Panahanan sa pamumuhay ng mga unang pilipino
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Panahanan sa pamumuhay ng mga unang pilipino

on

  • 37,936 views

 

Statistics

Views

Total Views
37,936
Slideshare-icon Views on SlideShare
37,936
Embed Views
0

Actions

Likes
4
Downloads
208
Comments
1

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft Word

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel

11 of 1

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
  • napakalaking tulong ang mgagawa nito lalo na s mga ala ng time sa pagresearch
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Panahanan sa pamumuhay ng mga unang pilipino Panahanan sa pamumuhay ng mga unang pilipino Document Transcript

    • Panahanan sa Pamumuhay ng mga UnangPilipinoPage history last edited by PBworks 5 years, 6 months agoI. LayuninA. PanlahatNailalarawan ang katangian ng mga katangian ng mga panahanan ng mga unangPilipinoB. Tiyak* Nasusuri ang katangian ng mga panahanan sa pamumuhay ng mga UnangPilipino* Natatalakay ang pagbibili ng mga inaniII. Paksang AralinPinag-isang Tema : Ugnayan ng mga BansaPaksa : Katangian ng mga Panhanan sa Pamumuhay ng mga Unang PilipinoKaisipan : Ang mga Unang Pilipino ay nagpamalas ng kanilang pagkama-likhain sa pamamagitan ng kanilang panahanan.Sanggunian : Pilipinas, Perlas ng Silangan, pp 145=146PELC IIIA.5Kagamitan : LarawanValues : Kababaan LoobIII. PamamaraanA. Panimulang Gawain1. Balitaan
    • 2. Balik-aralMga uri ng pananahan ng mga unang Pilipino3. Pagwawasto ng takdang aralinB. Panlinang na Gawain1. PagganyakPagpapakita ng larawan ng mga panahanan ng mga unang pilipino, sa palagayninyo, magkakatulad kaya ang mga panahanan ng mga ninuno natin ayon salaki at pagayayari nito?2. Paglalahada. Pagpapaskil ng guro ng mga tanong:- Ano ang anyo ng bahay na itinayo ng mga unang Pilipino?- Saan yari ang tirahan ng mga unang Pilipino?- Paano nagkakaiba ang tirahan ng mga unang Pilipino sa kanilangpamumuhay?b. Pagbasa ng talata3. Pagtatalakaya. Isa sa naging dahilan ng pag-unlad ng pamumuhay ay ang pagtatanim sapamamagitan ng pagbili ng inani. Ano sa palagay ninyo ang dahilankung bakit dapat natin malaman ito? Ano ang dapat isaisip ng pagbibiling inani? (halaga ng gastos)C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatAng pamumuhay ng mga unang Pilipino ay naayon sa katangian ng kanilang
    • panahanan.2. PaglalapatPaano mo mapahahalagahan ang pagiging malikhain ng mga ninuno natin?IV. PagtatayaSagutin ang puwang. Hanapin sa kahon ang sagot.1. Ang tirahan ng mga unang Pilipino ay tulad rin ng ______________ nanakikita natin ngayon.2. Ang _____________ ng bahay ay nagsasabi ng matataas na katayuan salipunan.3. Ang pagbili ng inani ay naayon sa ______________ ng nagbibili.4. Sa paaralan maaring ipagbili ang inani ng mga bata sa _____________.5. Sa paggawa ng "finger puppet" ay maari ring ______________.------------------------------------------------------------kantina bahay-kubo gastosmapagkakakitaan laki kita------------------------------------------------------------V. Takdang Aralin1. Gumawa ng listahan kung paano dapat ipagbili ang inani2. Kung ikaw ay isnag magsasaka na sinuwereng umunlad ang pamumuhay dahilsa ipinagbibili ng ibat ibang ani, anong panahanan ang nais mo? Iguhit ito.
    • SINAUNANG PANAHANAN NG MGA PILIPINO(BAHAY KUBO)Isa sa katangian ng pagiging Kabihasnan ay ang pagkakaroon ng mga magagara at mararangyangdesenyong pangarketektura. Bawat desenyo ay nagiging simbulo ng karangyaan ng isang sibilisadongbansa. Sa Pilipinas, wala man tayong naitatag na ano mang marangyang desenyong pangarketekturasubalit maipagmamalaki namang sabihin na meron tayong naging desenyo ng ating panahanan.Ang sinaunang panahanan ng mga Pilipino ay tinatawag na "Bahay Kubo". Ang bahay na ito ay may apatna dingding at may isa o dalawang kwarto sa loob. Nakatindig ang bahay sa mga poste na may tatlo oapat na metro mula sa lupa. angpinakamalaking kwarto ay ginagamit bilang tanggapan ng mga panauhin, kainan at tulugan. Sa ibangbahay may bahagi na kung tawagin ay "Bahandin" na pinaglalagyan ng mga mahahalagang mga bagay.Bago makapasok ng bahay, may "Batalan" na tumatayong pahingahan at lugar ng pagtanggap sa mga
    • panauhin. Ginagamit din itong taguan ng mga buslo, banig na sawali, panggatong at mga banga na maylamang tubig.Ang hagdan ay nakapwesto malapit sa "Batalan". Ito ay maaaring natatanggal at naitataas sa gabi. Angilalim na bahagi ng bahay ay maaaring bakuran at gamiting "Kamalig" para sa mga palay at mais. Maaariring gawing "Darak" o kulungan ng mga manok, baboy, kambing, baka at kalabaw. Ipinapakita nito naang uri ng tahanan ng sinaunang Pilipino ay naaayon sa kanyang pangkabuhayang kalagayan.Bawat bahay ay binububungan karaniwan na ng damo ng kugon o dahon ng nipa.Noong panahon ng mga Kastila, biglang nagbago ang desenyo ng "Bahay Kubo". Sa panahong ito kasilumitaw ang isang panahanan na kung tawagin ay "Bahay na Bato". Ang desenyo ay hindi matatagpuansa anomang lugar sa España. Nangangahulugan ito na dito lamang sa Pilipinas makikita ang desenyongito. Sinasabing pinalaking bersyon lamang ng Bahay Kubo ang desenyo ng Bahay na Bato. Hindimaikakaila ang maraming pagkakahawig nito. Mula sa matarik na bubung hanggang sa mga kwarto,bintana at ilang bahagi nito, di maikakailang nagmula sa sinaunang "Bahay Kubo" ang desenyo nito.Pinagkunan: 1. http://en.wikipedia.org/wiki/Architecture_of_the_Philippines 2. http://www.librarylink.org.ph/featarticle.asp?articleid=110 3. PILIPINAS : Kasaysayan at Pamahalaan. Batayang aklat sa Unang TaonAng ibat ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higitpa na mga salik katulad ng lipi, wika, relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan. Binubuong malaking mayorya ng populasyon ng pangkat na ninirahan sa kapatagan na Austranesyano, at
    • naging Kristiyano mula sa pagiging Animismo, Hinduismo, Budismo o Islam sa loob ng tatlongdaang taon ng pananakop ng mga Kastila. Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami samga pangkat na ito ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog, mga Kapampangan, mgaBikolano, at mga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahingAustranesyano at/o lahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami na walangbatayang pang-agham ang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing naPilipino ang mga Negrito sa Pilipinas.Mga nilalaman[itago] 1 Mga pangkat ng Pilipino 2 Mga katutubong pangkat etniko o 2.1 Pangunahing pangkat etniko o 2.2 Pangkat etniko sa Luzon  2.2.1 Tinguian  2.2.2 Tagbanua  2.2.3 Mangyan  2.2.4 Ifugao  2.2.5 Kalinga  2.2.6 Itawes  2.2.7 Gaddang  2.2.8 Kankana-ey  2.2.9 Ilonggo  2.2.10 Ibaloy o 2.3 Isneg  2.3.1 Ivatan o 2.4 Pangkat etniko sa Mindanao  2.4.1 Maranao  2.4.2 Tboli  2.4.3 Tausug  2.4.4 Badyao  2.4.5 Subanen  2.4.6 Cuyunon  2.4.7 Bagobo  2.4.8 Yakan o 2.5 Mga hindi-katutubong pangkat etniko[baguhin] Mga pangkat ng PilipinoAng mga yamang tao ng bansang Pilipinas ay ang kanyang mamamayan. Pilipino ang tawag sakanila. Ngunit ibat iba ang pangkat na kanilang kinabibilangan. Ibat iba rin ang tawag sa kanila.Isa sa mga ninuno ang mga Ita. Tinatawag din silang Negrito, Ayta o Baluga. Karaniwangnainirahan sila sa Luzon. Ito ay sa mga bundok ng Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. Maynaninirahan din sa mga bundok ng Panay at Negros.
    • Tulad ng mga Ita, ang mga Ifugao at Kalinga ay sa Luzon din naninirahan. Matatagpuan sila saMountain Province. Ang mga Ifugao ang nagtayo ng tanyag na hagdan-hagdang palayandalawang libong taon na ang nakakaraan.Ang isa pang pangkat ng Pilipino sa Luzon ay ang mga Ilokano. Karaniwang nakatira sila sabandang hilaga ng Luzon. Ngunit may mga Ilokano rin sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.Naninirahan sila sa nga lugar na ito upang maghanapbuhay, mangalakal, o mag-asawa. Matitipidat masisipag sila. Matatagpuan naman sa kalagitnaan at katimugan ng Luzon ang mga Tagalog.Sila ang pangalawa sa pinakamalaking pangkat ng Kristiyano sa Pilipinas.Kilala rin ang mga Mangyan sa Luzon. Matatagpuan sila sa pulo ng Mindoro. Karamihan sakanila ay may panlabas na anyo at paraan ng pamumuhay na payak at tulad pa rin ng ating mganinuno. Iba-iba rin ang pangkat ng Pilipino sa mga pulo ng Visayas. Isa na rito ang mga Cebuanona may pinakamalaking pangkat na nasabing rehiyon. Kilala sila sa katutubong awit na "MatudNila" at sayaw na Rosas Pandan.Taga-Visayas din ang mga Ilonggo. Kilala naman sila sa katutubong awit na Dandansoy atsayaw na Cariñosa. Mga Waray naman ang pangkat ng Pilipino sa Leyte at Samar. Ang ilan samga ito ay ang mga Badjao, Maranao, Tausug, Tboli, at Manobo. Nakatira sa baybay-dagat angmga Badjao. Matatagpuan sila mula Zamboanga hanggang Sulu. Pangingisda ang pangunahinghanap-buhay nila.Ang pangkat ng mga Tboli ay naninirahan sa Cotabato. Pagsasaka ang pangunahing ikina-bubuhay nila. [Ang Pangkat ng Katutubong (etnikong) dumagat sa Rizal at Quezon]- Angpangkat ng katutubong ito ay di gaanong nakilala sa dahilang sila ay ibinilang na katulad sa mgaaeta at negrito sa Luzon.Ang pangkat na ito ay naninirahan sa bulubunduking bahagi ngRizal,.Bulakan,Laguna at Quezon na pawang bahagi ng kabundukan ng SIERRA MADRE.Silaay nahahati sa dalawang uri,ang una ay ang purong dumagat na nanatiling nakatira at nakabahagsa mga nabanggit na mga kabundukan at ang ikalawa ay tinatawag na redemtador o lahukangtagalog at dumagat na kilala sa katawagang katutubo,nakatira sa mataong lipunan sa rizal atbahagi ng Quezon.Ang katutubong dumagat ay isa sa natirang lahi ng tao sa pilipinas nanabibilang sa uri ng taong Indiya dahil sa pagkakaroon ng kaugnayan ng mga salita at paniniwalanito sa matandang kabihasnan ng Indiya.Ang katawagan sa kanila na DUMAGAT ay maaaringnagmula sa salitang RUMAKAT/LUMAKAT/LUMAKAD na isang maidadahilan na sila ang isasa unang tao sa luson na nakarating sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa nanakadugsong sa Asya.Kung susuriin ang isa sa sinaunang lahi ng tao dito sa kapuluang pilipinasay nagmula sa indiya na pinatunayan ng kasulatan sa tanso (Laguna Copperplate inscriptions 822A.D,),ang ibayong pag aaral ng kultura at wika ng pangkat na ito ay magpapatibay sa panunuringito.Halimbawa ng pangungusap sa dumagat ay ang salin sa "magandang umaga sa inyong lahat"-Masampat tabi abi di kitam mapesan!Ayon sa kanilang pagkakaalam,ang salita nila ay nahahatisa dalawa-isang pangkaraniwan at isang pang matanda o pangpitagan.Sa kasalukuyan tinawagitong "baybay"o pangkaraniwan at "Mangni" o pampitagan.
    • [baguhin] Mga katutubong pangkat etniko[baguhin] Pangunahing pangkat etniko Mga Ilokano Mga Pangasinense Mga Kapampangan Mga Tagalog Mga Bikolano Mga Bisaya Moro[baguhin] Pangkat etniko sa Luzon[baguhin] TinguianMatatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mgabai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palamuti. Naglalagay sila ngtatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimenang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil.Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.[baguhin] TagbanuaNaninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sapamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at pangangaso.Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawagsa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong angkasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ngMalayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.[baguhin] MangyanNaninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo.Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman angtangkad.May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na angibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan,pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.
    • Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahanang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito samga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito.Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.[baguhin] IfugaoSa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na angibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo nanatutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Angmga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing maypagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilangmaghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao.Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.[baguhin] KalingaMatatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay napananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buongkatawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaringmagkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isangkasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isat isa.[baguhin] ItawesMatatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula samga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawagna Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawis sa isang pamayanankasama ang mga Ibanag at may sarili din silang wika na ang tawag din ay Itawis.Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda,paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.[baguhin] GaddangTinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan saNueva Vizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silangmakipaglaban kung kinakailangan.
    • Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Gaddang. Gabi, palay, sili, bawang, tubo atiba pang gulay ang kanilang itinatanim. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhayang pangingisda, pangangaso at pagtitinda.[baguhin] Kankana-eyAng mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan nghilagang Luzon. May maraming pangkat ang mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila aymatatagpuan sa ibat ibang bahagi ng Benguet at maging sa ibat ibang bahagi ng La Union atmalalapit na probinsya, samantalang ang iba manam ay matatagpuan sa ibat ibang bahagi ngMountain Province at mga probinsyang malapit dito. Halos walang ipinagkaiba ang dalawangpangkat na ito ng Kankana-ey sa anyo at porma ngunit marami ang pinagka-iba sa kanilangkultura at paniniwala.Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitanng kaingin. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda.Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya at ang mga matatanda angmay malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Angpamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahangmagbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.[baguhin] IlonggoNangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sakagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao.Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay,tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibonsa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasakapatagan.Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw,kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa sa kalikasan.[baguhin] IbaloyAng mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, LaTrinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloyang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mgaIbaloy sa mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ngmga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silangkasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ngbundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.
    • Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry atmga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino angnagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal,diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansangpamahalaan.Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katolikongunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyongIbaloy pa rin ang nasusunod.[baguhin] IsnegKilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao.Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ngpamayanan ang mga Isneg.Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais,kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilangritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog angbuhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito,aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera.Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya angmaaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang.[baguhin] IvatanMga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang atmapagkakatiwalaan ang mga Ivatan.[pananangguniy kailangan] Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ngvakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy.Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ngmga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana.Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya,medisina, edukasyon at iba pa.Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ngmga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilangwika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.
    • Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sakanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.[baguhin] Pangkat etniko sa Mindanao[baguhin] MaranaoAng mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte,Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saanhinango ang kanilang pangalan.Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahaysila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang mga silid. Tanging ang mga dugongbughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mgakaraniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sasahig ng tahanan at sa mga moske.Buo pa rin at hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilangtunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilangmga kagamitang gawa sa tanso.[baguhin] TboliSa Cotabato matatagpuan ang mga Tboli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mgaprutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka.Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa tnalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.Walang "pari" ang mga Tboli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbingtagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilangpanahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ngmaraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalakingTboli.[baguhin] TausugKinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanmanumuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ngpamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sakanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mgadalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat atmagsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa maydalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-Borneo at Sabah.
    • Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito angnagdala ng Islam sa Sulu.[baguhin] BadyaoAng pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung,Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silangLuaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Palu at Palau. Samal ang kanilang wika.Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isangpangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro angmaaaring tumira sa bangkang-bahay.Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamitsa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig namay ibat-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila saumboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. ito ay pawang katotohanan.[baguhin] SubanenAng mga Subanen ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboangadel Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila sa iisang ninunolamang sila nagmula.[baguhin] CuyunonAng mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng DagatSulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa samga Español na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kayamasisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka.Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilangikinabubuhay ang pangingisda.Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaingtulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinumanang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mgaCuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ngmga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog angmga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upangpaalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwalpara mapigilan ang paglaganap ng epidemya.
    • [baguhin] BagoboMatatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ng Davao. Maputi sila, maymatipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na maynatural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahitnang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan angbaba.Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noongpanahong iyon, nagkakalakalan na ang ibat ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhaynila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig.Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mgagawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalakigayundin ang paghabi ng basket.Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma atang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datuang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian oparing babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sapaghahabi.[baguhin] YakanNagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ngpagpapalitan sa pagsasaka ng Iyakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahilpinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mgatradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwalasilang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang “Paring” palay upangmamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang dingtahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaringliparin palayo ang palay.Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya.Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay athabdang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapagmay kasayahan.Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Iyakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal samagpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ngangkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyanang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo kung pumapayagdito ang lalaki.Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng pantalon ang lalaki atbabae. Isinusuot ng lalaking Iyakan ang maong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot namanito ng mga babae sa kanilang baywang.
    • [baguhin] Mga hindi-katutubong pangkat etniko Tsino Kastila Amerikano Arabo Indya Koryano Hudyo Mehikano Hapones and other ethnicities from other countries