2athenaRPTgroup2
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

2athenaRPTgroup2

on

  • 17,923 views

 

Statistics

Views

Total Views
17,923
Views on SlideShare
17,921
Embed Views
2

Actions

Likes
5
Downloads
413
Comments
3

1 Embed 2

https://www.facebook.com 2

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

2athenaRPTgroup2 2athenaRPTgroup2 Presentation Transcript

  • PROYEKTO SAARALING PANLIPUNAN PANGKAT 2 IKATLONG MARKAHANG PROYEKTO
  • Topic :IMPERYALISMO ATKOLONYALISMO
  • UNANG YUGTO NGIMPERYALISMONG KANLURANIN
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin MGA UNANG RUTA NG KALAKALAN  Tatlong Ruta o daan: 1. Hilagang Ruta- mula Peking(Beijing), papuntang disyerto ng Gitnang Asya, dumaraan sa mga lungsod ng Samarkand at Bokhara, tinatawid ang Caspian Sea at ang Black Sea, at nagtatapos sa lungsod ng Constantinople. 2. Panggitnang Ruta- mula sa India, ang mga kalakal ay dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang sa Ormuz sa Persian Gulf. Bumabiyahe patungo sa mga lungsod ng Antioch, Aleppo, at Damascus. 3. Timog na Ruta- mula sa India babagtasin ang Indian Ocean, babaybayin ang Arabia tuloy sa Red Sea hanggang sa Cairo at Alexandria sa Egypt.
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin LIMITADONG KAALAMAN NG MGA KANLURANIN TUNGKOL SA ASYA  Kaunti lamang ang alam ng mga kanluranin tungkol sa mga lugar na may produktong kinasasabikan nila.  Ilan sa mga Akda tungkol sa Asya: 1.Krusada o Crusades (1096-1273)  Serye ng kampanya ng mga Kristianong Kabalyero na ang layunin ay bawian ang Jerusalem mula sa Muslim. 2.Ang Paglalakbay ni Marco Polo o The Travels of Marco Polo  Tinawid niya ang Gitnang asya hanggang China. Nanirahan at naging tagapayo ng Emperador ng Dinastiyang Yuan.  Isinulat niya ang aklat na ito at sa tulong na ito maraming nabatid ang kanluranin mula tungkol sa Asya.
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranino PAGSASARA NG MGA RUTANG PANGKALAKALAN Ang tatlong rutang naguuganay sa Asya at Kanluranin ay laging bukas sa kalakalan.  Noong ika-14 hanggang ika-15 siglo, sinalakay ang Silangang Rehiyon ng Mediterranean Sea ng mga Seljuk Turk. Sa pagtatagumpay na ito, sila ay nabigyan ng kapangyarihan sa mga rutang pangkalakalan sa Asya.o MONOPLYO NG ITALIAN  Ang mga lungsod estado ng Venice, Genoa, at Florence sa Italy, ang pinayagan ng mga Seljuk Turk na mamili sa daungan nila.  Kapakipakinabang sa mga Italian ang pamamalakad na ito, dinadala nila ang mga kalakal ng Asya sa Kanlurang Europa at ipinagbibili sa mataas na halga dahil kinasasabikan nila ito, isa na dito ang rekado na mahalaga na pampalasa sa pagkain, gamot at pampreserba.
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin PAGHAHANAP NG BAGONG RUTA  Dahil hindi sang-ayon ang mga Kanlurang Europa na bumili na mataas na presyo ng mga Italian at upang sirain ang monoployo ng Italian, sila ay naghanap ng bagong ruta patungong India at china upang maiwasan na din ang dating ruta na noon ay sakop ng mga Seljuk Turk. MGA PAGBABAGO SA PAGLALAYAG  Mula ika -12 na siglo, mas malalaki na ang mga barko sa paglalayag at may mga bagong tuklas na instrumento, ito ay ang compass at astrolabe kaya mas higit na madaliang paghahanap ng bagong ruta.  Compass- kagamitan na malalaman kung saan patungo ang barko.  Astrolabe- gingamit upang malaman ang latitude ng barko pahilaga o patimog mula sa equator.
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin PANAHON NG PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS  Panahon ng Pagtuklas (1450-1650)  Pinasigla ng paghahanap ng mga bagong ruta patungong Asya, maraming bagong lupain ang ang natuklasan ng Kanluranin sa kauna-unahang pagkakataon.  Higit na naging mahalaga ang mga lupaing ito kasya sa mga ruta na siyang unang layunin ng mga Kanluranin. MGA BAGONG RUTA PATUNGONG ASYA  Sa pangunguna ni Prisipe Henry, nagalugad ang mga baybayin ng Africa.  Natuklasan ang mga pulo ng Azores, Canary, at Cape Verde.  Bartolomeu Diaz (1488)- narating niya ang dulo ng Africa, na tinawag ng hari ng Portugal na, “Cape of Good Hope”, pangalan na pinapahiwatig ng matas na pag-asa na makakamit nila ng kanilang layunin.  Vasco de Gama(1498)- natagpuan niya ang bagong ruta patungong Asya. Narating niya ang Calicut sa kanlurang India.
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin• MERKANTILISMO Noong ika-16 siglo , ang mga bansa sa Europa ay naniniwala sa prinsipyong pang-ekonomiya na maaaring maging instrumento upang mapataas ang pambansang kapangyarihan na kung tawagin ay merkantilismo. Ang Merkantilismo ay ang kabuuang dami ng ginto’t pilak sa isang bansa . Dalawang silbi ng kolonya sa bansa:1. Una , ang pinagkukunan ng hilaw na sangkap o materyales .2. Ikalawa , ang mga taga-bili ng produkto. Nais ding palawigin ng mga Spain at Portugal ang kristiyanismo sa mga kolonya nito .
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin• MGA SAKOP NG PORTUGAL Ang mga bansang napili ng Portugal sa Asya ay ang Hormuz sa Persian Gulf, Aden sa Red Sea, Cochin at Goa sa India, Malacca sa Malaya , Ternate sa Moluccas, at Macao sa China . Karaniwan sa mga sinakop ng mga Portugal ay ang mga daungan upang makontrol ang daanan ng kalakalan. Dalawang taong nanguna sa pamumuno sa piling lugar :1. Fransisco de Almeida – ang viceroy ng Portugal.2. Alfonso de Albuquerque – ang nagtalaga sa Goa bilang kapitolyo ng imperyo ng Portugal sa Asya . Noong 1580 nasakop ng Spain ang Portugal at nanatili na lupang- sakop ng Spain ang Portugal ng 60 taon. At naglaho ang imperyo ng portugal . Noong 1640 ay nakamit ng Portugal ang kalayaan ngunit ang mga nasakop nitong mga bansa ay nasakop na rin sila tulad ng Netherlands at England.
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin MGA SAKOP NG SPAIN Matagumpay na nakamit ni Ferdinand Magellan ang paggalugad sa mga bagong ruta sa asya . Naglayag siya pakanluran upang makarating ng Silangan . Tinawid ang Atlantic Ocean, binaybay ang South America.Natagpuan niya ang dulo ng South America at tinawid ang Pacific Ocean. Noong 1521 narating ni Magellan ang Pilipinas . Kasalungat naman ng natagpuang ruta na natuklasan ni Magellan ang rutang dinaanan ni Vasco da Gama. Ang ibang kapuluan ay kanyang inangkin para sa Spain, ngunit hindi siya nakapagtatag ng pamayanan sa pilipinas. Noong 1565, pormal na sinakop ng Spain ang Pilipinas sa pangunguna ni Miguel Lopez de Legazpi . Sa pagtatapos ng ika-16 siglo, ang soberanya ng Spain ay napalawig sa buong pilipinas .
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin MGA SAKOP NG NETHERLANDS Noong ika-17 siglo nagsimula ang pakikipagsapalaran ng Netherlands. Naantala ang Netherlands dahil sa pakikibaka nila upang makalaya sa mga kamay ng Spain. Nakamit ng Netherlands ang kalayaan noong 1648. Binuo ng Netherlands ang Dutch East India Company upang maging unang hakbang para makasakop ng lupain . Dutch East India Company - isang kompanya ng mga namumuhunan na binuo upang mapalawig ang kalakalan sa pamamagitang ng pagsakop sa mga lupain . Sinimulan ng Netherlands ang pagkakaroon ng sakop na lupain sa Asya. Pakay ng mga Neterlands na sakupin ang molluccas. Noong 1619, itinatag nila ang Batavia (Jakarta) sa Java bilang sentro ng kanilang imperyo . Noong 1635, sinakop nila ang Formosa. Naagaw nila ang Malacca sa Portugese . Ang pagkakuha ng Netherlands sa Malacca ang nagbigay kapangyarihan sa komersyo sa Timog Silangang Asya .
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin MGA SAKOP NG ENGLAND Nagsimula ang pagsakop ng mga lupain ng mga England ng itatag ang English East India Company noong 1600. Ang pakay ng mga ito ang ay magtatag ng ugnayang pangkalakalan sa Sumatra, Moluccas, at Java. Ngunit hindi pinahintulutan ng Dutch na manatili sila sa mga lugar na iyon kaya nilisan ng mga English ang Moluccas matapos ang Amboina Massacre. Sa India, matagumpay na nagkaroong ng mga sakop na lupain ang England . Ang pamayanang pangkalakalan na itinatag ng English sa India ay ang Surat (Kanlurang Baybayin).Sinundan ang Surat ng Bombay, Madras at Calcutta . At nakapagtatag ng palagiang pamayanan ng pangkalakalan.
  • Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin MGA SAKOP NG FRANCE Katulad ng ginawa ng mga English, tinangka ring magkaroon ng sakop ng France sa India at nagtatag rin ng French East India Company noong 1664. At nakapagtatag ang mga French sa India tulad ng Chandarnagore, Mahe at Karikal .• PAG-AAKIN NG INDIA Naging magkaagaw ang France at England sa India. Noong 1756, napahayag ng digmaan ang hari ng Bengal laban sa English. Pumanig sa kanya ang French. Isang makapangyarihang hukbo ang ipinadala sa Madras sa pamumuno ni Robert Clive upang mapalaya ang Calcutta. Tinalo ni Clive ang Laban ng Plassey ang hukbo ng hari ng Bengal . Hinangad ng France na magibabaw sa India, ngunit napasailalim ang India sa England.
  • IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin INDUSTRIYALISASYON Nagsimula sa panahon ng Industriyalisasyon ang pangangailangan ng hilaw na materyales o sangkap tulad ng mga produktong :• Mineral (langis at uling)• Agrikultural (kape, asukal, bulak, tsaa, at tabako)• Gubat (teak at goma) Ang mga produktong ito ay matatagpuan sa asya. Merkantilismo ang namayani sa unang yugto ng imperyalismo, sa ikalawang yugto ay Kapitalismo ang naging prinsipyong pang- ekonomiya. Ang paghahanap ng mga bagong pagkukunan ng mga hilaw na sangkap ang naging tunggalian ng mga Kanluranin.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin PAMUMUHUNAN Itinuring ng mga Kanluranin ang bansang Asyano na mapagkukunan ng pakinabang o tubo sa panahon ng kapitalismo. Marami sa kanila ang may labis na kapital, kaya naakit sila sa posibilidad na mapalago ang kanilang pera sa pamamagitan ng pagkakagay ng kapital sa mga pataniman at minahan na sagana ang Asya.• WHITE MAN’S BURDEN Naniniwala ang mga Kanluranin na mas nakahihigit ang kabihasnan nila kaysa sa mga Asyano. Sa palagay nila ay kailangan nilang turuan ang mga asyano , ang mga pari, manggagamot, guro, at tagapangasiwa ay nagtungo sa asya upang tuparin ang tungkuling tinawag na “white man’s burden” . Ito ay ang pagbibigay-katwiran ng mga Kanluranin sa ginawa nilang pananakop sa Asyano .
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA INDIA Noong 1784, sinubaybayan ng England ang pamamahala sa India ng Engish East India Company. Ang opisyal nito ay ang umuupong gobernador heneral ngunit ang pamahalaan ng England ang pumipili sa kanya.• ANG REBELYONG SEPOY (1857) Noong 1857 nag-alsa ang mga sundalong Indian o Sepoy. Dahil sa mga balita na ang bagong cartridge ay ipinagagamit sa kanila ay nilangisan ng mantika mula sa hayop. Tutol dito ang Hindu at Muslim dahil bawal sa kanila ang baka at baboy. Matindi rin ang hinaing ng Sepoy sa English dahil sa diskriminasyon ng lahi o racism . Tumindi ang paghihimagsik sa pamumuno ng mga pinuno ng India. Nakuhang muli ng English ang Delhi mula sa pagkakabawi nito sa kanila ng Indian. Ang pagkabigo ng rebelyon ay ang ginamit na dahilan para tuluyang sirain ang English East India Company. Noong 1858,nabuwag ang English East India Company. Isang viceroy ang hiniang upang mamahala sa India sa ngalan nghari ng England
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin• TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA BURMA Ninais na noon pa ng England na msakop ang Burma (Myanmar). Dahil ito ang inaasahan nilang magtatanggol sa kanila sa mga nakasakop sa India. Sa ika-19 siglo, Ang England ay ipinasailalim sa hari ng Burma sa isang mapagsilbing ugnayan o dependent relations, tulad ng ginawa nito sa mga hari sa India.• DIGMAANG ANGLO-BURMESE Ang paglusob ng Burma sa estado ng Assam, Arakan, at Manipur ang naging sanhi ng Unang Digmaang Anglo-Burmese (1824-1826) Ngunit natalo ang Burma dahil sa natamong pinsala at sa malakas na pwersa ng Arakan at Tenasserim. Ng sila ay mtalo, sapilitan silang pinapirma sa kasunduan ng England na Kasunduang Yandabo (Treaty of Yandabo). Pumayag itong magbigay ng bayad-pinsala at tinanggap ang British Resident. Nasundan ito ng Ikalawang at Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese, nabigo parin ang Burma na panatilihin ang kanilang kalayaan. Dahil sa sunod sunod na pagkatalo, ginawa na lamang ng England ang Burma na isang lalawigan ang India.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA SINGAPORE Dahil sakop ng dutch ang India, hindi pinahintulutan ng Dutch na makipagkalakalan ang England sa Indonesia maliban sa Batavia, Upang mapanatili ang monopolyo ng kalakalan sa lugar.• PAGTATATAG NG SINGAPORE Thomas Stamford Raffles- gobernador ng isang hipilan sa Sumatra. Iminungkahi niya ang pagtatag ng isang daungan sa timog ng Malaya. Ang Singapore ang napiling lugar ni Raffles, dahil sa estratehikong lokasyon nito. At dahil narin sa matatagpuan ito sa timog na dulo ng Malaya, at madali itong maipagtatanggol ang daungan.• TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA MALAYA Noong ika-19 siglo, umiwas sa anunmang pakikialam ang England sa Malaya na ang kahihinatnan ay ang pagtatag ng pulitikal na pamamahala. Dahil malayang nakakalahok ang mga mangangalakal ng England kaya sapat na sa kanila ang ganong kalakalan.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin STRAITS SETTLEMENTS Noong 1826, ang sakop na lupain ng England sa Malaya ay may tatlong daungan na matatagpuan sa Straits of Malacca. Ang Penang, Singapore, at Malacca ay pinagsama-sama at tinawag na Straits Settlemets. Ang tatlong daungan na ito ay ang naging sentro ng distribusyon ng mga produkto ng England at India, na humikayat sa iba pang mangangalakal na tumungo rito mula sa ibang bahagi ng Timog Silangang Asya.• RESIDENT SYSTEM Pinangangambahan ng Malaya na kapag hindi na nakialam ang England sa pagsubaybay sa kanilang pamahalaan ay hindi na maipagtatanggol ang kanilang karapatan, at makikialam na naman ang ibang bansa sa Kanluran, tulad ng Germany. Dahil dito binuo ang Resident System. Sa ilalim ng sistemang ito ay tutuparin ang sultan at Resident.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Federated Malay States  Apat na estado sa Malaya ang pumayag tumanggap ng Resident.  Perak, Selangor, Pahang, Negri Sembilan  Federated Malay States- pinagsama-sama ng apat na estado na pinamumunuan ng isang Resident-General na nakatira sa Kuala Lumpur. Unfederated Malay States  Noong 18,binuo ng apat na karagdagang estado ang Unfederated Malay States :  Kedah  Perlis  Kelantan  Trengganu
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin UNANG DIGMAANG OPYO  Noong 1839 nagsimula ang digmaan ng China at England. Sanhi ng digmaan ay ang ginagawang pagsira ng mga opisyal ng adwana ng Canton sa opyo na nais ipagbili ng mga English. Naging mahalaga ang opyo para sa mga Tsino na imporatanteng sangkap ng medisina na kalaunan ay maraming nalulong dito.  Tumagal ang digmaan ng 3 taon.Natalo ang China sa kawalan ng hukbong pandagat.  Treaty of Nanking(Kasunduang Nanking)-Agosto 29, 1842  Pumayag ang China na magbukas ng limang daungan para sa kalakalan ng mga Kanluranin  Isalin ang pamamahala ng Hong Kong sa England.  Magbigay bayad-pinsala para sa opyo na nasira ng mga opisyal ng adwana  Pairalin ang isang katamtaman na buwis sa mga kalakal ng mga Kanluranin.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Ikalawang Digmaang Opyo  Muling sumiklab ang ang digmaang China at England noong 1856.  Sanhi ng digmaan ay ang pagpigil ng mga opisyal ng adwana sa isang barkong nangangalakal ng opyo.  Sumali ang mga Frances sa digmaan dahil sa pagtrato ng mga Tsino sa misyonerong French. Pinilit nilang palayasin ang emperador at sinunog ang magandang palasyo. Ang Kasunduang Tianjin  Kasunduang Tianjin- pumayag ang China na magbukas ng 11 karagdagang daungan para sa mga kanluranin, gaing legal ang opyo, tumanggap ng mga diplomatikong Kanluranin, ipagtanggol ang mga misyonerong Kristyano, at bigyan ng pribilehiyong extraterritorry.  Extraterritorry-pagpapairal sa batas ng dayuhang bansa sa hurisdiksyon ng isang bansa
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Paghahati ng China sa mga Spheres of Influence  Digmaang Opyo- isa sa mga kinahinatnan ay ang pagkawala ng kapangyarihan ng China sa mga lugar sa kanyang paligid kabilang sa mga kinuha ng mga French ay ang IndoChina at ng British ay ang Burma.  Treaty of Shimonoseki- inilipat sa Japan ang lahat ng karapatan ng China sa Korea, Formosa, at mga Pulo ng Pescadores.  Isa-isang nagtayo ang mga kanluranin ng kanilang Spheres of infuence sa China.  Sphere of Influence- ang isang bansang Kanluranin ay may karapatan sa mga lupain kung tawagin ay concesssion.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin  Concession- ang bansang Kanluranin ay nakatatamasa ang extraterritoriality.  Ang sphere of influence ng Britain ay sa lambak ng Yangtze River, ang Germany ay sa Shantung at ang French ay sa Timog.  Open Door- papayagan ng mga bansang may sphere of influence ang mga mangangalakal ng ibang bansa na makipagkalakalan sa pantay na katayuan. Maraming sumang-ayon sa patakarang ito at nakatulong na mapantili ng China ang kanilang teritoryo. Tagumpay ng Imperyalismo sa East Indies  Umiwas ang mga Dutch sa direksyong pamamahala sa Esat Indies hanggang sa kalagitnaan ng 18 siglo.  Mas pinili nilang pumasok sa mga kasunduan kung saan ang mga lupaing nasakop nila ay ipinamamahala na lamang sa mga katutubong pinuno kapalit ng pangakong ay sa mga Dutch mapupunta.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Tagumpay ng Imperyalismo sa Pilipinas  Dahil sa mahigit na 300 taon na pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas,ilan sa mga patakaran nila ay ang pagbabayad ng mabigat na buwis, pagpapatupad ng sapilitang paggawa at diskriminasyon.  Maraming rebelyon ang ipinadama ng Pilipinas sa Spain, ngunit ang ganitong pagkilos ay madaling nasupil ng mga Espanyol.  Sa pagtatapos ng pananakop ng Spain ay pumasok ang higit na malakas na bansa, ang United States. Sinakop ang Pilipinas sa kabila ng pagtutol ng nanghihimagsik na mga Pilipino.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Ang Culture System  19 siglo- humina ang katayuang pananalapi ng Netherlands dulot ng Digmaang Napoleon(Napolenic Wars) sa Europa.  Johannes van den Bosch- nagmukahi tugkol sa produksyon ng mga pananim na maaring ipagbili sa pandaigdigang pamilihan na tinawag na culture system o cultivation system. Sa ilalim nito, kailangang ilaan ng bawat isang magsasaka ang sanlimang saklaw ng kanyang bukid. Ang pagluluwas ay pamamahalaan ng mga Dutch at ipagbibili sa Netherlands. Masahol ang dinanas ng mga Indonesian sa pagtatanim sa ilalim ng sistemang ito.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Tagumpay ng Imperyalismo sa Indochina  Ang orihinal na dahilan ng panghihimasok ng France sa Vietnam ay ang pagpapalaganap ng Katolisismo. Pagsakop ng Cochin sa China  Ginamit ng pamahalaan ni Emperador napoleon III ang mga ulat ng pangaapi ng mga Katoliko sa Vietnam bilang pagkakataon upang makialam at kumuha ng lupain sa timog Vietnam.  1862- pumirma ng kasunduan ang emperador ng Vietnam kung saan inilipat sa France ang tatlong lalawigan na kung tawagin ay Cochin China. Pumayag din magbukas ng daungan na gagamitin ng mga mangangalakal na french, magbigay ng bayad-pinsala at bigyan ng France na maglayag sa Mekong River.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Protektorado sa Vietnam  1882- isang misyong pangmilitar ng France ang nagpunta sa hanoi. Marring tinutulan ng China ang panghihimasok ng France ngunit madaling nagapi ito ng mga French.  1884- pumayag ang china na ilagay ang Vietnam sa ilalim ng proteksyon ng France. Protektorado sa Cambodia  Kasabay ng pagsakop ng Cochin China noong 1862, ipinagbunyi ng France ang kanyang pagiging makapangyarihan sa Cambodia. Nagmungkahi ang France na gawing protektorado ang Cambodia at wala ng nagawa ang Cambodia dito.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Protektorado ng Laos  Ginamit ng mga French ang pagpapatalsik sa dalawang kababayan sa Siam bilang dahilan upang humingi ng bayad- pinsala. Hiniling ng mga French nag buong kaliwang pampang ng mekong River, lugar na kinatatayuan ng Laos. Sa harap na pagsasara na ginawa ng French sa daloy ng mga barko sa Menam River wlang nagawa ang Siam at isinuko ang Laos. Kasunduang Kanagawa  Sumang-ayon na rin ang Japan na lumagda sa Kasunduang Kanagawa(Traety of Kanagawa) sa pagitan nila ng Estados Unidos noong 1854. Sa ilalim ng kasunduang ito, pumayag ang Japan na magbukas ng dalawang daungan, Shimoda at Hakodate, at magpakita ng mabuting pakikitungo sa mga nasisiraan ng barko.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Tagumpay ng Imperyalismo sa Japan  Kakaiba ang naging reaksiyon ng Japan sa China nang manghimasok ang mga Kanluranin. Noong ika-19 siglo, madalas maglayag sa hilagang Pacific Ocean ang mga barko ng United States. Dahil sa haba ng kanilang mga paglalayag, kailangan nila ang mga lugar kung saan maaaring tumigil ang kanilang mga barko upang kumuha ng pagkain, tubig, at fuel. • Si Commodore Matthew Perry • Ipinadala ni President Millard Fillmore(United States), sa Japan noong 1853. Ang pakay niya ay hilingin sa Japan ang pagbubukas ng kanilang bansa sa kalakalan ng mga ng mga banyaga. Bumalik si Perry nang sumunod na taon upang magdala ng ragalo sa pinuno ng Japan, tulad ng aklat, baril at iba pa.
  • MGA EPEKTO NGIMPERYALISMO AT KOLONYALISMO SA ASYA
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya Unang Yugto ng Kolonyalismo  Ang Timog at Timog Silangang Asya ang unang nakaranas ng Kolonyalismo sa Asya sa ilalim ng Portuguese at Espanyol. Tumungo ang mga Kanluranin sa lugar na ito dahil sagana ito sa rekado. Mga Epekto ng Pananakop ng mga Portuguese  Ang Timog Asya ang unang narating ng mga Portuguese. Noong 1510, ang Goa ang unang nasakop ng Portuguese, na nang lumaon ay naging isang malaking lungsod. Sinakop din ang Mallaca upang maging ganap na monoployo ng mga Portuguese ang kalakalan sa pampalasa. Sinukap din nilang mapahinuhod ang mga Moluccas upang mapasakamay nila ang kinikilalang pangunahing pinagmumulan ng pampalasa.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya  Maging sa China ay nagpadala ng ekspidisyon ang mga Portuguese. Narating nila ang Macao, malapit sa daungan ng Canton at nagtatag dito ng isang daungang pangkalakalan. Ikinalat din nila ang Katolisismo na naging bunga ng alitan sa mga Hindu o Muslim. Ang alitang ito ay humantong sa pagpatay ng lokal sa populasyon. Isa din sa patakaran nila ay pagkakasundo sa lalaking Poruguese at babaeng Hindu.  Upang maging ganap na monoployo ng kalakalan, mahigpit nilang binantayan ang Indian Ocean. Lahat ng produkto na kinakalakal ay kailangang may permiso. Ang negatibong epekto nito ay pagtataboy o displacement sa mga dati ng nangangalakal.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya Mga Epekto ng Pananakop ng Espanyol sa Pilipinas  Ginawang sentro ang Maynila bilang entrepot.  Dalawang uri ng lamang sa pamayanan: 1. Nakahilera sa anyong tubig 2. Nakapulutong sa mga kagubatan  Maghatid ng “sibilisasyon”sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga lungsod at ipakilala ang Kanluraning Katolisismo.  Ipinatupad ang “reduccion”- ang pagtitipon ng mga tao sa isang lugar na pinili ng mga prayle upang doon sila gawarang ng edukasyong ispiritwal.  Nakapaloob sa gawain na ito na dapat silang panatilihin sa ilalim ng kampana(bajo las campana).
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya  Pagtatatag ng “pueblo” na katumbas ng bayan sa wikang Espanyol.  Makikita dito ang direktang impormasyon ng pilosopiyang Kanluranin.  Nakabatay ang layout ng mga kalye sa cuadricula at nakaayos sa loob ng plaza complex.  Mahalagang bahagi ng Plaza Complex  Plaza Mayor- nakalaang bukas na espasyo  Simbahan at kumbento  Casa Tribunal- sentro ng kapangyarihang lokal  Kabahayan sa Elite o uring principalia
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya  Bagong pamumuhay ng mamamayan sa paglikha ng mga pueblo  Nalayo ang mga tao sa kanilnang pinagkukunan ng pagkain  Lumipat na ang sentro ng ng pang araw-araw na pamumuhay at libangan patungo sa loob ng pueblo  Dito din nagaganap ang proseso ng alkulturasyon  Ito ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang lipunan ay nakatanggap ng elemento, katangian o impluwensiya ng kultura ng isa pang lipunan.  Nagwakas ang masiglang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas sa Asya.  Ipinatupad ang kalakalang galyon  Epekto nito ay ang subsistence farming  Sapilitang pag gawa
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya Mga Epekto ng Pananakop ng mga Dutch sa Moluccas 1. Nang tuluyang lumaya ang Netherlands sa kamay ng Spain, Sinikap nilang maging makapangyarihang mangangalakal na hahalili sa mga Portugues sa pananaig ng Asya-Europa. Malaki ang pagtatagumpay ng mga Dutch sa pagnenegosyo Kaysa misyonaryo. 2. Hindi naging interesado ang mga Dutch na Direktang pamunuan ang kanilang kolonya , dahil ginamit lamang ang lokal na pinuno na syang naguutos na magtanim ng mga rekado at binigyang karapatan pa nito ang mangulekta ng na buwis . 3. Naging mahigpit ang kalakalan at pagtatanim, ang produksyon ay palaging tama lang, hindi n a pinahihintulutan na sumubra upang ang suplay ay hindi na magbagsak-presyo. At ang pampalasa ay tanging ibinibenta lamang sa DUTCH EAST INDIA COMPANY(DEIC). Labis na naapektuhan ang kalakalan dahil di naatupag ang pagtatanim ng produktong pangangalakal. 4. Mga Hamon kinaharap ng mga Dutch ay:  1620 , 36 na kababaihan ang ipinadala sa Asya upang magtatag ng pamayanang Dutch, nang lumaon, itoy hindi nagtagumpay  1652 , ipinatigil ang imigrasyon at tanging lalaking DEIC na lamang, isang kondisyon ang dapat tuparin at iyon ang: maging Kristiano ang mga babaeng Asyano at ang anak nito.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO  Ang Rebolusyong Industriyalna naganap sa England noong ika-18 siglo ay nagbigay-daan sa pag-igting ng kapitalismo. Ang dating industriya na yaring-kamay ay napalitan ng mekanisadong produksyon na bunga ng paggamit ng mga makinarya sa pabrika. Ang Engalnd, France, United States at Russia ay nagunahan upang magparami ng kani-kanilang mga kolonya.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya MGA EPEKTO NG PANANAKOPNG ENGLISH SA INDIA  Naging isang malakas na bansa ang England sa ilalim ng pamumuno ni Elizabeth I. Itinatag ang English East India Company(EEIC) at ginawaran ng karapatang makipagkalakalan sa malayong teritoryo.  Natalo ng mga English ang mga Portuguese at ang mga French kung kaya nilang pasukin ang India. Tatlo ang pinakamahalagang daungan ng mga English sa India: Madras, Calcutta, at Bombay.  Ang mga magsasakang Indian ay sapilitang pinagtanim ng opyo at malaki ang kinita nila sa kalakalan ng opyo.  Unti-unting nagpalaganap ng isang sistema ng edukasyon na nakabatay sa pamantayang English na nagbigay daan sa proseso ng akulturasyon ng mga Indian. Sa unibersidad na itinayo ng mga English ang naging daan upang magkaroon ng mga gradweyt na may impluwensiyang English at manatiling tapat sa England.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya  English ang wika na kanilang ginagamit sa mga pamntasa at hukuman. Bahagi rin ng “pagsisibilisa” sa mga Indian ang pakikialam sa mga taal na kaugaliang Indian. Halimbawa ang pagbabawal sa sati o sutee at ang batas na nagpapahintulot na muling makakapagasawa ang mga balo.  Naging prayoridad ang mga linya ng transportasyon at komunikasyon tulad ng pagpapagawa ng riles ng tren na nagbigay daan sa komersyalisasyon ng agrikultura. Napadali ang pagluwas ng mga produkto at direktang inululan ang mga hilaw na materyales sa England. Muli ding binalik ang yaring produkto ng India na ibinibenta sa murang halaga, dahil dito labis na naapektuhan ang industriya ng India.  Ipinakilala ang telegraph na nagkaroon ng ugnayan ang India at Europa noong 1865.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya  Naging prayoridad ang mga linya ng transportasyon at komunikasyon tulad ng pagpapagawa ng riles ng tren na nagbigay daan sa komersyalisasyon ng agrikultura. Napadali ang pagluwas ng mga produkto at direktang inululan ang mga hilaw na materyales sa England. Muli ding binalik ang yaring produkto ng India na ibinibenta sa murang halaga, dahil dito labis na naapektuhan ang industriya ng India.  Ipinakilala ang telegraph na nagkaroon ng ugnayan ang India at Europa noong 1865.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya EPEKTO NG IMPERYALISMO SA CHINA 1. Sa pagnanais ng China na pigilan ang kalakalan ng opyo nagkaroon ng dalawang Digmaang Opyo. 2. Nang maganap ang Digmaang Opyo, nakakita ng pagkakataon ang United States na pwersahin ang hina na magbukas ng mga karagdagang daungan para sa mangangalakal na amerikano. 3. Napilitang makipagkasundo ang China sa Kasunduan ng Wanghsia(Treaty of Wanghsia) na nagpapahintulot na dumaong ang barkong pandigma ng mga Amerikano sa alinmang daungan at ang pagbibigay ng karapatang magtatag ng mga simbhan sa ilang lalawigan ng China.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya 4. Maging ang France ay sapilitang pinalagda ng Kasunduan ng Whampoa(Treaty of Whampoa, Oktubre 1844) na nasasaad nag pagpayag na magpadala ng misyenerong French sa malalayong lalawigan ng China na labis na naging makapangyarihan sa timog China. 5. Sa papamagitan ng Kasunduan ng Peking(1860) malaking bahagi ng Manchuria ang napasakamay ng pamahalaang China. 6. Sa pagkatalo ng China sa digmaan, naging dahilan ito upang mahati ito sa Spheres of Influence. 7. Napilitang lumagda ang China sa Unequal Treaties. 8. Dumagsa din ang mga misyonero kasabay ng paglaganap ng Katolisismo. 9. Nawalan din ng hurisdiksyon ang mga Tsino sa mga dayuhan na gumagawa ng krimen o katiwalian sa bansa.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya PAGSIDHI NG IMPERYALISMO SA TIMOG SILANGANG ASYA AT NAGING EPEKTO NITO  1824- nagkasundo ang English at Dutch na paghatian ang kapuluang Timog Silangang Asya.  1858- inukopa ng mga French ang Saigon sa Vietnam upang gamiting itong daungan.  Nahati ang buong Timog Silangang Asya maliban sa Thailand(Siam) at nagbago din ang anyo ng kanilang rehiyon.  Nagkaroon ng ng permanenteng hangganan ang bawat bansa at umusbong din ang mga kolonyal na lungsod tulad ng Maynila.  Natali ang mga lokal na ekonomiya at ang etniko ng mga taga-Timog Silangang Asya.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya ANG MGA EUROPEO SA KANLURANG ASYA Ang kanlurang Asya ang pinakahuling rehiyon ng bumagsak sa kamay ng mga Europeo.Dahil sa unti-uniting paghina ng Islam na dati ay malakas, naagaw ng mga Russian ang ilan sa kanilang mahahalagang teritoryo. Sunod-sunid ang pagkatalo ng mga Muslim mula sa kamay ng mga english at French. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig(1918), bumagsak na ang Imperyong Ottoman. Sumailalaim ang Kanlurang Asya sa mga Kanluranin. Ipinairal sa rehiyon ang mandate system na isang konsepto ng imperial trusteeship. Nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda sa pagsasarili at pagiging makaya ay kailangang sumailalim muna sa patnubay ng Europeo.
  • Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya Makabagong Anyo ng Imperyalismong Kanluranin  Bagamat lumaya ang mga Asyano mula sa pagsakop ng mga Kanluranin, naisakatuparan din ang panghihimasok sa maraming bansa sa Asya sa pamagitan ng neokolonyalismo o makabagong anyo ng kolonyalismo.  Tahasang sinakop ng mga Kanluranin amg mga Asyano sa pamamagitan ng pwersang militar. Sa pagkakaloob ng tulong pinansiyal at militar ng mga Kanluranin sa maraming bansa sa Asya, naimpluwensyahan nila ang mga patakaran at pamamlakad dito.  Nilusob ng mga Amerikano at mga kaalyadong bansa si Saddam Hussein at maprotektahan ang interes nila, partikular na sa langis.  Nilusob din nila ang Afghanistan upang pabagsakin ang mga Taliban na namumuno. Ginamit ng mga Kanluranin ang katwiran na dapat labanan ang terorismo at gaing ligtas ang daigdig.
  • END OF THE SLIDE
  • GROUP 2 MEMBERS : AGUILAR , MICHELLEBENTULAN , RONALYN DOMINGO , RHEYJAN LABACLADO , KENT SUBMITTED TO :MR. GEORGE G. GOZUN