Pagbasa
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Pagbasa

on

  • 350 views

 

Statistics

Views

Total Views
350
Views on SlideShare
342
Embed Views
8

Actions

Likes
0
Downloads
3
Comments
0

1 Embed 8

http://www.slideee.com 8

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft Word

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Pagbasa Pagbasa Document Transcript

  • PAGBASA PAGBASA- ito ay interpretasyon ng nakalimbag ba simbolo ng kaisipan Mga Hakbang sa Pagbasa: 1. Pagkilala- tumutukoy sa kahulugan ng bawat salita 2. Pag-unawa- kaisipan o ideyang ipinahahayag 3. Reaksyon- paghatol na gagawin ng mambabasa 4. Asimilasyon- naiuugnay ng mambabasa ang kaisipan sa nakaraan at kasalukuyan. Uri ng Pagbasa: 1. Masaklaw na pagbasa- ito ay nauukol sa malayang pagbabasa ng anumang paksa at ng posisyon ng bumabasa. 2. Masinsinang pagbasa- pormal na pagbabasa sa silid-aralan o sa aklatan. 3. Mabilisang Pagbasa- may dalawang uri a. Skimming- pinaraanang basa. b. Scanning- paghahanap o pagbabasa sa isang tiyak na impormasyong kailanganin sa isang pahina. 4. Tahimik na pagbasa- mata lang ang ginagamit. 5. Malakas na pagbasa 4 teorya ng pagbasa: a. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestaltna naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na inside out o cenceptually-driven
  • dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto. c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa KAHALAGAHAN NG PAGBASA Ang pagbabasa’y nakakatulong sa pagtuklas ng karunungan sa iba’t ibang larangan. Naghahasa ito ng kaisipan ng tao Nakapagdaragdag ng kaalaman Nagpapalawak ng pananaw Nagbibigay ng kasiyahan Nakapagdadala sa isang tao sa iba’t ibang lugar Nagbubukas din ito ng daan upang matuto sa iba’t ibang disiplina tulad ng Pilosopiya, Sikolohiya, Kasaysayan, matematika at marami pang iba Sanitation Sanitation is the hygienic means of promoting health through prevention of human contact with the hazards of wastes as well as the treatment and proper disposal of sewage wastewater. Hazards can be either physical, microbiological, biological or chemical agents of disease. Wastes that can cause health problems include human and animal feces, solid wastes, domestic wastewater (sewage, sullage, greywater), industrial wastes and agricultural wastes. Hygienic means of prevention can be by using engineering solutions (e.g. sewage and wastewater treatment), simple technologies (e.g. latrines, septic tanks), or even by personal hygiene practices (e.g. simple handwashing with soap). Hygiene Hygiene is a set of practices performed for the preservation of health. While in modern medical sciences there is a set of standards of hygiene recommended for different situations, what is considered hygienic or not can vary between different cultures, genders and etarian groups. Some regular hygienic practices may be considered good habits by a society while the neglect of hygiene can be considered disgusting, disrespectful or even threatening.