Your SlideShare is downloading. ×
Health gr-1-learners-matls-q12
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Health gr-1-learners-matls-q12

181

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
181
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
3
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. 1 Modyul 1. TAMANG PAGKAIN Bahay kubo, kahit munti Ang halaman doon, ay sari sari Sinkamas at talong, sigarilyas at mani Sitaw, bataw, patani. Kundol, patola, upo't kalabasa At saka mayroon pang labanos, mustasa, Sibuyas, kamatis, bawang at luya Sa paligid-ligid ay puno ng linga.
  • 2. 2 Anong mga pagkain ang nakapagpapalusog sa atin? Subukan Natin Kulayan ang kahon sa kanan:  berde kung ang pagkain ay mula sa halaman.  pula kung mula sa hayop. A. 1. Saging 2. Manok 3. Keso 4. Gatas 5. Mais
  • 3. 3 B. Bilugan ang mga pagkaing pampalusog 1. 2. french fries prutas 3. 4. tinapay ice candy 5. Lollipop C. Iguhit ang kung ito ay dulot ng masustansiyang pagkain. Iguhit ang kung ito ay dulot ng hindi gaanong masustansiyang pagkain. 1. Makinis na balat 2. Bulok na ngipin 3. Pagtangkad 4. Mahinang katawan 5. Sobrang timbang ng bata
  • 4. 4 D. Tingnan ang dalawang larawan. Bilugan ang mga pagkaing pampalusog. 1. baso ng tubig lata ng soda 2. Repolyo mga hotdog 3. Cake pinya 4. sopas tasa ng kape 5. pizza mga prutas
  • 5. 5 Aralin 1. Halaman at Hayop Bilang Pagkain Pag-aralan Natin: Gawain 1: Halaman o Hayop? Lagyan ng berdeng tsek  kung galing sa halaman. Lagyan ng pulang tsek  kung galing sa hayop .
  • 6. 6 Gawain 2: Mula sa Halaman o Hayop? Ikahon ang pagkaing mula sa mga halaman. Bilugan ang pagkaing mula sa mga hayop. Pandesal keso mga itlog Inihaw na manok jam ice cream chicharon pineapple juice butter Tandaan: NAGBIBIGAY SA ATIN NG PAGKAIN ANG MGA HALAMAN AT HAYOP
  • 7. 7 Aralin 2: Masustansiya Ba o Hindi Gaanong Masustansiya? Gawain: Masustansiya o Hindi Gaanong Masustansiya Lagyan ng tsek  ang masustansiyang pagkain. Lagyan ng ekis X ang hindi gaanong masustansiyang pagkain. mangga soda chicharon pechay saging isda mga karot lollipop mga hotdog Tandaan: Kumain ng Pagkaing Masustansiya Sapagkat sa katawan ito’y mahalaga!
  • 8. 8 Aralin 3: Kumakain ka ba sa Tamang Oras? Pag-aralan Natin Gawain 1: Gustong- gusto ko ang Almusal Dapat mag-almusal ang lahat ng tao. Ito’y nagpapalaki, nagpapasigla at nagpapatalino. _________ ang paboritong almusal ko. Sumasaya ang buong araw ko. Gawain 2: Masayang Mag-almusal Mag-unahan tayo sa pagkuha ng mga masustansiyang pagkain sa ating BREAKFAST MOBILE
  • 9. 9 Gawain 3: Gustong-gusto ko ang Tanghalian Pumili ng 4 na pagkain na gusto mo para sa tanghalian. Lagyan ng guhit papunta sa Lunch box o baunan.
  • 10. 10 Gawain 4: Gustong-gusto ko ang Hapunan Sipiin ang unang titik ng salita. Bigkasin ang tunog. Larawan Titik/Letra G G I T I
  • 11. 11 Gawain 5: Masustansiya ang Gatas Ngipin ko’y tumitibay Buto ko’y lumalakas Dahil sa tuwinang Pag-inom ng gatas
  • 12. 12 Gawain 6: Bigyan Mo Ako ng Tubig Kulayan ang larawan TUBIG AY KAILANGAN ,PAMPASIGLA NG KATAWAN! TANDAAN SA BAWAT KAGAT... TAMANG PAGKAIN ANG DAPAT.
  • 13. 13 Aralin 4: Isaisip ang Tamang Gawi Pag-aralan Natin Gawain 1: Bakit dapat ugaliin ang tamang gawi sa hapag-kainan? Wastong gawi sa Hapag-kainan para sa lahat 1. Maghugas ng kamay bago kumain. 2. Umupo nang wasto. 3. Magagandang bagay ang pag-usapan habang kumakain. 4. Sabihin ang"Pakiusap” sa pagpapasa ng pagkain. 5. Iwasan ang pagsasalita kung may laman ang bibig. 6. Nguyain ang pagkain na nakasara ang bibig. 7.Kumain nang dahan-dahan. Upang magustuhan ang pagkain.
  • 14. 14 Ang Aking Pangako Wastong gawi sa hapag-kainan. Sa loob ng isang araw dapat na isakatuparan. Gagawin ko ito sa araw-araw. Nang ako’y magkaroon ng wastong gawi sa hapag-kainan. Ako ay tutulong Lagda ng Magulang _______________________ Tandaan 1. Maghugas ng kamay bago kumain. 2. Umupo nang wasto. 3. Magagandang bagay ang pag-usapan habang kumakain. 4. Sabihin ang"Pakiusap” sa pagpapasa ng pagkain. 5. Iwasan ang pagsasalita kung may laman ang bibig. 6. Nguyain ang pagkain na nakasara ang bibig. 7. Kumain nang dahan-dahan. Upang magustuhan ang pagkain.
  • 15. 15 Huling Pagtataya A. Halaman o Hayop? Isulat ang Hn kung ang pagkain ay nagmula sa halaman. Isulat ang Hp kung ang pagkain ay nagmula sa hayop. ___________1. isda ___________2. mga itlog ___________3. mga karot ___________4. mais ___________5. manok B. Pampalusog o Hindi Gaanong Pampalusog? Bilugan ang pagkaing pampalusog. Lagyan ng ekis X ang hindi gaanong pampalusog gatas lollipop doughnut soda isda mga karot
  • 16. 16 C. Bilugan ang iyong sagot. 1. Aling pagkain ang dapat kainin sa almusal? Pizza at soda pritong manok, itlog, gatas burger at kape 2. Anong pagkain ang dapat kainin sa tanghalian? Fries, sorbetes, tsokolate adobo at kanin cake at sorbetes 3. Aling prutas ang angkop sa almusal? bayabas saging suha 4. Aling inumin ang angkop sa mga bata? Soda gatas kape 5. Alin ang dapat kainin sa hapunan? Gatas, kanin, sinigang kanin, sinigang, cake kendi, kanin, isda pritong manok
  • 17. 17 D. Sino ang may tamang pag-uugali sa hapag kainan? Iguhit ang  sa patlang. _______ ________ ________ __ _______ _________ _________ Nanalo ako sa paligsahan!!!
  • 18. 18 Modyul 2. AKO AY MALUSOG
  • 19. 19 Gusto mo bang maging malusog? Subukan Natin: A. Alin ang larawang nagpapakita ng magandang asal sa kalusugan? Lagyan ng  tsek. B. Bilugan ang angkop na larawan. 1. Gamitin ito sa paghuhugas ng iyong paa. 2. Takpan ang iyong bibig kapag umuubo.
  • 20. 20 3. Gawin ito pagkatapos gumamit ng palikuran. 4. Gawin ito pagkagising. 5. Gamitin ito pagkatapos maligo. C. Kulayan ng pula ang kung tama ang pangugusap. 1. Magsuot ng malinis na damit. 2. Matulog na marumi ang paa. 3. Maglaro sa labas kahit mainit. 4. Punasan ang iyong mukha ng malinis na tuwalya. 5. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
  • 21. 21 Ako ay May Mga Kamay Ako’y may mga kamay Na Kaliwa at Kanan Itaas mo man ito’y Malilinis naman Ipalakpak, ipalakpak Itong mga kamay Ipalakpak, ipalakpak itong mga kamay Aralin 1.Malinis na Kamay Pag-aralan Natin Gawain 1 Awit tungkol sa ating mga kamay (tono na “Maliliit na Gagamba”) Awitin Natin.
  • 22. 22 Hi! Rica ang pangalan ko Ito ang aking mga kamay Nakagagawa ako ng maraming bagay sa tulong ng aking mga kamay. Sa taglay na kalinisan,kay gandang pagmasdan Pagkat sa tuwina ito'y hinuhugasan. IKaw, paano mo inaalagaan ang ang iyong kamay? iyong kamay Ito si Rica. Ipinakikita niya sa atin ang kanyang mga kamay. Ano ang sinasabi niya? Kailangang hugasan ang ating mga kamay. Kailan dapat hugasan ang ating mga kamay? Kapag ang mga ito ay marurumi Bago at pagkatapos kumain
  • 23. 23 Pagkatapos gumamit ng palikuran Pagkatapos pakainin ang alagang tuta Kapag umuubo at bumabahin Pagkatapos maglaro sa labas Pagsasanay 1 Sino ang dapat maghugas ng kamay. Bilugan ang larawan.
  • 24. 24 2. Gumamit ng sabon at kuskusin ang mga kamay (15-20 minuto) Gawain 3: Ito ang Paraan Ngayon, hugasan natin ang ating mga kamay. Gawin natin ito. Hugasan natin ang ating mga kamay ng wasto. Sinasabi sa awit ang tamang paraan. Awitin natin ito.( Sa tono na “Ang Piyera ni Juan”) May mga wastong paraan ng paghuhugas ng kamay Pag-aralan natin. Ito ang Paraan Ito ang paraan ng paghuhugas ng kamay, paghuhugas ng kamay, paghuhugas ng kamay Ito ang paraan ng paghuhugas ng kamay upang sakit ay maiwasan. 1.Basain nang malinis na tubig ang mga kamay
  • 25. 25 3. Kuskusing mabuti ang lahat ng bahagi ng kamay. 4. Banlawan angmga kamay ng malinis na tubig. 5. Tuyuin ang mga kamay nang malinis na tuwalya. 6. Gamitin ang tuwalya sa pagsasara ng gripo. Tandaan Natin Ang Aking Pangako Parent’s Signature: ___________________________ Date: _________________________ Hugasan nang wasto ang ating mga kamay. Nangangako ako na huhugasan ko nang wasto ang aking mga KAMAY
  • 26. 26 Aralin 2. Malilinis na Paa Pag-aralan Natin Gawain 1 Piliin ang tamang larawan sa kanan. Lagyan ito ng guhit. Tingnan si Biboy. Naglalaro siya sa baha. Ang dumi-dumi na niya. Ano ang dapat niyang gawin pagkatapos maglaro? Dapat bang maglaro si Biboy sa tubig baha?
  • 27. 27 Kailan dapat hugasan ang ating paa? Hinuhugasan natin ito: 1. Kapag ito ay marumi 2. Bago matulog 2. Pagkatapos magtampisaw sa baha Kailangang hugasan nang wasto ang iyong paa. Narito ang Wastong Paraan ng Paghuhugas 1. Hugasan ang paa gamit ang tubig at sabon. Hindi sapat na tubig lamang ang gamitin sa paghuhugas ng paa . Gumamit ng sabon at kuskusin ang buong bahagi ng mga paa. Kuskusin nang mabuti ang daliri
  • 28. 28 2. Tuyuing mabuti ang mga paa. Tuyuin nang maayos. Gumamit ng malambot na pamunas o tuwalya. Tuyuin ang pagitan ng mga daliri. Ang natitirang dumi ang nagiging sanhi ng mabahong amoy at inpeksiyon sa paa. Suriin Natin A.Tingnan ang mga larawan Sino ang dapat maghugas ng paa? Bilugan ang larawan.
  • 29. 29 “Sa maruruming paa sakit ay makukuha, kaya alagaan sa tuwi-tuwina”. B. Sundan ang dadaanan ni Kiko papunta sa may poso. Pag-aralan Natin  Ingatan ang iyong mga paa upang mapanatili itong malusog at malinis.  Hinuhugasan natin ang paa:  kapag ito ay marumi  bago matulog  pagkatapos magtampisaw sa baha  Hugasan ang paa gamit ang tubig at sabon. Tuyuin itong mabuti gamit ang malinis na tuwalya. Naglaro si Kiko kasama ang kanyang kamag- aral. Napansin niya ang dumi sa kanyang mga paa. Nais niya na hugasan ang mga ito. Tulungan si Kiko na makarating sa may poso.
  • 30. 30 Naku, Ramil! Huwag kamay ang gamitin mo na pantakip sa pagbahin. Ipagpaumanhin mo, Rita Aralin 3. Tamang Gawi sa Pag-ubo at Pagbahin Pag-aralan Natin Masama ang pakiramdam ni Ramil. Nang bigla siyang napabahin sa kanyang kamay. Ayos lang ,Ramil. Hayaan mong turuan kita kung paano umubo at bumahin ng tama. Okay... Let’s start.
  • 31. 31 Gawin Natin Gawain 1: Tamang Pagbahin Takpan ang bibig kapag umuubo at bumabahin: gamit ang iyong braso gamit ang panyo o tissue paper Itapon ang tissue paper na gamit na: sa tamang basurahan at hugasan ang kamay Kung ikaw ay may sipon: mag-suot ng surgical mask. Ang kamay ay hindi dapat gamitin na pantakip sa bibig kung umuubo.
  • 32. 32 Sa Pag-ubo at Pagbahin, Bibig ay Takpan Upang Sakit ay Maiwasan Gawain 2: Tamang Gawing Pangkalusugan Tingnan ang larawan. Iguhit ang kung tama ang gawing pangkalusugan. Iguhit ang kung hindi tama ang gawing pangkalusugan. Tandaan Natin 1. 2. 3.
  • 33. 33 Aralin 4. Pagsusuot ng Malinis na Damit Pag aralan Natin Gawain 1: Malinis o Marumi Sino ang maayos tingnan? Bakit? Gawain 2: Malinis na Damit Damit na Malinis Damit na malinis ang laging suotin. Nang maging kaaya-aya sa tumitingin.
  • 34. 34 Gawain 3: Gawin Natin ang mga Ito Magpalit ng damit pagkatapos maligo. Magpalit ng damit kung ito ay narumihan na. Magpalit ng damit bago matulog sa gabi. Ugaliin ang madalas na pagpapalit ng damit- panloob.
  • 35. 35 Gawain 4: Ano ang Isinusuot natin sa Iba’t ibang Pagkakataon? Iba’t iba ang isinusuot nating damit. Bawat isa ay may sariling gamit. 1. Magsuot ng uniporme sa paaralan. 2. Magsuot ng damit na panlaro sa paglalaro. Isuot din ang mga ito sa bahay. Ang mga damit na ito ay simple. Maginhawa rin ito sa katawan. 3. Magsuot ng angkop na damit sa lugar ng dalanginan. Magsuot din ng ganito sa mga pagtitipon. 4. Magsuot ng damit na pantulog sa pagtulog. Ito ay maluwag at maginhawa sa katawan. 5. Gumamit ng damit panloob.
  • 36. 36 Gawain 5. Anong Damit ang Dapat Isuot Bilugan ang tamang larawan. 1. Alin ang dapat isuot sa paaralan? 2. Alin ang dapat isuot na panloob sa damit? 3. Alin ang dapat isuot kung maglaro? 4. Alin ang dapat isuot sa lugar-dalanginan? 5. Alin ang dapat isuot sa pagtulog?
  • 37. 37 Gawain 3: Kulayan ang Damit Kilalanin sina Ali at Sara. Tulungan silang magbihis. Kulayan ang damit ni Ali. Kulayan ang damit ni Sara. Tandaan Magsuot ng malinis na damit araw- araw.  Magpalit ng damit  pagkatapos maligo  kung marumihan ang damit  bago matulog sa gabi • Magsuot ng iba’t ibang uri ng damit.  uniporme  damit-panlaro  damit para sa pagtitipon  damit na pantulog  damit na panloob • Magsuot ng malinis na damit na panloob.
  • 38. 38 Aralin 5: Natutulog Ka Ba? Gawain 1: Pahinga, Pahinga, Kailangan ko ay Pahinga Lumakad tayo. Tumakbo tayo. Pagod na tayo. Magpahinga tayo. Gawain 2: Gaano Kahaba ang Tulog Mo? Ang pahinga at tulog ay nagpapalaki sa inyo. Nagpapalusog din ang mga ito. Gaano kahaba ang tulog ni Nina? Bilangin ang bituin. Masdan ang orasan.
  • 39. 39 Ika-8:00 na ng gabi. Natutulog si Nina tuwing ika-8:00 ng gabi. Gumigising siya sa ika- 7:00 ng umaga. Natutulog siya ng 11 oras. Ikaw anong oras ka natutulog? Kailan kayo gumigising? Anong oras ka gumigising? Natutulog ako sa ganap na_____. Gumigising ako sa ganap na______. Natutulog ako ng _________. Gawain 3: Matulog ng maaga Maagang matulog At gumising nang Para maging malusog ____ Tayong mga bata. Anong oras ka ba natutulog? Anong oras ka ba gumigising? Ano ang mangyayari sa iyo? Bakit?
  • 40. 40 Gawain 4: Inaayos ko ang tulugan ko. Pagmasdan ang larawan A at B A B Alin sa dalawang batang lalaki ang gusto mo? Bakit? Gawain 5: Handan a akong Matulog Basahin ang Kuwento Hello Leo! Mukhang inaantok ka na.Handa ka na bang matulog? Opo nanay. Inaantok na po ako. Ibig ko na pong matulog. Malinis na po ako. Naghugas na po ako ng aking paa. Nagpalit na po ako ng aking damit.
  • 41. 41 Maayos na ba ang iyong tulugan? Opo nanay. Maayos na po ang tulugan ko. Malinis po ang kumot at unan ko. Wow, magaling! Isa kang magaling na bata. Kailangan ng ating katawan ang pahinga . Kailangan ng ating isipan ang pahinga. Nakapapahinga tayo kapag natutulog tayo. Ang pahinga ay nagpapalusog ng ating katawan. Kaya kailangan natin ang sapat na tulog. Salamat po nanay at magandang gabi po.
  • 42. 42 1. Palitan ang kobre kama linggo-linggo. 2. Palitan ang punda linggo-linggo. Tandaan: Kailangan natin ng oras sa pagtulog. Ang pagtulog ay nagpapalusog. Nakatutulog tayo nang mahimbing kapag malinis ang kobre kama. Nakatutulog tayo nang mahimbing kapag malinis ang mga unan
  • 43. 43 Gawain 6: Ano ang nasa kama mo? Ano-ano ang ginagamit mo sa pagtulog? Bilugan ito.
  • 44. 44 Tumayo ng Tuwid Tumayo nang tuwid Tumayo nang tuwid Tumayo nang tuwid Mahal kong kaklase. Tumayo nang tuwid Tumayo nang tuwid Mahal kong kaklase Aralin 6: Ang aking Tindig! Pag-aralan Natin Gawain 1: Tumayo ng Tuwid 1.Tumayo nang tuwid sa tabi ng dingding. 2.Hayaang nakalapat ang ulo sa dingding. 3.Hayaang nakalapat ang balikat sa dingding. 4.Hayaang nakalapat ang likod sa dingding. 5.Tumingin ng tuwid. 6.Ituwid ang tuhod. 7.Iliyad ang dibdib. 8.Huwag iliyad ang tiyan. Nagawa mo ba?
  • 45. 45 Gawain 2: Umupo ng Tuwid 1. Umupo nang tuwid sa silya. 2. Isandal ang likod sa silya. 3. Umupo na tuwid ang balikat. 4. Hayaang dumaiti ang ibabang bahagi ng katawan sa silya. 5. Umupo ng nakaayos ang tuhod at balakang. 6. Ilapat ang paa sa sahig. 7. Huwag pagpatungin ang dalawang binti. Gawain 3: Lumakad nang Wasto 1. Tumayo ng tuwid. 2. Tumingin ng tuwid at hindi patungo. 3. Itaas ang baba. 4. Huwag iliyad ang tiyan. 5. Lumakad pauna. 6. Hayaang gumalaw ang braso pauna. 7. Hayaang gumalaw ang braso pahuli. 8. Ibaluktot nang bahagya ang tuhod.
  • 46. 46 Gawain 4: Pulutin ang Iyong Gamit Kung pupulot ng bagay sa sahig: 1. Ibaluktot ang tuhod. 2. Ituwid ang binti habang may pinupulot. 3. Kung may ilalagay sa ibaba: 4. Ibaluktot ang binti at balakang. 5. Patigasing bahagya ang kalamnan ng tiyan. 6. Gamitin ang kalamnan ng binti. 7. Ibaba ang bagay. Gawain 5: Sino ang may maayos na tindig? Bilugan ang tamang sagot. 1. Sino ang wasto ang pag-upo? A B 2. Sino ang wasto ang pagtayo? A B
  • 47. 47 Tumayo nang tuwid Umupo nang tuwid. Lumakad nang wasto. Pulutin ang mga bagay nang buong ingat. 1. Sino ang may wastong tindig sa paglakad? A B Tandaan:
  • 48. 48 Huling Pagtataya A.Ano ang ginagamit natin sa paghuhugas ng kamay at paa? Pagdugtungin linya ang mga ito. B. Papaano tayo naghuhugas ng ating kamay?
  • 49. 49 Lagyan ng bilang ang larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. C. Lagyan ng ekis ang maling larawan.
  • 50. 50 1. Pagtatakip ng bibig at ilong kapag umuubo at bumabahin. 2. Wastong Pag-upo 3. Wastong pangangalaga ng katawan. D. Isulat ang Oo kung tama ang gawain. Isulat ang Hindi kung mali ang gawain. ________ 1. Maglalaro ako nang buong araw. ________ 2. Matutulog ako sa tamang oras. ________ 3. Tatayo ako nang tuwid. ________ 4. Matutulog ako sa malinis na banig. ________5. Magpapalit ako ng damit lingo-linggo.

×