Your SlideShare is downloading. ×
0
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Anong Oras Na Nobina?!
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Anong Oras Na Nobina?!

649

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
649
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
2
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. Kwento nina Andi Agustin, Shai Cometa at Abi Gonzales "Anong Oras Na Nobina?!"
  • 2. Sa planeta ng Fer, may isang batang ang pangalan ay Nobina. Lagi siyang inaasar ng kanyang mga kaibigan, paano'y hindi siya marunong magsabi ng oras.
  • 3. Isang araw,  habang umiiyak na naglalakad si Nobina, nakita siya ng tatlong Feri Godmother, na ang mga pangalan ay Andi, Abiyie, at Shayie... "Oh batang Nobina, bakit ka umiiyak?" ani ni Feri Godmother Shaiyie. "Eh kasi po naman, inaaway ako ng aking mga kaibigan." sagot ng umiiyak na bata.
  • 4. "Oh bakit ka nila inaaway?" sabi naman ni Feri Godmother Abiyie. "Kasi po, hindi ako marunong magbasa ng oras.. Huhu.. Waaaaaaa! Hindi ko kasi talaga alam!!!!!" bunghalit ng bata
  • 5. Lumapit ang tatlong Feri Godmother at niyakap si Nobina. "Huwag kang mga alala, madali lang naman ito matutunan. Ituturo namin sa'yo! Ayos ba iyon?" sabi ng ikatlong Feri Godmother, si Andi. "Talaga po?! Sige po sige po!" biglang saya ang pumalit sa mukha ng bata.
  • 6. "OO NAMAN NOBINA! Halika isasama ka namin sa mundo ng mga orasan!" sabay-sabay na sabi ng tatlong Feri Godmother. "Ipikit mo ang iyong mga mata Nobina," ang utos ni Feri Godmother Shayie Sabay sabay winagayway ng tatlong Feri godmother ang kanilang kamay. At pagkatapos ay umiikot ng tatlong beses. 
  • 7. Pagmulat ng mata ni Nobina ay nasa ibang mundo na siya. Makulay dito, may mga bata, mayroon ding mga halaman, mga bulaklak, mga paru-paro ngunit ang ikinagulat niya ay ang madaming orasan. "Anong lugar na po ito?", nanlalaki ang mga mata nang tinanong niya sa tatlo, "bakit ang dami pong orasan?"    
  • 8. "Narito ang mga parte ng orasan," ang simula  ng pagtuturo ni Feri Godmother Andi. "Ito ang kanyang dalawang kamay. Ang maliit ang nagsasabi ng oras, at ang malaki naman ang nagsasabi ng minuto."    
  • 9. "Mapapansin mo din na may mga numero na nakabilog sa orasan," dagdag ni Feri Godmother Abiyie. "Ang mga numerong ito ay binibilang ng limahan sa tuwing ang nakatapat dito ay ang malaking kamay. At kapag ang maliit na kamay ang nakatapat dito, binabasa ito sa kung ano ang basa talaga dito."    
  • 10. "Halimbawa, sa orasang ito, nakaturo ang maliit na kamay sa 10 kaya 10 ang basa dito. Samantalang ang malaking kamay ay nakaturo sa 6, ibig sabihin ang basa dito ay 30", ang turo ni Feri Godmother Shayie, "Kaya ang basa dito ay 10:30." "Upang mas maunawaan mo, bibigyan ka pa namin ng maraming halimbawa,"dagdag ni Feri Godmother Abiyie.    
  • 11.   "Hayaan muna natin na ang mga bata ang magsagot, kapag nasanay ka na at natutunan mo na, Nobina, ikaw naman ang magsasagot, " Dagdag ni Feri Godmother Shayie. "Anong oras ang pinapakita ng orasan na ito?" tanong ni Feri Godmother Andi. "Tama mga bata! 4:30 nga!"      
  • 12.   "Ano namang oras ang pinapakita nito?, tanong naman ni Feri Godmother Shayie. "Tama! iyan naman ay 6:40"    
  • 13. "Ito naman mga bata, anong oras ang pinapakita nito?, tanong naman ni Feri GOdmother Abiyie." "Ang gagaling niyo! Iyan ay 5:00"    
  • 14. "Subukan pa natin mga bata para mas maintindihan pa ni Nobina," ang panghihikayat ni Feri Godmother Shayie. "Anong oras ito?" "Magaling! 3:25"    
  • 15. "Hindi ba't kay dali lang Nobina? Ngayon, hindi ka na iiyak, sapagkat ang mga orasan ay mga kaibigan mo na!" ani ni Feri Godmother Andi, habang ang dalawa pang sila Feri Godmother Shaiyie at Abiyie, ay tumatangong nakangiti sa bata. "Opo! Ngayon po, hindi na ako ulit iiyak ng dahil sa mga orasan, mula po ngayon, masasagot ko na rin ang mga tanong nila kung anong oras na!"
  • 16. At sa paglabas nila sa mundo ng orasan, at pagbalik sa planetang Fer, ang naiusal na lamang ng batang Nobina sa sobrang tuwa: "Nasasabik na ako! Nasasabik na akong may magtanong sa akin ng ANONG ORAS NA, NOBINA? Salamat, salamat po sa inyo." At tumakbo ang batang Nobina pauwi, masayang masaya.
  • 17. Wakas
  • 18. Ang mga larawang ginamit sa kuwentong ito nasa ilalim ng lisensyang nagpapahintulot sa muling paggamit:
  • 19. Ang pinagkuhanan ng mga ginamit na  imaheng orasan ay nagmula sa: http://www.theteacherscorner.net/printable-worksheets/make-your-own/telling-time/

×