• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
AP IV  (ANG ATING LIKAS NA YAMAN)
 

AP IV (ANG ATING LIKAS NA YAMAN)

on

  • 16,246 views

 

Statistics

Views

Total Views
16,246
Views on SlideShare
16,245
Embed Views
1

Actions

Likes
7
Downloads
348
Comments
0

1 Embed 1

https://twitter.com 1

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    AP IV  (ANG ATING LIKAS NA YAMAN) AP IV (ANG ATING LIKAS NA YAMAN) Presentation Transcript

    • ANG ATING MGA LIKAS NA YAMAN.
    • HALIMBAWA NG MGA YAMANG LIKAS, YAMANG TAO AT YAMANG KAPITAL
    • SALIK NG PRODUKSYON YAMANG LIKAS YAMANG TAO YAMANG KAPITAL
    • YAMANG LIKAS
    • YAMANG LIKAS Ang yamang likas ay ang pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan ng kaunlarang pangkabuhayan Yaman na biyaya ng kalikasan. Mga likas na yaman - kagubatan, anyong tubig, anyong lupa, mineral, mga isda at hayop.
    • YAMANG LUPA  Ang lupain sa ating bansa ay may sukat na 300,000 na kilometro kuwadrado. Ito ay binubuo ng iba’t ibang anyong lupa  Ang lupa ay pinanggagalingan ng mga hilaw na materyales na kailangan sa paglikha ng mga produkto.  Mahigit sa 50% ng ating lupain ay kagubatan.  Ang natitira ay alienable at disposable lands o mga lupain na maaring ipamana o ipamahagi tulad ng mga lupaing residensyal, komersyal at lupang agrikultural.
    • YAMANG GUBAT  Mahigit kalahati ng ating kalupaan ay mga kagubatan.  Mahigit 50% naman ng kagubatan sa bansa ay matatagpuan sa Mindanao.  Ang CARAGA ay katatagpuan ng virgin forests.  Ang mga kagubatan tulad ng mangrove, beach, at molave ay matatagpuan sa mababang lugar.  Ang dipterocarp, pine at mossy ay sa matataas na lugar.  Ang ating kagubatan ay puros mga tropical forests.
    • MGA URI NG PUNO NA MATATAGPUAN SA ATING KAGUBATAN. Pinanggagalingan ng matitibay na kahoy at ginagawang muwebles.
    • dipterocarp Kilala bilang Philippine Mahogany, ito ay ginagawang herbal na gamot bamboo Isang mataas na halamang tropikal at uri ng damo na walang halaman ang tangkay, ginagawa itong basket, bahay, tulay at muwebles
    • MANGROVES Nagsisilbing bakod sa mga mababang bahagi ng katubigan NIPA PALMS Pinanggagalingan ng materyal sa paggawa ng bahay sa lalawigan o bahayy kubo
    • Ang mabilis ang pagkasira at pagkaubos ng ating kagubatan ay isang malaking suliranin ito ay dahil sa ilegal na pagtotroso, pagputol sa mga batang punongkahoy at pagkakaingin.
    • ILEGAL NA PAGTOTROSO
    • PAGKAKAINGIN
    • FLASHFLOOD Ang flashflood sa iba’t ibang lalawigan tuwing tag-ulan. Kumikitil ito ng maraming buhay at sumisira ng milyon- milyong ari-arian.
    • GLOBAL WARMING
    • GLOBAL WARMING Ito ay ang pag-init ng ating kapaligiran kaya ang climate change ay ating nararanasan. Ang “Climate Change” ang biglaang pagbabago ng klima o panahon mula sa malamig hanggang sa mainit na panahon.
    • BAHAGING GINAGAMPANAN NG PAMAHALAAN SA PAGSAGIP NG ATING KAGUBATAN  Ang One Manila at Green Peace Environment ay sinusulong ang reforestation.  Ang reforestation ay ang pagtatanim muli ng mga puno sa kagubatan isinasagawa upang mapalitan ang mga nawalang puno.  Mahalaga rin magkaroon ng political will ang pamahalaan upang ipatupad ang log ban.
    •  Ang ating ekonomiya, ekolohiya at ang susunod na henerasyon ay maapektuhan kapag hindi nabigyang pansin ang kalagayan ng ating kagubatan.  Bawat isa sa atin ay may pananagutan sa pangangalaga ng ating kagubatan dahil tayo rin ang gumagamit nito.  Mahalaga na tayo ay magkaisa, magmalasakit at magtulungan upang malinang at mapagyaman muli ang ating kagubatan.
    • PRIORITY PROTECTED AREAS  MOUNT ISAROG NATIONAL PARK - Ang Mount Isarog ang pangalawang pinakamataas na bulkan na may sukat na 1,996 meters above sea level sa Bicol Region
    •  PALANAN WILDERNESS AREA (SIERRA MADRE, NORTHERN LUZON) - Ang pinakamalaking protected areas sa Pilipinas na kumakatawan sa sampung bahagdan ng natitirang pangunahing kagubatan sa ating bansa.
    • MOUNT IGLIT-BACO NATIONAL PARK (MINDORO) - Ang endangered na tamaraw ay matatagpuan dito
    •  MOUNT GUITING-GUITING NATURAL PARK (ROMBLON) - Ang kagila-gilas na dalisdis ng bulubunduking kagubatan na ito, ang dahilan kung bakit napangalagaan at napagyaman ang lugar na ito. Matatagpuan dito ang malalaking unggoy, fruit bats at mahigit na 100 na kilalang specie ng ibon.
    • EL NIDO MARINE RESERVE (PALAWAN) - Isa sa pinakatanyag na tourist spot sa ating bansa.
    • CORON ISLAND -ang isla na katatagpuan ng virgin forests na nakamamanghang dalisdis. Ang Tagbanua, ang mga katutubong residente ng Coron, ay tinatayang isa sa mga pinakamatandang pangkat-etniko sa ating bansa
    • MOUNT PULAG
    • APO REEF
    • TURTLE ISLAND
    • MOUNT ARAYAT
    • LAKE MAHAGNAO VOLCANIC PARK (EASTERN LEYTE)
    • MOUNT MALINDANG ( NORTHWESTERN MINDANAO)
    • MOUNT KANLAON NATURE PARK (CEBU)
    • MOUNT MAYON (BICOL)
    • YAMANG TUBIG  Ang ating territorial water ay may sukat na 1.67 milyon kilometro kwadrado na dahilan upang kilalanin ang bansa na isa sa mga sentro ng pangisdaan.  Ang ating karagatan, dagat, ilog, sapa at iba pang anyong tubig ay pinagkukunan ng iba’t ibang pagkaing dagat.  Humigit sa 70% ng produksiyon ng isda ay buhat sa Gitnang Luzon, Kanlurang Visayas at Timog Luzon kasama na rin ang baybayin ng Sulu, Zamboanga at Maynila.
    • MGA SULIRANIN NG YAMANG TUBIG POLUSYON PAGKASIRA NG CORAL REEFS PAGKAUBOS NG YAMANG DAGAT
    • KAWALAN NG DISIPLINA  Ang pagtatapon ng basura sa estero, ilog, sapa at karagatan ay nagpapakita ng kawalan ng disiplina dahil sa mga anyong tubig na ito kumukuha ng hanapbuhay ang mga tao.  Dahil sa pagtatapon natin dito ay nagkakaroon ng red tide dahil sa microorganism na tinatawag na dinoflagellates.  Ang paggamit ng pinong lambat at dinamita ay nakakapinsala rin sa mga yamang dagat.
    • KAKULANGAN SA KAALAMAN  Ang mga mangingisda ay walang sapat na kaalaman tungkol sa pagpapaunlad ng industriya ng pangingisda.  Ang paggamit ng makabagong teknolohiya at kasanayan sa modernong pamamaraan ng pangingisda at pangangalaga sa yamang dagat ay dapat maturo sa kanila upang maproteksiyonan at mapagyaman nila ang mga yamang dagat.
    • HINDI PAGPAPATUPAD NG MGA BATAS UKOL SA PANGANGALAGA NG YAMANG DAGAT.  Ang polusyon sa tubig ay lalong lumalala at nagbubunga ng cyanide poisoning.  Ang sodium cyanide ay isang kemikal na ginagamit sa panghuhuli ng pulutong na isda para foreign at domestic na pamilihan.
    • MGA BATAS NA DAPAT IPATUPAD UPANG MAPANGALAGAAN ANG YAMANG TUBIG.  Republic Act 7160 - Tinatawag na Local Government Code ng Pilipinas na nagpapatupad ng batas sa sanitasyon at kalinisan sa kapaligiran.  Republic Act 3931 -Tinatawag rin na National Water and Air Pollution Control Commission. Ang batas na nagbabawal at nagpaparusa sa sinumang nagtatapon sa tubig na nagdudulot ng polusyon sa likas na yaman.
    • Presidential Decree 948 - Batas na sumusulong sa R.A 3931 at nagbibigay daan sa pagtatag ng Pollution Control Law na nagsasagawa ng pangongolekta ng mga solidong bagay na itinatapon sa ilog at iba pang anyong tubig. Executive Order 54 ( SAGIP PASIG) - Ang nagtatag ng Pasig River Rehabilitation Commission na ang pangunahing layunin ay linisin, sagipin, at buhayin muli ang Ilog Pasig na isang makasaysayang ilog sa ating bansa.
    • KAGAWARAN NG KAPALIGIRAN AT LIKAS NA YAMAN ( DENR) Ang pangunahing ahensiya ng pamahalan na may pananagutan sa pangangalaga at pagbibigay proteksiyon sa mga likas na yaman. Naglulunsad din ito ng mga programa at proyekto upang iligtas ang iba’t ibang uri ng yamang tubig.
    • BUREAU OF AQUATIC RESOURCES Ang mga lokal na pamahalaan, print at broadcast media at ang mga komunidad ay nakikipagtulungan sa pagsasagawa ng rehabilitasyon ng Ilog Pasig.
    •  ILOG PASIG NOON
    •  ILOG PASIG NGAYON
    • YAMANG MINERAL  Ito ang yaman na nakukuha sa kailaliman ng lupa. Ang lupaing sumasakop sa yamang ito ay kabilang sa mga lupaing pag-aari ng bayan.  Ito ay isa sa pinakamahalagang yaman ng bansa, kaya kailangang mapangalagaan at maproteksiyonan ito mula sa mapang-abuso na tao.  Sa pamamagitan ng Republic Act 7942 ( An Act Instituting a New System of Mineral Resources Exploration, Development, Utilization and Conservation) ay itinaguyod ang pagpapaunlad ng mineral.
    • MGA URI NG MINERAL METAL DI-METAL GINTO TANSO COPPER PILAK NIKEL BAKAL MARMOL ASBESTOS JADE ASOGE LIMESTONE ALUMINYO CLAY SULPHUR PETROLYO GAS KARBON
    •  Sa Isla ng Nonoc, Surigao matatagpuan ang mayamang deposito ng nikel na ginagamit sa paggawa ng baterya.
    •  Ang gintong minimina sa Benguet, Paracale, Camarines Norte at Masbate ay kailangan sa paggawa ng mga mamahaling alahas.
    •  Ang bakal na nakukuha sa Zamboanga del Sur, Davao Oriental at Camarines Norte ay pinapakinabangan sa paglikha ng asero na kailangan asa proyektong imprastraktura.
    •  Ang marmol ay isang di-metal na mineral na may pinakamalaking deposito sa Romblon. Ginagamit ito sa paggawa ng sahig, dingding ng bahay at gusali at mga kagamitang pandekorasyon.
    • Ang jade naman ay ginagawang alahas at pandekorasyon ay makukuha sa sa Sta. Cruz, Zambales.
    • Ang gas at petrolyo ay mga di-metal na mineral na mahalaga sa ekonomiya.
    • Ang panggatong na karbon ay ginagamit sa mga makinang elektrisidad.
    •  Ang malaking deposito ng langis ay natuklasan sa mga bahagi ng Palawan. Ang Malampaya Oil Project sa Palawan ay isinasagawa upang makakuha ng langis at gas na maisu-supply sa pangangailangan ng ekonomiya at inaasahan na magbabawas ng pagkakadepende ng ating bansa sa mga imported fuel
    • YAMANG ENERHIYA Ito ang pinagkukunan ng lakas at kakayahan sa paggawa. Sa ating bansa, may iba’t ibang pinagkukunan ng enerhiya na makatutulong sa atin kapag nagkaroon ng krisis sa enerhiya.
    • HYDROELECTRIC ENERGY  Galing sa ating mga yamang tubig tulad ng Maria Cristina Falls sa Lanao del Norte na nagsu-supply ng elektrisidad sa Mindanao
    • GEOTHERMAL ENERGY  Isa sa mga enerhiya nakapag-aambag sa operasyon sa industriya. Ito ay nagmumula sa ilalim ng lupa.
    • DENDROTHERMAL ENERGY  Ang enerhiya na buhat sa singaw na likha ng mga nasusunog na kahoy tulad na lamang ng Ipil-ipil.
    • SOLAR ENERGY Ito ay nagmumula sa init ng araw.
    • FOSSIL FUEL Pinagkukunan ng enerhiya na mula sa labi ng mga tuyong halaman at hayop.
    • WIND ENERGY  Enerhiya na galing sa mga windmills, ito ay pinapatakbo sa pamamagitan ng wind turbines. Ang blades na ito ang tumutulak sa generator na lumilikha ng elektrisidad.
    • PLANTANG NUKLEYAR SA MORONG, BATAAN
    • YAMANG KAPITAL  Ang yamang kapital ay tumutukoy sa lahat ng mga bagay na ginagamit ng tao upang kunin at isailalim sa isang proseso ang mga hilaw na materyales upang makabuo ng panibagong produkto.  Kabilang dito ang mga kagamitan, makinarya, kasangkapan, pabrika, imbakan, transportasyon at iba pang ga pasilidad na ginagamit sa proseso ng produksyon.  Ang kalakal na capital ay kakaiba sa mga kalakal na pang- konsumo
    • YAMANG TAO Mahalaga ang sa salik ng produksiyon ang tao sapagkat siya ang gumagamit ng lakas at nagpaunlad sa mga yamang likas Ang yamang tao ay batayan din sa pag-unlad. Tao ang naghahawan ng landas patungo sa kaunlarang pangkabuhayan at hangaring panlipunan ng bansa.