Filipino
Upcoming SlideShare
Loading in...5

Like this? Share it with your network

Share
• Full Name Full Name Comment goes here.
Are you sure you want to
Your message goes here
Be the first to comment
No Downloads

Views

Total Views
3,830
On Slideshare
3,829
From Embeds
1
Number of Embeds
1

Actions

Shares
Downloads
22
Comments
0
Likes
7

Embeds 1

http://www.slideshare.net 1

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

• 1. Pangkat 8II – SLR
Miyembro & Gaganapin:
Patricia Andaya – Florante, Sultan Ali-Adab
Michael Ello – Aladin, Konde Adolfo
Guia Lara – Laura, Heneral
Lyle Pendon – Flerida, Menandro, Kawal #2
Aralin 22 – Hatinggabing Kadiliman
Kwento:
Aladin: Florante, mukhang may ibang tao pa dito sa gubat.
Florante: Halika at pakinggan natin ang usapan nila.
Flerida: Maayos lang ba ang iyong kalagayan? Dito muna tayo magpahinga.
Laura: Oo. Salamat. Paano ka napadpad dito?
Flerida: Sige. Ikukwento ko sa iyo kung paano ako napadpad dito.
Flerida: Sultan Ali-Adab, hindi ko matatanggap ang pasya mong gawing bilanggo at ipapugot ang ulo ni Aladin nang dahil lamang sa hindi pagtagumapay sa laban. Maawa ka sa kanya. Nakikiusap ako sa iyo na palayain mo siya mula sa kulungan at humihingi din ako ng kapatawaran para sa mga ginawa niya.
Sultan Ali-Adab: Sige. Papayag akong siya’y palayain ngunit ikaw ay dapat magpakasal sa akin. Ang kanyang paglaya ay senyales na hindi na siya maaaari pang bumalik dito.
Flerida: Wala na akong magagawa. Kahit hindi sang-ayon ang kalooban ko na magpakasal sa iyo ay tatanggapin ko ito para sa ikalalaya ni Aladin.
Sultan Ali-Adab: Kung iyan ang nais mo ay susundin ko ito. Ngunit may binitiwan kang kasunduan. Tandaan mo iyan. Magiting na heneral, palayain sa pagkakabilanggo si Aladin at ipagbigay alam ang aking nais.
Heneral: Masusunod po, Kamahalan.
Heneral: Maaari na po kayong makalaya, Kamahalan. Ngunit may ipinagbilin ang inyong ama tungkol sa inyong paglaya.
Aladin: Ngayon din ako ay lilisan sa Persyang aking sinilangan. Labag man sa loob ko’y dapat sundin ang ama ko’t hari. Paalam aking bayan. Paalam aking ama. Paalam aking Flerida.
Flerida: Aladin! Lumisan na ang irog ko at buhay na wala man lang ni isang salitang binitawan para sa akin. Labis na ang kalungkutang aking nadarama.
Flerida: Naghahanda na sila para sa itinakdang kasal naming ng sultan. Hindi ako makapapayag dito. Alam ko na! Tatakas ako at magdadamit gerero upang hindi nila ako makilala. Dapat makaalis ako sa lalong madaling panahon upang hanapin si Aladin.
Flerida: Hatinggabi noong ako’y tumakas at sa bintana ako dumaan. Mag-isa akong naglakbay upang hanapin ang sinta ko. Ilang taon din akong naglakbay at naghanap hanggang sa ika’y aking makita at mailigtas mula sa kapahamakan.
(Dumating sina Florante & Aladin)
Florante: O, aking Laura! Tama ang aking hinala na ikaw ang naririnig kong nagsasalita. Wari ako’y nasa langit sa sobrang tuwa.
Laura: Ganoon din ako, Florante. Walang mapaglagyan ang aking tuwa! Itong malungkot na gubat ay mistulang paraiso sa ating pagkikita.
Florante: Saglit lamang. Paano at bakit kayo napadpad dito?
Laura: Ganito ang nangyari sa akin at sa Albanya.
Laura: O, Florante! Noong ika’y lumisan, Albanya’y nagkagulo. Mistulang pipi ito ngunit magulo. Hindi malaman kung bakit nagkaganito at kasamaan ang umiiral sa ating bayan! Ang aking ama na makatarungan ay balak nilang patayin!
Konde Adolfo: Iniutos ng hari na lagyan ng estangke at pigilin ang pagbibigay ng kakanin at trigo sa mga tao. Gawin ito, ngayon na.
Kawal#2: Masusunod po.
Laura: Pinagtakpan ni Adolfo ang kasamaang nais nya. Ngayon ay ama ko ang nagdurusa at nais nilang ipapatay.
Konde Adolfo: Ngayon na ang tinakdang araw. Dalhin dito si Haring Linseo at ang ibang konseho.
(Pagpugot ng ulo)
Konde Adolfo: Simula ngayon, ako na ang maghahari dito sa Albanya. Ako na ang kikilalanin ninyong hari magmula ngayon.
Konde Adolfo: Laura, tayo ay magpapakasal sa ayaw mo o gusto mo. Kung hindi ka papayag ay hahayaan kitang sumunod sa iyong ama at ikaw ay magdurusa.
Laura: Humihingi ako ng limang buwang pagpapasya bago tayo magpakasal. Kailangan ko munang pag-isipan ang mga bagay-bagay bago kita pakasalan.
Konde Adolfo: Sige. Kung iyan ang nais mo ay payag ako. Ngunit tandaan mong buhay mo ang nakasalalay kapag hindi ka pumayag.
Laura: Kung hindi na babalik si Florante ay ako na mismo ang kikitil sa aking buhay. Magpapakamatay na lamang ako kaysa magpakasal kay Adolfo. Isang sulat ang ipapadala ko kay Florante upang malaman niya ang mga nangyayari dito.
Laura: Kawal, ipadala mo ito kay Florante sa Etolya.
Kawal#2: Opo, Kamahalan.
Konde Adolfo: Si Florante ay papadalhan ko ng sulat upang umuwi siya dito. Tamang tama dahil hindi niya alam na wala na si Haring Linseo. At agad-agad siyang uuwi dito.
Laura: Dumating si Florante ng wala pang isang buwan ngunit napasakamay siya ni Adolfong malupit. Siya ay ibinilanggo at kinalaunan ay ipinatapon sa gubat.
Laura: Handa na akong magpakamatay dahil ang irog ko ay bihag na ni Adolfong sukab. Wala ng pag-asa pang kami’y magkapiling pa.
(Pagdating ng hukbo ni Menandro)
Laura: Marahil ay si Menandro ang nakatanggap ng aking liham kaya siya ay sumugod dito. Tila mga lobong nagugutom ang hukbo niyang galing Etolya.
Konde Adolfo: Anong kaguluhan ang nangyayari dito? Mga kawal! Pagsapit ng gabi ay tayo’y lilisan dito sa kaharian. Gagawin nating bihag si Laura. Itali siya at igapos sa kabayo. Maghanda na kayo sa gagawin nating pagtakas.
(Pagdala kay Laura sa gubat at pagtangkang mawala ang puri)
Konde Adolfo: Wala ka ng kawala sa akin!
Laura: WAAAAAAAAG!
(Pagkamatay ni Konde Adolfo dahil sa pana)
Laura: Sino ka? Salamat sa iyo!
Flerida: Wala iyon. Narinig ko ang iyong boses na tila natatakot at naghihinagpis kaya hinanap kita agad. Ako nama’y nahabag sa iyo. Buti na lamang at napana ko agad ang lalaking iyon sa dibdib.
Laura: Dahil doon kaya kami nagkita at nagkakilala ni Fleri—
(Pagdating ni Menandro)
Menandro: O, Florante! Laura! Laking tuwa kong makita kayo dito! Aking hinahanap si Adolfong sukab at kasama ko ang aking hukbo na galing Etolya.
Florante: Menandro kong katoto! Wala na si Adolfo at malaya na tayo!
Menandro: Mabuhay si Haring Florante! Mabuhay si Prinsesa Laura!
Menandro: Bumalik na tayo sa Albanya. Naghihintay na ng lahat sa inyong pagbabalik.
(Pagdating sa Albanya)
Florante: Kayo, Aladin at Flerida, ay bibinyagan upang kayo ay maaaring ikasal. Bibigyan kayo ng basbas ng Panginoon sa inyong pag-iisang dibdib.
Florante: Aladin, ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na ang iyong ama na si Sultan Ali-Adab ay pumanaw na. Marahil ay kailangan na kayo ng inyong reyno doon sa Persya. Salamat sa iyo Aladin, ganoon din sa iyo Flerida.
Aladin: Maraming salamat sa pagtanggap ninyo sa amin dito ni Flerida. Ngayon din ay babalik na kami sa Persya upang doon manirahan at mamuno.
Flerida: Maraming salamat kaibigan! Hanggang sa muli!
Florante: Aking Laura, ngayon, tayo ay hihirangin ng hari at reyna ng Albanya. Muli ng babalik ang kapayapaang unang naghari dito sa ating bayan. Tayo’y makakabangon ng muli sa mga masasamang pinagdaanan ng ating reyno.
Florante: Panginoon, maraming salamat po sa mga biyayang ibinigay Ninyo sa amin. Salamat po sa mapayapang bayan ng Albanyang ipinagkaloob Nyo sa amin. Wala kaming inisip kundi ang magbigay kasiyahan sa aming nasasakupan. Habang buhay kaming magsasama ni Laura at maghahari ang kabutihan dito sa aming bayan.