Ano Ang B Iblia

9,903 views
9,215 views

Published on

Published in: Spiritual
2 Comments
4 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
9,903
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
30
Actions
Shares
0
Downloads
75
Comments
2
Likes
4
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ano Ang B Iblia

  1. 1. ANO Ang “ SINASABI ” Nila T u n g k o l s a B IB L IA ? Tinipon at sinulat ni : Isa Abdullah Biago 1
  2. 2. Sa Ngalan ng Allah, Ang Higit na Maawain, ang Higit na Mahabagin ANO? Ang “SINASABI” Nila Tungkol sa BIBLIA ? Tinipon at sinulat ni : Isa Abdullah Biago A n g P a s im u la n g C r is t ia n o b a t a y s a m g a m a n a n a lik s ik a t d a lu b h a s a 1 Dahil sa natuklasan ng arkeyolohiya (Archeological discovery) na ginamitan ng makabagong Panlipunang Agham ( social science) , ang mga dalubhasa ay ipinako ang kanilang pagsisiyasat sa naunang generasyon ng mga Cristiano. Datapwat, sa halip na matagpuan nila ang pagkakaisa ng pananampalataya at mga kaugalian, ang kasalukuyang pag-sasaliksik sa Biblia ay nahalungkat na ang mga naunang kilusan ng mga Cristiano ay may iba’t- ibang pangkat katulad ng sekta ng Cristiano ngayon. Ang mga naunang Cristiano ay hindi nagpanukala na sila ay magtatag ng bagong relihiyon ngunit bilang Tagapagbago (reformers) lamang ng Judaismo. Hindi nila iniwan ang Judaismo, ngunit para lamang pasariwain. Ang aral ng mga naunang Cristiano ay hindi magkakapareho ang mga credo o pananampalataya; Ang mga pamamaraan ng disiplina at karapatan, ay hindi gaanong maliwanag. Ang panukala o desisyon ng naunang Konseho ay hindi tinatanggap ng iba’t-ibang mga pangkat. Sa Jerusalem, ang Banal na Bayan ng mga Judio, ay nananatiling pinakahimpilan ng mga gawain sa naunang Kapulungan o Iglesia, at karamihan sa mga naunang mananampalataya ay nananatili doon, bilang isang masugid at masunurin sa Judaismo. Hindi nila inisip na sila ay may bagong relihiyon, ngunit katuparan lamang ng mga pangako sa Israel. Sila ay patuloy na sumasamba sa loob ng mga Templo at tumutupad sa mga Kautusan ni Moises. Ang pagiging Cristiano noon ay isang uri lamang ng Kilusan (Movement), o kaya’y isang anyo ng Jewish Messianism (Judiong Messianista), ngunit hindi isang bagong relihiyon. Ang Pasimula ng Pagbabago ng Pananampalataya Sa pasimula pa lamang ng paglaganap ng pananampalataya na ipinangaral ni Jesucristo sa Palestina, ay agad na nagkaroon ng pagkakahati- hati. Sinasabi sa atin sa aklat ng mga Gawa sa loob ng Biblia na ang mga disipulo ni Jesus ay nagkatipon–tipon upang pagkaisahin ang lahat na mananampalataya ukol sa mga doktrina at patakaran (Mga Gawa 15). Ngunit sa dakong huli ay nagkanya-kanya sila, si Pablo laban sa mga Apostol at mga Apostol laban sa mga Judio. (I Corinto 1:10-17; 3:4-5). Ang hidwaang ito’y lalong pang naging talamak nang ang ilang mga Obispo ng Simbahan ay bumalangkas ng mga aral na kailan man ay hindi itinuro ni Jesucristo ukol sa kanyang kalagayan. Sinasabi ng ilan sa kanila na si Jesus ay Kapantay ng Dios at Kapamilya o Kauri ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, ang namumuno rito ay si Athanasius. Sinalungat ito ng magigiting at may 1 The First Christians, Jeffery L. Sheler ,U.S. News & World Report, April 20, 1992 p.59,62-71 2
  3. 3. paninindigan katulad ni Arius. Nabahala si Constantino na baka mahati ang kanyang Emperyo dahil sa matinding alitan ng mga Cristiano. Nais niyang pag- isahin ang mga Cristiano dahil lamang sa kanyang personal na mithiin- ang Politika. Ipinatawag niya ang lahat ng Obispo upang talakayin ang mga bagay na ito. Si Constantino ang naging Tagapamuno sa usaping ito. Ano ang nangyari? Dahil sa mga banta ng Kalipunan ni Athanasius at kinatigan ni Constantino ang Hidwang aral tungkol sa pagka-Dios ni Jesucristo ang siyang nanaig. At ang sinomang sumalungat dito ay makakatanggap ng mabigat na parusa. Sa pamamagitan ng butohan, at dahil sa takot ng karamihan, nagwagi ang pangkat ni Athanasius. Sa bahaging ito, ay nagpasimula rin na tipunin ang ang Kasulatan na pumapanig sa katuruang Athanasius at ni Constantino2. Ganito ang sinabi sa Halleys’ Bible Handbook: “ Constantine3 … He ordered, for the churches of Constantinople, 50 Bible, to be prepared under the direction of Eusebius, on the finest vellum…”4 Sa ganitong kalagayan, ay natatag ang Pamunuan sa Simbahan at nagkaroon ng panunupil sa sinomang hindi kikilala sa Pamumuno nito. Ang kalayaan Emperor Constantine sa pananampalataya ay nawala at ang mga iba’t-ibang kasulatan ng mga Cristiano ay pinili lamang ang umaaayon sa pananampalataya na nais ng nasa pamumuno. Dito nagpasimula ang dahilan kung bakit tayo ay may tinatawag na Biblia, na pinili lamang ng taong walang karapatan. Athanasius Ang pasimula ng Canon ng mga Cristiano ay naganap paunti-unti bilang tugon sa tinatawag na “Marcionite crisis” (Panganib ng Marcionista) noong CE 140 at ang lumaganap na banta ng Gnostic sa loob ng Simbahan. Si Marcion ay nabighani sa mga aral ni Pablo na ang pagdating ni Jesucristo ay ang pasimula ng katapusan ng Batas ng Judio. Itinakwil niya ang Kautusan at ang mga Propeta sa Lumang Tipan. Kaya nga, kinakailangan na palitan niya ang Biblia ng mga Hebreo sa pamamagitan ng Kasulatan Cristiano. Siya ang nagpanukala na maging Batayan (Canon) ang 10 Sulat ni Pablo at ang binago niyang Evangelio ayon kay Lucas. Tinuligsa ng Simbahan ang ginawa ni Marcion bilang erehe at 2 How We Got The Bible, Ralph Earle pp. 31,38 3 Talamak na kaalaman na siya ay Cristiano, ngunit hindi gayon ang tunay na kalagayan. Siya ay hindi Cristiano ngunit isang debotong pagano. Sa Katunayan ang tanyag na pangitain niya: In hoc Signo Vinces” ( Sa Tandang ito ikaw ay magtatagumpay) ay pangitain niya sa Dios-Araw na si Sol Invctus, na ang simbolo ay Cross. Ang kanyang tagumpay sa digmaan sa Tulay na Milvian (Battle of the Milvian Bridge) ay ipinarangal niya kay Sol Invictus. Siya ay isang sumasamba sa paganong Dios-Araw at siya rin ang pinakapunong Pari nito.Pinagsama niya ang Cristiano at paganismong aral, rituwal, pananampalataya at kaugalian. Ideneklara ang Cristianismo sa buong Emperyo ng Roma bilang opisyal na religion at Linggo ang banal na Araw (SUN-day) bilang araw ng kapahingahan at Disyembre 25 ang kapistahan (Christmas) ni Natalis Invictus. Pagkatapos ng Konseho, kinatigan niya na maging Dios si Jesus bilang nagkatawang –tao na si Sol Invictus. (Tignan ang The Messianic Legacy, Michael Baigent, Richard Leigh at Harry Lincoln, 1986 pahina 39-43) 4 ang ibang dalubhasa ay ipinagpapalagay na ang Kopya ng Sinaticus at Vaticanus ay kabilang ang dalawang ito sa 50 kopya na ipinagawa ni Bishop Eusebius para gamitin sa mga simbahan. 3
  4. 4. itiniwalag siya. Ang bagay na ito ay nagpakilos sa Simbahan na magtipon din ng mga Kasulatang at itinuring na mga sagrado o banal. Dahilan sa alitan noong ika dalawang siglo, ang simbahan ay binigyan ng halaga ang kasulatan ng mga Apostol at aral. Kaya ang mga aklat katulad ng Unang Sulat ni Clemente ( I Clement) at ang Shepherd of Hermas ay inalis sa Cannon, bagaman ang mga ito ay mas higit pang nauna kaysa sa mga Canonical na aklat. Noong ika-apat lamang na siglo binuo ang patakaran at ang Simbahan ang nagpanukala nito batay sa nabuo nilang pananampalataya laban sa ibang grupo na ayaw magpasakop sa kanila. Anomang aklat na laban sa simbahan ay ibinibilang na walang kasi ( inspired) at hindi banal. A n o a n g B ib lia ? Ang salitang Biblia ay nagmula sa salitang Griyego na biblion na ang kahulugan ay “ balumbon o scroll ”. Ang salitang biblion ay mula sa salitang biblios na ang tinutukoy ay ang balat ng halamang papyrus, isang uri ng tambo na tumutubo sa mainit na lugar, lalo na sa Egipto, at mula dito ay nangaling ang mga sinaunang gamit sa pagsusulat. Ang Biblia ay pangmaramihang anyo (plural form) ng Biblios. Sa paglipas ng panahon ang Biblia ay naging salita upang ilarawan ang mga iba’t-ibang uri ng panulat, balumbon, at mga aklat at lalong higit ay ang mga tinipong maliliit na pangrelihiyong kasulatan na sa ngayon ay tinatawag nang Biblia. Si Jerome, isang kinikilalang Ama ng simbahan ay tinawag niya itong “ Bibliotheca Divina” o “ The Divine Library (Ang Banal na Aklatan). The Sefer Torah o Torah Scrolls A n g P a n g k a t n g B ib lia Ang Biblia ay nahahati sa dalawang (2 ) pangkat , ang Lumang Tipan, na naglalaman ng kasaysayan sa pasimula ng Paglikha ng Daigdig ( 4,004 BCE ayon sa tantiya ng isang Irish na Obispo si Bishop James Usher noong 17th siglo) hanggang sa Propetang si Malachi ( 443 o kaya’y 450 BCE ). Ang ikalawang pangkat ng Biblia ay ang tinatawag na Bagong Tipan, ito’y naglalaman ng kapanganakan ni Jesucristo hanggang sa Kanyang Pagbabalik sa langit at kamatayan ng ilang mga disipulo. Ang mga Judio ay tinanggap lamang ang 39 mga aklat sa Lumang Tipan na binubuo ng tatlong pangkat, ito ang Torah, Nevi’im, at Ketuvim. Ang Torah5 ay naglalaman ng limang aklat: Genesis, Exodo, Levitico, and Bilang at Deutronomio. Ang Nevi’im ay naglalaman ng mga aklat na : Josue, Mga Hukom, I& II Samuel, I& II Hari, Isaias, Jeremias Ezekiel, Hoseas Joel, Amos, Obadias, Jona, Mica, Nahum, Habaccuc, Zepanias, Hagai, Zacharias at Malakias. Ang Ketuvim naman ay naglalaman ng: Mga Awit, Kawikaan, Job, Awit ni 5 The Sefer Torah, o Balunbon ng Torah ay malimit na nilalagyan ng mga palamuting koronang Torah ( circa 1950) na nanagbibigay ng kahulugan bilang banal at walang dungis na kalagayan. 4
  5. 5. Solomon, Ruth, Panaghoy, Ecclesiasticus, Ester, Daniel Ezra, Nehemiah at I & II Cronica. Ang mga Cristiano naman ay nagsasalungatan, ang Roman Catholic at mga grupo ng Protestante (kasama na ang lahat ng mga sekta at iba’t-ibang pangkat (Denominations) ay tinatanggap ang 39 na aklat ng Lumang Tipan at ang 27 aklat ng Bagong Tipan. Datapwat sila’y hindi nagkakasundo sa tinatawag na “Mga Kasulatang Apocryphal”. Ang Apocrypha ay naglalaman ng mga pangyayari na umaaabot sa 450 taong. Ito’y sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan. Ang Katolika ay tinanggap ang ilan sa mga ito at tinatawag nila itong Extra Canonical Books, ngunit itinakwil ng mga Protestante at tinaguriang Pseudopigrapha (hidwang mga Kasulatan) Mga Aklat sa Lumang Tipan a y o n s a p a g k a k a s u n o d -s u n o d Genesis I Samuel Esther Exodo II Samuel Job Levitico I Mga Hari Mga Awit Mga Bilang II Mga Hari Ashkenasi Torah Scroll Deuteronomio I Cronica Josue II Cronica Mga Kawikaan Mga Hukom Ezra Ruth Nehemias Ecclesiastes Daniel Nahum Ang Awit ng Mga Oseas Habaccuc Awit Joel Zefanias Isaias Amos Hagai Jeremias Obadias Zacharias Mga Panahoy Jonas Malakias Ezekiel Mikas Mga Aklat sa Bagong Tipan a y o n s a p a g k a k a s u n o d -s u n o d Mateo Mga Taga Galacia Santaigo Marcos Mga Taga Efeso I Pedro Lucas Mga Taga Filipos II Pedro Juan Mga Taga Colosas I Juan Ang mga Gawa ITesalonica II Juan Mga Taga Roma II Tesalonica III Juan I Mga Taga I Timoteo Judas Corinto II Timoteo Apocalipsis IIMga Taga Filemon Corinto Hebreo 5
  6. 6. Ang Mga Aklat ng Apocrypha Sa Bagong Tipan Sa Bagong Tipan ng Biblia ay may 27 aklat na pawang ang sentro ng laman ay nakaturo kay Jesus -Anak ni Maria. Datapwat, may mga bagay muna tayong dapat na malaman kung ano ang buod ng kasaysayan ng 27 aklat na ito. Ang awtoridad ng simbahan (Roman Catholic at Protestante) ay sumasang-ayon na ang Biblia ay may mga pagtatalo at alinlangan6 ukol sa 7 aklat ng Bagong Tipan i.e., Hebreo, Santiago, 2 Pedro, 2 at 3 Juan, Judas at Apocalipsis7. Ang pagtatalong ito ay umabot hanggang sa ika-apat na siglo. Ang unang kabuoan ng talaan ng aklat sa Bagong Tipan ay matatagpuan sa binanggit ni Athanasius noong 367 AD8. Sa ibang kalagayan, ang ilan sa mga aklat katulad ng Shepherd of Hermas at Letter of Barnabbas ay kinikilala ng marami bilang kinasihang kasulatan. Ngunit noong ika-3 siglo ay nagkaroon ng kabaligtaran, ang pitong aklat na hindi kasama sa Caninokong aklat (Canonical Books)9 ay ibinilang nang may kasi at lahat ng hindi kabilang sa 27 aklat ay idiniklarang Apocrypha at huwad. Ang Apocrypha sa Biblia ng Protestante Si Martin Luther ang kauna-unahang nag-alis dito (apocrypha). Noong 1534, ay tinapos niya ang pagsasalin sa Biblia mula sa Griyegong Kasulatan at Hebreo. Dahil ang Apocrypha ay wala sa Hebreong Biblia, isinalin din niya ito ngunit sa bandang huli ay inilagay niya sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan. Sa kasalukuyan ang lahat ng mga Protestante ay ganoon din ang ginawa kasama na ang King James Version. Para sa kaalaman, na hindi batid ng mga bumabasa ng King James Version , mula sa pagkakalimbag ng King James Version ay kabilang dito ang Apocrypha. Sa katotohanan, ang isa sa mga nagpalimbag nito (KJV) ay naging Archibishop ng Canterbury at nagpatalastas na sinoman sa magpapalimbag ng Bibliang English na hindi isasama ang Apocrypha ay papatawan ng pagkakulong sa loob ng isang taon. Noong lamang ika 19th na siglo tuluyan nang inalis ang Apocrypha. Ang “Great Bible” (1539), sa Paunang Salita (Foreword) nito, ang salita ni Jerome ay isinama at sinasabing ang The Great Bible ( 1539 ) 6 Ang alinlangan na tinutukoy dito ay Katiwalian (corruption), Pagbaluktot (distortion), Pagdaragdag (addition) at Pagbabawas (Omission) ng mga nilalaman ng Biblia dahil sa pagtatagpi ng doktrina. 7 Noong ika-2 siglo ang mananampalataya ay kinikilala lamang ang 4 na evangelio, Mga Gawa, 13 sulat ni Pablo ! Pedro, 1 Juan,. Datapuwat ang pitong iba sa Bagong Tipan ay hindi kinikilala bilang Canoniko. 8 Si Martin Luther, nang isinalin niya ang Biblia (1534) ay isinama niya ang apocrypha at inilagay sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan at ganito rin ang nangyari sa iba pang mga salin sa English. Ang KJV ay may Apocrypha, datapuwat sa ngayon ay inalis na rin ng mga Protestante. .Noong lamang ika- 19 na siglo ito tuluyan tinanggal sa Biblia. 9 Ang salitang Cannon ay salitang Griyego na hiniram mula sa ugat ng salitang Semitico (Semetic) na ang kahulugan ay tangkay o kaya‘y tambo na ginagamit bilang panukat. Sa paglipas ito’y naging salita na ang ibig sabihin pamantayan, o talaan ng dalisay na aklat. 6
  7. 7. mga Apocrypha ay mabuting huwaran sa buhay (edifying), datapwat hindi batayan ng pananampalataya. Ang Bibliang Geneva (1560) ay nagdagdag pa ng salita na sinasabing hindi ito maaaring pagbatayan ng mga doktrina, ngunit para lamang sa kaalaman ukol sa kasaysayan at batayan sa mabuting buhay. Si Rev. Vromant ay nagsabi ng ganito: “ During the two centuries before Christ and the early centuries after Christ, a number of books were composed which claimed to be divinely inspired. These so-called Apocryphal books contained pious and almost harmless legends, supposed saying and doing of Christ and of those who were connected with him… They were held in high esteem by some of the early Fathers of the Chruch but absolutely rejected by others.”10 Si H. Miller ay nagsabi rin ng Ganito: “ Whether these writing were intended to deceive or not is not certainly known, but the writers were doubtless men of piety.”11 Sa karagdagan pa, si Fritz Ridenour ay nagsabi rin : “ Although some of the books appeared to have value and were read in the churches ( for example, the shepherd of Hermas), they were excluded in the course of time.”12 1 4 n a A p o c ry p h a s a L u m a n g T ip a n Sa Septuagint13 at sa kasalukuyang Latina Vulgata (Latin Vulgate)14 ay matatagpuan ang Apocrypha sa Lumang Tipan na nakasulat sa wikang Griyego, ngunit wala sa tinatawag na Canonized na mga aklat ng Hebreo. Narito ang mga sumusunod: 1 & 2 Esdras, Tobit Judith, Esther, Karunungan ni Solomon, Ecclesiasticus, Baruch kasama ang sulat ni Jeremias, Ang Awit ng Tatlong Banal na Kabataan, Ang Kasaysayn ni Susanna, si Bel at ang Dragon, Ang Panalangin ni Manasses 1 & 2 Maccabees. Iba Pang Kasulatan na Wala sa Biblia Ang mga Saksi ni Jehovah ay nagpahayag ng ganito : “ Ezra also made ref erence to books by previous inspired writers ( 1 Chron. 29:29; 2 Chron. 26:22; 32:32 ). Ezra notes that the other prophets of Jehovah made written records that are not preserved in the inspired Holy Scripture ( 2 Latin Vulgate by St. Jerome Chron. 9:29;12:15; 13:22).”15 Hindi lamang ang mga Kasulatan ng Propeta ang nawala sa Lumang Tipan. Mayroon pang ibang mga 15 aklat na umiiral sa panahon na ang Biblia ay Pinagtibay sa dalawang Konseho na nabanggit, ngunit hindi na nila isinama. Sa katotohanan, ang mga aklat na iyon ay batayan ng mga sumulat ng Biblia. Ang isa sa batayan upang pagtibayin ang aklat bilang may kasi ( inspired ) ng Dios ay dapat na kinikilala ni Jesus at ng mga Apostol at kanila itong ginagamit 10 Creed and Apologetics, George Vromant ( Roman Catholic ) p. 90 11 General Introduction to the Bible, The Word Bearer Press. 1956 p. 120 12 Who says God Created, G/L Regal Book 1967 pp. 63,64 13 Mula sa latin na Septuaginta ‘ 70’, ito’y Griyegong version ng Lumang Tipan at sinasabing isinalin ng Pitongpung dalubahasa mula sa wikang Hebreo. Ito ay isinalin sa panahon ni ng Haring si Ptolemy Philadelphus, na naghari sa Alexandria mula 285 hanggang 247 BC. 14 Ang Biblia na isinalin sa wikang Latin na ginawa ni San Jerome sa pagitan ng 384 at 405 AD 15 Aid to Bible Understanding p. 252 7
  8. 8. o sinisipi bilang pagbabatay ng mga katuruan. Sa katotohanan, marami sa mga nasabing aklat na hindi isinama sa Biblia ay pinagbatayan ng mga apostol at ni Jesus. Halimbawa, ang Evangelio ayon Kay Mateo ay makikita natin na karamihan ng mga aral ni Jesus ay mula sa Akat ni Enoch (wala ito sa Biblia); ang Sulat ni Judas ay pinagbatayan at kinikilala niya ang Apocrypha na kasulatan, halimabawa nito ay ang The Assumption of Moses (talata 9), Testament of the Twelve Patriarch (mga talata 6-7) at Book of Enoch (mga talata 14-15). Sa karagdagan pa, si Pablo ay pinagbatayan niya ang Evangelio sa mga Hebreo, ito’y makikita natin sa kanyang sulat sa 1 Corinto 15:3-7. Si Pablo ay binanggit din ang isang sulat niya sa Laodiceans na sinasabi: “ At pagkabasa ng sulat na ito (para sa mga taga Colosas),sa inyo, ay ipabasa naman ninyo sa kapulungan ng mga taga Laodicea ; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea. » ( Colosas 4 :16) Nasaan na ngayon itong sulat ni Pablo na mula sa Laodicea na nais niyang ipabasa para sa mga taga Colosas ? Sa Lost Books of The Bible, na tinipon ng mga dalubhasa ang mga aklat na hindi isinama sa Biblia,16 ay kabilang dito ang Sulat ni Pablo sa mga Taga Laodicea na sinasabi: “ Cause this epistle to be read to the Colosians, and the epistle of the Colosians to be read among you.” Inspired ba si Pablo? Bakit hindi isinama sa Biblia ang sulat na ito? Sapagkat ang Panahon ng Pagpapatibay (Cannonization) ay tapos na. Kahit ano pa yan totoo o hindi basta tapos na ang Biblia. Sa karagdagan pa, paanong naging salita ng Dios ang isang aklat sa Biblia katulad ng Esther. Kapag binasa ang mga nilalaman nito ay hindi mababasa o nabanggit man lamang ang salitang Dios at ang laman ay tanging kasaysayan lamang. Ang mga Apostol at si Jesucristo ay hindi man lamang ito nabanggit o sumipi dito. Ang mga manunulat ng Bagong Tipan ay hindi man lamang nabanggit ito o kilala. Kaya nga ang aklat na ito ay hindi kinikilala bilang may kasi ng Dios , datapwat nakapagtataka, isinama sa mga Canonized na aklat sa Lumang Tipan. Sa pahina 603 ng Oxford Annotated Bible ay ganito ang sinabi: “ It reception into Scripture was long disputed by the Rabbis, for it contains no reference to the most precious things in Jewish religion and does not even mention the name of God … It is not history, but a legend, set back early in the Persian period, intended to explain the origin and significance of Purim. Though embellished with numerous fictional devices, it may well rest on an historical account of some local deliverence of the Jews in Persia, for there is external evidence of a ceratin Marduka holding an official post at Susa under Xerxes I.” 16 Sinasabi ng mga dalubhasa na ang mga kasultang ito ay mas higit pang dalisay kaysa sa mga canonized Bible. 8
  9. 9. B a k it tin a w a g n a A p o c ry p h a o P s u e d o p ig ra p h a a n g m g a a k la t n a h in d i k a b ila n g s a B ib lia n g C a n o n ik o ? Ano ang pamantayan na ang isang aklat ay ibilang sa tinatawag na Apocrypha o Pseudopigrapha? Sa aklat ni H. Miller, General Biblical Introduction pahina 117-119 ay tinalakay ang mga pamantayan ng mga patnugot upang piliin ang mga aklat. Ngunit kung ating susuriin ang pamantayan at igagawad sa kasalukuyang 66 o 72 aklat ng Biblia ay maraming mga aklat dito ang maituturing ding Apocrypha at Pseudopigrapha. Tignan natin ang mga sumusunod na pamantayan at habang patuloy na binabasa nyo ito ay ihambing ninyo sa mga natuklasan ng mga dalubhasa. Ang mga dahilan daw kung bakit hindi isinama ang ibang mga aklat sa Biblia. 1. Ito’y hindi kinilala ng pangkalahatan at hindi kabilang sa Hebrew Cannon. 2. Ang mga aklat ay hindi sinipi o binanggit sa Bagong Tipan, ni Cristo at ng mga Apostol o sinomang manunulat sa Bagong Tipan. 3. Si Josephus ay hindi ito ibinilang na Canonized. 4. Ang sumulat ng aklat ay hindi nag-aangkin na sila ay kinasihan.. 5. Ang aklat ay naglalaman ng mali kasaysayan, lugar at pagkakasunod-sunod ng kasaysayan, at binabago ang mga ulat sa Lumang Tipan at sumalsalungat sa Biblia. 6. Ang aral ng pagsisinungaling ay pinapayagan, ang pagpapakamatay at pagpatay ay pinapayagan, ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng mga gawa, at pagbibigay ng kaloob, ang mahikang dasal, pananalangin sa patay. 7. Ang aklat ay naglalaman ng mga alamat at ang kasaysayan ay sagana sa kamalian. Ito rin ay naglalaman ng mga tanda o milagro na hindi kapani-paniwala. 8. Ang laman ng aklat ay pawang mga kinopya o ginaya lamang sa mga Canonized na aklat 9. Ang mga aklat ay kinilala lamang ng mga ilang tao hindi ng Konseho. Talaan ng mga Aklat na Nabanggit sa Biblia a t P in a g b a ta y a n n g m g a M a n u n u la t s a B ib lia Aklat ng Pakikipagdigma ng Dios (Mga Bilang 21:14); Aklat ni Jasher (Josue 10:13; 2 Samuel 1:18); Aklat ng mga Gawa ni Solomon ( I Hari 11 :41); Kasaysayan ni Nathan ang Propeta ( I Cronica 29 :29); Kasaysayan ni Gad ang Tagakita ( I Cronica 29:29); Ang Hula ni Ahijah ang Shilonita ( 2 Cronica 9 :29); Ang Pangitain ni Iddo ang Tagakita ( 2 Cronica 9 :29); Ang Kasaysayan ni Iddo Ang Tagakita ( 2 Cronica 12 :15); Ang Paliwanag ng Propetang si Iddo ( 2 Cro. 13 :22); Ang Kasaysayan ng Propetang si Shamaiah ( 2 Cronica 12 :15); Ang Kasaysayan ni Jehu, anak ni Hanani ( 2 Cronica 20 :34); Ang Paliwanag ng mga Aklat ng Hari ( 2 Cronica 24:27); Ang Aklat ng mga Hari sa Israel ( 1 Cronica 9:1); Ang Kasaysayan ni Huzai ( 2 Cronica33:19); Ang Aklat na Cronica ng Hari ng Israel ( I Hari 14:17); Ang Aklat ng Cronica ng mga Hari ng Judah ( I Hari 14:29) T a la a n n g m g a n a P s u e d o p ig r a p h a n g L u m a n g T ip a n Ang Aklat ni Enoch ; Ang Lihim ni Enoch ; Ang Pahayag ni Baruch; Ang Iba pang mga Wika ni Baruch; Ang Pag-akyat ni Moises; Ang Pahayag ni Moises; Ang Hula ni Jeremias; Ang Pag- akyat ni Isaias;Apocalipsis ni Elijah; Apocalipsis ni Zapahniah; Apocalipsis ni Esdras; Mga Orakulo ni Sibylline; Ang Tipan ni Adan ; Ang Aklat ng Jubille ; Ang Tipan ni Abraham, Isaac at Jacob ; Tipan ng 12; Patriarka ; Buhay ni Asenath ( asawa ni Jose); Tipan ni Jacob; Tipan 9
  10. 10. ni Solomon; Ang Aklat ni Noah; Ang Pagsisisi ni Jannes at Jamres; Awit ni Solomon; 18 Awit sa Wikang Griyego; Dagdag sa mang-aawit; Awit 151 sa wiang Griyego; 3 Awit sa Siryako; Aklat ng Mahika ni Moises; Ang Kasaysayan ni Achiacharus. A n g D a g d a g n a K a n o n ik o s a B a g o n g T ip a n Ang Aral ng 12 Apostol; Ang Sulat ni Bernabe; Ang Uang Sulat ni Clemente; Ang Ikalawang Sulat ni Clemente; Ang Pastol ni Hermas; Ang Apocalipsis ni Pedro; Ang Gaw ni Pablo at Tecla; Ang Sulat ni Polycarp sa Pilipos; Ang Pitong Sulat ni Ignatius; Ang Evangelio ni Mateo; Ang Evangelio ni Santiago; Ang Evangelio ng Pagkapanganak ni Maria; Ang Evangelio ni Nicodemus ; Ang Evangelio ng Tagapagligtas na Sanmggol; Ang Kasaysayan ni Jose ang Aluwagi A n g Ila n s a P s e u d o p ig r a p h a s a B a g o n g T ip a n Ang Evangelio ni Andres ; Ang Evangelio ni Bartolomeo ; Ang Evangelio ni Matthias; Ang Evangelio ni Bernabe; Ang Evangelio ni Tomas; Ang Evangelio ni Pedro; Ang Evangelio ni Felipe; Ang Gawa ni ni Juan; Ang Gawa ni Pablo; Ang Gawa ni Pedro; Ang Gawa ni Andres; Ang Gawa ni Tomas; Ang Gawa ni Mattias; Ang Gawa ni Felipe; And Gawa ni Thaddeus; Ang Sulat ni Pablo sa mga Taga Laodicea; Ang Apocalipsis ni Pedro; Ang Apocalipsis ni Pablo; Ang Apocalispsis ni Tomas; Ang Apocalispsis ni Juan ang Teolohiyan, Iba pang aklat na Canonized sa Bagong Tipan ngunit hindi isinamasa Biblia Mayroon pang ibang mga aklat sa panahong yaon na ibinibilang na Canonized, ngunit hindi isinama sa tinatawag ngayon na Bagong Tipan. Ang isa sa halos buong kopya ng Bagong Tipan na tinatawag na Codex Sinaiticus, na sa ngayon ay nasa pangangalaga ng British Museum at tinataya sa taong 350 AD ay kabilang ang Sulat ni Barnabas o Bernabe, ang Shepherd of Hermas. Ang isa pang kopya ng Bagong Tipan na tinatawag na Codex Alexandria ay kabilang dito ang kilalang-kilalang 1 & 2 Sulat ni Clemente (Clement). Itoy ipinalalagay na isinulat noong ika 5 siglo na sa ngayon ay hawak din ng British Museum. Bagong Natuklasan Noong 1945 ay may natuklasang 52-teksto o kasulatan ng mga naunang mananampalataya sa bahaging Norte ng Ehipto malapit sa bayan ng Nag Hammadi. Ngayon ito’y tinaguriang Kasulatan Nag- Hammadi. Ang ilang mga dalubhasa ay tinataya na ito na nasa panahong 350-400 AD, ngunit ang iba naman ay mas maaga pa sa 120-150 AD. Noong 1966 ito’y ipinaubaya sa mga dalubhasa upang isalin at ipalimbag. Noong 1977, ang Dead Sea 10
  11. 11. buong Kasulatan na Nag Hammadi ay naipalimbag sa wikang English. Sa isa pang pagkakatuklas, ang tinatawag na Dead Sea Scrolls (Balumbon sa Patay na Dagat ) noong 1947 sa isang kuweba sa bahagi ng burol ng Dead Sea na ang pook ay kilala sa tawag na Qumran. Hindi talaga alam kung ilan ang natagpuang kasulatan sapagkat ang mga sipi ay dumaan na sa maraming kamay. Ang iba ay hindi sinasadyang sinunog at ang iba ay ipinagbili sa black market (labag na pamilihan). Ang lahat na sipi ay umaabot ng 7 balumbon kasama na ang ilang maliliit na sipi. Dahil sa pagkakatuklas na ito ay naganap pa ang pagsasaliksik sa kalapit na pook at nakatagpo ng mahigit na 800 balumbon. Ito’y naglalaman ng mga bagay ukol sa Lumang Tipan at ang mga kauna-unahang mananampalataya pagkatapos ni Jesus. Nakalulungkot, ang mga dalubhasa (scholars), mananalaysay (historians) at nais na makaalam (researchers) ukol sa natuklasang ito ay nabigo na malaman ang katotohanan ng nilalaman ukol dito. Ang pagsasalin ng Dead Sea Scrolls ay sinasadyang hindi tapusin o bagalan, hindi katulad ng Nag Hammadi. Sa ngayon ay mahigit nang 40 taon ang nakalilipas pagkatapos na ito ay natuklasan ay wala pa ring kinalabasan. Mayroon lamang ilang grupo ng mga mananaliksik ang mahigpit na pinapayagan na nagkaroon ng pagkakataon na makita ang balumbon. Ang paghingi ng pahintulot ng mga dalubhasa ay totoong ipinagkait. Ang mahigpit na pagbibigay ng pahintulot sa mga dalubhasa ay hawak ng Pontifical Biblical Commision sa ilalim ng patnugot ng Vatican. Ang Pontifical Biblical Commision ay patuloy na siyang nagmamasid at pinangungunahan ang lahat na pag-aaral sa Biblia sa ilalim ng pamamahala ng Iglesia Katolika Romana. Tanging sila lamang ang may karapatan na magbigay ng panukala at pagpapaliwag kung ano ang laman ng balumbon at ang mga kinalabasan ng pagsasaliksik ay dapat nakapanalig sa katuruan ng Simbahan. Ang ilang mga dalubhasa ukol Book of Isaiah sa Dead Sea Scrolls ay nagpahayag ng kanilang mga natuklasan. Ang nabanggit natin kanina kung bakit nagkaroon ng labis na kahigpitan at pagsupil ng sariling panukala at paliwanag ng mga nagsasaliksik ay dahilan sa ang laman ng Dea Sea Scrolls ay salungat sa opisyal na paniniwala ng Simbahan, at ang Buong Sandigan ng Cristianismo ay babagsak17. Ilan sa mga Kasulatan sa Nag Hammadi at Dead Sea (Patay na Dagat) Ang mga sumusunod na talaan ay ilan lamang sa mga natagpuang balumbon sa Nag Hammadi at Dead Sea. 17 The Dead Sea Scrolls Deception, Baigent and Leigh 11
  12. 12. 1. Ang Karunungan ni Jesucristo 13. Ang Patotoo ng Katotohanan 2. Ang Evangelio ni Tomas 14. Ang Evangelio ni Maria 3. Ang Ikalawang Apocalipsis ni ( Magdalena ) Santiago 15. Ang Talakayan ng Tagapagligtas 4. Ang Evangelio ng mga Nazareno 16. Ang Kapahayagan ng 5. Ang Evangelio ng mga Ehipto Pagkabuhay na Maguli 6. Ang Evangelio ni Felipe 17. Ang Paliwanag ni Habaccuc 7. Ang Lihim na aklat ni Juan 18. Ang Balumbon ng Digmaan 8. Ang Evangelio ng Katotohanan 19. Ang Kasulatan Sa Damascus 9. Ang Lihim na Aklat ni Santiago 20. Ang Balumbon sa Templo 10. Ang Apocalipsis ni Pablo 21. Ang Aklat ni Tomas na 11. Ang Sulat ni Pedro kay Felipe Nakikipaglaban 12. Ang Apocalipsis ni Pedro 22. Ang Pasimula ng Daigdig Bago pa natuklasan ang mga Kasulatan sa Nag Hammadi at Dead Sea , hindi natin pa lubos na alam kung ilan pa talaga ang mga kasulatan ng mga naunang Cristiano sapagkat ang mga pinuno ng Simbahan ay nag-atas na ipasira o ipasunog ang mga yaon. Sa panahon ng Emperor na si Flavius Theosius (379-395 AD), ay ipinag-utos niya na lahat ng Kasulatan na hindi sumasang- ayon sa Romanong Simbahan ay ipinasunog. Ito’y sinang-ayunan ng Emperor at ng Simbahan. Muli nang ang Emperador na Cristianong si Valentinian III (425- 454 AD), ay ganoon din ang mga ipinag-utos. Ang Mga Kopya ng Bagong Tipan Ayon sa mga dalubhasa ay napakaraming sipi ng Bagong Tipan ang natagpuan at 4000 nito ay siniyasat at pinili. Habang nagsisiyasat ay mas marami pa ang natatagpuan at lalong higit na mas marami ang nakikitang pagkakaiba ng bawat sipi (variants). Ang mga ito ay nahahati sa apat na uri: Uncial Manuscripts, minicule manuscript, papyrus fragments at lectionaries. Codex Sinaiticus Sa ngayon ay may 170 sipi ng Uncial Manuscript, kabilang dito ang Sinaitic (340 CE), naglalaman ng Lumang Tipan (Greek Version) at kabilang ang Apocrypah at ang Bagong Tipan; kabilang din dito ang Sulat ni Bernabe at Shepherd of Hermas. Sa ngayon ito ay nasa British Museum, London, English at nasa wikang Griyego. Ang nilalaman ng sipi ay wala halos ang kalahati ng Lumang Tipan at ng Apocrypha; Gayon din ang Marcos 16:9-20; Juan 7:53- 8:11 Ito’y natagpuan sa monasteryo ng St. Catherine sa Bundok ng Sinai noong 1844 ni Dr. Constantin Tischendorf, isang Aleman (German) na Professor sa Biblia at dalubhasa. Sa 12
  13. 13. pagdalaw niya sa monasteryong ito ay nakita niya ang basket na puno ng mga balumbon para sunugin. Napagalaman niya na dalawang basket ang nasunog na. Codex Vaticanus ( 350 CE) Ang sipi na ito ay naglalaman ng Lumang Tipan (Greek Version), kasama ang Apocrypha maliban sa mga aklat ni Maccabees at ang Dasal ni Manasses ; Ang Bagong Tipan. Ito ngayon ay nasa Aklatan ng Vatican, Rome Italy. Ang nilalaman ng sipi ay wala ang mga sumusunod : Genesis 1:1- 46:28; 2 Hari 2:5-7,10-13; Mga Awit 106:27-138:6; Marcos 16:9-20; Juan 7:53-8:11; Hebreo 9:14 hanggang sa huling bahagi ng Bagong Tipan , kasama dito ang tinatawag na Pastoral na sulat ni Pablo ngunit hindi ang Pangkalahatang sulat na nakalagay pagkatapos ng Mga Gawa, Filemon at Pahayag. Ang Codex Vaticanus ay hindi talaga alam kung saan nanggaling, ngunit ipinagpapalagay na ito ay galing sa Ehipto at sa Caesarea nagmula. Ang panukala, na ito ay isinulat mula sa Ehipto at napunta sa Ceasarea. Unang nalaman ito sa aklatan ng Vaticano noong 1481. Sinabi ni Dr. Price na ito ay dinala sa Roma ni Pope Nicholas V noong 1448 na sa panahon din yaon ay natatag ang Aklatan ng Vaticano. Codex Ephraemi Rescriptus18 ( 450 CE) Ang sipi ay nasa wikang Griyego at naglalaman ng Luma at Bagong Tipan. Ito ngayon ay nasa National Library, Paris, France. Ang laman ng sipi ay wala ang malaking bahagi ng Lumang Tipan maliban sa Job, Proverbs, Ecclesiastes, Song of Solomon, Wisdom of Solomon, Ecclesiasticus; wala rin ang 2 Thessalonians, 2 Juan at ilang bahagi ng Bagong Tipan. Noong ika –12 siglo ang orihinal na sipi sa manuskritong ito ay may mga bahagi na nabura, sa ibabaw nito; o kaya’y sa pagitan ng dalawang hanay ay may dagdag na sulat, mga aral, ng Syrianong si Paring si Ephraem ( 299-378), kaya ito’y tinawag na Ephraem Manuscript. Ito’y ipinagpapalagay na isinulat sa Ehipto, at maaari sa Alexandria.. Ito’y dinala sa Italy ni John Lascarisnoong 1500. Sa kanyang kamatayan ang kaniyang aklatan ay binili ni Pietro Strozzi at noong 1553 ito’y nasa pangangalaga ng isang babae na si Catherine de Medici .Siya’y isang Italiana, ngunit naging asawa at ina ng Hari ng Fransiya. Sa kaniyang kamatayan, ito’y inilagay sa National Library sa Paris, na kung saan ito’y naroon ngayon. 18 written again 13
  14. 14. Codex Bezae (550 CE) Ang sipi ay naglalaman ng mga Evangelio, 3 Juan 11-15, at Gawa. Ito ay nasa wikang Griyego at Latin at sa kasalukuyan ay nasa Aklatan ng Cambridge University, Cambridge England. Ang sipi ay wala ang mga sumusunod na talata : Wikang Griyego , Mateo 1:1-20; 6:20-9:2; 27:2-12; Juan 1:16-3:26; Mga Gawa 8:29- 10:14; 21:2-10,15-18;22:10-20;22:29-28:31 (Latin): Mateo 1:1-11; 6:8-8:27;26:65-271; Juan 1:1-3;16; Mga Gawa 8:20-10:4; 20:31:- 21:2; 21:7-10; 22:2-10; 22:20-28:31. Marami pa ring mga maliliit na binawas o hindi kabilang, mga dagdag, at pagkakaiba- iba ng teksto. Ang manuskrito ay ipinagpapalagay na isinulat sa Timog ng Italia. Noong 1562, ito’y natagpuan sa monasteryo ni Irenaeus sa Lyons ni Beza, isang French Bible scholar. Siya ay nagpunta sa Switzerland at naging repormador sa Geneva at naging kaagapay at naging kahalili ni John Calvin sa Geneva. Noong 1581 si Beza ay ipinagkaloob ito sa University of Cambridge. Codex Claromontanus (550 CE) Ang pinagmulan ng Claromontanus ay maaaring galing sa Italia o kaya’y sa Sardinia. Ito’y natagpuan din ni Beza sa monasteryo sa Clermont, France, at ginamit niya ito sa kaniyang ikalawang edisyon ng Greek New Testament ( 1582 ). Nang mamatay na siya, ito’y nagpalipat-lipat sa iba’t-ibang kamay hanggang noong 1656 ay binili ito ni King Louis XIV para sa National Library sa Paris, na sa hanggang sa ngayon ay naroon. Noong 1852 ay lubos na isinaayos ( edited ) ni Tischendorf. Codex Washingtoniensis (4th o kaya’y 5th siglo) Ang sipi ay naglalaman ng Apat na Evangelio ang bahagi ng lahat ng mga sulat ni Pablo, mula I Corinto hanggang sa mga sumusunod, kabilang din dito ang Hebreo, at ang Lumang tipan na Duetronomio, Josue at Mga Awit. Ito ngayon ay nasa National Library, Washington D.C. Ang laman ay wala (omission) ang mga sumusunod: Marcos 15:13-38; Juan 14:25-16:7; kabilang din dito ang ilang bahagi ng sulat ni Pablo. Ang mga Gawa, Ang Pangkalahatang Sulat, at Roma ay nawawala rin Gayon din ang Duetronomio 5:16-6:18; Josue 3:3-4:10 at ilang mga Awit. Ang manuskrito ay may apat na bahagi, ito’y nabili noong 1906, mula sa isang mangangalakal sa Cairo ni Mr. C.L. Freer ng Detroit, Michigan. Kaya nga 14
  15. 15. minsan ay tinatawag din na Freer Manuscripts. Ang laman ng manuskrito ay isinaayos ng iba’t-ibang dalubhasa. Codex Koridethi ( 8th o kaya’y 9th siglo) Ang sipi ay nasa aklatan ng Tiflis, ang kapitolyo ng Georgia, dating bahagi ng Russian Soviet Republic. Ang manuskrito ay natagpuan sa monasteryo ng Koridethi sa rehiyon ng Caucasus malapit sa huling hangganan ng silangan ng Black Sea at nasa wikang Griyego. Ito’y maaaring isinulat noong 8th o 9th siglo. Ang eskriba na sumulat ng sipi ay hindi maaaring marunong sa salitang Griyego, ngunit maaaring marunong ng Coptic. Ang Chester Beatty Papyri Sinasabi ng mga dalubhasa na ito ang isa sa mahalagang natuklasan. Ang Chester Beatty Papyri ay “ ang pinakamahalaga sa bagong pagkatuklas ng mga manuskrito ng Biblia, .Ang 12 pangkat na ito ng papyri codex manuscripts mula sa Ehipto ay nabili mula sa mangangalakal ni Mr. Chester Beatty ng London, England at ipinakilala noong Nov. 19, 1931. Ang balumbon na ito ay naglalaman ng 3 bahagi ng Bagong Tipan, 8 sa Lumang Tipan, at isang bahagi mula sa Aklat ni Enoch at isang Homiliya (sermon tungkol sa evangelio). Ang balumbon ay pawang gawa sa papyrus, di-kumpleto o may sira, at ang ilang mga pahina ay putol-putol. At maraming kulang. Si Erasmus (isang dalubhasa sa Biblia) noong 1533 ay may kaalaman sa pag-iral ng balumbon na ito, ngunit siya at ang mga sumunod sa kanya ay hindi nabigyan ng pagkakataon na mapag-aralan ito. Noong 1809, nang mahuli ni Napoleon ang Papa at ang Estado nito sa Italia, ang balumbon na ito ay dinala sa Paris, Fance. Nang maibalik ito sa Roma (1815), ito’y binantayan ng mahigpit, at ang mga dalubhasa ay hindi ipinahintulot na Makita ito. Si Tischendorf at Tregelles (dalubhasa sa teksto ng Biblia) ay nagkaroon ng pagkakataon na makakuha ng pahintulot na makita ito ng ilang oras at gayon din ang iba pa ngunit may tanod na nakamasid sa kanila. Ang mga dalubhasa ay nagkaroon ng pagnanais na mapagaralan ang nilalalaman ng balumbon na ito, ngunit silang lahat ay nangabigo at ang ilan ay nabigyan lamang ng maliit na panahon upang magawa nila ang masusing pagsisiyasat. Dahil sa malakas na kahilingan ng publikonoong 1889-90, sa pamamagitan ng pangunguna ng Papa Leo XII, ang Pahayagan ng Vatikano ay nagbigay ng photographic fascimile ng buong manuskrito, at ngayon ay hayag na para sa lahat ng mga dalubhasa sa buong mundo. 15
  16. 16. Codex Alexandrianus (Ang Alexandrian) Ang sipi ay naglalaman ng Lumang Tipan (Septuagent o Greek Version), kasama ang Apocrypha at ang Bagong Tipan, 1 at 2 Clemente at Mga Awit ni Solomon. Ang sipi ay nasa pangangalaga ng Pamahalaang Britanya at ng Iglesia Protestante at nakalagak sa British Museum. Bagama ang gulang ng sipi ay tinataya sa kalagitnaan ng ika limang siglo ( 5 th Century), ngunit malaki ang katiyakan na ito ay mas nauna pa at maaaring bago mag-ika apat na siglo ( 4th century). Ito ay naisulat sa Alexandria, Egypt. Noong 1078 ito ay inihandog sa Patriarka ng Alexandria, at dahil dito ay pinasimulaang tawagin ito na Codex Alexandrianus. Noong 1621, ito’y dinala sa Constantinople ni Cyril Lucar nang siya ay lumipat mula sa Alexandria patungong Constantinople.. Noong 1624 ito’y ipinagkaloob ni Lucar kay Ginoong Thomas Roe, isang sugong English (Ambassador) sa Turkey upang ipagkaloob kay King James I ng Englatera (England). Si James ay namatay bago pa man ito nakarating sa Englatera, ngunit ipinagkaloob na lamang kay Charles I noong 1627 at huli na para pagbatayan ng King James Version noong 1611. Ito’y inilagak sa Maharlikang Aklatan (Royal Library). Noong 1757 si George II ipinagkalaoob ang aklatang ito sa mamamayan ng Englatera, at ang sipi ay inilagak na sa Aklatan Pangmamamayan sa British Museum. Ang Nilalalaman ng Kasalukuyang Biblia Malaking Pera sa Biblia Sa isang maliit na aklat na isinulat ni William R. Kimball (Christian Equippers International) “How Did We Get The Bible?” sa kanyang pasimula ay sinabi niya ang ganito: “ Christian maintain that the Bible is the inspired Word of God. However, they often accept this fact without a basic understanding of how w e r e c e iv e d th e B ib le .” . Ganito ang tunay na kalagayan ng mga bumabasa ng Biblia. Paano nga ba nagkaroon ng Biblia ? Paano ito tinipon ? Sino ang may karapatang magtipon at pumili ng mga aklat at sasabihing ito’y mula sa Poong Maykapal? Maraming taon na ang nakaraan, ay binanggit sa Qur’an ang ganito : “ So woe to those who wrote the book with their own hands, and they say , this is from Allah, that they may sell it for a little price. So woe to them for what their hands have written, and woe to them for their earnings.” (2:79). Lingid sa ating kaalaman ang binanggit na ito sa Qur’an ay tinutukoy ang Biblia. Sinabi ni Paul Kroll ang ganito : “ The Bible is the best- 16
  17. 17. selling and doled out of all time … The Bible is big business and a recession-proof product. It makes up, some calculate, $200 million a year retail market in the United States. By 1984 an estimated 15 million commercial copies were selling annually.”19 Kapareho din ito ng sinabi ng mga saksi ni Jehovah na sinasabi : “ In recent years, Bible sales in the United States have reached an estimated $ 300 million annually… Protestants purchase 80 percent of the Bible sold. Catholics, on the other hand, are the sleeping giant in the Bible Market.”20 Mga Alamat sa Loob ng Biblia Sa katotohanan ang Qur’an ay sinabi na kinakailangan natin sumampalataya kay Jesucristo ( Isa Al Masih), tanggapin siya bilang isa sa Dakilang Sugo at Propeta ng Allah. May mga nagsasabi na ang Jesucristo-anak ni Maria sa Qur’an ay magkaiba sa Biblia. Si Bassam M. Madany (isang Cristiano) ay nagsabi : “ In the Arabic Bible our Lord is called Yeshua al Massih, Jesus the Messiah. In the Qur’an, Muhammad refers to our Lord as Issa… The Qur’anic Messiah is not the biblical Messiah.”21 Kung si Jesucristo sa Qur’an at Biblia ay magkaiba, sino naman kaya ang Cristo ng Biblia? Ano ang sinasabi ng ilang mga dalubhasa ukol kay Cristo na kinikilala ng Simbahan. Sa pasimula ng Aklat ni Llyod Graham22 ay sinabi niya: “The Bible is not the word of God but stolen from pagan sources … Its Messiah is derived from the Egyptian Madhi Savior, certain verses are vervatim copied of Egyptian scriptures. Between Jesus and Egyptian Horus, …. Found 137 similarities, and those between Christ and Khrisna run into hundreds… The masses never read these other sources and the churchmen who keep silent about them. Today these sources are few because Bible inspired fanatics destroyed them … In 125 AD St. Ireneous said ‘There was a multitude of gospel …Those that came down to us are but the ones the priesthood needed for its purpose, the rest it destroyed… In spite of the Christians destruction of their sources material commentary still exists that proves beyond a doubt that Christianity did not spring from the gospel Christ… The gospels do not contain of an actual man, but only the myth of the god-man Jesus, clothed in the historical dress.” Datapwat sina R.A. Spivey at M. Smith23 ay nagpahayag ng ganito: “ Neither they (Mathhew, Mark, Luke and John) are myths, tales of gods, because Jesus of Nazareth, the central figure of the gospel, was a historical person, yet elements of both biography24 and myth25 are present in the gospels.” Ang Qur’an ay binabanggit ng mahigit na 20 ulit ang pangalan ni Jesucristo-anak ni Maria. Naniniwala tayo na ang Jesus na ito ay isang Sugo o Propeta na umiral sa Palestina, ipinanganak ng isang malinis na babae ( Birhen), nangaral, nagpakita ng tanda sa kapahintulutan ng Allah, pinagtangkaang patayin ngunit iniligtas ng Allah, kinuha ng Allah at muling magbabalik bilang hukom sa maling aral na itinuro sa pangalan niya. Ngunit hindi dito natatapos ang lahat, ang Biblia ay naglalaman ng kanyang kasaysayan, ngunit ang mga dalubhasa ay pinag-alinlanganan ang nilalaman nito dahil sa mga 19 Plain Truth Magazine, October 1988 p. 9 20 Awake –June 22, 1986 21 The Bible and Islam, Bassam M. Madany pahina 4,87 22 Deceptions and Myths of the Bible, 23 Anatomy of the New testament p.61 24 a story of a particular historical person ( Spivey and Smith) 25 a tale of divine action ( Spivey and Smith) 17
  18. 18. magkakaparehong ulat sa Paganismo at Misteryosong relihiyon (Mystery Religion) noong sinaunang panahon. Ganito ang sinabi nina R.A. Spivey at M. Smith: “ In the New Testament itself … early usage of euangelion ( gospel) implied the oral nature of such news; however, with Mark, Matthew, Luke and John and the Apocryphal gospels, the gospel became a distinctive, literary category. This literary type can be defined negatively. The gospels are not biographies in the modern sense, for they lack the usual sense interest in the personal character and in the Chronilogical order of Jesus life. Neither they are myths, tales of gods, because Jesus of Nazareth, the central figure of the gospel, was a historical person, yet elements of both biography (a story of a particular historical person) and myth ( a tale of the divine action ) are present in the Gospels.”26 Sa panahon ng 20th siglo, ang pagpuna tungkol sa Biblia ay hindi lamang nangagaling sa labas ng Simbahan kundi pati na rin sa loob nito. Sa ngayon ay maraming mga Ministrong Liberal na binabayaran at Tagapagturo sa mga Seminaryo ang matiyagang nananaliksik at sumusulat upang ilathala ang mga natagpuang katibayan ukol sa tunay na kalagayan ng Biblia. Marami sa kanila ang nagsasabi na ang Biblia ay isa lamang tinipong mga kasulatan ukol sa kasaysayan at mga pamahiin o kathang kasaysayan na hinaluan ng tunay na pangyayari. Si Fritz Ridenour27 ay nagsabi na ang Neo-Orthrodoxy ay naniniwala na ang katuruang ukol sa pagka-Dios ni Cristo at ang kanyang pagkabuhay na maguli sa mga patay ay isang uri ng pagtatagpi-tagpi na idinagdag ng mga sumulat ng Bagong Tipan dahil sa lumalaganap na misteryosong kulto at nais nila itong pantayan upang maging katangap-tanggap sa kanila. Si Apollonius ng Tyana 28 Ayon sa isang lumalaganap na pananaw, utang na loob natin sa taong ito na si Apolonius ng Tyana ang kasaysayan ni Cristo. Ayon sa ulat, sa sinaunang panahon sa India ay may isang Dakilang Pantas na tiantawag na Deva Bodhisatoura. Siya ay sumulat ng isang mithologiyang pangyayari sa buhay ni Khrisna o Chrisna. Noong taong 38 o 40 AD, si Appolonius habang naglalakbay sa Silanganan ay natagpuan ang kinathang kasayasayang ito sa Singapore. Ibinilang niya ito na napakahalaga at dahil dito ay kaniyang isinalin sa kaniyang sariling wika, ang Samaritana. At gayon din, marami siyang pinalitan ayon sa sarili niyang pang-unawa at batay sa kanyang pilosopiya. Sa panahon ng kaniyang pagbabalik ay dinala niya ito sa Antioch, at doon siya ay namatay. Mga 30 taon ang makalipas, may isa pang Samaritano na nagngangalang Marcio ay natagpuan ito. Siya rin ay gumawa ng sipi ay gayon din siya’y may mga binago. Ito’y kaniyang dinala sa Roma noong 130 AD, na kung saan ay isinalin niya ito sa wikang Griyego at Latin. Nang matuklasan ito ng mga gutom at walang karapang mga pari ay pinaganda nila ito at ginawang Bagong Tipan. Si Apollonius ay naging si Apollo, si Marcion ay naging Marcos at Khrisna ay Cristo. Kung ito man ay totoo o hindi, maraming bagay ang makikita natin dito na ikinakapit kay Khrisna na makikita rin natin sa kasaysayan ni Jesus. Halimabawa, Ang pagkabuhay ng anak na babae ni Jairus ay kapareho ng kay Chrisna na binuhay ang anak na babae ni Augashuna; Ang pagdalaw ng Mago (1200 BCE) na nagdala at naghandog ng ginto, kamanyang at mira; Ang pag-awit ng mga angel ay 26 Anatomy of the New Testament, Spiveyt & Smith p. 61 27 Who says God Created pp. 38,47 28 Ibid, Llyod Graham p. 289 18
  19. 19. makikita din natin sa kasaysayan ng Hindu; Ang pagdalaw ng mga angel, pastol ng tupa sa kanyang kapanganakan at marami pang iba. S in o a n g S u m u la t n g B ib lia ? Ayon sa palasak na kaalaman ng mga pangkaraniwang kaanib ng simbahan, ang Biblia ay sinulat ng taong may kasi ng Banal na Espiritu kaya ito’y salita ng Dios. Papaano natin matitiyak na ang tao nga ay may kasi (inspired) ng espitu santo? Ano ang pamantayan upang masabi natin na ito ay mula sa Dios o may kasi ng Dios. Ayon sa mga dalubhasa kinakailangan na ang sumulat o may akda sa loob ng Biblia ay kilala at kabilang sa mga taong may patnugot mula sa Dios. Tunghayan natin ang ilang bahagi ng Biblia kung sino o kanino ang mga salita nito. Sa Exodo 20:2 ay mababasa natin na Dios ang nagsasalita, sa Nehemiah 13:30 ay Propeta, I & II Pedro ay ang disipulo, sa I Corinto 7:25 & II Corinto 11:6 ay Mangangaral. Ngunit sa Hebreo ay hindi kilala ang sumulat? Paano naging salita ito ng Dios kung hindi natin alam ang sumulat.. Ang Lumang Tipan ay binubuo ng 39 na aklat at may ibat-ibang nag-akda nito. Ang iba ay kilala ngunit karamihan ay hindi kilala ang sumulat. Sinabi ni Ralph Earle ang ganito: “ The book of Joshua was written in a later generation. We do not know who wrote it… The same must be said of the Judges which f ills in the time f rom Joshua to Samuel … The Psalms were a sort of Hymnal f or Israelites about half the 150 Psalms are attributed to David, but most of the others are anonymous”. Si James Moffatt ay nagsabi rin: “ The Old Testament is a collection of religious literature thro wm up in the course of the story. None of the book in this collection, in its present f orm, is earlier than the seventh or eight century BC, whilst some items, like the oracles in Zechariah ix-xiv, several psalms, and the book of Daniel were not composed until the second century BC. Nearly all have been more or less edited, af ter their original composition; editorial manipulation of the text can be traced in the Prophets as well as in the legal codes, and this applies to poetry as well as to the prose.”29 Mga Awit ni David Si David ay naging hari sa angkan ni Judah noong circa 1013 hanggang 1008 BCE30, at ng buong Israel (12 angkan) noong circa 1006 hanggang 1001 BCE. Ipinagpatuloy niya ang pamumuno bilang ikalawang hari sa Israel hanggang siya ay mamatay noong circa 973-969 BCE. Ayon sa sabi-sabi ang aklat ng Mga Awit ay ipinapalagay na kay David. Bagamat binabanggit sa Qur’an na ang Zabur (Psalms) ay ibinigay kay David hindi ang mga Awit sa loob ng Biblia ang tinutukoy, ngunit maaaring ilang bahagi lamang dito. Ang Qur’an ay binanggit ang mga naunang kasulatan na ipinahayag ng Poong Maykapal, isa sa mga ito ay ang tinatawag na Zabur o Awit ni David. Ngunit ayon sa Smith’s Bible Dictionary sa pahina 539 ay ganito ang sinabi: “The present Hebrew name of the book is Tehillim, praises but in the superscription of the Psalms the word Tehillah is applied only to one Psalms 145, which is indeed emphatically a praise-hymn.” 29 The Bible by James Moffatt, Introduction p. ix 30 BCE ang kahulugan ay Before the Common Era; CE ang kahulugan ay Common Era. Ang mga makabagong dalubhasa sa ngayon ay hindi na palasak ang paggamit ng BC ( Before Christ) at AD ( Anno Domini) sapagkat ito’y hindi angkop sa pangkalahatang at diwa ng panahon, na kay Jesus ang sugpungan nito. 19
  20. 20. Tanging ang kapitulo 145 lamang ang may katangian bilang tinatawag na mga papuring Awit. Limang Aklat ng Mga Awit Ang mga Awit sa Biblia ay nahahati sa limang aklat, ang unang bahagi ay binubuo ng kapitulo 1-41. Ang ika 2 ay binubuo ng kapitulo 42 hanggang 72, ang ikatlo ay 73-89, ika apat ay 90-106. At sa kahuli-hulihan ay 107 hanggang 150. Ang mga nilalaman ng aklat ay makikita natin bilang mga Awit ng Pagpupuri, Awit ng Sion, Awit ng Pagluluklok ng Hari, Mga Panaghoy ng Bawat isa, Panaghoy ng Kalipunan, Awit ng Pagtitiwala, Awit ng Pasasalamat, Maharlikang Awit, Awit ng Karunungan, Mga Liturhiya ( liturgies) at Awit ng Paglalakbay ( pilgrim) at marami pang iba. Ang nilalaman ng aklat na ito sa pagsusuri ng mga dalubhasa ay hindi maituturing na kay David ang may akda. Ang laman ay maliwanag na isinulat ng iba’t-ibang manunulat. Si Jerald F. Dirk ay nagbigay ng pahayag ukol sa bagay na ito, sinabi niya: “ The structural analysis of the Psalms indicates that the book as a whole certainly cannot be attributed to Davidic authorahip… the two main sections of Psalms that are attributed to David authorship are clearly written by different people,… while isolated and individual hymns may actually have a Davidic authorship31, the structural analysis of Psalms clearly ref utes Davidic authorship f or the book as a whole. Further, there is a 570 to 770 year time lag between the death of David and the initial compilation of the completed book. Still further, different versions of Psalms, e.g., Masoretic vs. Alexandrian text, existed in the centuries af ter the initial compilation of the complete book. If one takes the Masoretic text of circa 895 CE as the f inal ‘authoritative’ version of Psalms, there is a time lag of around 1,865 years between the death of David and the ‘f inal’ version of Psalms. Clearly, the provenance of the book of Psalms, is largely unkno wn, incomplete, and grossly broken.”32 May patotoo na ang ilan sa mga nasabing aklat ng Mga Awit ay hinango sa ibang kasulatan katulad ng Awit 104:24.33 Ito’y hinango sa mga Awit ng Haring si Akhenaton na dati’y si Amenhotep IV noong 1378 BC sa Ehipto. Si Akhenaton ay isa ring manunula at mangaawit. Kaya nga ang mga dalubhasa ay ipinapalagay na ang pananampalataya sa isang Dios (Monotheism) ni Akhenaton ay ang pinagmulan ng Monotheismo ng mga Judio na ito ay kanilang tinanggap sa panahon ng pagkakabihag sa Ehipto. Ngunit ipinapalagay din na ang pinakamalaking bahagi ng pananampalataya ng mga Judio ay mula sa Mesopotamia at Babilonia34 dahil sa paggamit ng pangalan El35 bilang Dios, na makikita natin sa loob ng Biblia na ikinapit din sa mga dios- diosan. 31 tignan din ang The Oxford Annotated Bible, edited ni Herbert G. May at Bruce M. Metzger ,1962 p.656 32 The Cross and the Crescent, An Interfaith Dialogue between Christianity and Islam, Jerald F. Dirks, amana publications,2001 p.56 33 ” Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat; Ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.” 34 Readers Digest, July 1975 pp. 96,97; ihambing din sa Mga Awit 82, El ang punong dios sa mga kapulungan ng dios. History Unearth ni Sir Leonard Wooley, Fredirick A. Praeger, Pub. NY, 1962; 35 History Unearth ni Sir Leonard Wooley, Fredirick A. Praeger, Pub. NY, 1962; El-Elyon ang pinakapunong dios sa kapulungan ng mga dios at ang ama ng mga dios. Sa Biblia ang Dios na kinikilala ng mga Esraelita ay si El, ito’y ikinapit din sa mga idolo ng mga ibvang bansa ( Gentil) katulad nina Dagon ( I Samuel 5:7), Ashotoreth ( I Hari 11:5) at Marduk ( Daniel 1:2) ; ihambing din sa Exodus 12:13; 20:23 20
  21. 21. Sino ang Sumulat ng Evangelio? Ayon sa ibang dalubhasa, ang aklat ni Lucas ay hindi naisulat hanggang kumulang dalawang daan taon pagkatapos ni Jesus. Ang katibayan nito ay sinasabi na si Theophilus, ang sinulatan ni Lucas ay isang Obispo sa Antioch mula noong 169 hanggang 177 AD. Sinasabi pa rin , na si Pope Clement I ( circa 97 ), ay hindi sumipi o binanggit ang isa man sa apat na evangelio o mga sumulat nito. Gayon din, walang sinoman sa Papa o Ama ng Simbahan sa mga sumusunod na siglo… walang evangelio ang lumitaw hanggang bago dumating ang 185 AD. Kaya nga si Justin Martyr, (140 AD), ay hindi kailanman sumipi o nabanggit ito o narinig niya. Gayon din naman kahit na si Pablo ay wala siyang nabasa sa mga evangelio, dapapwat ang mga mistikong aklat na pagdakay sinira na ang naging batayan niya36. Ang aklat ni Lucas ay hindi naglalaman ng patotoo na ito ay kinasihan ng Dios, datapwat nangako lamang na pinagsikapan niya itong maging dalisay, tama sa pagkakasunod-sunod at makatotohanan,37 Katunayan, ginamit din niya ang mga datus na sinulat ni Marcos. Gayon din, ang evangelio o aklat ni Juan, sa kasalukuyang pagsusuri ng mga dalubhasa ay nahihirapan silang matanggap na ang Apostol na si Juan anak ni Zabedee ang may akda nito. Ang makabagong dalubhasa ay may pananaw na ang aklat na ito ay hindi lamang isinulat ng isang tao. Ang Kabanata 21 ay idinagdag lamang pagkatapos na ang aklat ay ganap na (20:30+); Ang paraan ng pagkakasulat sa wikang Griyego ay kakaiba sa ibang bahagi ng manuskrito. Ang Panimula (1, 1-18) ay maliwanag na hindi kasama sa aklat, ito’y isang himno (hymn), na di alam ang dahilan ay isinama bilang unang panimula sa evangelio. Sa loob ng Evabgelio ay makikita natin na mayroon hindi tama sa pagkakasunod-sunod, may dalawang pangwakas na bahagi sa panahon nang si Jesus ay nagpaalam sa kanyang huling hapunan ( 14, 31; 18:1)38 Ang aklat ni Marcos ayon sa ibang dalubhasa ay naglalaman ng mga ulat mula kay Pedro. Si James Moffatt ay iniwan at hindi sumangayon sa panukalang ito, ganito ang kaniyang paliwanag: “ Mark’s gospel is a terse, vivid account of Jesus, from the beginning of his public ministry to his death. It is not an artless transcript of oral reminiscences preserved by Peter, but sho w signs of the earlier written materials having been worked up by the author.” Sa karagdagan sinabi pa rin niya ukol sa Synoptic Gospel “ Luke and Matthew … rearranged and of ten rewrote’s Mark’s gospel, omitting a little, altering much and adding more, 36 Ibid. Lyod Graham p. 284 37 ibid James Moffatt p. xxxi 38 New American Bible, Introduction to the Gospel of John 21
  22. 22. from the special Palestinian sources…”39 Sa Jerusalem Bible ganito pa rin ang sinabi: “… the f act that at times they copy or correct each other.”40 Mga Paglalarawan kung papaano natipon a n g m g a U la t n g A p a t n a E v a n g e lio 1. Proto-Marcos- ipinapalagay o mga bagay na narinig ni Marcos ukol sa ulat ng mga salita at buhay ni Jesus mula sa di kilalang pinangalingan. Ang iba ay sinasabing ang balangkas ni Marcos ay mula kay Pedro at kaniyang iniayos sa pagkakasunod –sunod na hanay ng kasaysayan. 2. Q ( ay kumakatawan sa salitang Aleman na Quelle na ang ibig sabihin ay “pinagmulan” o “pinangalingan”). Ang mga dalubhasa sa ngayon ay natuklasan na Q ay mula sa mga naisulat na Manuskrito mula noong 50 CE- 75 CE. Kaya marami sa mga ulat ng Apat na Evangelio ay sinipi mula sa mga pseudopigraphical na kasulatan at mga hindi Canonized na mga aklat ng mga Judio noong 2nd siglo bago pa si Jesucristo. Kaya hindi natin maituturing na ang mga ulat sa kawikaan ni Jesus sa apat na evangelio ay dalisay na mula sa kaniya. 39 Ibid James Moffatt p. xxxi 40 Jerusalem Bible, Introduction to the Synoptic Gospel pp. 5,6 22
  23. 23. Jesus Mga Aral at buhay ni Jesus 30 AD Ang mga salin-sabi tungkol sa buhay at aral ni Jesus CE 50-------------------------------------------------------------------CE 50 Proto- Marcos/ Quelle Mga Sulat ni Pablo Q ? Marcos 67AD CE 70 -----------------------------------------------------------------CE70 L? M? Salin-sabi/ Quelle CE 90------------------------------------------------------------------ CE 90 Mateo Lucas Juan Mga Gawa 3. M?/L? - Kumakatawan sa mga nalikom ni Mateo (M?) at Lucas (L?) mula sa sabi-sabi ng iba’t-ibang tao at pira-pirasong tala ng aral, kawikaan at buhay ni Jesus. 4. Evangelio ayon kay Marcos- ito ang kauna-unahang sa mga Canonized na aklat na ang sumulat ay gumamit ng pira-pirasong ulat mula sa sabi- sabi at Quelle, na sa pamamgitan nito ay pinagtahi-tahi (cut and paste method). Ang bunga ng masikap na pagtatahi ay tinatawag na proto- 23
  24. 24. Marcos. Sa ilan panahon ang makalipas, ay may hindi kilalang tao o grupo na pinabuti ang laman at ngayon ay naging bunga ng evangelio (ayon kay Marcos) noong circa 75 CE 5. Evangelio ayon kay Mateo- ito ang kinikilalang ika-2 sa mga aklat. Ang nilalaman ng aklat ay sa pamamagitan din ng pira-pirasong ulat mula sa proto-Marcos , Quelle at mga naitalang salin-sabi na tanging si Mateo lamang ang nakakaalam, at tinatagurian na M(?). Ang aklat na ito ay itinuturing na nagawa noong circa 85 CE. 6. Evangelio ayon kay Lucas- ang aklat na ito sa patotoo ng nilalaman ay gumamit din ng pira-pirasong ulat sa pamamagitan ng oral (pasalita) at kasulatan, mula sa proto-Marcos, Quelle at sarili niyang pagsusuri na tinaguriang L? Ang panahon ng pagkakasulat nito ay tinataya noong circa 95 CE. 7. Evangelio ayon Juan- sa aklat na ito ay iba ang pagkakahanay ng ulat ukol sa salita, gawa ni Jesus kung ihahambing sa aklat nina Mateo, Marcos at Lucas. Ngunit naniniwala ang mga dalubhasa na ang pinagkunan ng mga salaysay, ulat sa gawa at salita ni Jesus ay hindi kaiba sa Synoptic41 Gospel (Marcos Mateo at Lucas). Ngunit sinasangayunan na ang aklat na ito ay ang pinakahuli sa lahat ng evangelio, at tinataya noong circa 110 CE. Sa pagsusuri, natuklasan na ang pinanggalingan ng laman ng aklat na ito ay batay sa mga sabi-sabi at naisulat na ulat na kumakalat sa panahon ni Juan. Si Clemete ng Alexandria (circa 190 CE) ay nagsabi na ang sumulat ng aklat na ito ay alam na alam ang synoptic gospel at maaaring siya’y kumuha ng ilan dito na inihalo sa aklat. 8. Ang Apat na Evangelio- ang nilalaman ng Apat na Evangelio ay hindi dito nagtatapos, sa paglipas pa ng ilang panahon ay pinalawig (expanded) pa rin ang mga ito sa pagpapabuti ng nilalaman (edited). Kaya dito lumitaw ang pagdagdag sa mga aklat na ito , katulad ng kay Marcos 16 :9-20, ang pagpapalit ng Lucas 3 :21-22 at pagdaragdag ng tinatawag na Lord’s Prayer sa Mateo 6 :13 ; Mateo 16 :17-20 at ang pagbabago sa Juan 2 :21-22 at 4 :2 at pagdadalisay ng Juan 5 at 6 at marami pang ring iba na katulad nito ang matatagpuan natin sa Biblia. Ang Evangelio sa Salitang Aramaic Sinabi sa isang babasahing Katolika, “Ave Maria Magazine” sa may pahina 12, Tomo V, blng 4 ay ganito ang pahayag: “Christ did not even give His disciples an explicit command to write. In the beginning the Apostles only preached and worked wonders in the name of Christ. They transmitted the Good News simply by tradition.” Kung ipagpapalagay lang natin na ang mga aral ng mga apostol ay naisulat bagamat hindi iniutos sa kanila na gawin iyon. Ayon din sa mga mangangaral at dalubhasa sa Biblia, ang Bagong Tipan na binabasa natin ngayon ay salin mula sa naisulat na salitang Griyego. Ang orihinal kayang Biblia ng Bagong Tipan ay ipinasulat sa salitang hindi naiintindihan ng mga Israelita ( Judio) ? Ganito ang sinabi ni Rev. Richard Francis Weymouth sa kanyang Appendix ng New Testament In Modern Speech sa pahina 653: “Aramaic was the language spoken in Syria in the days of Christ… By the time of Christ 41 Dahil sa ang laman ng mgaa klat na ito ay magkakatulad ang hanay ng balangkas, salita at gawa ay tinaguriang Synopic Gospels , mula sa salitang Griyego na Synopsis, na ang ibig sabihin ay nakikitang magkakatulad 24
  25. 25. Aramaic had long been the current speech in Palestine. It was the speech of Jesus and His disciples and probably the earliest preaching of the gospel was in Aramaic.” At ganito pa rin ang sinabi ni George Lamsa sa kanyang Introduction sa Bibliang kanyang isinalin pahina ix: “ Greek was never the language of Palestine. Josephus book on the Je wish Wars was written in Aramaic. Josephus states that even though a number of Jews had tried to learn the language of the Greeks hardly any of them succeeded.” Ang Bagong Tipan ng Biblia ay nakasulat sa wikang Griyego, imposibleng taglay nito ang tunay na diwa ng mensahe ni Jesus at mga apostol niya. Kung gayon, ang tunay na Evangelio ni Jesus ay hindi ang Bagong Tipan, sapagkat sa kapanahunan niya at ang mga apostol ay ginagamit ang salitang Aramaic at ang Mabuting Balita ay ipinangaral sa wikang ito hindi ang salitang Griyego Panahon ng pagkakasulat ng Bagong Tipan Ang mga dalubhasa sa kanilang masusing pagsasaliksik at paghahambing hambing ng pamamaraan ng literatura ay may mga kaunting pagkakaiba ng panahon o taon kung kailan naisulat ang mga aklat na napapaloob sa Bagong Tipan. Ngunit sa bahaging ito ay tanggapin natin ang lumang pananaw at kinikilala ng karamihan at nasa awtoridad. Narito ang balangkas ng pagkakasulat ng panahon. Mga Aklat sa Bagong Tipan42 Panahon o Taon ng Pagkakasulat Evangelio sa Bagong Tipan43 1. Evangelio ayon kay Mateo 8 5 -1 0 0 A D 2. Evangelio ayon kay Marcos 6 5 -7 0 A D / p a g k a ta p o s n g 7 0 A D * 3. Evangelio ayon kay Lucas 85/95 AD 4. Evangelio ayon kay Juan 9 0 -1 0 0 A D Mga Gawa ng Apostol 6 5 -7 5 A D Mga sulat ni Pablo 1. Roma 5 7 A D / s a p a g ita n n g 5 4 -5 8 A D 2. I Corinto 56 AD 3.2 Corinto 57 AD 4. Galacia 55 AD 5. Efeso 6 1 -6 3 A D 6. Filipos 6 1 -6 3 A D 7. Colosas 6 1 -6 3 A D 8. 1 Tesalonica 5 1 -5 2 A D 8. 2 Tesalonica 5 1 -5 2 A D 9. I Timoteo ( maaaring alagad ni 63 AD Pablo ang sumulat) 10. 2 Timoteo 63 AD 42 R.F. Weymouth at Ralph Earle 43 From Jesus to Four Gospel, Herman Hendrickx CICM, Claretians Pub. Q.C, Phil. 25
  26. 26. 11. Tito 67 AD 12. Pilemon 6 1 -6 3 A D Iba pang mga Sulat 13. Hebreo (hindi kilala) 96 AD 14. I Pedro 6 4 -6 7 A D 15. 2 Pedro 67 AD 16. I, II at III Juan 9 0 -1 0 0 A D 17. Judas 100 AD 18. Apocalipsis (Pahayag) 100 AD A n g A k la t n g m g a G a w a a t m g a S u la t n i P a b lo Ang mga galaw, gawa at sinabi ni Pablo ay mailalarawan natin batay sa pagkakasalaysay ng sumulat ng Mga Gawa. Pinaniniwalaan na ang sumulat nito ay si Lucas (balik aralan ang Sino si Pablo). Siya ay nagpasimulang makilala pagkatapos ni Jesus bilang Saul ng Tarsus. Ang mga disipulo ay nag-aalinlangan sa kanyang pagiging matapat dahil sa mabilis na pagpapalit ng pananampalataya. Sa mga Gawa 9:27, ay sinasabing si Bernabe ang kanyang kasama sa mga paglalakbay at tuwirang ipinagtatanggol si Pablo. Noong ika-43 CE sa Mga Gawa 11:26 ay nalaman natin na ang mga disipulo ay unang tinawag na mga Cristiano.44 Sa Jerusalem ang mga Kapulungan ( Iglesia) ay lubos na matatag na roon at pinamumunuan ni Santiago ang kapatid ni Jesus. Pagkatapos ng mahigit na limang taon, nagkaroon ng mga pagtatalo sa Antioch ukol sa mga bagay na ipinapangaral ni Pablo. Sa Gawa 15 ay inilarawan ang mahigpit na pangangailangan ng pagpupulong sa Jerusalem upang siyasatin ang mga gawain ni Pablo. Siya at ang kaniyang kasama na si Bernabe, ay inatasan na pumaroon sa Jerusalem, ang kauna-unahang Konseho upang pag-usapan ang lumalaganap na kuro-kuro (idea) ni Pablo. Sila ay umalis mula sa Antioch patungong Jerusalem sa ika-48-49 CE. Dahil sa pangyayaring 44 Mababasa natin sa Biblia na ang Cristiano ay pinasimulaang tawagin sa Antioquia (Mga Gawa 11:26) maraming taon na ang nakalipas pagkaraan ni Jesus na umakyat sa langit. Kung gayon, walang kinalaman si Jesus sa katawagang ito. Ayon mismo sa dalubhasang Cristiano, ito ay ikinapit ng mga pagano sa kanila. Sinabi ng isang dalubhasang si Wuest sa kanyang aklat na Treasures From The Greek Testament, WM.B. Eerdmans Pub. Co. 1957 p. 67:" Sa Antioquia dito unang tinawag ang mga disipulo na Cristiano (Mga Gawa 11:26) Ang pangalan ay ikinapit ng mga pagano noong unang siglo … "Sa katunayan mababasa natin sa Biblia na kailanman si Jesus ay hindi nakarating at nangaral sa dako ng Antioquia. Ang lugar na ito ay labas na sa bansang Palestina na sa ngayon ay tinatawag na Israel. At tuwirang pa ngang sinabi ni Jesus na siya ay isinugo lamang sa mga Israelita ( Mateo 12:24), na kung saan dito lamang niya isinugo ang kanyang mga alagad ( Mateo 10:6)Sa karagdagan sinabi pa rin sa aklat na Smith Bible Dictionary ni William Smith pahina 116, ay ganito ang sinabi:" Ang mga disipulo ay unang tinawag na mga Cristiano saAntioquia sa dako ng Orontes, tinataya noong CE 43. Ang pangalang Cristiano ay ginamit bilang panlalait, hindi kailanman ikinapit ng mga naunang disipulo ito sa kanilang sarili, ngunit ibinansag sa kanila ng mga bansang Gentil …"Kung gayon, ang titulong Cristiano na ikinapit sa mga mananampalataya ay walang kinalaman ang Dios o si Jesucristo man. Alam ng mga dalubhasa ang nakapaligid na istorya sa kasaysayan kung bakit binanggit ang salitang Cristiano sa Gawa 11:26. Ang mga Pagano ang nagbansag sa kanila na tawagin silang Cristiano 26
  27. 27. ito ay nagkaroon ng malawak na alitan sina Santiago at Pablo at ang sumulat ng Mga Gawa, ay nagpapakita ng pangyayaring ito at ito’y nagsilbing talaan ng pagtatanggol para kay Pablo.(Mga Gawa 21:18) Kung paniniwalaan natin ang nilalaman ng Aklat ng Mga Gawa, si Santiago ay nakipagkasundo na madaling makakapasok ang mga pagano sa kalipunan ng mananampalataya para magkaroon ng kapayapaan. Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi ang tunay na nangyari. Dahil hindi lihitimo ang mga aral ni Pablo, nagpasiya siya na tumungo na lamang sa ibang bansa at ipalaganap ang kaniyang sariling haka-haka. Karamihan sa kaniyang mga sulat ay nagpasimula sa panahong ito, sa pagitan ng 50-58 CE. Maliwanag sa kaniyang mga sulat na siya, sa panahong yaon, ay naging humiwalay na sa pamumuno sa Jerusalem at sinasalungat ang kanilang pagyakap sa kautusan. Siya’y sumulat ( Galacia ( 57 CE) at nagpahiwatig sa mga namumuno ( Galacia 2 :6). At sa Galacia 2 :11-13), tinuligsa ni Pablo si Pedro, at pinagbintangan niya si Santiago at ang kaniyang dating kasama sa paglalakbay na si Bernabe ng pagkukunwari. Ang mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan ni Pablo ukol sa pananampalataya ay tuwirang salungat doon sa mga namumuno sa Jerusalem. Ipinangaral niya na ang kaligtasan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya ( Roma 3 :28). Sa ganitong kadahilanan ay sinagot siya ni Santiago ang pinuno ng mga mananampalataya sa Jerusalem na “ Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili O o , s a s a b i h i n n g i s a n g t a o , I k a w a y m a y r o o n g p a n a n a m p a l a t a y a , a t a k o ’y mayroong mga gawa ; Ipakita mo sa akin ang iiyong pananampalatayang hiwalay s a m g a g a w a , a t a k o s a p a m a m a g ita n n g a k in g m g a g a w a a y ip a k ita s a iy o a n g aking pananampalataya…. Datapuwa’t ibig mo bagang maalaman, Oh taong w a la n g k a b u lu h a n , n a a n g p a n a n a m p a la ta y a n a w a la n g m g a g a w a a y b a o g . ? ” ( Santiago 2 : 17-18, 20). Kung susuriin ang mga kasulatan ni Pablo, ito’y naglalaman ng mga salita na siya ay humihiwalay na sa pamunuan ng Jerusalem at nagpapahayag ng pagtaliwas sa Konseho. Dahil dito ay maliwanag na si Pablo ang kauna-unahang apostata ( apostate ). Ngunit sa kabaligtaran ay pinagbintangan niya sa 2 Corinto 11:3-4, na ang mga kalipunan sa Jerusalem ay nagpapalaganap ng “ ibang Jesus.” Sinabi niya na ang “ paparito” ay tinatawag na ministro ni Cristo maliban ang tinutukoy ni Pablo ay ang mga apostol ( 2 Corinto 11:22-23). Sila ang tinutukoy ni Pablo na kaniyang mga kaaway. 27
  28. 28. Binali wala niya ang dalisay na pananampalataya, dahil din dito lumikha siya ng isang Cristo na ipapantay sa mga dios-diosang pagano katulad nina Adonis, Tammuz, Attis at marami pang iba. Ang paglikha ng dios katulad ng mga Romano sa kanilang emperador ay laganap sa Gitnang Silangan sa panahong yaon. Hindi kilalang lubusan ni Pablo si Jesucristo na anak ni Maria, katulad ng pagkakakilala nina Pedro at Santiago. Ang tanging alam lamang niya ay ang mga mistiko at sophismo na laganap din sa lugar na yaon. Nang si Pablo ay muling bumalik sa Jerusalem (58 CE) ay hinimok siya ng kaniyang mga tagasunod na huwag bumalik sa pangangambang magkaroon ng kaguluhan sa mga pinuno roon. Nakipagkita siya kay Santiago. Inakusahan siya na nangangaral samga Judio sa ibang bayan na iwanan na ang Kautusan ni Moises. Ang bintang na ito ay makatuwiran sapagkat ito rin ang laman ng kaniyang mga sulat. Ang Aklat ng mga Gawa ay hindi itinala kung ano ang kaniyang isinagot. Ang pakiwari sa mga naganap ay kaniyang ipinagkaila at hiniling na maglinis siya sa loob ng pitong araw- na isang palatandaan na siya ay patuloy na gumaganap sa Kautusan. Makalipas ng ilang araw, si Pablo ay muling nasa panganib dahil sa pangangaral laban sa Kautusan ( Mga Gawa 21:28+). Siya’y nangatuwiran at ipinamanhik ang kaniyang karapatan bilang mamamayan ng Roma. Dahil sa panganib na nagbabanta sa kaniyang buhay, inilisan siya mula sa Jerusalem patungo sa Cesarea na may kasamang 470 pangkat- 200 kawal ( infantry) na nasa ilalim ng pamumuno ng dalawang Senturion, 200 sibatan ( spearman) at 70 mangangabayo ( Mga Gawa 23 :23). Doon siya ay dumulog kay Haring Agrippa na siya ay litisin sa Roma dahil sa karapatan niya bilang mamamayan ng Roma. Naniniwala ang karamihan na si Pablo ay namatay doon noong sa pagitan ng 64 at 67 CE. Ang aklat ng mga Gawa ay napapalooban ng tunggalian nina Pablo at Santiago. Ang mga dalubhasa sa Dead Sea Scrolls katulad ni Eisenman ay nagsasabi na si Santiago ay ang pinakapuno at nangangalaga ng dalisay na katuruan ng kapulungan, ang tagapagturo ng dalisay na aral at pagpapatupad sa mga kautusan. Kailanman, si Jesus o ang mga naunang mananampalataya ay hindi nagkaroon ng panukala na magkaroon ng ibang ‘religion”. Sila’y patuloy na gumaganap ng naunang kautusan at patakaran ng mga Judio. (Mateo 5:17-19) Kay Santiago at mga mamamayan sa Jerusalem ay ipinagpapatuloy lamang ang mga katuruan ni Jesus at ang kaniyang Pagka-Messias (Cristo). Hindi layunin ni Jesus na ang sentro ng pananampalataya ay ipako sa kaniyang katauhan, sa pagsamba sa kaniya o gawing dios o Dios. Sa alitan ni Santiago at Pablo, ang paglitaw at unti-unting pagkatatag ng relihiyong tinatawag natin ngayon na Cristiano ay nabubuo at lalo pang naging matatag na nang si Constantino ay ipinahayag ito bilang opisyal na relihiyon ng Emperyo ng Roma dahil sa kaniyang pang-politikal na layunin at pinalitan ng maka-paganong pananampalataya, kultura at mga rituwal. Ang Aklat ni Moises Ang Qur’an ay maraming ulit na binanggit ang aklat o kautusan ni Moises o tinatawag na Torah. Datapwat ang Torah na ito ay hindi ang Kautusan na nasa Biblia, ito’y tinatawag nilang Pentateuch ( Limang Aklat- Ang Kautusan – Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang, at Deutronomio ) sa Lumang Tipan. Sinasabi rin nila na ang Pentateuch na ito ay isinulat ni Moises, at siya ay bumatay ayon sa sabi- 28
  29. 29. sabi ng tao , na nagpalipat-lipat sa bawat lahi. May nagsasabi pa rin na ito’y pinagsama-samang mga kasulatan na iningatan ng kanilang mga ninuno bilang isang makasaysayang talaan. Papaanong nangyari na ang Pentateuch na ito ay isinulat ni Moises, samantalang ang Limang aklat na ito ay may itinuturong ibang aklat na kautusan ni Moises. Pansinin ninyo ang sinabi sa aklat na ito : “At sinabi ng Panginoon Kay Moises, isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat, at ipagbigay alam mo kay Josue na aking ipalilimot ang pagalaala kay Amalec sa silong ng langit.” ( Exodo 17 : 14 ) ; “… at sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ng Panginoon, …” (24:4) “… at sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagkat ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo sa Israel … At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sampung utos.” (34:27,28); “ at isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon…” (Mga Bilang 33:2 ihambing din sa Duet. 10:1-4; 31:9,22-24). Maliwanag na may ibang nagsasalaysay ukol sa mga isinulat na kautusan ni Moises at maliwanag na hindi si Moises ang sumulat ng mga aklat na ito kundi ibang tao. Tignan pa natin ang mga halimbawa: “ At sinabi ng Panginoon kay Moises” (Exodo 34:1)… “ At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises na sinasabi “ ( Exodo 31:1) “ … at sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel…” (Exodo 35:30) “… at sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi…” (Exodo 40:1) at marami pang iba. Ang mga ito ay nagbibigay sa atin ng patotoo na ang kamay ng sumulat ay nasa ikatlong persona (third person) hindi si Moises. Ano ang nangyari sa Kautusan? Sa aklat na Jeremias, ay sinabi ang ganito : “ Paano mo masasabing, kami’y matatalino pagkat nasa amin ang kautusan ng Panginoon, ngunit ang totoo, ito’y pinalitan ng mga sinungaling na panulat ng mga escriba” ( Jeremias 8:8) Kung gayon, ang Kautusan ay pinalitan ng mga sinungaling na escriba. Nasira ba ang pangako ng Panginoon “ na walang makapagbabago ng kaniyang salita”? ( Qur’an 6:115) Sinabi rin sa Biblia na ang salita ng Dios ay matatag sa langit, sa salin ng RSV “ firmly fixed in the heavens “ ( Psalms 119:89). Sa paano mang paraan mananatili ang kanyang salita, ito’y matatag at matibay na nasa kalangitan. Ito ang dahilan kaya walang mababago sa kanyang salita. Hindi kailan man ipinangako ng Poong Maykapal na ang mga titik ng kanyang salita na isinulat ng mga kamay ng tao ay hindi maglalaho. Hindi niya ipinangako na ang mga balumbon ng Kasulatan na kaniyang ipinasulat ay hindi masisira o maglalaho. Ang salita ng Dios na matatag sa kalangitan at hindi masisira ay matatanggap lang ng tao sa pamamagitan ng pananatili nito sa puso. Kung ating bibigyan ng pansin sa Bagong Tipan, si Moises ay ipinakikilala bilang “ tinuruan ng lahat ng kaalaman ng mga Ehipto”. ( Mga Gawa 7 :22). Kaya nga, ang Batas o Kautusan ni Moises ay tinitiyak natin na ito’y naisulat sa wikang Ehipto. Ngunit sa salungat na kaalaman ang sinasabing Kautusan ni Moises ay nakasulat sa wikang Hebreo, at gayon din kung ang Kautusan ay nasa sinaunang Hebreo, wala tayong natagpuang Kasulatan ng Lumang Tipan na mas nauna pa sa 916 AD. Ang Hebreo ay isa nang patay na wika at wala nang Judio ang nagsasalita nito sa panahon bago at pagkatapos na sila ay dinalang bihag sa Babilonia. Sa panahon ni Jesucristo ay ginagamit nila ang salitang Aramaic45. 45 Ang Aramaic ay wikang ginagamit sa Syria sa panahon ni Jesus, ito‘y katulad ng Hebreo. Sa panahon ni Jesus ang Aramaic ay matagal nang ginagamit na wika sa Palestina, ito ang wikang ginagamit ni Jesus ang kanyang mga alagad at ang kauna-unahang evangelio ay ito ang wika na ginamit. 29
  30. 30. Kung si Moises nga talaga ang sumulat ng Pentateuch (Genesis hanggang Duetronomio), binanggit ni Ralph Earle ang ganito “ It should be noted , however, that the last chapter of Duetronomy was obviously not written by him. Here we f ind an account of Moses death and burial, with the added statement: But no man knoweth of his sepulcher unto this day (Duet. 43:6) … To say that Moses himself wrote these words beforehand by divine inspiration as some claimed- is unrealistic. The whole tenor of terminology used here clearly points to a later generation, when monumental work of Moses was edited in its f inal f orm.”46 Sa pagkakasunod- sunod ng Pentateuch, ito’y naglalaman ng dalawang detalye ng paglikha, kasaysayan na nagsasalungatan sa bawat isa (Genesis 1:1; 2:4; 2:5+) Ang Kasaysayan nito ay hindi magkakapareho, kawawa naman si Moises kung siya ang sumulat nito. Hindi alam ng sumulat kung ano ang lahi ipinagbili si Jose ng kanyang mga kapatid na nagdala sa kanya sa Ehipto. Makikita natin sa bahaging ito na si Jose ay ipinagbili sa mga Ismaelita (Genesis 37:25) ngunit sa iba bahagi ay sa Medianita (Genesis 37:28). Hindi sila magkapareho, si Moises kaya ang sumulat nito? Nalilito! Nalilito! Nalilito siya! Sa karagdagan, may tatlong magkakaiba at hindi magkakaparehong ulat ukol sa Sampung Kautusan o Torah (Exodus 20 at Exodus 30). Sa kasaysayan ng Sodom at Gomorah, dito ay ipinapakita na ang Dios ay hindi alam kung ano ang nangyayari sa dalawang bayan na ito, kaya nga Siya ay nagpadala ng Sugo upang ibigay sa kaniya kung ano ang nangyayari. Hindi ito nagpapakita na ang Dios ay nalalaman ang lahat ng bagay (Omniscience). Salungat ito sa kaniyang katangian. Kung ang isang tao ay hindi laging nagbabasa ng Biblia, maaaring ito’y walang halaga sa kanya. Ngunit sa isang tao na mapanuri at mahigpit na nagsisisyasat ay maaaring magululuhan at mawalan ng pananampalataya, ngunit ang iba ay magpapatuloy na lamang kahit hindi tiyak ang sinasampalatayanan. Huwag nawa!.47 A n g P agb u o P en tateu ch Ang kilalang pananaw na pinaninindigan ng mga dalubhasa kung papaano nabuo ang Pentateuch (sa literal na salita ay “ limang balumbon o aklat) ay ipinanukala sa apat na pamantayan. Ito’y ipinanukala ng Paaralang Pangdalubhasa sa Biblia ng Graf-Welhansen. Ang pananaw na ito ng mga dalubhasa ay makikilala natin sa simbolo ng J (Y), E, D, at P. Ang simbolong ito ay kumakatawan sa magkakaibang grupo sa hanay ng pagsasalaysay sa Biblia (Yahwist, Elohist, Duetronomic at Priestly), ang bawat isang grupo ay may kanya-kanyang ideya sa pangyayari at inihalo sa Biblia at nagkaroon ng isang balangkas sa Kasaysayan. Ganito ang buod na pangyayari. Si Moises ay mayroon lamang hawak na Kautusan na inihayag sa kaniya ng Panginoon doon sa bundok ng Sinai, at ito ang pinagbabatayan ng mga Israelita sa anumang usapin ukol sa mga karapatan at paglabag. Sa paglipas ng panahon ang Kautusan ay nawaglit sa bayan ng Israel at muling natuklasan ito ng Saserdoteng si Hilsias sa Templo nang ito ay kanilang kukumpunihin (2 Cronica 34:14+). Ang kasaysayan ng Israel ay nalalaman lamang sa Credo o Pagapapahayag ng Pananampalataya na naitala sa 46 How We Got the Bible, Ralph Earle p. 15; All Scripture is Inspired of God and Beneficial p. 13 47 Rescruing the Bible from Fundamentalsim, Bishop John Shelby Spong, Harper San Francisco 1991, NY p. 23,24 30
  31. 31. Deutronomio 26:5-10 (ihambing sa Josue 24). Ang Pentateuch ay pinalawak lamang sa Credong ito na ibinatay sa kapakinabangan ng iba’t-ibang grupo sa Israel. Sa kauna-unahang pagkakataon ng pagkakaroon ng Hari sa Israel, tinataya noong 950 BCE, ang tradisyonal na grupo o tinaguring J (Y) mula sa Judah ay binalangkas ang Kautusan sa estelo ng kasaysayan at pinalawak bilang epiko (epic). Sa ibang panukala sila ay ang grupo sa hanay na naniniwala na ang Dios ay tinatawag sa YHWH ( kilala sa tawag na tetragrammaton o apat na titik ).Sa mga sumunod na panahon noong 900 – 750BCE, ang tradisyonal na grupo mula naman sa Hilagang Israel o Ephraim (E) ay nagpanukala din ng iba pang version o salaysay sa Kautusan ni Moises. Sa iba pa ring panukala ang grupo na ito ay naniniwala na Elohim ang pangalan ng Dios-kilala sa taguring Elohist. Noong naman ika 7th BCE, ang aklat na Deutronomio (D) ay ipinalimbag ( 2 Hari 22-23), ang pinagbatayan ng salaysay na ito ay kinuha sa Lumang salaysay na pinalawak. Tinatawag nila ang grupo na ito na Deutronomic. At sa kahulu- hulihan sa panahon na ang Israel ay nagsipangalat sa ibang lupain, ang mga Saserdote o tinaguriang Priesly (P) ay dinagdagan at pinalawak mula sa Sali’t- saling tradisyon na naitago ng mga Saserdote sa Jerusalem. Ang Pentateuch ay mahabang panahon ang naigugol bago ito naging ganap na limang aklat sa kasalukuyan. Ang aklat na ito ay bunga ng pagsusumikap ng iba’t-ibang grupo (J [Y], E, D, P) na maitala ang makasaysayan ulat ng Israel para sa kanilang mga susunod na henerasyon at batay sa Kautusan ni Moises na idinagdag. Ang Pentateuch ay ipinarangal nila sa pangalan ni Moises bilang isa sa dakila nilang pinuno at sugo ng Dios. Kaya nga, magpahanggang ngayon ang Limang aklat na ito ay tinaguriang Book of Moises or Torah of Moises, hindi dahil si Moises ang sumulat nito. Ang Pentateuch ay naglalaman lamang ng mga Kautusan ni Moises at hindi si Moises ang sumulat nito. A n g S u m u la t n g E v a n g e lio a y H in d i K ila la Ang isa sa mga batayan upang ang isang Kasulatan ay maituturing na kinasihan ng Dios ay dapat kilala ang sumulat.48 Matitiyak ba natin na ang pangalan ng sumulat ay totoo. Ang nakalulungkot na kalagayan ay salungat sa batayan ng pagsusuri.49 Ang mga dalubhasa ay inamin na ang Evangelio at iba pang mga aklat sa Luma at Bagong Tipan ay hindi kilala ang mga sumulat. Sa Pasimula ni Richard Weymouth sa kanyang New Testament In Modern Sppech ay ganito ang kaniyang sinabi: “ Each gospel is anonymous for authorship we are dependent upon early tradition, put to the test of a reasonable probability.” At gayon din sa Oxford Annotated Bible (RSV) sa bawat Panimula (Prologue) nito (Evangelio) ay sinasabing ito ay pawang Anonymous ang sumulat.. Ang Tradition na ito, ayon sa Jerusalem Bible ay sinabi (Introduction to the Gospel) sa pahina 5: “ Tradition dating from the second century assigns them respectively to Saint Mathhe w, Mark and Luke.” Sa Aklat na isinulat ni Herman Hendrickx “ From One Jesus to Four Gospel50 ”, CICM Maryhill School of Theology, Claretian Publications, Quezon City ay nagbigay ng mga patotoo ukol sa tunay na datus na ang apat na Evangelio ( Mateo, Marcos, Lucas at Juan ) ay pawang mga hindi kilala ang sumulat. Narito ang ilan sa kaniyang sinabi : 48 Tignan ang General Biblical Introduction ni H. Miller 49 Ibid, H. Miller p. 89 50 From One Jesus to Four Gospel, Herman Hendrickc pp. 59,79,80,105,133,134 31
  32. 32. Evangelio ayon kay Marcos “ Until fairly recently it was generally held that Mark of the Gospel according to Mark was the companion of Peter who wrote down the teaching of and stories about Jesus as told by Peter. But, this is practically untenable on the ground of the internal evidence of the style and theology of the book itself… The fact is that we do not with any certainty who the author of the gospel according to Mark was. Internally it is anonymous, that is, the Gospel itself never refers to Mark as its author.” Evangelio Ayon kay Mateo “ There is no statement is the gospel that identifies it as having been written by Matthew, or anyone else. However, by the end of the second century the apostle Matthew had been identified as the author. Ireneous Bishop of Lyons in Gaul (now France ) wrote: ‘ Matthew published a written Gospel among the Hebrews in their own language.’ Today this report is usually regarded as erroneous on two counts: (1) it is now held that the Gospel was not written by the apostle Matthew; and (2) it is believed to have been written in Greek, employing sources composed in Greek, and not in the language of the Hebrew ( either Hebrew or Aramaic). The author was apparently a Greek- speaking Jewish Christian … perhaps a convert who may have had some rabbinical training. Possibly, he was even a Christian scribe.” Si V. Rieu ay tinalakay din ang nasabing aklat at sinabi niya: “ The author of Matthe w is identif ied by various writers f rom Papians to Jerome, as Levi, the custom-off icer and disciple, and stated to have written the saying in. Here we depart from tradition. As we already, Matthew closely f ollows the Greek of Mark, incorporating large portion of the Gospel through adding materials f rom the other sources. T wo conclusion f oloows. First, the work was not a translator but written in Greek. Secondly, it was not written by Matthe w the apostle. Its author had been an eyewitness, would surely not have contented himself with copying, of ten verbatim, the record of one who was not. At the moment we can aff irm nothing, but it is at least a tenable opinion that Mathhe w was written by an unkno wn author about AD 85, f or the use of a Je wish-Christian community in one of the cities in Levant.”51 Evangelio ayon kay Lucas “ We apeak of the author as Luke, but this is something of a convention. Although the apostle Paul had a comapanion named Luke ( Philemon 24; Col. 4:4), the traditional attribution of this writing to Paul’s companion represents only guesswork. The tradition that Luke was a physician, who revelaed his trade by stylistic touches in his narrative, has even less basis.” Evangelio ayon kay Juan “ Ancient tradition had Jesus’ disciples John, the son of Zebedee, as author. The first explicit statement of this authorship was made by Irenaus, bishop of Lyons, in about 190. Ireneous’ report seems plausible, but there are problems. First, there is what is sometimes called the argument from silence.’ Second, in the second century, some church leaders in Asia Minor rejected the apostolic authority of this gospel. The John Zabedee, authorship has been questioned in modern times too. One attempt to identify this gospel with apostolic authorship is to say that the authority of the gospel goes back to Apostle John, but the book itself was written and dedacted by other persons. In this hypothesis, we have (1) the apostle John as his eyewitness preaching as the original and basic ‘apostolic authority.’ (2) a disciple-evangelist who rendered the apotle’s message in writing to deal with a developing theologyical situation in the developing Christian church ; and (3) a disciple-redactor who edited the work and added other material to the original document. This sort of answer is very speculative and probably the best to give to the question of authorship is to say 51 The Four Gospel by V. Rieu p. xxii 32

×