• Like
Ang moro
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Ang moro

  • 6,645 views
Uploaded on

 

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
No Downloads

Views

Total Views
6,645
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
22
Comments
0
Likes
1

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. ang moro-moro ay isang dula noong panahon ng mga kastila.Ang moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada.Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabingpalabas na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na angobrang ito ay tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo.Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano atPilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang ang mgaKristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol labansa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog. Moro-Moro Senakulo Karagatan Duplo Salubong Paglakad ng Estrella at ng Birhen Pinetencia Carillo Puteje Juego de Prenda Bulaklakan Pananapatan Moriones Dalit Alay (Flores de Mayo) Pangangaluluwa Panunuluyan Tibag Santacrusan Papuri/Putong
  • 2. Francisco BaltazarMula WikifilipinoJump to: galugad , hanapin(Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Francisco Baltazar) Francisco Baltazar Kapanganakan Abril 2, 1788 Bigaa, Bulacan Kamatayan Pebrero 20, 1872 Udyong, Bataan Palayaw BalagtasSi Francisco Baltazar y dela Cruz (Abril 2,1788 - Pebrero 20,1862), kilala rin bilang FranciscoBalagtas na kaniyang tunay na pangalan, ay isang kilalang makata sa wikang Tagalog at may-akda ng Florante at Laura. Tinaguriang “Hari ng Makatang Tagalog," siya ay nagsulat ng mgatula, awit, komedya, at korido na siyang nagdala sa kaniya sa pinakamataas na bahagdan sadambana ng mga makatang Tagalog.
  • 3. Nilalaman[itago] 1 Unang Bahagi ng Kanyang Buhay 2 Ang Pag-usbong ng Kanyang Propesyon 3 Pagsusuri sa Florante at Laura 4 Mga Akda 5 Pamilya 6 Ang Kanyang mga Salita 7 Sanggunian 8 Panlabas na kawing 9 PagkilalaUnang Bahagi ng Kanyang BuhaySi Baltazar ay ipinanganak sa Panginay, Bigaa, Bulacan noong 2 Abril 1788. Ang kaniyang mgamagulang ay sina Juana dela Cruz at Juan Balagtas na isang panday. Siya ay may palayaw naKiko at may tatlong kapatid: sina Felipe, Concha, at Nicholasa.Matapos na makapag-aral ng katekismo, nagtungo siya Tondo noong 1799 upang manilbihan sakanyang tiyahin na si Doña Trinidad, na siyang nagpaaral sa kanya sa Colegio de San Juan deLetran at sa Colegio de San Jose. Nagpakadalubhasa sa mga kursong Latin, Español,humanidades, at batas, si Baltazar ay nakapagtapos pag-aaral noong 1812. Malaki ang nagingimpluwensiya ni Jose dela Cruz (o Huseng Sisiw), kilalang makata mula Tondo at magaling naguro ni Baltazar, sa kanyang pagsusulat ng mga tula, awit, at moro-moro.Ang Pag-usbong ng Kanyang PropesyonNoong 1835, sa edad na 47, si Baltazar ay nagtungo sa Pandacan, Lungsod Maynila at ditonakilala niya si Maria Asuncion Rivera. Umibig siya kay Maria ngunit naging mahigpit nakaribal niya ang isang mayamang cacique na si Mariano Capule. Ginamit ni Capule ang kanyangyaman at impluwensiya upang maipakulong si Baltazar. Pinaniniwalaang isinulat niya angkanyang pinakamahusay na akda, ang Florante at Laura, sa loob ng piitan.Nang makalaya siya noong 1838, siya ay nagtungo sa Balanga, Bataan upang maging kalihim ngisang hukom. Nakilala niya ang mayaman at mestisang si Juana Tiambeng na siyang nagtustos sapaglalathala ng Florante at Laura sa palimbagan ng Kolehiyo de Santo Tomas. Sinasabing sabayan ng Orion, Bataan, sumapi si Baltazar sa isang lihim na pangkat ng mga rebelde nalumalaban para sa kasarinlan. Bagamat isang Bulakenyo, si Baltazar ay nakahugot nginspirasyon sa Bataan upang sumulat ng mga pinakamahuhusay na literatura.
  • 4. Taong 1849 ng simulan niyang gamitin ang apelyidong Baltazar, matapos na ipag-utos ni Gob.Hen. Narciso Claveria sa mga Pilipino na gumamit ng apelyidong Español o Tagalog mula saisang listahan.Sa ikalawang pagkakataon ay nakulong si Baltazar nang akusahan siya ng paggupit ng buhok ngkaniyang kasambahay. Ipinagbili ni Baltazar ang kanilang lupain at nagbayad ng malakinghalaga upang makalaya. Dahil dito, naghirap ang kanyang pamilya. Ipinagpatuloy niya angpagsusulat ng mga awitin at moro-moro hanggang sa kanyang kamatayan noong 20 Pebrero1862 sa edad na 74. Ipinagbilin niya sa kanyang mga apo na iwasang maging makata‟tmanunulat upang hindi sila maghirap.Pagsusuri sa Florante at LauraAng Florante at Laura ay isang awit o mahabang panulaan na pasalaysay na binubuo nag tig-aapat na taludtud. Binubuo ito ng mga paksa ukol sa kabayanihan. Bagamat ang tagpo ngFlorante at Laura ay sa isang malayong lugar sa Europa at may mga banyagang tauhan, ang mgapangyayaring naganap sa akdang ito ay naglalarawan ng kalagayan ng lipunang Pilipino.Si Baltazar ang siyang nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon.Ang pagsusulat sa wikang Tagalog ang siyang pinakadakilang gawain sa panahong angkaramihan sa mga inililimbag na literatura ay nasa wikang Español.Ang Florante at Laura ay maaaring sabihin na isang nakaugaliang komedya o moro-moro, nakakikitaan ng tunggalian ng mga Moro at Kristiyano sa isang malayong kaharian. Subalit nanguna itong mabasa ng mga Pilipino, itinuring itong rebolusyunaryo sapagkat ang mga linya ngawit na ito ay naglalarawan ng mga kalupitang naranasan ng mga Pilipino sa kamay ng mgaKastila, gayundin ang kabulukan at pagmamalabis ng pamahalaang kolonyal.Ang Florante at Laura ay naglalaman ng mga mahahalagang paksa tulad ng mabutingpamumuhay, paggalang sa mga nakakatanda, at nasyonalismo. Ipinahihiwatig din ng awit na itona ang pagkakaiba ng relihiyon ay di dapat gamitin sa pagtatangi laban sa kapwa. Ayon kayJaime Veneracion, isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, ang Florante at Laura ay tungkolsa pagtutulungan ng isang Muslim at isang Kristiyano para mahanap at makuha nila muli angkani-kaniyang mga kaharian. Tinawag ni Baltazar ang nawawalang kaharian bilang “ang bayankong sawi,” isang bayan na inalipin ng mga mapagpanggap at mananakop at nararapat naipagtanggol ng mga Kristiyano at mga kapatid na Muslim. Ang „bayan‟ ni Baltazar ay nauna pasa unibersal na konsepto ng „nasyon.‟Mga AkdaTunay na anak ng Hispaniko Pilipinas at dalubhasa sa Tagalog at Español, pinunan ni Baltazarang kanyang panulaang Tagalog ng mga katutubo, Kastila, at iba pang mga banyagang panitikanat inspirasyon. Ayon kina Francis at Priscilla Macasantos ng Unibersidad ng Pilipinas, siBaltazar ay isang henyo dahil sa pagiging produkto niya ng pinagsanib na kulturang Pilipino -katutubo at kolonyal/klasikal. Sa angkin niyang kahusayan, nagawa niyang ipaalam sa kanyang
  • 5. mga kababayang api ang kanyang kaalaman gamit ang istilo at tradisyon ipinagkaloob sa kanyang banyagang (at mapaniil) kultura. Ang kanyang akda ay tungkol sa kalupitan sa Albania,ngunit ito ay tungkol talaga sa kalupitan sa Pilipinas. Di mapapasubalian na siya ay naging tapatsa kanyang katutubong tradisyon. Kaiba sa mga kanyang mga kakontemporaryo, si Baltazar aynagawang lumaya sa kolonyal at mapaniil na tradisyong pampanitikan. Ginamit niya angkanyang mga akda upang labanan ang kalupitan at kaliluan sa kolonyal na Pilipinas at upangturuan ang kanyang mga kababayan. Siya ay lumikha ng bagong tradisyong pampanitikan saPilipinas, na nagsasaad ng damdamin at aspirasyon ng mga Pilipino.Narito ang ilan sa mga akda ni Francisco Baltazar: Mahomet at Constanza (1841) Almanzor y Rosalina (1841) Orosman at Zafira (1860) (komedya na may apat na bahagi) Don Nuño at Zelinda (komedya na may tatlong bahagi) La India Elegante y el Negrito Amante: sayneteng may isang yugto Hatol Hari Kaya (kundiman) Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (tula) Paalam sa Iyo (awit) Rodolfo at Rosamunda (komedya) Pagpupuri kay Isabel II, Reyna sa España (tula) Auredato y Astrone (komedya) Bayaseto at Dorlisca (komedya 1857) Nudo Gordiano (komedya) Abdol y Miserena (1859) (komedya) Clara Belmori (komedya).” El Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala Claus (isinalin sa Tagalog mula Latin)PamilyaSi Francisco Baltazar at ang kanyang asawa na si Juana Tiambeng y Rodriguez, nagmula saisang mayamang pamilya, ay ikinasal ni Fr. Cayetano Arellano noong 22 Hulyo 1842. Sila aynagkaroon ng 11 anak, kabilang sina Isabel, Silveria, Victor, Ceferino, at Josefa.Kabilang sa kanilang mga inapo ay sina: Victor Baltazar y Tiambeng, anak nina Francisco at Juana, ay nagtatag ng yunit ng Katipunan sa Orion noong 1896. Pinalaya niya ang bayan mula sa mga Kastila at kinilalang bayani ng Orion. Jose Lonzon Baltazar (1886-1967), apo ni Francisco, ay ang ika-13 alkalde ng Orion at nagsilbi mula 1931 hanggang 1934. Ang kanyang ama ay si Ceferino, ika-5 anak ni Francisco. Napakalas niya sa lokal na pulitika hanggang sa kanyang kamatayan. Luis Lonzon Baltazar ay apo ni Francisco at pinakamatandang kapatid ni Jose. Siya ang unang halal na alkalde ng Orion mula 1903 hanggang 1935. Siya ay isang opisyal ng Hukbong Rebolusyunaryo at malapit na kaibigan ni Manuel Luis Quezon.
  • 6. Fr. Primitivo Lonzon Baltazar (1871-1942), apo ni Francisco at kapatid nina Luis at Jose,ay nagsilbing kura paroko ng Orion mula 1904 hanggang 1940. Naging mahalaga ang kanyang ginampanan sa paglikas ng angkan ng mga Baltazar sa Bulacan noong panahon ng Hapon. Francisca Perrera Baltazar (1904-1993), apo ni Francisco at ina ni Atty. Efren Baltazar Pascual, ang ika-24 na gobernador ng Bataan (1972-1986). Ang mga anak ni Francisca ay naging mga prominenteng Bataeños: Benjamin, isang inhinyero, ay naging alkalde ng Orion at naging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan; at si Efren ay naging alkalde ng Orani, Bataan at malaon ay naging bise gobernador at gobernador ng Bataan.Ang Kanyang mga Salita "Pag-ibig, pag nasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang".Sanggunian Orion: A Glimpse of the Past, the Grandeur of the Present. Orion, Batangas: Orion Municipal Government and Orion Municipal Historical Committee, 2007. Eugenio. Damiana L. Awit and Corrido: Philippine Metrical Romances. Quezon City, Philippines: University of the Philippine Press, 1987. La Solidaridad, Quincerio democratico, vol. 1,1889, translated by Guadalupe Fores-Ganzon, Fundacion Santiago, 1995. Mojares, Resil B. Origin and Rise of the Filipino Novel: A Generic Study of the Novel until 1940. Quezon City: University of the Philippines Press, 1983.Panlabas na kawing Florante at Laura tingnan sa Filipiniana.net.Pagkilala Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.Hinango mula sa "http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Francisco_Baltazar"Mga Kategorya: Makasaysayang Tao | Manunulat | Tampok na ArtikuloPansariling gamit Lumagda / Lumikha ng Akawnt
  • 7. Pananaw Artikulo Talakayan Tingnan ang batis KasaysayanHanapin Sulong! HanapinGalugad Unang Pahina Tulong! Kami Ito Sariwang Pagbabago Sari-saring Pahina BalitaanMga Lagusan Kasaysayan at Pangyayari Lakbay-Bayan Buhay at Sining Agham at Kalusugan Aliwan IsportsEspesyal na Proyekto
  • 8. Proyekto Vibal FoundationWikigamit Mga Bagong Akda Ikarga ang Papeles Mga Natatanging Pahina Bersiyong Maililimbag Mga Kaugnay na BinagoUmugnay Wikipinoy Tambayan Talakayan Tawagan Kami
  • 9. Taguyod Pag-aambag Donasyon Binago ang pahinang ito noong 08:39, 6 Oktubre 2009. Pinasok ang pahinang ito 126,826 ulit. Magagamit ang nilalaman sa bisa ng GNU Free Documentation License. Patakarang pribado Ukol sa Wikifilipino Pagtanggi