FILIPINO (PANANALIKSIK)Pananaliksik – bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa.              – maaar...
•   Magaling magsiyasat – Tinitimbang na mabuti kung nararaopat o di-nararapat isama.   •   May pananagutan – Mahalagang i...
 Operasyonal na Pagpapakahulugan – (ayon kay Kerlinger) eksperimental at                  nasusukat.   •   MGA KAUGNAY NA...
 Pagbabantas      Indensyon – limang espasyo sa kaliwa, sunod ang superscript, sunod ang isang        espasyo at kasunod...
 Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang tomo: banggitin             ang tomo (tutuldok ang maghihiwa...
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Filipino

2,618

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
2,618
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
26
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Filipino

  1. 1. FILIPINO (PANANALIKSIK)Pananaliksik – bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa. – maaaring pang-isahan o kaya’y panggrupo – sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng taoAquino – ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impor- masyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralanManuel at Medel – ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraanParel – ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksikTreece at Treece – ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin; tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyonAtienza atbp. – (UP) bumuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunanMGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK • Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso. • Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta. • Empirikal – Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat. • Pagsusuri – Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.  Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang  Kwalitatibo – tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro • Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik. • Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral.  Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganapna o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.Mananaliksik – may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa gagawing pananaliksik.KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK • Masigasig – Kung hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang impormasyon, maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik. • Masinop – Sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon. • Masistema – Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng gagawin niya sa oananaliksik. • Mapamaraan – Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik.
  2. 2. • Magaling magsiyasat – Tinitimbang na mabuti kung nararaopat o di-nararapat isama. • May pananagutan – Mahalagang isulat ang pangalan ng mga taong ito upang hindi maparatangan ng pangongopya lamang sa isinulat ng ibang tao.RESPONSIBILIDAD NG ISANG MANANALIKSIK • Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. Ayon kay Atienza atbp., ang plagiarism ay:  Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginamitan ng bantas na panipi at hindi binanggit ang pinaghanguan  Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan  Pamumulot ng mga ideya mula sa iba’t ibang mananaliksik at pinagsama-sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos  Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi itinala na salin ang mga ito  Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi kinikilala ang pinagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang naghagilap ng mmga datos na ito • Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik. • Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon. • Gumawa ng bibliyograpiya sa mga ginamit na sanggunian. • Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta. • Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK • KALIGIRAN NG PANANALIKSIK  Panimula – mababasa dito ang presentasyon o paglalahad ng suliranin. Binabanggit din sa bahaging ito ang saklaw ng pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral.  Paglalahad ng Suliranin – makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag- aaralan. Bukod dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na kailangang masagot sa sulating pananaliksik.  Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral – tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.  Batayang Konseptwal/Teoretikal – ipinaliwanag ni Kerlinger na ang teoretikal/ konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.  Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralan – inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at kalian ito gagawin. Ipinaliwanag nina Sevilla atbp. na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng pagsisiyasat na makaiimpluwensya sa resulta ng pag-aaral na maaaring makasama subalit di na ito kontrolado ng mananaliksik.  Kahulugan ng mga Katawagan – may dalawang paraan.  Konseptwal na Pagpapakahulugan – (ayon kina Sevilla atbp.) matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.
  3. 3.  Operasyonal na Pagpapakahulugan – (ayon kay Kerlinger) eksperimental at nasusukat. • MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Pamantayan sa paghahanap ng mga datos na kailangan sa pananaliksik:  Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.  Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.  Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon sa paksa. • PAMAMARAAN  Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disensyo o metodolohiya sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historikal o kaya’y eksperimental. Ipinapakita rin dito ang paraan ng pagkuha ng datos gaya ng pagbuo ng talatanungan, pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid o case study. • PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS  Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik. • PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDAYON  Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang ang mga mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilahad ang konklusyon sa pag-aaral na ginawa.MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PANANALIKSIK • PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA – dapat isaalang-alang ng mananaliksik na makatutulong ang paksang mapipiling pag-aaralan. Ayon kina Atienza atbp., mahalaga na sa simula pa lamang ay limitahan na ang napiling paksa upang hind imaging masyadong masaklaw ang pag-aaral at pagtalakay na gagawin dito. Batayan sa Paglilimita ng Paksa:  Panahon  Edad  Kasarian  Pangkat na Kinabibilangan  Anyo/Uri  Perspektibo  Lugar • PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYON • GAMIT NG DOKUMENTASYON  Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon  Paglalatag ng katotohanan ng ebidensya  Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel  Pagpapalawig ng ideya  Content notes – talang pangnilalaman  Informational notes – talang impormasyonal Mga Sistema ng Dokumentasyon  Footnote-bibliography (Sistemang talababa-bibliograpiya) – karaniwang ginagamit sa larangan ng humanidades at agham panlipunan. Pansining mabuti ang mga ss:  Paglalagay ng superscript – Ang superscript ay isang nakaangat na numerong Arabiko. Inilalagay ito pagkatapos ng salita, grupo ng salita, pangungusap o taltang naglalaman ng hinalaw na ideya o nais bigyang-diin.  Pagnunumero ng tala
  4. 4.  Pagbabantas  Indensyon – limang espasyo sa kaliwa, sunod ang superscript, sunod ang isang espasyo at kasunod ang mg impormasyong bibliograpikal  Unang Pagbanggit sa mga Sanggunian - ibinibigay dito ang kumpletong impormasyong ibiliograpikal. Isinasama ang mga ss: o Kumpletong pangalan ng awtor o Pamagat ng aklat o Editor/Tagasalin o Edisyon o Bilang ng tomo o Lungsod o bansa ng publikasyon o Tagapaglimbag o Petsa ng Publikasyon o Bilang ng tiyak na tomo na ginamit o Pahina  Muling Pagbanggit sa Sanggunian o gumagamit ng mas maikling pormat: huling pangalan ng awtor at pahina o kung may dalawa o higit pang sanggunian: huling pangalan ng awtor, pinaikling pamagat at pahina o kung walang nakalagay na awtor: banggitin lamang ang pamagat ng aklat/artikulo at pahina o kung mahigit sa isang awtor: banggitin ang hanggang 3 pangalan ng awtor. Kung may higit sa tatlong awtor: banggitin ang unang pangalan at isunod ng et. al. o kung may mga awtor na magkatulad ang huling pangalan: banggitin ang unang pangalan o inisyal o kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may maraming tomo: isama ang bilang ng tomo na pinagkunan ng impormasyon  Pagdadaglat na Latin o Ibid – ginagamit sa magkasunod na banggit ng iisang sanggunian o Op. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang isang sanggunian ngunit hindi magkasunod o Loc. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang isang sanggunian at pahina ngunit may pumapagitnang ibang sanggunian  Tala (Endnotes) - pinagsama-sama sa katapusan ng papel. Parenthetical-reference list (Sistemang parentetikal-sanggunian) – paglalagay ng mga impormasyong bibiliograpikal sa loob ng parenthesis na nasa teksto mismo. Karaniwang ginagamit sa larangan ng agham. Pormat ng Talang Parentetikal:  Apelyido o pinaikling pamagat  Pahina Iba pang alituntunin:  Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto.  Kung higit sa isa ang awtor: banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor.  Kung may apat o higit pang awtor: banggitin lamang ang apelyido ng una at sundan ng et. al.  Kung pamagat lamang ang naibigay: banggitin ang pinaikling bersyon at pahina
  5. 5.  Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang tomo: banggitin ang tomo (tutuldok ang maghihiwalay sa tomo at pahina)  Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor: banggitin na lamang ang akda.• PAGSULAT NG BURADOR• PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK

×