Kolokyal
Sinasaklaw lamang nito ang isang tiyak na
bilang o grupo at lugar kung saan ginagamit
ang isang tiyak na lenggwah...
Balbal
Madalas ipinagpapalgay na ang balbal ay kauri rin ng
kolokyal. Subalit may magkaibang distinksyon ang dalawang
ito....
Kahulugang Konotatibo at Denotatibo
Ang kahulugang Denotatibo ay ang literal na kahulugan
ng isang salita na matatagpuan s...
Halimbawa’y ang salitang “ahas” na ang
kahulugang denotatibo ay isang makamandag
na hayop na gumagapang. Subalit kung
gaga...
Mga Tayutay
Isa sa mahalagang sangkap sa isang matalino, maganda
at epektibong pagsulat ay ang kasanayan sa paggamit
ng ta...
Epektibong Pagsulat
Sa aklat ni Murrel Harris (2000) ay may
inihain siyang mga pamantayan upang maging
gabay sa epektibong...
1. Layunin
Ang bawat manunulat ay may kaukulang
layunin sa kanilang pagsulat ng isang sulatin.
Maaaring ito ay upang mang-...
2. Mambabasa
Walang sinuman ang sumulat ng para lamang
sa kanyang sarili. Layunin o pangarap ng bawat
manunulat na malatha...
3. Pangunahing Ideya/Kaisipan
(Thesis Statement)
Ito ang pinaka-esensiya at sustansiya na
maaring mapiga ng mga mambabasa ...
4. Organisasyon
Ang manunulat upang makatiyak na
makatutugon ayon sa kahingian ng kanyang
pangunahing ideya ay kinakailang...
5. Debelopment
Tiyaking sapat ang mga detalye tulad ng pantulong na
ebidensya at impormasyon na sumusuporta sa
pangunahing...
6. Haba ng Bawat Talata
Dapat ay magkakatulad ang haba ng halos lahat
ng talata sa buong komposisyon at hindi dapat
na ito...
7. Transisyon sa Pagitan ng mga
Pangungusap at Tala
Kinakailangan na maging maayos ang ugnayan sa
pagitan ng bawat talata....
8. Introduksyon (Panimula) at Kongklusyon
(Wakas)
Ang introduksyon ay dapat na nagbibigay ng motibasyon sa
mga mambabasa s...
Mga Epektibong Istratehiya sa Muling
Pagsulat ng Burador
1. Ipabasa ang burador sa isang taong
mapagkakatiwalaan tulad ng ...
3. Bagalan lamang ang pagbabasa (Proof Reading) nang
sa gayon ay maitanghal ang lahat ng mga posibleng
kamalian. Iwasan an...
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Filipino

10,435
-1

Published on

0 Comments
5 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
10,435
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
86
Comments
0
Likes
5
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Filipino

  1. 1. Kolokyal Sinasaklaw lamang nito ang isang tiyak na bilang o grupo at lugar kung saan ginagamit ang isang tiyak na lenggwahe. Tumutukoy ito sa baryasyon ng isang lenggwahe na ginagamit sa isang lugar subalit maaaring hindi maunawaan sa ibang lugar dahil sa pagkakaroon nito ng ilang modipikasyon dala na rin ng interpretasyon ng mga taong nagsasalita nito.
  2. 2. Balbal Madalas ipinagpapalgay na ang balbal ay kauri rin ng kolokyal. Subalit may magkaibang distinksyon ang dalawang ito. Bagamat umiiral din ang balbal sa isang tiyak na lugar at may mga tiyak na grupo na gumagamit nito,posibleng hindi lahat ng nasa isang lugar ay nakauunawa ng mga balbal na mga salita. Halimbawa’y ang mga naninirahan sa “Tondo” na bagamat iisa lamang ang komunidad na kanilang ginagalawan, hindi lahat ng naninirahan dito ay nakauunawa sa lenggwahe ng mga Bakla o Kanto Boys.
  3. 3. Kahulugang Konotatibo at Denotatibo Ang kahulugang Denotatibo ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Habang ang Konotatibo naman ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. May mga salitang maaaring wasto ang pagkakagamit sa usaping denotatibo subalit maaaring lumikha ng tunggalian o kalituhan sa loob ng isang teksto.
  4. 4. Halimbawa’y ang salitang “ahas” na ang kahulugang denotatibo ay isang makamandag na hayop na gumagapang. Subalit kung gagamitin ito sa pangungusap sa loob ng isang teksto tulad ng “Inahas ni Florintino ang nobya ni Dave na matalik niyang kaibigan”, ay ganap na nawala ang kahulugang denotatibo sapagkat iba na naging konotasyon ng salitang inahas sa ahas.
  5. 5. Mga Tayutay Isa sa mahalagang sangkap sa isang matalino, maganda at epektibong pagsulat ay ang kasanayan sa paggamit ng tayutay. Ayon kay Derrida, ang isang sulatin ay walang permanenteng kahulugan sa kanyang sarili dahil depende ito sa magiging interpretasyon ng mga mambabasa. Sa puntong ito ay masasabing nawawala ang literal na kahulugan ng isang salita.
  6. 6. Epektibong Pagsulat Sa aklat ni Murrel Harris (2000) ay may inihain siyang mga pamantayan upang maging gabay sa epektibong pagsulat na nakapaloob sa tinatawag niyang HOCs (Higher Order Concerns)
  7. 7. 1. Layunin Ang bawat manunulat ay may kaukulang layunin sa kanilang pagsulat ng isang sulatin. Maaaring ito ay upang mang-aliw, magbigay ng impormasyon at mangumbinse, magturo at magpaganap o magpatupad .
  8. 8. 2. Mambabasa Walang sinuman ang sumulat ng para lamang sa kanyang sarili. Layunin o pangarap ng bawat manunulat na malathala o mabasa man lamang ng iba ang kanyang mga naisulat. Kaya naman isa sa pangunahing konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa pagsulat ay kung sino ang babasa ng teksto.
  9. 9. 3. Pangunahing Ideya/Kaisipan (Thesis Statement) Ito ang pinaka-esensiya at sustansiya na maaring mapiga ng mga mambabasa mula sa isang sulatin. Ito ay isang maiksing pahayag na binubuo lamang ng isa o dalawang pangungusap.
  10. 10. 4. Organisasyon Ang manunulat upang makatiyak na makatutugon ayon sa kahingian ng kanyang pangunahing ideya ay kinakailangan magbalangkas (outlining) upang matiyak na ang nilalaman ng bawat talata ay sumusuporta rito at hindi lumilihis sa paksang tinatalakay. Mahalaga ito para maging lohikal ang daloy ng mga ideya at impormasyon at hindi malito ang mga mambabasa.
  11. 11. 5. Debelopment Tiyaking sapat ang mga detalye tulad ng pantulong na ebidensya at impormasyon na sumusuporta sa pangunahing ideya (thesis statement). Dito ay maaaring magtanggal ng mga materyales na wala namang direktang kinalaman sa paksa o ‘di naman kaya ay magdagdag ng mga panibagong konsepto na lalo pang magpapalakas sa pangunahing ideya na makatutulong sa pagtamo ng layunin sa pagsulat.
  12. 12. 6. Haba ng Bawat Talata Dapat ay magkakatulad ang haba ng halos lahat ng talata sa buong komposisyon at hindi dapat na ito ay umabot o omukupa ng isang buong pahina. Ang masyadong mahabang talata ay sadyang kinababa-gutang basahin ng mga mambabasa.
  13. 13. 7. Transisyon sa Pagitan ng mga Pangungusap at Tala Kinakailangan na maging maayos ang ugnayan sa pagitan ng bawat talata. Ang transisyong pangungusap ang siyang nagpapakita ng kaugnayan ng isang talata sa sinusundan nitong talata. Isa itong mahalagang konsidirasyon na dapat bigyang pansin ng mga manunulat dahil hindi lamang nito maaaring iligaw ang mga mambabasa kundi maaari rin itong makapagpahina sa nilalaman ng isang komposisyon o teksto.
  14. 14. 8. Introduksyon (Panimula) at Kongklusyon (Wakas) Ang introduksyon ay dapat na nagbibigay ng motibasyon sa mga mambabasa sa simula pa lamang upang makumbinsi itong ipagpatuloy ang pagbabasa. Ang bahaging ito ay dapat na maging kawili-wili at interesante upang makaakit ng mga mambabasa. Ang konklusyon ang nagbibigay hudyat na papalapit na ang wakas at kinokondisyon ang isipan ng mga mababasa hinggil sa nalalapit na wakas. Ang konklusyon ay maaring maglaman ng mga mungkahi na gabay sa pagkilos o pagpapasya ng mga mambabasa ayon sa mga inihaing impormasyon o mga datos.
  15. 15. Mga Epektibong Istratehiya sa Muling Pagsulat ng Burador 1. Ipabasa ang burador sa isang taong mapagkakatiwalaan tulad ng guro, kaibigan, magulang at maging bukas ang isipan para sa kanilang mga mungkahi o puna. 2. Ilagay ang iyong sarili sa posisyon ng mga mambabasa. Isaalang-alang ang mga nais nilang malaman.
  16. 16. 3. Bagalan lamang ang pagbabasa (Proof Reading) nang sa gayon ay maitanghal ang lahat ng mga posibleng kamalian. Iwasan ang pagmamadali upang makita ang maling bantas, baybay at kapitalisasyon. 4. Huwag lamang basta umasa o dumepende sa “Thessaurus” ng kompyuter para sa awtomatikong pagwawasto ng mga pagkakamali sa ispeling. 5. Itala ang lahat ng nakitang kamalian upang maging batayan sa pagwawasto sa pangwakas na pagsulat.
  1. A particular slide catching your eye?

    Clipping is a handy way to collect important slides you want to go back to later.

×