Position Paper Katinigka

1,147 views
1,042 views

Published on

Published in: Education, Technology
0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
1,147
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
20
Actions
Shares
0
Downloads
11
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Position Paper Katinigka

  1. 1. Position Paper na binasa ng KATINIGKA hinggil sa House Bill 309 (Reinstating the Mandatory ROTC in all Private and Public Colleges, Universities and Similar Learning Institutions Repealing the NSTP Law ) Gusto ko talaga ay action. Ito ang pinakamayamang kwentuhan na naranasan ko. Nag-umpisa kami sa NSTP-CWTS noon pang 2002. Di pa uso noon ang NSTP, ROTC palang, problema na namin ang patuloy na pagbaba ng kwalidad ng edukasyon ng public schools sa aming lugar. Noong 1990 isang City University (University of Caloocan City) ang binuksan sa aming lugar para sa mga mahihirap na mamayan at estudyante. Taun-taon may pumupuntang magulang sa amin para makiusap na tulungan silang i-endorso ang anak nila na makapasok sa nasabing unibersidad, hindi kasi nakapasa sa College Entrance Exam ng Universidad, graduate sila ng katabing public High School. Ang Tuition Fee ay P650.00 noon, ngayon ay P1,200 per semester. Ang katinigka po ay may scholarships program para sa mga batang nag-aaral sa mga State Univ. Inalis na po ang U.P- tumaas na kasi ang Tuition Fee rito. Nabuo ang aming grupo dahil sa palalang problemang ito sa aming lugar at batay sa mga istatistika sa boung Public Schools sa boung bansa. Ateneo ang una naming kapartner taong 2002-1st sem 100 studyante ng Ateneo. Madali kaming nakapagbuo ng mga volunteers para mag-asikaso ng programa. Hindi madali ang mga preparasyon at implementasyon. Dito nakita na kailangan nga ang CWTS-Tutorials sa aming lugar dahil sa pagtanggap ng mga magulang at mga estudyante. Isa po kami sa mga maraming local communities na nagpapasalamat sa pagkakaroon ng CWTS. Ang sa amin po CWTS-Tutorials. Pinalad din kami na ang aming kapartner na pamantasan ay ang De La Salle Univ may maayos silang programa. Alam na nating lahat ang layunin ng NSTP, ang isa sa pinakamaganda ay ang pagbibigay nito ng pagpipilian (options) sa mga estudyante na mamili ng gusto nilang daluyan para ipakita ang pag-ibig sa bansa at makapagbahagi ng kanilang kakayahan sa ating pag-unlad. Sa mga karanasan ng mga estudyanteng dumaan sa NSTP-CWTS-Tutorials. Sa simula, grades lang ang habol. Ngunit sa loob ng 7 sabadong pagpunta at pagtuturo nag-iiba na sila ng layunin. May mga pagkakataon din na hinahatid o dinadalaw sila ng magulang nila sa lugar na kanilang pinagsisilbihan, at marami ang natuwang magulang sa ginagawa ng anak nila. Ang mga beneficiaries ng programa sa aming lugar ay mga mag-aaral ng public school: Tutorial – grade 2 to 2nd year high school Ratio: 1 tutor: 2 tutees home based College Entrance Review – 3rd yr to 4th year. Naisip ito ng isang lalaking Lasalyano Formula: 13 batches X 5 ave.# section/ term X 30minimum tutor/section
  2. 2. Malaki ang naitulong ng tutorials sa mga mag-aaral ng public school: a. Ang dating ni hindi natawag sa recitation sa loob ng 1 taon – malakas na ang loob niyang magtaas ng kamay para sumagot. b. Natutong magpahalaga sa pag-aaral, na kahit kulang ang panahon ng teacher, alam na may Tutor na magtuturo sa kanya. Tutor ang tawag sa naka enroll sa CWTS-Tutorials c. Ang dating tuwing sabado na puros paglalaro, ngayon ay kailangan magsagot ng mga exercises na iniwan ng tutor. Bonus: natutong maglinis ng bahay ang mga magulang at anak tuwing Sabado. d. Nagpapasalamat din ang ng mga public school teachers sa tutorials, dahil naging aktibo daw ang mga estudyante nila na kasama sa programa. Nagpapasasalamat may katuwang na sila sa pagtuturo sa 70 estudyante niya sa classroom. Kulang ang oras at semestre para idetalye ang naparaming ganda/ kabutihan ng programa. Ano ba ang kayang ibigay ng isang 16 o 17 years old na La Salyano sa ating bansa at sa kanyang sarili? Sa aking palagay isang napakagandang daluyan ng isang 16 0 17 yrs. Old ang CWTS para makatulong sa ating bansa at matuklasan din ang kanilang mga sarili. Sana huwag matapos ang ganitong pagkakataon na binibigay sa ating mga mag-aaral sa kolehiyo, na kahit sa maiksing panahon, ay makapaglingkod sila sa kapwa, sa paraang kaya nila. Marami din Unibersidad ang di maayos ang pagpapatupad ng NSTP, pero huwag nating gawing basehan para sa lahat. Maraming mga nasa kolehiyo ang hindi pa pwede sa NSTP-CWTS walang option kundi ROTC sa school na di makatupad ng tamang programa sa CWTS.Tanging hiling namin sa lahat ng nandito, di laro ang pagpapatupad ng CWTS , napakagandang programa ito. Hindi po eleksyon ang pagpapatupad ng NSTP, hindi po ito bolahan. Bilang kumakatawan at tagapagsalita ng aming samahan at mga daang magulang na tumutulong na rin para sa ikatatagumpay at ikagaganda ng CWTS kami ay nanawagan na ipagpatuloy ang programang ito at huwag gawin mandatory muli ang ROTC sa mga estudyanteng lalaki. Kung di sapat ang aking sarili para paniwalaan ninyo, kaya pong dalhin ng aming samahan sa inyong harapan ang libo-libong magulang at mga estudiante ng public schools para patunayan sa inyo na mahal na po ng mga magulang sa aming lugar ang CWTS-tutorials. Alfredo M. Garcia Pangulo at Taga-Pagsalita Kaisahan ng mga Tinig sa Kamarin(KATINIGKA) Binasa sa Kwentuhang CWTS (Ika-27 ng Pebrero, 2008) Lecture Room 703, Bro. Andrew Gonzales Hall, DLSU, Taft, Manila

×