Your SlideShare is downloading. ×
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Balik Tanaw
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Balik Tanaw

90,626

Published on

Published in: Spiritual, Business, Technology
10 Comments
19 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total Views
90,626
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
1,099
Comments
10
Likes
19
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. 1
  • 2. Balik Tanaw TUNGKOL SA MAIKLING KASAYSAYAN NG ISLAM SA PILIPINAS Balangkas at Tinipon ni Isa Abdullah Biago Ang Pinagmulán ng Mga Tao sa Filipinas Sinu-sino ang mga ninuno na nakarating sa ating kapuluan na sa ngayon ay tinatawag na Filipinas? Ayon sa kasaysayan, ang mga nanirahan dito sa Kapuluan ay naglakbay mula kapatagan ng Asya , mga Bornean at iba pang mga pook sa pamamagitan ng tulay na lupa Libo-libong mga taon bago pa ang mga mananakop, ito’y sa panahon ng kalamigang pandaigdig ( Ice Age). Sa larangan ng Arkeolohiya at paleontological na natuklasan na ang Homo sapiens ay umiiral na sa Palawan. Tinatawag nila itong Taong Kuweba (Caveman). Sa arkeolohiya ang bungo at panga ng Taong Kuweba na ito na natagpuan sa Tabon Cave sa Palawan ay kapareho ng tinatawag na Java at Peking Man. Ayon sa pagsusuri ang gulang ng natuklasang ito ay may 21,000 hanggang 22,000 taon na ang nakararaan. Ang sumunod na kapulungan ay ang mga Aetas o Negritos noong 25,000-30,000 taon na ang nakalipas. Tinatawag sila na angkan ngAustronesian-Melanesian. Ang angkan ng Malayo-Polynesian ang higit na ninuno ng karamihan ng Pilipino, sila’y ay nanirahan dito. Ang mga Aetas ay nasa kalupaan na ng Pilipinas bago pa naganap ang pagkatunaw ng mga niebe (yelo) at pagtaas ng tubig sa karagatan, kaya nahiwalay at naging kapuluan ang Pilipinas. 2
  • 3. Ang mga Naunang Mamamayan at wika sa Kapuluan Ang mga mamamayan dito ay ay may relasyong pang-kultura at pangangalakal sa India Tsina at mga mangangalakal na Arabo maaari bago pa sumapit ang 900 taon bago dumating ang mga taga Europa noong 16th siglo. Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga ninunò ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan. Diumanó’y itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayón ay may pag-aalinlangan ang teoryang itó. Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kaniláng pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tulúy-tulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas. May relasyón sa bawat isá ang mga mga tao dahilan wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga wikang itó ay Austronesian o Malayo- Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na malapit sa South America. Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay dumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón 3
  • 4. na ang mga grupong itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà at pagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá. Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas malalayong bansá tulad ng India. Sa Pilipians ay umaabot na 87 Austronesian ang wika. Ang limang malalaking wika na ito ay ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hilagaynon at Bicolano. Ang Pinagmulan ng Baybayin Ang salitang Baybayin ay isang lumang katagang pangkalahatan sa wikang Tagalog na tinutukoy ang lahat ng titik na ginagamit sa pagsulat ng isang wika o alpabeto. Ito’y mula sa ugat na ‘baybay’ na nangangahulugang titik ( spelling). Sa mga sulatin ng mga unang Kastila, ang karaniwang tawag nila sa baybayin ay ang mga “titik” o sulat ng mga tagalog. Ang tawag naman ng mga taga- Visayas sa baybayin ay ‘ sulat- Moro” dahil ito’y galling sa Maynila na naging daan para sa mga produkto ng mga Mangangalakal na Muslim sa mga pulo na ngayon ay kilala sa pangalang Filipinas. Iniulat noon ni Miguel Lopez de Legaspi na “ sila ( Visaya) ay may sariling pagsulat at mga titik na katulad ng sa mga Malayo, na siyang nagturo sa kanila.” Sa pagkaraan ng isang daang taon ay sumulat si Francisco Alcina tungkol sa …mga titik ng mga katutubong ito, o mas mainam, iyong mga titik na ginagamit dito sa loob ng iilang taon pa lamang. [Ito’y] isang sining na inihatid sa kanila ng mga Tagalog. Natutuhan ito ( ng mga Tagalog) sa mga taga-Borneo na naglakbay mula sa dakilang pulo ng Borneo patungo sa Manila [dahil] malaki-laki ang kanilang pakikipagkalakalan doon…Natutuhan ng mga Tagalog ang kanilang titik sa mga taga-Borneo at ang mga Bisaya naman ay natuto sa ( mga Taglog). Kaya, ang tawag nila ditto ay mga titik-Moro o sulat-Moro dahil ang mga Moro ang nagturo sa kanila… Natutuhan ng [ mga Visaya] ang sulat [ mga Moro] na ginagamit ng maraming tao ngayon. Higit na maraming babae ang gumagamit nito kaysa sa mga lalaki at sila’y mas mahusay sumulat at bumasa kaysa sa [ mga lalaki]. 4
  • 5. Ang Kultura ng Naunang Ninuno May mga bakas ng Arkeolohiya na nagpapakita na bago pa dumating ang mga mananakop na taga-Europa ang ating mga ninuno ay mayaman na sa kultura, na ito’y may kaalaman na sa ng paghabi ng tela, pagtatayo ng sasakyang dagat, pagmimina, ang paggawa ng mga alahas. Ang pakikipag-ugnayan ng mga ninuno ay sa karatig pook na bansang Asiano ay mula pa noong 500 BC sa pamamagitan ng pangangalakal sa makapangyarihang Emperyo ng Hindu sa Java at Sumatra.Ang pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa Tsina at Arabo ay maaaring bago pa sumapit ang 10th siglo at ito’y pinasigla noong ika- 12th siglo. Ang Paniniwala ng ating mga Ninuno Upang mailarawan natin ang paniniwala ng ating mga ninuo, maipapaliwanag lamang natin ito sa sistemang anismismo (animism). Sa ngayon ay may mga ilang tribu ang nanatili pa rin sa kaugaliang ito. Ito ay isang uri ng paniniwala na ang daigdig ay pinaninirahan ng mga espiritu at mahiwagang bagay sa kapaligiran, ito man ay masama at mabuti kinakailangan makiisa sa pamamagitan ng pagsamba sa kalikasan. Ang mga espirtung ito ay nasa kapaligiran lamang at tinatawag na diwata (nagpapahiwatig sa kulturang hinduism mula sa 5
  • 6. salitang Devatas). Ang ibang tribu, katulad ng Tagalog ay may sinasambang Makapangayari han na tinatawag na Bathala, ang bathalang ito ay kasama ang kaniyang mga anak na sina Adlaw, Mayari at Tala, sa mga Visaya ang dios ay si Kan-Laon ; samantalang ang iba naman ay sumasamba sa kaluluwa ng mga ninuno ( o Anitos). Sa bawat tribu o grupo ay mag-kakaiba ang pamamaraan ng pagsamba, ngunit ang pangkaraniwan sa kanila ay paggawa ng Mahiko, orasyon, at mga panalangin. Sa ibang kalupaan ng Pilipinas ay iginagalang o kinakatakutan ang mga nanggagamot katulad ng hilot, mangkukulam (witches and warlocks), mga pari (babaylan o catalonan). Pinaniniwalaan din nila ang pag-iral ng barang (witcraft) at nilalang na mahiwaga katulad ng aswang, duwendi at bakonawa, kapre at iba pa. Ang Hinduismo at Buddhismo sa Pilipinas Ang Hinduismo at Vajrayana Buddhism ay nagkaroon din ng ugat sa kapuluan ng Pilipinas. Ang mga alamat ng Pilipinas ay nagmula sa alamat ng Hinduismo. Ang kaugalian ng Buddismo ay malakas na nag-ugat sa kapuluan. Ang relihiyon ng Hindu ay dumating sa atin mula sa Timog ng India patungo sa Silangang-Timog ng Asia noong ika-apat na siglo hanggang 13 siglo. Ang Emperyo ng Sri-Vijaya at Majapahit na sa ngayon ay Malaysia at Indonesia ang nagpakilala ng Hinduismo at Budismo sa kapuluan. Ang relihiyong ito ay hindi niyakap ngunit ang ilang paniniwala at kaugalian ay naihalo sa mga nakagawian at kultura sa mga n a u n a n g m a m a m a y a n . 6
  • 7. Ang Pinagmulan ng Islam Ang Islam ay ipinangaral ng lahat ng mga Propeta at si Muhammad ay kahuli-hilihang isinugo ng Poong maykapal para sa sankatauhan. Isinilang sa Makka noong 570 AD at namatay noong 630 AD. Hindi niya inangkin na siya ay nagtatag ng isang bagong relihiyon at siya ay inapo ni Abraham sa pamamagitan ng kaniyang anak na si Ismael. (Genesis 17:20- 22). Tinanggap niya ang rebelasyon sa gulang na 40, sa pamamagitan ng angel na si Gabriel. Katuald ni Mohammad, halos lahat ng mga propeta ay hindi tinaggap, inusig at itinuring na kasangkapan ng ni satanas. Ang kaniyang ipinangaral na Islam ay lumaganap sa lahat ng mga anak ni Abraham at ang mga karatig pook nito. ( Genesis 25:13-16; Genesis 10:7;25:3 Isaias 42:10,12; 20:6; 23:2,6 Ezekeil 27:7; 38:13; I Cronica 1:2; Job 37:3 Mateo 12:42) Ang Islam ay hindi lamang lumaganap sa kapatagan ng Gitnang Silangan, Malapit na Silangan at Europa o Kalunuran kundi ito ay dumating din sa Malayong Silangan at Sumatra noong 700 AD at buong Asia. Papaano lumaganap ang Isla ? Si Edward Gibbon (History of the Saracen Empire, London 1870) “ Ang pinakadakilang tagumpay ni Muhammad sa kanyang buhay ay nangyari dahilan sa lakas ng kanyang kagandahang asal na walang ginamit na sandata.” Ganito pa ang sinabi ni : James A. Michener (Islam, the Misunderstood Religion, Readers Digest (American Edition) May 1955) “ Walang ibang Relihiyon sa kasaysayan ang napakabilis lumaganap katulad ng Islam… Ang Kanluran ay laganap ang paniniwala na ang pag-ahon ng Relihiyong ito ay maaaring nangyari sa pamamagitan ng sandata. Datapwat walang sinomang makabagong mananalaysay ang tatanggap ng ganoong haka-haka, at ang Qur’an ay hayag na kinakatigan ang kalayaan ng budhi.” Katotohanan kaya na ang Islam ay lumaganap sa pamamagitan ng sandata? Ganito ang sinabi ni A.S. Tritton (Islam, London 1951 p. 21)“ Ang larawan ng isang kawal na Muslim bilang mananakop na hawak ang Sandata sa isang kamay at Qur’an sa kabilang kamay ay hindi lubos na katotohanan.” 7
  • 8. Ang Islam sa Timog-Silangan Asia Hindi maliwanag ang kasaysayan ng Islam sa Pilipinas kung hindi natin isasama ang Timog- Silangan Asia. Ang Islam ay dumating sa mga kapuluang ito mula sa India bago dumating ang ika- 13th siglo. Ang Malacca sa Malaysia ay naging sentro ng pagkakatatag ng komunidad ng mga Muslim sa pook na ito at lumaganap iba’t-ibang rehiyon kabilang na dito ang mga malalaking pulo na kabilang sa Malaysia, Indonesia, Timog ng Thailand at Timog ng kapuluaan Pilipinas. Nang ang mga taga-Europa ay makarating sa mga kapuluang ito ng Timog-Silangan Asia 100 taon bago ito maganap, natagpuan nila na ang mga kapuluang ito ay ganap nang matatag sa mga panlipunang pamamaraan na nakabatay sa pananampalatayang Islam, katulad halimbawa ng politika, ekonomiya ang institusyong pang- pamilya. Ang pamunuan ng Sultana ang naging kasangkapan para sa mahusay na sibilisasyon ng mga Muslim na ninirahan dito. Sa Mindanao at Sulu ay may mga alamat na nagpapakita si Sinbad ang mandaragat na isa kaniyang paglalayag ay dumalaw sa Mindanao. At gayon din si Alexander the Great ay ayon sa alamat ay duminig sa Hukuman sa Jolo noong ika 320 BC. Marami sa mga tao sa pook na ito ay ipinagmamalaki ang kanilang pinagmulan sa isang taga-Macedoniang mananakop. Ang Tsinong manunulat, si Chao-Ju-Kua ( 1280) ay iniulat ang mga bagay tungkol sa mga tao sa Pilipinas, at gayon din ay iniulat ng iba na si Ptolemy, ang isang taga-Ehiptong geographer, ay isinama ang kapuluan ng Pilipinas na tinawag na kapuluang Maniola. Si Marco Polo ay Sheik Makdhum Tombi pinaniniwalaan ay dumaong ang kaniyang sasakyang pandagat at nanatili sa dalampasigan ng Sumatra at ayon sa sinasabi na siya ay maaaring naglayag din sa mga dalampasigan ng kapuluan ng Pilipinas. Ang paglaganap 8
  • 9. ng Islam sa kapuluang ng Mindanao at Sulo ay dahilan Sheik Makdhum Mosque sa pagpapalaganap ng mga Arabong mangangalakal at mga guro. Ang paglaganap nito sa kapuluang Pilipinas ay kasabay ng paglaganap nito sa Malayan Pinensula, Indonesia at Borneo Bagama’t ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas ay hindi matukoy kung kailan ito nagpasimula, ngunit ang kaigtingan ng paglaganp nito ay bago ang ika 12 siglo. Ayon sa ibang historyador, may mga ilang piraso ng arkeolohiya na nagpapatunay na ang pagdating ng Islam sa Pilipinas bago pa ang misyonerong si Sharif Makhdum. Ang Pagdating ng Islam sa Pilipinas Ang Islam ay dumating sa Timog ng Pilipinas na dumaan mula sa Borneo .Ang kasaysayan ng Pilipinas ay hindi nagpasimula nang ito ay matuklasan ng Espanya noong 1521 . Ang Dutch, Intsik, India, Arabo, Persia at iba pa ay matagal nang nakikipag-ugnayan sa ating kapuluan sa pamamagitan ng pangangalakal. Ang ating kasaysayan ay ganap na makabuluhan at kompleto kung hindi isasama ang kasaysayan ng Muslim at Islam sa Pilipinas. Hindi natin maaaring maihiwalay ang kabayanihan ng mga ninunong Muslim kung hindi natin ito bibigyan ng pansin. Ang Mindanao at Sulu ang lantay na pinagmulan ng mga Muslim na Pilipino. Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong bago pa ang taong 1210 A.D , ngunit ang kaigtingan nito ay sa pamamagitan ng isang Arabong misyonaryo at dalubhasa, na si Sharif Makhdum ( o Mudom ) na lumapag sa Sulo na noo'y sakop ng Malay Peninsula. Si Tuhan Muqbalu ay natagpuan ang kaniyang puntod sa libis ng Bud Datu na namatay noong 710 A.H. Gayon din, sa Sulu, si Tuhan Mashaika ay ang unang nagtatag ng kumunidad ng Muslim. Noong 1380 ay dumating si Karimul Makhdum or Sharif 9
  • 10. Makhdum o tinatawag din siyang Sharif Awliya. Ipinakilala nila ang Islam sa pamamagitan ng talas ng pangangaral hindi ng talas ng tabak. Itinuro din sa kanila ang pamamaraan o konsepto na pang-politika teritorya na pinamamahalaan ng mga Rajah o Sultan sa mga maliliit na pinuno na kung tawagin ay Datu sa kaniyang mga barangay. Ipinagawa niya ang unang Masjid o Mosque sa Pilipinas sa Tubig- Indangan, Pulo ng Simunol. Ang natitirang bahagi ng Masjid ( tawag sa bahay dasalan ng mga Muslim) ay makikita pa rin sa dati niyang kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa Pulo ng Sibuto at ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon. Sa taong 1390, Si Rajah Baguinda na taga Minangkibamu, Sumatra ay dumating sa Sulo at pinagpatuloy ang pagpapalaganap ng Islam na pinasimulaan ni Sharif Makhdum. Sa panahong ito ang Islam ay lubos nang nakalatag sa mga kapuluan at pinasimulan ang Sultanate sa Sulu.Ang unang sultan ay si Sharif Abubakar, ay nag mula sa Arabia na nagmula sa angkan ng Propetang si Muhamamd. ay dumating sa Jolu noong 1450 at pagkatapos pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Putri ( Prinsesa) Paramisuli. Nang mamatay si Rajah Baginda si Abubakar ay nagtatag ng Sultanate ng Sulo na kung saan silang mag-asawa ang naging unang Sultan at Sultana.Ginamit ni Abubakar ang pang-pinunong pangalan na Sharif Hasim. Ang salitang Sharif ay titulo na ikinakapit sa sinumang lihitimong angkan ng Propeta. Ito ay isang titulo ng karangalan. Ang paglaganap ng Islam sa Mindanao ay dala-dala mula sa pakikipag-ugnayan ng Sultan ng Sulu. Ayon sa kaalaman, ang Sulu ang naging sentro ng pangasiwaan ng pangangaral at pag-aaral. Ang kaigtingan ng paglaganap nito ay naganap nang si Sharif Kabungsuwan ay nagpunta doon at nangaral. Pagkatapos maitatag ang Pamahalaang 10
  • 11. Islam sa Sulo, ang mga Muslim ay naglakbay patungong Mindanao na pinamunuan ni Sharif Muhammad Kabungsuwan na taga Johor. Siya ay nagmula rin sa angkan ng Propeta ( Hasimite). Ayon sa Maguindanao Tarsilas siya ay anak ni Sharif Ali Zein ul-Abidin na mula sa Arabia at ang kaniyang ina ay mula sa Maharlikang angkan ng Johore. Siya ay lumapag sa Malabang ( ngayon ay Lanao del Sur) at ipinangaral ang Islam. Pagkatapos nito ay nagtungo siya sa Maguindanao ( Cotabato) sa taong 1475 at pagkatapos ay pinaksalanan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kaunaunahang Sultan at Sultana sa Maguindanao. Marami sa mga angkan niya hanggan ngayon ang itinuturing na nagmula sa kaniya. Ang salitang Maguindanao ay tumutukoy sa isang pamilya. Ito ang maharlikang angkan na naging kapamilya ni Sharif Kabungsuwan. Dahil ang angkan ng “Maguindanao” ay naging simbolo ng Kapangyarihan sa Mindanao, ang kanilang pangalan ay naging isang opisyal na pangalan sa lugar na ito ng kanilang nasasakupan ( Pulangi valley). Sa pagdating ng Islam marami sa ating mga ninuno ang naliwanagan at naging Muslim at iniwan ang pagsamba sa mga nilikha ( animists) at Marikudo at Datu Puti at ang mga kinilala ang kasama nag-iisang Dios na Tunay-tinatawag na Allah. Sa kasabay ng pangangaral ng mga naunang Muslim mula sa Sumatra, Borneo, Johor at Arabia maraming Datu na Muslim ang pumunta sa Pilipinas pagkatapos marinig ang magandang balita sa pagtanggap ng mga naunang Muslim. Ayon sa alamat ng Maragtas mula sa Borneo ( bahagi ng Sri Vishraya Empire) ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa Panay. Ito ay naganap noong 12 siglo dahil sa pag-iwas nila sa maaaring masamang maganap na gagawin ni Datu Makatunaw , isang malupit na Pinuno. Ang mga Datung ito ay sina Datu Puti, Datu Sumakwil, Datu Bangkaya, Datu Dumalogdog, Datu Paiburong,,Datu Paduhinog, Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw, at Datu Balensula. Kasama ng mga Datung ito ang kanilang mga pamilya at tagasunod. Si Datu Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay dalubhasa sa paglalakbay at silay lumapag sa San Joaquin, Iloilo ( noon ay Siwaragan). Si Datu Puti at ang mga kasamahan niya ay binili ang kapatagang lupain sa Iloilo na nagmula kay Marikudo, ang pinuno ng mga katutubong Aetas at nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan. Ito ay binili nila sa kapalit na halag ng gintong salakot ( golden sukud). 11
  • 12. Nang ang pamilya ng mga taga Borneo ay natatag sa Panay, si Datu Puti, Datu Balensula, at Datu Dumangsil, Datu Bangkaya, Datu Paduhinog, Datu Dumalogdog at Datu Dumangsil ay naglakbay muli at narating nila ang pook na maraming ilog, at tinawag nila ang kanilang sarili na taga-Ilog, na sa paglipas ng panahon ay naging Tagalog . Ang pook na ito ay ang Batangas na sakop ng Luzon. Si Datu Balensula at Datu Dumangsil ay nagtatag ng sarili nilang pamayanan at si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo at dumaan sa Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa mga Borneans at dumami ang nabighani para pumunta sa Pilipinas. Iniwan niya ang pamamahala kina Datu Balensula at Datu Domangsil, at ang ibang mga Datu ay nagkaroon din ng pamamahala sa kasalukuyan ay ang lalawigan ng batangas, Cavite, Laguna , Rizal, Quezon, Aurora, Bataan, Mindoro,, Marindoque ang ang ilang bahagi ng Romblon at Palawan. May mga nagsasabi pa rin na ang Metropolitan Manila, Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales ay kabilang sa kaharian na kanilang naitatag. Si Datu Balensula ay namayapa, ang kaharian ay minana ni Datu Kumintang, nang naitatag ang kaharian ng Kumintang, sa katagalogan, ang ibang mga Datu ay pinamahalaan ang Hilaga bahagi ng Luzon. Ang pangdarayuhan ng mga taga-ibang pook na dala- dala ang pangangalakal at relihiyon ng Islam ang siyang ikinagulat ng mga mananakop na Kastila na ang kapuluan ay lubos nang nakakalat ang pananampalataya. Ang Islam ay matibay na naitatag sa Mindanao at Sulu at nagkaroon din ng himpilan sa Luzon at Bisaya. Sa katagalugan, ang kaharian ng Maynila ( Manila ) ay namana nina Rajah Lakandula at Rajah Soliman ( Suleiman o Sulayman). Si Rajah Soliman ay pamangkin ni Rajah Lakandula, siya ay kinikilala na magiting na hari ng Maynila at tanging tagalog na lumaban sa mga mananakop. Ang salaysay ng mga kastila ay tinagurian siya bilang Rajamora o kaya’y Raja Mura na ang ibig sabihin “nakababatang raja” . Siya ay kamag-anak ng Sultan ng Brunei sa 12
  • 13. pamamagitan pagpapakasal niya sa isang malapit na kamag-anak ng Sultan. Pinamahalaan nila ang Manila ng kaniyang tiyuhin na si Rajah Matanda. Ang Kultura ng Malay Bago ng kolonyal na pananakop ng Pilipinas, nakakapangibabaw sa hanay ng mga nakararaming Malay ang mga maliliit na nagsasariling lipunan na pinaiiralan ng patriyarkal na pang-aalipin. May mga nagmamay-ari ng alipin, malaking bilang ng mga malayang mamamayan at mga ganap na alipin at malaalipin. Ang pinakamataas na pormasyong sosyo-pulitikal na naabot ay ang sa mga sultanatong Islamiko sa timog Kanlurang Mindanao, laluna ang sa Sulu. Nanatili ang kultura ng mga Malay na nagmula pa noong panahon ng bakal. Gayunman, ang mga mamamayan ay naimpluwensyahan ng mga kalapit na bansa sa timog-silangang Asya at ng Tsina. Walang mga istrakturang mega-litiko o yari sa malalaking bato, pero ang mga sultan, raha at pinuno ng baranggay ay may malalaking bahay na yari sa kahoy at mga bangkang iba't iba ang laki at kapasidad. Pangkaraniwan ang bangka na kayang magsakay ng ilang katao. Ang caracoa, na kayang magsakay ng mula 50 hanggang 100 katao, ay ginagamit sa pakikipagkalakalan at pakikipagdimaan sa mga taga-ibang pulo. Ang joangga, na kaya namang magsakay ng mahigit 300 katao ay ginagamit sa mas malakihang pakikipagkalakalan. Ang mga Prayle kasama ang bininyagang Indio Ang Hangarin ng Mananakop at pamamaraan ng pamamahala. Ang pananakop ng mga Kastila ay palitan ang lumang relihyon ng mga katutubo, dahil dito malaki ang pagbabago sa buhay pang-politika, kultura at ekonomiya ng mga Katutubo sa 13
  • 14. ating kapuluan. Ang unang hangarin ng mga Kastila ay ipalaganap ang Catolico. Ito ay hayag sa huling kahilingan ng Reyna si Isabella. Sa ikalawang pagkakahayag ay upang makakamkam ng mga kayamanan mula sa mga nasakop at nabawtismuhan sa Catolico, ang magkaroon ng karapatan na hawakan ng rota ng pangangalakal. Ang ikatlong kadahilanan ay makilala sila sa Malaking Karangalan sa pampolitika, na makuha ang Pilipinas bilang kanilang pag- aari. Sa pamamaraan ng kanilang pamumuno, ang Espanya ay naglagay ng Gobernador –Heneral, bilang pinakamataas na pinuno na nasa pamamahala ng Hari. Salungat sa unang kanilang pangako sa mga Rajah na sila ang magiging pangunahing pinuno ng kanilang nasasakupan. Naglagay din sila ng “ Makaharing Audencia” para sa kapakanan ng nasasakupan, ngunit ang ang ahensiyang ito ay nagbibingibingihan sa idinudulog ng mga inaapi ng mga Kastila. Ipiantupad din nila ang sistemang “ Encomienda”, ang encomienderos ang siyang namamahala sa lahat ng ekonomiya, relihiyon, ngunit maraming naabuso sa sistemang ito. Sa panahon ni Legaspi hangang 1884, ang mga katutubo ay nagbabayad bilang pagkilala sa espanya. Lahat ng mga katutubo ay hindi nais ang ganitong uri ng pamamahala, ngunit wala silang magagawa kundi sumunod sa patakaran ng relihiyon at gobierno ng Espanya. Ang mga encomienderos ay lubhang napakalaki ng kayaman dahil sa mga nakukutang bayad. Ang mga katutubong naging Catolico ay naging alipin ng Espanya. Ang isa pa pang-aalipin ng mga Kastilang Catolico ay ang sapilitang pagtratrabaho ( tinatawag na Polo). Ito ay ipinapataw sa lahat ng mga nasasakupang katutubo mula gulang 16 hanggang 60 taon. Ang mga katutubo ( polista) ay nagtratrabaho sa pagawaan ng gusali, pagkumpuni ng mga kalsada at tulay, pagputol ng mga punong-kahoy, sa mga minahan at daungan ng barko. Ang katutubo ay libre sa paggawa kung siya ay magbabayad, ito’y tinatawag na falla. Ang mga Filipino ay kaawa-awa sapagkat sila’y gumagawa ngunit walang natataggap na bayad at gayon din ay kinukuha pa ang rasyon na bigas ng mga opisyal na Kastila. Ang isa pang pagpapahirap na iniatang ng mga Kastila sa mga Filipinong Indio ay 14
  • 15. ang tinatawag na bandala, ito ang sapilitang pagbibenta ng knailang inani mula sa sakahan para sa pamahalaan ng Kastial at marami pa sa kanila ang hindi binabayaran. Sa iba’t-ibang pook ng kapuluan , ang mga pari at ang mga lokal na namamahala ay itinalaga bilang kinatawan ng Kapangyarihan ng Espanya. Ang pamumuno ng Frayle ( friarocracy) at ang pamamahala ng Oligarkiya ( oligarchy) ang dalawang haligi sa koloniyal na lipunan ang lubos na nakikinabang sa kapangyarihan at mga karapatan. Ang Pagdating ng Mananakop mula sa Espanya ( 1521-1898) Ang pananakop ng mga dayuhan sa ating kapuluan ay inilalagay sa “ panglan ng Dios”, Karangalan at Kayamanan ( God, Glory and Gold). Ang mga mananakop na Kastila ay naniniwala na karapan nila na lupigin ang sibilisadong mamamayan sa Asia Si Ferdinand Magellan, na isang taga-Portugal ,Tagapagtuklas at Manlalakbay. Siya ang kauna-unahang taga- Europa na nakatawid sa Pacific Ocean at ang unang ekspedisyon na nakaikot sa daigdig. Siya ay naglingkod sa Haring si Charles I ng Espanya, dahil hindi siya tinangkilik ng Hari ng Potugal na si Haring Emmanuel. Napag-alaman ni Magellan na ang malaking kayaman sa Silangan Asia ay mararating sa pamamagitan ng paglalayag patungong Kanluran ( West) na magdadaan sa dulo ng Timog ng Amerika. Ang paglalakbay patungong Silanganan ay pinamamahalaan ng Portugal dahil sa Kasunduang tinatawag na “ Treaty of Tordesillas. Ang kasunduang ito ay naglalagay sa dalawang bansa sa magkahiwalay na guhit. Ang Silanganan ay para sa mga Portuguese at ang Kanluran ay para sa mga Espanya. Ang Kaharian ng Espanya ay mabilis na ipinagkaloob kay Magellan ang kahilingan na tuklasin sa pamamagitan ng paglalayag sa ibang daanan ang mayamang pook ng mga palabok o pangpalasa ( spices), ang Moluccas ; at binigyan siya ng panustos sa paglalakbay na ito. Nang ang mga mananakop ay dumating sa kapuluan dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon, ang Islam ay lubos nang nakalatag sa Mindanao at Sulu at may mga himpilan sa Visayas at Luzon. Noong Marso 16, 1521 ay unang natanaw ni Magellan ang isla ng Homonhon na nasa hilagang Samar-Leyte at pagbaba nila ng dalampasigan ay nakipagkaibigan 15
  • 16. sila at nakipagpalitan ng mga regalo sa mga pinuno ng katutubong Muslim na sina Rajah Kolambo at Siaga. Binigyan niya ng pangalan ang Isla na ‘ Kapuluang San Lazaro’ , nagtayo ng Cross at inangkin ang kapuluan para sa Espanya. Ang dalawang Pari na kasama ni Magellan ang unang nagsagawa ng Katolikong Misa o pagdarasal Kristiyano. Dahil sa kanilang natuklasan ay nagkaroon sila ng paghahangad na pamahalaan ang mga katutubo. Mula Leyte ay naglayag sila patungong Zugbo ( Cebu) Isinama ni Magellan ang dalawang Rajah upang akitin din si Humabon na maging Cristiano upang matulungan siya na labanan si Lapu-lapu. Ibinadya nila ang kanilang pagdating sa pagpapaputok ng mga kanyon; matapos ay nagpasabi siya kay Rajah Humabon ( pinuno ng Zugbo) na ang pakay nila ay upang bumisita lang at bumili ng pagkain; nang sila ay makababa ay agad nilang kinaibigan si Humabon at sila'y nakipag " SANDUGO " ( kasi-kasi) o blood compact- tanda ng pagkakapatiran sa pamamagitan ng paghiwa sa kanang braso upang dumugo at paglapatin ang bawat braso ng dalawang nais sumumpa na tinanggap at kinilala ng mga katutubo. Si Humabon ang kauna-unahang Pilipino na pumasok sa Catolico dahil lamang sa paghahangad na malupig si Lapu-lapu na kaniyang kaaway. Datapwat si Magellan ay nais rin niyang maging Catolico si Lapu-lapu. Ito ang naging paraan ni Magellan upang mapamahalaan ang mga katutubo, na sila’y gawing Catolico at ang mga susunod na hakbang ay lupigin din ang mga barangay upang mapalawak ang pamamahala ng Datu na magiging sunud-sunuran sa Hari ng Espanya. Halos lahat ng mga Rajah at mga Datu sa Cebu ay napasunod sa mithiin ni Magellan maliban kay Rajah Lapu-Lapu sa Mactan. Sila ay nanatili sa Cebu upang maisakatuparan ang kanilang pananakop, si Magellan ay nakialam sa pamamahala at relihiyon, na ikinagalit ng mga katutubo at naging umpisa ng labanan ni Lapu-lapu at Magellan kung saan si Magellan ay napatay noong Abril 27, 1521 at ang mga nakaligtas ay tumakas pabalik ng Mexico (Spain). Hindi natupad ni Magellan ang kanilang mithiin na marating ang pulo ng Palabok o Pampalasang Sangkap ( Spice Island ), ito ang Muloccas. Ang natira sa limang sasakyang dagat ni Magellan ay dalawa na lamang. Ang mga natitirang kasama ni Magellan ay nagpatuloy at nakalapag sa Moluccas. Muling naglakbay pauwi sa Espanya, habang nasa daan ay nabihag ng mga Portuquese ang isa pang sasakyang dagat at ang nakarating na lamang ay isa, sa Espanya ito ang sasakyang Victoria na may 19 na sakay noong Septembre 6, 1522. 16
  • 17. Si Datu Lapu-lapu ay isa sa pinuno ng mga Muslim sa Visayas, siya ang kauna- unahang tagapagtanggol ng kalayaan at pananampalataya laban sa mga mananakop. Ayon sa mga tagapagsalaysay, si Rajah Lapu-Lapu ay bihasa sa paggamit ng Arnis de Mano ( fighting Sticks) , ginamit nila ang sandatang ito laban sa mga Kastila na sa panahon yaon ay makabago ang sandata. Si Lapu-Lapu at Humabon ay bahagi ng Sri Visayan Empire noong ika 14th na siglo. Ang Emperyong ito pagkatapos na magapi ng Maja Pahit Empire noong unang panahon sa Sumatra at Borneo. Ang angkan ni Lapu-lapu ay lumisan at nanirahan sa Gitnang bahagi ng Visaya. Ang iba pang grupo na lumisan at nagtungo sa kapuluang Pilipinas ay ang sampung Datus na kasama ang tribo ni Datu Puti at Sumakwel. Bagaman si Humabon at ang mga katutubo sa Leyte at Samar na naakit sa magagandang pangako ng mananakop na kastila tungkol sa pamamahala ng Espanya sa kanila, di naglaon ay nakita nila ang katusuhan ng mga banyaga. Sila rin ang unang tumutol at nakipagdigma sa mga dayuhang mananakop. Sa Sa kapuluan ng Limasawa ang mga mandirigma na nakipag-kaibigan sa mga Kastila ay pumasok sa relihiyon ng mga banyaga bilang kanilang pakikiisa dahilan sa magagandang pangako. Datapwat, ang pinuno ng mga katutubo ay muling nanumbalik sa kaniyang kinagisnang paniniwala at nagtatag din ng pakikipagdigma sa Kastila. Dahil sa mga magagandang balita na inihayag ng mga kasamahan ni Magellan na si Juan Sebastian de Alcano o Elcano, ang Hari ng Espanya ay nagpadala ng maraming ulit na paglalakbay sa kapuluang ito. Si Elcano ang kahalili ni Magellan sa pamumuno ng mga tauhan.. Bagamat hindi nagawa sa ng unang ekspedisyon na masakop ang mga isla , ngunit dala nila sa kanilang pag-uwi ang malaking halaga, ito’y naganap noong 1525-1542. Ang Hari ng si Charles I ay nagpasiya ng maraming ulit na ekspidesyon para sakupin ang mga pulo. Limang sunod-sunod na ekspedisyon ang naganap, sila ay pinamunuan nina Garcia Jofre Loaisa ( 1525(, Sebastian Cabot ( 1526) , Alvaro de Saaveda (1527) Si Ruy de Villalobos (1542) ang ika-apat na naglakbay mula sa Navidad, Mexico noong 1542 Si Ruy Lopez de Villalobos ay binagtas ang daan na dinaanan ni Magellan at nakarating sa Mindanao noong Pebrero 2, 1543. at nang makarating sila sa Abuyog , ang silangan bahagi ng Leyte ay pinangalanan niya ang rehiyong Samar-Leyte na Las Yslas Felipinas ( Philippines) bilang pagkilala sa hari ng Espanya na si Haring Philipi II ( King Philip II). Ang pangalan ito di naglaon ay ikinapit 17
  • 18. na sa buong kapuluan ng Luzon, Visaya, at Mindanao. Nang makapagtatag sila ng pamayanan sa Sarangani , umalis siya at lumapag sa Tidore, Moluccas, na kung saan siya ay nabihag ng mga Portuquese. Mula kay Magellan ay marami ang sumunod na ekspidisyon ang ipinadala ng Espanya ngunit lahat ay nangabigo na makarating sa kapuluan upang sakupin ito hanggang sa taong 1565. Nang si Haring Philip II ay pumalit sa kaniyang ama ay inatasan niya si Miguel Lopez de Legaspi nang panibagong ekspedisyon na sinamahan ng Paring si Andres de Urdaneta. Noong Pebrero 13, 1565 ay lumapag sila sa Cebu, natalo ng mga Kastila ang mga katutubo, at muling nagpatuloy patungong Leyte, sa Camiquin at Bohol.Sa pook na ito ay ginanap ang kasi-kasi ( blood compact) sa pagitan nina Datu Sikatuna bilang pag- sunod sa pamahalaang Espanya at pakikipag-kaibigan. Sila ay nagbigay ng mga Pamapalasa ( spices), ginto. Noong Abril 27, 1565 si Legaspi ay bumalik sa Cebu at winasak ang bayan ni Rajah Tupas at sila ay nanirahan doon. Si Miguel Lopez de Legaspi ay nagpatayo ng kampo at tinawag nila itong Fort San Pedro ( Fuerza de San Pedro) dahil sa laging pagsugod ng mga katutubo at gawing himpilan ng kanilang pananakop. Nang matapos nilang magapi ang Cebu dito sila nagtatag ng kauna-unahang Pamayanang Kastila, dito rin ang naging pasimula na gawing Cristiano ang mga Cebuano kapalit ng kanilang buhay. Noong 1572, si Legazpi ay inilipat ang kaniyang himpilan sa Manila upang ganapin naman ang panimula ng magagandang pangako at gawin tagasunod sa pamamahala ng Espanya. 18
  • 19. Ang Kaharian ng Maynila Dahil sa ang Maynila ay mayamang pook ng mga Muslim ang mga Kastila sa pamumuno ni Martin de Goite (kanang kamay ni Legaspi) ay iniwan ang Cebu kasama ang mga nagtaksil at naging Catolicong mga Bisaya at naglakbay patungong Luzon, nadaanan nila ang Panay at Mindoro. Sila ay nakalapag sa Maynila noong M ayo 8, 1570. at nais na makipagkaibigan kay Rajah Soliman. Datapwat ang mga katutubo ay nakita ang masamang dahilan ng pakikipagkaibigan at nagsimula ang mainit na digmaan laban sa mga Muslim ng Maynila na pinamumunuan ni Rajah Soliman ( ang pinuno ng mga Datu sa Luzon na ang lahi ay nagmula sa Maharlikang pamilya ng Borneo). Ipinagtanggol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong tatag hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng kanyang buhay na nangyari sa Bangkusay (dalampasigan ng Tondo) at sa kabila naman ng Ilog Pasig ngayon ay kinatatayuan ng Fort Santiago at Intramuros ( Kaanib ng mga Moors ) ay si Rajah Matanda naman ay buong tatag ding nakipaglaban. Sa pagkatalo ni Rajah Soliman, at ni Rajah Matanda ang mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa pulo ng Luzon, pinatay nila ang mga lalake at babae, matanda at bata. Ang mga Muslim sa mga karatig bayan ay ipinagtanggol din ang kanilang pamayanan hanggang sa kanilang huling hininga; itak at palaso (pana) laban sa baril at kanyon ng mga kastila. Ayon sa ibang salaysay si Rajah Soliman ay namatay noong Hunyo 3, 1571 sa pakikipaglaban sa Bangkusay. Bago nakalapag si Ferdinand Magellan sa Pulo ng Limasawa noong Marso 16, 1521, ang Filipinas ay isa nang Pamayanang Muslim. Pinamamayanan din sa kasaysayan na noong dumating si Legaspi, ang Pamayanan ng mga Muslim ay naitatag na sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Buhol, Samar, Maynila, Palawan, hindi pa kasali ang pulidong mga pulo sa Mindanao at Sulo. Sa Macabebe Pampanga ay kinikila si Rajah Soliman bilang kanilang hari at ang kaniyang imahen ay nakatayo bilang pagkilala sa kaniyang pamumuno. 19
  • 20. Ang Ekpedisyon ni Martin de Goiti Nang dumating si Martin de Goiti sa Manila noong 1570 ay hindi ipinahintulot ni Soliman si Goiti na lumapag, na ito’y nagpapahiwatig na hindi siya katanggap-tangap. Ang kapayapaan na iniaalok ni Goiti para sa mga katutubong Muslim ngunit hindi sang-ayon si Soliman. Una hindi sila katulad ng mga ‘ Pintado’1 ( ang tinutukoy ang ang mga Bisaya) na mga sunod- sunuran sa mga Kastila. Ikalawa hindi niya tinatanggap ang alok ni Goiti sila ay maglilingkod sa Hari ng Espanya o magpapasakop, magbibigay ng mga buwis. Dahil sa hindi pagkakaunawaan at mga bintangan sa isa’t-isa, ang mga Kastila na higit ang kakayanan sa mga makabagong sandata ay sinugod ang kaharian ni Soliman at sinunog ang mga tahanan nila. Mahigit 100 mandirigma ni Soliman ang napatay sa Manila at marami pa rin ang napatay sa ilog Pasig nang sila ay tumakas . Mga 80 pa ang nabihag ng mga Kastila. Maraming nakurakot ang mga Kastila. Ang mga pintados ( Visaya ) na sumama sa mga Kastila na naging Catoliko ay kasama sa hatian ng mga kayamanan ng taga-Maynila. Nang malaman ito ni Legaspi, siya ay sumang-ayon at hindi sinisisi si Goiti sapagkat anya ito ang pinaka mabisang paraan upang sila ay sumang-ayon sa kagustuhan ng Kastila. Noong Junio 6, ay inangkin ni Goiti ang Manila at mga karatig pook nito sa ngalan ng Espanya. Nang si Legaspi ay nakipagpulong kay Rajah Matanda, sila ay nagkasundo dahil sa matatamis na pangako ng mga Kastila at napagkasunduan din na akitin din si Soliman. Gayon din ay inangkin ni Legaspi ang buong Maynila bilang Adelantado, binigyan niya ito ng bagong pangalan, El Nuevo Reinode de Castilia ( Ang Bagong Kaharian ng Kastila). Napilitan ding sumuko ang malalapit na pook na baranggay, ngunit ang iba ay hindi sumang-ayon. Bagamat’ sa kanilang pakikipagkasundo ay naganap, nagkaroon pa ng ilang ulit na himagsikan. Hanggang tuluyan nang magapi ang Kaharian ng Maynila. Sa katapusan ng buhay ni Soliman, ipinagpatuloy ng mga Dayuhang Kastila ang ang pananakop sa iba’t-ibnag karatig barangay at Bayan. Katulong o kasama nila ang mga ibang tagalog at mga bisaya na pumasok sa pagiging Catoliko upang mabigyan ng proteksyon at kabilang sa hatian ng anomang kayaman na kanilang makukuha sa pagsakop sa iba’t-ibnag lalawigan. 1 Ayon kay Antonio Pigafetta, ang tagasulat ng Cronica ni Magellan ng sila’y lumapag sa kapuluan ng Bisaya, higit sa lahat ang Zugbu o Cebu ay iniulat niya na ang mga mamamayan dito ay puno ng tattoo sa katawan at natatakpan ng Bahagui ang masilang bahagi ng katawan at turban na yari sa seda. 20
  • 21. Una ay sinakop nila ang nayon ng Butas, na nasa kabilang panig ng ilog Pasig9 Ang Butas ng ilog, ito ngayon ay naging Navotas). Kinasangkapan ng mga Kastila ang mga Pinatdos sa Visaya dahil sa panagkong bibigyan sila ng mnakurakot sa digmaan ( spoils of battle). Napatay nila ang marami sa mga taga-Butas ( Navotas). Hinakot ng mga Kastila at traydor na mga kababayan natin. Ang mga nahuli ay kinaladkad patungong Manila, silang lahat ay umaabot na 300 katao, bininyagan at ginawang alipin. Dahilan sa ganitong pamamaraan ni Legaspi, maraming sumama at kumampi mula sa Bisaya at ibang panig ng Luzon. Nagtamasa sila ng kayaman sa bawat pananako ng mga Kastila. Nauso at lumaganap na rin ang sumbungan o pag-espiya sa mga katutubo upang magkamit ng pabuya. Datapwat bago maging kakampi kailangan nilang mag-Catolico. Dahil dito ang iba ay naakit, may mga katutubo sa Pampanga ( Capangpanga) na tinatawag ngayon na Pampanga ay sumama at nag-sumbong sa mga Kastiala. Sumama sila sa labanan kaya nagapi ang ibang mga katutubo roon. Pinagbayad sila ng buwis na ginto, nagbigay ng pagkain at iba pang ari-arian. Dito naman sa Caynta ( ngayon ay Cainta Rizal), dahilan din sa mga traydor na taga- Caynta, napasok ng mga kastila ang kampo ng mga naninirahan doon. Tatlo ang napatay na kawal na Kastial, dahil dito ang mga sundalong Kastila ay nag-juramentado at pinatay ang mga taga-Caynta, kasama sa mga napatay bagaman ito ay musmos pa, bata, babae at lalake ay isinama rin. Dahil dito sumuko na rin ang lahat ng mga barangay sa paligid ng lawa ( Laguna de Bay). Ang Camarines Sur ay hinangad nilang masakop dahil sa minahan ng ginto, hindi nila ito agad na nasakop dahil sa ang mga Muslim na namumuno roon ay alam ang kanilang hangad at pakay. Dahil dito ay bumalik si Goiti sa malaking ilog sa hilaga ng Manila, na tinatawag na Capangpanga, upang ipagpatuloy ang naantalang pagsakop. Kasama ang mga kawal na Kastila at mga mandirigmang Bisaya at tagalog. Nilusob nila ang bayan ng Vites ( Bites). Dinuros ng mga Kastila at traydor na kababayan natin ang pook na ito dahil sa makakamit na gantimpala. Sunod-sunod na ring sumuko ang iba pang mga barangay sa ilog ng Pampanga. Nang maganap na ang paglupig sa pinakayamang bahagi ng Luzon, Maynila at Tondo, sinama na rin nilang sakupin ang lalawigan ng Bulacan, buong Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at bahagi ng bataan; Morong ( Rizal) Cavitwe, Laguna at Hilagang batangas. Noong 1572 ay hindi pa nalupig ang pook ng Ibalon ( Ngayon ay Bicol) , ang mga look nsa Ilocos ( Yloquio) ang pook ng Zambal ( Zambales) at Pangasinan. Kasma rin dito ang lalawigan ng Tayabas, Isabela, at Cagayan. Ngunit sa mahabang panahon silang lahat ay kasama na at naglilingkod sa pamahalaang Espanya. 21
  • 22. Sa pook ng mga Igorot at mga bundok ng Sirra Madre at ang mga palibot-libot nito ay nanatiling payapa at malaya, dahil mahirap na akyatin ang mga bundok niyaon. Bukod dito ang mga traydor na pumanig sa mga Kastila ay ayaw sumama doon. Bukod dito ang Cordillera ay hindi kailanmna nasakop, dahil ayaw nilang maging Catolico at ang mga tao doon ayon sa mga Kastila at mga kakampi nitong traydor ay mababangis sila. Noong Mayo 18, 1571 ay inilipat ni Legaspi ang kaniyang sentro ng pamamahala sa Manila at upang makasama niya si Goiti. Dito niya itinayo ang tinatawag na Intramuros, noong 1571. Noong Agosto 20, 1572 habang pinapalitan ang bakod na kahoy ng batong pader ay namatay si Legaspi at inilibing sa Simbahan ng San Agustin sa Intramuros. Nang mamatay si Legaspi sa gulang na 67, ay tahimik na pumalit si Lavezaris, ang kasama ni Ruy Lopez Villalobos. Siya ay nanungkulan bilang Gobernador at ipinagpatuloy ang pananako sa kapuluan na pinasimulan ni Legaspi. Inutusan ni Lavezaris si Juan Salcedo na sakupin ang Yvalon at ang mina ng ginto sa Paracale. Kasama ng mga Kastila ang mga katutubong sunod-sunuran sa mga Kastila. Nasakop nila buong paligid ng ilog Vocor ( Camarines Norte at Sur at Albay), nasakop din ang pulo ng Catanduanes. Marami silang nasamsam na ginto at iba pang kayamanan. Inatasan muli ni Lavezaris si Zalsedo na lubusang sakupin ang ang tinatawag na Ylocos, sa tabi ng ilog-Vigan ( mula sa Biga-an, isang pook na maraming biga, isang uri ng halamang gabi). Nasakop nila ito ng mapayapa, na nagyon ay Vigan. Noong 1573 ,dahil sa matagumpay na pananakop at sapilitang pagyakap sa Catolico ng mga katutubo sa buong Luzon at ilang bahagi ng Visaya, ay iniulat ni Kapitan Diego de Artieda, sugo ni Haring Felipe II na ang Pilipinas ay bahagi na Kaharian ng Espanya. Ang Manila ay binigyan ng titulong “ Insigne y Siempre Leal Ciudad de Espana ( Ang Katangi- tanging at Matapat na Bayan ng Espana). Itinatag ng mga Kastila na pangunahing lugar ang Maynila at nagplano sila na sakupin ang buong Kabisayaan. Sa maikling panahon ay nalupig nila ang Visayas at ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan at ang mahihina ay napilitang talikdan ang Islam at tanggapin ang Kristianismo kapalit ng kanilang buhay, ngunit ang matatag sa paniniwala at bayani ay niluob pa nilang mamatay na lumalaban kaysa talikdan ang pananampalataya at Islam. Nang ang Luzon at Visaya at nasakop, pinatawan na sila ng mga buwis at 22
  • 23. sapilitang pagtratrabaho at pagbibenta ng mga ani mula ng lupa sa pamahalaang Kastila. Ipinatupad nila ang patakarang Hindi huminto ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Hindi pa sila nasiyahan, pinangarap pa nilang masakop ang mayamang lupain ng Mindanao; ngunit ang mga katutubong Maranaw, Tausog,Yakan, Samal, Maguindanao, at Sangil na mga tribu ng Muslim ay magiting na lumaban at pinigilan ang paulit-ulit na pananakop at pamimilit ng mga Kastila. At duon nagsimula ang matanyag na digmaan ng mga Muslim at Kastila., at ito ay tinawag na digmaang Moro ( Moro Wars). Ang Mindanao at Sulu Habang ang Islam ay lumalakas sa Mindanao at Sulu, ang Visaya’ at Luzon ay nagapi at napilitang maging Catolico. Ang paglaganap ng Catolico sa kapuluan ay pinangunahan ng Frayleng Augustinian na si Andres Urdaneta, kaagapay niya ang dalawang pinuno ng pananakop na sina Miguel Lopez de Legaspi at ang kaniyang kanang kamay na si Martin de Goiti. Pagkatapos na ang mga katutubo ay pumasok sa Catolico, dito na nagdatingan ang mga Fransciscan, Dominican, Jesuit at iba pang Augustianian na mga Pari. Nagtatag sila ng mga simbahan, konbento at mga paaralan. Noong 1578, ang unang pagtatangka ng mga Kastila na durugin ang mga Muslim sa Mindanao at Sulu nang isinagawa ng mga Kastila kasama ang mga Indio at mga Pintados na sakupin ito. Bago maganap ang pagsalakay, ang Kastilang General na si Francisco de Sande ay nagpadala ng liham sa Sultan ng Brunei, Ang pinakamahalaga sa sulat ay ang pagbabawal ng magpadala ng mga mangangaral sa Kabisayaan at Luzon. Isinagawa nila ang pagsalakay sa Sulu at Hilagang Borneo upang maputol ang pagpapadala nila ang mga mangangaral na 23
  • 24. Muslim na pumunta sa kabisayaan at Luzon, sakupin ito at mapasailalim ng Kaharian ng Espanya at gayon din upang maputol ang pakikipag-ugnayan ng Sultan sa Sulu. 300 taon, na ang mga kolonyal na administrador at prayleng Kastila ang naghahari sa mga kolonisadong mamamayan, nagpapataw ng buwis sa mga ito, pangunahi'y sa porma ng pagpapatrabaho, upa sa lupa, tributo sa simbahan at tubong-komersyal mula sa kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal noong mga unang taon ng ika-19 na siglo at sa bandang huli'y tubo mula sa pakikipagkalakalan sa mga bayang kapitalistang industriyal noong malaking bahagi ng ika-19 na siglo. Sa kolonyal at pyudal na lipunan, ang mga panginoong maylupa ang bumubuo ng pinakamataas na uri sa mga katutubo. Inaabuso nila ang mga magsasaka, na mga 90 porsyento ng populasyon. Minorya ang mga artisano at manggagawa sa manupaktura. Lalong kakaunti ang mga katutubong pari, propesyunal at klerk na administratibo hanggang matapos ang kolonyal na paghahari ng mga Kastila. Ang nangingibabaw na pwersang pangkultura sa kolonyal at pyudal na lipunan ay ang Katolisismo na pinalaganap ng mga ordeng relihiyoso na napapailalim sa kaharian ng Espanya. Ang mga paring Kastila ay nagpasasa ng kapangyarihang panlipunan, pampulitika, pangkultura at moral mula sa mga kolonisadong mamamayan. Ginamit nila ang katesismo, pulpito, kumpisalan at mga seremonyas para kontrolin ang mga mamamayan at gawing lehitimo ang sistemang kolonyal at pyudal. Sa katunayan, epektibo silang kahati sa kapangyarihan ng mga di relihiyosong kolonyal na administrador ng isang estadong totoo ngang teokratiko. Ang Mindanao ay hindi kabilang sa Pilipinas Sa panahon ni Villalobos, itinuring na kasama sa kapuluan ng Maluku ang mga pulo ng Mindanao. Mindanao, isang kataga na kumakapit sa lupain ng Mindanao, Basilan, Sulu, Tawi- Tawi at Palawa, ito rin ay tinaguriang sa tawag na Morolandia o Bangsa Moro. Ang isang mananalaysay na Taga Pransiya na si D’Avitaya, ay sumulat sa kanyang aklat na Histoire de 24
  • 25. L’asie, noong ika -16 na siglo na ang Mindanao ay hindi kabilang sa kapuluang Pilipinas. Sa kaniyang pag-uutos kay Miguel Lopez de Legaspi noong 1570, si Felipe II ay sumang-ayon na “ ang mga pulo ng Mindanao ay kalapit sa mga distrito ng Filipinas,” sa kahulugan nito ang maraming pulo sa Visayas ay nasa ilalim na pamamahala ng Kastila. Sa karagdagan pa, ang Kastilang Heswitang pari na si Juan Francisco Combes ( 1620-1665) ay sumulat : “ Ang ikalawang bansa ayon sa pagsapantaha ay ang Mindanao, kabilang dito ang Kaharian ng Buhayen; dahil sa mga naunag panahon sila’y iisang bansa, at gayon din ngayon, bagaman bagaman may iba’t-ibnag namumuno sa kanila, sila’y iisa sa kultura at wika. Silay isang bansa ng mga magigiting, at ang kanilang alituntunin ay nasa ilalim ng mga hari ay kinikilala ng mga taga ibang bayan, na kanilang kaisa sa ilalim ng iisang pang-politikal na pamamahala upang makamit ang kanilang malaking mithiin.” ( Historia de Las Islas Mindanao, Jolo ‘y Adjacentes [ Madrid, 1667] ) Tagumpay ng mga Mananakop Sa kanilang matagumpay na pagsakop sa Luzon at sa Brunei ay hinarap naman nila ang Sultan ng Sulu at Maguidanao na nais nilang maging alipin. Datapwat ang mga Muslim sa kapuluang ito ay matapang na tumutol at lumaban. Maraming ulit na sinubok ng mga Kastila na masakop at gawing alipin at binyagan ang mga Muslim ngunit nangabigo silang lahat. Dahil sa kalagayang ito, ang mga Kastila ay kinasangkapan ang mga Bisaya at Tagalog at ibang karatig pook na sumama at makipag-digmaan sa mga Muslim. Maraming napinsala ang mga dayuhan na nais lamang makamit ang Karangalan, nasira nila ang maraming buhay, ari-arian. Ang mga katutubo na pumayag na maging Catolico ay kinasangkapan na labanan ang kanilang mga kalahi na ipinagtanggol ang kanilang relihiyong Islam. Ang mga Kastila ay tuso sa kanilang pakikipagpulong ng kapayapaan; kung inaakala na nilang kaya na nilang magapi ang mga Muslim, nilalabag nila ang kasunduang pagkapayapaan. Maraming ulit ang ganitong 25
  • 26. nagaganap. Noong taong Marso 1609, ang mga kastila ay muling nakipagkasundo at ito’y tumagal ng 25 taon. Ngunit dahil, pagmamalupit na kanilang ginawa kay Datu Ache, na isang sugo patungong Manila, kaya si Rajah Bungsu ay muling nagpasimula ng digmaan sa sentro ng Visayas at Camarines Sur , Samar, Leyte at Bohol noong 1627. Sa Maguindanao , si Sultan Kudarat ( Qudarat) at ang mga pinuno ng Buayan at Sangil. Nakipagkaisa siya sa Sultan ng Sulu at naging kabiyak ng kaniyang puso ang anak ni Rajah Bangsu noong taong 1632 at ito ang pagkakaroon ng kasunduan ang Mindanao at Sulu. Ang mga Kastila sa kanilang pakikipagdigma sa Muslim ay malupit sa mga nahuhuli nila at pinupugutan ng ulo. Bagamat maraming nasalantang ari-arian at buhay sa magkabilang panig, ang mga Muslim ay patuloy na lumalaban upang hindi tuluyan nang masakop ang Sulu at Mindanao. Halos nasira ng mga Kastila ang pamunuan ng Maguindanao, ngunit ang mga Iranun at Maranao ay napagtipon ng kanilang pamunuan at patuloy na lumalaban. Ang isa sa pakikipagdigma ng mga Maranao ay ang pinamunuan ni Datu Amai Pakpak sa kaniyang pagtatangol sa Sultan Kudarat Marawi noong taong 1891 at 1895. Sa pangkalahatan, ang pananatili ng Kaharian sa Maguindanao at Sulu ay dahilan sa pagtaguyog ng lahat ng mga iba’t-ibang tribo ng Muslim sa laban sa mga mananakop. Ang pagsakop ng mga Kastila sa mga Pulong ito ng Silangan ay nagpasimula ng pormal na maitatag ni Legaspi ang Pamayananag Espanya sa Cebu taong 1565 at nagwakas ng ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Filipinas noong June 12,1898 sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite. Tatlong-daan at tatllumpo't tatlong taon (333 yrs.) na sinubukan ng mga Kastila na sakupin, ang mga Muslim ay nagtagumpay na naipagtanggol ang Islam sa Mindanao at Sulo. Bakit tinawag na Moro ? Moro, ayon sa Merriam-Webter's Collegiate Dictionary 10th edisyon pahina 757 ay sinasabi na : Moro pl. Moros [ Sp. Lit., from L. Maurus] 1. kabilang sa alinman mga mamamayan ng Muslim sa Hilagang panig ng Pilipinas. 2. alinman sa Austronesian na wika ng mga Moros. Ang salitang Moro ay ikinapit ng mga Kastila mula sa salitanfg " Mauritania" o kaya'y Moors" ang mga katutubong naninirahan sa bansa ng Timog Kanluran (NW) ng Afrika sa hangganan ng Timog Atlantiko ng Ilog Senegal. Ito'y ibinansag ng mga kastila sa mga katutubong mamamayan sa bayan na tinatawag ngayong Pilipinas na ang pananampalataya ay katulad ng kanilang kaaway na Mauri sa Timog ng Afrika at ang mga Muslims na Namamahala sa Espanya ( o kaya'y Andalus) sa loob ng mahigit pitong siglo. Nang lumipas ang panahon, ito'y tanging ikinapit na lamang sa mga Muslim na naninirahan sa Mindanaw na lumaban sa mga mananakop bilang pagtatangol sa pananampalatayang Islam, bansa at kalayaan.Ito'y nagging taguri sa pagtutol mula sa mga banyagang nang-aalipin at mang-uusig. Salungat sa taguring Pilipino, ito'y 26
  • 27. ikinapit bilang pangalan bunga ng pangbu busabos ng dayuhan. Sa ngayon, ay may 13 pangkat ng mga Muslims sa Hilaga na kinikilala bilang Muslim at tinatawag silang bilang Moros, katulad ng mga Maguindanaw, Maranaw, Tausog, Iranon, Yakan, Sama, Jama Mapun, Palawanun, Molbog, Kalagan, Kalibugan, Sangil at Badjao. Ang salitang Mro ay ginamit ng mga katutubo ng Muslim sa Mindanaw upang ipakilala ang pagkakaiba ang kanilang mga mamamayan mula sa mga nasakop na naging Cristiano, na tinatawag na Bangsa Indio o Pilipinas. Ang 13 pangkat ng Moros o kaya'y Muslim ay may iba't-ibang wika ang ginagamit, ngunit ang salitang ito ay kabilang sa Malayo-Polynesia ( o kaya'y Austronesian ), ang wikang pinanggalingan at kaya nga tinatawag nila ang kanilang sarili na Bangsa Moro, na ang kahulugan ay Bansa ng mga Moro mula sa salitang Malay na " Bangsa " na ang titik na ginamit sa salitang tagalog ay Bansa. Nabaon sa Limot ang Kabayanihan Nakakahiya man ito, subalit ang katotohanan ay tunay na nakaririmarim. Tila totoo na natatabunan ng paglipas ng panahon ang mga kasalanan ng nakalipas, ang mga pangyayari ng nakaraan at ang mga alaala ng sinaunang panahon. Nangyari na nga na ang mga bayaning Muslim ay nabaon na sa limot tulad nina Andres, Jose, Melchora at Emilio, na dinaraanan natin sa mga pampublikong bantayog at plasa, hindi pinapansin at tila walang nais umalala sa kanilang kabayanihan. Sabi nila, madaling makalimot daw ang mga Pilipino. Noong dumating ang mga Kastila sa ating bansa, dumaong sila sa ating bansa dala ang alindog ng relihiyon, sa likod ng bangis ng baril. Subalit, bukas kamay pa rin natin silang tinanggap. Nilapastangan ang ating kalayaan, kinamkam ang ating likas yaman, binastardo ang ating kasaysayan at kinaumbabawan ang ating lahi't pagkakakilanlan, pero lubos pa rin nating niyakap ang kanilang pananamantala. May mangilan-ngilang nangahas na lumaban, pero kapwa Pilipino rin ang pumuksa dito. Ginamit lamang ng mga Kastila ang pagkakawatak-watak ng ating salita laban sa ating kapwa mga api. Maraming magigiting na Kayumangi mula sa Mindanao, Bisaya at Luzon Sultan Kudarat sa Maguindanao Ang Maguidanao ang pinakamalaking tribo sa Mindanao. Nakilala si Sultan Kudarat, kilala siya ng mga Kastila bilang Corralat at ang mga Dutch bilang Guserat. Dahil sa kanyang kagitingan sa pamumuno ng Maguindanao noong 1619 hangang 1671. Naging makapangyarihan ang kaharian ng mga Maguidanao, umabot mula Davao hanggang 27
  • 28. Dapitan, sa hilagang dalampasigan ng Zamboanga. Dahil sa katapangan, nanatiling malaya ang mga Pilipinong Muslim sa kamay ng mga Kastila noong taong 1619-1671. Dito ay napag-isa ni Sultan Kudarat ang watak-watak na pangkat ng liping Maguindanao.Pinangasiwaan din niya pati na ang mga Iranun at mga Maranao. Napangasawa niya si Putri Tunoma, prinsesa sa Cotabato, at doon niya itinayo ang kaniyang kaharian sa mga nakararaming Maguidanao. Importante sa kanya ang pagkakaisa. Hinimok niya ang mga kababayan niya na mahirap silang talunin ng kanilang mga kalaban kung sila ay tulong- tulong at sama-sama. Sa loob ng tatlong siglo, lumaban ang mga Pilpinong Muslim sa mga kastila at hindi sila pumayag na basta na lamang sila magapi ng mga ito. Gamit ang talino at tapang ni Sultan Kudarat, hindi sila napasuko ng mga Kastila. Ginapi at napalayas nila ang Sultan Kudarat mga Kastila sa Zamboanga at sa buong Mindanao noong 1663, ito ay dahilan sa pamumuno ni Sultan Kudarat. Ang pagtatanggol sa kanyang lahi ay kanyang tagumpay. Namatay si Sultan Kudarat na labis na hinangaan ng kanyang mga kababayan. Prinsesa Purmassuri Sa kabila ng pagiging isang babae, si Prinsesa Purmassuri ng Sulu ay nakilala dahil sa kanyang natatanging katapangan. Matagumpay niyang nailigaw ang mga kalabang dayuhan. Naitaboy niya ang mga ito papalayo ng Sulu upang hindi tuluyang maalipin ang lahi. Tinulungan niyang imulat ang kapwa niya taga-Sulu na huwag matakot ipaglaban ang karapatan. Ang tao ay hindi nabubuhay sa mundong ibabaw na walang anumang kakayahan. Lahat, sa pananaw niya, ay biniyayaan. Ito ang ipinamulat niyang kaisipan sa kanyang mga tauhan. Magat Salamat Si Magat Salamat ay anak ni Rahaj Soliman ng Maynila. Isa siyang matapang na pinuno. Lumaban siya sa mga Kastila dahil sa hindi sumunod ang mga ito sa kasunduan ng mga Pilipino. Nahirapan ang mga Kastila na siya ay talunin. Kinainisan siya ng mga ito kaya siya ay tinuligsa at kalauna'y binitay ng mga ito. Kanyang ipinagtangol ang Pilipinong Muslim upang masugpo ang pagmamalabis ng mga dayuhan. Labis niyang tinutulan ang pagmamalupit sa kanyang mga kalahi sa Mindano. 28
  • 29. Reyna Sima Dinakila si Reyna Sima dahil binigyang-pansin niya ang pagrespeto sa batas at katarungan para sa bawat Pilipino. Tubo siya ng Cotabato at naging lider ng kapuluan noong 1637. Buong puso niyang pinaglingkuran at ipinagtanggol ang kanyang mga tauhan. -- Napakaimportante sa kanya ang maayos na pag-uugali at itinuro niyang ang katapangan ay kailangang laging nasa lugar. Ang bawat hakbangin, ayon sa kanya, ay dapat pinag-iisipan ng mabuti. Hindi nakakalimutan ni Reyna Sima ang pagbibigay at pagtulong sa kapwa kaya naman siya ay minahal ng kanyang mga kalahi. Mga Natatanging Pinuno ng Mindanao Sultan Pangiran Siya ang pinuno ng mga Tausog na nagtanggol sa mga pook ng Zamboanga at Sulu. Datu Sirungan at Kapatid na si Datu Ubal ng Maguindanao kasama si Datu Buisan ng Lanao ay nagsagawa ng pagpapalayas sa mga dayuhan sa pook ng Visayas. Datu Tagal ng Cotabato ay naglunsad ng pakikipagdigma sa mga Kastila. Si Sultan Bungsu ng Zamboanga ay lumaban ng buong tapang laban sa mga mananakop at napalaya ang buong Jolo noong taon 1645 CE. Sina Sultan Jamaluddin at Sultan Badruddin III, ipinagpatuloy ang pagkikipaglaban at pagtatanggol hanggang sa panahon ng pananakop ng Britanya. Si Datu Udtog ng Cotabato, dahil sa pagtatanggol ay napaslang niya ang Gobernador Emilio Torrero; Si Datu Ali ng Balo-I, at ang iba pang mga Maranao ay nakipagdigma dahilan sa pagpapalayas sa mga mananakop. 29
  • 30. Bakit Madaling Nasakop ng Mga Kastila ang Luzon at Bisaya ? Bagaman marami ang mga katutubo, at maliit lamang ang bilang ng mga Kastila para sakupin ang Pilipinas nagawang magapi pa rin ng mga banyaga ang kapuluan ng Luzon at Bisaya. Bakit at ano ang dahilan? Maraming dahilan ang maaaring makapagpapaliwanag. Una ang mga Katutubo ay hindi nagkakaisa at walang tinatawag na pang-sentrong pamamahala. Bagamat ang mga barangay ay may kanya-kanyan nang pamamaraan ng pamamahala, ang bawat isa ay gumakalaw na magkakahiwalay sa bawat-isa. Bagama’t may mga Datu na namamahala, sila lamang ay gumagalaw ayon sa sarili nilang nasasakupan.Walang pinakamataas na pamumuno para pag-isahin ang mga bayan at Barangay at ang mga dayuhang Kastila ay sinamantala ang pagkakataong ito ng pagsakop sa pamamagitan ng paunti-unting paraan. Sa ikalawa, ang mga mamamayan ng kapuluan Pilipinas Muslim at di Muslim ay napilitang maging Catolico dahilan sa kaligtasan ng kanilang buhay. Ang iba ay nalasing sa bahagi ng kayamanan na natanggap mula sa mga bayan na sinakop kung sila ay magka-Catolico at sumamang labanan ang ayaw magpasakop sa Kastila. Sa ibang salita pagtataksil sa lupang tinubuan , kababayan at relihiyon. Ang pagpasok noon sa relihiyong Catolico ay hindi dahil ito ang dalisay na pananampalataya kundi isang malaking pakinabang. Ang ibang mga Datu at Rajah ay naaakit sa mga matatamis na pangako na bibigyan sila ng karangalan, kayaman at kapangyarihan kung sasama sa pakikidigma at magiging Catolico. Ang Pananakop ng mga Amerikano ( 1899-1902) Mula noong digmaang Espanyol-Amerikano sa pagtatapos ng ika-19 na siglo, minataan na ng United States ang Pilipinas bilang malaking isda na mainam bingwitin at gawing kolonya dahil sa marami nitong likas na kayamanan at sa estratehikong lugar nito sa imperyalistang pakana ng U.S. na gawing lawang Amerikano ang Pasipiko para sa malalaking negosyo 30
  • 31. nito at para makakuha ng parte sa dambuhalang pamilihang Tsino. Noong 1898, ang Estados Unidos ay nakipagdigmaan sa Espanya. Pagkatapos na magapi ang espanya sa Cuba at sa Pilipinas, ang Estados Unidos ay binili ang Filipinas, Cuba at ang iba pang mga kapuluan mula sa Espanya. Bagaman si Aguinaldo at ang mga nag-aklas laban sa Kastila ay pakiwari na ito na ang magiging takdang panahon upang makalaya sa pamamahala ng Espanya ay hindi nagyari, sa halip ang mga Amerikano ay ipinagpatuloy ang pananakop sa Filipinas. Lumagda ang Espanya at Estados Unidos ng Kasunduang Pangkapayapaan at nilisan ng mga Kastila ang Filipinas kapalit ng halagang dalampong milyon dolyar ng America bilang kabayaran ng Filipinas. Mula sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, Amerikano at gayon din sa panahon ng pananakop ng Hapon (Japan), ang mga Muslim sa Mindanao ay buong tapang at tatag na nakipaglaban upang ipagtanggol ang relihiyon at upang hindi masakop ng mga dayuhan. Kaya mga kapatid naming Filipino na hindi pa nagbabalik -loob sa nag-iisang Tunay na Diyos-Ang Allah, nawa ay buksan muli natin ang ating kaisipan at damdamin para ang ganap na gabay at liwanag tungo sa Kanya ay makamtan. Balikan natin ang relihiyon ng ating mga ninuno na walang iba kundi ang Islam at ating kakamting muli ang kapayapaan at kapanatagan ng buhay. Nawa'y gabayan tayong lahat ng Allah para makamit natin ang kaligtasan at kaligayahan tungo sa Buhay Na Walang Hanggan. Sa isang aklat na Swish and the Kris ay ganito ang sinabi ng sumulat ukol sa pamamaraan ng mga Muslims sa kanilang pangangaral “ Ang mga naunang Mohamadans (sic) ay 31
  • 32. napakaraming kalakasan. Sila ay nagmula sa mga hindi hinog na mga bansa na walang sasakyang pandagat o kaya’y mga kawal o pamahalaan upang magtaguyod sa kanila. Sila’y maibibilang sa mga pinakamatapat na alagad na lumitaw sa pang-relihiyong pananampalataya. Wala silang hinangad maliban panumbalikin ang mga hindi mananamapalataya.Hindi nila hangad ang ginto. Ang daanan ng kanilang pangangalakal ay hindi ang kanilang tunay na paghahanap. Sila’y naglakbay na magisa sa gitna ng isa sa mga mapanganib na bansa sa buong mundo, na nagsasanga ng matayog na pananampalataya na tanging nagbibigay kalasag sa kanila… Sila ang pinaka dalisay na manganagral sa sandaigdigan. Ibinubuka nila ang kanilang bibig na walang pag- aalinlangan na kinasihan ng pagtitiwala sa nagbabantang karamihan. Ang mga pari ni Mohammad ay kabilang sa mga pinaka makapangyarihan tagapagpalaganap sa kabihasnan sa kasaysayahn ng tao. Ang kanilang relihiyon ay hindi nagpabagsak at sinira at nagwasak na katulad ng mga naunang Cristiano. Ang mga pari ni Mohammad ay nagdala ng kultura at paraan ng pagsulat at kasanayan, at idinagdag nila ito sa mga kultura na kanilang na mga pook na kanilang natagpuan. Hindi sila maninira, datapwat isang kasiyahan sa kanila na mapalago ang lumang kultura… Ang kalakasan ng Koran ay dumating upang palakasin. ( Chapter 4, Swish of the kris, Filipiniana Reprint Series 1985 Cacho Hermanos Inc.) Ganyan din ang nangyari noong ang mga Amerikano naman ang ating mga nakasagupa. Sa pamamagitan ng pangako na tutulungan tayo laban sa mga Kastila, naniwala tayo silang aakay sa 32
  • 33. atin tungo sa matimyas na kalayaan. Sa una'y binigyan pa tayo ng armas para panlaban sa mga Kastila. Huli na ng malaman natin ang kanilang panlilinlang at ang usapan sa pagitan ng dalawang konkistedor. Manifest Destiny ang isinagot nila sa ating hangaring busilak tungo sa ganap na kalayaan. Iniatas nila sa kanilang sarili na ililigtas daw tayo sa kamangmangan at bibigyan daw tayo ng sibilisasyon. Kailangan daw nila tayong "i- Christianize", ito ay kahit tayo ang isa sa pinakamalaking bansang Katoliko sa Asya. Dahas at edukasyon ang naging paraan nila para makuha tayo madagit muli sa kuko ng pagka-alipin. Dahil dito, nagbuhat na naman ng armas ang Pilipino. Subalit, hindi ito sinuportahan ng mga ilustrado. Nakipagkasundo at tumanggap ng posisyon sa pamahalaang itinatag ng mga bagong manunupil. At nang mahuli si Emilio Aguinaldo, sumuko siya at sumumpa ng katapatan sa bansang Amerika. Sa kalaunan, unti-unti na ring sumuko ang ating mga kababayan na lumaban, at tahimik na tinanggap na lamang ang pamumuno sa kanila ng mga Amerikano. 33
  • 34. Pumayag tayong magpasailalim sa mga Amerikano. At dahil tayo ay isang kolonya ng bansang Estados Unidos, sinugod tayo ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Buong giting na lumaban ang sundalong Pilipino at Amerikano. Naging banyag ang mga lugar na Bataan at Corregidor bilang bantayog ng kalayaan sa Asya. At ng matapos ang giyerang wala naman tayong kinalaman, halos kalahating milyon ang namatay, at milyon-milyon pa ang naghirap dahil sa kaganapan. Ang Maynila ang pangalawang pinaka-nasirang Capital City pagkatapos ng Warsaw, Poland. At ang ating bayan ay bumalik muli sa umpisa ng kawalan. Sa hinaba-haba ng aking isinulat, isa lamang ang aking katanungan... "Naalala mo ba ang mga kaganapang ito???" Kung hindi mo na ito naalala, maari nga ito sapagkat medyo matagal tagal na rin ang mga kaganapang ito. Kung ikaw ay hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral, o kaya man ay walang hilig sa pagbabasa tungkol sa kasaysayan ng ating bansa noong ikaw ay nasa paaralan pa. Malamang ay katuwiran mo lagi ay hindi ka pa naman pinanganganak noong nangyari iyan, at patay na rin naman ang mga taong nababanggit, kung kaya't ano pa ang silbi na pag-aralan natin sila. Pero ang malapit na nakaraan, nakalimutan mo na rin kaya? O gusto mo na lamang talagang limutin? Naalala mo pa ba ang Giyera sa Korea at Vietnam? Ang ekonomikal at pulitikal na krisis noong 1970's? Ang Sigwa sa Unang Kwarto? Ang libu-libong taong nasa lansangan?Ang 34
  • 35. Pambobomba sa Plaza Miranda? Ang Batas Militar? Naalala mo pa ba ang mga ito? O pilit nalang nating kinakalimutan?Sa panahong iyan nabuhay siNinoy - ang lalaking naalala na lamang natin ngayon bilang "nakahalumbaba sa P500" at "Ama ni Kris". Sa sanaysay na isinulat ni Jose Rizal sa La Solidaridad, kanyang sinabi "La muerte del Justo santificó su obra é hizo su doctrina incontrovertible." Ang pagkamatay ni Ninoy ang naglunsad sa libu-libong tao na magprotesta laban sa kalabisan ng rehimeng Marcos. Ang kanyang pagbubuwis ng buhay ang nagbigay lakas sa kanyang mga hangarin. Hindi natakot ang taong mamatay, sapagkat kasama nila si Ninoy. Pero hindi ba mas mahalaga na maging batayan ang talambuhay ng isang di kilalang Katipunero, ng isang mamamayan na nagpahayag ng kanyang kalooban sa lansangan, ng isang taong nag-aaral tungkol sa kalagayan ng lipunan, at ng sama-samang namulat ang taong bayan sa kanilang angking kakayahan ng ipagbago ang ating bansa. Kung hindi mo na naaalala ang mga pangyayaring iyan, o kaya ang mga nagawa ni Ninoy, kawawa naman siya. Pero sana ay huwag natin kalimutan ang dahilan kung bakit kinikilala natin ngayon si Ninoy. Ngunit, tila mas mahalaga na tunguhin natin ang isang mayamang kalipunan ng karanasan ng karaniwang mamamayan. Ang ating mga Naunang Magulang ay mga Muslim Naglahad o nagbukas kami ng ilang mga pagbabalik tanaw tungkol sa tunay na kasaysayan ng ating bansa at maaaring ang iyong mga naunang magulang o ninuno ay mga Muslim at kung bakit nila niyakap ang pagiging Cristiano ay dahilan sa pagkakasakop at pamimilit ng mga dayuhang 35
  • 36. kastila na yakapin ang relihiyong Cristianismo. Ang Maling Paratang Ang sinomang ay hindi maaaring pilitin kung ano ang kanyang dapat paniwalaan o sampalatayanan, ngunit isang kahihiyan din naman sa isang may sapat nang kaisipan kung hindi niya ginagawang magsaliksik at hanapin ang katotohanang ipinangaral ng mga Propeta.. Sinabi ng Qur'an ( Ang Banal Na Kasulatan ng Islam ) ang ganito : Kahulugan sa Pilipino:" Sabihin: O kayong mga taong binigyan ng Kasulatan ( Mga Hudyo at Cristiano), halina kayo at mag-usap tayo, Na sumamba tayo tanging kay Allah lamang, Na tayo ay huwag magkakaroon na iba pang dapat sambahin maliban sa Kanya lamang, Na tayo ay huwag magtatatag sa ating mga sarili ng mga panginoon at Kahaliling sinasamba maliban sa Allah. At kung sila ay magbalik - loob, sabihin ninyo : " Magpatotoo na tayo ay Mga Muslim ( isang tao na tumutupad sa mga kalooban ng Diyos)." Si Abraham ay hindi isang Hudyo o naging Cristiano; Datapwat siya'y isang matapat na Muslim. ( Qur'an 3:64 ) Sa ating bansa ang pagkakakilala ng ating mga kababayang Pilipino kapag sinabing Muslim ay kakaiba, may nagsasabing hindi binyagan, matatapang o mamamatay -tao, rebelde, tulisan o pirata at marami pang ibang masasamang salita na ikinakapit. Sa bahaging ito, hindi ko bibigyan pansin o mahabang paliwanag ang mga maling paratang na ito. Ang isang tunay na Muslim ay hindi maaaring ikapit ang masasamang bagay na ito sapagkat salungat ito sa itinuturo ng relihiyong Islam at hindi matatawag na tunay na Muslim ang isang tao kung ang mga masasamang gawaing ito ay kanyang ginagawa ( Allah lamang ang tunay na nakakaalam). Narito ang sinabi ng isang dalubhasang mananalaysay na si na Gregorio F. Zaide at Sonia Zaide Pritchard, sa kanilang aklat na History of the Republic of the Philippines mga pahina 124,125 ay sinabi ang ganito: " Salungat sa popular na maling pananaw, ang mga Muslim na Pilipino ay hindi masasamang pirata ang mabangis na juramentado. Sila ay mapagkaibigan, mapagkupkop, matulungin, matapang at 36
  • 37. makabayan katulad ng kanilang mga kapatid na Kristiano. Upang maunawaan at maintindihan ang mga Muslim na Pilipino, kinakailangan nating malaman ang kanilang relihiyon at mga kaugalian. Ang kanilang relihiyon ay tinatawag na Islam, na ang ibig sabihin ay pagpapasakop sa kalooban ng Dios. Ang kanilang Dios ay tinatawag na Allah, at si Muhammad ay Kaniyang Sugo. Isang kamalian na tawagin ang Islamikong relihiyon na Mohammedanism sapagkat si Muhammad ay hindi nag-angkin na siya ay nagtayo ng isang bagong relihiyon. " Ano ang Islam? Ang Islam ay isang kompletang pamantayan sa buhay ng isang tao. Ang sinomang tao na kusang isinunuko ang kanyang sarili at sinusunod ang kaloooban ng Dios ay tinatawag na Muslim. Ang Muslim ay yaong taong tunay na nagpapasakop sa kalooban ng Dios at hindi masamang tao at ang kanyang relihiyon ay tinatawag na Islam ( Pagsunod sa kalooban ng Poong Maykapal.) Ang mga Muslim ay lubos na naniniwala na may Tangi at nag-iisang Tunay na Poong Maykapal na lumikha ng buong sanlibutan, walang iba kundi ang Allah. Dapat ding maniwala na ang Allah ay lumikha ng mga angel upang sumunod lamang sa Kanya, nagpahayag Siya ng mga Kasulatan sa Kanyang mga Propeta at mga Sugo upang anyayahan ang mga tao na tanging sumamba lamang sa Kanya, at hindi dapat na sumamba kanino man at sa mga nilikha. Pinaniniwalaan din ng mga Muslim ang Kabilang buhay o sa araw ng paghuhuhkom. Sa panhuli, ang mga Muslim ay naniniwala na ang Allah ay may itinakdang kapalaran sa lahat ng Kanyang nilikha. Bukod pa rito ang Islam ay salitang Arabic at nanggaling sa ugat na salitang " Salaam " (sa Hebreo ay Salem ) na ang ibig sabihin sa literal na kahulugan ay Kapayapaan. Ang salitang ito ay nagpapakita na ang isang tao ay makakaranas ng kapayapaan sa kanyang puso at kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod at pagpapasakop sa batas, o kalooban ng Diyos. Maliban pa rito ang Biblia ( ang Kasulatan ng mga Cristiano) ay nagtuturo na ang bawat tao ay dapat na pasakop sa Diyos ( Santiago 4:7 Ihambing sa Duet 10:12-13;6:4- 9; Joshua 24:22-24; Matthew 7:21; John 4:34;5:30; Matthew 12:50;Matthew 19:16-19). Sa karagdagan ang Banal Na Qur'an ay nagsabi pa rin: Kahulugan sa Pilipino:" Kung sila ay magnais ng ibang relihiyon maliban sa Islam,ito ay hindi Niya tatanggapin at sa kabilang buhay siyaay mabibilang doon sa mga nakahanay na talunan. "[ 3:83,85] Sino ang Allah ? Ang Allah ay ang personal na pangalan ng Pinakamakapangyarihang lumalanag ng mga langit at lupa o ng buong sanlibutan. Siya ang nagpadala ng mga mensahero at sugo sa 37
  • 38. mga tao upang mag-balik loob at siya lamang ang dapat na sasambahin. Ang Propeta ay ipinakilala siya bilang nag-iisa ( walang ibat-ibang persona), at tanging Poong Maykapal, at hindi nangangailangan ng kaniyang kasama at walang ibang kasama sa kanyang kalikasan bilang Diyos. Ipinahayag Niya sa kanyang huling Propeta na si Muhammad ( ang Kapayapaan at Pagpapalala ng Allah ay sumakanya) na ituro sa mga tao kung sino at ano ang Allah. Sinabi sa Qur’an ang ganito :Kahulugan sa Pilipino:" Sabihin mo O! Muhammad sa kanila :Siya ang Allah, Tangi at Nag-Iisa.Siya ang Allah na hindi nangangailangan. Hindi Siya nanganganak,o kaya'y ipinanganak. At wala siyang kapantay at walang anomanang maihahambing sa Kaniya” [Kapitulo AngKaisahan 112] Sino si Muhammad? Maaaring hindi ka naniniwla na may Diyos, o maaaring hindi mo alam na may Diyos, maaari ding kabilang ka sa ibat-ibang sekta o dominasyon ng relihiyon. Maaaring ang iba ay nagtitiwala sa ibang idelohiya katulad ng demokrasya, kumonismo, o malayang pamayanan o simpleng tao lamang at walang pakialam sa kapaligiran. Ano man ang iyong paniniwala , kinakailangan mong makilala at malaman ang taong ito, siya si Muhammad (Ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay sumakanya ). Ipinanganak sa Arabia noong taong 570 CE, at nagpasimulang mangaral ng Katotohanan ng relihiyong Islam sa gulang na 40. Sa loob ng 20 taong ng kanyang pangangaral na iniatas sa kanya ng Poong Maykapal, siya ay matagumpay sa kanyang misyon at nagtagumpay siya na mabago ang Buong Pinensula ng Arabia sa tulong ng Allah. Nagawa niyang baguhin ang pananampalatayang Paganismo at pag-samba sa mga diyos-diyosan upang sambahin lamang ang Tangi at Nag- iisang Tunay na Diyos na ipinangaral ng mga naunang Propeta. Nagawa niyang maging payapa at masunurin ang mga patayan at pag-aaway ng ibat-iabang tribo ng Arabia at naging isang bansa na nagkakaisa at matatag. Nagawa niyang baguhin ang kaugalian ng talamak na paglalasing, patayan, pagbagsak ng moralidad patungo sa mataas na kaugalian at moral. Siya ay nangaral ng panunumbalik sa Diyos ang Islam, nagtatag ng Estadong Makadiyos at bansa, nagpatupad ng mga kautusang pagkakapantay-pantay sa lahat ng uri ng tao. Kung pagbabatayan ang mga taong dalubhasa sa pagsulat ng kasaysayan, sinasabi nila na siya pa lamang ang taong nakagawa ng pinakamataas na antas ng pagbabago sa buhay ng mga tao. Ganito ang sinabi sa isang aklat na isinulat dalubhasa na kabilang sa pananampalatayang Hindu : “Hindi siya nag-aral ng pilosopiya sa paaralan ng Persia, Atheniya, Roma, India o kaya'y Tsina, ngunit kaya niyang ipahayag ang pinakamataas na mga katotohanang walang hanggan para sa lahat ng tao. Siya sa kanyang sarili ay hindi nakapag-aral,ngunit magagawa niya na magsalita ng isang matatas na mga wika at kaalaman na nakapapapakilos sa kalooban ng mga tao.Isang ulila nang ipinangaank at walang kayamanan, siya ay minahal ng lahat ng mga tao. Siya ay hindi nag-aral sa anomang akademya ng militar; ngunit nagagawa niyang pagtipunin ang kanyang puwersa laban sa mga umuusig sa kanila at nagwagi sa pakikipagdigma [Muhammad Prophet of Islam , Prof. K.S. Ramakrishna Rao pp. 17,18] 38
  • 39. Paanyaya sa ating mga kababayan Sa pananampalatayang Islam, itinuturo ng Banal na Qur'an na hindi dapat na ipilit ang relihiyon sa isang tao, ngunit ito ay nagbibigay din ng babala na ang katotohanan ay maliwanag at malinaw para maunawaaan ng isang tao, kahit na sa may simpleng kaisipan. Higit pa nga sa isang tao kung siya ay may lubos na talino, ngunit walang panahon na unawaain ang katotohanan lalo na ang Islam ay kahiya-hiya . Ang Islam ay dapat nating saliksikin at pag-aralan, ito naunang pananampalataya ng mga ninuno natin bago pa dumating ang mga Kastila at ipinilit ang relihiyong Cristianismo. Isang kahihiyan sa atin na hindi man lamang natin nasuri o napag-aralan ang pananampalatayang ito , na ang ating mga ninuno ay nagbuwis ng buhay dahil sa pagtatangol sa ating mga kababayan, kalayaan at relihiyon. Balik Islam Ang mga Pilipinong Muslim ay nag-aanyaya sa inyo na balikan ang pananampalataya ng ating mga ninuno sapagkat ang Islam ay ang likas na pananampalataya ng lahat ng mga tao. Sinabi ng huling Propeta Muhammad ang ganito: " Ang isang sanggol sa kanyang pagkapanganak ay Islam ang kanyang likas na relihiyon. Ang kanyang mga magulang lamang ang gumawa sa kanya upang maging Cristiano,Hudyo, o Pagano." Walang sinoman ang maaaring pumilit sa isang tao, ngunit hindi siya makakaligtas sa katotohanan, alamin man niya ito o hindi dapat tayong pumili ng ating pananampalataya para sa kaligtasan sa darating na paghuhukom. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pananampalataya ng Islam, malugod naming kayong inaanyayahan na dumalo at makinig sa mga pagtitipon sa aming tanggapan. Tumawag sa Telepono bilang (0974) 5359210. Nagbibigay din kami ng libreng babasahin ukol sa Islam. Maligayang Pagbabalik sa Islam. Ang katotohanan at Kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. 39

×