Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

on

  • 10,576 views

 

Statistics

Views

Total Views
10,576
Views on SlideShare
10,576
Embed Views
0

Actions

Likes
1
Downloads
137
Comments
1

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
  • pis op syit !!!!
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation Presentation Transcript

  • Hibik ng Pilipinas Hibik – daing, “appeal” Mga tulang nagpapahayag ng poot at pagbabanta ng Pilipinas sa mananakop nitong Espanya Nagpapahayag din ng madaming di- makatarungang mga pangyayari at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino
  •  Malaking tensyon ang namumuo sa mga Pilipino at mga Espanyol lalo na sa mga pari Mga pangyayari tulad ng:  paggarote kina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora  Pag-aalsa ng iba’t-ibang lalawigan; isa na ang Cavite  Mataas na buwis  Opresyon sa mga Pilipino Naging aktibo ang KKK at mga Ilustrado
  •  Tatlong tulang tungkol sa “hibik” ng pilipinas sa mananakop nitong Espanya  Hibik ng Inang Filipinas sa Inang Espanya ni Hermenegildo Flores  Sagot ng Espanya sa Hibik ng Filipinas ni Marcelo H. del Pilar  Katapusang Hibik ng Filipinas ni Andres Bonifacio
  • Hibik ng Inang Pilipinas sa InangEspanya ni Herminigildo Flores
  • Inang mapag-ampon, Espanyang marilag,nasaan ang iyong pagtingin sa anak?akong iyong bunsong abang Pilipinastingnit sa dalita’y di na makaiwas.Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw,sa pagmamalasakit ng dahil sa akin;ngayo’y inuusig at di pagitawinng mga prayleng kaaway mong lihim.
  • Sa bawat nasa mong kagaling-galingan,ayaw ng prayleng ako’y makinabang,sa mga anak ko’y ang ibig lamangisip ay bulagin, ang bibig ay takpan.Nang di maisigaw ang santong matuwidna laban sa madla nilang ninanaispalibhasay wala silang iniisipkundi ang yumaman at magdaya ng dibdib.
  • Sa pagpapalago ng kanilang yamanbenditat bendisyon lamang ang puhunan,induluhensiyat ibat ibang bahayng mga sagrado naman ang kalakal.Sapagkat anumang bilhin sa kanila,kaya namamahal, dahil sa bendita,kahit anong gawin pag may halong kantaay higit sa pagod ang hininging upa.
  • Ibig ng simbahat kumbentong marikitorganot kampana aranyang nagsabit;damaskot iba pa, datapwat pawisng bayan kukunin, mahirap mang kahit.Ani sa asyendat kita sa simbahansa minsang mapasok sa mga sisidlanng mga kumbentoy di na malilitawkaya naghihirap, balang masakupan.
  • Ang duloy marami sa mga anak koang di makabayad sa mga impuwestosa gayong katataas ng mga rekargopagkat kailangan naman ng estado.Sa bagay na iyan, ang mga mahirapna walang pagkunan ng dapat ibayad,sa takot sa Sibil, aalis ngang agad,iiwan ang bayat tutunguhiy gubat.
  • Dito pipigain naman ang maiiwan,na di makalayo sa loob ng bayan,siyang pipiliting magbayad ng utangkahimat wala ng sukat na pagkunan.Maghanapbuhay may anong makikitawala nang salapi, ibayad ang ibapagkat naubos nang hititin ng kurasa pamamagitan ng piyestat iba pa.
  • Sa limit ng mga piyestat mga kasayahanay walang ginhawang napala ang bayankundi ang maubos ang pinagsikapangsa buhay ng taoy lalong kailangan.Ang kapalaluang paggugol ng pilaknang dahil sa pyesta ay di nag-aakyatsa langit, kundi ang santong pagliyagng puso ang siya lamang hinahanap.
  • Niyong ang ating Amang hindi madadayasa inam ng pyesta at lagi ang ganda,sapagkat ang ating gawang masasamaay di mangyayaring bayaran ng tuwa.Ibigin ang Diyos nang higit sa lahatat ito ang siyang lalong nararapatngunit ang prayley walang hinahangadkungdi magpalalot ang bayay maghirap.
  • Ang pangako nila sa mga anak koay magbigay lamang sa mga kumbentong kuwaltay sa langit naman patutungoat ligtas sa madlang panganib sa mundo.Saka sasabihing ang kanilang aralay utos ni Kristong dapat na igalangbago hindiy gayot kauna-unahanglumalabag sila sa Poong Maykapal.
  • Ang mga anak koy turuan nga lamangng bala-balaking dapat matutuhankahimat maubos ang lahat ng yamankikilanlin ko pang darakilang utang.Dapway sa akin daya at pag-apiang siyang nakayang pawang iginanti,kaya hanggang ngayon sa ikabubuting kalagayan koy wala pang masabi.
  • Gayunmayy ako pa ang siyang masamakung aking idaing yaring pagkaaba,sarisaring dusa namay nagbabalasa balang dumamay sa aking pagluha.Yamang may hustisyang hindi humihibikkung dili sa balang ayon sa matuwidsa di natutulog na awa ng langitipauubaya yaring pagkaamis.
  • Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pulang ibang potensya sa balat ng lupaang kamahalan mo kung mapag-unawangsa anak ay inang tunay ang dumusta?Hanggang dito inat ang bahalay ikawdangal moy tanghalin ng sansinukubanang pagkakasundo ng lahat mong kawalay lumagi nawa sa kapayapaan.
  • Analisis Sinasabi dito ang mga pag-api at pagsasawalang bahala sa mga Pilipino Marami ding reklamo ukol sa mga prayle na sinasabing nagpapapiyesta, naniningil sa para daw sa “simbahan”, etc. Maraming pagmamalabis at pag-aabuso ng mga kura’t prayle at mga ibang namumuno sa mga tao Tila ipinaaalam sa Espanya ang mga pag- abusong ginagawa ng mga ipinadalang tao sa Pilipinas
  • Herminigildo Flores Isang “local hero” ng mga Tagalog Kabilang sa KKK Isang matapang na katipunero at isa ding magiting na manunulat
  • Sagot ng Espanya sa Hibik ngPilipinas ni Marcelo H. del Pilar
  • Analisis Paglalahad ng mga pangakong binitawan o ang mga magagandang pangarap ng Espanya sa Pilipinas Subalit ang mga Espanyol sa kolonya (Pilipinas) ay binibigo ang mga ito
  • Marcelo H. del Pilar Isa sa mga Ilustrado Patnugot ng pahayagang La Solidaridad Madami nang naisulat na madalas ay kritisismo sa mga prayle at mga mapagmalabis na mga pinuno
  • Katapusang Hibik Ng Pilipinasni Andres Bonifacio
  • Sumikat na, Ina sa sinisilanganAng araw ng poot ng Katagalugan,Tatlong daang taong aming iningatansa dagat ng dusa ng karalitaan.Walang isinuway kaming iyong anaksa bagyong masasal ng dalitat hirap,Iisa ang puso nitong Pilipinasat ikaw ay di na Ina naming lahat.
  • Sa kapuwa Inay wala kang kaparisAng layaw ng anak: dalitat pasakit;pag nagpatirapang sa iyoy humibik,lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.Gapusing mahigpit ang mga Tagalog;hinain sa sikad, kulata at suntokmakinahit ibiting parang isang hayopito baga, Ina, ang iyong pag-irog?
  • Ipabilanggo mot sa dagat itaponbarilin, lasunin, nang kamiy malipol.sa aming Tagalog, ito bagay hatolInang mahabagin, sa lahat ng kampon.Aming tinitiis hanggang sa mamataybangkay nang mistulay ayaw pang tigilan,kaya kung ihulog sa mga libingan,linsad na ang butot lumuray ang laman.
  • Wala nang namamana itong Pilipinasna layaw sa Ina kundi pawang hiraptiis ay pasulong, patentey nagkalatrecargot impuwestoy nagsala-salabat.Sari-saring silo sa amiy inisipkasabay ng utos na tutuparing pilitmay sa alumbrado bayad kamiy tikiskahit isang ilaw ay walang masilip.
  • Ang lupa at buhay na tinatahananbukid at tubigang kalawak-lawakanat gayon din pati ng mga halamanansa paring Kastila ay binubuwisan.Bukod pa sa ritoy ang ibat-iba pahuwag nang saysayin, O Inang Espanyasunod kaming lahat hanggang may hiningaTagalog diy siyang minamasama pa.
  • Ikaw nga, O Inang pabayat sukabankamiy di na iyo saan man humangganihanda mo, Ina, ang paglilibingansa mawawakawak na maraming bangkay.Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabogang barilat kanyong katulad ay kulogang sigwang masasal sa dugong aagosng kanilang bala na magpapamook.
  • Di na kailangan sa Espanya ang awang mga Tagalog, O Inang kuhilaparaiso namin ang kamit mapuksalangit mo naman kung kamiy madusta.Paalam na Ina, itong Pilipinas,paalam na Ina, itong nasa hirap,paalam, paalam, Inang walang habag,paalam na ngayon, katapusang tawag.
  • Analisis Pinapakitadito na pagkatapos ng 300 taon ay sa wakas di na natiis ng Pilipinas ang mga pagpapahirap ng Inang Espanya Naghuhudyat din ng galit at poot dahil sa lahat ng mga kapabayaan ng Inang Espanya Ito’y magpapaalab ng damdamin ng mga Pilipino para sa kanilang bayan Naghuhudyat ng pagsiklab ng isang rebolusyon
  •  Di pa daw tapos ang tulang iyon ni Andres kaya’t sa Hibik ng Pilipinas (1932) ni Leandro A. Diazon kaya’t sa isang bersyon nito ay may idinagdag na pambungad:Kung tawagin ako’y Perlas ng dagat ng Silanganan,ngunit ako’y parang ibong nakapiit sa kulungan;kung sabihin ay sagana sa lahat ng kailangannguni’t salat sa paglayang pangarap ko habang araw;ang lupain ko’y malawak, sagana sa kayamanan,nguni’t ako’y suno lamang sa sarili kong tahanan.
  • Andres Bonifacio Isa sa mga pinuno ng Katipunan Ilan sa sinulat “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” Ang kanyang “Katapusang Hibik ng Pilipinas” ay epektibong nagpagising ng damdamin sa maraming Pilipino Inisulat ito ni Andres nang tapat sa kanyang damdaming tulad ng damdamin ng mga karaniwang Pilipinong tulad niya
  • Kabuuan Hibik ng Pilipinas sa Espanya  pinahayag ang mga abuso sa loob ng bansa Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas  Inilahad ang mga dapat pangako ng Espanya Katapusang Hibik ng Pilipinas  Pinapakita naman dito ang pagkaubos ng pasensya ng Pilipinas at ang pag-aalab ng damdamin nito para sa kalayaan