Sa dapitan

14,212 views
13,729 views

Published on

0 Comments
3 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
14,212
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
8
Actions
Shares
0
Downloads
228
Comments
0
Likes
3
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Sa dapitan

  1. 1. Ang Dapitan Ang Dapitan ay isa sa dalawang lungsod ng lalawigan ng Zamboanga del Norte.Ang Lungsod Dapitan ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng isla ng Mindanao, nasa kanluran nito ang bayan ng Sibutal at bayan ng Rizal, ang bayan ng Mutia at La Libertad sa timog, at ang Lungsod Dipolog, bayan ng Polanco, at lahat ng lalawigan ng Zamboanga del Norte sa kanlurang bahagi. Bakit Itinapon sa Dapitan Sa Lungsod Dapitan ipinatapon ng pamahalaang kolonyal na Espanyol si Jose Rizal upang pigilin ang lumalakas noong paghihimagsik ng mga Filipino laban sa mga awtoridad. Nagsimula ang lahat ng ito noong Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at dala niya ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento. Noong Setyembre 21, 1891 – bumili siya ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan. Inakit din ng mga prayle si Rizal na maging bahagi ng simbahan ngunit ito ay hindi nagging matagumpay. Nakapagpatayo siya ng bahay sa Talisay at doon ay tumanggap rin siya ng mga panauhin at nakasama pa niya ang kanyang mga kapamilya. Minsan din ay isinangkot pa siya sa isang malaking kaso na kagagawan din ng mga prayle. Mga Bagay na Ginawa sa Dapitan Upang matulungan ang mga mamamayan ng Dapitan, si Rizal ay maraming ginanwang pagkakawanggawa. Nagtrabaho siya sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot. Itinayo rin ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon ng malinis na tubig sa bawat bahay doon. May mga proyektong pangkomunidad din siya sa Dapitan: a)Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria b) Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan c) Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika at mga gawaing industriyal at iba pa. Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan ay naramdaman din ng mga mamamayan doon. Pinasok niya ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi. At natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.
  2. 2. Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang (1) Paghihiganti ng Ina: (2) ang ulo ni Padre Guericco; (3) estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan. Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya. Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon , mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod;a)sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy b) makina sa paggawa ng bricks SARILING KONKLUSYON Ayon sa aking mga nabasa habang ginagawa ko ang proyektong ito, napakaganda ng naging b uhay n gating bayani noong siya ay nasa Dapitan. Akala ko kasi noon, si Rizal ay nakabilanggo sa Dapitan at binabantayan ng mga sundalong espanyol. Ito pala ay walang katotohanan. Nakapamuhay siya ng normal kahit paminsan-minsan ay ginugulo siya ng mga prayle. Malakas ang kanyang loob at ubod siya ng talino. Siya pala ay isang imbentor at hindi lang isang normal na doctor. Nagagawa niyang manggamot ng libre at pinupuntahan pa siya ng mga maysakit kahit pa galing sa ibang bansa. Bago ko nabasa ito, wala akong gaanong bilib kay Rizal at mas gusto ko si Bonifacio sana na maging pambansang bayani. Napakarami niyang nagawa para sa mga Pilipino, mayayaman man at mahihirap. Ako ay salud sa kanyanat sana ay maging modelo siya ng lahat ng mga Pilipino kasama na ako doon.
  3. 3. JOSE RIZAL BILANG MAMAMAYAN

×