• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
Pag aalaga ng mga nakababatang kapatid
 

Pag aalaga ng mga nakababatang kapatid

on

  • 1,864 views

 

Statistics

Views

Total Views
1,864
Views on SlideShare
1,864
Embed Views
0

Actions

Likes
1
Downloads
44
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Pag aalaga ng mga nakababatang kapatid Pag aalaga ng mga nakababatang kapatid Document Transcript

    • Pag-aalaga ng mga Nakababatang Kapatid
    • Pag-aalaga ng mga Nakababatang Kapatid  Maraming gawain sa tahanan na kaya mo nang gawin.  Isa na rito ang pag-aalaga sa mga nakababata mong kapatid.  Higit na magagampanan ng Nanay ang kanyang tungkulin pantahanan kung maipagkakatiwala niya sa iyo ang pag-aalaga sa kanila.  Bukod pa rito, lalo mong mauunawaan ang iyong mga nakababatang kapatid at mapapamahal sila sa iyo kung makatutulong ka sa pag- aalaga sa kanila.
    • Mga Paraan ng Pag-aalaga sa mga Nakababatang Kapatid  Ang mga bata ay likas na malikot at mausisa.  Marami ring bagay na di pa nila kayang gawin.  Dahil dito, nangangailangan sila ng wastong pagsubaybay upang di sila masaktan o mapahamak. Narito ang apat na paraan ng pag-aalaga 1. Pakikipaglaro 2. Pagpapakain 3. Pagpapatulog 4. Pagkukuwento
    • Pakikipaglaro  Ang paglalaro ay mahalaga sa batang lumalaki.  Kailangan ito ng kanyang katawan upang lumakas at tumibay ang kanyang mga kalamnan.  Nakatutulong din ito sa pag-unlad ng kanyang pag-iisip.  Mainam na paraan ito upang siya ay matuto ng wastong pakikitungo sa iba at upang matuklasan niya ang mga bagay- bagay sa kanyang paligid.
    •  Maraming uri ng laro ang maaari ninyong laruin ng iyong nakababatang kapatid.  Ang mga laro ay dapat maging angkop sa kanyang gulang at kakayahan.  Isipin mo kung anong uri ng laro ang iyong kinawiwilihan noong kasinggulang mo siya. Paalala 1. Humanap ng tiyak at ligtas na lugar, tulad ng bakuran na mapaglalaruan ng mg bata. 2. Alamin kung nasaan at kung ano ang ginagawa ng nakababatang kapatid sa lahat ng oras.
    • 3. Bigyan ang mga bata ng laruan na kawiwilihan nila. 4. Turuan ang mga nakababatang kapatid kung paano pangalagaan ang kanilang mga laruan at kung paano ililigpit ang mga ito kapag tapos nang maglaro. 5. Patnubayan ang mga batang naglalaro sa kanilang gawain. Kailangan nila ang iba’t-ibang uri ng laro upang di sila mainip at mabalisa. Ang ilan sa mga laro ay: o takbuhan o taguan o mga reley o larong bola
    • takbuhan taguan larong bola mga reley
    • Pagpapakain  Kailangan ng mga bata ang wasto at sapat na pagkain upang sila ay lumaki.  Maraming magandang kaugalian ang dapat na ituro sa nakababatang kapatid kapag siya ay kumakain. 1. Magtakda ng regular na oras ng pagkain. Isali ang bata sa hapag- kainan kapag kumakain ang mag- anak, Bigyan siya ng upuan na may katamtamang taas upang maabot niya ang pagkain.
    • 2. Sikapin na maging kasiya-siya ang oras ng pagkain. Iwasan ang pamimilit, pagmamakaawa, panunuyo, o pananakot sa nakababatang kapatid kung siya ay kumakain. 3. Maglaan ng sariling plato, tasa, baso, kutsarita, at tinidor para sa bata. Makabubuti kung ito ay yari sa plastik upang di mabasag. 4. Huwag pakainin kaagad ang batang pagod sa paglalaro. Ang batang galing sa pag-iyak dahil nasaktan, natakot, o kaya’y nagalit ay di rin dapat piliting kumain. Karaniwang walang gana sa pagkain ang batang wala sa normal na kondisyon ang katawan.
    • 5. Lagyan lamang ng sapat na pagkaing kayang ubusin ng bata ang kanyang plato. Bigyan na lamang siyang muli kapag naubos na niya ito at gusto pa niyang kumain. Makakakain ng wasto at maayos ang bata kung hindi puno ang kanyang plato. 6. Bigyan ng sapat na panahon Upang makatapos kumain ang bata. Huwag siyang kagalitan kapag nagkalat siya ng pagkain sa mesa. Purihin naman siya tuwing napananatili niyang malinis ang lugar na kanyang kinainan. 7. Turuan ang bata ng mabuting pag-uugali sa hapag-kainan. Sabihin sa kanya na dapat maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
    • Sabihin din na sapat na dami lamang ng pagkain ang dapat isubo at di dapat gumawa ng ingay at magsalita kapag may laman ang bibig. Ipaalala rin na dapat maging tahimik sa paggamit ng mga kubyertos. Sabihin na dapat maging magalang sa pagpapaabot ng nais na pagkain. Pagpapatulog  Kailangan ng mga nakababatang kapatid ang sapat na oras ng pagtulog at pahinga dahil sa sila ay lumalaki.
    • 1. Patulugin ang mga bata sa regular na oras. Kailangan ng mga batang mula dalawa hanggang anim na taon ang 14~15 oras na pagtulog araw- araw. Paidlipin ang mga bata ng 2 o 3 oras matapos kumain ng tanghalian upang mabawi ang lakas na ginamit nila sa paglalaro at sa pagsasagawa ng iba pang gawain. 2. Linisin ang buong katawan ng mga bata bago sila matulog sa gabi. Punasan sila ng malinis na bimpo at palitan ang kanilang damit ng malinis at maluwang na damit pantulog.
    • 3. Sanayin ang mga bata na matulog nang nag-iisa upang lalong maging mahimbing ang pagtulog nila. Patulugin sila sa lugar na maluwag, may sapat na bentilasyon, malinis na kagamitan sa kama, at katamtamang liwanag. 4. Huwag pilitin ang mga batang matulog sa pamamagitan ng pananakot. Hayaan silang magkaroon ng kaugaliang magandang gawin bago matulog tulad ng pagkukuwento upang ihanda sila sa wasto at maayos na pagtulog.
    • Pagkukuwento  Ang pagkukuwento sa mga nakababatang kapatid ay isang mainam na paraan upang sila ay malibang.  Ito ay maaaring gawin kapag pagod na ang mga bata sa paglalaro o bago sila matulog.  Kinaggigiliwan ng mga bata ang makinig sa iba’t-ibang uri ng kuwento. 1. Pumili ng mga kuwento na simple, maikli, at kapupulutan ng magagandang aral. Ang mga kuwento ay maaaring tungkol sa
    • mga engkantada, nagsasalitang mga hayop at bagay, o ordinaryong mga bata na tulad nila. Kagigiliwan din nila ang mga kuwentong-bayan, alamat, pabula, at mga kuwentong tungkol sa mga lugar na di pa nila nararating at sa mga taong nakatira roon. 2. Bigyan-buhay ang mga kuwento sa pamamagitan ng paggawa ng mga aksiyon habang nagkukuwento. Kung may aklat na binabasa habang nagkukuwento, bigyang-buhay ito sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga larawan sa aklat at sa pagpapalit-palit ng sariling boses ayon sa hinihingi ng mga tauhan sa kuwento.
    • 3. Magtanong sa mga bata tungkol sa kuwentong binasa o isinalaysay upang malaman kung ito ay kanilang naintindihan. Bigyang-diin ang magandang aral na nais ituro sa mga bata at ganyakin sila na sundin ito. Pagtuturo ng Magagandang Kaugalian  Ang mga nakababatang kapatid ay natututo ng iba’t- ibang gawi sa pamamagitan ng paggaya sa iba.  Ang asal at gawi ng mga bata ay nagpapakita ng iba’t-ibang kaugalian ng mag-anak.
    • 1. Makinig sa mga habilin ng Nanay tungkol sa pag-aalaga ng mga kapatid at sunding mabuti ang mga ito. 2. Tulungan ang mga bata sa mga pang-araw-araw na gawain nila tulad ng paglilinis ng katawan, pagbibihis, pagtulog, at pagkain. Unti-unti silang sanayin na gawin ang mga ito nang nag-iisa. 3. Purihin ang mga bata kapag wasto at maayos ang knilang mga ginagawa. Ito ay magpapasigla at magpapalakas sa kanilang loob upang matuto sila ng iba pang mga gawain.
    • 4. Magpakita ng kawilihan at kasiyahan habang inaalagaan ang mga bata. Maging matiyaga, mabait, maunawain, at magiliw sa kanila. Iwasan ang pagsigaw at pag-uutos nang walang katwiran. 5. Huwag tuksuhin at pagtawanan ang mga bata kung sila ay nagkakamali upang di sila umiyak at magmaktol. Marahang ipaliwanag ang kanilang pagkakamali at ituro sa kanila kung ano ang tamang gawin. 6. Bigyan ang mga bata ng konsiderasyon ngunit huwag naman silang pamihasahin.
    • Naipakita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa mga nakababata mong kapatid kapag sila ay nabibigyan mo ng wastong pagsubaybay at pag-aalaga. Mga tulong sa Pag-aaral A. Sagutin Natin 1. Bakit kailangan mong tumulong sa pag-aalaga sa nakababata mong kapatid? 2. Anu-anong paraan ang kaya mo nang gawin sa pag- aalaga sa nakababata mong kapatid? 3. Bakit mahalaga ang paglalaro sa mga bata?
    • 4. Anu-anong bagay ang kinakailangan upang maging mahimbing ang pagtulog ng nakababata mong kapatid? 5. Paano mo ituturo ang magagandang kaugalian sa nakababata mong kapatid? Magbigay ng mga halimbawa. B. Gawin Natin 1. Ilista ang mga bagay sa inyong tahanan na maaaring maging sanhi ng sakuna sa mga nakababatang kapatid. Talakayin kung ano ang dapat gawin upang maiwasan ang aksidente.
    • 2. Humanap ng mga kuwento na kinagigiliwan ng mga nakababatang kapatid at ikuwento ang mga ito sa kanila. 3. Magdula-dulaan tungkol sa mga paraan ng pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid. Ipakita sa dula- dulaan ang mga mungkahing gawain na tinalakay sa aralin. 4. Humanap ng mga patapong bagay na maaaring gawing laruan para sa mga bata. Tiyaking malinis at ligtas itong gamitin ng mga nakababatang kapatid.
    • 5. Mag-isip ng mga larong maaaring laruin ng mga nakababatang kapatid. Ituro sa kanila kung paano ito laruin. WAKAS Aubrey Joyce B. Coronico IV - Love