Agham panlipunan sa ekonomiks
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Like this? Share it with your network

Share
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
  • tnx po
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to like this
No Downloads

Views

Total Views
2,331
On Slideshare
2,117
From Embeds
214
Number of Embeds
5

Actions

Shares
Downloads
6
Comments
1
Likes
0

Embeds 214

http://www.slideee.com 207
http://webcache.googleusercontent.com 4
http://translate.googleusercontent.com 1
http://www.google.com.sa 1
http://www.slidesearchengine.com 1

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. AGHAM PANLIPUNAN SA EKONOMIKS Antropolohiya- ito ay isang sistematikong pag-aaral ng pinagmulan, ebolusyon at kultura ng Tao. Tulad ng isang siyentista ang mga antrologo ay nagsisiyasat sa mga pangkalahatang ugnayan sa gawi ng Tao.Nagiging batayan din ng pag-aaral ang mga materyal at di materyal na bagay tulad ng kasuotan, tirahan , paniniwala at pagpapahalaga. Agham Pampulitika- Ito ay isang sistematikong pag-aaral ng buhay pulitikal. Ang mga political Scientists ay sinisikap sagutin ang mga katanungang tulad ng ano ang dahilan ng pagpapatibay ng aksyon ng pamahalaan, kaninong kapakanan ang binibigyang pansin ng pamahalaan. Sosyolohiya- Ito ang pag-aaral ng Tao, pangkat at institusyon na bumubuo sa lipunan. Bibibigyang pansin din kung paano ang Tao ay bumubuo ng kanyang grupo, ang dahilan ng ibat-ibang anyo ng lipunang gawi o social behavior, ang papel na ginagampanan ng simbahan, paaralan, at iba pang institusyon sa lipunan. Pilosopiya- Ito ay ang pag-aaral na nagnanais maunawaan ang liwanag ng realidad ng buhay. Sinisikap nitong matuklasan ang katotohanan at karunungan upang mabatid kung ano ang mahalaga sa buhay. Sinusuri din nito ang ugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ng kalikasan ng Tao at lipunan. Kasaysayan - mga nakatakang pangyayari na naganap sa nakaraan tungkol sa isang Tao, institusyon o lugar. Ang kasaysayan ay nagsisilbing paalala at tulong sa atin upang maging mabuting mamamayan. Makatutulong din sa bawat Pilipino na maging mabuting bahagi ng kasaysayan ng bansa. Sikolohiya- Ito ang siyentipikong pag-aaral ng mga prosesong pangkaisipan at gawi. Inoobserbahan at tinatlang mga sikologo kung paano ang Tao at ang uri ng hayop nakikipag-ugnayan sa isat-isa Heograpiya- Ito ang pag-aaral ng lokasyon at pamamalagi ng mga nabubuhay na bagay sa daigdig at ang ugnayan sa iba pang bagay sa daigdig. Sapgkat nais ng heograpo na malaman ang lakas na lumikha at nagbabago sa lupa at tubig. Bahagi rin ng pananaliksik ng heograpo ang pagkakabuo ng mga lungsod, lambak, tubig, at iba pang bahagi ng kapuluan at katubigan. Archeology - Ito ang pag-aaral sa nakaraan sa pamamagitan ng pagkilala at interpretasyon ng kultura ng Tao. Ang mga nahukay na labi ng mga nakaraang sibilisasyon ay nagbibigay-linaw sa mga pangkabuhayang kultura ng Tao sa ibat-ibang panahon. Criminology - Ito ang makaagham na pagaaral sa krimen, criminal, Gawain ng criminal at ang criminal justice system. Ang criminology ay nakatulong magkaroon ng pang-unawa ng krimen. Ang mga resulta ng mga criminological researcher ay magiging gabay ng mga pinuno ng pamayanan, mga nangangalaga ng batas sa pagsugpo ng krimen. Demography - Ito ay pagaaral ng distribusyon, komposisyon, at pagbabago ng populasyon ng Tao. Ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng demographer ay ang birth at death rate, emigration at immigration patterns at marital patterns.