Ano ang salawikain

17,853 views
16,825 views

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
17,853
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
74
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ano ang salawikain

  1. 1. SALAWIKAIN Ang mga salawikain[1][2] , kawikaan[1] , kasabihan[1] , wikain[1] , o sawikain[1] ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan. Salawikain:Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. -Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan. -Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. -Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera. KAWIKAAN Ang kawikaan,kasabihan at salawikain ay mga kasabihan na may malalim na kahuluganat nagbibigay patnubay at payo sa ating pangaraw-araw na pamumuhay isinasaad sa mga maiikling pangungusap lamang subalit ang mga ito ay makahulugan at makabuluhan. 1. KAWIKAAN 3:5 " Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:" 2. KAWIKAAN 3:13 "Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan." KASABIHAN Ang kasabihan ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ito ay ipinasa sa atin ng ating mga ninuno, ang kasabihan ay nagbibigay ng paalala at mabutiing aral sa atin. Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin. Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag- uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag- uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang. BULONG Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang kahulugan sa wikang Tagalog ng Maynila, subalit nanatili pa rin ang tunay na pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan sa Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan. Isang panalangin ang bulong binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran. Mga halimbawa ng uri ng bulong na nagtataboy ng masasamang diwa o maligno ay ang Xristac Ortac Aminatac at " umalayu deketam e pesan a ore ni kamalotan de tabiang ni makedepat". 1.Tabi, tabi po, Ingkong. 2. Makikiraan po lamang. BUGTONG Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. 1. Maikling landasin, di maubos lakarin. – ANINO (SHADOW) 2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. – sinturon (belt) 3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. – sapatos (shoes) 4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. – langgam (ant)

×