Panankop ngmga dayuhan sa       pilipinas
Ang pagdating ni Fernando de   Magallanes sa pilipinas   Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng   ...
Fernando     de MagallanesSi Fernão de Magalhães (pinakamalapitna bigkas /fekh·néw ji ma·ga·lyáysh/)(1480–Abril 27,1521; F...
Ang pagpatay ni Lapu-Lapu kay       Fernando de Magallanes Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat  ni Lapu-Lapu...
Lapu-       LapuSi Lapu-Lapu ay isang datu sa islang Maktan. Nang dumatingsi Fernando de Magallanes parabasbasan ang mga t...
Panahong kolonyal ng Amerikano             (1898-1946)   Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados    Unidos nang ma...
Digmaang Pilipino-                Amerikano   Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899,    matapos ...
Ikalawang DigmaangPandaigdig at ang pagsakopng mga Hapon   Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa C...
Kalayaan ng pilipinas sa mga             hapones   Noong Mayo 8, 1942 hanggang Setyembre 2, 1945, nagsimula ang    kampan...
Proyekto saaraling panlipunan
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

John wesley garcia ii dalton

3,154

Published on

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
3,154
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
169
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

John wesley garcia ii dalton

  1. 1. Panankop ngmga dayuhan sa pilipinas
  2. 2. Ang pagdating ni Fernando de Magallanes sa pilipinas Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español na pinamunuan ng Portugesna si Fernando de Magallanes noong Marso 16, 1521. Pumalaot si Magallanes sa pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San Lazaro.[3] Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang "magkapatid sa dugo", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang- bisa na kasunduan. Nakumbinsi pa ni Magellan na maging Kristiyano.[3] Nagawa niya itong gawin kay Humabon ng Cebu dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang nag- enganyo sa konbersyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribu. Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagwagi si Magallanes laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.
  3. 3. Fernando de MagallanesSi Fernão de Magalhães (pinakamalapitna bigkas /fekh·néw ji ma·ga·lyáysh/)(1480–Abril 27,1521; Fernando deMagallanes sa Kastila, FerdinandMagellan[2] sa Ingles) ayisangeksplorador na Portuges na naglayagpara sa Espanya. Siya ang kauna-unahangnakapaglayag mula sa Europa pakanluranpatungong Asya, ang unang Europeo nanakatawid ng Karagatang Pasipiko, at angnamuno ng unang ekspedisyon para sasirkumnabegasyon ng daigdig. Bagamannasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik saEuropa, 18 sa kanyang mga tripulante atisang barko ang nakabalik sa Espanyanoong 1522, at natupad ang pangarap napaglibot sa buong mundo. Namatay siya saPilipinas dahil sa hidwaan ng mgakatutubo.[
  4. 4. Ang pagpatay ni Lapu-Lapu kay Fernando de Magallanes Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya. Hinamon ni Magellan si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga Europeo. May tatlong dahilan kung bakit natalo si Magellan laban kay Lapu-Lapu. 1) Hindi siya nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar, 2) binalaan niya ang kalaban na siya aatake at 3) pumayag siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan. Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Noong 1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at pinagalang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong arkipelago.
  5. 5. Lapu- LapuSi Lapu-Lapu ay isang datu sa islang Maktan. Nang dumatingsi Fernando de Magallanes parabasbasan ang mga tribu ngKristiyanismo, tumutol si Lapu- lapuat nakipaglaban sa kanila.Walang naitala tungkol sakapanakan ni Lapu-lapu maliban sakanyang mga magulang na sinaKusgano at Reyna Bauga. Angmagkapatid na Abnaw at Mausugang kanyang kanang-kamay atpinakamatatalik na kaibigan. Siya aynagpakasal kay PrinsesaBulakna, ang magandang anak niDatu Sabtano. Sila ay biniyayaan ngisang anak na lalaki, si Sawili.
  6. 6. Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946) Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang labanan ang mga Kastila. Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar.Ngunit, dumistansya ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas.Nagwakas ang relasyon ng dalawang bansa at tumaas ang tensyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo.
  7. 7. Digmaang Pilipino- Amerikano Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.[12] Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol- Amerikano.[4] Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi.[12] Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isat isa.[12] Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong Marso 31,1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]
  8. 8. Ikalawang DigmaangPandaigdig at ang pagsakopng mga Hapon Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanganoong Disyembre 8, 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag- atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito [18] ito ay pinasok ng mga Hapones noong Enero 2, 1942[19]. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong Abril 9, 1942 at ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.[20] Sumama sina Quezon at Osmeña sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt.[21] Inutusan si MacArthur na pumunta sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.
  9. 9. Kalayaan ng pilipinas sa mga hapones Noong Mayo 8, 1942 hanggang Setyembre 2, 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935-1946) at ang sumali bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944. Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga Pilipino at Amerikanong sundalo saLeyte noong Oktubre 20, 1944. Maraming pang mga sundalo ang dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila. Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong Setyembre 2, 1945. Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942.[22]
  10. 10. Proyekto saaraling panlipunan
  1. A particular slide catching your eye?

    Clipping is a handy way to collect important slides you want to go back to later.

×