Module 3 (tagalog)

  • 2,204 views
Uploaded on

K to 12 Araling Panlipunan G7 - Modyul 3 tagalog translation

K to 12 Araling Panlipunan G7 - Modyul 3 tagalog translation

More in: Education
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
No Downloads

Views

Total Views
2,204
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
0
Comments
1
Likes
1

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. elmerd.lumague/leuteboro national high school/em2013 Tungkol sa pagpapakasal, bigay kaya, at diborsyo ng mga Pilipino. Para sa pagpapakasal ay mayroon silang naiibang seremonya ng pagakakasundo ng pagpapakasal, na may katambal na mga kinagawiang parusang mahigpit na ipinatutupad. Narito ang isang halimbawa: Ipinangangako ni Si Apai na kaniyang pakakasalan si Cai Polosin; nang makasal sila ay nakipagkasundo sila sa isang pares ng mag-asawa, habang kapwa nagdadalantao ang mga babae, na kung ang kanilang mga anak ay maging isang lalaki at isang babae ang mga ito ay ipakakasal, at ang susuway ay magmumulta ng sampung tael. Ang kasunduan ay ipinagdiwang sa pamamagitan ng isang piging, kung saan may kainan, pag-iinuman at paglalasing, at kung sino sa hinaharap ang lumabag sa kasunduan ay kailangang magbayad ng multa. Ito ang pagkakasundo ng pagpapakasal. Sa relasyong mag-asawa ay may sangkot na bigay-kaya, at ang pagsuko sa babae sa kasalukuyan, nang may pahintulot niya, ngunit hindi panghabambuhay. Hindi ang babae, kundi ang lalaki, ang nagbibigay ng bigay-kaya – ang halagang pinagkasunduan ay itinakda ayon sa kaniyang yaman. Ito ang isinasalaysay ng isang manunulat tungkol sa iba-ibang lahi, na nakaugalian nang pagbili ng babae, upang gawing asawa. Bukod sa bigay-kaya, ang lalaki ay nahihirating magregalo sa mga magulang at kamag-anak – ayon sa kanyang kakayahan. Salin sa Filipino, Pedro Chirino, S.J., Relation of the Filipinas Islands,” sa Blair and Robertson, eds. The Philippine Islands, 1493-1898, Volume XII, 293-294. Sipi # 1. Mula kay Loarca, 1852 Pulo ng Cagaian (Cagayan). May humigit-kumulang apat na raang nakatira sa mga pulong ito, at lahat sila ay bihasang tagagawa ng barko. Sinasabing ilang taon na ang nakararaan ay nanirahan dito ang mga katutubo upang gawing tanggulan ang mga batuhan laban sa mga pirata. Matapos nito ay tinangka nilang bumalik sa pulo ng panay upang doon manirahan ngunit nangamatay ang maraming kababaihan doon. Dahil dito at bunsod ng kanilang nakinitang mangyayari sa hinaharap, ay bumalik sila sa pulo ng Cagayan, kung saan sila nanggagaling taon-taon papunta sa iba’t-ibang pulo upang gumawa ng mga barko. Ang mga Indio ng Cagayan ang gumagawa ng mga barko ng Kaniyang kamahalan sa kapuluang ito, gayundin ang mga galera, galliot, at fragata. Tumutulong din sila sa pag-aayos at pagtutuwid ng mga barko. Dahil sa kanilang pagiging pinakamahalagang tao sa kapuluan, itinalaga ng adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang pulo ng Cagayan sa mga encomendero ng pulo ng Negros. Paglaon ay tila pinakamainan na ilagay sila sa control ng kanilang Kamahalan….. Pulo ng Cubu (Cebu). Ang pulo ng Cubu, ang unang piniling panirahan ni Miguel Lopez de Legazpi…Nasa bayan ang pinakamagandang daungan sa kapuluan, at ito ang dahilan upang piliin ni Miguel Lopez de Legazpi na magtatag ng pamayanan doon …Nagpoprodyus ang Cubu ng hindi karamihang bigas, borona at millet at kung mayroon man ay kaunting bulak; sapagkat ang telang ginagamit ng mga katutubo para sa kanilang damit ay nagmumula sa isang uri ng saging. Mula rito ay gumagawa sila ng telang katulad ng kinulayang calico, at tinatawag nilang medriñaque. Sa kapuluang ito ay pinahahalagahan ang mga pulong nagpoprodyus ng bigas at bulak, dahil may maayos na pamilihan ng bulak at tela sa Nueva España….ang kalagayan ng mga tao …ay may malaking pagkakatulad. Lahat ay may mga manok at kauri nito, baboy, ilang kambing, sitaw, at isang uri ng ugat na katulad ng patatas ng Sancto Domingo, at
  • 2. elmerd.lumague/leuteboro national high school/em2013 tinatawag ng mga katutubo na kamote. Sunod sa bigas, isda ang pangunahing pagkain sa pulong ito at iba pa, dahil marami nito at napakataas ng uri sa pulong ito ng Cubu. Salin sa Filipino. Miguel de Loarca. “Relation of Filipinas Islands.” Sa Blair and Robertson, eds. The Philippine Islands, 1493-1803. Volume V.43,45,79. Sipi # 2. Mula kay Morga (1609) Pagbuburda ang trabaho at pinagkakakitaan ng kababihan, at mahusay sila rito at sa lahat ng uri ng pananahi. Naghahabi sila at gumagawa ng sinulid, at naninilbihan sa bahay ng kanilang mga tatay at asawa. Binabayo nila ang palay at inihahanda ang ibang pagkain. Nag-aalaga sila ng manok at kauri nito, at baboy, at pinanatili ang mga bahay habang nagtatrabahop sa bukid ang kalalakihan, at nangingisda, naglalayag at nakikipagkalakalan. Ang kanilang nakagawiang paraan ng kalakalan ay ang pagpapalitan ng isang bagay para sa iba, tulad ng pagkain, tela, baka at kauri nito, mga lupain, bahay, bukirin, alipin, pangisdaan, at nipa at palman ilahas. Magkaminsan ay may presyong pinagkakasunduan, at binabayaran ito ng ginto, batay sa napagkasunduan, o mga kampanang bakal mula sa China. Lahat ng pulo, sa maraming distrito ay mayaman sa deposito at mina ng ginto, isang uri ng bakal na namimina at ginagamit sa paglikha ng mga bagay-bagay. Gayunpaman, mula nang dumating ang mga Espanyol ay naging mas maingat ang mga katutubo kaugnay nito at pinagtitiyagaan na lamang ang anumang bara ng gintong alahas na mayroon sila. Isinalin mula sa sinaunang panahon at minana mula sa kanilang mga ninuno. Ilang deposito at minahan ang pinakinabangan sa Paracali sa lalawigan ng Camarines, kung saan may magandang uri ng ginto na nakahalo sa tanso. Ito ay ikinakalat din sa Ylocos, dahil sa malayong bahagi ng lalawigan na nahahangganan ng dalampasigan ay ilang matataas at bako-bakong bundok na umaabot ng Cagayan. Sa dalisdis ng mga bundok na ito, sa Ilaya, ay nakatira ang maraming katutubong sa ngayon ay hindi pa nasusupil, at hindi pa napapasok ang teritoryo, na tinawag na Ygolot. Ang mga katutubong ito ay maraming minahan, karamihan ng magkahalong ginto at pilak. Nahirati silang kunin lamang ang kailangan para sa kanilang mga kagustuhan. Bumababa sila sa mga particular na lugar upang ipagpalit ang ginto sa mga Yloco; Ipinagpapalit ito sa bigas, baboy, kalabaw, tela, at iba pa nilang kailangan. Kinokompleto ng mga Yloco ang pagpipino at preparasyon ng ginto, at sa pamamagitan nila ay naipapamahagi ito sa kabuuan ng bansa. May mga minahan at deposito din ng ginto sa ibang mga pul. Lalo’t higit sa mga Pintado, sa Ilog Botuan sa Mindanao, at sa Sebu, kung saan may pinakikinabangang mina ng magandang uri ng ginto. Salin sa Filipino. Antonio de Morga.” Sucesos de las islas Filipinas.” Sa Blair and Robertson, eds. The Philippine Islands, 1493-1898. Volume XVI, 79, 101-102
  • 3. elmerd.lumague/leuteboro national high school/em2013 Mga Uring Panlipunan ` Mula pa sa simula ay mayroon ng pinuno ang mga taong ito, na tinawag nilang datu, na namamahala sa kanila at nagsisilbing kapitan nila sa pakikipadigma, at kanilang sinusunod at iginagalang. Ang sakop na nagkasala laban sa kanila at nagasabi sa anak o asawa tungkol sa kanila, ay luhang pinarurusahan. Pinamamahalaan ng mga pinuno ang karamihan sa mga tao, magkaminsan ay hanggang isang daang bahay, at minsan naman ay wala pang tatlumpu. Ang pagpapangkat na ito ay tinatawag ng mga tao na barangay. Nahinuhang ang dahilan sa ganitong tawag ay ang katotohanang (ayon sa kanilang klasipikasyon batay sa wika, na kabilang sa lahing Malay) nang naglalayag sila papunta sa bansang ito, ang pinuno ng bangkang tinatawag na barangay…ay nagging datu. Kung gayon, maging sa kasalukuyan ay sinasabing ang mga barangay ay nagsimula bilang pamilya na binubuo ng mga magulang at anak, kamag- anak, at mga alipin. Maraming ganitong barangay sa bawat bayan noon. Dagdag pa sa mga pinuno…may tatlong pangkat sa lipunan: mga maharlika, karaninwang tao, at mga alipin. Ang mga maharlika ay yaong mga ipinanganak nang Malaya sa pagkaalipin…Hindi sila nagbabyad ng buwis o tribute sa datu, ngunit dapat samahan siya sa pakikidigma gamit ang kanilang sariling pinagkukunan. Bago lumisan ay nagdaraos n gang pinuni ng piging para sa kanila, at pagbalik ay pinaghaharian nila ang kanilang nakuah sa mga kalaban. Gayundin, kapag naglayag ang pinuno ay ipinagsasagwan siya ng maharlikang kanyang ipinatawag. Kapag nagtayo siya ng bahay ay tinutulungan siya, at sila ay kaniyang pinakakain. Ganito rin ang nangyari nang tulungan siya ng buong barangay sa paghahanda ng kaniyang lupain para sa pagtatanim. Ang lupaing kanilang tinirhan, lalo’t higit ang bahaging natatamnan, ay pinaghatian ng buong barangay kaya naman alam ng bawat isa ang bahaging kaniya. Walang sinumang buhat sa ibang barangay na sasaka rito liban kung kanila itong nabili o namana. Ang mga pinuno sa isang barangay ay mayroon ding pangisdaan, na may tatlong hangganan, at mga bahagi ng ilang mga ilog bilang pamilihan. Walang maaaring mangingisda, rito o makikipagkalakalan sa mga pamilihan, nang hindi nagbabayad para sa pribilehiyo, liban kung siya ay nagmula sa barangay o nayon ng pinuno. Ang mga pinuno sa ilang barangay ay mayroon ding pangisdaan, na may takdang hangganan, at mga bahagi ng mga ilog bilang pamilihan. Walang maaaring mangisda rito, o makipagkalakalan sa mga pamilihan, nang hindi nagbabayad sa pribilehiyo, liban kung siya ay mula sa barangay o nayon ng pinuno. Ang mga karaniwang tao ay tinawag na aliping namamahay. Sila ay may asawa, at naninilbihan sa kanilang panginoon, maging datu man siya o hindi, nang kalahati ng kanilang lupang tinatamnan tulad ng napagkasunduan sa simula. Siya ay sinasamahan nila saan man siya mapunta sa labas ng nayon, at nagsasagwan para sa kaniya. Nakatira sila sa sarili nilang mga bahay, at nakapangyayari sa kanilang mga ari-arian at ginto. Minamana ito ng kanilang mga ana, at tinatamasa ang bunga ng kanilang mga ari-arian at lupa. Tinatamasa rin ng kanilang mga anak ang ranggo ng kanilang mga ama, at hindi sila maaaring gawing aliping saguiguilir. Hindi maaaring ipagbili maging ang mga magulang o anak…. `Ang mga aliping tinatawag na aliping saguiguilir. Pinagsisilbihan nila ang kanilang panginoon sa loob ng kanilang tahanan at sa kaniyang mga lupang sinasaka, at maaari silang ipagbili. Kung minamarapat ng kanilang panginoon ay binabahaginan sila ng kanilang ani, upang maging matapat sila sa kanilang
  • 4. elmerd.lumague/leuteboro national high school/em2013 paninilbihan. Dahil ditto, yaong mga aliping ipinanganganak sa bahay ng kanilang panginoon ay bihirang ipagbili. Ito ang kapalaran ng mga bihag ng digmaan, at mga lumaki sa lupang sakahan. Mahalagang isaalang-alang ang p[agkakaiba ng aliping namamahay at aliping saguiguilir sapagkat dahil sa kalituhan sa dalawang tawag ay marami ang inuring alipin kahit hindi dapat. Salin sa Filipino. Antonio de Morga.” Sucesos de las islas Filipinas.” Sa Blair and Robertson, eds. The Philippine Islands, 1493-1898. Volume VII, 173-177 May tatlong uri ng pangkat ng tao; mga pinuno, na tinawag ng mga Visayan bilang datu at ng mga Tagalog bilang maginoo; ang mga timaua, na mga karaniwang tao, na tinatawag ng mga Tagalog bilang Maharlika; at ang mga alipin, na tinatawag ng mga Visayan bilang oripuen at ng mga Tagalog bilang alipin. Ang huli ay nahahati sa ilang uri… Sa pangkalahatan ay natatamo ng mga pinuno ang kanilang posisyon dahil sa kanilang pagkakabihag sa isang angkan; at kung hindi naman ay dahilsa kanilang ipinamalas na kakayahan at lakas. Dahil maging abang kalagayan man ang pinagmulan ng isang tao, kung siya ay maingat, at kung sa pamamagitan ng kaniyang pagsisikap at pamamaraan ay nakalikom siya ng kaunting yaman – maging sa pamamagitan ng pagsasaka at pag-aalaga ng hayop, o pakikipagkalakalan, o sa pamamagita ng anumang trabaho tulad ng pagiging panday, alahero ao karpintero; o sa pamamagitan ng pagnanakaw at paniniil, na siyang pinakakaraniwang pamamaraan – ay nagkakaroon siya ng kapangyarihan at matatag na repyutasyon at higit pa niya itong napagtibay sa patuloy niyang pagsasagawa ng paniniil at karahasan. Sa ganito ay inaako niya ang pangalang datu; at sa pagpalibot sa kaniya ng kaniyang kamag-anak at iba pang tao ay tumataas ang pagtingin ng iba sa kaniya, at ginagawa siyang pinuno. Kung gayon, walang kapangyarihang pinuno na naggagawad sa kaniya ng kapangyarihan o titulo, kundi sa pamamagitan lamang ng kaniyang sariling pagsisikap at lakas. Ang malaking bahagi ng yaman ng mga Indiong ito ay binubuo ng mga alipin. Dahil sunod sag into ay walang ari-ariang higit na pinahahalagahan dahil sa maraming ginhawang hatid ng maraming alipin sa kanilang pamumuhay. Kung gayon, pagdating ng mga Espanyol sa kapuluan ay nakita nila ang ilang pinuno na may isa, dalawa, at tatlong daang alipin, na sa pangkalahatan ay katulad nila ng kulay at lahi at hindi mula sa ibang mga lahi. Ang pinakakaraniwang pinag-uugatan ng pagkaalipin ay ang pagkabigong makabayadng mataas na interes sa utang. Lubhang talamak ang ganitong Gawain at walang ama na tutulong sa kaniyang anak, walang anak na tutulong sa kaniyang ama, kapatid, at sa kaniyang kapatid, lalo’t higit kamag-anak sa kanyang kamag-anak, kahit lubha na siayang nangangailangan , nang walang kasunduang magbabayad siya nang doble. Kung hindi nakapagbayad sa takdang panahon, nagiging alipin ang nangungutang at nananatiling ganito hanggang sa siya ay makapagbayad. Madalas itong nangyayari, sapagkat patuloy na nagpapatong-patong ang interes habang pinagpapaliban ang pagbabayad. Dulot nito, nagiging mas malaki ang interes kaysa yaman ng nangutang, at nagiging pasanin niya ang kaniyang utang, at ang abang tao ay nagiging alipin; at mula sa oras na iyon ay nagiging alipin na rin ang kaniyang mga anak at inapo. Ang ibang pagkakaalipin ay dahil sa paniniil at pagmamalupit. May mga alipin bilang paghihiganti sa mga kalaban, sa mga labanang kanilang isinagawa laban sa isa’t-isa, kung saan nabihag ay nanatiling alipin kahit pa mula sila sa iisang nayon o lipi; o bilang parusang ipinataw ng isang mas malakas sa mas mahina, maging dahil sa hindi gaanong mahalagang bagay na kanilang itinuring bilang insult. Halimbawa, kung hindi sinunod ng mahina ang pagbabawal sa pagsasalita at pag-iingay, na karaniwan sa burol ng mga pinuno, kung dumaan siya malapit kung saan naliligo ang asawa ng pinuno; o kung nahulugan ang pinuno ng alikabok o anumang dumi mula sa bahay ng timaua habang siya ay dumadaan malapit ditto:
  • 5. elmerd.lumague/leuteboro national high school/em2013 sa ganito at maraming iba pang katulas na kaso, pinagkakaitan ng makapangyarihan ng kalayaan ang mga abang tao at ginagawa silng alipin – at hindi lamang sila kundi maging kanilang mga anak at marahil maging kanilang mga asawa at malalapit na kamag-anak. Ang pinakamalubhang bagay rito ay lahat ng mga nagging alipin dahil sa digmaan o pagkakautang ay mahigpit na itinuturing bilang mga alipin para sa anumang uri ng paglilingkod, at naninilbihan sa loob ng bahay. Gayunpaman, hindi nakagawian ng mga panginoon na ipagbili yaong mga ipinanganak sa kanilang bahay, dahil itinuturing nila ang mga ito bilang mga kamag-anak. Ang ganitong mga alipin ay pinayagang kumuha ng bahagi ng kanilang kinita. Tinatawag ng mga Tagalog ang ganitong tunay na alipin bilang saguiguilir, at ng ma Visayan bilang halon. Ang bilang ng alipin ay tinawag na namamahay, dahil hindi nila pinagsisilbihan ang kanilang panginon sa lahat ng bagay, o sa loob ng kanilang bahay; kundi sa kanilang sariling bahay at sa labas ng bahay ng kanilang panginoon. Gayunpaman ay naobliga silang tumalima kapag pinatawag sila ng kanilang panginoon upang manilbihan sa kaniyang bahay, at sa mga panahon ng pagtatanim at pag-ani. (Kailangan) din nilang tumugon at magsilbing kaniyang tagasagwan kapag naglayag siya, at sa iba pang katulad na pagkakataon kung saan obligado silang paglingkuran ang kanilang panginoon nang walang bayad. Sa dalawang urio ng alipin, sanguiguilir at namamahay, nangyayaring may aliping buo, may mga aliping kalahati at may aliping sangkapat.