• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
TMA 2
 

TMA 2

on

  • 1,758 views

 

Statistics

Views

Total Views
1,758
Views on SlideShare
1,758
Embed Views
0

Actions

Likes
0
Downloads
3
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft Word

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    TMA 2 TMA 2 Document Transcript

    • Jay Zion C. Guillermo EDUC 2802012-82999 TMA 2I. Ang Aking mga Layunin na Matutunan Ang bawat indibidwal ay natatangi at walang dalawang tao ang hustong magkatulad.Kabilang na dito ang dalawang guro na aking nasubaybayan sa loob ng tatlong linggo. Itomarahil ay dahilan sa iba‟t ibang aspeto ng buhay na humulma at patuloy na humuhulma sakanila, kabilang na diyan ang kanilang edad, mga karanasan sa buhay, kasanayan at talinomula sa kanilang pinanggalingang paaralan, at maging ang kanilang mga paniniwala at mithiingpinanghahawakan. Dahilan sa ang dalawang guro na ito ay magkaiba – isang baguhan at isang eksperto,ako bilang estudyanteng guro ay may matututuhan mula sa bawat isa. Nais kung malaman angkanilang pagkakaiba; ang isang baguhan na nakararanas sa unang pagkakataon ng aktual napagtuturo at isang tinaguriang “eksperto” na subok na ng ilang taon sa kanyang propesyonbilang guro. Mula sa pagsubaybay sa dalawang guro ay nais kong malaman ang kaibahan ng bawatisa. Una, sa pagpapatupad ng disiplina sa klase. Paano kaya nila mapapanatiling tahimik atmaayos ang mga bata upang maging angkop sa pag-aaral? Ikalawa, sa mga paraan ng paglipatng kaalaman sa mga mag-aaral. Anu-ano ang mga paraan at mga bagay-bagay ang kanilangisinasakatuparan at ginagamit upang tiyak na matuto ang kanilang mga mag-aaral? Ikatlo,paano haharapin ng isang guro ang mga situwasyon na karaniwang nangyayari sa loob ng silid-aralan at kailangan niyang bigyan ng solusyon. Mas lamang kaya ang mga paraan na subok nang panahon? O „di naman kaya‟y mas liyamado ang pamamaraan ng makabagong guro? Atnawa, mula sa mga pagsubaybay na ito ay makakukuha ako ng mga hakbang sa paghawak ngklase, mapa-unlad ang aking kaisipan sa mga paraan sa paglinang ng kaalaman ng aking mgamag-aaral sa hinaharap, at matuto mula sa mga paraan kung paano nila solusyunan ang mgaproblema na karaniwang balakid sa pagkatuto sa klase. 1
    • II. Ang Aking mga Obserbasyon Ating tunghayan ang aking pagsubaybay sa klase ng dalawang guro.A. Baguhang Guro Si Enid Bernice Mari D. Wag-e, ay isang kababata at isa sa mga kalaro at kaedad ngaking nakababatang kapatid kaya kami ay pamilyar na sa isa‟t-isa. Siya ay nagtapos ng kursongAB Education - General Science sa Northern Luzon Adventist College (NLAC) sa Sison,Pangasinan. Ito ang una niyang trabaho at pagsabak sa propesyon ng pagtuturo bilang bagonggraduate. Maliban sa pagiging patnubay na guro ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang, siya rinay naatasan na magturo sa asignaturang Science mula sa ikatlong baitang hanggang ikapitongbaitang ng Rosales Wesleyan Academy (RWA). Ang kanyang ina na isa ring guro ang kanyangnaging inspirasyon upang maging isang guro. Marahil ay alam niyang kilala na ako ng mga mag-aaral sa ika-apat na baitang kaya akoay inalalayan na lamang niya na umupo sa isang silya sa isang sulok ng silid-aralan.Pagkatapos bumati ng mga mag-aaral sa kanilang guro at sa akin ay sinundan ito ng isangpanalangin na pinamunuan ng isang mag-aaral na nakatakda sa araw na iyon. Sinimulan niTeacher Enid, ang tawag ng kanyang mag-aaral sa ating baguhang guro, ang klase sapagbabalik-tanaw sa nakaraang leksiyon. Lagi niyang hawak-hawak ang kanyang aklat habangnagtuturo. Sa maikling panahon ng aking pagsubaybay sa kanya ay hindi ko siya nakitanggumamit ng visual aids bagkus ang mga ilustrasyon o larawan sa aklat ang kaniyang ginagamit.Sa kalagitnaan ng klase ay may mag-aaral na nagpaalam sa kanya upang gumamit ngpalikuran at kanya itong pinayagan, at nasundan pa ito ng dalawa pang mag-aaral. Kapagnapapansin niyang umiingay na ang klase nagsasabi siya ng “Quiet!” upang sila ay tumahimik.Binibigyan din niya ng atensiyon ang mga mag-aaral upang tumahimik. Nagbigay si TeacherEnid ng isang aktibidad pampangkat na kaugnay ng kanilang aralin upang mahikayat ang lahatng mag-aaral na sumali at upang umayos ang klase. Bago magtapos ang bawat klase aybinibigay niya ang buod ng aralin sa pamamagitan ng pagtatanong. Kanyang tinatawag angpangalan ng kanyang mag-aaral upang sumagot sa tanong subalit kadalasan ay sabay-sabaytulad ng pangkat na manganganta sa simbahan kung sumagot sa tanong ang kanyang mgamag-aaral. Isang umaga, ang kanyang klase ay nagkaroon ng maikling pagsusulit. Sinimulan munanila ito sa pagbabalik-aral. Tulad ng kinagawian, ang mga mag-aaral ay sabay-sabay kungsumagot at karaniwan ay kanilang binabasa ang mga sagot buhat sa aklat, lalo na kapag hindisila sigurado o „di kaya‟y mahaba ang kanilang isasagot. Matapos ang maikling balik-aral aypanahon na para sa pagsusulit, isinulat ni Teacher Enid ang mga tanong sa pisara, “copy and 2
    • answer” wika nga sa salitang Ingles, at ang kanyang mga mag-aaral ay kumopya na sakanilang mga kwaderno. Karamihan sa mga mag-aaral ay tahimik na kumukopya ng mgatanong at sumasagot subalit may maririnig ka pa ring mga bulungan at bungisngis lalo na samga nakaupo sa likuran. Nang nasa ikalawang bahagi na siya ng pagsasanay ay may mag-aaral na nagsabi ng, “Ang dami naman.” Dahilan siguro sa pagkabagot, ang ilan sa mga mag-aaral na tapos nang sumagot ay gumagawa na ng mga bagay na nagdudulot ng ingay sa klasetulad ng pagpito, pag-awit at pagkikipag-usap sa katabi. At sa ikalawang pagkakataon aynarinig ko ang salitang “Quiet!” mula sa kanilang guro. Pagkatapos makasagot ang lahat sila aynagpalitan na ng papel upang itama ang mga sagot ng kanilang kamag-aral. Sa pagbibigay ngtamang sagot ay muli kung narinig ang koro ng kanyang mga mag-aaral. Pagkatapos ngpagtatama ng papel ay agad na inilista ni Teacher Enid ang mga puntos na nakuha ng bawatisa at natapos ang klase sa pagkolekta niya ng mga takdang-aralin ng mga mag-aaral. Minsan ay nagkaroon ng hands-on activity ang mga mag-aaral ni Teacher Enid tungkolsa pagbibigay ng pangunang lunas sa mga nabalian sa buto. Mayroong mga mag-aaral na hindinakadala ng mga kagamitan para sa aktibidad na iyon kaya pinagpareha na niya ang mga maydala sa ibang hindi nakadala ng kagamitan upang makagamit ang lahat. Sa pagbibigay ngpanuto ni Teacher Enid ay nagsisimula nang mag-ingay ang mga mag-aaral dahil sa kanilangpagkasigla. Upang ipakita ang mga paraan ng pagbibigay ng pangunang lunas ay lumapit nalamang si Teacher Enid sa bawat magkapareha para lalo niya silang matutukan kung tama angkanilang ginagawa. Isang araw bago ang bawat pagsusulit sa RWA ay nabibigyan ng pagkakataon namagkaroon ng mga aktibidad para sa pagbabalik-aral ang mga mag-aaral at karaniwan ito ay sapamamagitan ng laro o “play review”. Dahilan sa dati nang ginagawa ng mga mag-aaral angganito sila na ang nagpakilala kay Teacher Enid kung papaano ito gawin. May mgapagkakataon na may naiwan si Teacher Enid sa faculty room at kailangan niya itong kunin,nang siya ay lumabas, naglaro ang mga “daga”.B. Ekspertong Guro Nang aking tinanong ang punong-guro ng RWA na si Binibining Demie B. Barbo kungsino ang mairerekomenda niya na aking susubaybayan para sa ekspertong guro ay hindi nasiya nagdalawang-isip na bigkasin ang pangalan ni Teacher Rachel. Si Ginang Rachel B.Macalanda ay may walong taon nang nagsisilbi bilang guro, at pitong taon doon ay kanyanginilagi sa RWA. Siya ay nagtapos sa University of the Cordilleras sa Benguet. Siya rin ay 3
    • pamilyar sa akin dahil siya at ang kanyang kabiyak ay inaanak sa kasal ng aking mgamagulang. Sa unang pagkakataon na pumasok ako sa klase ni Teacher Rachel, ay sinalubong akong gurong nakauniporme at may ngiti sa mga labi. Pagkatapos akong batiin ng kanyang mgamag-aaral sa ikalimang baitang ay ipinakilala niya ako at ipinaliwanag ang dahilan kung bakitako naroroon sa kanilang klase. Sa kadahilanang Ingles ang kanyang asignaturang itinuturo,ang wikang ito rin ang kanyang gamit gayundin ng kanyang mga mag-aaral. Napakatatasniyang magsalita sa Ingles at sa kanyang katamtamang lakas ng boses na nagpapakita ngkanyang kapangyarihan sa klase ay tahimik na nakikinig ang kanyang mga mag-aaral. Katuladdin ng kay Teacher Enid, ay nagsimula rin ang klase sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sanakalipas na aralin. Isa-isa niyang tinatawag ang pangalan ng kanyang mga mag-aaral upangsumagot sa tanong. Kung sakaling hindi maibigay ng mag-aaral ang tamang sagot aymagtataas ng kamay ang mga batang may alam ng sagot. Ang mag-aaral na kanyang tinawaglamang ang sasagot sa tanong. Sa pag-aaral ng leksyon ay nagbibigay siya ng mga halimbawanang mga pangyayari sa totoong buhay upang mas madaling maunawaan ito ng mga mag-aaral. Isinasama rin niya ang mga bersikulo mula sa Biblya na may kaugnayan sa leksyon.Upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral ay nagbibigay siya ng gawain o “seatwork”na matatagpuan sa aklat ng mga mag-aaral. Pagkatapos niyang ipaliwanag ang mga panuto aykanyang sinasagot ang mga paglilinaw at mga katanungan ng kanyang mga mag-aaral. Habangtahimik na sumasagot ang kanyang mga mag-aaral ay inihahanda na niya ang susunod nagawain sa pisara. Pagkatapos nito ay nilalapitan niya isa-isa ang mga bata upang tignan angpagsulong ng kanilang mga ginagawa. Dahilan sa hindi na sapat ang oras upang itama angmga sagot ng mga mag-aaral ay ipinakolekta na lamang niya ang mga aklat nila sa maayos naparaan. Sa sumunod na araw ay kanilang itinama ang mga sagot sa "seatwork” nila kahapon.Ang pagpapalit ng mga aklat upang itama at pagbabalik nito sa may-ari ay mayroong sinusunodna sistema upang maayos itong maisakatuparan. Ang mga mag-aaral ang babasa atmagbibigay ng sagot isa-isa at kapag may mga bagay na kailangan ng paliwanag ito ay linilinawni Teacher Rachel. Muli ay nagkaroon ng balik-aral ang mga mag-aaral ni Teacher Rachel bagoang kanilang bagong aralin subalit sa panahong ito ay sa pamamagitan naman ng laro. Sapisara ay nakasulat na ang balangkas ng kanilang aralin para sa umagang iyon. Ang paggamitng komedya at pagtawag sa pangalan ng mga mag-aaral na tila nababagot na ay ilan sa mgaparaan na ginagamit ni Teacher Rachel upang mabaling ang atensiyon ng kanyang mga mag-aaral. May isang pagkakataon kung saan ang kanyang mga mag-aaral ay hindi masagot ang 4
    • kanyang itinanong kaya siya ay nagbiro at nagsabing, “I am very dead!” at kanyangipinaliwanag na, “The quality of a teacher is reflected on the performance of her pupils.” Subalitang mga mag-aaral na nakapagbibigay ng tamang sagot sa mga tanong na may kahirapan aybinibigyan ng pagpuri ni Teacher Rachel, katulad ng pagbibigay ng klase ng “amazing clap”. Nasaksihan ko rin kung paano magbalik-aral ng mga leksyon sa klase ni TeacherRachel bago ang pagsusulit. Namangha ako dahil parang bagong aralin ang mga ito nangkanyang ituro. Hindi siya gumamit ng libro o ano man upang basahin subalit galing lamang sakanyang kaisipan ang kanyang sinusulat sa pisara sa pagbabalik-aral ng mga leksyon. Angmga aralin ng ilang linggo ay binuod na parang bagong aralin. Ito ang mga pili at pinakamahalagang kaganapan sa pagsubaybay ko sa dalawang gurosa loob ng tatlong linggo. 5
    • III. Mga AnalisisA. Baguhang Guro Ayon kina Dr. Mark at Dr. Pam Littleton ng Tarleton State University, "Hindi makatwiranna asahan sa mga paghahandang programa para sa mga guro na magkaroon ng produktongmahusay kapag ang mga guro ay may kakaunti o wala pang karanasan sa silid-aralan. Dagdagpa nila, “Dapat maunawaan na ang kahusayan ay isang proseso. Sinuman na sumubaybay saunang taon ng isang guro ay maaaring may matukoy na mga kaganapan, pangyayari, at mgamakabagong pamamaraan na humuhubog sa guro. Ang “paghubog” o pag-unlad na ito, na unti-unting nangyayari, sa pamamagitan ng karanasan, at sinamahan pa ng mga pighati atpagsubok sa buhay. Lahat ng ito ay mahalaga, kung hindi kinakailangan, sa pag-unlad ng mgaguro at kasunod nito ang paglitaw ng kahusayan. " Sa tulong ng mga pag-aaral ating isa-isahin ang mga aspeto na aking nasubaybayan. Una, sa pagpapatupad ng disiplina. Maliban sa pagtawag sa atensiyon ng mga mag-aaral na nag-iingay, si Teacher Enid ay nagsasabi din ng “Quiet!” upang tumahimik angkanyang klase. Ayon pa sa mga Littleton, karaniwan sa klase ang problema sa disiplina. Angkawalan ng kakayahan upang panatilihin ang atensyon ng mga mag-aaral, kabiguan upanggamitin ang "boses ng guro," at mahinang pamamahala ng silid-aralan ay lalong nanghihikayatsa pagloloko ng mga mag-aaral sa silid-aralan. Nakalulungkot isipin na upang mabawasan angproblema, ang kawalan ng kakayahan ng baguhang guro sa pamamahala ng disiplina sa klaseay lalong nakadaragdag sa pagloloko ng mga mag-aaral. Sunod naman ay sa paraan ng pagtuturo. Ihahambing ko sa dalawang kategorya angparaan ng pagtuturo ng ating baguhang guro. Una, dahilan sa pagbibigay niya ng lektura nabase sa libro inilalarawan niya ang Formal Authority na laging nakatuon sa nilalaman ngkurikulum at ang mga mag-aaral ay inaasahang tumanggap ng mga aralin, ayon sa website namembers.shaw.ca. Ikalawa, marahil sa pagbibigay ng marahan na disiplina kaya siya aygumagamit din ng Permissive Style of Teaching ayon naman yan kina Dr. Phelan at Sarah JaneSchonour. Ayon sa pag-aaral ni Kathryn Brillinger, narito ang ilan sa mga gawi ng isang baguhangguro sa pagtuturo: nananatili sa banghay-aralin, ang direktang pagtuturo ng mga item mula sakurikulum, ang hindi maingat na pagtuturo ng daloy ng mga nilalaman, sinusubukang masakopang mas maraming kurikulum hanggat maaari, kakulangan sa estratehiya para ihayag angkaalamang natutunan na ng kanilang mga mag-aaral at kung sakali na gawin nila nang hindisinasadya, ay mabubunyag ang isang hindi inaasahang kakulangan sa bagong kaalamang hindinila inaangkop sa kanilang pagtuturo. Ang mga baguhan na guro ay gumagamit ng mga 6
    • aktibidad pagtatasa o “preassessment activities” upang magkaroon ng kamalayan ang mgamag-aaral sa kung ano ang hindi pa nila alam, sa paniniwalang ito ay maaaring umudyok sakanila upang matuto ng mga bagong impormasyon. Kumpara sa isang dalubhasang guro, naginagamit ang mga aktibidad pagtatasa upang ipakita sa mga mag-aaral kung ano na ang alamnila, samakatuwid sila ay tiyak na nasanay nang mabuti sa kung ano pa ang darating na mgakaalaman sa susunod. Ikatlo, ang mga baguhang guro ay nagsagawa ng ibat-ibang mga gawain pangsilid-aralan. Samakatuwid, naipapakita nila ang pagsasanay na nakuha nila sa panahong pre-servicesa silid-aralan. Bukod dito, ito rin ay maaaring mula sa kalidad ng pagsasanay na nakuha nilasa panahong pre-service (Linn et al. 2002). Ang mga baguhang guro ay madalas na gumagamitng mga pamamaraan, mahalagang gawain sa pamamahala ng silid-aralan, tulad ng"pagpapaalala sa mga tuntuning silid-aralan", "pasalita na pagbibigay ng babala," at "pagbibigayng positibong panghimok" (Ozder 2011). Maaaring ang mga pamamaraan ng pamamahala niTeacher Enid sa kanyang klase ay impluwensiya ng kanyang mga natutunan sa panahong pre-service. Subalit hindi natatapos sa pagbunyag sa kahinaan ng baguhang guro ang mga pag-aaral. Narito ang ilang mga suhestiyon ng mga Littleton upang lalong mapabuti ang kanyangkalagayan. Una, mahalaga na magkaroon ng isang nakatalaga na beteranong guro sa loob ngpaaralan bilang isang tagapayo sa bagong guro. Ang taong ito ay maaaring sagutin ang mgakatanungan at maging suporta ng mga bagong guro sa panahon ng kahirapan. Ang isa pangmahalagang papel na ginagampanan ng mga beteranong guro ay upang matulungan ang mgabagong guro na lumago bilang isang propesyonal sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mgaideya at paminsan-minsan, kapag kinakailangan na, nagbibigay ng isang mahina na "sipa salikuran" upang matulungan ang mga bagong guro na maalis ang mahinang saloobin. Gayundin, ang mga mapagkukunan tulad ng Survival Kit for New Teachers at iba pangmga praktikal na gabay para sa mga nagsisimulang nagtuturo ay nagbibigay ng tulong sapamamagitan ng pagbabahagi ng mga "tricks of the trade" pati na rin mga babasahin tungkol samga estratehiya sa epektibong pagtuturo. Ang mga ito ay madalas na nagbibigay ng isangmapagkukunan ng praktikal na payo upang matulungan ang mga bagong guro kung sakalingwala ang tagapayo. Ipinapalagay ng mga Littleton na mas mabilis ang kakayanang maabot at may maskaunting pinsalang emosyonal kapag ang mga administrador at mga kasamahan ay natatantoang mga affective na pangangailangan ng baguhan. Ang pagpapa-unlad ng mga kawani at mga 7
    • programa tulad ng mga peer coaching na binubuo ay maaaring maging malaking tulong sa mgabaguhang guro. Ang mga programa sa paghahanda sa mga guro ay hindi sapat upang magbigay ngmga karanasan na ito, hindi rin dapat sila asahan na makapagbibigay nito. Ang pag-unlad ngguro ay isang panghabambuhay na proseso na nangangailangan ng isang dedikadongpagsusumikap mula sa mga unibersidad, mga administrador ng paaralan, at mga kasamahan. Ang proseso ng pag-aaral upang magturo ay masalimuot at ang mga baguhan aylimitado sa pamamagitan ng kanilang kakulangan ng mga karanasan bilang guro atsamakatuwid ay mayroong limitadong balangkas sa mga nangyayari sa kanilang silid-aralan.Isang pananaliksik tungkol sa pag-aaral upang magturo ay nagsabi na, "ang kadalubhasaan atmga karanasan ay hindi magkapareho, ngunit ... ang karanasan ay kinakailangan na bahagi ngkadalubhasaan" (Rich at Almozlino, 1999).B. Ekspertong Guro Ano ba ang batayan ng pagiging ekspertong guro? Ayon sa isang pagsusuri nina Ericson at Lehmann (1996), ang kadalubhasaan sa iba‟t-ibang domain (halimbawa, matematika, musika, chess, edukasyong pisikal) ay sinisiyasat sapamamagitan ng lente ng mga likas na kakayahan (talento), ang mga taon ng pag-aaral saisang domain (karanasan) at kaalaman, kabilang ang mga schema at memorya (katalusan).Habang ang karanasan ay maaaring mapabuti ang mga perceptual na kakayahan, tulad ngnakita sa pag-aaral nina Standley at Madsen (1991), ang iba pang pamantayan ay dapat nakasama para sa isang tumpak na pagkakakilanlan ng mga dalubhasang guro. Ang karamihanng mga pag-aaral ay nagsasabi na ginagamit ang karanasan bilang kadahilanan ngunittumitingin din sa pinabuting tagumpay ng mga mag-aaral (Leinhardt at Greeno, 1986) at/o mgarekomendasyon ng superbisor (Borko at Livingston, 1989; Clarridge at Berliner, 1991; Swansonet. al., 1990) upang tukuyin ang mga populasyon ng dalubhasang guro. Sa tulong ng mga pag-aaral ating isa-isahin ang mga aspeto na aking nasubaybayan. Katulad ni Teacher Enid, tinatawag din ni Teacher Rachel ang atensiyon ng mga mag-aaral na nag-iingay, at nagsasabi din siya ng “Shhh!” upang tumahimik ang kanyang klasesubalit sa mas madalang na pagkakataon lamang. Ayon nga kina Dr. Mark at Pam Littleton, angekspertong guro ay may mas kaunting problema sa disiplina. Ayon pa sa ibang mga pag-aaral(Clarridge at Berliner, 1991; Swanson et. al., 1990), isang epektibong solusyon sa problema sadisiplina ang madalas na pagsama ng mga istruktural na pagbabago sa silid-aralan, natumututok sa pisikal na kaayusan at paggawa ng mga pagbabago kapag kinakailangan(halimbawa, binabago ang ayos ng pag-upo, ang mga babala sa kahihinatnan para sa mga di- 8
    • wastong kaugalian). Inaasahan at naiiwasan na ng dalubhasang guro ang mga kaguluhan sakanyang klase mula sa malawak na kaalaman sa nagaganap na ito (Cellier et. al., 1997) at dahilsa kanilang pagtugon sa mga mag-aaral, ang mga eksperto ay maaaring makita kapag angmga bata ay wala ng interes at hindi na nakauunawa (Hattie, 2003), na siyang maaring dahilanng pagtawag sa atensiyon ng mga mag-aaral ni Teacher Rachel. Sa aking pananaw, si Teacher Rachel ay nabibilang sa mga guro na gumagamit ng istilona Authoritative Teaching. Makikita ito sa pagkakaroon niya ng maayos na silid-aralan atmatatag na disiplina. Ang kanyang paggamit ng mga halimbawa na hango sa mga araw-araw na karanasansa buhay ng mga mag-aaral sa pagtalakay ay upang magkaroon ng bahagyang mga paliwanagbilang kanilang pangunahing batayan para sa paunang kaalaman (Meyer 2004). Ang kanyangistilo sa pagbabalik-aral ng mga leksiyon na kanyang tinuro ng ilang linggo para sa parating napagsusulit at nagmumukhang bagong aralin ay nagpapakita ng kakayanan ng ekspertong gurong paggawa ng mga aralin na natatangi sa pamamagitan ng pagbabago, pagsasama-sama, atpagdaragdag ayon sa mga pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral at gayundin sakanilang mga sariling layunin (Hattie 2003). Ang pagbibigay niya ng mga halimbawa na galing sa kanyang kaalaman at hindi sa aklatay nagpapatunan sa pag-aaral nila Chase at Simon (1973) at Chi et. al. (1981), na ang mgaekspertong guro ay mas mahusay gumanap kaysa sa mga baguhan, mas nagagawa nila ito sakaunting pagsisikap lamang. Nakakamit nila ito dahil ang kanilang mga kasanayan ay naging“awtomatiko” dahil sa malawak na pagsasanay maaaring i-automate ng mga dalubhasang guroang mga pangkaraniwang gawain o “well-learned routines.” Ayon kina Housner at Griffey(1985), ang mga eksperto ay maaring makapagbigay ng mas malaking bilang ng mgaadaptasyon na maaaring gamitin kung kanilang napag-alaman na ang kakayahan ng isangmag-aaral ay hindi tumugma sa aralin o sa mga layunin ng aralin ay nakikilala bago pa mataposang oras ng klase. Sila rin ay may pagmamalasakit sa pag-unawa ng mag-aaral at gumagamitng ibat-ibang mga estratehiya upang tulungan ang mga indibidwal na nakararanas ngkahirapan. Nasaksihan ko ito sa kanyang pagbibigay ng mga pagpipilian sa pisara, pagbabalik-aral sa mga nakaraang aralin at paggamit ng mga halimbawa upang mas maunawaan ng mgamag-aaral ang isang aralin. Narito pa ang ilang mga pag-aaral tungkol sa ekspertong guro. Ayon kina Clemont et. al.(1994), kung may kakulangan sa pag-unawa, ang eksperto ay gumamit ng ibat-ibang mgaalternatibong mga paliwanag samantalang ang kakayahan na ito ay hindi pa natatamo ng mgabaguhan. Sa pag-aaral naman nila Broko at Livingston (1989), ang mga eksperto ay mas 9
    • mahusay na handa upang sagutin ang mga katanungan ng mag-aaral sa pamamagitan ngpaggamit ng mga tiyak na halimbawa upang ipaliwanag ang mga konsepto at nagagawa itoupang makamit ang isang balanseng talakayan sa pagitan ng mag-aaral at guro. Ang mga eksperto ay may mahusay na basehan sa kaalaman at organisadongtumutugon sa mga panlabas at panloob na mga pahiwatig at nagpapahintulot para sa mga iba‟t-ibang paraan ng paglutas sa problema. Dahil dito, ang mga eksperto ay nagpapatuloy sakadalubhasaan at kaalaman, "sa patuloy na proseso kung saan ginagamit ang kaalaman,pagbabago, pinahusay, at naaayon sa sitwasyon" (Bereiter at Scardamalia, 1993). Angpagsasanay ng mga eksperto ay makikita bilang isang balanse sa pagitan ng pagtuturo bilangsining at pagtuturo bilang agham. Kapag sumusubaybay sa gurong dalubhasa, ang kanilangmga pagkilos at mga pakikipag-ugnayan sa silid-aralan ay may kalutusan, alam na alam nilakung ano ang gagawin o kung ano ang sasabihin (Meyer 2004). Ayon pa kay Meyer (2004), natuklasan na ang mga eksperto, sa isang bahagi, ay mayposibilidad na kumatawan sa mga problema sa paggamit ng malalim, istruktural na mga tampok(halimbawa, ang masusing analisis na kinakailangan upang malutas ang isang problema, angmga prinsipyong naaayon dito) habang ang mga baguhan ay nakatuon sa mga panlabas(halimbawa, mga katangian ng kuwento, mababaw na dahilan). Ang mga ekspertong guro aynakakuha ng mas mataas na kaalaman sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, mayroonisang organisadong katawan ng kaalaman na tumugon sa mas sensitibo at naaangkop sasitwasyon sa silid-aralan. Ang resulta, ang mga eksperto ay nakakapagturo sa mas kauntingpagsisikap lamang. Magiging dalubhasa ang mga guro sa pamamagitan ng pag-aaral mula sakaranasan, paglago sa kahusayan, sa pamamagitan ng pagbuo ng kanilang pananaw atkakayahan upang malutas ang problema. Ayon kay Kathryn Brillinger ang mga dalubhasang guro ay may mga solusyon na mascomplex kaysa baguhan. Ang mga alaala ng mga nakaraang mga karanasan ay nakaka-ambagsa kanilang pagiging dalubhasa, pabor ang karunungan at karanasan kaysa sa mga nilalaman,nagdadagdag ng mas maraming nilalaman kung saan kinakailangan/maaari, gumagamit ngmga tanong sa pagtatasa na nagbibigay-daan sa kanila upang maunawaan ang naunang pag-aaral at upang ipakita sa mga mag-aaral kung gaano na nila kaalam at kung paano kagiliw-giliwo posibleng ito ay matugunan sa kurso ng pag-aaral. 10
    • IV. Ang Aking Pagmumuni-muni Sa mga panahon na ako ay sumusulat ng aking ikalawang Tutor-Marked Assignment(TMA), ako ay nagsisimula nang magturo bilang isang estudyanteng guro. Subalit, mula saaking mga nasaksihan sa aking pagsubaybay sa dalawang guro, ako ay nagabayang mabutikung papaano ang maging isang guro. Sa ganang akin, ang baguhang guro ay makakakitaan ng mga kahinaan na maaringdahilan sa kakulangan ng karanasan sa pagtuturo subalit sa tulong ng pag-aaral: pormal (pag-aaral sa Graduate school) man o di-pormal (paglahok sa mga seminar at workshop),pagbabasa ng mga journal o literatura tungkol sa mga istratehiya sa pagtuturo, tulong mula samga administrador ng paaralang kanyang kinabibilangan, pagkakaroon ng tagapayo o mgapeer coaches at ang sariling pagnanais na umunlad sa kanyang propesyon, ang baguhang gurona humaharap sa mga pagsubok, kahirapan at pagbabago ay mahuhubog upang maging isangeksperto. Samantalang, ang isang guro na minsan rin naranasan ang mga pagsubok atkahirapan ay patuloy na tumatanggap sa mga pagbabago at hamon na patuloy na naghuhulmasa dating baguhan na ngayon ay tinagurian nang ekspertong guro. Bilang pangwakas, sa aking pagiging isang estudyanteng guro ay nais kong hanguinang apat na key principles ng behaviourist orientation to learning ayon kay James Hartley(1998): Una, ang mga aktibidad ay importante. “Learning by doing” wika nga ng isangkasabihang Ingles. Sa paghahanda ng bawat aralin ay dapat gumugol ng sapat na oras paramakahanap ng mga aktibidad na angkop sa mga mag-aaral. Makatutulong ang paggamit ngteknolohiya katulad ng internet sa paghahanap ng mga gawaing may partisipasyon ang bawatbata at gayundin ang pagkakaroon ng mga audio-visual aids upang lalong mahikayat na matutoang mga mag-aaral. Makatutulong din ang mga ito upang mas madaling ipaunawa sa kanilaang mga araling minsan ay mahirap ipaliwanag. Ang mga gawaing pangrupo ay makatutulongdin upang lalong malinang ang kanilang relasyon sa kapwa nila mag-aaral. Sa mga gawaing ito,aking inaasahan na ang mga mag-aaral ay maging masaya sa paggawa ng mga aktibidadhabang natututo kasama ang kanilang mga kaklase. Ikalawa, ang paulit-ulit na paggawa (repetition), paglalahat (generalization) at pagtatangi(discrimination) ay mga importanteng palagay. Ang pagbibigay ng mga paulit-ulit napagsasanay ay kailangan sa pagkatuto. Ang pagbabalik-aral sa mga nakaraang aralin atpagbibigay ng mga halimbawa mula sa araw-araw na karanasan ng mga mag-aaral ay naiskung hanguin mula sa dalawang guro na aking nasubaybayan ay aking gagawin sa aking klase. 11
    • Sa pamamagitan nito ay mahahasa ang kaalaman at kakayahan ng aking mga mag-aaral. Ayonnga sa isang kasabihan, “Practice makes perfect.” Ikatlo, ang pagsang-ayon ang pangunahing pangganyak (reinforcement is the cardinalmotivator). Ang pagtanggap ng isang gantimpala dahil sa mabuting ginawa ay isa sa mgakaranasan na hindi ko malilimutan sa aking buhay mag-aaral, kaya nais ko ring magbigay nggantimpala sa mga mabubuting mag-aaral katulad ng pagbibigay ng tsokolate o candy,paglalagay ng sticker o ribbon sa mga mahuhusay na output at sa mga may matataas na markasa mga pagsusulit. Ito ay upang lalong maengganyo ang mga bata na lalong pagbutihin angpag-aaral at gayundin na maimpluwensyahan ang iba na magsumikap upang makatanggap dinng gantimpala. Sa huli, hindi ito tungkol sa gantimpalang kanilang matatatanggap subalit sapagbabago sa kanilang mga ugali na maari nilang magamit sa kanilang mga nalalabing taonbilang mag-aaral o lalong mas mabuti kung sa kanilang mga personal na buhay. Panghuli, ang tiyak na layunin ay tulong sa paghulma ng kaalaman (learning is helpedwhen objectives are clear). Katulad ng lagi kong sinasabi, ang pagbibigay kaalaman sa mgabata ay kapwa oportunidad at responsibilidad. Maaring hindi lamang ang mga kaalaman angkanilang matututunan subalit nais rin nila ng pagkalinga, pagmamahal at pag-intindi sa kanila.Hindi lamang sila natututo mula sa mga aralin na ibinabahagi natin sa kanila araw-araw subalitsa kanilang mga nakikita sa atin. Sabi ng aking guro sa kolehiyo, ang pinakadahilan daw ngedukasyon ay upang maging mabuting mamamayan ng kanyang komunidad ang isangindibidwal. Subalit maging sa mga simpleng layunin ng mga aralin na isa-isang naipamumuhaysa silid-aralan ay mas lalong maging mabuting mamamayan ang aking mga mag-aaral hindilamang ng kanyang komunidad ngunit ng pandaigdigang komunidad. 12
    • Mga Sangunian Bereiter, C., & Scardamalia, M. (1993). Surpassing ourselves: an inquiry into the nature and implications of expertise. Chicago: Open Court. Borko, H., & Livingston, C. (1989) Cognition and Improvisation: Differences in mathematics instruction by expert and novice teachers. American Educational Journal, 26, 473-498. Brillinger, K. (2005) The Impact of Teacher becoming an Expert Teacher Presentation Style on Students. Cellier, F., Eyrolle, C., & Marine, C. (1997) Expertise in dynamic environments. Results of comparison between novice and expert operators in supervision of dynamic environment. Ergonomics, 40 (1),28-50. Chase, W. G., & Simon, H. A. (1973). Perception in chess. Cognitive Psychology, 4, 55- 81. Chi, M. T. H., Feltovich, P. J., & Glaser, R. (1981). Categorization and representation of physics problems by experts and novices. Cognitive Science, 5, 121-152. Clarridge, P. B., & Berliner, D. C. (1991). Perceptions of student behaviour as a function of expertise. Journal of Classroom Interaction, 26 (1), 1-8. Clermont, C. P., Borko, H., & Krajcik, J. S. (1994). Comparative study of the pedagogical content knowledge of experience and novice chemical demonstrators. Journal of Research in Science Teaching. 31 (4), 419-441. Erickson, K. A., & Lehmann, A. C. (1996). Expert and exceptional performance: Evidence of maximal adaptations to task constraints. Annual Review of Psychology, 47, 273-305. Hartley, J. (1998) Learning and Studying. A research perspective, London: Routledge. Hattie, J. (2003). Teachers make a difference. What is the research evidence? Australian Council for Educational Research Housner, L. D., & Griffey, D. C. (1985). Teacher cognition: Differences in planning and interactive decision-making between experienced and inexperienced teachers. Research Quarterly for Exercise and Sport, 56, 45-53. Leinhardt, G., & Greeno, J. G. (1986). The cognitive skill of teaching. Journal of Educational Psychology, 78 (2), 75-95. 13
    • Linn, H., Gorell, J. & Taylor, J. (2002). Influence of culture and education on US andTaiwan preservice teachers‟ efficacy beliefs. The Journal of Educational Research,96(1), 37-46.Littleton, M. & Littleton, P. The Evolution of a Teacher. www.inspiringteachers.comMeyer, H. (2004). Novice and expert teachers‟ conceptions of learners‟ prior knowledge.Wiley InterScience. 971-983Ozder, H., (2011). Self-efficacy beliefs of novice teachers and their performance inclassroom. Australian Journal of Teacher Education (36)Rich, Y., & Almozlino, M. (1999). Educational goal preferences among novice andveteran teachers of science and humanities. Teaching and Teacher Education, 15, 613-629.Schonour, P., & Schonour, S. J. Understanding the four teaching styles.Standley, J. M., & Madsen, C. K. (1991). An observation procedure of differentiateteaching experience and expertise in music education. Journal of Research in MusicEducation, 39 (1), 5-11.Swanson, H. L., O‟Connor, J. E., & Cooney, J. B. (1990). An information processinganalysis of expert and novice teacher‟s problem solving. American EducationalResearch Journal, 27(3), 533-556._________________, Teaching Style Categories. www.members.shaw.ca 14
    • BAGUHANG GURO 15
    • EKSPERTONG GURO 16