Your SlideShare is downloading. ×
Profile of pocholo gonzales
Profile of pocholo gonzales
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Profile of pocholo gonzales

120

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
120
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
1
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  1. PAGPAPAKILALA KAY G. POCHOLO DE LEON GONZALES MAGANDANG GABI PO SA INYONG LAHAT! ANG GABING ITO AY TOTOONG MAKASAYSAYAN KUNG SAAN ANG ISA SA PINAGMAMALAKING ANAK NG ANTONIO G. LLAMAS ELEMENTARY SCHOOL AY MULING NAGBABALIK UPANG MAGBIGAY PUGAY AT PARANGAL SATIN. SIYA NAGTAPOS SA BATCH 1991 BILANG HONOR STUDENT,A PERO SIYA AY MAS NAKILALA BILANG, AKTIBO, BIBO AT TOTOONG MAKULIT- KUNDI MAN PASAWAY NA ESTUDYANTE. SA KATUNAYAN, MAY ILANG BESES DIN SYANG NAPAPAGALITAN DAHIL SA KADALDALAN, KAKULITAN, KALOKOHAN AT SYA AY TINALI NG ISANG TITSER PARA LAMANG MANAHIMIK! (AT KUNG SINO ANG MABAIT NA TITSER? SIYA NA MISMO ANG MAGSASABI MAMAYA!)..DANCER, HOST, AT LEADERS O LAGING TAGA-PANGUNA SA MGA PROGRAMA SA ESKWELAHAN. ISINABUHAY ANG PRINSIPYO NG KANYANG IDOLONG SI DR. JOSE RIZAL… LUMAKI SA BARANGAY SAN CARLOS AT SA ISANG PANGKARANIWANG KOMUNIDAD AT ORDINARYONG PAMILYA, ANAK NILA AVELINA AT LUIS GONZALES DE LEON NA KASALUKUYANG MUNICIPAL ADMINISTRATOR NG ATING BAYAN, SUBALIT MAY “EXTRA-ORDINARYONG” PANGARAP AT MGA MITHIIN SA BUHAY. NAGTAPOS NG SEKONDARYA SA DATING PUP LABORATORY HIGH SCHOOL,KUNG SAAN NAGPATULOY SA KANYANG PAGIGING AKTIBO AT BIBO SUBALIT SA MAS KAKAIBANG KAKAYAHAN, TULAD NG PAG “VOICE OVER” (O PAGKAKAROON AT PAG-GAYA NG IBAT-IBANG BOSES) BILANG HOST AT DJ. DAHIL SA MGA MITHIIN AT SA KAGUSTUHANG MAABOT ANG MGA PANGARAP, NAKIPAGSAPALARAN SA MAYNILA UPANG MAG AUDITION PARA MAG ARTISTA NGUNIT NAGING ISA SA PINAKABATANG REPORTE NG “TATAK PILIPINO” SA ABS CBN CHANNEL 2 AT RADION BROADCASTER/TALENT NG DZMM, DZRH BILANG RADIO DRAMA TALENT, TAGABOSES SA MGA RADIO AD AT TV AD, BATIBOT BILANG TAGABOSES AT DUBBER/DIRECTOR NG ABSCBN/CINEMA ONE AT HERO TV SA MGA ANIME. PUMASOK SA UP (UNIBERSIDAD NG PILIPINAS) SA KURSONG SPEECH COMMUNICATIONS, AT NAGPATULOY NA MAHUBOG NAG GALING AT TALENTO. DAHIL SA PAKIKIPAGSAPALARAN, NATUTONG MAMUHAY AT TUMAYO SA SARILING PAA BILANG ISKOLAR NG BAYAN, WORKING STUDENT AT NAKILALA SA PAMUMUNO
  2. AT PAGBUO NG MGA SAMAHAN BILANG MAGALING NA STUDENT LEADER AT ITINATATAG ANG ISA SA PINAKAMALAKING GRUPO ANG VOICE OF THE YOUTH NETWORK NAIKOT ANG BUONG PILIPINAS AND NARATING ANG IBAT-IBANG PANIG NG MUNDO TULAD NG AMERIKA, KOREA, AUSTRALIA, JAPAN, CHINA, SOUTHEAST ASIA, BILANG REPRESENTATIVE AT SPEAKER NG ATING BANSA DAHIL SA KANYANG KONTRIBUSYON SA PAG UNLAD NG MGA KABATAAN AT MGA PROYEKTO O PROGRAMA NA NAGBIBIGAY NG OPORTUNIDAD AT PAGHUBOG NG KANILANG MGA TALENT, KINILALA AT TUMANGGAP NG MGA “PARANGAL/RECOGNITIONS’ SA LOOB AT LABAS NG BANSA TULAD QUEZON CITY YOUTH ACHIEVERS AWARD, YOUTH IN ACTION AWARD SA NEW YORK, CITY AT YOUTH ACTION NET AWARD SA WASHINGTON D.C. HANGANG SA KUNIN NG PANGULO NG PILIPINAS BILANG TECHNICAL ASSISTANT FOR YOUTH AFFAIRS SA MALACANYANG PALACE. SYA RIN ANG NAG REPSRESINTA SA MGA KABATAAN NG BATAAN SA NATIONAL YOUTH PARLIAMENT AT NATIONAL YOUTH SUMMIT AT NAG NAGGING DELIGADO NG PILIPINAS SA INTERNATIONAL YOUTH PARLIAMENT SA SYDNEY, AUSTRALIA. SIYA ANG TANGING NAGING PARTICIPATING YOUTH NA TAGA BATAAN SA SHIP FOR SOUTHEAST ASIAN YOUTH PROGRAM. SA NGAYON, SYA ANG PRODUCER NG MGA PANGKABATAANG PROGRAMA SA RADYO AT TV, ANG VOICE OF THE YOUTH RADIO, YOUTH SERVICE, VOICE OF THE YOUTH TV, TEK TOK TV AT CREATIVE BUSINESS SA GLOBAL NEWS NETWORK. ISANG BATANG ENTREPRENEUR- MAGALING NA NEGOSYANTE, TINAYO ANG ANG SARILING KUMPANYA ANG CREATIVOICES PRODUCTIONS KUNG SAAN ITO AY NAGBIBIGAY BUHAY AT TINIG SA MGA RADIO COMMERCIALS, TELENOVELA, ANIME/CARTOON SHOWS. PINARANGALAN NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO, GOVERNOR TET GARCIA AT CONGRESSMAN ABET GARCIA NG MOST INSPIRING YOUNG ENTREPRENEUR NG GO NEGOSYO, AT MARAMI PANG MGA URI NG PROGRAMA AT PROYEKTO KATRABAHO ANG MGA MALALAKING KUMPANYA, PRESTIHIYOSONG MGA SAMAHAN AT MGA PERSONALIDAD TULAD NA LAMANG NG MGA MALALAKING NEGOSYANTE, KUMAKANDIDATONG SENADOR AT PRESIDENTE. AT PATULOY PANG TUMATANGGAP NG MGA KARANGALAN AT IPINAKIKILALA SA BUONG MUNDO ANG PILIPINAS. (KULANG ANG UMAGANG ITO UPANG SABIHIN ANG IBA PA NYANG NAGAWA) MGA GURO, MAG-AARAL, MGA MAGULANG AT KABABAYAN, ISANG KARANGALAN NA IPAKILALA ANG ATING “GUEST SPEAKER” SA MAKASAYSAYANG IKA 50-ANIBERSARYO NG ATING PAARALAN, AT SA KANYANG MENSAHE AY SIGURADONG LILIKHA NG KASAYASAYAN SA ATING MGA PUSO AT ISIPAN..ANAK NG MARIVELES, ANAK NG BATAAN, APO SA TUHOD NG ISANG BAYANI, SARILING ATIN… ANG VOICEMASTER NG PILIPINAS… GINOONG POCHOLO DE LEON GONZALES.

×