Your SlideShare is downloading. ×
  • Like
Italya sa mata ng isang maykapansanan (italy in the eyes of a handicapped)
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×

Now you can save presentations on your phone or tablet

Available for both IPhone and Android

Text the download link to your phone

Standard text messaging rates apply

Italya sa mata ng isang maykapansanan (italy in the eyes of a handicapped)

  • 757 views
Published

 

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
    Be the first to like this
No Downloads

Views

Total Views
757
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
2
Comments
0
Likes
0

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Italya: Sa Mata ng Isang MaykapansananSa mahigit anim na buwan ko sa Italya (Mula Disyembre29,2004 hanggang Hunyo 6,2005), maliban sa pag-aaral ng“conservation and restoration of artworks” sa Istituto Centraleper Il Restauro, isang tanyag na paaralan sa buong mundo sakursong “art restoration”, ay nagkaroon din ako ng pagkakataonna mabisita ang ilang mga lugar sa Italya tulad ng mgasimbahan, museo at ang kanilang mga matandang istruktura. Atsa tulong ng kaibigan kong paring Camilliano, bukod sa Romaay nakapasyal din ako sa ibang probinsiya ng Italya tulad ngVerona, Venezia (Venice) at Firenze (Florence).Roma(Rome)Ang siyudad kung saan nag-aral ako at ang lugar na masasabikong may pinakamaraming magagandang tanawin. Mahigit sa30 museo ang nabisita ko dito ngunit sa aking pagkalkula aymahigit lamang itong 25% ng kabuuang bilang ng mga museodito. Ang anim na pinakamagaganda ay ang Museo Vaticano,Capitolini, Galleria Borghese, Galleria Doria Pamphilj, Galleria
  • 2. Nazionale d’ Arte Moderna e Contemporanea, at ang MuseoNazionale Etrusco di Villa Giulia.Ang Museo Vaticano ang sa aking palagay ang pinakamagandaat mayroong pinakamalaking koleksiyon ng artworks sa lahat ngmga museong napuntahan ko. Sa laki nga nito ay kinailangan kopang magpabalik-balik ng mahigit tatlong beses para langmakita ko ang kabuuan ng koleksiyon. Libre pumasok angpubliko dito tuwing huling linggo ng buwan. Gigising ka ngalamang ng madaling araw at pipila ng napakahaba dahil aabot saisang kilometro ang haba ng pila dito. Salamat na lang dahil angkatulad kong may kapansanan ay hindi na kailangang magdaansa ganitong sitwasyon. Kaya minsan nagpapasalamat din ako atnaging ganito ako. Ang museo ay may “picture gallery” nanaglalaman ng napakaraming paintings ng mga sikat na artiststulad nina Rafaello, Michelangelo, Leonardo da Vinci,Caravaggio, Titiano, Van Dyck, Pinturicchio, Pousin, at maramipang iba. Pwedeng kuhanan ito ng larawan ngunit kailangangwalang "flash". Ang isang parte ng museo na medyo nahirapanakong puntahan dahil puro hagdanan ang daan patungo rito ayang sikat na Sistine Chapel kung saan ang bubungan aynapapalamutian ng mga "fresco paintings" ni Michelangelo namay temang ayon sa biblia at ginawa pa noong ika-16 na siglo.Meron din itong tinatawag na “Stanza di Raffaello” o “kuwartong pintor na Rafaelllo” kung saan naroon ang kanyang mga sikatna "fresco paintings" tulad ng “School of Athens”. Angkoleksiyon nila ng mga istatwa ay aabot sa libong piraso.Sa ikalawang palapag ng museo ay may isang garden o "openspace" kung saan sa sentro nito ay may isang napakalakingbolang metal na gawa sa bronze. Noong una kong punta dito,
  • 3. ang akala ko ay globo lang ito ng mundo ngunit nangmagtanong ako sa guwardiya, ito pala ang “Pomodoro diPomodoro” na ang ibig sabihin ay “Kamatis ni Pomodoro" naisang italianong iskultor.Maganda ang pagkakagawa ng museo lalo na para sa mga maykapansanang tulad ko dahil marami itong mga elevators,escalators, at maging rampa. Nakakatuwa nga ang rampa niladahil “helical” ang hugis nito.Ang pangalawang magandang museong napuntahan ko ay angMuseo Capitolini kung saay medyo nahirapan nga lang akongpuntahan dahil matarik ang hagdan paakyat dito. Ito ay binubuong dalawang gusaling magkaharap. Ang isa ay naglalaman ngmga iskultura samantalang ang pangalawa ay mga paintingslamang ang mga nakadisplay. Ang mga karaniwang paintings nanakadisplay dito ay gawa pa ng mga sikat na pintor noong ika-16 at ika-17 siglo tulad nina Titian, Lotto, Rubens, Velazquez,Caravaggio at marami pang iba.Pangatlong magandang museong napuntahan ko ay ang GalleriaBorghese. Ito ay isang pribadong museo kung kaya’t hindi akonabigyan dito ng 100% libreng pagpasok. Ganoon pa man aybinigyan rin nila ako ng 50% diskwento noong ipakita ko sakanila ‘yong dokumento ko tungkol sa pagiging iskolar ko nggobyernong Italiano. Napakaganda rin ng museong ito dahil anggusali nito na kulay puti ay itinayo sa loob ng isang magandanghalamanan. At gaya ng sa ibang museo ay punong-puno rin itong koleksiyon ng mga iba’t-ibang uri ng mga "artworks" tuladng mga paintings, iskultura at iba pa. Ang hindi ko langnagustuhan dito ay inu-orasan nila ang mga tao. Ang pagpasok
  • 4. ay grupo-grupo at isang oras lang binibigay para makita anglahat. Ngunit hindi ko ito sinunod dahil ang katwiran ko ay maykapansanan ako at hindi ako pwedeng madaliin. At saka, isaakong estudyante at kinakailangan ko ang mahaba-habang orasupang mapag-aralan ng husto ang mga naka-display na artworkslalo na ‘yong mga paintings. Nagpapasalamat naman ako saDiyos dahil wala ng nakipagtalo pa sa akin. Ang museo aynaglalaman ng mga paintings nina Corregio “Danae”, Raphael“Ang Deposisyon”, Caravaggio “San Jerome”, at marami pangiba. Ang kanilang koleksiyon ng mga iskultura aynapakagaganda rin. Ang mga taong istatwa na karaniwa’y gawasa marmol ay animo’y tunay na tao at buhay na buhay. Napaka-perfecto ng kanilang pagkakaukit. Karamihan sa kanila ay gawang mga sikat na Italyanong iskultur tulad nina Bernini atCanova. At sa lahat ng mga iskultura dito, napansin kongmadalas na pinagkukumpulan ng mga tao ay ang isang iskulturani Canova. Ito ay iyong istatwa ni "Paolina Borghese" nanakahubad at nakahiga sa isang kama. Si Paolina Borghese aykapatid na babae ni Napoleon Bonaparte na nakapag-asawa ngisang Italianong mula sa angkan ng mga Borghese.Ang Galleria Doria Pamphilij ay ang kauna-unahang museo nanapasyalan ko at ayon na rin sa utos ng aking professor sa“restorasyon” dahil may mga ilang paintings daw silang naisipalinis sa aming eskwelahan. Pinapunta ako doon upangobserbahan ko ang ilang parametro ng kapaligiran ng museotulad ng lakas o tingkad ng ilaw, temparatura at relativehumidity. Tuwang-tuwa naman ako dahil nang dumating akodoon at nalaman nilang ako’y padala ng Istituto Centrale Per ilRestauro upang alamin ang pinagmumulan ng problema ng ilangmga paintings nila ay todo asikaso nila sa akin. Ayon sa
  • 5. "cassette tape" na kanilang ipinahihiram sa mga bisita upangipadinig ang istorya ng museo at ang mga koleksiyon dito, angmuseong ito ay isang pribado at pagmamay-ari ng angkan ngDoria Pamphilij na dating prinsipe ng Roma.Umaabot din sa libo ang dami ng kanilang koleksiyon ng mgapaintings at ang karamihan ay gawa ng mga sikat na pintor tuladnina Titiano “Salome”, Parmigianino “Madonna and Child”,Caravaggio “Rest on the flight into Egypt”, at Velazquez"Portrait of Innocent X". Mayroon din silang mga paintings ninaCarracci, Savoldo, Salvator Rosa, at iba pa. Bawal nga langkuhanan ng larawan ang mga paintings dahil copyrighted dawnila ang mga larawan nito. Kaya bilang ala-ala ay bumili na langako ng ilang cartolina(postcards) na binebenta nila.Sa Galleria Nazionale del Arte Moderna ko naman nakita angmga paintings na napapabilang sa ika-19 at ika-20 siglo. Samadaling salita, ang mga paintings na ginawa noong panahon ngImpressionism. Ayon sa aking obserbasyon, ang mga kulay naginamit ng mga pintor ay hindi mga tutoong kulay ng mgabagay bagkos ito ay nakaayon sa kanilang sariling personal napanlasa o interpretasyon. Dito ko nakita ang ilang mga paintingsnina Vincent Van Gogh, Monet at Manet, De Chirico, Pollock atmarami pang iba. Bawal kunan ng larawan ang mga paintingspero paminsan-minsan ay kumukuha rin ako ng patago. Maramiakong nakuhanang pictures nang mag-tanghalian ang karamihansa kanilang mga bantay. Dahil dito ay nakuhanan ko ng picturesang mga paintings ni Vincent Van Gogh. Kaya lang noongnaparami naman ng husto ang pagkuha ko ng litrato ay nahulirin ako ng isang bantay at pinagalitan ako. At para makasiguro
  • 6. na hindi na ako makakakuha pa ng picture ay lagi na niya akongsinusundan kahit saan ako magpunta.Napagod ako ng husto sa pag-iikot sa loob ng museong ito dahilnapakalaki at napakalawak ng gusali. Marahil mga dalawangbeses ang laki nito sa ating Pambansang Museo. Halos naubosko ang kalahating araw sa loob ng museo. Noong matapos naako sa pag-iikot, bago umuwi ay dumaan muna ako sa kanilangcafé. Ngunit kape lang ang nabili ko dahil sa sobrang mahal ngkanilang bilihin. At may dagdag pang bayad kung ikaw aykakain ng nakaupo. Noong bumili ako ng kape, kinausap ko angkanilang pinaka-boss at pinakiusapan ko na baka pwede namangumupo ako ng hindi na kailangang magbayad pa dahil sa akingkalagayan. Sa awa naman ng Diyos at sa aking malumanay napakiusap ay nakumbinse ko rin siya na paupuin ako ng libre.Ang Villa Giulia Museo di Etruscano ay mga limangminutong paglalakad lang mula sa Museo Nazionale del ArteModerna. Sa museong ito ko nakita ang sangkatutak na"artifacts" na nahukay sa iba’t-ibang karatig bayan ng Roma.Karamihan ay mga banga (jars) na may guhit ng iba’t-ibanglarawan o mga gawain ng tao tulad ng pangangaso at iba. Maymga guhit din sa banga na may tema tungkol sa mga diyos-diyosan ng mga Etruscano. Ang mga Etruscano angpinaniniwalaang isa sa mga ninuno ng mga Italiano. Karamihansa mga nahukay dito ay galing pa sa mga matatandang libinganna may edad na umaabot pa hanggang sa 200 B.C. o dalawang-daang taon bago pa ipanganak si Hesu-Kristo.Malaki ang gusaling ito at hugis pabilog. Sa gitna ay mayhalamanan na hitik sa mga magagandang bulaklak. Umaabot sa
  • 7. dalawang palapag ang gusaling okupado ng museo. Sanapakaraming mga artifacts na display dito, ang pinaka gusto koay ang koleksiyon nila ng mga alahas na gawa sa halos purongginto at mamahaling bato tulad ng diyamante, esmeralda at rubi.Karamihan dito ay nahukay din sa mga matatandang libingan.Ang iba ay galing sa mga hari at prinsipe noong sinaunangpanahon. Ang labis na hinangaan ko ay ang maganda at halosperfectong pagkakagawa ng mga alahas.Nagpapakita kasi ito ngyaman ng kanilang kultura maski pa noong unang mga panahon.Sa mahigit 100 simbahang nabisita ko sa Roma (mga 20% langito ng kabuoang bilang) ang masasabi kong pinakamaganda ayang Basilika ni San Pedro sa Vaticano. Mahigit tatlong besesakong nagpunta dito. Ang una ay simpleng pamamasyal lang.Iyong pangalawa ay upang magsimba dahil Pasko ng Pagka-buhay noon ni Hesu-Kristo at ang pangunahing tagapag-misa aysi Papa Juan Paolo II. Ang pangatlo ay noong nag-tour guideako sa aking kaibigang Pilipino na kabrod ko sa Knights ofColumbus. Ang basilika ay napapaligiran ng maraming columns(mga 284 ang dami ayon sa aking pagkakabilang) na apat-apatang ang pagkakahilira at tila pabilog ang hugis at parang hugiskamay naman ang anyo kung titingnan sa ere. Ang ibig sabihindaw nito ay ang pagiging bukas ng simbahan sa lahat ng mga taosa mundo. Sa itaas ng bawat column ay mga rebolto (umaabot sa140) ng mga iba’t-ibang santo at martir ng simbahangKatolika.Makikita rin sa plaza ang dalawang malalakingfountains na napapagitnaan ng isang "obelisk".Pila-pila ang lahat ng mga taong pumapasok sa loob ngsimbahan. Nagdadaan muna kasi sila sa matinding pag-iinspeksiyon. Nag-iingat kasi sila na malusutan ng mga terorista.
  • 8. Noong nakapasok na ako ay namangha ako sa laki at lawak ngsimbahan, at sa matinding dekorasyon nito na gawa sa ginto atiba’t-ibang klase ng bato. Lahat na yata ng kulay ng mamahalingmarmol ay nandito na: pula, puti, itim, dilaw at iba pa. Ang ibaay galing mismo dito sa Italia samantalang ang iba ay kinuha padaw sa bansang Ehipto.Mayroong mga kapilya sa loob ng basilica kung saan mayroongmga paintings ng mga santo o ni Hesukristo sa pinakapader ngaltar. Subalit sa lahat ng mga tanawin sa loob ng simbahan anglugar na napansin kong laging may pinakamaraming tao ay anglugar kung saan nandoon ang iskultura ni Michelangelo natinatawag na “La Pieta”. Ito’y rebolto ng nakaupong mahal nabirheng Maria na tangan-tangan ang patay na katawan ngkanyang anak na si Hesukristo. Ito ay ginawa ni Michelangelosa okasyon ng Jubileo noong taong 1500.Ang “Baldachin” ay isa pang magandang bagay sa loob ngsimbahan. Ito ay gawa ni Bernini at isang istrukturang gawa sabronze na binubuo ng apat na pillars na pa-helix ang hugis. Itoang pinaka pangunahing altar kung saan nagmimisa ang papa.Ngunit ginawa rin ito upang bigyang pugay ang nitso ni SanPedro na nasa ilalim mismo ng altar. Noong bumaba nga ako ngbasement ay nakita ko ito at dito ko rin nalaman na sa lugar naito nakalibing din ang iba pang naging papa ng simbahangkatolika. Umakyat rin ako sa malapit sa pinaka-dome ng basilicadahil may elevator namang paakyat dito. At dito ko nakilala angisang madreng kababayan natin na isa sa mga staff sa kanilangsouvenir shop. Mula sa lugar na ito ng basilica ay halos tanawko na ang buong siyudad, palibhasa’y ito ang pinakamataas naistruktura sa buong Roma. At nalaman kong magmula noong
  • 9. itinayo ito at hanggang ngayon ay ipinagbabawal magpatayo nganumang gusali na mas mataas pa sa Basilica ni San Pedro.Subalit bukod dito kilala ang Roma sa marami nitong tinatawagna “open air museums” o mga matatandang estruktura naginawa ng kanilang mga ninuno na umaabot na ng daang taonhanggang libong taon ang tanda. Halos 90% ang kabuoangbilang na nabisita ko. Ang mga sumusunod ay ang itinuturingkong sampung pinakamagagandang lugar na napuntahan ko:Colosseo, Castel San’t Angelo, Pantheon, Fontana di Trevi,Bocca della Verita, Monumento ni Vittorio Emmanuele II,Piazza Navona, Terme di Caracalla, Ostia Antica, at ang Escaladi Piazza Espana.VeronaNagkaroon ako ng pagkakataon na marating ko ang Verona ngilibre ako sa pamasahe (mahigit 80 Euros balikan mula Roma)sa tren ng aking mga kaibigang paring Camilliano na sinaPadre Luigi at Padre Alberto Romano. Mahigit 500 kilometroang layo nito sa Roma ngunit dahil pinaka-class na tren angsinakyan namin inabot lang kami ng mahigit sa dalawang orasna biyahe. Ang ordinaryong tren ay aabutin ng mahigit apat naoras bago makarating. Ang siyudad ay nasa may hilagang parteng Italya at kilala ito bilang probinsiya nina Romeo at Juliet, angbatikang nobela ni William Shakespeare. Katulad sa Roma,halos lakad lang ang aking ginawa upang mapasyalan ko angmga kilalang lugar dito. At noong nagpunta ako sa bahay niJuliet ay doon ako naniniwala na talaga palang sikat na lugar itodahil sa dami ng tao nagpupunta dito. Sa may ibaba ng balcony
  • 10. ng bahay ay may estatwa ni Juliet na gawa sa bronze at doonnagpapakuha ng larawan ang mga tao.Napakasuwerte ng tindahan na malapit sa bahay dahil haloslahat ng tao na nagpupunta doon ay bumibili sa kanila. Ako langang halos hindi makabili doon dahil tinitipid ko kasi ‘yong perako. Samantala, yong bahay naman ni Romeo na ilang minutongdistansiyang paglalakad lamang mula sa bahay ni Juliet ay hindimasyadong pansinin ng mga tao. Ito marahil ay dahil sa hindikasi masyadong naipreserba ang bahay.Ang isa pa ring kilalang lugar na napuntahan ko sa Verona ayang "Ampiteatro Romano" o ang tinatawag din nilang Arena.Kahawig ito ng Colosseo sa Roma ngunit magkaiba sa naginggamit. Ang arena sa Verona ay ginamit bilang lugar sapagtatanghal ng teatro samantalang ang Colosseo sa Roma ayginamit ng mga sinaunang Romano bilang lugar na tinatawag na“gladiatorial battles” kung saan ang mga kristiyanong bihag aypinuwersang magpatayan sa isa’t-isa. At kung sinomang manalosa labanan ay pwedeng bigyan ng karapatang maging malaya.Ang Arena ay may kapasidad na 22,000 kataong manonood.Magpahanggang ngayon ay ginagamit pa rin ito sa pagtatanghalsa teatro lalo na sa panahon ng tag-init o summer.Sa maraming simbahang nabisita ko sa siyudad, ang Cathedral(Il Domo) ang masasabi kong pinakamaganda at malaki. Ito aysinimulang gawin noon pang 1187 A.D. Ang harapan ngkatedral ay may kombinasyon ng "Romanesque" at "Gothic" naistilo. Sa loob ng katedral ay makikita ang isa sa mga paintingsni Tiziano na may pamagat na “Assumption”. Matapos angnakapapagod na pag-iikot sa loob ng katedral ay nagmeriendaako sa isang café na nasa harapan lang ng katedral. At bilang
  • 11. konsuelo sa pagkain ko sa kanilang café ay pinakiusapan koyong waiter nila na kunan ako ng mga larawan na ang"background" ay ang maganda nilang katedral.Nagpunta rin ako sa Piazza dei Signori kung saan naroon ‘yongScaliger palace(12 century edad). Ang palasyong ito angnaging tirahan ni Dante Alligheri, ang sumulat ng nobelang“Divino Comedia”.Inabot na ako ng gabi sa pamamasyal sa ibat’t-ibang lugar saVerona. Dahil sa maghapong paglalakad ay sumakit ang buokong katawan. Ngunit hindi ko ito alintana dahil sa mgamagagandang tanawin na aking nakita.Venezia (Venice)Pagkatapos ng isang araw kong pamamasyal sa Verona ay saVenezia naman ako pumunta. Napansin ko kasi sa mapa namalapit lang pala ito sa Verona at marahil ay hindi magastos sapamasahe sa tren. Hindi nga ako nagkamali dahil inabot lang ng12 euros (ordinaryong pamasahe) ang binayad ko mula Veronahanggang Venezia at pabalik. Ang pinlano kong tumbukinglugar dito ay ang kilalang Piazza San Marco. Dahil sa layo nitomula sa estasyon ng tren kailangang sumakay pa sa ferry boat.Ngunit hindi ko ito ginawa dahil napakamahal ngpamasahe.Umaabot sa 10 euros ang pamasahe papunta pa langdoon. Pinag-aralan kong muli ang mapa at napansin ko napwede rin pala itong lakarin. Iikutin ko nga lang ang buong islaat dadaan sa napakaraming mga maliliit na tulay. Dahil maagapa naman (6 a.m.) nang dumating ako sa Venezia(Venice) inisipko na marahil kasya naman ang buong maghapong paglalakad
  • 12. ko upang marating ko ang Piazza San Marco. At ganun nga angaking ginawa.Sa paglalakad ko ay marami akong magagandang tanawingnadaanan; may ilang simbahan din akong pinasok tulad ngsimbahan ng Santa Maria dei Miracoli. Kahit na sakit sakatawan ang inabot ko sa paglalakad ay ayos lang dahil masayanaman ako sa ginagawa ko at naaaliw ako sa dami ng mga taongnakakasabayan ko sa paglalakad. Napakaraming Filipino ditoang nakahuntahan ko habang naglalakad. Kahit saang lugar yatadito sa Italia ay may mga Filipino. Ang ilang kababayan natin nanakasabayan ko sa pamamasyal ay galing pa sa ibang bansatulad ng Amerika.Kung hindi ko na kaya pang maglakad dahil sa pagod ayhumihinto ako pansamantala sa isang lugar. Kadalasan ay saisang kainan. Ang isang lugar na hinintuan ko dito ay saMcDonald’s. Sa palagay ko kaisa-isa lang ito sa buong Venice.Wala namang masyadong pinagkaiba ito sa McDonald’s dito saatin sa Pilipinas. Halos pareho lang din sa atin ang binebentanila, siyempre pa mga hamburgers. Ang napansin ko lang nawala sila ay "spaghetti". Ito rin ang napansin kong wala sa haloslahat ng mga McDonald’s na napuntahan ko dito sa Italia athindi ko alam kung bakit. Marahil ay baka hindi ito magki-clicksa mga Italiano dahil sawang-sawa na sila sa pagkain ng pasta.Medyo high-tech ang Mcdonald’s nila dito dahil yong comfortroom nila ay nakacomputer lock pa. Makakapasok ka lang ditokung bibili ka sa kanila. Nasa resibo kasi yong numeronggagamitin para pambukas ng kuwarto.
  • 13. Pagkatapos makakain at makapahinga ng ilang minuto aytumulak muli ako sa paglalakad. Masikip lang ang mga kalyedito kaya walang mga sasakyan. Lahat ng mga tao ay naglalakadlamang. At bawat 50 hanggang 100 metro ay may mga malilit natulay na madadaanan. Humihinto ako sa bawat tulay na akingnadadaanan para magpakuha ng litrato. Sa gilid ng ibang mgatulay ay mayroong naghihintay na "gondola". Hindi komagawang makasakay dahil napakamahal sa budget ko ‘yongarkila. Sa mahigit kalahating oras lamang kasing pamamasyal saGrande Canal ay aabot na sa 100 euros ang bayad. Mahigit sa7,000 piso na ito sa halaga ng pera natin. Bilang ala-ala aynagpakuha na lang ako ng litrato dito.Inabot ako ng mahigit limang oras sa paglalakad bago konarating ang inaasam-asam kong lugar na Piazza San Marco.Isang balde yata ng pawis ang tumagaktak sa katawan ko bagoko ito narating. At nang marating ko ito, labis-labis ang akingkasiyahan. Hindi nasayang ang aking mahabang paglalakaddahil sa napakaganda ng lugar. Grabe ang dami ng mga kalapatidito! Hindi ko mabilang sa dami at halos dikit-dikit sila kapagnakalapag sa kalye. Wala na halos malakaran ang mga tao. Peronakakatuwa sila dahil kapag naglalagay ang sinoman ng buto ngmais sa palad niya ay nag-uunahan sila sa paglipad papunta sakanyang palad. Ang mais na pinapakain sa kanila ay mabibililang sa ilang nagbebenta dito. Isang euro ang halaga ng bawatisang plastic (mga 50 gramong bigat) ng buto ng mais.Ang bagay na nakapagtataka dito, sa kabila ng libo-libongkalapati sa plasang ito ay wala akong nakitang mga dumi nghayop sa sahig. At wala rin akong naamoy na panghi na bungang kanilang ihi. Ibig sabihin lang ay talagang matinding
  • 14. paglilinis ang kanilang ginagawa dito. At hinahangaan ko angmga Italiano sa pagiging malinis. Halos lahat ng mga comfortrooms(CR) pampubliko na napasukan ko ay tunay na kaylilinisat kaybabango.Pagkatapos kong magpakuha ng litrato sa plaza ng San Marcoay pumasok ako sa kilalang Basilica di San Marco na nasaharapan lang nito. Ang basilica ay lumang-luma na at mahigit sa800 taon na ang tanda nito. Ang hinahangaan ko dito ay angpalamuti nitong "mosaico" na gawa sa ginto at mga bato na mayiba’t-ibang kulay. Mga mosaicong gawa sa ginto angkaraniwang nakapalamuti sa bubungan nito samantalangmosaicong gawa sa iba’t-bang bato naman ang nakalagay samga sahig. Pila-pila at dikit-dikit ang mga tao dito sa pag-ikot saloob ng simbahan. Ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan ditona noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit subalit nangmakita ko sa isang lugar sa loob ng simbahan na may nagtitindang mga libro, post cards at ilan pang bagay tungkol sa simbahanay naisip kong ito na siguro ang kasagutan sa tanong ko. Kayabilang ala-ala ay bumili na rin ako ng ilang mga post cards tuladng mosaico na nasa bubungan at mga sahig ng simbahan.Mag-aalas-singko na ng hapon nang makabalik ako sa estasyonng tren. Baka maiwanan pa kasi ako ng tren dahil nakabili naako ng tiket pabalik ng Verona. Ang tren ay aalis ng mga alas-6y media ng gabi. Dahil halos gabi na at imposibleng marating koang estasyon sa paglalakad lang kaya napuwersa na rin akongsumakay ng ferry boat pabalik. Kahit na medyo magastos din itosa akin ay okey na rin dahil kahit papaano nakatipid na ako ngkonti sa pagpunta ko sa Piazza San Marco.
  • 15. Firenze(Florence)Umabot ng mahigit sa isang buwan bago ko nadesisyonangpumunta dito mula sa lugar na aking tinutuluyan sa Roma. Nag-ipon muna kasi ako ng pera para panggastos at pinag-aralan korin muna sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro ang tungkol salugar at mga pasikot-sikot dito. Masuwerte naman ako dahilnatulungan muli ako ng kaibigang kong paring Camilliano sapamamagitan ng pagpayag niya sa akin upang tumira ng isangaraw sa kanilang konbento sa Firenze. Malaking bagay kasi namakalibre ako sa tirahan sa mga lugar na pinupuntahan ko dahilmasyadong mahal kasi sa Italia ang mga tirahan. Gaya ng dati aynagtren ako papunta dito at ordinaryo lang ang aking sinakyankaya umabot ng mahigit apat na oras ang biyahe kumpara sakulang-kulang na dalawang oras lang kung iyong pinakamahalna tiket ang binili ko. Inabot sa mahigit sa 15 euros ang binayadko sa pamasahe papunta lang doon. Dobleng halaga ang aabutinkung first class ang sinakyan kong tren. Muntik pa akongmaligaw sa paghahanap sa konbento na titirhan ko. Halos lahatkasing matanungan ko ay hindi alam ‘yong lugar.Ngunit dahil sapagpupursige ko ay nakita ko rin ito sa wakas. Kumain atnagpahinga muna ako ng ilang minuto bago ako nagsimulangmamasyal muli.Kahit hinihila na ng kama ang katawan ko upang mamahinga aypinigil ko ang aking sarili dahil ayaw kong sayangin angpanahon na pinagkaloob sa akin dito sa Firenze. Para sa akinbawat oras ko dito ay ginto dahil maaring hindi na maulit pa angganitong pagkaktataon sa aking buhay. At gaya ng akingkaraniwang ginagawa sa bawat lugar na aking pinapasyalan,
  • 16. madalas ay nilalakad ko lamang ang mga lugar na gusto kongpuntahan.Ang una kong pinuntahan ay ang simbahan na kahit saang lugarako nandoon ay tanaw na tanaw ko. Ito ‘yong simbahan natinatawag nilang “Il Domo” o Basilica di Fiore. Ang laki-lakinito at napakahaba (may 500 metro x 38 metro ang sukat).Itinuturing itong isa sa pinakamalaking simbahan sa buongmundo. Ito sinimulang itayo noong 1294 at napapalamutian itong mga iba’t-ibang klaseng marmol na may iba’t-ibang kulaytulad ng pula, puti, berde at iba pa. Ang harapan ng simbahan aymay Gothic na disenyo. Ang basilika at ang katabi nitong "belltowe"r ay dinisenyo ni Giotto. Pagkatapos ko dito ay sumakayako ng bus upang makahanap ng iba pang magandangmapapasyalan. Matapos ang ilang minutong pag-lalakbay aybumaba ako sa isang lugar na mayroong isang simbahangnakapukaw ng aking pansin dahil sa maganda nitong disenyo.Noong bumaba ako at nagtanong-tanong tungkol sa pangalan ngsimbahan ay nalaman ko na simbahan pala ito ng Sta. Croce.Hindi ko na nagawang pumasok sa loob ng simbahan dahil mag-gagabi na noong makarating ako dito. Kaya bilang ala-ala aynagpakuha na lang ako ng larawan dito.Kinaumagahan nang sumunod na araw ay nagpaalam na ako atnagpasalamat sa mga paring nagpatuloy sa akin sa kanilangkonbento. Ngunit ang paalam ay hindi ibig sabihin ay uuwi naako.Sa kinagabihan pa plano kong umuwi dahil marami paakong pupuntahan sa Firenze. Ang sumunod kong pinlanongpuntahan ay ang Galleria del Academia. Nandito kasi ‘yongsikat na istatwa ni “David” na ginawa ni Michelangelo. Ngunitbago ako nagpunta dito ay may namataan akong simbahan na
  • 17. malapit lang sa Academia. Napukaw ang aking pansin dito dahilsa gilid ng simbahang ito ay may isang museo. Nalaman ko nangpuntahan ko ang lugar, na ito pala ‘yong Basilika at Museo niSan Marco. Laking gulat ko dahil nang pumasok ako sa loob aypuro pala mga paintings ni Beato Angelico ang mganakadisplay dito. Natuwa ako dahil ilang araw bago akopumunta sa Florence ay nakabili ako ng segunda manong librotungkol sa mga paintings ni Beato Angelico na plano kongipanregalo sana sa mga kaibigan ko sa Pilipinas. Matapos angisang oras na pag-iikot-ikot ko sa loob ng museo at simbahan aynaglakad na ako patungong Galleria del Accademia. Malayopalang ay pansin ko na ang napakahabang pila ng mga taongnagnanais na makapasok sa loob ng galleria. Ngunit gaya ngibang mga lugar na pinuntahan ko hindi na ako pumila pa dahilalam kong maiintindihan naman nila ako dahil sa akingkapansanan. At tulad ng lahat ng mga lugar na napuntahan kona, libre akong nakakapasok sa loob matapos kong ipakita sakanila ang dokumento na nagpapatunay na ako ay isang iskolarng gobyerno ng Italia. Tipikal ang museong ito dahil katuladibang mga museo na nabisita ko na, puno rin ito ng mgapaintings ng mga sikat na Italyanong painters.Nahahati ang mgapaintings ayon sa siglo ng kanilang pagkakagawa.Sa akingpagkakatanda, mula ika-13 siglo hanggang ika-18 siglo ang mgapaintings na nakadisplay dito. Ang karamihan sa mga paintingsna ginawa sa ika-13 hanggang ika-14 na siglo ay mga"tempera". Samantala, ang mga paintings sa ika-15 siglohanggang ika-18 siglo ay mga "oil paintings". Sa mga"distemperang paintings" na nakita ko, napansin ko rin maramidito ay “illuminated” o nahahaluan ng ginto ang ilang parte ngpaintings. Karaniwan ang ginto ay inilalagay sa bandang ulunanlalo na kung ito’y ulo ng santo o ni Birheng Maria o ni Kristo
  • 18. Hesus. Ito ay upang ipahiwatig ang kanilang pagkabanal atkapangyarihan. Ngunit sa lahat ng mga nakita ko sa loob ngmuseo, ang higanteng istatwa ni David ang pinakagusto ko, atmaging ng halos lahat ng mga taong namamasyal dito. Ito’ygawa ni Michelangelo, isang batikang iskultor, painter atarkitekto. Halos lahat na yata ng mga artworks sa Italya ay gawaniya. Bawal itong kuhanan ng larawan dahil siyemprepinagkikitaan nila ang pagbebenta ng mga larawan nito. Ngunitmatigas ang aking ulo dahil patago ay kinukuhanan ko ito ngmga larawan.Pagkatapos ng mahigit sa isa’t kalahating oras na pagliliwaliwko sa loob ng Galleria del Academia ay denisisyonan ko ngumalis dahil marami pa akong ibang lugar na pupuntahan.Ang sumunod na tinarget kong puntahan ay ang Galleria Uffizi.Gaya ng dati panay lakad lang ang ginawa ko upang makaratingdito. Wala rin kasing sasakyang pinapayagang pumunta dito.Maluwag naman ang daan pero marahil ang dahilan upang hindina ito pinapadaanan pa ng mga sasakyan ay upang hindi namagkaroon ng traffic sa daan dahil napakarami kasing mgataong naglalakad sa kalye. Ang ganda ng mgatanawin papuntang Piazza Signoria kung saan naroon angUffizi Gallery. Magkabila kasi ng kalsada ay puno ng mga iba’t-ibang tindahan tulad ng mga damit, mga panregalo, at magingmga gelato o ice-cream. Inabot ng mahigit sa isang oras napaglalakad bago ko narating ang Plaza Signoria mula sapinanggalingan kong Galleria del Accademia. Mahigit dalawangkilometrong lakad din kasi ang ginawa ko. Pagod na pagod akopero siyempre hindi ko ito inalintana dahil alam kongmagandang lugar naman ang aking pinupuntahan. Alam kong ito
  • 19. na ang plaza dahil sa mga malalaking istatwa na aking nakita salugar na ito. Ang pinakamalaking istatwa dito ay iyong istatwani David na ginawa rin ni Michelangelo. Napapaligiran ito ngmaliliit na istatwa ng mga babae at mayroon din itong fountain.Ilang minuto lang ang itinagal ko dito dahil maghahapon na atalam kong magtatagal ako sa loob ng Uffizi Galleria dahil ayonsa aking pagbabasa malaki ito at napakaraming mga paintings atistatwang nakadisplay dito. Hindi nga ako nagkamali dahil nangnagpunta ako dito ay nagkandasawa ako pagtingin sa mgapaintings dito. Halos lahat ng mga paintings na nakikita kolamang sa mga libro ay dito ko nakita. Halimbawa dito ay angpainting ni Leonardo da Vinci na “Assumption”. Nandito rin angmga paintings nila Carravagio, Giotto(Majesty), RossoFiorentino (Angel Musician), Simone Martini(Annunciation),Botticelli (Allegory of Spring at Birth of Venus), Michelangeloat marami pang iba. Ngunit nang madaanan ko ang mgapaintings ni Philippino Lippi ay napangiti ako dahil naisip kongbaka kababayan natin ito dahil sa pangalan niyang Philippino.Ngunit isang illusyon ko lang ito dahil alam kong wala siyangkoneksiyon sa ating bansang Pilipinas. Mahigit dalawang oraskong inikot ang buong galleria. Kahit na masakit na ang akinglikod at kasukasuan sa paglalakad ay tiniis ko, at pinagsikapankong makita ang halos lahat ng mga artworks na nakadisplaydito. Nakatanim kasi lagi sa isip ko na hindi ko dapat palagpasinang mga ganitong pagkakataon dahil maaring hindi na muli paito dumating sa akin.Pagkatapos sa Galleria Uffizi ang huli kong pinuntahan ay angsikat na “Ponte vecchio”. Mga 200 metro lang ang distansiyanito sa Galleria Uffizi. Sa may daanan papuntang Ponte Vecchio
  • 20. ay punong-puno ng mga tindahan at mga tao na nagtitinda ngkung anu-ano. Ang napansin kong karamihang nagtitinda dito aymga Afrikanong dumayo pa dito upang maghanap ng kanilangkapalaran. Sa halos lahat yata ng probinsiya ng Italia aynaroroon sila. Sa Roma, madalas ko silang nakikita sa mayCastel San’t Angelo at sa Vaticano. Dagli silang nagtatakbuhankapag may dumarating na mga pulis. Ilegal kasi ang pagtitindasa kalsada kung walang permit at hindi nakapagbabayad ngbuwis sa gobyerno. Nang marating ko na ang Ponte vecchio aynapangiti ako dahil lugar lang pala ito kung saan ay mayroongmaraming tindahan ng mga alahas na ginto. Hindi na akomasyadong nagtagal dahil wala naman akong perang pambili ngalahas at saka malapit ng dumilim. Ang kamang-mangha dito saItalya ng panahong iyon ng tagsibol(Spring), alas-ostso na nggabi ay saka palang papalubog ang araw. Noong makarating akosa estasyon ng tren ay napuwersa akong bumili ng first class natiket dahil ‘yong murang ticket ay baka abutin na ako ngmadaling araw bago ako makarating sa Roma.Dahil sa sakit ng buo kong katawan mula sa mahabangpaglalakbay sa Firenze ay ipinasya kong huwag na munangpumasok sa eskwela. Nagpadala na lamang ako ng text messagesa aking mga professora sa Institute na hindi ako makakapasokng araw na yaon.Ang mga lugar na aking napuntahan sa Italya at ang mganatutunan ko sa pag-aaral ng “Restoration and Conservation ofArtworks” tulad ng paintings ay itinuturing kong isangnapakagandang ala-ala na dadalhin ko hanggang ako’ynabubuhay. Labis ang aking pasasalamat sa Diyos dahil sakabila ng aking kapansanan ay binigyan Niya ako ng
  • 21. pagkakataon na makapag-aral at makalibot ng libre sa bansangito. Itinuturing kong isang malaking suwerte itong dumating saaking buhay at dahil dito lalo kong pinupuri ang Diyos naMaykapal.(Prof. Crisencio Paner has been teaching at the College of Fine Arts and Design,University ofSanto Tomas Manila for more than 18 years now. He has also been restoring paintings andother artworks since 2000. His portfolio can be found in his blog,http://cmpaner.blogspot.com (The Painting Doctor-Restorer/Conservator. He can becontacted at mobile nos. 0999-9401794 or at 02 4162489)