Sosyo Kognitib na Pananaw sa Pagsulat

10,253 views
9,557 views

Published on

Published in: Education
0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
10,253
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
255
Actions
Shares
0
Downloads
118
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Sosyo Kognitib na Pananaw sa Pagsulat

  1. 1. FILIPINO 14 BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT
  2. 2. SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT SOSYO- isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. KOGNITIB- anumang tumutukoy sa pag-iisip, nauugnay rin ito sa empirikal o paktwal na kaalaman. Ang SOSYO-KOGNITIB na pananaw sa pagsulat, kung gayon ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.
  3. 3. SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT Ayon sa pananaw na ito ang pagsulat ay kapwa isang mental o sosyal na aktibiti.  MENTAL NA AKTIBITI- nakapaloob ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat.  SOSYAL NA AKTIBITI- nakapaloob ang pagsa- saalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto. Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal.
  4. 4. PAGSULAT BILANG ISANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan. Anuman ang maging layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. Ito ay binubuo ng ibat ibang dimensyon tulad ng:
  5. 5. PAGSULAT BILANG ISANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO a) Oral na Dimensyon- Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong isinulat, masasabing nakikinig narin siya sa iyo. Samakatuwid, maaaring ang pagsulat ay isang pakikipag-usap ng mga mambabasa. b) Biswal na Dimensyon- ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o mga linggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbulo.
  6. 6. PAGSULAT BILANG ISANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO Sa dimensyong ito kailangang maisaalang-alang kung gayon ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat, upang ang mga simbulong nakalimbag, na siyang pinaka-midyum ng pagsulat, ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat. Ang mga biswal na imahe ay mga istimulus sa mata ng mga mambabasa at magsisilbing susi sa paggana ng kanilang komprehensyon sa ating isinusulat.
  7. 7. PAGSULAT BILANG ISANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO Kaugnay sa nabanggit, pansinin ang mga paghahambing at pagkokontrast sa dalawang dimensyon na halaw kay Badayos (2000).
  8. 8. Mga Salik Pagsasalita Pagsulat SIKOLOHI KAL -May kontekstong sosyal at harapang interaksyon. -May kagyat na pidbak sa anyong berbal at di berbal -Gumagamit ng paralinguistic features (tigil, diin, lakas at intonasyon) -Gumagamit din ng mga ekstraliguistik features o mga non-verbal clues. -Nasa anyong linear , hindi na mababawi ang nasabi bagamat maaaring baguhin -May kontekstong sosyal bagama’t ang interaksyon ay hindi harapan. -Kailangang gumawa ng maraming akma upang maisaalang- alang ang di nakikitang audience o mambabasa. -Minsan, awtor mismo ang gumaganap na tagabasa ng tekstong isinulat -Walang kagyat na pidbak
  9. 9. Mga Salik Pagsasalita Pagsulat LINGGWISTIK -Maaaring maging inpormal -Maaaring ulitin, baguhin, at linawin ang binitiwang salita ayon sa reaksyon ng kausap -Maaari ang paguulit-ulit ng mga pahayag. -Kailangang maging mahusay ang paglalahadng kaisipan upang maging malinaw ang teksto sa mga mambabasa. -Mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na istrakturang dapat sundin
  10. 10. Mga Salik Pagsasalita Pagsulat KOGNITIB -Madaling makamit ang kasanayan. -Natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap. -Ang pagsasalita ng inner speech sa aktwal na usapan ay madaling proseso -nnatututuhan sa paaralan at kailangan ng pormal na pagtuturo at pagkatuto Mas mahirap ang pagbubuo ng ideya sa pasulat na teksto kaysa sa pasalitang pagsasabi nito lalo na sa pangalawang wika.
  11. 11. Thank You!! CREDITS TO: RONEL RAGMAT JOSE RIZAL UNIVERSITY BSE-SOCIAL STUDIES SUBMITTED TO: PROFESSOR JANNETTE DELA CRUZ

×