Q3 m3l3 ang bagong republika 1946

7,626 views
7,319 views

Published on

Published in: Business
2 Comments
5 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
7,626
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
298
Comments
2
Likes
5
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Q3 m3l3 ang bagong republika 1946

  1. 1. Paglaya ng Pilipinas
  2. 2. Pagpanaw ni Pang. Quezon • Aug. 1, 1944 , pumanaw si Pang. Manuel L. Quezon sa Saranac Lake, New York dahil sa sakit na tuberculosis. Pamalit sa kanya bilang pangulo si Sergio Osmeña Sr.
  3. 3. Pagbabalik ng mga Amerikano • Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuta ng Hapon sa Davao noong Aug. 9, 1944. Sinundan ito ng pagdaong ng mga Amerikano sa Palo, Leyte noong Oct. 20, 1944. Ito ang simula ng pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas.
  4. 4. Paglaya ng Maynila • Napalaya ng mga Amerikano ang Maynila noong Feb. 23, 1945 matapos ang mahigit sampung araw na labanan. Daan-daang mga sibilyan ang namatay sa nasabing labanan.
  5. 5. Paglaya ng Pilipinas • Noong ika-4 ng Hulyo 1945, ipinahayag ni Hen. MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Hapon. Ngunit may mga nalalabi paring mga puwersa ng mga Hapon na hindi sumusuko sa ibang mga lugar sa Pilipinas.
  6. 6. Pagwawakas ng Digmaan • Aug. 6, 1945, pinasabog sa unang pagkakataon ang Atomic Bomb sa Hiroshima. Nasundan pa ito ng isa pang pagsabog sa Nagasaki noong Aug. 9, 1945. Matapos nito, ipinahayag ni Emperor Hirohito ng Hapon ang pagsuko nito sa digmaan.
  7. 7. • Nilagdaan ang kondisyon ng pagsuko sa barkong USS Missouri sa Tokyo Bay, Japan noong Setyembre 2, 1945. Ito ang pormal na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
  8. 8. Pagsuko ng mga Hapon sa Pilipinas • Mula Maynila, umurong ang mga puwersang Hapones sa pamumuno ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa Aparri, Cagayan. Nanatili sila roon hanggang sa kanilang pagsuko noong Setyembre 3, 1945. Dito pormal na nagwakas ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.
  9. 9. Pagwawakas ng Pamahalaang Komonwelt. • Noong Abril 23, 1946, naganap ang huling halaan sa ilalim ng pamahalaang komonwelt. Nagwagi sa halaang ito si Manuel Roxas at Elpidio Quirino bilang pangulo at pangalawang pangulo. Sila rin ang naging unang mga pinuno ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
  10. 10. Ang Ikatlong Republika Ang Pilipinas bilang Malayang Bansa
  11. 11. Paglaya ng Pilipinas • Matapos ang mahigit 48 taong panunungkulan, ipinahayag ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Naging isang ganap na estado ang Pilipinas. Nanumpa bilang unang pangulo si Manuel A. Roxas.
  12. 12. Talambuhay ni Manuel A. Roxas • • • • • • Pagsilang: Enero 1, 1892 sa Capiz (Roxas City) Magulang: Gerardo Sr. at Rosario Acuña Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Trinidad De Leon Anak: Ruby at Gerardo Jr. Kamatayan: Abril 16, 1946 sa Clark Air Base, Pampangga dahil sa sakit sa puso
  13. 13. Panunungkulang Pampubliko • Konsehal, Bayan ng Capiz • Gobernador, Lalawigan ng Capiz • Kinatawan at Ispiker ng Mababang Kapulungan • Miyembro, OSROX Mission 1931-1933 • Founding Chairman, Liberal Party • Delegado ng 1935 Constitutional Convention
  14. 14. Suliraning Kinaharap ni Pang. Roxas • Pag-angat sa lugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa digmaan. • Pagpapanatili sa pambansang katahimikan dahil sa mga HUK. • Paglutas sa isyu ng kolaborasyon.
  15. 15. Philippine Trade Act (Bell Trade Act, Parity Rights) • Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa. • Ito ay nagkaloob sa mga Amerikanong negosyante ng pantay na karapatang gamitin at makinabang sa likas na yaman ng Pilipinas.
  16. 16. Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement Bago pa man ang inagurasyon ng Ikatlong Republika at maging isang ganap na malayang bansa ang Pilipinas, inaprubahan na ng United States at ng Pilipinas ang Philippine Trade Act na kilala rin sa tawag na Bell Trade Act noong Abril 30, 1946. Hinango ang katawagan ng nasabing batas kay Congressman C. Jasper Bell na nagpanukala nito sa Kongreso ng United States. Kung babalikan, ang katatapos na Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagdulot ng malawakang pinsala sa pamumuhay at kabuhayan ng mga Pilipino. Sa mga sang-ayon sa Philippine Trade Act, isang magandang simula ito para sa bansa dahil binubuksan nito ang malaking oportunidad na muling itaguyod ang ekonomiya sa pamamagitan ng mahusay na ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at United States. Sa kabilang dako, naging isang malaking isyu ang pag-apruba sa Philippine Trade Act. Marami ang hindi sang-ayon dahil sa pagkakaloob sa mga Amerikano ng pantay na karapatang gamitin, linangin at paunlarin ang likas na yaman ng Pilipinas. Tinawag ito bilang “Parity Rights”. Bukod dito, Ipinahayag ng U.S. na hindi maipagkakaloob ang halaga para sa bayadpinsala nang walang kasunduang pangkalakalan na tulad ng Bell Trade Act.
  17. 17. AN ACT TO PROVIDE FOR TRADE RELATIONS BETWEEN THE UNITED STATES AND THE PHILIPPINES, AND FOR OTHER PURPOSES. Be it enacted by the Senate and House of Representatives of the United States of America in Congress assembled. TITLE I – SHORT TITLE AND DEFINITIONS Section 1. SHORT TITLE This Act may be cited as the “Philippine Trade Act of 1946”. TITLE III – OBLIGATIONS OF PHILIPPINES SEC. 341. RIGHTS OF UNITED STATES CITIZENS AND BUSINESS ENTERPRISES IN NATURAL RESOURCES The disposition, exploitation, development, and utilization of all agricultural, timber, and mineral lands of the public domain, waters, minerals, coal, petroleum, and other mineral oils, all forces and sources of potential energy, and other natural resources of the Philippines, and the operation of public utilities, shall, if open to any person, be open to citizens of the United States and to all forms of business enterprise owned or controlled, directly or indirectly, by United States citizens. SEC. 402. OBLIGATIONS OF PHILIPPINES The President of the United States is not authorized by section 401 to enter into such executive agreement unless in the agreement the Government of the Philippines agrees – (b) That the Government of the Philippines will promptly take such steps as are necessary to secure the amendment of the Constitution of the Philippines so as to permit the taking effect as laws of the Philippines of such part of the provisions of section 341 as is in conflict with such constitution before such amendment.
  18. 18. SEC. 404. TERMINATION OF AGREEMENT (c) Termination or Suspension by the United States. – (1) that if the President of the United States determines that a reasonable time for the making of the amendment to the Constitution of the Philippines referred to in section 402 (b) has elapsed, but such amendment has not made, he shall so proclaim and the executive agreement shall have no effect after the date of such proclamation; and (2) that if the President of the United States determines and proclaims, after consultation with the President of the Philippines, that the Republic of the Philippines or any of its political subdivisions or the Philippine Government is in any manner discriminating against citizens of the United States or any form of United States business enterprise, then the United States shall have the right to suspend the effectiveness of the whole or any portion of the agreement… SEC. 509. RIGHTS OF THIRD COUNTRIES The benefits granted by this Act, and by executive agreement provided for in Title IV, to the Philippines, Philippine articles or products, and Philippine citizens, shall not, by reason of any provision of any existing treaty or agreement with any third country, be extended to such country or its products, citizens, or subjects.
  19. 19. •Sagutin: 1. Anong aspetong pang-ekonomiya ang tuon ng Philippine Trade Act ng 1946? •2. Anong bansa ang nakipagkasundo sa Pilipinas batay sa itinakdang batas? 3. Kumpletuhin: Ayon sa batas, ipinagkakaloob sa mga Amerikano ang karapatan na gamitin, linangin at paunlarin ang mga _____________ ng Pilipinas tulad ng karapatan na taglay ng mga Pilipino. 4. Ano ang nararapat na baguhin ng pamahalaang Pilipino upang maipasa ang probisyon ng Philippine Trade Act na itinakda sa Section 341? 5. Ano ang isang dahilan ng United States upang suspindihin o wakasan ang mga kasunduang nakapaloob sa Philippine Trade Act?
  20. 20. Military Bases Agreement, March 14, 1947 Walong buwan pagkaraang makamit ng mga Pilipino ang kasarinlan mula sa mga Amerikano, dalawang kasunduan ang inaprubahan sa pagitan ng Pilipinas at United States: ang Military Bases Agreement noong Marso 14, 1947 at ang Mutual Assistance Agreement noong Marso 21, 1947. Nilagdaan ang mga kasunduang ito nina Pangulong Manuel Roxas at Ambassador Paul McNutt ng United States. Ninanais ng Military Bases Agreement na itaguyod ang kooperasyon ng Pilipinas at United States sa pangangalaga ng kaligtasan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagtutulungan sa aspetong militar. Tulad ng Bell Trade Act, naging mainit na isyu ang kasunduang nagpapanatili ng mga base militar sa bansa dahil sa ilang probisyong nagbibigay ng espesyal na pagtrato at malaking kapakinabangan sa bansang America. Alamin ang sumusunod na mahahalagang nilalaman ng kasunduang ito.
  21. 21. AGREEMENT BETWEEN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND THE UNITED STATES OF AMERICA CONCERNING MILITARY BASES Signed at Manila, March 14, 1947 WHEREAS, the war in the Pacific has confirmed the mutuality of interest of the Republic of the Philippines and of the United States of America in matters relating to the defense of their respective territories and that mutuality of interest demands that the Governments of the two countries take the necessary measures to promote their mutual security and to defend their territories and areas… WHEREAS, the Government of the Republic of the Philippines has requested United States assistance in providing for the defense of the Philippines and in developing for such defense effective Philippine armed forces… THEREFORE, the Governments of the Republic of the Philippines and of the United States of America agree upon the following terms for the delimitation, establishment, maintenance and operation of military bases in the Philippines. Article I GRANT OF BASES The Government of the Republic of the Philippines (hereinafter referred to as the Philippines) grants to the Government of the United States of America (hereinafter referred to as the United States) the right to retain the use of the bases in the Philippines listed in Annex A attached hereto. The Philippines agrees to permit the United States, upon notice to the Philippines, to use such of those bases listed in Annex B as the United States determines tio be required by military necessity. Article II MUTUAL COOPERATION It is mutually agreed that the armed forces of the Philippines may serve on United States bases and that the armed forces of the United States may serve on Philippine military establishments whenever such conditions appear beneficial as mutually determined by the armed forces of both countries.
  22. 22. Article III DESCRIPTION OF RIGHTS It is mutually agreed that the United States shall have the rights, power and authority within the bases which are necessary for the establishment, use, operation and defense thereof or appropriate for the control thereof and all the rights, power and authority within the limits of territorial waters and air space adjacent to, or in the vicinity of, the bases which are necessary to provide access to them, or appropriate for their control. Article IV SHIPPING AND NAVIGATION It is mutually agreed that United States public vessels operated by … the military forces of the United States… shall be accorded free access to and movement between ports and United States bases throughout the Philippines, including territorial waters, by land, air and sea. Article VII USE OF PUBLIC SERVICES It is mutually agreed that the United States may employ and use for United States military forces any and all public utilities, other services and facilities, airfields, ports, harbors, roads, highways, railroads, bridges, viaducts, canals, lakes, rivers and streams in the Philippines under condition no less favorable than those that may be applicable from time to time to the military forces of the Philippines. Article XII INTERNAL REVENUE TAX EXEMPTION No member of the United States armed forces, except Filipino citizens, serving in the Philippines in connection with the bases and residing in the Philippines by reason only of such service, or his dependents, shall be liable to pay income tax in the Philippines except in respect of income derived from Philippine sources. Article XIII JURISDICTION
  23. 23. Any offense committed outside the bases by any member of the armed forces of the United States in which the offended party is also a member of the armed forces of the United States. The Philippines shall have the right to exercise jurisdiction over all other offenses committed outside the bases by any member of the armed forces of the United States.   Article XVII REMOVAL OF IMPROVEMENTS It is mutually agreed that the United States shall have the right to remove or dispose of any or all removable improvements, equipment or facilities located at or on any base and paid for with funds of the United States… All buildings and structures which are erected by the United States in the bases shall be the property of United States and may be removed by it before the expiration of this Agreement …all of which shall become the property of the Philippines upon the termination of the Agreement or the earlier relinquishment by the United States of the bases where the structures have been built. Article XXV GRANTS OF BASES TO A THIRD POWER The Philippines agrees that it shall not grant without prior consent of the United States, any bases or any rights, power, or authority whatsoever, in or relating to bases , to any third power. Article XXIX TERM OF AGREEMENT The present Agreement shall enter into force upon its acceptance by the two Governments and shall remain in force for a period of ninety-nine years subject to extension thereafter as agreed by the two Governments
  24. 24. A. Ang Digmaang Pandaigdig sa Pacific ang nagbigay-daan sa pag-ayon ng Pilipinas at United States na magtulungan upang pangalagaan katiwasayan ng teritoryo ng dalawang bansa C. Ipinagbawal sa kasunduan na gamitin o daanan ng mga Amerikano ang mga daungan sa pagitan ng mga base militar sa buong kapuluan, mapatubig man, lupa o himpapawid. E. Tatagal ang kasunduang ito sa loob ng 99 taon na maaaring palawigin ang taon G. Maaaring patawan ng buwis sa sahod ang mga Amerikanong sundalo at empleyado na naglilingkod sa mga base militar B. Hiniling ng mga Amerikano na magbigay ng tulong-militar ang Pilipinas upang maprotektahan ang United States laban sa pananakop D. Ipinagkaloob ng Pilipinas sa United States ang karapatang panatalihin ang mga base militar ng America sa iba’t ibang panig ng bansa. F. Maaaring gamitin ng mga Amerikanong kasapi ng militar ang lahat ng mga pampublikong daan, tulay, daungan at iba pa batay sa kondisyon H. Lahat ng istruktura sa loob ng mga base militar ng America ay pag-aari ng U.S. hanggang sa magwakas ang kasunduan.
  25. 25. . Probisyong Mabuti at Hindi Mabuti. Sa isang buong papel, buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtala ng mabubuti at hindi mabubuting probisyon ng mga batas para sa mga Pilipino. Ang pagsagot ay batay sa nakatalagang batas sa bawat pangkat Mga Probisyong nakabuti sa mga Pilipino Philippine Trade Act Military Bases Agreement
  26. 26. . Probisyong Mabuti at Hindi Mabuti. Sa isang buong papel, buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtala ng mabubuti at hindi mabubuting probisyon ng mga batas para sa mga Pilipino. Ang pagsagot ay batay sa nakatalagang batas sa bawat pangkat Mga Probisyong HINDI nakabuti sa mga Pilipino Philippine Trade Act Military Bases Agreement Ano ang iyong naging konklusyon batay sa nabuong tsart? _________________________ _________________________________________________________________________
  27. 27. Amnestiya sa mga Collaborators • Nagpalabas si Pang. Roxas ng isang proklamasyon na nagbigay ng pagpapatawad sa mga political collaborators. Sila ang mga nanungkulan sa Ikalawang Republika dahil inihabilin ito ni Quezon.
  28. 28. Suliraning Pangkatahimikan • Ang mga HUKBALAHAP (HUK) ay isang pangkat ng gerilya na lumaban sa mga Hapon noong panahon ng digmaan. Nag-umpisa ang gulo nang hindi sila kilalanin ng mga Amerikano sa kanilang ginawa at wala silang tinanggap na backpay. Pinaratangan pa sila bilang mga Komunista. Dahil dito, ipinahayag nila ang pagtutol sa pamahalaan.
  29. 29. Pagkamatay ni Pang. Roxas • Matapos magbigay ng isang talumpati sa Clark Air Base, isinugod sa hospital si Pang. Roxas dahil sa pananakip ng dibdib. Binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1948 sa edad na 56. Humalili sa kanya bilang pangulo si Elpidio Quirino.
  30. 30. Panunungkulan ni Elpidio R. Quirino
  31. 31. Talambuhay • • • • • • Pagsilang: Nob. 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur Magulang: Mariano at Gregoria Rivera Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Alicia Syquia Anak: Fe, Armando, Norma, Thomas at Victoria Kamatayan: Pebrero 29, 1955 sa Novaliches, Quezon City
  32. 32. Panunungkulang Pampubliko Pamilya ni Pang. Quirino, (L-R) Victoria, Conchita at Thomas • Kinatawan ng Ilocos Sur • Senador • Gabinete ni Pang. Quezon (Finance at Interior) • Pangalawang Pangulo • Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Administrasyong Roxas
  33. 33. • Nanumpa bilang pangulo si Elpidio Quirino matapos mamatay si Pang. Roxas noong Abril 15, 1948. Muli siyang nahalal na pangulo noong Nobyembre 1949 at nanungkulan hanggang Disyembre 1953.
  34. 34. • Namatay ang asawa at tatlong anak ni Pang. Quirino noong panahon ng digmaan. Nang siya ay naging pangulo, tumayo bilang first lady ng bansa ang bunsong anak ni Pang. Quirino na si Victoria.
  35. 35. Mga Programa ng Administrasyong Quirino • Pagpapaunlad ng Kabuhayan ng mga Pilipino • Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo • Pagharap ng Suliranin sa mga Huk
  36. 36. Ama ng Industriyang Pilipino • Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong Quirino ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon.
  37. 37. Mga Programang Pangkaunlaran • Pagpapagawa ng mga farm-to-market roads • Pagtatatag ng Central Bank of the Philippines • Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa Lumang gusali at logo ng Bangko Sentral.
  38. 38. Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo • Sinikap ng Administrasyong Quirino ang makipag-ugnayan sa maraming bansa upang mabigyang-lunas ang banta ng komunismo. • Nanatili bilang aktibong kasapi ng United Nations ang Pilipinas. Nahalal bilang pangulo ng UN General Assembly si Carlos P. Romulo.
  39. 39. Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK) • Bilang pakikiisa sa paglaban ng komunismo, nagpadala ang Pilipinas ng mga kawal upang makipaglaban sa Digmaan sa Korea (19501953). Isa sa mga kawal na ipinadala sa Korea ay si dating pangulong Fidel V. Ramos.
  40. 40. Pagharap ng Suliranin sa mga Huk • Pinili ni Pang. Quirino si Ramon Magsaysay bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa. Dahil dito, unti-unting napasuko ang mga Huk kabilang na ang pinuno nitong si Luis Taruc.
  41. 41. Amnestiya para sa mga Huk • Itinatag ng Pang. Quirino ang Economic Development Corps (EDCOR). Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.
  42. 42. Konklusyon: • Naging matagumpay ang kampanyang pangkapayapaan ng Administrasyong Quirino, subalit nabigo ang kanyang mga programang pangkaunlaran sapagkat laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil dito, siya ay natalo sa sumunod na halaan noong 1953 ni Ramon Magsaysay.

×