) slrAlice Bernardo
 
Jlmj Modelo ng pambansang Ekonomiya
Jlmj Modelo ng pambansang EkonomiyaJlmj Modelo ng pambansang Ekonomiya
Jlmj Modelo ng pambansang EkonomiyaJohn Lemuel Jimenez
 
Matagumpay na Entrepreneur sa Ating Bansa
Matagumpay na Entrepreneur sa Ating BansaMatagumpay na Entrepreneur sa Ating Bansa
Matagumpay na Entrepreneur sa Ating BansaMarie Jaja Tan Roa
 
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)ria de los santos
 
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang PangkalusuganYUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang PangkalusuganEDITHA HONRADEZ
 
YUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa Bansa
YUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa BansaYUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa Bansa
YUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa BansaEDITHA HONRADEZ
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7Manuel Dinlayan
 
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...Marcelino Christian Santos
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Larangan ng sining
Larangan ng siningLarangan ng sining
Larangan ng siningNers Iraola
 
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2Jaron
 

Viewers also liked (13)

Uri ng pamahalaan (logo) slr
Uri ng pamahalaan (logo) slrUri ng pamahalaan (logo) slr
Uri ng pamahalaan (logo) slr
 
Jlmj Modelo ng pambansang Ekonomiya
Jlmj Modelo ng pambansang EkonomiyaJlmj Modelo ng pambansang Ekonomiya
Jlmj Modelo ng pambansang Ekonomiya
 
Matagumpay na Entrepreneur sa Ating Bansa
Matagumpay na Entrepreneur sa Ating BansaMatagumpay na Entrepreneur sa Ating Bansa
Matagumpay na Entrepreneur sa Ating Bansa
 
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
 
Pamahalaan ng Pilipinas
Pamahalaan ng PilipinasPamahalaan ng Pilipinas
Pamahalaan ng Pilipinas
 
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang PangkalusuganYUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
YUNIT III ARALIN 8:Mga Programang Pangkalusugan
 
YUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa Bansa
YUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa BansaYUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa Bansa
YUNIT III ARALIN 3: Ang mga Namumuno sa Bansa
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
 
Mga gawaing pang industriya
Mga gawaing pang  industriyaMga gawaing pang  industriya
Mga gawaing pang industriya
 
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
 
Larangan ng sining
Larangan ng siningLarangan ng sining
Larangan ng sining
 
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
 

Similar to Mga larawan

Chap45jpl 100716015646-phpapp01
Chap45jpl 100716015646-phpapp01Chap45jpl 100716015646-phpapp01
Chap45jpl 100716015646-phpapp01galvezamelia
 
Native cottages of camarines sur
Native cottages of camarines surNative cottages of camarines sur
Native cottages of camarines surMelchor Lanuzo
 
Diosdado macapagal
Diosdado macapagalDiosdado macapagal
Diosdado macapagalFoodTech1216
 
Mgapangulongpilipinas
MgapangulongpilipinasMgapangulongpilipinas
MgapangulongpilipinasKevz Orense
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMark Casao
 
Erap estrada, prades
Erap estrada, pradesErap estrada, prades
Erap estrada, pradesFoodTech1216
 
Mgapangulongpilipinas
MgapangulongpilipinasMgapangulongpilipinas
MgapangulongpilipinasKevz Orense
 
Ang pamahalaang militar at sibil
Ang pamahalaang militar at sibilAng pamahalaang militar at sibil
Ang pamahalaang militar at sibilAddison Crosa
 
ARALING PANLIPUNAN VI REVIEWER 2ND QUARTER.docx
ARALING PANLIPUNAN VI REVIEWER 2ND QUARTER.docxARALING PANLIPUNAN VI REVIEWER 2ND QUARTER.docx
ARALING PANLIPUNAN VI REVIEWER 2ND QUARTER.docxChrisFortsxz1
 
AP 7 Lesson no. 34-A: Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas
AP 7 Lesson no. 34-A: Uri ng Pamahalaan sa PilipinasAP 7 Lesson no. 34-A: Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas
AP 7 Lesson no. 34-A: Uri ng Pamahalaan sa PilipinasJuan Miguel Palero
 
Si ferdinand emmanuel edralin marcos
Si ferdinand emmanuel edralin marcosSi ferdinand emmanuel edralin marcos
Si ferdinand emmanuel edralin marcosArchie Gugulan
 
Difference between theory and law2
Difference between theory and law2Difference between theory and law2
Difference between theory and law2PRINTDESK by Dan
 
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)melchor dullao
 
ROD NAVARRO, SENATORIAL ASPIRANT/CANDIDATE, MAY 13 2019, NATIONAL AND LOCAL E...
ROD NAVARRO, SENATORIAL ASPIRANT/CANDIDATE, MAY 13 2019, NATIONAL AND LOCAL E...ROD NAVARRO, SENATORIAL ASPIRANT/CANDIDATE, MAY 13 2019, NATIONAL AND LOCAL E...
ROD NAVARRO, SENATORIAL ASPIRANT/CANDIDATE, MAY 13 2019, NATIONAL AND LOCAL E...rodnavarro_phsenate_journals
 

Similar to Mga larawan (20)

Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
 
Chap4&5 jpl
Chap4&5 jplChap4&5 jpl
Chap4&5 jpl
 
Chap45jpl 100716015646-phpapp01
Chap45jpl 100716015646-phpapp01Chap45jpl 100716015646-phpapp01
Chap45jpl 100716015646-phpapp01
 
Native cottages of camarines sur
Native cottages of camarines surNative cottages of camarines sur
Native cottages of camarines sur
 
Diosdado macapagal
Diosdado macapagalDiosdado macapagal
Diosdado macapagal
 
87041747 buhay-at-diwa-ni-jpl
87041747 buhay-at-diwa-ni-jpl87041747 buhay-at-diwa-ni-jpl
87041747 buhay-at-diwa-ni-jpl
 
Mgapangulongpilipinas
MgapangulongpilipinasMgapangulongpilipinas
Mgapangulongpilipinas
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinas
 
Erap estrada, prades
Erap estrada, pradesErap estrada, prades
Erap estrada, prades
 
Mgapangulongpilipinas
MgapangulongpilipinasMgapangulongpilipinas
Mgapangulongpilipinas
 
Ang pamahalaang militar at sibil
Ang pamahalaang militar at sibilAng pamahalaang militar at sibil
Ang pamahalaang militar at sibil
 
ARALING PANLIPUNAN VI REVIEWER 2ND QUARTER.docx
ARALING PANLIPUNAN VI REVIEWER 2ND QUARTER.docxARALING PANLIPUNAN VI REVIEWER 2ND QUARTER.docx
ARALING PANLIPUNAN VI REVIEWER 2ND QUARTER.docx
 
Ang kanyang pag aaral sa maynila rpc
Ang kanyang pag aaral sa maynila rpcAng kanyang pag aaral sa maynila rpc
Ang kanyang pag aaral sa maynila rpc
 
Kay bebet
Kay bebetKay bebet
Kay bebet
 
AP 7 Lesson no. 34-A: Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas
AP 7 Lesson no. 34-A: Uri ng Pamahalaan sa PilipinasAP 7 Lesson no. 34-A: Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas
AP 7 Lesson no. 34-A: Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas
 
Si ferdinand emmanuel edralin marcos
Si ferdinand emmanuel edralin marcosSi ferdinand emmanuel edralin marcos
Si ferdinand emmanuel edralin marcos
 
Difference between theory and law2
Difference between theory and law2Difference between theory and law2
Difference between theory and law2
 
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
 
ROD NAVARRO, SENATORIAL ASPIRANT/CANDIDATE, MAY 13 2019, NATIONAL AND LOCAL E...
ROD NAVARRO, SENATORIAL ASPIRANT/CANDIDATE, MAY 13 2019, NATIONAL AND LOCAL E...ROD NAVARRO, SENATORIAL ASPIRANT/CANDIDATE, MAY 13 2019, NATIONAL AND LOCAL E...
ROD NAVARRO, SENATORIAL ASPIRANT/CANDIDATE, MAY 13 2019, NATIONAL AND LOCAL E...
 
Manuel roxas 1
Manuel roxas 1Manuel roxas 1
Manuel roxas 1
 

Recently uploaded

ppt G1 - natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking letra.pptx
ppt G1 - natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking letra.pptxppt G1 - natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking letra.pptx
ppt G1 - natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking letra.pptxronapacibe1
 
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdfnasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdfVielMarvinPBerbano
 
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxaraling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxJOHNNYGALLA2
 
4.1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli.docx
4.1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli.docx4.1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli.docx
4.1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli.docxjohnedwardtupas1
 
Filipino-CG (1).pdf k-12 Gabay pangkurikulum
Filipino-CG (1).pdf k-12 Gabay pangkurikulumFilipino-CG (1).pdf k-12 Gabay pangkurikulum
Filipino-CG (1).pdf k-12 Gabay pangkurikulumDanicaHipulanHinol1
 
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxNicaBerosGayo
 
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptxFILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptxKimberlyValdez19
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itobryandomingo8
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5TinCabanayan
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangeregeronimopaulyn69
 
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaFilipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaJaysonKierAquino
 
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El FiliKabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Filijuliusmirador1
 
local_media6485474161169553927378678.pdf
local_media6485474161169553927378678.pdflocal_media6485474161169553927378678.pdf
local_media6485474161169553927378678.pdfAvelynDequilla1
 
1.-Pagkamamamayan.-Konseptogghhgggbfghhg
1.-Pagkamamamayan.-Konseptogghhgggbfghhg1.-Pagkamamamayan.-Konseptogghhgggbfghhg
1.-Pagkamamamayan.-Konseptogghhgggbfghhgmondaveray
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Gerald129734
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxJeremyPatrichTupong
 
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxfilipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxMarcChristianNicolas
 
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipinokahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipinoChristineIgnas2
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson planREDENJAVILLO1
 

Recently uploaded (20)

ppt G1 - natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking letra.pptx
ppt G1 - natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking letra.pptxppt G1 - natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking letra.pptx
ppt G1 - natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking letra.pptx
 
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdfnasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
 
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxaraling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
 
4.1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli.docx
4.1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli.docx4.1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli.docx
4.1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli.docx
 
Filipino-CG (1).pdf k-12 Gabay pangkurikulum
Filipino-CG (1).pdf k-12 Gabay pangkurikulumFilipino-CG (1).pdf k-12 Gabay pangkurikulum
Filipino-CG (1).pdf k-12 Gabay pangkurikulum
 
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
 
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptxFILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
 
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangereKABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
KABANATA-7. Ang suyuan sa asotea Noli me tangere
 
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaFilipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
 
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El FiliKabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
Kabanata 34 Ang kasal ni Paulita ng El Fili
 
local_media6485474161169553927378678.pdf
local_media6485474161169553927378678.pdflocal_media6485474161169553927378678.pdf
local_media6485474161169553927378678.pdf
 
1.-Pagkamamamayan.-Konseptogghhgggbfghhg
1.-Pagkamamamayan.-Konseptogghhgggbfghhg1.-Pagkamamamayan.-Konseptogghhgggbfghhg
1.-Pagkamamamayan.-Konseptogghhgggbfghhg
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
 
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptxfilipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
filipino 10_kasaysayan-ng-el-filibusterismo.pptx
 
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipinokahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
 

Mga larawan

  • 1. 1. SEN. ALAN PETER S. CAYETANO Si Alan Peter Cayetano ay ipinanganak noong Oktubre 28, 1970 sa Mandaluyong. Isa siyang senador mula sa Pilipinas. Siya ay isang congressional-representative mula sa distrito ng Taguig-Pateros ng 9 na taon. Ang kanyang pinagtuunan ng pansin ay ang edukasyon. Noong May 14, 2007 ay tumakbo siya bilang isang senador sa ilalim ng Genuine Opposition and nanalo. 2. SEN. ANTONIO “SONNY” F. TRILLANES Si Antonio Trillanes IV (ipinanganak Agosto 6, 1971) ay isang politiko sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang ginampanan sa hindi na matagumpay na pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 nang hinawakan niya kasama ang 321 mga sundalo ang paupahang gusali sa Oakwood sa Lungsod ng Makati. Naglagay sila ng mga bomba doon at binalaan ng pababagsakin ang gusali. Nasampahan sila ng kaso sa hukumang pangsundalo ng Pilipinas. Noong halalan ng Mayo 2007 sa Pilipinas, nahalal siya bilang isang Senador sa ilalim ng partidong Genuine Opposition, at naupo sa puwesto noong Hunyo 30, 2007 habang nakadetine. Noong Nobyembre 29, 2007, lumabas siya sa kanyang sariling paglilitis at pumunta sa Manila Peninsula sa Lungsod ng Makati at hinimok ang publiko na patalsikin si PangulongGloria Macapagal-Arroyo. Dahil dito, kakasuhan ulit siya.[1] 3. SEN. AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III Aquilino "Koko" Pimentel III (ipinanganak Enero 20, 1964) ay isang Pilipinong senador, isang abogado, at isang pampublikong lingkod. Siya ang anak ng dating senador Aquilino Pimentel, Jr (1987- 1992, 1998-2010) at Lourdes Llana-Pimentel. Siya ay ipinahayag bilang senador noong Agosto 11, 2011, ng pagsunod sa mga pagpapahayag ng Senate Electoral Tribunal na siya ang tunay na nagwagi sa 2007 elections.Aquilino "Koko" Pimentel III (ipinanganak Enero 20, 1964) ay isang Pilipinong senador, isang abugado, at isang pampublikong lingkod. Siya ang anak ng dating senador Aquilino Pimentel, Jr (1987-1992, 1998-2010) at Lourdes Llana-Pimentel. Siya ay ipinahayag bilang senador noong Agosto 11, 2011, ng pagsunod sa mga pagpapahayag ng Senate Electoral Tribunal na siya ang tunay na nagwagi sa halalan 2007.
  • 2. 4. PAOLO BENIGNO “BAM” AQUINO Si Paolo Benigno "Bam" Aguirre Aquino IV (ipinanganak Mayo 7, 1977) o mas kilala bilang Bam Aquino ay isang politiko at negosyante mula sa Pilipinas at kasalukuyang Senador sa Mataas na Kapulungan. Siya ay pinsan ni Noynoy Aquino. 5. SEN. CYNTHIA A. VILLAR Cynthia Aguilar Villar (ipinanganak Hulyo 29, 1950) ay isang Pilipinongpolitiko na siyang miyembro ng House of Representatives para sa Lone District ng Las Piñas City 2001-2010 at kasalukuyang isang senador. Siya ay ang kapatid na babae ng Las Piñas City Mayor Vergel Aguilar, [1] at Muntinlupa Barangay chairman Elizabeth "Ate Bess" A. Masangkay at ang asawa ng Senator Manny Villar 6. SEN. FERDINAND “BONGBONG” R. MARCOS JR. Ipinanganak si Marcos sa Maynila. Anak siya ng ikasiyam na pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos at ng asawa nitong si Imelda Romualdez Marcos, ang pinakaunang Gobernador ng Metro Manila at Ministro ng Human Settlements. Nagtapos si Bongbong ng elementarya sa De la Salle College at ng sekondarya sa Worth School sa Inglatera. Noong 1978, nagtapos siya ng kursong political science, philosophy at economics sa Oxford University. Pagkatapos niyang mag-aral sa Oxford, nag-aral na naman siya sa Wharton School of Business sa Estados Unidos upang makakuha ng Masters in Business Administration (MBA). Noong 1980, habang nasa proseso siya ng pagkukumpleto ng thesis sa MBA, naihalal siyang Bise Gobernador ng Ilocos Norte kahit na wala siya noon sa lalawigan. Kasal si Marcos kay Louise Araneta at mayroon silang tatlong anak na lalaki.
  • 3. 7. SEN. FRANCIS JOSEPH “CHIZ” ESCUEDERO Si Francis Joseph "Chiz" Guevara Escudero ay senador ng Pilipinas mula pa man noong 2007. Isa siya sa pinakabatang mambabatas na nagsilbi sa kongreso. Muli siyang tatakbo sa senado sa Pangkalahatang Halalan ng Pilipinas, 2013 bilang kandidatong indipindyente bagama't suportado siya ng Partido Liberal (Liberal Party o LP) at United Nationalist Alliance (UNA). Nagtapos ng elementarya at sekundarya si Chiz sa University of the Philippines Integrated School noong 1981 at 1985. Nakamit niya ang Batsilyer sa Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon noong 1988 at nagtapos siya ng abogasya sa UP College of Law noong 1993. Nag-aral siya sa Georgetown University Law Center sa Washington D.C. noong 1996 para sa kanyang master sa International at Comparative Law. Sa UP ay naging Pangkalahatang Kalihim din siya ng Association of Law Students sa Pilipinas mula 1992-1993. Sumapi rin siya sa Alpha Phi Beta Fraternity at miyembro rin siya ng Alpha Phi Beta Debating Team na naging kampeonato noong 1991. Isa rin siya sa pinakamahusay na mag-aaral sa magkakasunod na taon at kasapi rin siya ng Order of the Purple Feather or the U.P. Law Honor Society mula 1989–1993. 8. SEN. FRANKLIN DRILON Ipinanganak si Drilon sa Baluarte, Molo, Lungsod Iloilo kina Cesar Drilon, Sr. at Primitiva Drilon. Nakapagtapos siya ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Baluarte noong 1957. Tinapos niya ang kanyang sekondarya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Iloilo noong 1961. Nagtapos si Drilon ng kursong Bachelor of Arts in Political Science noong 1965 sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Naging associate editor siya ng Philippine Collegian ng UP at naging konsehal ng UP Student Council. Nag-aral siya ng abogasya sa UP College of Law at natapos noong 1969. Naging kaklase niya ang kanyang dating asawa na si Violeta-Calvo Drilon pati na sina senador Miriam Defensor-Santiago, Executive Secretary Ronaldo Zamora, at ang negosyanteng si Loida Nicolas-Lewis. Naging miyembro siya ng editorial board ng Philippine Law Journal, at ng Order of the Purple Father, isang honor society ng abogasya sa UP. Nang kumuha siya ng bar exams (pagsusulit sa abogasya), ikatlo siya sa may pinakamataas na marka. Sa parehong taon, nagsilbi siyang associate lawyer ng Sycip, Salazar, Luna, Manalo at Feliciano Law Offices (kasalukayang Sycip Salazaar Hernandez & Gatmaitan). Sumapi siya sa Angara, Abello, Conception, Regala & Cruz Law Offices (ACCRA) nong 1974 kung saan siya ay naging senior associate lawyer. Mula sa pagiging kasosyo
  • 4. noong 1975, siya ay naging managing partner noong 1986. Naging bar examiner din siya ng Labor at Social Legislation mula 1979 hanggang 1984. Naging bise presidente at gobernador ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), at bise presidente, board member at treasurer ng Personnel Management Association ng Pilipinas (PMAP). 9. SEN. GRACE POE-LLAMANZARES Si Mary Grace Sonora Poe Llamanzares (ipinanganak 3 Setyembre 1968), kilala bilang si Grace Poe-Llamanzares o sa mas simpleng Grace Poe, ay isang politiko mula sa Pilipinas na nagsilbi bilang Tagapangulo ngLupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon (MTRCB) mula 2010 hanggang 2012. Siya ay tumatakbo para sa pagkapangulo ng Pilipinas sa darating na halalan sa taong 2016.Isinilang sa Iloilo subalit inabandona ng kanyang tunay na nanay. Siya ang inangking anak ng Pambansang Alagad ng Sining na si Fernando Poe, Jr., ang Hari ng Pelikulang Pilipino, at ang kaniyang asawa na si Susan Roces, na nagpalaki sa kanya sa Maynila bilang kanilang nag-iisang anak na babae. Nag-aral sa Pilipinas at sa Estados Unidos, kung saan siya nakapagtapaos sa Boston College. Lumaki siya sa Estados Unidos bago siya bumalik sa Pilipinas noong 2004, nang pumanaw ang kanyang ama ilang buwan pagkatapos ng halalan ng 2004. Noong 2010, itinalaga siya ni Pangulong Benigno Aquino III bilang tagapangulo ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon(MTRCB).[1] 10. SEN.GREGORIO B. HONASAN II Si Gregorio Honasan mas kilala bilang Gringo Honasan (Marso 14, 1948) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ay gumanap ng papel na nagpatalsik kayFerdinand Marcos noong Pebrero 1986. Kanyang pinamunuan ang magkakasunod na mga pagtatangkang coup d'état laban sa pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay pinatawad ni Pangulong Fidel V. Ramosnoong 1992. Siya ay nahalal na senador mula 1995-2004 at mula 2007- kasalukuyan
  • 5. 11. SEN. JINGGOY EJERCITO ESTRADA Si Jose Pimintel Ejercito, na mas kilala sa pangalang Jinggoy Estrada, ay isang artista at senador sa Pilipinas. Siya ang panganay na anak ni Pangulong Joseph Estrada kay Loi Ejercito. Jose Pimentel Ejercito (ipinanganak noong Pebrero 17, 1963), na mas kilala bilang Jinggoy Estrada, ay isang dating artista, at kasalukuyang senador sa Pilipinas. Anak siya nina dating Pangulong Joseph Estrada at dating senador Luisa Estrada. Ipinanganak siya bilang Jose P. Ejercito sa Maynila. Nagtapos siya nang kanyang elementarya at sekondarya sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nagkamit ng degree sa ekonomiya mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ang Punong-bayan ng San Juan mula 1992 hanggang 2001. Nahalal siya sa senado noong 2004 at magtatapos ang termino sa 2010. Napangasawa niya si Presentacion "Precy" Vitug-Ejercito noong 1989. Hulyo 23, 2007, nang mahalal si Jinggoy Pro-Tempore ng Pangulo ng Senado ng Pilipinas. Agosto 15, 2007, napagdesisyunan ng Kataas-taasang Hukuman sa pamamagitan ng botong 13-0 na payagang magpiyanasa si Jinggoy sa kanyang kasong Plunder. Noong Setyembre 11, 2007, inihain niya ang Senate bill 1556, na naglalayon na gawing mandatory para sa lahat ng lalaki at babae sa kolehiyo na dumaan sa ROTC. 12. SEN. JOSEPH VICTOR “JV” G. EJERCITO Ipinanganak si JV noong Disyembre 26, 1969 sa Lungsod Maynila, sa kasagsagan ng pagkapanalo ng kanyang ama na si Joseph “Erap” Ejercito Estrada matapos maghain ng electoral protest laban kay Braulio Sto. Domingo bilang alkalde ng San Juan. Si JV ang nag-iisang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa aktres na si Guia Gomez. Si JV ay kasal kay Maria Hyacinth Barbara “Cindy” Lotuaco, isang flight stewardess at dating Mutya ng Pilipinas na may hawak ng titulong Asya Pasipiko. Sila ay may anak na lalaki, si Julio Jose. Ang mas nakatatanda niyang anak na si Jose Emilio ay anak niya sa kasintahan na si Patty Betita na dating beauty queen at sikat na modelo. Si JV ay kinomisyon bilang Reserbang Opisyal ng Philippine Marine Corps, may ranggong Major. Siya rin ay pinagtibay bilang miyembro ngPhilippine Military Academy Class '88 Maringal.
  • 6. 13. SEN. JUAN PONCE ENRILE Si Juan Ponce Enrile, ay isang Pilipinong politiko. Ipinanganak si Ponce Enrile bilang Juanito Furugganan[1] Gonzaga, Cagayan noong 14 Pebrero 1924. Bilang protehido ni Pangulong Ferdinand Marcos, naglingkod siya bilang Kalihim ng Katarungan at bilang Ministro ng Tanggulang Pambansasa ilalim ng rehimeng Marcos. Sa huli isa rin siya sa mga naging pinuno (kasama na si Heneral Fidel V. Ramos) ng Kilusang Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 1986 na nagpa-alis kay Marcos sa kapangyarihan. Nagpatuloy si Enrile bilang isang prominenteng politiko pagkatapos noon; at naging Pangulo ng Senado ng Pilipinas simula noong Nobyembre 2008. 14. SEN. LOREN B. LEGARDA Si Loren Legarda ay isang Pilipinong mamamahayag sa telebisyon,ekolohista, at politiko na may lahing Bisaya, kilala siya bilang ang katangi-tanging babaeng nanguna sa dalawang halalan para sa senado (1998 at 2007). Noong halalan nong 2004, tamakbo siya sa posisyong Pangalawang Pangulo bilang isang Independyente kasama ni Fernando Poe, Jr. bilang katambal. Sa kasalukuyan, siya ay tumatakbo muli para sa posisyongPangalawang Pangulo kasama ni Manny Villar. Si Legarda ay kilalang nagsusulong ng Kaalaman sa Pagbabago ng Panahon at mayroon siyang maraming parangal sa mga adhikaingpagpapabuti ng lipunan at pagsulong sa karapatang pantao; kabilang ang mga ito sa mga nagawa niya bilang isang mamamahayag. Bilang isang mamamahayag, nakakuha siya ng maraming parangal. Noong 2008, napili siyang "United Nations International Strategy for Disaster Reduction AsiaPacific Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation". Kasama siya sa delegasyon ng Pilipinas noong 2009 Copenhagen Summit. Ang Maranao Sultanate League ay pinarangalan siya ng titulong "Bai Alabi", o "Prinsesa". mayroon siyang lahing Karay-a at nakakapagsasalita siya ng mga wikang Ingles, Filipino, Ilonggo, Tagalog, at ang katutubo niyangKinaray-a, ng may katutubong husay. Maliban pa rito, isa rin siya Tinyente Koronel sa Air Force Reserve Corps. 15. MANUEL “LITO” M. LAPID Si Manuel Mercado Lapid na mas kilala sa pangalan na Lito Lapid ay isang artista, politiko, at Senador ng Republika ng Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Oktubre taong 1955 sa Porac, Pampanga, at ika-lima sa siyam na mga anak nina
  • 7. Jose Lapid at Eleuteria Mercado. Natapos niya ang kanyang edukasyon sa elementarya sa Porac Central School noong 1968. Natapos niya naman ang kanyang edukasyon sa mataas na paaralan sa St. Catherine Academy of Porac, Pampanga noong 1972. Hindi na siya pumasok upang mag-kolehiyo. 16. SEN. MARIA LOURDES SOMBILLO “NANCY” BINAY- ANGELES Si Nancy Binay (may buong pangalan na Maria Lourdes Nancy Angeles Binay) ay nagmula sa angkan ng mga pulitiko. Si Nancy ang panganay na anak nina Bise Presidente Jejomar Binay at dating alkalde Elenita Binay. Kapatid niya ang alkalde ng Makati na si Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. at Kongresistang si Mar-Len Abigail Binay-Campos ng Ikalawang Distrito ng Lungsod Makati. Nagtapos ng B.S. Tourism sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman Dating personal assistant si Nancy sa kanyang nanay na si Dr. Elenita Binay noong pinuno pa ito ng Lungsod ng Makati. Matapos ay naging Deputy Secretary-General siya ng United National Alliance, ang partidong binuo ng kanyang ama at dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada. Nang maging Pangalawang Pangulo noong 2010 si Jejomar Binay, nagsilbi si Nancy sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo at tinutukan ang mga problema sa pabahay at naging tagapamagitan sa kanyang ama sa iba pang ahensya at tumatayong tagahalili sa tuwing hindi nakadadalo ang Pangalawang Pangulo sa mga okasyon. Kasalukuyan siyang Executive Director at Kasapi ng Board of Trustees ng Bigay Pagmamahal Fooundation, Kasapi ng Board of Trustees ng Brighthalls Children’s Foundation, STF Serbisyong Tunay Foundation, Inc., at JCB Foundation. 17. SEN. MIRIAM DEFENSOR- SANTIAGO Si Miriam Defensor Santiago (ipinanganak 15 Hunyo 1945), ay isang politiko at kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dating hukom, at guro ng saligatang batas at batas internasyunal. Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng Pilipinas noong 1988 at naging kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula 1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon.[1] Tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas si Defensor Santiago noong 1992; nanguna siya sa pambansang bilangan ng mga boto noong unang mga araw ng bilangan, subalit natalo lamang ng ilang daang libong mga boto.
  • 8. Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan, lalo na ang madalas na pagkawala ng kuryente noong unang limang araw. Nagsampa siya ng protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang tumakbo siyang muli bilang senador at nagwagi.[2] Laging natatampok si Santiago sa pandaigdigang balitaan dahil sa kanyang tahas sa pananalita. Noong 1997, pinangalanan siya ng Australian Magazinebilang isa sa "The 100 Most Powerful Women in the World." 18. SEN. PIA S. CAYETANO Si Pilar Juliana "Pia" Cayetano, mas kilala bilang Compañera Pia o Pia(ipinanganak bilang Pilar Juliana Schramm Cayetano noong Marso 22, 1966), ay isang Pilipinong abogado, politiko, at kasalukuyang Senador saRepublika ng Pilipinas. 19. SEN. RALPH G. RECTO Si Ralph "KoRecto" Gonzalez Recto (ipinanganak noong 11 Enero 1964) ay Pilipinong pulitiko. Dalawang termino siyang nanilbihan bilang senador (2001 hanggang 2007). Tatlong termino naman siyang nagsilbing kinatawan siya ng ikaapat na distrito ng Batangas (1992 hanggang 2001). Nakapag-aral si Recto sa iba't ibang prestihiyosong unibersidad sa bansa. Nagtapos siya ng elementarya sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1978 at ng sekondarya sa De La Salle College noong 1982. Natapos niya ang kursong Bachelor of Science in Business Administration Pamantasang De La Salle-Maynila at nag-aral muli ng Masters in Public Administration sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Nagtapos din siya sa University of Asia and the Pacific sa kursong Strategic Business Economics. Kumuha siya ng kurso sa panunungkulan at naging iskolar sa John F. Kennedy School of Government at sa Harvard University sa Boston, Massachusetts sa Estados Unidos. Siya ang pinakabatang naihalal na miyembro ng Batasan noong siya ay naging kongresista sa kanilang distrito sa Batangas. 20. SEN. RAMON “BONG” REVILLA JR. Si Jose Marie Mortel Bautista[1] (ipinanganak Setyembre 25, 1966), mas kilala bilang Ramon "Bong" Revilla, Jr., o Bong Revilla, ay isangPilipinong artista, politiko, at Senador ng Pilipinas. Nakatapos si Revilla ng elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong 1982 sa Fairfax High School, Los
  • 9. Angeles, California, USA.. Ama niya ang aktor rin na si Ramon Revilla, Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa naman niya si Lani Mercado(Jesusa Victoria H. Bautista). Mayroon silang mga supling na artista rin: sina Bryan Revilla at Jolo Revilla. 2 Nakatapos si Revilla ng elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong 1982 sa Fairfax High School, Los Angeles, California, USA.. Ama niya ang aktor rin na si Ramon Revilla, Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa naman niya si Lani Mercado(Jesusa Victoria H. Bautista). Mayroon silang mga supling na artista rin: sinaBryan Revilla at Jolo Revilla. 21. SEN. SERGIO R. OSMENA III Si Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1,1944 – Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena. Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon. Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Korte Suprema na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar. Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan. Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña- Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ngPilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
  • 10. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon saEstados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinasnoong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones.Padron:Fact Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas. Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19, 1961.. 22. SEN. JUAN EDGARDO “SONNY” M. ANGARA Ipinanganak noong Hulyo 15, 1972, 41 taong gulang, si Sonny Angara ay anak nina Senador Edgardo Angara at Gloria Angara, isang datng guro at tumatayong Punong Tagapangasiwa ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Si Sonny at ang kanyang maybahay na si Elvira Echauz at biniyayaan ng tatlong anak. Nagtapos si Sonny ng edukasyon sa mababa at mataas na paaralan sa Xavier School sa Munisipalidad ng San Juan, Kalakhang Maynila. Nagtapos naman siya ng kanyang undergraduate studies sa London School of Economics and Political Science sa Inglatera. Kumuha siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan kasapi siya ng Editorial Board of the Philippine Law Journal, the Debate Society, at the Order of the Purple Feather. Taong 2000 nang matapos niya ang abogasya at sa parehong taon ay naipasa niya ang pagsusulit sa Bar. Itinuloy ni Sonny ang kanyang post- graduate legal studies at natapos niya ang Master of Laws (LL.M.) sa Harvard Law School sa Cambridge, Massachusetts, USA taong 2003. 23. SEN.TEOFISTO L. GUINGONA III Ipinanganak si Guingona sa Maynila. Nagtapos siya ng elementarya, sekondarya at kolehiyo sa Pamantasang Ateneo de Manila. Kumuha siya ng kursong economics at nagtapos noong 1981. Kumuha siya ng kursong abogasya at nagtapos noong 1985. Kasal siya sa kapwa niyang abogado na si Maria
  • 11. Victoria G. Guingona at mayroon silang isang anak na lalaki, si Bobby. Noong 1978, nang siya'y nag-aaral pa, natikman na niya ang buhay pulitika nang sumali siya sa mga rali at demonstrasyon. Nagmartsa siya kasama ng iba pang mag-aaral at kasapi ng student government ng Ateneo pati na ang mga kasapi ng Lakas ng Bayan (LABAN) sa España Boulevard. Ang grupong LABAN noon ay pinangunahan ni Benigno Aquino Jr. Sa edad na labingsiyam, inaresto siya kasama ang kanyang mga kapwa lider sa unibersidad, mga magulang, sina Aquilino Pimentel, Jr., Joker Arroyo, Francisco Soc Rodrigo at si Lorenzo Tañada Sr. 24. SEN. VICENTE “TITO” C. SOTTO III Si Vicente Sotto III o mas kilala sa pangalang Tito Sotto ay ipinanganak sa Maynila noong Agosto 24, 1948. Isa siyang artista sa telebisyon at dating senador sa Republika ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang tumatakbong senador para sa halalan sa taong 2010 sa ilalim ng partido Nacionalista. Siya ang pangatlong senador na nagmumula sa angkan ng mga Sotto. Si Tito Sotto ay anak nina Marcelino Ojeda at ng asawa nitong si Herminia Castelo Sotto na isang manggagamot at dating aktibista na sumusulong sa karapatan ng mga kababaihan. Ang kanyang ina ang pinakaunang Medical Commissioner ng Workmen's Compensation Commission at President Emeritus ng samahang Kababaihang Rizalista ng Pilipinas. Nagtapos ng elementarya, sekondarya, at kolehiyo sa Colegio de San Juan de Letran noong taong 1969. Noong taong 2000, nakumpleto niya ang Executive Program for Leaders in Development sa John F. Kennedy School of Government sa Harvard University. Ikinasal siya kay Helen Gamboa na mula sa Pampanga, isang napakagandang dilag na isang mang-aawit at aktres na may napakaraming parangal. Sila ay mayroong apat na anak na sina Romina, Diorella, Gian, at Ciara
  • 12. PROYEKTO SA HEKASI (24 na Senador ng Pilipinas) Ipinasa ni: Mhark Justine Solmayor Ipapasa kay: Gng. Mary Joy Dafun