Palabantasan

3,844 views

Published on

0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
3,844
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
66
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Palabantasan

  1. 1. Panuntunan sa Pagsulat at Palabantasan
  2. 2. TULDOK ( . ) 1. Sa wakas ng pangungusap na pasalaysay, paturol at pautos. 2. Sa mga salitang dinaglat tulad ng ngalan ng tao, titulo o ranggo, pook, sangay ng pamahalaan, kapisanan, buwan, oras at bansa. 3.Tinutuldukan ang tambilang at titik sa bawat hati ng isang balangkas o talataan. 4. Inilalagay ang tuldok sa loob ng panipi, ngunit sa labas naman ng panaklong. Hal: Si Bb. Jesusa Cruz ay napiling kinatawan ng R.T.U para sa pagpupulong. Tinalakay dito ni Hon. Speaker Manuel B. Villar, Jr. ( Speaker, House of Representatives 11th Congress) ang paksang “ Ang Pangangalaga sa Kapaligiran.”
  3. 3. PANANONG ( ? ) 1.Sa katapusan ng pangungusap na tuwirang nagtatanong. Hal: Kailan matatapos ang paghihirap ko? 2. Sa pagpapahayag ng pag-aalinlangan sa katumpakan ng sinusundan. Hal: Nakasa kaya si Antonio sa Board Exam?
  4. 4. PADAMDAM ( ! ) 1. Ginagamit sa mga sambitla. Hal: Takbo! Bilisan mo. 2. Ginagamit pagkatapos ng mga salita, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin. Hal: Kabaliwan! ang mga ginagawa mo.
  5. 5. MGA GAMIT NG MALAKING TITIK 1. Pamagat 2. Ang mga pangalan ng samahan, organisasyon at klub, kapag ang mga ito ay bahagi ng opisyal na pamagat. 3. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan kapag tumutukoy sa pagmamay-ari nito. 4. Paaralan, akademya, gusali, kalye, sinehan, at iba pang mga katulad na bahagi ng pamagat. 5. Pangalan ng estado, subalit hindi ang munisipyo at mga departamento ng pamahalaan.
  6. 6. 6. Silangan, Kanluran, Gitnang Silangan, Timog, Hilaga kapag ginagamit upang maituro ang bahagi ng bansa. 7. Ang mga pangalan ng libro, laro, talumpati, awitin, patunguhan ng isang liham at iba pang katulad. 8. Ang mga pangalan ng pahayagan at magasin. 9. Mga palayaw ng mga manlalaro at mga kaakit-akit na pangalan ng estado at lunsod. 10. Kapansin-pansin na mga pangyayari, digmaan, lahi, nasyonalidad at kapistahan.
  7. 7. 11. Mga pangalan ng sekta ng relihiyon, partidong politikal, Bibliya, mga salitang ukol lahat dito at ang lahat ng pangalang gamit para sa Panginoong Diyos. 12. Mga isla, ilog, dagat, at look kapag ginagamit bilang tiyak na pangalan. Mga natatanging salita ng mga pangyayari sa paaralan. Pagdadaglat ng mga kurso sa kolehiyo.
  8. 8. KUWIT/ COMMA ( , ) 1. Ginagamit sa paghihiwalay ng oras, taon, baryo, bayan, lalawigan, kalye, distrito at lunsod. Noong Hulyo 13, 2002 ay lumipat sila sa Brgy. Dolores, Antipolo City. 2. Ginagamit sa paghihiwalay ng sunud-sunod na mga salita, parirala at sugnay sa pangungusap. Hal: Ang mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Jaena ay pawang mga propagandista, na gumising sa damdamin ng mga Pilipino.
  9. 9. 3. Sa paghihiwalay ng mga tuwirang sipi sa ibang bahagi ng pangungusap. 4. Pagkatapos ng salitang Oo. At Hindi. 5. Sa paghihiwalay ng tuwirang sipi sa ibang bahagi ng pangungusap. 6. Upang maging wasto at madali ang pagbasa ng pangungusap. 7. Pagkatapos ng bating panimula at pangwakas ng liham.
  10. 10. TUTULDOK ( : ) 1. Ginagamit kung may tala o lipon ng mga salita na kasunod o ang mga sumusunod. Hal: Maraming mga halaman ang namumulaklak tulad ng : rosas, orchids, santan at iba pa. 2. Pagkatapos ng bating panimula ng promal na liham o liham-pangangalakal. 3. Sa paghihiwalay ng minuto at oras, sa yugto ng tagpo ng isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bubliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
  11. 11. TULDUKUWIT ( ; ) 1. Maaring gamitin sa katapusan ng bating panimula sa liham pangangalakal. 2. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag- uugnay ng mga pangatnig. Hal: Naguguluhan siya sa buhay; naiisip niya ang maglayas. 3. Sa unahan ng mga salita at pariralang tulad ng :halimbawa, gaya ng, paris ng at iba pa kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
  12. 12. KUDLIT ( ‘ ) Ginagamit bilang pananda sa titik na nawawala sa dalawang salitang pinag-uugnay ng ay at at.
  13. 13. GITLING ( - ) 1. Ginagamit sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang ugat na nagsisimula sa patinig. Hal: pag-ibig, sang-ayon, basag-ulo, mag-asawa 2. Ginigitlingan ang pagitan ng mga salitang inuulit na may kahulugan. Hal: sinu-sino, tagpi-tagpi, tayu-tayo
  14. 14. 3. Ginigitlingan ang mga pantanging ngalan kapag inuunlapian ng maka at taga. Hal: Maka-Quezon, taga-Rizal 4. Sa pagitan ng unlaping ika at tambilang. Hal: ika-4 ng Hulyo, ika-7:00 N.H. 5. Kapag may nawawalang kataga sa pagitan ng dalawang salitang pinag- uugnay at nagkakaroon ng pangatlong kahulugan. Hal: tubig-alat, pakitang-tao
  15. 15. PANIPI ( “ ” ) 1. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. Hal: “Hindi kinukupkop ang kriminal, pinaparusahan” ang sabi ni Pangulong Estrada. 2. Ginagamit upang magbigyang diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda. Hal: Nagbukas ng muli ang “Manila Times.” 3. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.
  16. 16. PANAKLONG ( ) 1. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. Hal: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ay mahusay. 2. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak angkawastuhan. Hal: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigti kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao. 3. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Hal: Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )
  17. 17. PAGDADAGLAT/ABBREVIATION 1. Daglatin ang mga titulo ng iba’t ibang kuro sa Ingles tulad ng BSE, PHD, M.A 2. Mga kompanya, korporasyon, inkorporasyon sa hulihan ng pagalan ng samahan. Hal: Liwayway Publishing Co., Cruz Baun, Inc. 3. Ilan sa mga ngalan ng bansa ay maaring daglatin. 4. Daglatin ang mga Santa, Sanro, Fort at Mount
  18. 18. 5. Huwag daglatin ang mga pangungusap sa daglat. Huwag magdadaglat bago gamitin ang buong pangalan maliban sa mga pangalan ng mga kilalang ahensya tulad ng DEPED, MERALCO, atbp. 6. Street, boulevard, drive, road, pagkatapos ng pangalan: Taft Ave., Roxas Blvd., Kennon Rd. 7. Gamitin ang salitang porsyento hindi ang simbolong % sa katawan ng balita. Ang simbolong % ay maaaring gamitin sa tabulasyon.
  19. 19. 8. Mga ngalan ng buwang mahahaba ang pangalan kung sinusundan ng petsa tulad ng Okt. 17, Nob.3, Set. 1. Huwag maglagay ng kuwit sa pagitan ng buwan at taon: Abril 2013 9. Ang titulo ay dinadaglat kung nasa unahan ng buong pangalan. Sinusulat nang buo kung apelyido lamang ang kasunod. Dr. Arturo Cruz, Doctor Cruz
  20. 20. 10. Ang titulong Pangulo, kung saan ang tinutukoy ay ang pinakamataas na oposual sa bansa ay nasusulat sa malaking titik maging ito’y nangunguna sa pangungusap o nasa loob ng pangungusap: * Nakapanayam namin ang Pangulo ng Malacañang. * Naihalal n apangulo ng samahan si Willie Zabe.
  21. 21. PAGPAPANTIG/SYLLABICATION Sunding ang mga bahaging katutubo ng palapantigan ayon sa malinaw na bigkas: mang-ga-ga-mot
  22. 22. TAMBILANG/ FIGURES AND NUMBERS 1. Ang bilang 10 pababa ay isinusulat sa titik; ang mga bilang na mataas pa sa sampu ay isinusulat sa numero. 2. Kung maraming bilang ang napapaloob sa isang pangungusap, maging mababa man o mataas sa sampu, ay kailangang iisa ang anyo. 3. Huwag umpisahan ang pangungusap sa numero. Ang dapat ay isulat ito ng buo.
  23. 23. 4. Kapag ang pamilang na pamahagi ay nag- iisa sa pangngusap, ito’y isinusulat sa salita, ngunit kung ito’y sunod-sunod na, isulat sa numero: Kaya mo bang pagsamahin sa 30 segundo ang 1/2, ¼ at 1/8? 5. Isulat sa numero ang mga sukat. Gayundin ang timbang at dimensyon.Daglatin ang ngalan ng sukat, timbang, dimensyon atbp. Hal: 6 sal. (salop), 12 gal. (galon) 3kb. (kaban)
  24. 24. Gamit ang ng: * Bilang pantukoy: Dinalaw ng bata ang puntod ng kanyang magulang. * Bilang pang-ukol na ang katumbas sa Ingles ay “with” : Iginuhit niya ng krayolo ang larawan ni Inay.
  25. 25. *Bilang pang-ukol na ang katumbas ay sa: Nagsitungo ng Makati ang mga raliyista. * Bilang pang-ukol na nagpapakilala ng pangalang paari: Si Mae ay nagtalumpati ng makabagbag damdamin. * Bilang tagaganap ng kilos: Si Ella ay naghanda ng pagkain.
  26. 26. Gamit ng nang: * Bilang pangatnig sa hugnayang pangungusap bilang panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di- makakapag-isa: Nang di pa s’ya nagsasalita, marami ang nagtanong sa kanya. Nagsalita ang Pangulo, nang manawagan na ang lahat ng sektor.
  27. 27. * Bilang pang-abay na nanggaling sa “na” na inangkupan ng “ng” kaya’t nagiging “nang’: Pagkakita sa anak ay niyakap nang mahigpit at nangako ng tapat. * Bilang salitang nangangahulugan din ng “para o upang” Parating manalagin nang malayo sa kapahamakan. * Bilang panggitna sa mga salitang inuulit: aral nang aral
  28. 28. I. GAMIT ANG NG/NANG: 1. Isang matapang na sundalo ang may hawak ___ katibayan sa kaso. 2. Binusog ako ni Inay ___ pangaral. 3. Ang buong kapulungan ay nakinig ___ salaysay ni Bishop Cruz. 4. Si Pearl ay nagalak ___ malaman niyang siya ang nagwagi. 5. Si Mikay ay gumawa ___ sulat para sa kanyang nililigawan.
  29. 29. 6. Pinitas ___ bata ang hinog na bayabas. 7. Mapakla ang bunga ___ kamatsili na iyan. 8. Nakita rin ang takip ___ mangkok. 9. Inayos ___ beautician ang kanyang buhok. 10.Ang mga mag-aaral ay matamang nakikinig ___ may marinig silang sigawan sa di kalayuan.
  30. 30. 11. Pakinggan nating mabuti ang nagsasalita ___ ganap nating maunawaan ang mga pangyayari. 12. Sayaw ___ sayaw sina Darlito, Heither at Tifany. 13. Mag-aaral kang mabuti ___ makamit mo ang tagumpay. 14. Labis ang kaligayah ni Clarisse ___ nananalo sa paligsahan si Real. 15. Ang pakiusap ___ guro ay pinagbigyan.
  31. 31. II. PUNAN NG WASTONG MGA SALITA ANG MGA SUMUSUNOD NA PANGUNGUSAP: 1. Saan (daw, raw) gaganapin ang paligsahan sa pag-awit? 2. (Sina, Sila) Diana at Angela ang bagong kinikilalang manananggol sa amin. 3. Nagtagumpay (sila, sina) sa kanilang mithiin. 4. Sa bukid, (doon, roon) makikita ang mga batang magsasaka. 5. Sinikap (kong, kung) maging mabuti para sa bayan.
  32. 32. I. Nasa tuwid na daan na ang pilipinas! Ito ang pahayag ni pang. Noynoy. II. Ito ang magandang balitang laman ng talumpati ng lahat ng Presidenteng tumuntong sa entablado ng Kongreso para sa kanilang State Of The Nation Address SONA. Ito din ang inaasahang ibubulalas ni pang. G. Benigno Aquino, III sa harap nang bayan, sa Hulyo 23… Pero ang masamang balita hindi, ito totoo. Di tuwid ang daang binabagtas ng administrasyon ni G. Aquino. III. Sa totoo lang wala namang pinagiba talaga si Aquino sa nakaraang mga Presidente. Kahit sa kanyang nakaraang 2 (SONA), walang pinagiba si Aquino tulad ng iba, tulad ni Arroyo,  ibinida nya ang kanyang sariling admin. Ibinandera niya ang “kawastuhan” raw ng landas nang kanyang pamamahala.
  33. 33. IV. Kung tutuusin, ito ang tunay na korap na pulitika “ang pagkiling ni Aquino” sa interes nang kanyang pinag-mulang uri. V. Samantala, inaasahang ibabandera rin ni Aquino sa SONA ang pagkamit ng 6.4% pagtaas raw sa Gross Domestic Product-GSP sa 1 kuwarter ng Mayo, 2012. Pero sino ba ang nakararamdam ng “kaunlarang” ito … VI. Kong may mang nakaramdam ng “pag-unlad”, itoy mga dayuhang kapitalista at Foreigner na nag- papakasasa sa tumataas nilang kita habang pinananatiling barya ang sahod ng mga manggagawa. Ito ang testamento ng kalunus lunos na State Of The Nation ng Pilipinas?
  34. 34. I. “Nasa tuwid na daan na ang Pilipinas!” Ito ang pahayag ni Pang. Noynoy. II. Ito ang magandang balitang laman ng talumpati ng lahat ng presidenteng tumuntong sa entablado ng Kongreso para sa kanilang State of the Nation Address (SONA). Ito rin ang inaasahang ibubulalas ni Pang. Benigno Aquino III sa harap ng bayan sa Hulyo 23. Pero ang masamang balita, hindi ito totoo. Hindi tuwid ang daang binabagtas ng administrasyon ni Pangulong Aquino. III. Sa totoo lang, wala namang pinag-iba talaga si Aquino sa nakaraang mga Presidente. Kahit sa kanyang nakaraang dalawang SONA, walang pinag-iba si Aquino tulad ng iba, tulad ni Arroyo,  ibinida n’ya ang kanyang sariling administrasyon. Ibinandera niya ang kawastuhan daw ng landas ng kanyang pamamahala.
  35. 35. IV. Kung tutuusin, ito ang tunay na korap na pulitika: ang pagkiling ni Aquino sa interes ng kanyang pinagmulang uri. V. Samantala, inaasahang ibabandera rin ni Aquino sa SONA ang pagkamit ng 6.4 porsiyento pagtaas daw sa Gross Domestic Product (GDP) sa isang kuwarter ng Mayo 2012. Pero sino ba ang nakararamdam ng kaunlarang ito? VI. Kung mayroon mang nakaramdam ng pag- unlad, ito’y mga dayuhang kapitalista at “foreigner” na nagpapakasasa sa tumataas nilang kita habang pinananatiling barya ang sahod ng mga manggagawa. Ito ang testamento ng kalunus-lunos na State of the Nation ng Pilipinas.

×