Repleksyong Papel: Methods at Media
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Repleksyong Papel: Methods at Media

on

  • 1,548 views

Repleksyong Papel tungkol sa Methods at Media

Repleksyong Papel tungkol sa Methods at Media

Statistics

Views

Total Views
1,548
Views on SlideShare
1,548
Embed Views
0

Actions

Likes
0
Downloads
14
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Adobe PDF

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Repleksyong Papel: Methods at Media Repleksyong Papel: Methods at Media Document Transcript

  • REPLEKSYONG PAPEL: METHODS and MEDIA Bilib din naman ako kay Propesor Pitagan sapagkat nagawa niyang gumamit ng iba’t- ibang paraan sa pagtuturo. Sa dalawang semestreng aking napagdaanan, halos lahat ng aking naging guro ay nagtuturo gamit ang iisang paraan lamang. Nakaupo lang sila at minsanang magsusulat sa pisara. Kung ganito ang moda ng pagtuturo ng lahat ng guro, may papasok pa kaya sa klase? Iba- ibang paraan ng pagtuturo ang ginawa ni Propesor Pitagan. May mga araw na ang paraan na ginamit niya ay Presentation. Gumamit siya ng PowerPoint Presentations para ituro ang ilang mga paksa. Masasabi kong epektibo ito. Mas hindi kasi nakaka-antok kapag may PowerPoint. At kung ang isang tao ay may problema sa pandinig, walang problema dahil ang pinaka- importanteng konsepto ay naka- project naman sa white screen. At ang maganda pa dito ay inu-upload niya ang mga files sa Yahoo! Groups. Hindi na kailangan mahati ang aming atensyon sa pagsulat, pagbasa at pakikinig. Sa EdTech 101 ko din unang naranasan kung paano makilahok sa isang Online Discussion. Salamat sa kursong ito at talagang nabago ang aking konsepto ng OD. Akala ko dati kailangan sabay- sabay na online ang mga estudyante at ang guro. Akala ko din dati, ang guro lang ang pwede magsalita ng magsalita sa forum. Maaari lang sumingit ang estudyante kung may katanungan siyang naiisip. Sa madaling salita, akala ko ang OD ay parang normal na diskusyunan lang. Ang kaibahan ay dinala nga lang ito sa internet. Hindi pala ganoon ang OD. Nagiginhawaan ako sa paggamit ng OD. Para lang kasi itong Peyups o PinoyExchange kung saan kapag may katanungan, libre lang ang mag- post. Kung may mga katanungan, libre din ang lahat na sumagot. Ang naging problema ko lang sa OD ay wala akong permanenteng koneksyon sa internet. Pag na-tyempohan ko na bukas ang wi-fi ng aking kapitbahay, doon lang ako nakakapagbukas ng UVLE. Maaari din ako makapag- net kung sipagin ako pumunta sa kompyuter shop. Pero hindi lahat ng aking kaklase ay kakayahan na magbayad sa renta ng kompyuter ilang beses sa isang linggo. Dito hindi nagiging patas ang paggamit ng OD. Hindi rin kami naubusan ng Cooperative Learning sa kursong ito. Sa unang bahagi ng pagtuturo ni Sir, madalas niya kaming hinahati sa maliliit na grupo para pag- usapan pa ng mas malalim ang mga paksang itinuro niya. Pabor ako sa ganitong paraan. Pero naalala ko noong tinuro niya yung Issues and Trends in the Use of Computers in Technology, puro kalagayan ng Japan at ibang bansa ang binigkas niya. Naiintindihan ko naman na ang karanasan niya ay base talaga sa Japan. Pero sana pinilit niya pa rin na magsaliksik tungkol sa Philippine setting. Sana iyon na lang ang itinuro niya. Pabor din ako na inatasan niya ang mga estudyante na mag- ulat tungkol sa mga piling paksa. Sa ganitong paraan, lahat ng mag- aaral ay may pagkakataon na makapag- salita sa harapan. Nagkaroon ang lahat ng pagkakataon para may maibahaging kaalaman sa klase. Maganda rin na ginawa na nagbigay siya ng twist na kung ano ang media na tinakda sa bawat grupo ay siya ring media na gagamitin sa pag- uulat. Sa ganitong paraan, direkta naming nakita kung paano gamitin ang bawat media. Nalaman namin ang kahigitan at kakulangan ng bawat media. Malaking bagay din na mayroon kaming hand- out ng bawat pag- uulat para may mababalik- balikan kaming reference balang araw. Masasabi kong kuntento ako pagdating sa paraan at media na ginamit sa kursong ito. Pero minumungkahi ko na mas pag- eksperimentuhan pa ang paggamit sa iba’t- ibang paraan at media bilang isa naman itong EdTech na kurso.